Chapter 11

NANG sumapit ang edad niya na labing lima ay maraming ang nakakapansin na tumatangkad na siya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakapagpalit ng anyong lobo na sobrang kinalulungkot niya.

Madalas na sabihin sa kaniya ng ina na ayos lang ang lahat lalo na hindi naman siyang pure blooded wolf at may dugo rin siya ng fae. Kaya iba ang paraan ng pagpapalit niya kaysa sa ibang mga batang lobo.

Pinagpatuloy niya ang pagsuot ng PE uniform nila sa Greenville University. Nasa loob sila ng girl's locker room para mag palit dahil may P.E class sila na dapat attend-an.

Hindi siya gano'n kagaling pagdating sa mga bola. Kahit anong klaseng bola na sport ay hindi niya magawa maiayos ang laro. Kung papapiliin siya, sport ng tracking field ang pipiliin niya dahil mahilig siyang tumakbo.

Sinara niya ang locker niya nang matapos siya magbihis. Pagkatapos ay lumapit siya sa whole body mirror sa loob ng locker room.

Simula nang makilala niya ang lima ay hindi na rin siya gano'n inaaway ng mga batang nakakasalamuha niya kapag nalalaman ng mga ito na half breed siya. Ngunit hindi pa rin nag babago na wala pa rin siyang kaibigan.

Kinuha niya ang rubber band nakasuot sa kaniyang wrist at tinali ito sa mahaba niyang buhok. Pagkatapos ay tinitigan niya ang sarili kung mukha ba siyang presentable man lang.

Napalingon siya sa gilid niya nang makarinig ng tawanan. Nakita niya na lumabas na ang ilan niyang mga kaklase. Sa huling pagkakataon ay pinatitigan niya ulit ang sarili, dumako ang paningin niya sa sobrang iksing short ng school nila. Agad niya niyakap ang sarili at lumabas ng girl's locker room.

Bumungad sa kaniya ang malamig na hangin na nang gagaling sa aircon ng gymnasium. Hindi gano'n karami ang estudyante sa loob dahil iba-iba ang oras ng P.E nang bawat year.

Sa kabilang court ay nakikita niya na may ibang year din ang gumagamit. Basketball naman ang sport na nilalaro ng mga ito. Pinatitigan niya ang mga kaklase niya. Hindi pa nag sisimula ang laro nila. Umupo muna siya sa malapit bleachers at doon inantay ang guro nila na magiging referee rin nila.

Bunutan ang magiging team nila at halo ito. Hindi lang puro babae, may kasama rin silang lalaki sa magiging team nila. Nabalik ang tingin niya sa kabilang side nang court. May mga team din ang mga itong babae.

Sa panunuod niya sa mga ito ay nakita niya ang bagong dating na lalaki na nakasuot ng PE uniform at may nakapatong na jersey shirt sa katawan nito.

Pinagmasdan niya ang likuran ni Gunner. Kahit sa batang edad nito ay may maganda na itong build na katawan. Nagulat siya nang lumingon ito sa kaniya at nakakunot na pinagmasdan siya nito.

Nailang naman siya rito at tumayo na dahil dumating na ang teacher nila pero ang mga mata ni Gunner ay hindi man lang lumubay sa kaniya. Pinatitigan pa siya nito mula ulo hanggang tumigil ito sa ibabang bahagi niya na kinapula niya nang sobra.

Nang iangat na ni Gunner ang paningin sa kaniya ay masama na itong nakatingin sa kaniya na kinatakot niya kaya dumiretso na talaga siya sa unahan para bumunot ng magiging team niya.

HINDI makakilos nang maayos siya habang nag lalaro ng volleyball. Ilang beses na tuloy siya napagalitan ng mga ka-team niya dahil palagi missed ang bola kapag napupunta sa kaniya.

"Ano ba, Nyebe! Isa pang missed mo sa bola!" Sigaw ng captain nila sa team. Kanina pa ito naiinis sa kaniya. Kulang na lang ay ilipat siya nito sa ibang grupo.

"Take it easy, peeps." Marahan na ani ng ka-team nilang lalaki. Nasa likuran niya ito.

Paano naman kasi, hindi na nga siya marunong mag laro ay nadadagdagan pa ang stressed at pressured niya sa mga mata nakatingin sa kaniya sa gilid ng bleachers. Hindi niya alam kung bakit ito nakaupo roon lalo na may klase naman ito.

Rinig na rinig pa nga niya ang mga takbuhan at talbog ng bola sa kabilang court.

"Nyebe!"

"Bwisit naman!"

"Miss! Pwede po ba na ialis si Nyebe? Hindi naman siya marunong mag laro."

"Kaya nga, Miss. Matatalo kami."

Kaliwa't kanan ang naririnig niyang reklamo sa ka-teammate nila. Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan na hindi maiyak sa mga pinagsasabi ng mga ito sa kaniya.

Agad pa siya nag panic nang makita si Gunner na tumayo sa pagkakaupo nito sa bleachers at makikita rito ang galit.

Hindi niya alam ang gagawin. Nag pa-panic na siya. Pinatitigan niya ang mga kaklase niya at ang guro nila at ang galit na si Gunner.

"Mi-miss!" tawag niya sa guro nila. Tinaas niya pa ang kamay para makuha ang atensyon nito. "Aalis na lang po ako. H-hayaan niyo na lang po ako ang magligpit ng ginamit na n-net," saad niya rito.

Natahimik naman ang mga kaklase niya at ang guro nila. Kahit si Gunner ay tumigil din at nakatingin sa kaniya ngayon. Namula siya sa hiya dahil nasa kaniya ang atensyong ng buong klase na hindi niya gusto.

Binalingan niya si Gunner at inilingan ito.

"Kung ayan ang makakabuti sa lahat. Pinapayagan kita, Miss Nyebe."

"Salamat po, Miss."

Kusa na siya umalis sa court at umupo sa bleachers. Sinundan naman siya ni Gunner at tumabi nang upo sa kaniya.

"Why did you stop me?" mababakas sa boses nito ang inis pa rin.

Pinaglaruan niya ang daliri niya habang pinapanuod na tumuloy sa paglalaro ang kaklase niya.

"Nyebe."

"Sorry, kuya. Ayoko lang na lumaki pa."

"Sa tingin mo ba sa ginawa mo titigil sila? No, Nyebe. They won't."

"A-alam ko naman."

Narinig niya na malalim na bumuntong hininga ito.

I will wait you. We'll talk later," anito sa kaniya bago ito tumayo at bumalik sa klase nito.

NAUNA magpalit ang mga kaklase niya ng uniform habang siya naman ay dumiretso sa net, bola at score board na pinag gamitan ng mga ito.

Napansin niya pa ang masamang tingin ng kaklase niyang babae sa kaniya bago ang mga ito tumuloy sa pagpunta sa loob ng locker room.

Inayos niya muna ang mga bola na ginamit at inilagay sa volleyball cart. Pagkatapos niya ay inayos naman niya ang scoreboard na nasa gilid at inalagay sa isang hindi kalakihan na box na itim. Sinunod naman niya ang table at chair na ginamit ng guro.

Napadako ang tingin niya sa mga ilang kaklase niya na kakalabas lang galing sa loob ng locker rooms. Mga naka suot na ang mga ito ng uniporme. Binalewala na lang niya ang mga tingin ng mga ito sa kaniya at nilapitan na ang net para tanggalin ito.

"Hey."

"Kuya Gunner."

"Tulungan na kita," anito sa kaniya at nag simula na ito mag tanggal sa kabilang side ng net. Hinayaan na lang niya ito at baka mahuli na siya sa susunod nilang klase na may masungit na teacher.

Nang matapos sila ay si Gunner na rin ang nag bitbit nito sa loob ng storage room habang hinila naman niya ang volleyball cart at sinundan ito.

Maingat nilang inilagay ang mga gamit sa volleyball at baka mapagalitan siya kung hindi iingatan ang mga ito. Nang matapos sila ay sabay na sila lumabas at nag tungo sa locker room.

"Salamat, kuya."

Tumango naman ito sa kaniya bago ito nauna pumasok sa loob ng boy's locker room.

Pumasok na rin siya sa opposite na silid ngunit hindi pa siya nakakalapit sa locker niya nang maramdaman ang isang kamay na humila sa braso niya at isinandal siya nito sa dingding.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top