Chapter 10

KAHIT sinabi niya na gusto niya puntahan sina Primo at Echo kahapon ay hindi siya pinayagan ng tatlo. Dahil masyado raw busy ang dalawa and they couldn't risk the possibility na mawalan ng focus ang dalawa, kapag pumunta sila na hindi niya rin maintindihan dahil bibigyan niya lang naman ng pagkain sina Echo at Primo.

Hindi naman niya guguluhin ang mga ito. Bibigyan niya lang talaga ng pagkain.

Gusto sana niya magtampo kaso hindi niya ginawa dahil mukhang tama naman ang ginawa nila. Hindi lang naman basta-bastang gawain ang ginagawa ng dalawa.

Tinitigan niya ang magulang niya na masayang naguusap habang kumakain sa hapagkainan. Ngayon na lang ulit sila nakapagsabay kumain dahil masyado naging busy ang kaniyang ama sa loob ng pack house. Madalas doon ito natutulog o kumakain.

Inabot niya ang clear glass sa gilid niya na may laman na gatas at ininom ito.

"Kumusta 'yong pagpunta niyo sa Greenville? Nakapag-register ka na?" Tanong ng ama niya sa kaniya.

"Yes po, Tay. Sinamahan po ako ni mama." Tumango-tango naman ang ama niya sa naging sagot niya.

"Nakita rin namin si Leah. Anak ni Doctor Dawn. Umuwi na pala sila."

"Oo, pinapunta si Alpah sa council dahil nga umuwi na sina Doctor Dawn at ang anak nito. I heard, siya 'yong magiging bagong main doctor sa council at Elfhame. Narinig 'ko rin isa sa dahilan kung bakit pinauwi ito ay may sakit ang bunsong prinsipe niyo." Kwento ng kaniyang ama sa kaniyang ina.

Ang Elfhame ay kung saan naninirahan ang mga faeries. Kung saan may reyna at hari ang mga ito. May tatlong anak ang reyna at hari. Dalawang lalaki at isang babae. Ang alam niya ay lalaki ang panganay at bunso ng mga ito at babae naman ang pangalawa sa tatlo.

Hindi niya pa nakikita ang mga ito. No'ng tinuturo kasi ng ina niya sa kaniya ang history kung saan nag mula ang ina niya ay tinulugan niya ito na hindi niya dapat ginawa.

Mamaya rin ay hihiramin niya ang libro ng ina para magbasa ulit sa mga ito para kahit pa-paano ay may alam siya sa mga lahi niya kapag pumunta sila sa Elfhame next week.

ANG Elfhame ay nahahati sa tatlong pulo. Ang una ay Earth land, kung saan naninirahan ang hari't reyna ng mga faeries at elf. Halos puno at iba't ibang halaman din ang makikita sa pulo na ito.

Karaniwan ay dito kumukuha ng mga halamang gamot ang mga fae at kadalasan na rito din kumukuha ang mga witches para sa mga recipe ng mga ito sa ginagawang potion.

Ang pangalawa naman ay ang Water Land, kung saan nakatira ang mga hayop naninirahan sa tubig. May mga sirena rin naninirahan sa pulo nito.

Habang ang pangatlo naman ay ang Fire Land, kung saan ginagawa ang mga instrument sa paglalaban. Katulad ng mga espada ngunit ang pulo nito ay hindi gano'n kalaki katulad ng dalawang nauna.

"Ano 'yang binabasa mo?"

"History of Elfhame." Nahihiya na sagot niya kay Echo.

"I see." Ani pa nito sa kaniya.

Nagulat pa siya nang makita si Echo na kasama ng tatlo. Ang kwento ni Echo ay tinulungan niya lang si Primo tapusin ang pag lo-locate ng mga nawawalang lobo sa pack nila.

Na-amazed siya sa mga ito. Sa batang edad ay responsible na ang mga ito at nakakatulong na sa kanilang mga ama.

Hindi pa rin nila kasama si Primo dahil hindi pa rin umuuwi ang ama nito na Alpha nila.

"Pupunta kasi kami next week sa Elfhame at baka mag stay kami ni mama ng tatlong araw do'n bago magpasukan. According kay mama, matalik na kaibigan nito si Doctor Dawn."

"Tatlong araw?!" Nabaling ang paningin niya kay Apollo na bigla na lang sumigaw na kakapasok lang sa loob ng silid nito.

Kumuha kasi ito ng inumin nila. Bitbit pa nito sa tray ang mga baso na may laman ng juice.

Hindi sila pumunta sa kakahuyan ngayon at kasalukuyan sila nasa bahay nila Apollo.

"Y-Yes, kuya..."

"Apollo, bunganga mo." Sita ni Indigo sa kaibigan.

"Problema mo ba? Bahay naman namin ito, kaya pwede ako sumigaw."

"That's not what I meant." Naiiling na ani ni Indigo rito.

"Eh, ano?"

"Tingnan mo si Nyebe. Pinaiyak mo na naman."

Mariin niyang kinagat ang labi nang tumingin si Apollo sa gawi nila ni Echo. Pinahiran niya ang luha na tumulo sa kaniya mata.

"I'm o-okay." Saad niya sa mga ito.

Lalapit na sana si Apollo sa kaniya nang magulat siya nang batukan nang kakapasok lang si Apollo.

"Kuya Primo!" Masiglang tawag niya rito.

Tumayo pa siya para puntahan ito at yakapin na kinagulat ng lalaki.

"Easy there, little pumpkin."

"Na-miss kita, kuya. Are you okay na ba? Mahirap ba 'yong pinapagawa ni Alpha sayo? Bakit ka pala andito? Tapos ka na? Baka pagalita—"

Natigil siya sa pag sasalita nang halikan siya nito sa labi.

"I missed you, too." Saad nito sa kaniya habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

"Teka nga lang!" Singit ni Apollo sa kanila.

"You missed him? Paano naman kami? I didn't hear you say na-miss mo rin kami kahapon."

"Kuya, kasama ko naman kayo kahapon. Si kuya Primo, hindi."

"But hindi naman ganyan reaksyon mo kay Echo." May pagbibintang na sabi ni Apollo sa kaniya. Tumaas pa ang kilay nito sa kaniya.

"Apollo! Shut the fuck up!"

"Nilang mo! Porket sinabihan ka lang na-miss."

"Kuya Apollo/ Apollo." Sabay na sita nila ni Gunner dito.

Napansin niya sa tuwing nagsasalita na si Gunner o Echo ay madalas na tumatahimik ang tatlo.

Habang kay Echo ay naiintindihan niya dahil mas matanda ito sa kanila pero kay Gunner ay hindi niya pa rin naiintidahan kung bakit natatahimik bigla ang mga ito.

Hindi naman kasi pasalita ito at madalas na tahimik lang. Based naman sa pinapakita nito sa kaniya ay mabait naman ito, kaya hindi niya maintindihan ang tatlo.

"So, you're going to Elfhame?" Napabalik ang tingin niya kay Primo nang mag salita ito ulit.

Nakangiti na tumango-tango siya rito. "Yes, next week, kuya."

ILALAGAY na sana niya sa likuran ng sasakyan ang mga bagahe nila na dadalhin para sa tatlong araw nilang pag si-stay sa Elfhame City nang may kamay na humawak sa bitbit niyang bag.

Nakita niya si Indigo na kinuha ang bitbit niya sa kamay at ito na mismo ang nag lagay ng bag sa loob sa sasakyan. Silang dalawa lang kasi ng kaniyang ina ang aalis at maiiwan ang kaniyang ama rito sa Redwood.

"Hi!" Bati ni Indigo sa kaniya nang tumingin ito sa kaniya pagkatapos nito ilagay ang bag sa loob.

Ngumiti siya rito. "Hi, kuya? Bakit ka nandito?"

"Gusto lang kita makita bago ka umalis."

"Gusto rin kita makita, kuya. Don't worry, I'll be back agad."

Hahawakan na sana ni Indigo ang kaniyang kamay nang marinig niya ang boses ng magulang sa likuran na kakalabas lang ng bahay nila.

Kusang sinara na ni Indigo ang likuran nang trunk ng sasakyan at sabay na sila humarap sa bagong dating.

"Hijo, andito ka pala!" Saad ng kaniyang ina kay Indigo.

Nakita naman niya na nag kamot ng batok si Indigo at namumula pa ang tenga,

"Sabi po kasi ni Nyebe na aalis kayo. May pinuntahan po ako sa malapit at dumaan na lang din po ako rito nang makita ko po 'yong sasakyan niyo naka-parked."

Natawa naman ang kaniyang ina. Kahit ang kaniyang ama ay may ngiti rin sa labi.

"You don't need to explain naman, hijo. Hindi ko naman bibigyan ng malisya at kaibigan mo naman ang anak ko." Saad ng kaniyang ina kay Indigo na mas lalong kina-pula ng tenga at leeg nito.

"Ingat po kayo sa biyahe." Tanging nasabi na lang ni Indigo sa kanila. May ngiti sa labi na hinawakan niya sa braso ito.

"Pasabi sa apat na babalik din ako agad."

Tumango naman si Indigo sa kaniya at tinitigan ang kamay niyang nakahawak sa braso nito.

"Anak, mauna na tayo at baka gabihin tayo sa daan."

"Yes, po."

Lumapit ang kaniyang ama sa kaniya at binigyan siya ng isang halik sa noo. "Mag iingat kayo, anak."

"Opo, tatay."

Bumaling naman ang kaniyang ama sa ina niya at hinalikan ito sa labi. "Drive safe, hm?"

"Of course, I will love." Hinawakan pa ng kaniyang ina ang pisngi ng ama at marahan ito tinapik. "I love you." Ani ng ina niya.

"I love you, too. Mag iingat ha?" Bilin pa ulit ng kaniyang ama.

Pinagbuksan na siya ni Indigo ng pinto sa passenger seat. Nag paalam siya rito at pumasok sa loob.

Sumunod na rin naman sa kaniya ang kaniyang ina sa driver seat at nilisan ng panandalian ang Redwood pack nila papunta sa Elfhame kung saan lumaki ang kaniyang ina.

MAKALIPAS ang dalawa't kalahating oras na biyahe ay nakikita na niya sa hindi kalayuan ang malaking kaharian ng Elfhame City kung saan nang galing ang kaniyang ina.

Ang sabi sa kaniya ng kaniyang ina ay hindi pa siya nakakapunta sa Elfhame simula sanggol siya at ito pa lang ang unang beses niya makakatapak sa lugar na ito.

"Ma?" Tawag niya sa ina habang nakatitig pa rin sa tawanan sa labas.

"Yes, honey?"

Nilingon niya ang ina at makikita ang ngiti sa mukha nito.

"How was it like to lived here po?"

Pinanuod niya ang paglawak ng ngiti ng kaniyang ina habang inaalala nito ang paninirahan sa Elfhame. Makikita na naging maganda ang pagtira nito rito based sa pinapakita nitong reaksyon sa kaniya.

"Masaya, anak. Madalas magluto ng meryenda ang lola mo and I always help her kapag gumawa siya."

"May pinagmanahan ka pala, ma." Natatawa niyang komento rito.

"Don't worry at pupunta tayo sa lola mo. Matagal ka na no'n gusto makita at puro sa litrato ka lang niya nakikita."

"Ayaw po ba nila lola dumalaw sa'tin?"

"Hindi sa gano'n, anak. Sadyang mahigpit lang talaga ang pack at matanda na rin ang lola at lolo mo."

"Then, kapag mas lumaki pa po ako, ma. Ako na pupunta sa kanila."

"Matutuwa panigurado sila."

Napabaling ang paningin niya sa labas kung saan mas lalong lumalaki ang magandang kaharian ng Elfhame City. Nasa tuktok ito at sa ibaba naman ay ang mga tahanan na panigurado para sinasakupan nitong mamayanan.

"Welcome to Elfhame City, anak."

"Ang ganda rito, Ma." Manghang-mangha niyang saad rito habang nakatanaw pa rin sa mga tahanan nadadaanan nila.

Maraming makukulay na bulaklak ang nasa paligid. May nakikita rin siyang mga paru-paro na lumilipad. Madami rin mga halaman ang nakapalibot sa bawat tahanan.

Binuksan niya ang bintana at dinama ang fresh air na pumasok sa loob ng kanilang sasakyan.

"Ma, this is Earth Land po diba?"

"Yes, anak. This is Earth Land you are looking now."

PINAGMASDAN niya ang malaking tahanan nasa harapan niya ngayon. Katulad ito ng mga bahay na nadaan nila simula makatapak sila sa City ng Elfhame.

Puro iba't ibang uri ng halaman, puno at bulaklak ang nakikita niya sa buong paligid na sobrang kinatuwa niya. Nakakagaan ito sa kaniyang pakiramdam.

"Aria!"

Lumingon siya agad sa tumawag sa pangalan ng ina niya. Lumabas ang isang Babaeng matangkad na sa tingin niya ay hindi nagkakalayo ang edad nito sa kaniyang ina.

"Ate Dawn!" Balik na tawag ng ina niya rito. Lumapit ito kay Doctor Dawn at yakapan ang dalawa sa harapan niya habang siya ay nakatayo lang bitbit ang bag niya habang pinapanuod ang dalawang matanda nasa harapan niya.

Napansin niya na tumingin ito sa kaniya habang yakap pa rin nito ang ina.

"Teka! Si Nyebe na ba 'yan?"

Humiwalay ang ina niya rito at parehas na hinarap siya ng mga ito na kinapula ng pisngi niya.

"Anak, si tita Dawn mo."

Ngitian niya ito. "Hello po, ako po si Nyebe."

"Oh moon goddess! Ang ganda mong bata. Manang mana ka kay tita."

"P-Po?" Nagtataka natigilan siya sa sinabi nito.

Parehas naman natawa ang dalawa sa kaniya ngunit ang tawanan ng mga ito ay natigil nang marinig ang sigaw na nang galing sa loob ng bahay.

Nagulat pa siya nang biglang lumipad si Doctor Dawn papasok sa loob na sinundan ng kaniyang ina.

Naiwan siya sa labas na naguguluhan sa nangyayari. Natakot din siya kung bakit may sumigaw. Nilingon niya ang kanan't kaliwa niya ngunit wala siyang nakitang nilalang man lang nasa labas.

Kahit kinakabahan ay sumunod na siya sa mga ito sa loob. Bago pumasok ay may hagdan muna na hindi kataasan ang dadaan niya bago makapasok sa loob ng bahay.

Naiwan na bukas ang pinto, kaya pumasok na lang siya sa loob pagkatapos ay marahan na sinara ang pinto sa likuran.

Sa hindi kalayuan ay naririnig niya ng malinaw ang mga iba't ibang boses na nag sasalita sa pinakaloob ng tahanan.

"Mom! Hindi siya nakikinig sa'kin!"

"Leah, calm down."

"But Mom, bakit ba nandito 'yan? Ang laki-laki ng bahay nila rito siya sumisiksik!" Rinig niyang pagmamaktol pa ni Leah sa ina.

"Leah!"

Nang makalapit siya sa kusina ay nakita niya ang ina, si Doctor Dawn at si Leah na nakatalikod sa kaniya. Mas lalo siya lumapit sa mga ito at napansin na may isang lalaki na sa tingin niya ay kaedaran ni Leah ang nakaupo sa dining table.

Kumunot ang noo niya ng makita na nakatitig lang ito kay Leah habang nakikita niyang naghihimutok ang babae sa harapan nito.

"Mom! Magaling naman na 'yan!" Rinig niya pang reklamo ni Leah sa ina.

Nakita niya na hinawakan ng kaniyang ina ang braso ni Leah para pakalmahin ito dahil makikita na hindi na natutuwa ang ina nito sa sinasabi ng anak.

Pabalik-balik na tinitigan ni Leah ang ina nito at ang lalaking nakaupo. Pagkatapos ay inalis nito ang kamay ng ina niya sa braso nito at tinalikuran ang mga ito.

Huminto pa ito saglit nang makita siya nakatayo sa door way.

"What?!" Mataray na asik nito sa kaniya bago ito tuluyan umalis.

Binalik niya ang tingin sa ina, kay Doctor Dawn at sa lalaki at nahihiya na nginitian ang mga ito.

PINATITIGAN niya ang lalaki nasa harapan niya sa dining table habang kumakain sila ng gabihan.

Silang apat lang ang naroon. Hindi sumabay sa kanila si Leah. Simula nang umakyat ito sa kwarto nito ay hindi na ito bumaba na sa tingin niya ay masama pa rin ang loob sa lalaking kaharap niya ngayon.

Kumunot ang kaniyang noo na para bang walang pakealam ang nasa harapan niya. Pansin niya kung paanong maarte itong kumain na parang nasa isa itong bonggang kainan na may mga reyna't hari.

"Nyebe, kumusta ang mashed potato at karne?" Tanong ni Doctor Dawn sa kaniya.

Dumako muna ang paningin niya sa lalaki bago niya sinagot ang kilalang magaling na Doctor sa council.

"Masarap po, tita. Parang gusto ko po maguwi," nang masabi niya iyon ay narinig niya ang lalaki tumawa ng mahina na kinalingon niya rito.

Hindi ito nakatingin sa kaniya pero kitang-kita niya ang maliit na ngiti sa labi nito.

"Goddess! My apologies. Nakalimutan ko ipakilala sa 'yo, hija. I thought you know him na." Apologetic na ani Doctor Dawn sa kaniya.

"No, ako 'yong nagkulang sa pagpapakilala sa kaniya. My apologies." Saad ng ina niya. Nagtataka naman siya kung bakit gano'n ang mga naging reaksyon ng dalawang matanda.

"Don't be. It's okay. I preferred them not knowing who I am."

Mas lalo siya nagtaka sa sinabi ng lalaki nasa harapan niya. Pabalik-balik na tinitigan niya ang mga ito.

"Ma?"

"Sweetie, this is the youngest Prince Slate."

"P-Po?!" Binalik niya ang tingin sa prinsipe ng Elfhame nasa harapan niya at sa unang pagkakataon ay nakatingin na ito sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top