CHAPTER 9- Pseudo
Sheyn's
POV
Ang pagsali ko noon sa NVTA ay naging sekreto sa lahat ng kasama ko, kahit na si Marcella ay hindi ko pinagsabihan. Alam kong malalaman din naman niya iyon sa huli ngunit hindi ko inaakalang ganito niya kabilis ako mabubuko.
"Paano mo nailihim sa amin lahat ng ito? No wonder na ang galing-galing mong magrecieve at magdig ng bola! Minsan nga ay nakakaopensa ka pa." hindi makapaniwalang sambit niya.
I really am the best in that position, way back in my training, pati ako ay napapahanga sa aking sarili. I don't know if it's the training or it's me. I've been praised and idolized in that position by the Association. At dahil yun' sa dalawang babaeng nakilala at hinangaan ko.
"Answer me, Sheyn!" sigaw niya habang niyuyugyog ang mga balikat ko.
One has the capability of playing every positions perfectly, while the other one struggled to be the best.
"I've never thought that you will be the first one to know who I really am." iling kong sagot sa kanya.
"Did you just underestimate me?!" sigaw niyang tanong sa akin.
Kung ikukumpara sa lahat ng nakilalang kong mga setter sa NVTA ay walang-wala lamang itong si Marcella, surely she have the passion but she doesn't have the right skills. Through the times that I have recieved the ball, I always gave it to her perfectly but still, her sets are to imperfect to be hit kaya nahihirapan ang mga hitters namin.
Kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa aking mga balikat saka ako umupo habang siya ay nanatiling nakatayo ang tingin ay nakapokus sa akin.
"Ang NVTA ay hindi kagaya ng inaakala mo Marcella." saad ko.
That Association is a Trash. I was once decieved by them, but later on, I discovered something that made me leave.
"Pero bakit mo sinabing prestihisyoso iyon?" naguguluhan niyang tanong, batid kong kahit siya ay pinangarap na makapasok doon.
"It is really prestigious, pero hindi ko sinabing maganda ito." malungkot kong sabi.
Prestihisyoso dahil sa mga magagaling na manlalaro at dahil sa nagmamay-ari nito. Akala nila ay gobyerno ang nagpapatakbo pero doon sila nagkakamali.
Pinaganda at pinabango ko lang ang pangalan upang hindi siya mabuko. That's the least thing I could do for her.
Alam ko ang hirap na dinanas niya kaya hindi ko na kayang makita siyang maghirap ulit, pero ngayon ay parang mapapahamak pa siya sa ginawa niyang desisyon, kung sana ay masabi ko sa kanya na alam ko kung sino siya at nang mapigilan siya sa kung ano ba ang pinaplano niya.
Hindi naging madali ang training, ang mga pasa ay naging masakit at humahapdi habang tumatagal ang panahon. Dahil sa murang edad ay nahasa kami at gumaling sa higit pa sa inaakala ng Asosasyon.
"What do you mean?" naguguluhang tanong niya.
Maganda ang reputasyon ng NVTA sa madla dahil wala silang nalalaman. Kung nalaman sana nila ang pabuyang nasa ulo ng isang atleta upang hindi lamang ito makapaglaro ulit ay madidismaya sila.
"May nangyaring aksidente kaya ako umalis doon."
Kitang-kita ko ang pagdurog nila sa kamay niya. Kitang-kita ko ang hinagpis ng babaeng minsan kong inidolo, ngunit wala akong nagawa. Munting bata pa lamang at wala akong kayang gawin kundi ay manahimik lamang, at yun' ang pinagsisihan ko.
"What kind of accident?" kinakabahan niyang tanong halos garalgal ang tinig nito.
"Aksidenteng nakapagpaiba ng trato ko sa lahat ng taong inidolo at sinunod ko doon." sagot ko.
Mali ang naging desisyon ko sa panahong iyon, dahil sa maling hakbang ay umalis at hindi na siya nagpakita.
"Ano ba kasi yun'?!" pilit niya pang tanong sa akin.
Kailangan ko nang umalis at baka may masabi akong makapagpapalagay sa akin sa aking huling hantungan.
"Hindi mo na kailangang malaman." may diin kong saad.
Iniwan ko si Marcella, naging matunog ang kanyang pagsigaw upang bumalik ako pero hindi ko ito pinansin. Masyado nang magulo ang sitwasyon ngayon, dumarami na ang nagtatanong, nalalapit na ang peligro at kailangan ko nang mag-ingat.
Halos limang taon na ang nakakalipas ng mangyari ang isang delubyo sa buong NVTA. Lahat ng nakapasok na mga atleta sa Asosasyong iyon ay napaiyak, nagdalamhati at sumigaw sa tindi ng pagsisisi, kasama ako doon.
I was only 11 years old when I decided to join the Association, mahirap lamang kami kaya kinailangan ko ng scholarship upang makapag-aral, kaya naman ng makita ang karatulang nangangailangan sila ng atleta ay nagmadali ako upang makapasok kahit na wala akong alam sa larong volleyball.
Maraming nagduda sa aking kakayahan, kasama din doon ang aking pamilya. Sinabi nilang maghanap na lamang ako ng iba pang scholarship sapagkat kahit na alam kong hindi ako makakapasok ay pinilit ko pa rin. Pinag-aralan ko ang larong iyon pero iba pa rin kapag ako ay makapaglaro. Wala akong nagawa dahil lahat ng nasa aming baranggay ay walang gustong kumausap sa akin, binansagan akong baliw dahil sa pangarap kong suntok sa buwan.
Nang araw na kailangan ko nang magtry-out upang makapasa ay nakita ko ang mga talento ng bawat isang manlalarong ninanais na makapasok, nawalan ako ng pag-asa dahil alam ko sa sarili ko na wala akong experience sa paglalaro at puro konteksto lang ang alam ko sa larong iyon na halos lahat ng nakasulat sa mga librong ibinigay ng Asosasyon at kinabisa at pinag-aralan ko.
Pinagsakluban ako ng langit at lupa. Hindi lamang iyon dahil halos umuwi ako nang makita ang dalawang babaeng nagpanganga sa aking bibig. Naging mga sisiw ang mga manok na nakita ko kanina.
Ang pagpalo na nakita ko sa mga atleta bago pumasok ang dalawa ay walang-wala ng makita ko ang pagpalo ng dalawa. Magkaiba man ang estilo ay tila bang hindi mapapantayan ang kanilang galing, ang kanilang kilos ay tila bang tantyadong-tantyado, ang lakas na ibinibitaw sa bawat pagpalo ay saktong-sakto lamang upang hindi madig ng isang libero.
Ngunit ang isa ay tila bang walang emosyon kahit na pulidong-pulido ito kung pumalo habang ang isa naman ay puno ng kompyansang mahihigitan ang isa dahil kahit na wala akong eksperyensya ay alam kong may kulang sa kanyang mga galaw.
Tila nabuhayan ang loob ko nang makita ang kanilang mga palo dahil doon ay ginusto kong maging libero, nang dahil doon ay nakapasok ako.
Naging inspirasyon ko silang dalawa, dahil sa kanilang dalawa ay nagsumikap akong maging magaling na libero pero nang lumipas ang isang taon ko sa Asosasyon ay may natanggap kaming balita, na magbabakasyon ang isa sa kanila habang ang isa ay nanatiling mag-eensayo.
Ngunit sa hindi inaasahang panahon ay nakapunta ako sa storage room nung araw ding iyon dahil may kukuhanin ako, walang taong pumupunta roon dahil ang mga personnel lang at ang mga iskolar ang nakakapunta roon, doon ko siya nakita kasama ang mga gwardiya habang binabali ang kanyang kanang kamay, nakita ko kung papaano siya umiyak at sumigaw upang awatin ang mga gwardiya, nakita niya ako kaya sumigaw siya, humingi ng tulong ko pero nang tutulungan ko na sana ay pinagbantaan ako ng mga gwardiya ba kukuhanin nila ang scholarship ko. Wala akong nagawa umalis ako doon nang umiiyak, nagdadalamhati at napapasigaw sa pagsisisi, hindi ko man lang natulungan ang iniidolo ko, ang naging susi sa lahat ng mga pangarap ko.
"I've never thought na dito pa kita makakausap."
Napatigil ako sa paglalakad, kung sinuswerte ka nga naman, hindi ko na kailangang hanapin pa siya. Pinunasan ko ang luhang nahulog bago siya hinarap.
"Ang mga kagaya mo kasi ay swerte." nakangiti kong pahayag.
Anong karapatan niyang magsalita ng parang walang nangyari at wala siyang kasalanan sa lahat ng nangyayari?
"Swerte?" naguguluhan niyang tanong.
Parang ganoon na nga swerte ka at walang alam si Zandria, she doesn't know the plans that you're making and I bet you're already half way in accomplishing your goal.
"Swerte sa paghahanap ng disgrasya." may diin kong sagot.
Swerte man siya dahil pumayag si Zandria, ay nagkakamali siyang maglalaro ito sa gusto niya.
"Ha! Disgrasya?" natatawa niyang tanong.
Tinitigan ko siya. Alam kong pati ako ay nahihirapang irecieve at idig ang mga serbisyo at palo niya, pero hindi siya kasing galing ng inaakala niya at wari ko ay alam niya rin yun' kaya naririto siya sa harapan ko.
"I'm telling you na ang paglalaro mo dito kasama ako ay isang disgrasya."
Tinitigan niya lamang ako, napawi ang kanyang ngiti sa labi at inayos ang gusot na damit.
"Ganon'? Makinig ka Mendoza, hindi kita makakasamang maglaro kaya anong ikinagagalit mo?" nakataas ang kilay niyang tanong.
"Hindi ako galit, I just want to clarify some things."
Napahiya ako sa sinabi niyang hindi ako kasama sa Team, pero anong magagawa ko? Totoo naman talaga iyon. Hindi man ako makakapaglaro ay naririto pa rin ako palagi magmamatyag at tutulong.
"If you want to know kung bakit ako nandidito ay hindi kita masasagot."
And why is that?
"Wala akong pakialam kung bakit ka nandito at kung ano man ang sadya mo. Ang gusto kung malaman ay kung bakit mo pa gusto paglaruin si Zandria."
Natigilan ito. Nag-iisip kung ano ba ang isasagot sa akin.
"Injured ka, anong magagawa ko?" sagot niya.
"My ingury is nothing compared to hers. Alam mo yun." galit kong saad.
Nagagalit ako dahil parang ako yung may kasalanan, kung sana ay hindi nalang ako nainjury!
"Her coping mechanisms are quite good-"
"Did you saw how her right hand tremble?"
"Mawawala-
"Bullshit! That's so fucking bullshit Xiania! Ano ba talaga ang gusto mo at dinamay mo pa siya?!"
Namasa ang kaniyang mga mata ngunit hindi sapat upang lumuha siya. Plastik. Kung akala niyang mapapaniwala niya ako sa mga ganyang niyang taktika ay nagkakamali siya.
"I need to get to the National Team." nakayukong sagot niya.
I can't believe it!
"You can do it with your Team."
She has her own Team. Bakit kailangan niya pang lumisan doon at dito pumasok sa amin? Nasa unang distrito kami masasabi ko talagang mahirap matalo ang kampeon sa ikalawang distrito, tinitingnan ko pa lang ang kanyang mga galaw kanina ay napapayuko na ako, ano pa kaya kung ang buo niyang mga Team?
"I was kicked out." mahina niyang saad.
Nakakagulat, the great Xiania Clementine Medina was kicked out! Never did I thought na mararanasan niya yun'. She was raised with honorable manners kaya papaanong nakicked out ito?
"Pero bakit dito ka pa pumasok?" tanong ko.
"Kailangan kong matalo yung Team ko, kailangan kong ipakita na wala akong kasalanan."
"You're using us." hindi ko makapaniwalang sambit.
"No, I'm using them without you." may diin niyang sambit.
Gusto ko siyang sampalin ngunit kailangan kong ipagpahinga ang kamay ko, kailangan ko nang makapaglaro upang tantanan niya na si Zandria. Hindi magandang biro ang ginagawa niya.
Magagabi na ng ako ay makauwi sa bahay, amg kaninang nakanguso kong mukha ay lumiwanag ng salubongin ako ng mainit na yakap ng aking kapatid, nilinga-linga ko kung kasama niya ba ang aming Ina ngunit wala akong nakita.
"Ate, Kamusta po ang araw niyo?" inosente nitong tanong.
Hindi ko nagawang sagutin ang tanong sapagkat wala akong ilaw na nakikita sa aming maliit na barong-barong.
"Shine, bakit wala tayong ilaw?"
"Pinutulan po kasi tayo ng kuryente kaya nangutang muna si Nanay." sagot niya saka ako inakay papasok sa bahay.
Kung hindi lang sana ako nainjured ay may ipangbabayad kami sa kuryente. Kulang pa nga ang naging bayad namin sa ospital dahil sa lintek na injuring ito!
Narinig ko ang tunog ng gutom na tiyan ng aking kapatid hindi ko tuloy mapigilang maguilty.
Nagmamadali kong binuksan ang bag saka kinuha ang biskwit na dapat ay kanina ko pa kinain pagkatapos magpraktis, ito ay bigay ng aming club. Palagi kong itinatabi ang mga pagkaing binibigay nito para sa aking kapatid dahil batid kong wala na kaming pera sa pagbili ng kahit isang biskwit man lamang.
"Shine, kainin mo muna ito at pagbalik ni Nanay ay meron na tayong makakain."
Tango lamang ang naging sagot niya saka nilantakan ang pagkaing ibinigay ko.
Buti na lamang ay may isang kandila pang naririto sa bahay kaya yun' ang naging ilaw namin sa madilim na gabi. Nakauwi si Nanay dala ang pagkain at ang bundok labahin.
"Kamusta ang kamay mo, anak?" tanong ni Nanay.
"Medyo okay na po, Nay." sagot ko.
"Salamat naman anak, sana naman ay maghinay-hinay ka sa pagkilos at baka mabinat ka." alala niyang sabi.
Tango lang isinagot ko.
"Nay? Naalala niyo po ba ang idolo ko sa paglalaro ng volleyball?" tanong ko.
Napahinto ito sa pagkagat sa inasal pati na rin si Shine ay napatingin sa amin.
"Yung babaeng hindi na nagpakita pa?" tanong nito.
"Bumalik po siya."
Kita ko ang kaba sa mga mata ng aking Ina.
"Sigurado ka ba? Magtransfer ka na lang at baka madamay ka anak." kinakabahan niyang sabi.
"Nay, hindi naman po niya kilala si Ate kaya siguro naman ay hindi naman madadamay si Ate." sagot ni Shine.
Napatingin ang aking Ina sa bunsong nagsalita.
Nang matapos sa pagkain at paghugas ay nakahilata ako ngayon sa aking higaan kasama ang aking kapatid.
"Alam mo kung bakit walang bansag sa manlalarong inidolo ko?" tanong ko sa kapatid.
Naramdaman kong umupo ito sa gilid ko, ganito siya palagi, gustong-gusto niyang kinikwentuhan ko siya tungkol sa mga bagay na hindi ko makwento sa kahit na sino.
"Bakit naman po ate?" kuryuso niyang tanong.
Kahit nakapikit ay nakangiti ko siyang sinagot.
"'Wala akong bansag dahil walang makakapantay na salita sa galing kong maglaro.' yun ang sabi niya."
Mayabang kong tawagin ay totoo naman talaga, she has no pseudo name because no words can define how great she plays.
"Kaya ba hindi niya hiningi ang pangalan mo dahil alam niyang walang makakapantay sa galing mo ring maglaro?" sambit ng kapatid ko.
Dahil sa sinabi niya ay napamulat ako at napabangon.
Ganon' ba kataas ang naging trato niya sa akin? Ganon' ba ang kanyang iniisip? Pero bakit hindi niya ako maalala? Hindi niya ba gamay ang mukha ko?
Kung ano man ang pinaniniwalaan at hakbang na tatahakin niya ay susuporta ako nang sa ganon' ay mapatawad niya ako sa kasalanang hindi ko alam kung alam niya o kung kinikimkim niya lang ba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top