CHAPTER 7- Practice

Ps- this is the first time na may authors note. Hehe. I just want you to listen to Dream Glow by BTS while reading this chapter. It will surely help you to feel the vibes. Thanks! Pero kung malapit na kayo sa end ng chapter listen to Butterfly by BTS din. Hehe. Love you all! 💜

Zandria's
POV

Sa loob ng labing-walong taon ko sa mundong ito ay masasabi kong napakahirap, napakahirap ng bawat segundo. Mahirap dahil wala akong pangarap gustong abutin, mahirap dahil ang pangarap ko noon ay tila ba naglaho kasabay ng pagdaan ng panahon. Nawala ito at tinangay ng hanging hindi na bumalik.

Nakakaingit, naiingit ako kay Marcella, Ada, Yssa, Maxine, at sa lahat ng mga kasama ko. Nakikita ko kung gaano nila kagusto ang manalo at makapasok sa National Team, nakikita ko sa kanilang mga mata ang determinasyon, na para bang ito lang gusto nilang gawin upang maging masaya na sila? Alam kong alam nila na marami pang mga laro ang kailangan nilang laruin at kailangang maipanalo para makapasok sa Team na iyon, sasabak pa sila sa Palaro at yon ang pinakamahirap sa lahat. Yun' ang nalalaman ko.

Alam kong lahat ng tao sa mundo ay mayroong pangarap, hindi ba ako tao? Nahihibang na siguro ako.

Bakit ba kasi wala na akong pangarap? Bakit hindi man lang napalitan ang pangarap kong nawala? Nakakainis.

Ito ba ang dahilan kung bakit nawawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay?

"Aren't you going to change your clothes? Don't tell yan yung isusuot mo?" irap na tanong ni Maxine sa akin.

Bakit ba kapag nagsasalita sa Maxine ay umiirap ito? Hindi ba ito napapagod? At ano naman ang pakialam ko? Tiningnan ko ang buo kong katawan, nakauniporme pa pala ako, mabuti nalang at binilhan na ako ni Mang Baldo. Kung papaano niya nalaman ang size ko ay hindi ko alam.

"Mamaya na." matamlay kong sagot.

Narinig kong lumapit siya sa akin saka buong lakas niyang hinila ako palapit sa kanya. Nabigla ako. Masakit ang kanang kamay ko at dahil sa paghila niya rito namimilipit na ngayon ako sa sakit, pero hindi ko ipinakita iyon sa kanya. Nunkang gagawin ko yun'.

Wala akong ganang makipag-away sa kanya ngayon, sadyang wala talaga akong gana. At ang makita siya sa harap ko ay nakakawalang-gana, oo na't maganda siya pero hindi ako tibo, lalaki din ang hanap ko, ngunit wala pa akong nahahanap na pasok sa panlasa ko.

Ano ba itong naiisip ko?

"Mamaya? Are you kidding me?" nagtitimpi niya sabi.

Hindi ako nagbibiro. Gusto ko sanang sabihin ngunit ayoko nang magsalita. Nakakarindi ang kanyang tinig, napakatinis kasi nito.

At nandito na naman tayo, nakatingin na naman sa amin ang lahat. Ilang beses na bang nangyari ito?

Si Xiania ay parang walang nakita at patuloy lang ang papupunas ng bola, sina Ada, Yssa at Marcella naman ay halatang kinakabahan na. Si Sheyn ay nakaupo habang nakatingin kay Xiania. At ang iba ay ipinagpatuloy ang pagwawarm-up. Siguro'y sanay na sa ugali ng kanilang Kapitana.

"You can't just sit there, while we're practicing our ass off!" sigaw niya sa mukha ko.

Unlady like. Minsan lang ako mag-ingles, at yan lang ang masasabi ko sa kanya. Sa ganda ng mukha niya ganoon din kapanget ang ugali nito.

"Makakapagpraktis ka naman kahit na nandito ako diba?" inosente kong sabi na nagsindi sa umaalab niyang mga mata.

"Stop it, Maxine. Hayaan mo na lang siya."

Napalingon si Maxine sa nagsalitang si Sheyn habang nakatingin pa rin ito kay Xiania. Naiinis na binitawan niya ang kanang kamay ko, na ikinaginhawa ko naman.

Hindi ko pa rin naalala kung saan ko siya nakita. Si Sheyn. Saan ko ba ito nakita? Bakit parang kilalang-kilala niya kami ni Xiania? Bakit nararamdaman kong alam niya ang lahat ng nangyari noon?

"Okay! Magbibihis na ako." suko ko.

Nagbihis ako kahit na hindi kumportable sa numerong nakaburda sa damit. Hay. Pwede ko naman sigurong palitan to hindi ba? Sa kabilang banda ay wag na lang pala at baka ano na naman ang sabihin nila. Hindi pa man matagal ang pagkakakilala ko sa kanila ay medyo gamay ko na ang mga ugali ng nandidito.

"It looks good on you." ani Marcella.

Binuksan niya ang isang pouch saka kumuha ng pulbo at ibibigay sana sa akin ngunit tinanggihan ko ito kaya naman ay nagkibit-balikat ito at sa mukha niya lang inilagay. Hindi ako gumagamit ng polbo, sapat na ang pagpunas ko sa mukha at ang pagkagat sa bibig upang mamula.

"Nakita ko si Sheyn." sabi niya habang nilalagyan ng pulbo ang mukha.

Nakita saan? Sa Gym? Nakita ko rin naman, sinabi ko ba sa kanya?

"Ha?" syempre hindi ko naman kailangan bastusin siya diba?

"Sa magasin."

"Magasin?"

Baka kamukha lang. Saang magasin? Sa FHM? Sa taglay na ganda ng katawan ni Sheyn ay pupwedeng makapasok siya ron'. Haha. Syempre joke lang.

"NVTAs Magazine."

Napakatagal na nang huli kong mabasa ang magasin na iyon. Wala naman akong dapat na kabahan. Teka, nakita niya roon si Sheyn? Anong ginagawa niya doon? Wag mong sabihing-

"She was wearing the number 2 jersey." nakaharap na siya ngayon sa akin. Hinuhuli ang aking mga mata, inoobserbahan kung masisinungaling ba.

Hindi ko alam ang kailangan kong sabihin. Ano ba talaga ang kailangang sasabihin ko? Hindi ko kilala talaga si Sheyn, ngayon ko nga lang siya nakilala.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Bakit ba sa akin mo sinasabi ang lahat ng ito?" naiinis ko nang tanong.

Sino ba ang hindi maiinis? Ako palagi ang tinatanong niya?! Pwede namang si Sheyn nalang ang tanungin niya.

"Kasi kilala mo si Xiania."

Dahil lang don'?! Kaya ako ang binibwisit niya? Syempre ngumiti ako sa kanya. Naguguluhan siguro sa nangyayari kaya hindi na magawang manahimik. Kahit nga ako ay naguguluhan din.

Isipin mo isang former NVTA trainee at mukhang dalawa pa ang makakalaro niya at ang isa don' ay nagmula pa sa kabilang distrito habang ang isa naman ay matagal niya nang nakasama ngunit hindi niya alam na sa NVTA din pala nagmula?

"Paano mo nasabi?" walang emosyon kong pahayag.

Wow. Ang ganda ng tanong ko. Nakakabobo. Sa dami ng tanong na pwede kong itanong ay yun' pa anag lumabas sa bibig ko.

"Kasi-"

Hindi natuloy ang pagsasalita niya ng magpito na si Maxine. Siya ang Kapitana kaya syempre siya ang pumito. Alangan namang si Sheyn?

Itutuloy pa sana ni Marcella ang sasabihin ngunit nagmadali akong lumabas, mahirap na at baka kung ano-anu na naman ang itatanong niya. Hindi ako magaling magsinungaling kaya wala akong nagawa kung di ay magpanggap na natatakot malate. Nakakainis.

"Vergara dito ka." dinig kong sabi ni Sheyn.

Nahihibang na nga ako. Napatingin ako sa jersey ko. Libero pala ako. At hindi ako magaling magdepensa kaya kailangan kong matutunan ito kay Sheyn. Umatras ang paa ko papunta sa kanya. Pupunta na sana ako sa court eh. Nakakabanas naman oh!

Alam kong napakagaling ng NVTA sa paghahasa ng mga atleta kaya habang tinuturuan niya ako kung paano mag dig ng bola ay hindi ko maiwasang magtanong sa aking isip kung bakit siya nandidito imbes na ipagpatuloy ang training doon.

"C'mon Vergara! Focus!" sigaw niya kaya naman ay nagmamadali kong hinabol ang bolang pinalo niya, ngunit hindi ko ito naabutan. Naiinis kong hinampas ang sahig. Naiirita ako!

"Paano ka makakadepensa ng maayos kung nasa ibang planeta ang atensyon mo?" mahinahong tanong niya pa.

"Hindi ganito ang basics Sheyn. Bakit ito na ang itinuturo mo sa akin?" naiinis ko nang tanong habang pinahiran ang butil ng pawis sa mukha.

"Alam mo na ngang hindi ito ang basics diba? Bakit ngayon ka lang nagreklamo?" nakangising tanong niya.

Nahuli ako doon. Gusto kong hapukin ang sarili.

"Nakita ko kasi sa youtube na-" hindi niya ako pinatapos at pinalo niya ang bola papunta sa akin mismo!

Hindi ko pa rin madig kaya naman ay natamaan ang dibdib ko. Tangina.

"Hinay-hinay naman Sheyn!" sigaw ko sa kanya.

"Walang hitter ang magbibigay ng mahinang palo Zandria!"

Alam ko.

"Ang sabi ko ay sabihan mo naman ako kung papalo ka na!"

Napakabobo mo talaga Zandria.

"Sasabihan ka ba ng hitter kung papalo na siya?!"

Hinuhuli niya talaga ako.

"Sandali at iinom muna ako ng tubig!"

Hapong-hapo ako habang kumukuha ng tubig. Hindi ko pala nakita kanina ang mga palo ni Xiania. At ngayong nakaupo ako paharap sa kanila ay kitang-kita ko na. Ibang-iba na.

Tinitigan ko kung papaano siya pumalo. Mabilis ang pag-angat ng kanyang kamay sa ere kaya naguguluhan ang mga blockers kung saang direksyon niya papaluin ang bola, magbabackrow ba? O magswiswing lang siya? O ihuhulog niya? Mahirap basahin ang galaw ng kanyang kanang kamay. Mahirap unawain kung ano ang kanyang gagawin dahil hindi nahuhuli ang kanyang kamay sa pagpalo kahit gaano pa kapanget ang mga sets ni Marcella.

Ang kanyang paglipad sa ere ay kay ganda din ngunit bakit ganoon nalang kapanget ang landing niya? Nahihirapan siyang bumalik sa pwesto. Hindi siya injured alam ko yun. Kung gaano kaperpekto ang kanyang paglipad ay ganoon din ka awkward ang kanyang palaland. Siguro'y nakukuha niya ang atensyon ng lahat dahil sa ganda ng kanyang opensa kaya hindi nila napapansin ang mga nakikita ko.

"Umalis siguro ng hindi pa naprapraktis ang paglalanding ng tama." rinig kong sabi ni Sheyn sa gilid ko.

Umiinom ito ng tubig habang pinagmamasdan si Xiania at ang mga kasama namin. Napansin niya rin pala.

"Ano kaya ang sasabihin ng Asosasyon kung nakikita nila si Xiania ngayon?" tanong niya.

Hindi ko siya pinansin. Ano naman ang pakialam ko? Matapos lang ang mga laro nila ay aalis na ako dito, isang taon nalang ay magkokolehiyo na ako kaya walang problema.

"Nakakalungkot dahil kung ang paglalanding ang hindi naituro sa kanya, ang sa akin naman ay ang pancake."

Napabaling ang atensyon ko sa kanya. Kung normal na tao ang nakarinig sa kanya ay tatanungin nila itong 'Ano naman ang kinalaman ng pagiging piloto sa pagiging chef?'.

Pancake. Isang salita ngunit mahirap gawin.

Isang pito ang narinig namin, hudyat na tapos na ang praktis. Nagmadali akong naligo at nagbihis, wala na akong kinausap sa kanila. Masakit at kumikirot na naman ang kamay ko kaya kailangan ko lang nang umuwi.

"Aren't you gonna ask me why I'm doing all of these things?" tanong ni Xiania.

Nasa likod ko pala. Napangisi ako.

"Ano naman ang mapapala ko kung tatanungin kita? Tiyak na kasinungalingan lang naman ang isasambit mo." sagot ko.

Lumapit siya at pumunta sa unahan ko saka ako hinarap. Nakita ko ang mga butil ng luha na nagmumula sa kanyang mga mata.
Bakit siya pa ang umiiyak ngayon? Diba siya ang may kasalanan kung bakit nagyayari ito? Nakakainis! Gustk kong magmura! Tiningnan ko ang paligid wala na silang lahat umuwi na siguro.

"I wasn't the one who did that to you! Hindi ako!" pagsusumamo niya pa.

Ni minsan ay hindi ko siya sinisi sa nangyari sa akin. Kasalanan ko kung bakit ako nahantong sa ganito, kaya wala akong dapat na sisihin kung di ay ang sarili ko lamang.

"Bakit defensive ka? Sinisi ba kita?"

"You're not just saying it! But deep down you're blaiming me for what happened!"

Madali niya pinunasan ang kanyang mga luha. Dapat ay maawa ako, ngunit iba ang nararamdaman ko, galit. Galit ako dahil binabalik niya na naman sa memorya ko ang nakaraang ayaw ko nang balikan.

"Nagkakamali ka kung yan ang pinaniniwalaan mo, bakit ka pa kasi bumalik dito?"

"I didn't know that you're studying here." nakayuko niyang sabi ngunit nakita ko ang kanyang ngisi.

Magaling talaga siya aktress bakit ba nalimutan ko iyon? Ang buong akala ko ay totoo na ang paghingi niya nang tawad. Nagbabalat-layo pala ito.

"Ok." sagot ko.

Kung ano man ang gusto niyang gawin ay hahayaan ko lamang siya, ayoko nang mangyari ulit ang nangyari noon.

"Wait! Zandria! Waiiittttttt!!!" sigaw niya.

Hindi ko na siya nilingon. Naiinis ako sa sarili. Napakatanga ko! Kung hindi ko nakita ang ngisi niya ay tatanggapin ko na ang paumanhin niya. Grabe may mga tao talagang hindi nagbabago. Tangina.

"Oh, Iha bakit ka umiiyak?"

Mang Baldo. Nagmadali akong tumakbo sa kanya saka niyakap ito.

"Mang Baldo. Huk!" iyak ko sa kanya.

Basang-basa na ang damit ni Mang Baldo dahil sa mga luhang nangagaling sa akin ngunit niyakap niya na lang ako ng mahigpit. Pagkatapos ng ilang segundo ay tinanggal niya ang mga kamay kong nakayakap sa kanya saka ito pinisil. Napatingin ako sa kanyang mga mata.

"May dalawang uri ng tao sa mundo Iha, ang isa ay ang mabuti at ang isa ay hindi, nasasaiyo kung paano mo malalaman kung sino sa dalawa ang mga tinutukoy mo."

Kailan niya ba papalitan ang kanyang sinasabi niyang kasabihan kapag ako ay umiiyak?

Itinaas ko ang aking tingin. Nakangiti si Mang Baldo, saka pinunasan ang mga luhang nasa pisnge ko. Simula pa noong bata pa ako ay si Mang Baldo na nag palaging kasama ko, akala ko nga noon ay siya yung tunay kong Ama. Nakakatawa.

Kailangan ko na bang sabihin sa lahat? Nang hindi na aako madawit sa ano mang kaguluhang nagaganap?

Ang dalawang tanong na iyon ay hindi nawala sa isip ko hanggang makauwi ako sa bahay. Pero isang bulto ang nakita kong ayaw na ayaw kong makita.

Sino sa dalawang taong tinutukoy ni Mang Baldo ang nasa harapan ko ngayon?

_____

Pancake-This is a defensive play and type of dig where the player throws themselves on the ground and uses the back of their hand to hit the ball. (https://www.sportslingo.com/sports-glossary/p/pancake-volleyball/)

*So guys, usually this term pancake can be executed by everyone in the team, but it is mainly done and perfected by the libero's as they are in charge of the defense below the net. This term is always use in the commentary when you are watching a volleyball game whether it is on the TV or Radio.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top