CHAPTER 5- Blackmail

Zandria's
POV

Dalawang araw na ang nakakaraan ng makapaglaro ako ulit, siguro'y nang dahil doon nanginginig na naman ang kanang kamay ko. Mabilis kong hinablot ang stress ball. Naalala kong epektibo daw ito sabi ng aking doktor kapag kumikirot na naman ang kamay ko, kailan pa ba ako gagaling?

"Zandria! Anak alis na kami ng Papa mo!" sigaw ng aking Ina.

Awtomatiko akong napaupo sa kinahihigaan ko at natapon ko pa ang stress ball, kaya naman ay nagpatalon-talon ito sa bawat sulok ng kwarto ko.

Dalawang araw. Dalawang araw?! Lunes na ngayon?! Putspa.

Nagmadali akong pumasok sa banyo at nagtoothbrush saka naligo. Wala pa akong uniporme kaya pinagtiyagaan ko na ang puting T-shirt at maong na pantalon saka isinuot ang sapatos na kakulay ng bag kong kulay lila.

"Magandang umaga po Yaya Perla, kumain na po ba kayo ng agahan?"

"Magandang umaga rin, Zee. Kanina pa ako kumain bago umalis ang mga magulang mo." sagot nito sa akin habang pinipwesto ang kubyertos sa aking harapan.

Napangiti ako ng tawagin niya ako sa pangalang siya lang ang tumatawag, sinabi niyang hindi raw bagay sa akin ang Zandria kaya ay Zee ang ipinalit niya. Ayaw na ayw nga niyang may tumawag non' sa akin dito bahay, kaya 'Roxe' o di kaya'y 'Zandria' ang tawag sa akin ng mga magulang ko pati na rin ang kapatid kong si Zandrick. Mahilig si Yaya Perlang magluto sa bahay ngunit kung umaga lang ito pinapahintulutan ng aking Ina dahil siya raw ang dapat na magluto dahil siya ang ilaw ng tahanan, wala kaming magagawa kahit na hindi ko halos malunok ang mga iniluluto niya.

Napatingin ako sa pintuan ng ilabas non' si Mang Baldo. Bihis na bihis sa kanyang uniporme, ang balbas nito ay tila ba nadoon na nang wala pa ako sa mundong ito. Napakahaba. Ang taas naman niya'y maiikukumpara sa mga basketbolistang nakita ko na sa personal habang ang kanyang katawan ay katamtaman naman ang laki.

"Iha, magmadali ka na at baka malate ka." sabi nito saka tiningnan ang relos sa kanyang kaliwang kamay.

Naging mabilis ang aking pagkain, pati ang aking pag-inom ng gatas ay halos hinahabol ako dahil sa bilis ng pag-inom ko nito.

"Aba'y hinay-hinay lang naman at baka mabulunan ka Zee!" natataranta pang sigaw ni Yaya Perla.

"Ya, trienta minutos po ang kailangan naming biyahein ni Mang Baldo kaya kailangan ko na pong magmadali." nasabi ko na lang nang makitang aatakehin na nito si Mang Baldo.

Madalas silang mag-away lalo na kapag tungkol sa akin kaya ay madalas rin akong nagiging referee sa gitna nila.

"Iha, may anak akong naboboarding house malapit sa iyong paaralan pwede ka naman sigurong magboard doon hindi ba?" suhestiyon ni Mang Baldo habang kinakamot ang ulo.

Maganda naman ang kanyang suhestiyon kaya lang ay lalaki ang anak niya, yun ang sabi niya noon. Hindi ko nga lang nakilala at hindi pa ito naparito sa bahay sa kung ano mang okasyon na nandito si Mang Baldo. Kuryuso tuloy ako sa mukha at maging sa kilos nito. Kagaya rin ba siya ni mang Baldo?

"At ano, Baldo? Irereto mo siya sa anak mo? Napakapanget mo at hindi ako maniniwalang hindi gumaya sa iyo yun'!" sigaw ni Yaya Perla.

Napangiwi ako. Talaga namang panget si Mang Baldo ngunit taliwas doon ang kanyang ugali, napakabait nito at maasahan talaga. Singkit at pango ang ilong, maitim ang labi dahil sa pagsisigarilyo pero sobra namang laitin iyon. Sabagay ay maganda talaga si Yaya Perla, yun nga lang at matanda itong dalaga.

"Ya. Tama na at aalis na po kami." sabi ko kay Yaya saka ako nagmano at dumeritso sa sasakyan, ganoon din ang ginawa ni Mang Baldo.

Nakayuko ito kaya naman ay napanguso ako.

"Wag kang mag-alala Mang Baldo at saaabihin ko ang iyong suhestiyon sa kay Mama." palubag loob ko dito.

Hindi naman talaga ganoon ka panget ang suhestiyon niya, kung sa akin nga ay okay na okay iyon. Hindi ako mahihirapang gumising ng maaga at saka gaganda ang pagkain ko ngunit tiyak na padadalhan pa rin ako ng pagkain ng aking Ina.

"Saan po ba nag-aaral ang inyong anak?" tanong ko sa kay Mang Baldo.

Bumalik na sa dati ang mukha nito. Nakangiti at walang halong tampo.

"Pareho kayo nang paaralan Iha, baka nga magkaklase pa kayo." nakangiti nitong sagot.

"Kung ganoon ay ipakilala niyo po ako sa kanya." pakiusap ko.

"Bukas nalang siguro at maagang pumupunta iyon sa paaralan."

Panget si Mang Baldo, baka panget rin siguro ang kanyang anak kaya wala akong problema sa pagkumbinsi sa aking Ina, ang aking Ama ay wala namang magagawa kapag nagsalita na ang aking Ina.

Nakarating kami ng paaralan. At sabi na nga bang late na ako. Hindi naging madali ang pagpasok ko sa gate dahil hiningan ako ng I.D. at wala pa ako non'. Kinailangan ko pang tawagan ang guidance councilor upang ako ay makapasok. At kung hindi naging madali ang pagpasok ko ay ganoon din kahirap ang paghanap ko sa aking silid aralan. Nauumpisa na siguro ang klase dahil wala ng tao sa corridors. Naririnig ko rin ang mga tinig ng mga gurong nagkaklase habang ako ay naglalakad.

Ngunit napangiti ako nang makakita ako ng isang lalaking galing sa kubeta. Mataas at nasa katamtaman ang katawan nito, maputi at kasing kinis ng mga babeng nasa magasing nakikita ko sa FHM. Ang tindig nito'y parang modelo habang naglalakad papunta sa akin, sa isang salita Gwapo.

May kausap ito sa telepono at halatang naiirita ito, kung ano man ang sinabi ng tumatawag sa kabilang linya ay natitiyak kong ayaw na nitong makinig.

"Magandang umaga, alam mo ba ang seksyong Luzon?" tanong ko rito ng ibaba nito ang telepono at ilagay sa bulsa ng slacks.

Tinitigan lamang ako nito, hindi man lang ngumiti, maingat niyang pinagpag ang kanyang panyo saka inilagay sa kanyang bulsa at ibinaling ang atensyon sa akin. Hindi nga ako nagkakamali gwapo ito at halatang may kaya sa buhay.

"Come, we're in the same class." mahina nitong sagot.

Sa dinami-rami ng narinig kung tinig ng lalaki ay kakaiba ang tinig niya malamyos ngunit may pagkalalim ito, kung ikukumpara sa tinig ng kapatid ko ay ibang-iba ang estilo nito. Para bang siya lang ang mayroong ganoong tinig? Ano ba itong iniisip ko?

"I'm Zandria Roxe Vergara." sabay lahad ko ng aking kaliwang kamay.

Pinagmasdan niya lamang ito.

"I wasn't asking about your name." maikli nitong saad na ikinapantig ng tenga ko.

Huwawwww. Ito yung kauna-unahang paglahad ko ng aking kamay tapos ito pa ang magyayari?! Nakakahiya. Unti-unti kong itinago sa likod ang kaliwang kamay.

"Napakabastos naman ng iyong sinabi. Diba dapat ay ibibigay mo rin ang iyong pangalan at kakamayan mo ako?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw ang bastos. Kanang kamay ang inilalahad hindi kaliwa." sabay alis nito.

Natigilan ako. Walangya ako pa talaga ang may kasalanan. Tiningnan ko ang kanang kamay ko. Ano ang gusto niyang gawin ko, ang nanginginig bang kamay ang gusto niyang ilahad ko sa kanya?

Nang lingunin ko siya ay ilang dipa na ang layo nito sa akin. Kaya naman ay nagmadali rin akong naglakad para sundan siya.

Naiirita ko siyang tinitigan sa likod. Kung gaano ka ganda ang mukha nito ay ganoon din kapanget ang ugali nito. Nakakainis.

"Good morning Miss. I'm sorry I'm late. Sinamahan ko pa kasi ang tranfereng mamasyal sa buong school." turo nito sa akin.

Tinitigan ko siya ng masakit, napakasinungaling! Kung hindi ko pa siya pinansin kanina ay hindi rin naman niya ako papansinin. Tapos gagawin pa akong excuse?! Ayoko na talaga! Gusto ko nang umuwi.!

Napatingin lahat ang sa aming dalawa. Napaiwas naman ako ng tingin.

"Thank you Mr. Luke. How kind of you." naging sagot ng guro sa kanya.

Kind? Grabe, ganiyan ba siya sa mga ito? Kind?

"And it seems like kilala niyo na ang isa't-isa. You sit beside Mr. Luke. Ms.?"

Ayoko ko man sa suhestiyon ng aming guro ay sinagot ko nalang ang kanyang tanong.

"Vergara." dugtong ko.

Naningkit ang tingin ni 'Mr. Luke daw' sa akin. Hindi ko ito iniwasan kaya naman ay napailing-iling itong tumungo sa kanyang upuan sa dulo. Sinunod naman ito ng tingin ng mga kaklase namin. Manghang-mangha sa paglalakad ng kanilang kaklase.

Nang susunod na sana ako ay napatigil ako sa pagtawag sa akin ng guro.

"You might as well tell us about yourself Ms. Vergara." sabi nito.

Wala akong nagawa kundi sundin ito.

"Ang pangalan ko ay Zandria Roxe L. Vergara. Sana ay makapag-aral tayong lahat ng matiwasay." pagpapakilala ko.

Napangiwi naman ang lahat sa akin. Dahil ba sa paraan ng pagsasalita ko? Anong magagawa ko? Ito ang nakasanayan ko.

Nang makaupo ako sa akong upuan ay napatingin ako sa katabi ko. Hindi interesado sa sinasabi ng guro at ang pagdradrawing lang ang inaatupag nito.

"Sayang at yang si Zandria pa ang katabi ni Luke." narinig kong sabi ng babae sa unahan ko.

Nasa ayos ang buhok at malinis ang uniporme. Napatingin ako sa aking suot, ibang-iba sa kanila.

"Tranferee siya, bakit dito pa siya ipinasok? Ganoon ba siya katalino?"

Ganoon ba ako katalino? Hindi ko alam. Sadyang matalas lang ang memorya ko kaya ni minsan ay hindi ako nakatanggap ng gradong bababa sa nubenta. Dahil sa tanong ng babaeng nakaupo sa unahan ko ay napatigil si 'Mr. Luke'.

"Nagdidiscuss yung guro. Lily." putol nito sa babae nang magsasalita pa sana ito ulit.

"I'm sorry, Luke." sabay pungay ng mga mata nito.

Halatang gusto niya si Luke, ngunit hindi siya nito gusto. Nasisigurado ko iyon. Sa pagtingin ni Luke sa kanya ay parang nakatingin lamang ito sa isang bagay na walang kwenta, kaya nga at naiinis ako sa kanya.

"I almost forgot to say this Ms. Vergara."

Napatingin ako sa aming guro. Nakatingin din ito sa akin. Wala naman siguro akong ginawang mali, hindi ba?

"Po?"

Isa sa mga itunuro ni Mang Baldo sa akin aya ng paggamit ng 'Po' at 'Opo' sa mga nakakatanda pagkatapos kong mapaalis sa nakaraan kong paaralang pinasukan.

"You're temporarily enrolled dahil wala ka pang club na sinasalihan."

Ano? Anong klasing paaralan ba ang napasukan ko?

"Marami tayong clubs ngunit ang volleyball club lang ang nangangailangan ng members."

Napatigil ako. Ganito na ba ako ka malas at pati yang larong yan ay hindi ako maiwanan? Putspa.

"I can help you." sabi ng katabi ko.

Napapantastikuhang tiningnan ko siya. Nabibingi na ba ako?

"May kailangan ka ba sa akin?" natanong ko.

"I don't just offer my help just because I need something from you."

Kanina pa pala nito itinigil ang pagdradrawing at nakatuon na ang pansin sa guro.

"Wag na. Aalis rin naman ako dito."

Nanatiling nakatingin ito sa guro habang ang atensyon ko ay inialis ko na sa kanya.

"Sigurado ka ba? Wala nang paaralang tatanggap sayo." ngiti pa nito.

Paanong?!

"I'm Luke Nicholas Rivera CSA President." pagpapakilala nito sa akin ng hindi man lang ako tinitingnan dahil nakapokus ang atensyon nito sa kung ano man ang sinasabi ng guro sa unahan.

CSA? Casay Student Affairs President? Siya yun? Ibig sabihin nabasa niya ang record ko? Bakit hindi niya ako isinumbong?

"Bakit mo ginagawa ito?"

"It's my responsibility." pormal nitong sagot saka iniligpit ang kanyang mga gamit saka umalis.

Responsibilidad? Diba ay dapat niya akong isumbong dahil sa record ko? Papaanong naging responsibilidad niyang itago iyon at hayaan akong makapasok sa paaralang ito?

Hindi ko namalayang tapos na pala ang klase kaya nanatili ako sa aking upuan dahil don' ay naging lutang ako sa mga sumunod na klase. Wala akong iniisip kundi ay kung paano ako makakaenroll talaga nang hindi pumapasok sa Volleyball Club. Mahilig akong magpinta kaya pwede naman sigurong pakiusapan ang presidente ng Arts and Design Club diba?

Sumapit ang ilang minuto at tunog ng bell ang narinig ko. Hudyat na upang mananghalian. Hindi ko nahirapang hanapin ang Canteen dahil sumunod lamang ako sa mga estudyanteng nalalakad. Maraming tumingin sa akin dahil siguro sa suot ko.

"Zandria!"

Napatigil ako sa paglalakad.

"Ang bilis mo namang maglakad! Where have you been?!"

Si Marcella. Nakauniforme ito. Maganda ang hunbog ng katawan at napakaganda rin ng ngiti nito. At dahil sa pagsigaw nito ay maraming tumingin sa amin.

"Sa silid aralan?"

"At ano naman yung section mo? I've been looking for you, kanina pa!"

Napangiti ako. Naging bastos ang pamamaalam ko sa kanya ngunit nandito siya ngayon at kinakausap ako.

"See? I've been telling you na nasa section Luzon siya."

Tila natigil ang pagtibok ng puso ko. Anong ginagawa niya dito?! Napakaraming paaralan sa buong Pilipinas! Bakit dito niya pa naisipang pumunta at mag-aral? Nasisigurado kong dito siya mag-aaral dahil sa unipormeng suot nito.

Pinakalma ko ang sarili, hindi nila dapat na malaman kung sino ka talaga Zandria kaya wag kang gumawa ng ikakapahamak mo.

"Hi, Vergara!"

Xiania. Bakit ka nandito?

Hindi pa rin ito nagbabago. May binabalak na naman ito, alam ko yun. Kitang-kita ko ito sa ngisi niya dahil sa likod ng ngising iyon ay tiyak na ikakapahamak ko. Napatingin ako kay Marcella, nakangiti ito sa aming dalawa habang hinihintay ang reaksyon ko. At kung saka-sakali ay madadamay ito sa kung ano man ang nasa plano nang babaeng nasa harapan namin. Hindi niya ba kilala ang kasama niya?

Hindi ko tuloy mapigilan ang kaba sa aking dibdib. Ngumingisi lamang ito kapag may binabalak. Ganitong-ganito siya noon, noong mga panahong ginago niya ako. Putspa! At may pahi-hi pa siyang nalalaman? Bakit ganoon kaliit ang mundo?

Nagulat ako ng akbayan ako ni Xiania, inilapit ang bibig sa tenga ko.

"Sasali ka sa Team, Zandria."

Tila ba may dumaan ng demonyo sa harap ko. Putspa! Ano na naman ba ito?! Ayoko nang maglaro! Ayoko nang humawak ng putangshungang bola!

Napatingin ako kay Xiania ang mukha nito ay nakatingim na kay Marcella na nakakunit ang noo. Ngumiti ako kay Marcella. Kaya naman ay napaiwas ito ng tingin at ibinaling ang atensyon sa papunta pa nilang kasama, hula ko ay teammates nila ito.

"Bakit naman ako sasali?" nakangising sabi ko, hindi nagpapahalatang nagsasalita.

"Coz' you'll regret it if you won't oblige."

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay dinagdagan niya na ang kanyang lintaya.

"I will tell them who you really are. What can you do. And what did you do. Kapag hindi ka lang naman sumunod sa gusto ko. Understand?"

Napipi ako.

Ginulo niya ang buhok ko saka tuluyan nang lumisan habang nanatili akong nakatayo.

Ang buong akala ko ay ang paglaro ng volleyball noong nakaraang byiernes ang huli kong laro. Masunsundan pa pala.

_____
Kobe Paras as Luke Nicholas Rivera
AiAi Delas Alas as Yaya Perla

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top