CHAPTER 3- MVP-Rolee
Zandria's
POV
"Oh! Iha, kamusta? Natanggap ka ba?" eksaheradong tanong ni Mang Baldo. Hindi lamang ito ang naging tanong niya.
"May classroom ka na ba?"
"Ano ang mga kailangan mo doon?"
"May sinabi ba ang Principal sayo?"
"Oy, iha." kuha pa nito sa atensyon ko.
Paano ako makakasagot sa kanyang mga tanong kung hindi niya man lang ako binibigyan ng panahon upang sagutin ito?
"Opo." yun na lang ang naisagot ko. Sa dinami-dami ng tanong niya ay ang unang tanong lang naproseso at nasagot ko.
Kinuha niya ang kanyang teleponong hindi ko mawari kung makakapagpapadala pa at makakatanggap ng tawag o mensahe.
Siguro'y tatawagan na ang asawa.
Nang makitang matatagalan pa ito sa pag-uusap ay pumasok na lang ako sa sasakyan. Binuksan ko ang aircon pati na rin ang radyo nito. Isang musika ang tumunog. Pamilyar ang tono pati na rin ang mga liriko nito, pero hindi ko maalala kung saan ko ito huling narinig.
Ito ay para sa mga masa
Sa lahat ng nawalan ng pag-asa
Sa lahat ng aming nakasama
Sa lahat ng hirap at pagdurusa
Bumukas ang pintuan ng sasakyan at pumasok si Mang Baldo, papatayin na sana ang tugtog ng sinyasan kong huwag itong patayin. Naguguluhan niya akong tinitigan. Kung ako man sa kanya ay maguguluhan din. Hindi ako mahilig sa musika at ang pakikinig sa isang kanta ang isang bagay na hinding-hindi ko gagawin lalo pa at nasa biyahe ako. Ngunit wala siyang nagawa kaya naman ay ang pagbuhay at ang pagmamaneho nalang ng sasakyan ang inatupag nito.
Naaalala n'yo pa ba
Binigyan namin kayo ng ligaya
"Diba ay yan yung kantang palaging pinapatutog ni Maam Anne?" tanong ni Mang Baldo.
Hindi ko siya pinansin ngunit hindi doon natapos ang lintaya niya. Marahil ay wala itong palaging kausap kaya naman ay ako nalang ang pinagbuntungan.
"Pagkatapos ng qualifying rounds para sa National Team ay yan yung palaging naririnig ko kapag pinagmamaneho ko siya papuntang paaralan."
Ilang taon na ring lumipas
Mga kulay ng mundo ay kumupas
Marami na rin ang mga pagbabago
Di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang
Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kanya. Kung kanina ay hindi ako interesado sa kanyang salitang binitawan, ngayon ay gusto ko nang tanongin ang lahat ng nalalaman niya ng marinig ang katagang National Team. Ang topikong iyan ay hindi man lang binaggit ng aking Ina ni minsan.
"Masiglang dalaga si Ma'am Anne at talagang makikita mo ito sa kanyang mga mata. Nalaman ko ngang Medisina ang kursong kinuha niya upang makapaglaro ng matagal sa kolehiyo."
Paanong hindi ko to alam? Ang buong akala ko ay Medisina talaga ang gusto ng aking Ina? Ganoon niya ba talaga kamahal ang paglalaro non'?
Ano ba talaga ang nangyari?
"Matagal na panahon na iyon Mang Baldo, tiyak kong minahal na ng aking Ina ang pagiging doktor ngayon."
Mapapatawad mo ba ako
Kung hindi ko sinunod ang gusto mo
"Oo naman Iha, hindi ko lang talaga malilimutan ang saya ng iyong Ina kapag naglalaro ito. Ibang-iba at walang katulad, lalong-lalo na kapag hawak niya ang bola. Ngunit nawala lahat ng iyon ng hindi siya nakapasok sa National Team." nalulungkot nitong saad.
La la la la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la la
La la la la la la la
Kahit ako ay nalulungkot rin ngunit wala akong magagawa matagal na panahon na iyon at nasa nakaraan na. Kahit na ang aking Ina ay nakamove on na kaya wala kaming karapatang pag-usapan uli iyong nakaraan.
"Nang dahil doon naging paborito niya na itong kanta." tukoy pa nito sa kantang naririnig namin.
Pinilit kong iahon ka (yeah)
Ngunit ayaw mo namang sumama
"Naging MVP nga ang iyong Ina, binansagan pa sa pangalang Rolee pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi siya nakuha?" taka pang tanong nito sa kawalan.
Isang tanong ding matagal ko nang itinatanong sa aking Ina, ngunit palagi naman ako nito nginingisihan at iiba nito ang usapan sa halip na sagutin ako naang tapat at totoo. Nawalan na ako ng gana sa pangungulit sa kanya kaya naman ay hindi ko na ito itanong pa sa kanya muli.
At saka MVP? Rolee?
Ito ay para sa mga masa
Sa lahat ng binaon ng sistema
Sa lahat ng aming nakabarkada
Sa lahat ng mahilig sa labsong at drama
"Sa tingin ko'y ang tinatawag nilang management ng Asosasyon ang may kasalanan Iha. Hindi naman sinasabi ko ito dahil napamahal na ang iyong Ina sa akin, pero sadyang napakagaling ng Ina mo, ngunit ngayon ay wala nang nakakakilala sa kanya." nalulungkot nitong saad habang nakatingin sa akin sa salamin ng sasakyan.
Sa lahat ng di marunong bumasa
Sa lahat ng may problema sa skwela
Sa lahat ng fans ni sharon cuneta
Sa lahat ng may problema sa pera
"Matagal nang basura ang asosayong iyon Mang Baldo. At sana naman huwag mo nang babanggitin sa harap ko."
"Pasensya na Iha." paumanhin niya.
Natapos na doon ang pag-uusap namin. Ngunit hindi natapos ang mga katanongang nag-lalaro sa isip ko. Kung hindi ko pa nabuksan ang radyo at naalala ang kantang yun ay hindi ko pa malalaman na naging MVP ang aking Ina saka may bansag pa sa kanya. Bakit Rolee? Bakit yan ang tawag sa kanya?
Nang makarating sa bahay ay hindi ko na nagawang pansinin si Mang Baldo. Masasabi kong nabigla ako sa nalaman. Wari ko rin na hindi niya alam na wala akong alam sa nakaraan ng aking Ina kaya naman ay kaswal ang pagsasalita nito kanina na para bang alam ko ang lahat tungkol sa ginawa ng aking Ina.
Ngunit laking gulat ko nang pagpasok ko sa bahay ay isang confetti ang pinasabog ng aking Ina.
Naguguluhan ko naman siyang tiningnan, matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin saka ako binignan ng halik sa noo. Napapikit ako.
Ma. Ano ba talaga ang nangyari noon? Iwinaksi ko ang tanong. Lahat ng katanongan ay may panahon Zandria, may tamang panahon.
Napansin kong may dala itong cake. Hindi ko kaarawan ngayon at lalong hindi din naman sa kanya. Inisip ko ang kaarawan ng aking Ama. Nakaraan pang buwan iyon kagaya ng kay Zandrick. At isa pa wala dito si Zandrick kaya naman ay hindi ko magawang magtaka.
"Ma, anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
Dapat ay nasa ospital ito ngayon. Hindi ba ito pumasok? Pinagmasdan ko ang buo nitong katawan, kaswal at wala akong nakitang makakapagsabing sa ospital ito galing.
"Congratulating you ofcourse!" napakasaya nitong saad, ang kanyang ngiti ay abot sa kanyang mga mata.
"Po?" natanong ko na lamang.
Hindi siya pumasok dahil lang dito?!
Sa halip na sagutin ako ay maingat nitong inilagay sa table ng sala ang cake saka naman ako binalikan at inakay paupo sa sofa. Hindi ako makapaniwalang hindi siya pumasok para lang batiin ako!
"Syempre naman dapat may cake at saka confetti kung iyan ang itinatanong mo. Dahil sa loob ng dalawang buwang paghahanap mo ng paaralan ay may tumanggap na sa iyo." mahaba pa nitong paliwanag.
Hindi ko alam kung maiinsulto ako o masisiyahan ako. Napakawirdo. Dahil ba ito sa labin-dalawang pagkadalubhasa niya sa Medisina?
"Bakit kailangan pa ng mga ito?" tanong ko habang pinapakita sa kanya ang laman ng confetting nasa buong katawan ko na pala.
"Nakita ko kasi sa Youtube anak."
Gusto ko nang iwan ito. Sa app na yun'?!
"Hindi lahat ng nasa youtube ay maganda Mama, saka allegic ako sa tsokolate." nabibigo kong saad.
"I know naman anak. I'm your mother kaya alam ko kung saan ka allergic."
"Kung gayon ay bakit yan pa ang binili mo?" naiinis ko nang tanong.
"Ako naman ang kakain anak. Hehe." nahihiyang sabi pa nito.
Para bang napipi ako. Grabe. Ano pa kaya gagawin nito kapag umuwi na ang pinakamamahal nitong bunso?
"Rox!" sigaw ng aking Ama.
Sabay kaming napatingin ng aking Ina sa kanya. Humihingal nitong isinarado ang pintuan saka tinahak ang daan tungo sa amin.
"Bakit ngayon ka lang? You're late Engineer Vergara." masungit na sabi ng aking Ina.
"I'm sorry, Darling." hangos na sabi nang aking Ama at hinalikan ng mabilis ang aking Ina saka ngintian ako.
Nangunot ang noo ko. Plinano ba nilang dalawa ito?
"Ma. Pa. Bihis muna ako." paalam ko.
Ayoko nang makitang maglampugan sila sa harap ko. Kahit na hindi naman talaga nila ginagawa yun sa harap ko.
Hindi pa naman nakakarating sa kwarto ay narinig ko ang sigaw ng aking Ina.
"Dalian mo na at maghahapunan na tayo!"
Wala pang alas singko ay maghahapunan na? Nakanight-shift siguro ito. Kung hindi hapon ay hating-gabi na ang aming hapunan dahil parehong busy ang aking mga magulang, lalong-lalo na ang aking Ina.
Walang okasyon? Syempre hating-gabi ang aming hapunan. May okasyon? Syempre kagaya nang nagyayari ngayon.
Okay lang sana sa akin yung ganitong set-up, ang ayaw ko lang ay ang luto ng aking Ina kapag may okasyon! Hindi ko alam kung pagkain ba ng tao o pagkain ng baboy ang nilulutl nito. Maganda ang kanyang presentasyon ng pagkain ngunit kabaliktaran naman ng lasa non'. Ang mga kasambahay sa bahay ay hindi naman pinapagluto ng aking Ina kaya minsan ay sa labas ako kumakain kasama ang aking Ama.
Naiiling kong binuksan ang pinto at pumasok sa kwarto. Malinis ito, siguro'y bagong linis ni Yaya Perla. Maingat kong kinuha ang medalyang hindi ko matapon-tapon, ginto at mabigat ito. Ibinalik ko ito ng maramdamang may luhang pumatak sa kamay ko. Ilang taon na ang nangyari ngunit hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang lahat ng nangyari. Iwinaglit ko iyon.
Naalala ko na naman ang sinabi ni Mang Baldo. Ang buong akala ko ay aksidente lang ang hindi pagtanggap sa aking Ina. Ngunit bakit iba ang sinabi ni Mang Baldo?
Malimit kong ginagamit ang aking kompyuter kaya naman ay wala man lang itong laman kaya ay nagmistulang bagong-bago ang hugis at anyo nito. Nanginginig ang kanang kamay ko nang iopen at isearch ang tanong sa aking isipan.
Kailangan ko na bang bumalik sa aking doktor?
Nang hindi ko na kaya ang kirot ng aking kamay ay maingat ko itong minasahe gamit ang kaliwa kong kamay at nang maramdamang hindi na masyadong masakit ay ginamit ko nalang ang kaliwang kamay upang itype ang mga salitang kailangan ko, pati na rin sa paggamit ay kursor ay gamit-gamit ko rin ito.
"1995 Volleyball Qualifying rounds for the National Team of the Philippines." nasabi ko habang itinatype ito.
Ngunit bakit walang lumalabas?
Bakit iba ang ibinibigay na sagot ng Google akin? Puro 'Medina's selection in the National Team' ang lumalabas. Nagunot ang noo ko. Bakit ganito? Bakit hindi ko makita ang pangalan ng aking Ina?
"Roxeanne Lee for Philippine National Team selection." saad ko habang itinatype ng wala pa ring makitang qualifying rounds para sa Narional Team.
Nabibigo akong sumandal sa upuan ng wala pa rin akong mabasang pangalan ng aking Ina. Bakit hindi ko siya makita dito? Bakit ang kasama niyang si Medina ay hindi ko na mabilang ang artikulo nito? Inalala ko ang sinabi ni Mang Baldo, may sinabi itong MVP at saka Rolee, sana naman ay may mabasa na akong artikulong makakapagsabi kung ano ba talaga ang nangyari noon!
Natulala ako ng ilang segundo ng mabasa ang unang artikulong lumabas ng pindutin ang search button.
"MVP-Rolee steps back for Medina." basa ko.
Paulit-ulit ko itong binasa. Hindi ko kayang mabasa ang buong artikulo. Bakit hindi man lang sinabi ng aking Ina ang tungkol rito? Bakit kailangan niya pang magsinungaling? Bakit sinabi ni Mang Baldo na ang asosasyon ang may kasalanan kung ang Ina ko naman talaga ang umatras?
Nagulat ako nang bumukas ang pintuas at iniluwa ang pigura ng aking Ina, dali-dali ko naman pinatay ang kompyuter.
"Unang araw mo lang ay merong ka nang takdang-aralin?" sabay upo nito sa higaan ko.
"Wala po Ma. Pinanuod ko lang ang mga Music Video ng kapatid ko." pagsisinungaling ko pa.
"Hindi ka talaga marunong magsinungaling Zandria. Ayaw mo sa musika kaya bakit mo naman papanuorin ang mga music videos ng iyong kapatid?" nangingiti ngunit may halong pang-iinis na tanong niya pa.
"Pinanuod ko lang po Ma. Hindi ko po sinabing pinakinggan ko." sagot ko pa.
"Pilosopa!" ngiting sigaw nito.
"Kamusta na kaya ang kapatid mo?"
"Okay lang siguro siya Ma. Uuwi yun' dito kapag wala nang pera. Sige po bihis muna ako." paalam ko.
Ngunit hindi man lang siya gumalaw. Ngumiti siya sa akin saka kinuha ang kanang kamay ko upang pisilin ito napaigtad ako.
"I'm so sorry anak. Masakit pa rin ba? Kung sana ay kaya kong gamutin ang sakit na nararamdaman mo." nguso pa nito.
Mahina kong binawi ang kamay ko.
"Okay lang po ako Ma. Saka hindi naman na po ako maglalaro ulit. Malapit na po ang end of withdrawal ko kaya gagaling na po ako sabi ng doktor ko." ngiti kong saad.
Ngiti rin ang kanyang naging sagot sa akin saka niyakap ako ng mahigpit.
"I will always be here with you anak."
Napangiti ako. Napakasalbahe ko namang anak. Kung ano man ang nangyari noon sa aking Ina ay hindi ko na dapat pinakikialaman. Pero hindi naman siguro ako ganoon kasalbahe kung tatanungin ko siya ng isang tanong diba?
"Ma? Bakit Rolee ang tawag sayo noon?" tanong ko.
"Roxeanne Lee ang pangalan ko noon anak." malungkot na sagot niya saka tuluyan ng lumisan sa aking kwarto.
RO mula sa Roxeanne at Lee? Mahigit isang minuto kong prinoseso ang isang bagay na iyon. Bakit hindi ko man lang naisip yun'?!
______
Agot Isidro as Doctor Roxeanne Lee Vergara
Ian Veneracion as Engineer Alezander Lorenzo Vergara
Baron Giesler as Mang Baldo
Song- Para sa Masa by Eraserheads
Ctto: google images
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top