CHAPTER 23- Larangan

Marcella's
POV

     "Puntahan niyo muna si Zandria doon. Susunod ako." utos ni Sheyn sa aming tatlo.

     Ang tingin niya ay nasa likuran na parang may tinititigan roon. Kanina lang maganda pa ang kaniyang modo ngayon ay kakaiba na. Ginawa pa kaming alipin, a!

    "Pupunta talaga kami doon, ano!" excited na tili ni Yssa at tumalikod na.

     Hindi na pinuna pa ni Ada si Yssa na dapat ay ginawa niya na kanina pa. Ang tingin niya kasi ay nakapako rin kay Sheyn na masyadong kinakabahan. Kuryoso ko silang tiningnan. Ano na naman ito? Habang tumatagal ang panahon ay nagiging weird ang mga tao. Is this the product of climate change also?

    Gosh! Napatakip ako sa aking bunganga. Baka pagalitan na si Sheyn 'nung Nanay niya! Anong oras na ba?! Nagsasaing pa kasi ang babaeng ito, masyado daw silang mahirap para maglakwatsa ng ganitong oras.

    Magsasalita pa sana ako ng naglakad na palayo ang dalawa sa amin, hindi ko na rin nasunod ng aking mga mata dahil may mga tao nang umaalis. Ang sinabi nalang ni Sheyn ay ang ginawa naming dalawa ni Yssa, iyon ay ang puntahan si Vergara sa loob ng gusali, sa locker rooms. Si Ada ay sumama kay Sheyn na hindi ko naman maintindihan kung saan ang kanilang patutunguhan. Hindi naman sila siguro uuwi, hindi ba? Ayokong magcommute! Mainit!

 

   "Saan ba pupunta ang dalawang iyon?" tanong ko kay Yssa, inaayos ang damit kong nagusot pala. Siguro ay sa pagtatalon ko ito kanina.

    Mag-aalas tres pa lang naman. Kaya imposibleng umalis na ang dalawa.

    "Duh? How would I know. Saka hayaan mo nga sila. Marami pa akong tatanungin kay Vergara para pagtuonan pa ng pansin ang dalawang weirdong iyon."

   Napailing ako sa mahaba niyang lintaya. Sabik na sabik na sigurong malaman ang istorya ng isa. Kahit naman ako ay gusto ko rin malaman ang buong kwento! Hindi nga lang ka hyper kagaya ni Yssa.

   Naabutan naming nag-aayos si Vergara ng kaniyang gamit sa loob lamang ng locker room. Ang mga kasama niya naman ay napapatingin sa amin at nagsimula nang magbulungan. Hindi pa sana kami papapasukin dito kung hindi lang namin sinabing kaibigan namin siya. 

   The locker rooms are fine but they are a little bit old. The edges are dangerous, anyone might be in danger as the sharpness of rusty metal envelop it. Napangiwi tuloy ako. Buti na lang at maganda ang locker rooms namin.

    "Anong ginagawa niyo rito?" nakakunot-noo niya pang tanong. Kulang na lang umirap ito. Kung hindi ko lang talaga kilala ang babaeng ito ay bibigwasan ko na.

    Inaayos niya na ang mga gamit at isa-isang nilagay sa Nike na duffel bag, naghahanda nang umalis. Masyado yatang nagmamadali at ayaw nang may sabihin pa kami.

    "What's the grumpiness all about. Panalo tayo, ah." biro sa kaniya ni Yssa.

    Batid ko ay masyado ng excited itong si Yssa na magtanong, nagpapaligoy-ligoy lamang. Parang ang weird naman kasi kung tatanungin niya ng "Wow! Ang galing mo naman maglaro, Vergara. Paano mo nalaman at nagawa iyon? Paturo naman!".

  
    "Bawal kayo rito, ah." nakataas na kilay na sambit ng babae sa gilid niya.

    Napairap ako. Ang OA ha! Para naman kaming lalake kung punahin niya. Saka ang rude lang! Wala bang hi at hello diyan? Ang sarap magmura.

    "Pasensya na, Keena." pagso-sorry pa ni Vergara. "Mga kasama ko sa Team... Sa bagong paaralan ko." sabay iwas niya pa ng tingin rito. Parang kinakahiya pa kami nito, a!

    Tiningnan naman kami ng Keena mula ulo hanggang paa. Looks like she's judging us inside her shorty little head. Napatingin na rin lang tuloy ako sa ayos naming dalawa ni Yssa, mabuti na lang at okay naman. Nakakahiyang mapahiya dito, ano! Teka lang, ito iyong setter kanina!

   "Marcella, pigilan mo ako. Mahahampas ko ng kamay ko 'yang bobitang 'yan." bulong ni Yssa sa akin habang naka-kapit sa laylayan ng damit ko.

   "Hampasin mo na. Nag-aalangan ka pa, e." tudyo ko pa.

    Naramdaman kong umatras ito, saka minura ako. I rolled my eyes. Hindi naman pala kayang gawin, andami pang sinasabi.

   "Okay. Alis na muna kami. See you sa after party." pagpapaalam ng Keena'ng iyon sabay tapik pa kay Vergara.

    Umalis na nga ang mga kasama niya kahit naiiwan pa rin ang mga masasamang tingin kaya napako ang tingin ni Vergara sa amin. Hinuhusgahan na yata kami. Mukhang nabwibwisit na nga sa amin, e.

   "O? Ano ang ginagawa niyo rito?" wala man lang paligoy-ligoy niyang tanong, nasa mga sapatos na nakatuon ang kaniyang mga mata. Her shoes are authentic! Marami kayang pera ito?

   Saka, grabe! Walang kamustahan? Ikalawa niya nang tanong 'yan! Para namang wala kaming pinagsamahan!

    "Si Sheyn, pinapunta kami rito." sagot ko naman, naguguluhan din. Hindi ko naman kasi alam kung bakit kami pinapunta rito, e pwede naman namin siyang hintayin na lang sa labasan upang icongratulate, hindi ko lang alam kung gusto niya ba iyon, e sa kaniyang modo ngayon parang ayaw niya pa nga ng kausap.

   Napaangat lang siya ng tingin habang inilalagay ang sapatos sa bag. Magsasalita pa sana ito ng tumunog ang cellphone ni Yssa. Natawa pa ako dahil Call me maybe ang kanta! Ang baduy! Mas maganda pa iyong tinig ni Baby ZJ, ano!

  "Oy? Kala ko umuwi na kayo?...Si Vergara?.. Ha? The hell!... Ano?!"

   Kinabahan ako sa naging akto ng pagsagot ni Yssa sa tawag. Tingin ko ay hindi lang masama ang balita.

   "Sino 'yan?"

   She mouthed' 'Sheyn' na ikinakunot naman ang noo ko. Nanatili siyang nakikinig habang kinakagat-kagat na ang mga daliri.

   "Vergara! Narito daw sila! Hindi ko lang alam kung sinong sila but it seems like they are dangerous!" sigaw niya.

   Napalingon ako kay Vergara, hindi ko man lang nakitang kabahan siya. Subalit ilang segundo ang lumipas ay isinukbit niya na ang kaniyang bag saka hiningi ang cellphone ko na inilahad ko naman.

  Nanatili kaming nag-aantay sa gagawin niya kaya hindi ko na rin maiwasang kabahan. May i-dinial siyang numero at wala pang tatlong ring ay sinagot na nito ang tawag niya. Nakatingin lamang kaming dalawa ni Yssa hindi na alam ang gagawin kung lalabas ba o magtatanong muna? Either way ay wala kaming clue!

   "Mang Baldo, nasa Roxas ako. Pakisabi sa anak niyo na pupunta ako sa bahay niya....Hindi po... Hindi nila alam ang lugar na iyon. Sige po... Salamat." iyon lang ang narinig namin saka kinaladkad niya na kami sa likuran at doon na dumaan upang makaalis.

    Wala kaming nagawa ni Yssa kung hindi ay ang sumunod na lamang. Maybe we both know that something is up kaya hindi na namin siya kinwestiyon. May kutob na rin ako, hinihintay ko na lang ang confirmation. At kapag totoo ang hinala ko ay tiyak na nasa loob kami ng malaking gulo.

   "Pakitext mo si Mendoza na sa kina Lukas tayo pupunta." bilin niya na sinunod naman ng isa.

  Dahil may isa pang game ay nasa court ang atensiyon ng lahat kaya walang lumingon man lang sa amin. Masyadong nakapako ang atensiyon ng lahat sa laro, mabuti na lang.

  Napahinto si Yssa, hapong-hapo na. Magtatanong na ito, pustahan pa.

  "Mamaya ka na magtanong. Sasagutin ko lahat. 'Wag lamang ngayon. Wala na tayong oras." marahang sambit ni Vergara saka kinaladkad na naman kami papasok sa isang itim na SUV.

   Bakit wala ng oras? May tinatakbuhan ba siya? At kung may tinatakbuhan siya ay bakit kasama kami?

  "Nalintekan na talaga, Iha! Bakit ka pa kasi naglaro, e!" naiiyak na pahayag ng driver, hindi mapakali sa pagsuksok ng susi sa sasakyan. Napasinghap pa ako nang makita ang nanginginig niyang kamay.

  "Pasensiya na po. Paki-dalian nalang iyong pagpapatakbo."

   "Mabuti nalang at nasa Panay ako kaya nakarating ako dito kaagad! Kung hindi ay ano na lang ang nangyari sa iyo?!"

  Naging matulin ang pagpapatakbo ng sasakyan kaya ay muntik na akong masuka! Mabuti na lang at naging madali rin ang pagkarating namin doon kung hindi ay bumaliktad na siguro ang sikmura ko!

  "Kita mo na ang ginawa mo?"

    Nagulat kaming pareho ni Yssa ng makita si Luke sa aming harapan, pagkapasok pa lang namin sa vintage na bahay, ay masasabi kong napakaganda nga. Kung wala lang talagang problema ngayon ay magtatanong na ako kung sino ang interior designer nito! Pinag-isipan masyado, e! The designs are so intricate! Sobrang layo sa modernong bahay namin. Pero hindi kita sa unahan ang taas kasi ng bakod.

   "Sinabi na sayo diba? Na huwag ka munang maglaro doon?!"

    Napakapit sa damit ko si Yssa, takot na yata kay Luke.

    I've never seen him this mad. Nakikita ko naman siya sa school pero hindi ganito ang ayos ng mukha niya! Nakakatakot ngang talaga. Naalala ko tuloy si Sheyn! Siguradong kikiligin ang babaeng iyon kapag nakita ang ganitong side ng kaniyang ultimate crush! Sabagay kung si ZJ naman ito ay kikiligin rin naman ako!

    "Magtigil ka nga at dalhan mo kami muna ng tubig!" singhal ni Vergara sa kaniya na ikinatalon naming dalawa ni Yssa.

  
   Isa pa ito! Kanina lang ay seryoso ngayon naman ay nagiging demonyo na.

     Matagal pa ang naging titigan nilang dalawa para bang nag-aaway lang gamit nag mga mata. Kung hindi pa sila inawat 'nung driver ay hindi na kami naka-inom ng tubig.

   "Paano ngayon ito, Iha?" problemadong tanong ng driver nila, saka napahilamos.

    Nakaupo na kami sa dining table sa kusina, kaharap ko si Yssa habang magkaharap naman si Luke at itong si Vergara. Iyong driver ay nasa kabisera.

   "Alam na ba ni Halmeoni?" tanong ni Vergara saka uminom ng tubig na kinuha

     Umiling lamang sina Luke at ang driver. Kaano-ano niya ba ang dalawang ito? At ano naman ang ibig sabihin ng Halmeoni? Hamon? Sheems! Gutom na yata ako!

    "Uh? Hello? We are still here." kaway ni Yssa na sinipa ko naman sa ilalim. Insensitive!

    Walang pumansin sa pagpapapansin niya. It seems like the three is literally thinking the same thing. That I can't even tell what is that all about!

   "Mga nakatattoo daw sa leeg ng simbolo niyo ang naroon, kanila lamang iniligaw."pagpapa-alala ni Yssa.

    "Anong gagawin mo ngayon?" tanong ni Luke, nakatingin na kay Vergara pagkatapos marinig ang sinabi ni Yssa.

   Ginulo ni Vergara ang kaniyang buhok saka bumuntong-hininga, problemadong-problemado na. At saka tinitigan na kami isa-isa.

   "Alam ko kasalanan ko ito kaya umpisa pa lang ay magpapaumanhin na ako." nakatingin ito sa aming dalawa ni Yssa.

   "Anong i-big mo-mong sabihin?" nauutal kong tanong. Something is not right! Para kaming bibitayin sa mga pinagsasabi niya!

   "Pero ang gusto kong sabihin muna ay pagkatiwalaan niyo ako kahit anong mangyari." pagpapatuloy niya pagkatapos inignora ang tanong ko.

   Nagkatinginan kami ni Yssa at kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya.

   "May mga taong gustong pumatay sa akin."

   Napalunok ako. Langya! Madadamay pa yata kami!

"What?! Bakit hindi mo agad sinabi?!" hindi mapakaling tanong ni Yssa na napatayo na.

   "What the hell! Aalis na ako!"

   When she was about to walk away, ay napatigil ako sa paghinga! Someone just pointed a gun at her, ikinasa pa ito! Nang ibaling ko ang tingin ko kung sino iyon ay halos mahulog ang panga ko sa ilalim. Napatayo tuloy ako! Nasa gilid ko lamang siya kaya nakakapanindig balahibo ang kanyang titig kay Yssa.

   "Ibaba mo 'yan, Lukas." Vergara ordered him.

    In this kind of situation ay nawawala ako sa ulirat! Nawawalan ako ng sasabihin at hindi ko alam ang gagawin ko! I just stared at them. Vergara' s mad face! Luke's serious aura while still pointing the gun at Yssa, Yssa's face lossing its colors and the drivers calmed face! Calm! Siya lang kalmado, na parang lahat ng nangyayari ay wala lang sa kaniya!

   "Bibitawan mo 'yan o ako ang aalis dito?" galit ng sabi ni Vergara.

   Hearing her the second time made him oblige. Who is he? Nasaan ang totoong Luke na President namin? At sino ka Vergara?

   "I'm not trying to be rude here, but can you tell us what is happening para hindi kami nagugulat?" mariin kong suhestiyon, kahit na kinakabahan na rin at kahit na nawawalan na ng tiwala sa tatlong ito.

   "Okay. Magsimula tayo sa una."

   Dahil doon ay unti-unti kaming umupo. I'm trying my best to widen my understanding. She won't let him kill us. Wala kaming kasalanan at alam niya iyon.

   "Are you sure about telling them the whole story?" tanong ni Luke, trying to stop her from telling us everything.

     I glared at him, murdering him inside my head. Kung nakikita lang ni Sheyn ito ay tiyak na mawawala ang pagtingin niya rito! Binabawi ko na! Hindi na ako boto sa kaniya! Nakakatakot!

   "Kung iyon ang magpapakalma sa kanila ay gagawin ko."

   "They might get into trouble!"

   "Kaya nga sasabihin ko para kapag nasa gulo na ay maintindihan nila ang nangyayari at malalaman nila ang gagawin. Ayoko ko nang itago pa ito. Masyado nang nakakagago!" mahaba niyang lintaya na ikinatahimik naman ng isa.

  She's not nice after all! Maxine is right!

   "Sa labas na muna ako maghihintay." sambit ng driver, he tapped Vergara's back then pushes himself out of the house.

   I saw him maneuver his own old phone as he was walking away.

   "It's up to you, then."

   Nanahimik kaming lahat. The tension is eating me slowly!

   "Sasabihin mo ba o hindi?" nawawalan ng pasensya kong sabi.

   Aba'y kung magtitinginan na lamang kami rito ay tiyak na wala kaming makukuha!

    "Matagal na akong naglalaro ng Volleyball. Matagal na, ibig-sabihin ay pagkakilala ko pa lamang nito ay nag-ensayo na ako para laruin ang larangang ito."

   I only stared at her. Parang first love? Ganoon?

   "Palagi akong naglalaro hanggang sa irecruit ako ng isang asosasyon-"

  "NVTA." singit ni Yssa. Malalim na ang iniisip.

   "Tama ka, naging matagal ang pananatili ko roon. At sa tagal ng panahong iyon ay nakabisa ko ang lahat ng posisyon maliban sa isa, iyon ay ang pagiging libero."

   Ang malas ng babaeng ito kung gayon! Iyon pa talaga? At iyon pa ang posisyong inilahad ko sa kaniya. I should be shocked about all the things that she's saying about her skills and abilities pero bakit parang matagal ko nang iniisip na ganito na talaga siya. Na parang mayroon sa kaniya pa noon na nagsusumigaw kong sino ba talaga siya.

   "Nakasama ko roon si Mendoza at si Medina."

   "What the- Totoo?!" nakangangang tanong ni Yssa, hindi makapaniwala.

    I bit my lower lip. Patay talaga ako kapag nalaman ng isang ito na alam ko iyon!

   "Ayos na sana ang pamamalagi ko roon, kaso may nadiskubre akong sekreto ng Asosasyon... Iyon ay ang pagbebenta nila ng mga atleta sa iba't-ibang bansa upang pagkakitaan sa malalaking halaga, ipinapakita lang nila na isang magandang oportunidad iyon para sa aming mga atleta."

    Parang naupos kagaya ng sinindihang kandila ang patanaw ko sa NVTA, napalitan iyon ng pagkamuhi. What the hell?! Seryoso?!

   "Hindi ko natanggap iyon, dahil ang akala kong paglalaro lamang ay iba pala ang kahahantungan. Kaya nagka-injury ako." ipinakita ang walang peklat niyang kanang kamay, nanginginig iyon.

   "Anxiety." si Luke.

   "Ano 'yon?" tanong ni Yssa.

   "It refers to specific psychiatric disorders that involve extreme fear or worry, and includes generalized anxiety disorder (GAD), panic disorder and panic attacks, agoraphobia, social anxiety disorder, selective mutism, separation anxiety, and specific phobias. In her case? Trembling and fearing that the accident might happen again. " dagdag pa ni Luke.

    Sa mga narinig ko ay hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Matatakot ba ako sa gulo na maaaring kukuha sa buhay namin o maaawa sa babaeng nasa harapan ko?

   "But why are you still playing?!" sigaw ni Yssa.

    Kasi gusto niya. Dahil mahal niya ang paglalaro! Ganoon naman kami, dahil kung wala kaming pagmamahal sa larong ito ay matagal na naming tinalikuran ito.

   "Hindi ko alam. Siguro dahil napamahal na rin ako sa larangang ito at hindi ko napipigilan ang sarili kong humawak ng bola at hampasin ito sa kabilang bahagi ng court!"

   Napayuko si Yssa. Napaiwas naman ako ng tingin. Alam namin ang ganiyang emosyon na nararamdaman niya kapag nakikita ang bola. Lahat ng manlalaro ay nararamdaman iyon kaya malaking insulto sa aming kapag minamaliit ang ganiyang emosyon. Masyadong magkapareho ito kaya ay ang manahimik nalang ang ginawa namin.

   "That's not just it. There's a bounty on your head, Roxe."

    Sabay kaming napaangat ng tingin kay Vergara na napayuko naman.

    Tangina! Are we on the eighteenth century?!

    "Bakit?" natutulirong tanong ni Yssa.

    "Nasa kasulatan ng Asosasyon na hindi na dapat maglaro pa ang nag-ensayo sa loob kapag umalis na." si Luke ang sumagot dahil hindi na naka-imik si Vergara.

    I didn't even mind how much is the money, even Yssa. Kung maliit iyon ay tiyak na hindi ganito ang nararandaman nila.

    "Pero bakit si Sheyn ay nakakalaro pa?" I asked.

    Hindi ko maintindihan! Exceptions?

    "Kasi ako ang pinakamagaling."

     Tila napipi ako. Sa ganitong panahon ay nakuha niya pang maging hambog?!

    "Ha?" si Yssa naguluhan sa sinabi ni Vergara.

   "Mendoza and Medina's case is out of the context. Ang dalawa ay pumirma ng kontratang pag-alis, kaya ay wala na sila sa lista ng hinahabol ngayon nh Asosasyon."

    So, hindi lang si Vergara ang hinahabol?

   "Marami kami. Ang iba ay lumuwas na ng ibang bansa."

   "Bakit hindi niyo ni-report sa mga Pulis?" naiinis na tanong ni Yssa sabay inom ng tubig, nanginginig pa rin.

    "Dahil kasabwat ang gobyerno." sagot ko pa.

    Ibinaling nila ang tingin sa akin. Gulat at nagtatanong.

    "Mendoza, gave me a briefing." iwas ko pa ng tingin.

    "Wow! Ako lang pala ang mukhang tanga rito!" sigaw ni Yssa napatayo na at nakahawak sa ulo. Nabubuang na yata.

   "Hindi naman lahat alam ko! Saka-" hindi ko natapos ang sasabihin ng itaas niya ang kamay niya upang pigilan ako sa pag-sasalita.

   "Ano pa ang hindi ko alam?!"

    Tumayo si Vergara, hindi kami nilingon.

    "Sa ngayon ay iyan lang muna." malamig na sambit niya.

    Sumasakit na ata ang ulo ko!

    "Dapa!" rinig naming sigaw ni Luke.

    Napapikit ako at dumapa, muntik na rin mapatalon ng marinig ang putok ng mga baril.

_________

https://adaa.org/understanding-anxiety

Kamusta kayo?
<3

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top