CHAPTER 22- Pustahan

Sheyn's
POV

    Winning is not what I always wanted to have. It is not what I aspire for, all I want is to play. Ganoon lang kasimple iyon para sa akin. Enjoying the thrill of playing ay siyang tumutulak sa akin para maglaro. But why is that practice game trying to get on my nerves?

    “Ganoon ba talaga sila kagaling?” hindi makapaniwalang tanong ni Marcella, napahinto nang may maisip. “I mean ganoon ba talaga kayo kagaling?” pagtatama niya sa sarili.

    Bewildered by her question, I slowly nodded my head. I might look arrogant but that is the truth. That association is the home of the greatest, the trainers there, are world class that sometimes I forgot the answer why I was there in the first place, seconded by the reason of why I left that Association also. And I know I shouldn’t forget what I witnessed.

     “Hindi naman sa nagdududa ako. I mean, I’ve seen all your moves. Nakakamangha lang talaga.

    “Pero bakit ka umalis doon at pinili ang paaralang ito?” tanong niya pa ulit, hindi naiintidihan ang ginawa ko.

    Is this the right time to tell her?

    But I shouldn't, right?

    I’m amazed na hindi niya na ako pinipwersang sabihin ang mga gusto niyang malaman. Nakakapanibago. Kung nasa normal siyang pag-iisip ay kanina niya pa ako niyugyog ng walang pakundanggan.

    “Tell me the reason why I should tell you this.” I said, testing her. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya. Kung tiwala lang naman ang pag-uusapan ay hindi na dapat iyon itinatanong pa sa kanya dahil palaging nasa likod ko itong Marcella kahit na ano man ang nangyayari. Nakonsensya tuloy ako.

    I still don’t know the reason why is she asking me these questions. But to tell her the whole story would change her perspectives. Changing her perspectives is not what I fear for, ang kahihinatnan ang kinatatakutan ko.

    “Kailangan pa ba ng rason para sabihin mo sa akin ang mga alam mo tungkol doon? Can’t you just tell me?” naiinis niyang pahayag, glaring at me.

    Swallowing hard, I tried to remember the past while trying to make it simpler to make it short but concise. Pero ang hirap dahil baka mapahamak ang isang ito. Gaano man ako naiinis sa kaniya minsan ay kaibigan ko pa naman rin siya.
Bahala na nga. Siya naman ang may gustong malaman ang lahat, hindi ko naman siya pinilit kaya wala akong magiging kasalanan kung ano man ang mangyari. At saka isang linggo na lang at maglalaro na kami ng opisyal na laro, kailangan niya naman sigurong malaman, kahit ilang detalye lang.

    “You see, the NVTA is not under the government as what the articles are saying.” Pagsisimula ko, naguguluhan sa sarili kung saan ba talaga mag-uumpisa.

    Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain habang hinihintay ang mga kasama namin, ngunit walang kasiguraduhan kung pupunta ba ang mga iyon o hindi. Judging by the time ay hindi na siguro. Walang klase mamaya kaya baka mayroon ng mga lakad ang mga ito. Masyadong maraming lakad ang mga teammates ko at mga mamahalin naman ang mga ito pero hindi ko lang talaga naiintindihan kung bakit kailangan nilang gamitin ng ganoon lang ang kanilang pera sapagkat ay maraming taong halos magkanda-kuba na para makahanap lang ng mga ito upang may maitustos sa pang-araw araw na pamumuhay. At isa na ang pamilya namin doon.

    “What do you mean?” naguguluhan niyang tanong, nakakunot na ang noo. But in a split second her face lit up.

    “Ah!" snapping her fingers. "Kaya pala sinabi mo sa aking prestihisyoso iyon. Ang buong akala ko ay prestihisyoso dahil ang gobyerno lang may alam at nagrerecruit ng mga trainees.” Parang naiintidihan na ngunit hindi pa rin maayos ang mga detalye.

    “Hindi sila ang nagrerecruit, Marcella. May mga taong naatasan upang maghanap ng mga magagaling na players all over the country. The association only used the government to be the façade of what is happening inside.” paglalahad ko pa, itinatama ang mga maling nasa isip niya.

    Nabigla ako nang tumayo siya habang umiiling. Hindi makapaniwala. Marami tuloy ang napabaling sa amin. I guess that is too much to digest, huh? Kasalanan niya ito, ang tsismosa kasi.

    “Pero bakit hinahayaan iyon ng gobyerno?” tanong niya nakayuko na sa akin.

    I only looked at her.

    “Are you that dumb?” pang-iinsulto ko pa, natatawa na.

    “Hoy! Alam kung maalam ka, pero wag ka namang mang-insulto!” sabi siya at dinuro pa ako.

    I shrugged. Nakangiti na at hindi na alam kung ano ba ang sasabihin, masyado akong natatawa sa mga nagiging reaksyon ni Marcella.

    “Ano? Ipagpapatuloy ko pa ba?” sabay tawa ko pa, hindi na napigilan kaya ay ngumuso siya at umupo na.

    “Okay! Tawa ka pa ng tawa. Sige na, go!” nawawalang pasensiya niyang sabi sabay lahad ng kamay niya para isiwalat ko na ang lahat.

    Uminom muna ako ng tubig na nasa mesa saka inalam ang oras.

    “There is a high possibility that the government is benefiting from the association.” I continued, iniisip na pera ang naging tulay upang magkaisa ang dalawa. Ano pa nga ba?

    “Pera?” hula niya.

    It’s obvious, pera ang nagpapagalaw sa lahat, na maging sa maliit at malaki mang bagay. Kahit naman sino sigurong tao ay iyon din ang iisipin na naging koneksiyon ng dalawa, hindi na kailangan pang maging henyo upang tumama ang hula. Common sense, ba.

    “Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo, a?”

    Sabay naming naitaas ang aming ulo upang makita ang mukha ng nagsalita. Si Ada ito kasama si Yssa. Marcella and I exchanged glances. Walang nagsalita sa aming dalawa.

    “Ang damot niyo, ha!” si Yssa, saka umupo na sa gilid ko.

    Nakaget-over na pala ang mga ito. Anlalaki na ng mga ngiti, parang hindi lang pinaglaruan sa practice game, e.

    Simple lang naman. Alam ng kuponang iyon ang kakayahan namin, kami ang may kasalanan kung bakit hindi namin napag-aralan ang kanilang mga galaw talaga. Mayroon akong ideya ngunit batid kong kulang na kulang ang mga iyon dahil matagal na akong umalis sa NVTA kaya siguradong marami na ang nag-iba sa mga taong iyon. Masyado kaming nagpakampante dahil practice game lang naman iyon, ngunit hindi naman namin naisip na maaring magamit nila ang kanilang nakita sa amin. Hindi man lahat nakita ay posibleng bantay sarado na kaming lahat sa gaganaping opisyal na laro.

    “Kamusta kayo?” pangangamusta ko at pag-iiba na rin ng topiko.

    Hindi naman nila naramdaman iyon kaya nagkibit-balikat lamang ang mga ito at kumain ng mga dala pala nilang pagkain. Pizza at pasta ang mga ito kasabay ang coke bilang pangtulak.

    “We’ll try to win the next game.” ani Marcella na kumakain na rin, naramdaman siguro ang tensiyon.

    As if it’s that simple.

    “Kung hindi lang talaga sila taga-NVTA ay madedepress na ako.” Natatawang sambit ni Yssa.

    She have a point right there. Kaya parang wala na rin lang sa akin ang pagkatalo, sadyang magagaling talaga sila. Ang tanong ay kung papaano namin sila matatalo. Wala nga sigurong singkwenta porsyento ang winning rate ng kuponan namin laban sa kanila.

    “Siya nga pala, nasaan na iyong si Vergara?” tanong ni Ada, nasa kay Marcella na ang kanyang atensiyon tila bang nasa kay Marcella ang lahat ng impormasyong tungkol kay Vergara.

    “Hindi ko alam, e.” sagot ni naman ni Marcella na nalilito rin.

    Matagal nang ganoon ang babaeng iyon. Walang nakakaalam sa kung anong nasa isip nito, kaya ay batid kong wala ring nakakaalam kung saan ito nagtungo.

    “Wala ba kayong mga klase mamayang hapon?” may galak na tanong ni Yssa.

    Sumulyap ako kay Yssa dahil sa naging tanong niya. Bihira lamang magtanong ang isang ito tungkol sa mga ganitong bagay kaya makikinig ka talaga.

    “Bakit?” si Marcella.

    Maingat namang iniligpit muna ni Yssa ang mga kinakain niya kahit na hindi pa ito ubos. Nakakapanghinayang. At nang kukuhanin ang yakult na nasa harapan ni Ada ay napabalikwas ito nang tapikin naman ni Ada, marahil ay iniinom pa ng isa kaya hindi napigilan ang pagtapik.

    “Ano na Yssa?” tanong ko, naiinis na.

   Kung may sasabihin man siya ay sabihin niya na. Nakakabitin.

    “Chill, Mendoza. Galit ka na niyan? Hahahaha! Iyon nga di’ba ay wala tayong klase sa hapon dahil may meeting iyong mga teachers? I have here an invitation.” sabay pakita ng papel na kulay abo.

     Walang kumuha no'n hinihintay na lamang na sabihin ni Yssa ang laman nito. Masyadong kaming tamad para magbasa pa.

    “Invitation sa ano?” si Marcella.

    “Kung kainan lang naman ay pass ako.” hindi ko napigilang sabihin, napatawa tuloy silang tatlo. Nangunot ang aking noo. Ano naman ang nakakatawa doon?

    Marami akong gagawin sa bahay! Swerte nila at mayaman sila.

    “Hindi! Eto kasi iyon. Naalala niyo iyong mga laro sa Roxas na pustahan?” excited niyang sabi parang kinikilig pa ata.

    Sinong hindi makakaalala sa mga iyon? Tanyag ang lugar na iyon sa mga balibolista dahil doon nagaganap ang mga pustahang malalaki. Minsan na rin akong naparoon at magagaling talaga ang mga naglalaro, pati iyong coach nila ay magaling din kahit na hindi pa ganoon katanda. Kaya lang ay hindi na ako nakapunta roon.

    “Sa Tiza, di’ba?”

    Tiyak na palaging pumupunta roon itong si Marcella, ang lapad ng ngiti, e. sobrang excited. Parang nakakita ng bagong cd ng kaniyang idolong si ZJ. Muntik ko na palang malimutang sabihin na nakita ko iyong idolo niya at kapatid pa ni Zandria! Mamaya na nga lang.

    “Sabi ko sayo alam nila, Ada.”

    “Sinabi ko bang hindi?” naiiritang sagot naman ni Ada sa kanya.

   “Tapusin mo na kasi ang sinasabi mo, pabitin ka masyado.” Dagdag niya pa ni Ada, nawawalan na rin ng pasensiya.

    “Punta tayo roon. May pustahan kasi mamaya at tiyak na maraming mga tao ang dadayo, saka marami tayong matututunan.” Nakangisi niya pang anyaya habang itinataas-taas ang kaniyang mga kilay.

    Wala akong pera kaya bahala sila.
   
    Sayang naman.

    “And Mendoza, don’t worry about the fare, kina Ada’ng sasakyan ang gagamitin natin.” Sabay akbay pa nito sa isa.

    Aangal pa sana ako.

    "Isang game lang naman." dagdag niya pa.

    Tinanggal ni Ada ang kamay ni Yssa’ng naka-akbay sa kaniya saka dinuro ito.

   Tatlong sets lang kada game kaya hindi ganoon katagal. Makakauwi naman siguro ako nang hindi pa lumulubog ang araw.

    “Ang kapal ng mukha mo, Yssa! Ikaw ang nag-aya bakit sasakyan namin ang gagamitin?” nangingit-ngit na tanong ni Ada sa kanya.

    “Sasama ako.” Kibit-balikat na sabi ni Marcella kaya napatango na lamang ako, hindi na pinansin ang reklamo ni Ada.

    Kaya dahil doon, pagkatapos naming kumain ay nagbihis muna kami ng kaswal na damit upang makaiwas sa mga tanong mamaya. Nakapantalon at nakasapatos kaming apat ngunit iba-iba ang pang-itaas na damit. Unang pasok ko kasi roon ay maraming taong ang ibinato sa akin. Kesyo baka may klase daw kami bakit daw ako naroon. Wala man kaming klase ngayon ay nagbihis na rin lang, mahirap na ang matanong na naman, maaantala pa kami sa entrance.

    Isang oras at kalahati ang naging biyahe kaya mag-aalas dos na nang makarating kami, tamang-tama lang.

    “Pupusta ba kayo?”

    Napatingin kaming lahat kay Ada dahil sa naging tanong niya. Akala ko ba manonuod lamang kami? Saka hindi ba ay libro at volleyball lang ang nasa utak nito? Ngayon pati pustahan ay pinagkakaabalahan niya na.

    Kinuha niya ang kaniyang wallet at ipinakita ang limang libo sa amin, saka tinupi ito. Alam kong marami pera ang kanilang pamilya at hindi naman na naging iba sa akin iyon. Ngunit nang makita ang ganiyang kalaking pera na ipinupusta niya lang ang nagpanganga sa akin. Isang buwan na naming budget iyan!

    “Sana. Paano ba?” ani Yssa.

    In just a point of time ay parang na-out of place ako. Basta pera ang pinag-uusapan ay nawawalan ako ng gana. Nakakainis lang dahil sa harap ko pa talaga.

    “Ikaw ang nag-aya tapos hindi mo alam?”

    “Duh! Sabi ko manunuod lang tayo. Saka ang laki niyan! Limang libo! Nahihibang ka na ba?”

    Tawa lang ang narinig ko kay Marcella. Hindi na rin siguro makapaniwala sa ginagawa ng dalawa.

    Umiwas na ako sa pakikinig sa kanila at pinatuonan na lamang ng pansin ang buong lugar. At tama nga si Yssa, maraming tao ang naririto ngayon, mapabata man o matanda. Masyadong malapad nga talaga ang pinaglalaruan at marami ng tao sa loob. Buti na lang at hindi na ganoon ka higpit ang siguridad dito kaya ay madali kaming nakapasok. May iilan din kaming mga schoolmates na nakikita, marahil ay gusto ring makita ang mga larong may pustahan at seryoso talaga. Hindi ko nga alam kung bakit walang pulis na dumadakip sa mga taong narito. Pasalamat na rin naman ako at wala. Kung meron kasi ay siguradong mabubulok ako sa kulungan kapag nagkataon, wala kaming pangpiyansa, ano.

     "Pagpasensyahan mo na ang dalawa, sadyang gusto lang talagang magsaya." sambit ni Marcella sabay akbay sa akin.

    I gaze at her, nakangiti lamang ito. I shrugged my shoulders.

    "Naiintindihan ko naman sila. Hindi nila kasalanan ang pagiging mayaman."

    "Oo nga naman. I'm just saying! Baka iwanan mo ako rito dahil nagtatampo ka." natatawa niyang biro.

    Ngumiti na lang ako at wala nang sinabi pa, pinili nang ipokus nalang ang atensiyon sa harap.

    “Magandang hapon sa lahat! Buti na lang at hindi ganoon kainit kaya ay mas magiging maganda ang laro natin ngayon. Ang mga pusta niyo po ay pakitapos na at magsisimula ang laro.”rinig kong sabi ng lalaki sa speaker.

    Naging hudyat iyon upang magkagulo sa dulo.

    “Hinay-hinay lamang po! Hahahaha! Isang minuto nalang po at magsisimula na.”dagdag pa nito.

   Paanong hindi magtutulakan ang mga tao, e isang minuto nalang? At magsisimula? Wala pa akong nakikitang mga players na nagwawarm-up bakit nagsisimula na?

    "Nasaan ang players nila kung ganoon?"

    “Sa likuran sila siguro nagwawarm-up.”

    Kinuha ko ang pagkakaakbay ni Marcella sa akin. Masyado nang mabigat.

   "Bakit hindi nalang dito sa harap para makita ng lahat? Hindi naman ganito noon, a?"

    "Hayaan mo na lang." pagtatapos niya sa usapan.

    Sumulyap ako sa kanang bahagi ng kinatatayuan namin. Naglalakad na papunta sa amin sina Yssa at Ada na may mga dala ng chips at tubig.

    "Wala bang upuan rito?" ani Yssa.

    Walang sumagot sa kanya dahil na rin sa nakakagago ang tanong nito. Wala siyang nakikitang upuan bakit magtatanong pa?

    "Ilan ang ipinusta niyo?" I asked curiously.

    Sabay silang napatingin sa akin at nag-isip pa kung ilan iyon. Kita mo na ang mga mayayaman? Mga insensitive ang mga lintek.

    "Sampu?" si Yssa.

     "Bente." pagtatama ni Ada.

    Napanganga ako.

     "Tangina! Seryoso?!" nagugulat kong tanong.

    Tawa lamang ang isinagot nila. Nang may sasabihin pa sana ako ay naputol iyon ng patahimikin ako ni Marcella. Ipinapakilala na pala ang mga manlalaro.

   Humingi ako ng tubig at chips na dala Yssa na ibinigay niya naman. Napakarami kasi ng dala na. Akala mo naman ay nagfifield-trip kami.

  Why are these bottles so tight?!

  "The fudge! Hindi ba ako namamalikmata?!" naisigaw ni Yssa.

   I don't know what she was talking about dahil nasa mahigpit na bottle cap ang atensiyon ko kaya naman ay napatingin ako sa unahan.

  Nakanumero singko, Vergara ang apelyido at kasing taas ni Zandria ang nasa harapan lang namin. Malapit kasi kami talaga sa maglalaro kaya nahulog ko ang bagong bukas na tubig dahil doon ay nabasa ang mga sapatos namin.

   "Gago, Sheyn!" reklamo ni Ada kahit na naguguluhan din kung bakit naririto si Zandria at maglalaro pa!

   "Anong ginagawa niya rito?" si Yssa, itinuturo si Zandria sa harap.

   Kahit sulyap man lang ay naipagdamot ni Zandria kaya wala kaming nagawa kung hindi ay ang titigan lamang siya sa unahan na nakapameywang na.

   "Kanino nga tayo pumusta, Ada?" tanong ni Yssa kinakabahan na.

   Nakangiwi naman siyang tinitigan ni Ada saka lumunok muna. "Sa kaniya yata? Nakagreen, o." nanghihina pang sabi nito.

  "Nandito pala siya? Halos samain na tayo ni Xiania kakahanap sa kaniya tapos narito lamang siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Marcella sa sarili. "Wow! I can't believe it! Nakuha niya pang maglaro dito habang hindi nga niya matapos-tapos ang practice game natin?!" naiinis niyang dagdag pa.

   Seems like I don't know what to say about this! I can't seem to comprehend what is happening. Bakit siya maglalaro dito? As far as I know ay marami naman itong pera at dagdagan pa ng injury niya!

  "Look! She's not a libero!" sigaw ni Yssa.

   Iyon din ang nakikita ko, dahil may nakikita kaming dalawang nakaputing jersey at siya naman ay suot ang kapares ng mga kasama niyang nakakulay berde.
 
   "Spiker siya?" wala sa sariling tanong ni Ada.

    Uminom ako ng tubig, kinakabahan na.

   "Kailan pa ba mawawalan ng sorpresa itong si Vergara? Baka mamaya ay galing siya NVTA, ha." natatawang pahayag ni Yssa, natatawa na lang kahit na may mga katanungan pa sa kaniyang mga mata.

    Nabulunan tuloy ako  sa bagong tubig na iniinom ko kaya binigyan ako ni Marcella ng tissue mula sa kaniyang backpack.

   Kung naglalaro na si Zandria bilang spiker at ngayon pa lang ay hindi na sila makapaniwala, ano na lamang ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang galing din ito sa NVTA, at kung siniswerte ay ang pinakamagaling pa?

    "I'll shave my head, then. If she's from there. If and only if she's the best." walang ganang pusta ni Marcella na sa ikalawang pagkakataon ay nabulunan na naman ako, this time sa mga chips na.

     "Ano ka ba, Mendoza? Hinay-hinay naman sa pagkain. Walang aagaw niyan sa iyo!" irap ni Marcella sa akin.

   "Yung pusta mo pambata, e. Ako magpapa-ahit ng kilay." tawa sa kaniya ni Yssa.

   Natatawa silang nagshake-hands kaya napailing si Ada.

   Kung alam niyo lang ang mga sinasabi niyo, mag-sisisi kayo sa huli.

   "Let's just watch, andami niyong satsat." pag-aawat ko pa. Baka madagdagan pa at umabot sa pera na naman ang pustahan ng dalawa. Okay na ako na makitang kalbo si Marcella at walang kilay itong si Yssa.

   Nag-umpisa na ang laro. Si Zandria ang mauunang magseserbisyo ng bola.

"Parang itinapon ko lang iyong pera ko. Punyemas." naiiling na sabi ni Yssa.

  Hindi ko napigilang ngumiti dahil sa sinabi niya. Parang araw nga ng dalawa, batid ko'y wala nang iniisip ang mga ito kung hindi ay ang perang naipusta nila.

   Seryoso at nasa likod na si Zandria, mahigpit ang kapit sa bola habang hinihimas ito. Kung sa normal lang na serbisyo ay ibang-iba siya. Dahil hindi niya na pinapatalon ang bola, nasa kamay niya lamang ito habang tinititigan na parang may sinasabi roon.

  "Kita mo na? Huhuhu! Bakit sa kaniyang kuponan pa tayo pumusta?" naiiyak ng sabi ni Yssa.

   "Is she left-handed?" tanong ni Ada, binalewala ang atungal ni Yssa.

   Nangunot ang noo ko.

   "I don't know. But judging how she held the ball ay siguradong kaliwa ang gagamitin niyang pamalo." wala sa sariling pahayag naman ni Marcella na nakatutok na rin sa laro.

   She's not left-handed! Kaya nga kanan iyong sinira sa kaniya dahil iyon ang ginagamit niyang pamalo! Peste! Huwag mong sabihing kaliwa ang gagamitin niya sa larong ito?!

"Vergara, now serving."

   Nanindig ang balahibo ko sa katawan. Kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata ni Zandria ng marinig ang sinabi ng Commentator, at halos hindi ako nakahinga ng ngumiti pa ito. Inihakbang niya ang kaliwang paa paatras saka itinaas ng kanang kamay ang bola na pinalo naman ng kaniyang kaliwa.

   "Nakita niyo iyon?!" hindi na mapakaling sigaw ni Yssa.

   I'm not sure what she meant, kung tungkol ba ngiti o serve ni Zandria ang tinutukoy niya.

   Napatingin lamang ako sa pagkurba ng bolang isenirbisyo ni Zandria na hindi nakarating sa kabila. Maraming umangal at nagbulungan.

  "That was a floater." si Yssa. Hindi makapaniwala at nakanganga na.

   "Yeah, a failed floater." ani Ada na nasa unahan pa rin ang tingin.

   "We are not dreaming, right?"

   Natawa ako sa tanong ni Marcella.

    "Ilang taon na akong naglalaro ng Volleyball pero hindi ko pa nagagaya iyon!" she added. Nakanganga na rin.

   I withdraw my attention at them and focused on the game.

   Ang unang puntos ay napunta sa kalaban. Ngunit nagpapalit-palit iyon hanggang sa nasa unahan na si Zandria.

    "Kapag naka-iskor iyang si Vergara ay sasapakin ko na iyan! Kahit pa matalo iyong pusta ko." banta ni Yssa na nakaturo kay Zandria.

  "Gaga ka talaga!" batok sa kaniya ni Ada.

   Maayos ang naging receive ng team mate ni Zandria kaya mabilis ang pagpunta ng bola sa setter. A good time for a quick.

  "Quick!" sabay-sabay na sigaw ng mga taong nanunuod.

  Dahil nasa gilid lamang ng setter si Zandria ay doon nagbantay ang blockers ngunit hindi quick ang ginawa ng setter.

  "A dump?" nakangiwing tanong ni Marcella.

   Siya man ay nanghihinayang sa magandang recieve na sana ay puntos na pero naisave iyon ng libero ng kabila kaya balik ang bola kina Zandria.

   Siguro ay walang tiwala ang setter kay Zandria.

   Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang senyas ng kamay niya sa likod na nakita naman ng setter. Walang may nagcheer, umpisa pa lang ng laro ay may tensiyon na. Ito nga siguro ang idinadayo ng lahat dito.

   "Combi." nasambit ko.

    "Ha?" naguguluhang tanong ni Marcella hindi siguro nakita ang ginawa ni Zandria.

   Nang napunta na ang bola sa setter at nagset ito ng bola kay Zandria na kinagat naman ng blockers pero ang nasa likod ang tumira, puntos para kina Zandria.

  Nagpatuloy ang laro hanggang sa natapos ang first set ay hindi nakapalo si Zandria, puro depensa at kung hindi bitin ay naging sobra naman ang kaniyang mga serbisyo.

  "Sayang ang bente natin, Ada." nanghihinayang na sabi nalang ni Yssa.

  Ikalawang set ay puro recieve naman si Zandria. Wait-

   "Nagwawarm-up pa lang siya." hindi ko napigilang sabihin sa kanila.

  "What?!" si Marcella, may idinagdag pa siya ngunit hindi ko na narinig ng maungusan ng mga hiyaw ng mga tao sa paligid ang tinig niya.

   Isang puntos para kay Zandria. A down the line hit over the three blockers.

  "What the hell?!" sigaw ni Yssa.

   Nakanganga si Ada. Binitawan naman ni Marcella ang mga dala at nagtatalon na.

   "Go, Vergara!" sigaw niya pa, hindi na napigilan ang sarili.

   Napapalakpak na lang ako. Paano ko nakalimutang ganito siya maglaro? Ang basahin ang mga kilos ng kalaban sa first set ay nagiging una niya hakbang. Bakit ko nalimutan iyon?!

  Nasa kalagitnaan na ang laro kaya posibleng nakabisa niya na ang lahat ng galaw ng nasa kabila!

  "Parang dodoble ang pera natin mamaya, Yssa."

   Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Ada dahil nakaglue ang mga mata ko sa galaw ni Zandria. At ng magtime-out ay nakakurap-kurap ako ng napabaling ang kaniyang gawi sa amin, alam kong nakita rin iyon ng tatlo.

  A smirk just plastered on her face saka nakinig na sa kanilang coach.

  "I think I'm dreaming." si Yssa.

  "Gusto mo sampalin kita para malaman mo?" suhestiyon ni Ada.

   "'Wag na!"

  "Ayaw mo naman pala, e. Manuod ka na lang, ang ingay mo."

   "Huwaw! Ang mga tao ang paligid maingay din! Hindi lang ako, no!"

  Napapahid ako ng luha na siyang nahulog pala sa aking mga mata. Hindi ko akalaing makikita ko pa siyang naglalaro ng ganito.

  "I think we will get a win this time." may diing sambit ni Marcella habang nakatingin pa rin kay Zandria.

  Dahil sa narinig ay halos mahimatay ako. Sa dami ng taong narito ay imposibleng walang galamay ang Asosasyon dito!

  Inilibot ko ang aking paningin at muntikan ko nang ilibing ang sarili ng magkatinginan kami ng lalaking pormal na pormal ang suot, may tattoo ito ng simbolo ng asosasyon sa leeg.

  Tangina, talaga.

Yes!

Next chap ko na itatackle iyong Combination play and iyong quick hehe.

Hello, readers! If nababasa niyo ito ngayon I would like to thank you and say my greetings to ya'll. Nasa gitna na tayo ng istorya.

Ps-andami ko pang gagawing assignments pero ang storyang ito ang nasa utak ko ngayon.

Send help.

Btw, I'm reading Luna and Kalix's story. Kakilig siya. Haha. I almost spent my time reading it than sleeping. Gosh!

Iloveya'll 💜

  

 

  

  

  
   
   

   
   
   

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top