CHAPTER 21- The MANAGEMENT

Xiania's
POV

    I'm so stupid for thinking about winning without considering the skills of my teammates! They have skills but its still lacking! So much for hoping.

   Using them is like using the opposite side of knife while cutting an onion. Gusto ko tuloy ibunggo ang ulo sa punching bag na nasa harapan ko.

    At isa pa ang Mendoza'ng iyon! Umasa akong magaling siyang mag-dig nang bola dahil naalala kong galing rin siya sa pinanggalingan ko, pero parang nahulog ako sa kanal ng makita kung paano siya maglaro! Oo nga at may galing siya pero kulang na kulang iyon kung gugustuhin talaga naming manalo. And Muso! Akala ko ay gagamitin niya na si Lyanna para mahasa na ang skills nito for setting pero wala, e!

    "Ate, you have to stop punching that!" Lexian shriek, don't know what to do seeing me so frustrated. Kahit minsan ay nag-aaway kami, it doesn't change the fact na sinusuportahan niya ako kahit gaano kabaluktot ang mga planong nasa isip ko.

    I looked at the thing that I'm punching on, the punching bag is getting too worked up and it's getting a whole in between! But I just can't just help it! The heat inside me just keep on burning that I could turn this thing into pieces!

    Nagagalit ako sa sarili ko. Naiinis!

    "Alam mo naman sana ang mangyayari." he added. His tone, calm. Nag-iingat, dahil nakakaoffend iyon!

   I gazed at him. Nababanas na. He is sitting in a monoblock chair while looking at me intently. Trying to solve the puzzle inside my head.

    "You think I could've known this? I'm not psychic!" I shouted at him while removing my boxing gloves, harshly.

    He laughed as if there's no tomorrow. Na para bang nahihibang na ako, he stood up and threw the water bottle at me na mabilis ko namang sinalo. Ice cold iyon kaya nang tumagal sa kamay ko ay umiinit.

    "Ang sabihin mo, umasa ka rin sa kakayahan ni Zandria." he said, trying to catch my mistake, shrugging his shoulders.

    I opened the bottle and drink the water, nang maubos ay pabato ko itong itinapon sa basurahan, nang sumubra ay napailing si Lexian saka naglakad paroon at itinapon ito ng tama.

   Napairap tuloy ako sa kawalan.

   It isn't about my teammates actually and I know that already. It's about myself being so confident about my skills and Zandria's also. Tama si Lexian. Na kahit anong gawin ko ay kumuha pa rin ako ng pag-asa sa kakayahan ng babaeng iyon, not thinking na nasa slump pa ito! Ilang taon rin itong hindi naglaro kaya bakit umasa akong gaganda ang laro niya sa mga oras na iyon?

    What was I thinking in that certain point of time? Na gagawin ni Vergara ang lahat para manalo kami? Umalis nga iyon ng hindi pa natatapos ang game!

    "I know, Ate. Na kahit anong sabihin mo na mas magaling ka pa sa kanya ay hindi mawawala sa sarili mong umasa na makakatulong siya. It's that simple." kalmado niya pang dagdag.

    Sa sobrang honest ng kapatid ko ay gusto ko na itong bigyan ng plaka at medalya.

    "But, as you can see. Wala siya sa kondisyon." he stated, as if I don't know that already.

    I sighed. I know,  I know, I over-estimated her. Ngunit hindi lang iyan ang gumugulo sa isip ko.

    "Do you know why she stopped playing?" natanong ko sa kanya, even though I know the answer already. It's just that, I'm having the feeling that the answer isn't the answer at all!

    Napabaling ang kanyang atensiyon sa akin tila at tinitigan ako ng matiim na para bang walang kwenta ang naitanong ko sa kanya. Alam ng lahat kung bakit siya tumigil sa paglalaro, but I can't accept it. Napakababa kasi ng rason! If an athlete like that got injured, I'm sure that the Association will find a way just to make her play again.

    Minsan ko na nga ring itinanong kung ako ba ang sinisisi niya, ngunit ang naging sagot niya naman ay hindi. Iyon din ang isa pa sa gumugulo sa isipan ko. Kung hindi ako ang naging dahilan, ay sino? O ano?

    "Sa ating dalawa ay ikaw ang mas nakakakilala sa kanya." nakataas kilay niyang sambit.

    I ran out of words.

    Then what the hell is the reason? Kung hindi ang naging away namin ay ano?

    We were still so young that time. The two of us fought after that championship in the NVTA, it's about the mvp trophy. That time I was so obsessed about getting the trophy. But when it was given to her-

    Pumikit ako inaalala ang nangyari noon.

    After the blaring of the horn as the sign of ending the game, we all gathered at the bench to talk. This is usually we do after we finish a game.

    "You did great everyone!" our coach said, congratulating us.

    We always do our best kaya given na iyon. Parang wala na rin naman ang mga sinasabi niya dahil alam naming lahat ang aming kakayahan. It's like stating the obvious.

    I shrugged. Not minding the praises as I have my eye on the biggest price here.

    Kaya kahit na nabibingi na sa mga palakpakan at mga papuri ay narinig pa rin namin ang mga sinasabi ng aming Coach. Well, it might be the connection. Na kahit hindi ganoon kahaba ang panahon na iginugul namin sa training, the connection was established that fast.

    "Now, tidy up. Awarding will be in a few minutes." he added while fixing his things.

    I looked at Zandria, her face is so tensed I could hardly see the happiness that she should be feeling after winning the game. She should be shouting now like what she usually do when we win a game. Dapat ay nagmamayabang na ito, ngingisi sa harap ng mga kalaban at pupunain ang mga naging pagkukulang ng mga ito. Ipapakita kung paano sila kawalang-kwenta. Ganoon siya kaarogante na minsan ay gugustuhin mo na lamang na sapakin. Nakakabanas na nga anh kanyang galing ay sinasamahan niya pa ng kanyang walang kwentang ugali. Who would tolerate that? Of course, us.

    "Why are you so tensed?" I asked her while we are changing our clothes. Hindi ko na napigilan ang sarili, masyado siyang natetense na pati ako ay kinakabahan.

    Marami na kaming larong nilaro na magkasama at kahit gaano katindi ang tensiyon sa loob ng court ay hindi siya kinakabahan. Kalmado lamang ito at nakataas ang noo, na para bang walang makakatalo sa kanya. Kaya ngayon ay kuryuso ko siyang tinitigan. Trying to find some clues to fill up my curiousity.

    She slowly faced me, trying to keep herself calm then slowly walk towards me while keeping her eye for everyone around, looking as if someone's trying to harm her if she said something. She's already in a casual yet comfortable clothes but her hair is dripping wet. Inilahad ko ang towel sa kanya na kanya naman tinanggihan.

    "Do you know who the management is?" she whispered. The whisper that I could hardly grasp the content. May diin na rin sa mga salita na kung hindi ko sasagutin ay malalagot ako.

    What about the management? Why ask this all of a sudden?

    Naguguluhan man ay nag-isip pa rin ako. But there was no answer there. No one knows who the manangement is, the only thing I know about them is that they are the one who manages the NVTA.

    "What? What about the management?" nakakunot-noo kong tanong.

    She didn't answer me. I sighed.

    Masakit na mga mata niya akong tinitigan saka humugot ng lakas. As if something is bothering her bit she can't say it.

     "Nevermind."

     Inayos niya lamang ang kaniyang buhok, hindi mapakali.

    "You know what Zandria? You should stop being so tensed." I calmly said trying to cheer her up.

    Umiling lamang ito at iniwan ako roon. I tried to stop her from walking away dahil magsisimula na ang awarding. But she didn't mind me.

   "Nasaan na si Vergara?" tanong ng Coach namin, he looked at me.

   Bakit palaging ako? Gusto kong umirap. I know we are always together but this is too much!

    "I don't know where she is, Coach." I answered.

    Totoo naman. I don't know where she is. I rolled my eyes. She might be celebrating on her own. We may not know. But given her attitude?

   Naiinis ako sa kanya. Parang wala lang sa kanya ang awarding, we worked so hard for this tapos aalis lamang siya? It's just so disrespectful and just pure, argh!

   I glanced at the MVP trophy that is shining on its finest.

   Everyone is excited to know who will get that one. But based on the statistics I might get it. Ako ang may pinakamataas na puntos. Arogante man ay may punto naman ako.

    "Numero Singko! Zandria Roxe Vergara!"

    Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. It was dreadful! It's like I was burned and someone put an alcohol on my burned wound, that's it.

   Cheers and claps envelop the whole arena.

    The next thing I knew is that I was recieving the trophy because the great Vergara isn't here! And the worst case scenario? Ako pa ang inatasan na magbigay sa kanya! I can't believe this at all!

   I should be supporting my friend for winning this, but given that she isn't here at all makes my blood boil!

   "Bakit siya yung MVP, Coach?"naguguluhan kong tanong, I shouldn't ask him this, but I just can't help it.

    He slowly looked at me, not even surprised by my question. It's like he's already waiting for me to ask that.

    "She worked all around. Nasa iyo man ang pinakamaraming puntos, pantay naman ang digits niya sa digs, recieve, spikes and blocks." he said trying to keep me updated of what that Vergara can do.

    I was astounded. I didn't think about that! Alam kong ganoon siya kagaling ngunit akala ko ay- I shook my head. Hindi makapaniwala sa mga nangyayari. My points was all from my spikes! And nothing more!

    Dahil na rin sa pag-iisip ay naiwan ako roon ng mag-isa. Hanggang sa wala ng mga tao. Umiling na lamang ako.

  "This is ridiculous!" I shouted while walking to the gate, sinisipa ang mga nadadaanang mga bato.

   Nangunot ang noo ko, as I saw some guys wearing a suit and tie walking hurriedly towards the office. Maglalakad na sana ako papunta roon nang may bumangga sa akin.

    "Ano ba?!" sigaw ko, pushing the person away from me.

    "Sanya?" gulat na tanong niya sa akin, while looking past at me.

    "Oo ako ito. O, yung trophy mo." lahad ko sa kanya ng dala-dala kong trophy, mabigat iyon kaya medyo sumasakit ang kamay ko.

    Ngunit sa halip na kunin ay hinawi niya iyon palayo sa kanya. At aalis na sana ng hawakan ko ang kamay niya. The amount of disrespect is uncountable!

    Mariin ko siyanv tinitigan, habol niya pala ang hininga kaya galit niyang kinuha ang kamay kong nakahawak sa kanya.

   "Bitawan mo nga ako." sambit niya.

    Gusto kong magwala sa harap niya. Nakakagago! Siya pa ngayon ang galit?

    "Wow! Everyone worked hard just to get this trophy tapos nang ikaw na ang nakakuha ay parang wala lang sayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

    She stop struggling to get my hands off her. Saka tinitigan ako ng malayelong mga mata niya. Napaatras ako.

    "Hindi ko na kasalanan iyon. Sadyang magaling lang ako kumpara sa inyo." walang preno niyang sabi.

    I couldn't move. Alam kong ganito ang ugali niya pero bakit ganoon kasakit?

    Bakit parang wala lang sa kanya ang lahat? We worked so hard to get where we are, even dreaming to get that trophy but she only treat it as nothing!

    Hindi ko na siya napigilang tumakbo dahil sa galit na namutawi sa aking sarili.

    "So, after that you haven't heard from her again?" nakakunot-noong tanong ni Lexian.

    Napatango ako. Hindi na nag-atubiling magsalita pa.

    Kaya hindi ko alam kung saan galing ang injury niya. Dahil ang narinig ko lang noon ay ang pagbakasyon niya sa ibang bansa, iyon ang sinabi ng Management sa amin.

    "Pagkatapos noon ay nabalitaan ko na lang na hindi na siya naglaro." sagot ko.

    Marami kasing naging haka-haka noon. Na naaksidenti daw siya. Mayroon ring nawalan na ng gana na kapani-paniwala pa kaya hindi na naglaro pero kung makikita ay naglalaro naman ito? Well, I did blackmailed her. Pero-shit! Ayaw niyang malaman ng mga naroon na mula siya sa NVTA!

    Come to think of it. The pieces doesn't fit. Kung dahil sa away namin ay hindi na siya naglaro na dineny niya naman ay hindi talaga magtutugma. Kung nagbakasyon man siya ay bakit hindi na siya bumalik pagkalipas ng ilang taon? Bakit ayaw niyang malaman na galing sa NVTA?!

    Think Xiania! Think!

    And now that I remember, she was chasing some goons! They probably injured her! Pero bakit? She was an asset for the Association.

    "The management!" I shouted.

    The door suddenly opened and the silhouette is very much familiar. Shit! I'm gonna die!

    "What about the management?" it was Mom.

    Napipi ako. I couldn't find some words to say. Si Lexian ay hindi din naman nakapagsalita, napayuko lamang ito.

    Shit! What to do?! Is this the time where you have no idea what you should do and just wish to disappear like a popping bubble?

    "And what about these?!" sigaw pa nito aming dalawa sabay tapon ng mga papeles sa harapan namin.

    Those were reports from my school's publication! Bold letters plastered on it saying the anomaly of the previous game.

    I slowly looked at her, she's wearing her usual office attire na nagpadagdag pa nang nakakaintimidate niyang postura.

    "Mom, let me explain." I slowly said. Nag-iingat na. Halos hindi ko nga naintindihan ang sinabi ko dahil sa ingay ng tunog ng dibdib ko.

    "Explain what? Na you paid the referees to win that stupid game?!" nakameywang niyang tanong nanggagalaiti na.

    Nawalan na ako ng mga kailangan sabihin ngayon, seems like I forgot what to do in this kind of this situation na pinaplanuhan ko naman na.

    My heart is going to explode because of too much fatique! Shit!

   "I didn't!" I defended myself.

    She gaze at me. Not believing what I just said.

    "Mom, she would rather die that paying that piece of shits!" tulong pa ni Lexian sa akin.

    I thanked him in my head kung hindi niya narinig ay sorry nalang.

    "If you didn't, you could've handled it well." mahinahon niya nang sabi, probably analyzing what my brother had said is true.

    She stood there, now comfortably. Medyo naibsan ang kaba ko.

    "I'll forgive you this time. But you have to remember what your goal is." sabay bagsak ng pintuan sa amin.

    Napaupo ako sa sahig. Shit! Parang nawala yung kaluluwa ko.

    "Aren't you going to thank me?"

    I glanced at my brother then closed my eyes.

    "Jollibee tayo." sambit ko, wala ng magawa.

    A barked of laughter was the only response he did.

    "So, you don't know who is the management?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

    Naguguluhan din ako kay tagal kong nagtraining doon ay wala akong alam sa Management. Ang alam ko lang sa management ay ang simbolo nito. I got it on my phone kaya ay mabilis kong hinahanap ito roon.

    Lexian stopped the car and focus on what I was looking for. Nang makita ko ito ay mabilis ko ring ipinakita sa kanya. He scrunched his nose.

    "I think I've seen this before." he said it while biting his lower lip, kinuha ang cellphone ko.

    Kinakabahan ako.

     Ang simbolo ay siyang nag-iisang alam lang naming lahat na nasa NVTA tungkol sa management. Ito yung simbolo na nasa damit namin.

     "Saan?" tanong ko sa kanya.

     Nag-iisip muna ito na parang hinuhukay ang kanyang mga alala.

    "Yung Sheyn?" mahina niyang sabi.

    Sheyn? Mendoza?

    "Mendoza?" tanong ko pa. Sinisigurado.

    "Yes, I saw that symbol on her jersey. Yung jersey niyo noon." sambit niya.

     So, alam rin pala nito na galing din sa NVTA ang babaeng iyon?

    "The jersey." I simply said. Hindi pa rin maunawaan ang lahat.

    "Kung iisipin ay ang mga taong hinahabol niya ay may kinalaman sa Management?"

    Tinitigan ko lamang siya at tumango. Papunta ang mga lalakeng iyon sa office ng management kaya imposibleng wala silang koneksiyon.

    "Ang bumabagabag sa akin ay kung bakit niya hinahabol ang mga ito." mahina kong sabi.

    Hindi na siya nagsalita. He maneuvered the steering wheel and drove.

    Habang nagbiyabiyahe ay hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano ba ang dahilan ng paghahabol niya sa mga taong iyon. Are they the one who made her like that? Why?

    "Mendoza, anong alam mo sa Management?" hindi ko na mapigilang itanong.

    Lunes ng hapon at narito kami ngayon sa court, nagprapractice. Everyone has their own thing, perfecting their skills. Habang itong si Sheyn ay nakaupo lang at malalim rin ang iniisip.

    Mahina ang pag-angat niya ng kanyang ulo. Her disheveled hair was just disgusting. Napangiwi na lamang ako.

    "Why are you asking me that all of a sudden?" balik niyang tanong sa akin.

    This is why I hate asking people questions dahil sa halip na sagutin ako ay tatanungin rin nila ako.

    "Can you just answer the question?" nawawalan ng pasensiya kong sambit.

     Naguguluhan niya akong tinitigan. Something's off. It seems like she knows why I am asking this question.

    "Iyan din ang matagal na tanong na itinatanong ko sa isip ko Xiania. And you know what? Hindi ko din alam ang sagot. At kagaya mo ang simbolo lang rin ang alam ko." sagot niya. Naiinis saka ginulo ang buhok.

    "How about the incident?" tanong ko ulit, kahit wala naman talaga akong alam.

    Ibinalik niya sa akin ang tingin at ngayon ay hindi na niya naitago ang pagkakamangha. Why is she astounded?

    "Hindi mo alam?" naninimbang niyang tanong ngunit hindi pa rin nanininiwala sa mga sinasabi ko.

    I want to shout at her and tell her that I am not a liar!

    And as if I have the guts to lie. I'm so curious that I'll do everything just to know the truth.

    "All I know is that she was just injured and didn't want to return again to play." sagot ko.

    Iyon naman talaga ang pinaniwalaan ko, kahit na sinabi pa ng NVTA na nagbakasyon siya.

    Nakanganga niya akong tinitigan.

    "Something happened in the NVTA." she said, nakayuko na ngayon para bang natatakot na makita ko ang mukha niya.

    Tumayo siya, pinagpapagan ang sarili at nameywang sa harapan ko.

     "At iyon ang hindi ko rin alam." mahina niyang sabi.

     Halos hambusin ko siya ng dala kong tubig!

     This stupid little chestnut!

     Mas lalo lang dumadami ang tanong sa isipan ko!

     Aalis na sana ako ngunit napatigil ng marinig ang igham niya, trying to make me stay.

    "But Zandria knows."

     That second almost made me to forget how to breathe. Why didn't I think of that?

     She has all the information! That bitch has the answers to all of these questions kaya bakit naisip kong magtanong dito sa maliit na kutong ito?

     But how will I know if hindi pa siya bumabalik simula noong umalis siya ng practice game? Pati si Luke ay walang alam kung nasaan siya, I have also asked Muso but he doesn't know also.

    Where are you Vergara?

Two updatessss!

I hope you'll enjoy this!

Less than 30 chapters nalang matatapos na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top