CHAPTER 20- Two Things
Marcella's
POV
I'm exhausted.
Hapong-hapo at halos hindi ako makahinga dahil sa bawat set at hampas ng spikers namin ay napapataas pa rin nila ang bola kahit na gaano ito kahirap. Their digs were just unimaginable. The pancakes they are cooking are so hot that we couldn't keep up! The sets were quick also! Just a perfect representation of a perfect players. They are just too good to be true!
Saan ba talaga nanggaling ang mga ito? They seem so unreal!
Nangunot ang noo ko, hindi impossible ngunit hindi magiging kapani-paniwala kung nanggaling nga talaga sila sa NVTA. I know that the Association is prestigious enough pero hindi rin nawawala sa akin mapahanga sa posibilidad na doon nga talaga sila nagmula. Ang mga malaperpektong galaw, ang walang kasing lakas ng paghampas at palo sa bola at ang mga kakuladong pag-iisip at pag-alam kung saan mapupunta ang bola.
Kung sana lang ay nakapasok ako roon! Ang swerte-swerte namin ng mga ito!
Parang si ano-
"Marcella!" sigaw ni Maxine.
Naiset ko nang maayos kaya naihampas niya rin. Puntos para sa amin.
Kakaiba ang larong ito, hindi tipikal at halos nakakagulat ang mga detalye.
Nakakapanlumo at halos gusto ko nang sumuko na kahit ang mga pawis ko ay nawawalan na rin ng pag-asa. Kapag nakikita ko ang mga galaw nila, pulidong-pulido! Nakakaingit! Sumulyap ako ka Xiania, mga kasama niya ito noon bakit hindi niya man lang kami pinagsabihan? Kung sinabi niya man ay nalimutan ko na!
Napatingin ako sa scoreboard, wala pa kaming napapanalong set, nakakasabay naman kami pero kahit ganoon ay parang may mali, parang may maliit na mantsa akong nakikita. Napatingin ako kay Sheyn at kay Vergara sa bangko. Oo nga pala. Ayaw ko mang sabihin ay alam kong matatalo kami nito kapag hindi nakapagdesisyon ng maayos iyong Coach namin na kanina pa nuod nang nuod lamang. Hindi pa siya tumatawag ng time out simula ng nag-umpisa ang laro, nakakapanibago dahil nakakapagpahinga lamang kami kapag nagtitime out ang kabila. Tuloy ay hindi ko magawang hindi kabahan.
Marami na rin ang nagbubulungan sa bleachers, hindi ko man mawari ang mga salitang lumalabas talaga sa kanilang bunganga ay alam kong hindi nila gusto ang nangyayari.
Umiling na lamang ako habang hinihintay na mapunta ang bola sa akin.
"Shit! Hindi pa ba magtatawag ng time out iyang si Coach?" naiinis at halos gusto nang magwala na sabi ni Maxine, sabay pahid ng walang katapusang pag-agos ng kanyang pawis.
Laking pasalamat ko nang marecieve ng tama ni Sheyn ang bola at mapunta ito sa akin. Mataas ito kaya kailangan ko pang tumalon upang maiset ito ng tama kay Maxine. Isang quick ang nasa isip ko. Kailangan kong maiset ito ng tama dahil kung hindi ay malalagay talaga kami sa alanganin! Ngunit nanlaki ang mga mata ko ng hindi na ako makatalon ng ganoon kataas kaya siguradong bitin ang pagkakaset ko! Para bang naubusan ako ng gasolina at hindi na makaandar ng maayos, nanginginig na rin ang mga kamay ko.
Nawala ang kulay sa mukha ko, nalimutan ko na rin ang huminga. Tumigil yata ang pag-ikot ng mundo?
Napakababa ng set kaya halos hindi ako makahinga ng hinambalos ito ni Maxine papunta sa kabila, sa sobrang lakas ay tumalbog ang bola sa kamay ng blockers at napunta sa kung saan. Nakahinga ako. Galit na si Maxine, mabuti naman.
Sina Maxine at Xiania ang bumubuhat ngayon sa team na kahit gaano kahirap ang set na ibinibigay namin dahil sa palpak na palpak na recieve ay nakakapuntos pa rin sila kahit papaano pero kaagad rin namang nababawi ng kalaban na para bang pinaglalaruan kami?
Napatingin ako sa kabilang bahagi ng court at habang nakikita ang mga walang emosyong mga mukha ng mga players na ay parang gusto ko nang matapos ang larong ito dahil habang tumatagal ay tila bang nawawala ang kompyansa ko sa sarili.
Nawawalan ako ng gana kasabay ng pagkawala ng aking resistensiya.
"Keep up with them!" sigaw ni Coach. Na parang kay dali lang ipinapagawa niya.
Ang mga nanunuod naman ay nagcheheer na rin sa amin. Posters and horns are blaring at us.
Ngunit gusto ko nang magmura, wala na akong resistensiya at halos hindi ko na rin mahabol ang aking hininga. At kahit na nagsusub naman sa akin si Lyanna ay ibinabalik pa rin naman ako sa loob ni Coach. Kung susumahin ay tatlong sets ang ipinapaggawa niya rito at pinapabalik na naman ako sa loob.
Tumayo si Coach, may ibinulong kay Vergara na kinunutan ng noo naman ng isa na para bang ayaw nitong sundin ang mga sinasabi nito sa kanya.
Kahit na gumaling na si Sheyn ay hindi ganoon kaganda ang recieve niya, na singkwenta porsyento nga lang kung tatalain, yung digs naman ni Vergara ay ganoon rin. Masyadong nakakapanghinayang at nakakabigo. Kaya nauubusan na rin ang lahat ng enerhiya dahil kung hindi na marecive at madig ng dalawa ang namamatay na bola ay kami ang siyang umaalalay para huwag itong mamatay.
Pumito ang referee hudyat na humingi na ng time out si Coach. Oh God! Thank you!
I badly need some rest! Pakiramdam ko ay mawawlan na ako ng malay kung hindi lang nagtawag ng time!
"Salamat naman Coach at naisipan mong mag-time out!"sigaw ni Maxine sabay laklak ng tubig na ibinigay ni Lexian sa kanya.
Mannerless it is but I think I could agree with her this time. Hindi naman tama ang ginagawa ni Coach, parang wala siyang pakealam.
Sa tingin ko ay hindi ko na kaya pang maglaro. Pero ang makitang matalo kami habang nakaupo sa bangko ay mas lalong nakapangpangiwi sa akin. Mas gugustuhin ko pang matalo nang nasa loob.
"Kung sana ay nagsabi ka na ganito pala sila kagaling Xiania!" naiinis na sigaw ni Ada kay Xiania na ikinangunot naman ng noo ng isa.
Mahigpit ang hawak nito sa bimpo na ipinupunas sa kanyang mukha, tumigil siya at ipinakita ang ekspresyong nagpatindig sa balahibo ko, nakakatakot.
Tumayo siya kaya napaatras ako.
"That information is just a common sense!" nakangiwi pang sagot nito. Galit na. "You all didn't think how dangerous their moves are, did you? Wow. Just wow." iling niya pa.
Dismayadong-dismayado ito tila bang isang guro na hindi napasahan ng takdang-aralin ng kanyang mga estudyante dahil nalimutan ng mga itong gawin iyon.
Nakonsensya ako, siguro'y excited lang talaga kaya hindi na pumasok sa kukute namin na sobrang galing ng makakalaro namin!
"She's right. Now, everybody listen. It's alright to lose this game." ani Coach.
Nakanganga kaming napatingin sa kanya. Nanlalaki ang mga mata namin at halos hindi makapaniwala. Papaano niya nasasabi iyon. Kung gusto niya matalo na lamang kami, edi sana hindi nalang kami naglaro?
"Those players that you are playing with are from the NVTA." dagdag niya pa, reminding us.
Parang nalimutan kong huminga. Nawala lahat ng gana at halos gusto ko na lamang umuwi at umiyak. Papaano ito ngayon? At bakit habang naglalaro ay nalimutan naming naggaling silang lahat sa NVTA?!
At saka bakit ngayon niya lamang sinabi?!
"I think I just lost my hearing. Sigurado ka ba Coach? Those people are from NVTA?!" hindi makapaniwalang tanong ni Yssa.
Meron kaming former NVTA rito, si Xiania at si Sheyn. E, kung hindi pala naglaro si Xiania sa amin ay ganoon sila ka bagsik?! Si Sheyn ay hindi pa nakabalik sa kanyang dating galing kaya ay nakakabigo.
"Kaya pala kahit anong gawin nating opensa at depensa ay parang wala lang sa kanila." nanlulumong sambit ni Ada.
Gusto kong maiyak. All this time ay pinagbibigyan lang nila kami? Pero kung pinagbibigyan lang nila kami, what's the point of playing with us at all?
"Yes, those moves you saw were nothing compared to their full potential." nakayukong ani Xiania.
Halos gumapang na nga kaming lahat para lang makapuntos tapos hindi pa full iyon?
Walang nagsalita. Nakayuko ang lahat. Nagulat na lang kami nang mahulog ang telepono ni Vergara saka mabilis itong tumakbo palabas. Walang humabol sa kanya dahil kahit gusto ko man ay halos hindi na nga ako makahinga.
"Now what should we do Coach?" tanong ni Maxine.
Maingat na tiningnan niya kaming lahat, isa-isa yung tipong wala siyang malilimutan. Inayos niya ang kanyang buhok at hindi nagatubiling tinalikuran kami.
"Do what you all want. This time, remember their plays and their moves. It's alright to lose." saka itinaas ang kamay bago yumuko.
Wala kaming nagawa kung hindi ay ang bumalik na lamang sa aming pwesto sa court. Isang set na lamang at matatapos na ang practice game.
Oo nga. Practice game lang pala ito ngunit bakit parang kay bigat ng mga hakbang at mga iniisip namin? Bakit parang may mali? Na para bang may hindi dapat na mangyari?
Si Maxine ang nagserbisyo at kahit gaano kaperpekto ito ay nakukuha pa rin ito ng libero nila. Napasinghap ako. Hindi makapaniwala.
That was a great recieve!
Iyon ang pinakamagandang recieve sa larong ito. Napakasarap iset non'!
"A Quick! Ada!" sigaw ko. Ngunit huli na ang lahat.
"Off the block?" nanghihinang tanong ko sa sarili, hindi na makapaniwala.
Nasa baba na ang paa ni Ada at halos mababa na rin ang kamay niya ngunit sinigurado pa rin ng Climente na iyon na maoff the block ang puntos niya na kung susumahin ay pupwede niya namang idown the line na lang iyon!
"They are toying with us." nanggigigil na sambit ni Xiania.
Nakakagigil man ay wala kaming magagawa. Si Ada ay nabuburyo at gusto nang manapak ang mukha.
"Hayaan niyo na lang." si Sheyn.
Ibinaling ko ang atensiyon sa kanya napakakalamado at parang wala lang sa kaniya ang nangyayari.
She got a good reception kaya ay mataas ang set ko kay Maxine na nahampas niya naman ng maayos. Nanlaki ang mata ko ng maitaas na naman iyon ng libero nilang nagngangalang Reyes. Ang layo niya sa bola ngunit nakuha niya paring maitaas ito! Sumusulpot lang siya kung saan!
"Sheyn!" sigaw ko ngunit nahulog na ang bola.
"We would like to thank the Second District Champions for having a practice game with us! Let us all give them a round of a plause!" pagsasalita ng emcee.
Ang mga schoolmates namin ay nagpalakpakan din naman ngunit hindi ganoon kasaya. Nakakpanlumo lang talaga batid ko ay maraming na disappoint at gusto nang magalit.
"Parang nawalan ako ng ganang maglaro! Punyeta." si Ada.
Kung ako man sa kanya ay maiisip ko rin iyon. Nakakaburyo naman talaga ang nangyari sa kaniya.
"Hindi lang naman ikaw ang nawalan, isama mo naman ako." si Yssa.
Nakayuko kaming lahat. Wala ng mga taong nanunuod kanina. Tapos na rin kaming magkamustahan ng mga former teammates ni Xiania. Gusto ko ngang hambalusin sila.
Gaano ko man pinapakalma ang sarili ay hindi pa rin mawawala ang. Panggigigil ko at pagkamuhi sa angking galing nila.
"Saan naman kaya nagpunta iyong si Vergara?" wala sa sariling tanong ko na lamang.
Nakasalubong ang kilay na hinarap ako ni Maxine.
"You are worried at Vergara? How ridiculous! Iniwan nga tayo sa gitna ng laro tapos magtatanong ka kung nasaan siya?" nanggigigil niyang bara sa akin.
Kampante mang ganito lang talaga si Maxine ay naiintindihan ko naman siya at kahit na gaano ka unreasonable na iwanan kami ni Vergara ay hindi ko pa rin makuha ang magalit sa kanya. Iniisip ko na lang na may emergency o kaya naman ay may importante lamang siyang gagawin. Iniisip kong hindi niya naman gagawin iyon ng wala lang sa kanya.
Pagkatapos ng laro ay naglinis muna kami ng sarili dahil pagkatapos ay magmemeeting kami sa club room. Halatang walang gana ang lahat na ultimo ang sulyapan si Coach ay hindi namin magawa, sadyang nasapak kami ng katotohanan. Na imposimble ang mga hinihiling namin.
"Kamusta kayo?" pag-uumpisa nito.
Minsan gusto ko na ring manapak. Sa dinami-dami ng tanong bakit iyan pa ang unang itatanong niya sa amin?
"As you can see we are not feeling well." pairap na sagot ni Maxine.
Nalimutan na siguro sa kanyang bokabularyo ang salitang 'Sir'.
"Yes, I know you are all disappointed."
Napatingin kami sa kaniya. Nakangiti at walang halong pagkadismaya ang mukha niya, naroroon at kitang-kita ang pagkamaunawain sa kaniya.
"Nakakawalang-gana lang naman po." mangiyak-ngiyak na sambit ni Lyanna.
Kumibot-kibot rin ang mga labi ko dahil doon.
I can feel her agony. It's just not fair.
"Why?" tanong pa nito kay Lyanna na parang hindi niya nagets ang sinabi nito.
Tumayo si Ada. Kinabahan ako.
"Why? Kasi hindi pala kami ganoon kagaling at kitang-kita ang pagmamaliit nila sa kakayahan namin. Na para bang wala kaming alam sa ginagawa namin, na parang mga daga lang kami sa harap ng mababangis na leon." mahabang lintaya ni Ada.
Napayuko ako.
I was also thinking about that. Ang hirap kasi, na akala namin okay na kami, na pwede na. Then, all of a sudden. Pooof! Gone all the confidence we have gathered.
"Can't you all see?" natawa si Coach.
Uminit ang ulo ko. Bakit parang wala lang sa kanya ang nararamdaman namin?
Nahihibang na ba siya?!
"You what Coach? This is just pure stupidity! Tatawanan mo lang kami while we are suffering from a loss!" napapasigaw na sambit ni Maxine.
Nakaturo ang kamay niya rito. Galit na galit gusto nang manakit.
"Why are you so insensitive, Coach?" naluluha kong tanong.
Palagi ko na itong nararanasan kay Mom, but the feeling is different. My Mom doesn't really know what I love but this Coach right here has all the information that he can get but he is still like this. It's just something that is not what I was looking for in this meeting.
"You are all looking at the negative side." pormal na sambit niya.
Napatayo ito sa unahan ng kaniyang lamesa habang inumpisahan ang pagpapaikot ng ballpen sa kaniyang kamay, pinaglalaruan ito.
"Negative? What do you mean?" si Ada.
I was taken aback. What kind of negative? So, there is a positive sides? I could almost hit my head! How could I miss it!
"Two things, girls. Two things." pakanta niyang sabi.
"Will that two things help us to win the grandfinals despite them being from the NVTA?" garalgal na tanong ni Maxine.
Hindi sumagot si Coach. Sapagkat ay binitawan niya ang ballpen at inilagay sa kanyang bulsa.
"First, you got to play with your opponents." nakangisi niyang pahayag.
So, in the first place ay wala sa utak niya na manalo kami sa practice game na iyon? Pero bakit niya ginamit ang dalawang libero?
"Then why did you use Vergara and Mendoza?" naguguluhang tanong ni Ada.
Nabigla ako. Did she just read my mind? Umiling ako. Nababaliw na yata.
"Simple. To test them." si Sheyn.
Napalingon kami sa kanya. She was there all along? Napayuko ako nakikita rin sa mga mata niya ang pag-aalala.
"Correct." ani Coach.
"Test them for what?" tanong ni Maxine habang nagbabalik-balik ang tingin niya sa dalawa.
"If they knew who you all are."
Nanindig ang balahibo ko.
"Seems like they have much information about all of you." dagdag niya pa.
"Kaya hindi mo na pinaparami ang sets ni Lyanna sa akin? At lahat nang iyon ay puro quick plays!" si Xiania.
Para hindi nila malaman ang mga combination plays namin?
"Tumpak." natatawang sagot ni Coach, binibiro na kami.
That lightened the pressure that was amongst us a while ago.
"Ano naman yung ikalawa Coach?" tanong ko kahit na kinakabahan.
Masyadong malapad ang ngisi niya kaya kitang-kita namin ang pagkawala at pag-iba nito. Determinado at may kompyansiya itong ngumisi ulut sa amin.
"Nakakasabay tayo sa kanila."
Napasinghap ako. Ito iyon! Iyong kanina ko pa hinahanap. Na kahit gaano sila kagaling ay nakakapuntos pa rin kami. Na kahit halos lahat ng galaw nila ay perpekto nakakalusot pa rin ang palo namin. Paano nalang kapag gumaling na ang mga libero namin? Paano nalang kapag ginamit na namin ang mga kombinasiyong pinag-aralan at pinagpraktisan namin?
"They just toyed us!" si Ada.
Parang nalusaw ang pag-asang itinatayo ko sa sinabi niya. Napanguso ako, maiiyak na.
"Huli na iyon." ani Sheyn.
Silence.
Napatingin ako sa labas. Nag-iisip na parang nasa dumadaan na estudyante ang mga sagot sa katanungan ko.
Oo nga at pinaglaruan nila kami at ipinakitang walang-wala kami. Pero paano kung ginawa lang nila iyon upang durugin ang pag-asang nananalaytay sa amin?
Or are they giving us false hopes?
Maipapanalo ba namin ang mga susunod na laro?
Hi! I know I've been so inactive, but guess what? I'm backkkkk!
I'm redeeming my writing skillz! haha. Wrote it for about 5 hours? Please forgive my errors.huhuhu
Iloveya'll! :)
And also don't forget to check my other stories. :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top