CHAPTER 2- NVTA
Marcella's
POV
The sun's not shining yet. But here I am, sitting and not even moving. I didn't even sleep last night because of so much excitement! My hands were trembling and ready to set a volleyball. I can't seem to calm this feeling, sa unang pagkakataon ay makakapaglaro na kami sa isang Championship!
I stretched body to ease the excitement but it isn't working!
Sa sobrang excitement ay nakarating ako sa school ng wala pang estudyanteng matatanaw. Ultimong sekyu at janitor lang ang nakita ko. Early bird?
Nag-warm up at nagpractice ako ng serving, isa ito sa mga dapat kong hasain, ang kargadong serbisyo upang hindi madaling marecieve at mahihirapan ang setter ng katunggali namin sa pagseset ng bola. Wala naman akong kasama kaya ay hindi ako makapractice ng pagseset.
Dumaan ang ilang minuto ay nakarating na rin ang mga kasama ko. Ngunit ang papaluin ko na sanang bola ay naihulog ko at naningkit ang aking mga mata ng makita si Mendozang nakacast ang kaliwang kamay. Wala na. Wala na talaga!
"Anong nangyari sa kanya?!" sigaw kong tanong saka inalalayan itong makaupo sa bench.
"Sa kanya mo itanong." walang ganang saad ni Ada.
Napatingin ako ulit kay Mendoza. Wala man lang akong nakuhang sagot dito. Gusto kong magwala, gusto kong hampasin si Mendoza, sa lahat ng pagakakataon, bakit ngayon niya pa naisipang magkainjury? What on Earth is she thinking?!
"It's not like ginusto niyang mangyari yan." sagot naman ni Maxine na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala.
How could she say that na parang wala lang sa kanya?! My life depends on this and so is hers!
Ang tunog ng palo ng bola sa court ay dinig na dinig ko na, malamang ay nag-umpisa nang magpractice ang lahat maliban sa aming tatlo. I don't know if they did the stretching and warm up first, all I think about is the problem here right now! Wala kaming libero! It means our chance to win this championship is going down the drain!
"I tripped. I'm so sorry." paumanhin ni Mendoza. Guilt is evident in her eyes.
I should wake up. This is a dream, isn't? I pinched myself, trying to believe that all of these things are just a product of my dreams. Pero nagkakamali ako.
Pero I should'nt blame her too much. Kung meron mang taong gustong manalo sa larong ito at talagang gagawin ang lahat para manalo ay siya yun.
Syempre ikalawa ako.
Gusto kong tanggapin ang kanyang sorry. Ngunit kahit anong paumanhin nito ay parang hindi ko matanggap. Ano na lang ang mayayari sa amin? Babalik na naman ba kami sa pinakailalim? Sa pinakauna?
Natulala ako ng ilang segundo. Hindi malaman ang gagawin at hindi rin alam na ang sasabihin. Hindi ako makapaniwala na wala kaming libero ngayon. Nanghihinayang akong umupo saka napayuko.
"We can find one! Maaari tayong maghanap." napatingin ako kay Mendoza sa naging suhestiyon niya.
Wow! Parang andali namang maghanap non'!
"We don't need a libero to win this Championship." saad ni Maxine.
Nakacross ang mga kamay nito habang nakatayo, nakalugay ngunit hindi magulo ang napakahaba nitong buhok. Pwede nang imodel sa isang brand ng shampoo. Yung buhok lang hindi ko sinabing mukha.
"Kailangan natin ng isa Maxine." sabi ko naman sa kanya.
"We have one naman diba? Yan." sabay turo kay Mendoza.
Silence.
"You said we need one." irap pa nito sa akin.
"Meron nga tayo pero hindi siya makakapaglaro kaya kailangan natin ng isa pang papasok sa Court." nawawalan ng pasensya kong saad.
"Maghahanap nga tayo." singit ni Mendoza.
"You two do it." ani Maxine.
"You're the Captain dito Maxine. You should be the one who should do it." suhestiyon ni Mendoza.
"What?! You are the one who suggested it! And I did not approve your suggestion! At isa pa, it was your fault in the first place. Kung hindi ka nainjured nang ganyan ay wala sana tayong problema." nagugulat nitong pahayag.
"I'll do it." walang gana kong sabi.
Napatingin silang dalawa sakin, nakita ko din ang iba pa naming kasamang nahinto sa pagprapractice pero nang lingunin ko naman ay nagpatuloy din sa kanilang mga ginagawa. I don't have any choice. Ayaw ni Maxine maghanap, hindi naman makakapaghanap si Mendoza dahil sa injury nito at higit sa lahat ay wala akong tiwala na makakahanap ang iba pa naming kasama.
"How I hate all of you!" sigaw ni Maxine saka umalis. Na siya namang nakaagaw ng atensyon ng mga kasama namin.
Nang magtanghalian ay hindi ako nakakain ng maayos sa pag-iisip kung papaano ako makakahanap ng taong makakapaglaro ng posisyong ayaw na ayaw ng lahat. Minsan nga ay napapatanong ako kung bakit nagustuhan ni Mendoza ang posisyong yun. Una hindi ka makakapagserbisyo, ikalawa, hindi ka makakapagispike at ang ikatatlo pagagalitan ka pa kung hindi mo naitawid ang bola patungo sa setter.
"I heard na wala tayong libero?" kinakabahang sambit ng aming coach habang nagwawarm-up ako.
Hanggang ngayon ay wala pa akong nakikitang makakapaglaro ng posisyon ni Mendoza. At ang marinig kabadong sambit ng aming Coach ay nagpadagdag pa sa aking kaba.
"Naghahanap pa po ako Coach." bulong ko rin sa kanya. The last thing that I would do is to let others know about the situation.
"Excuse me, Sir? The registration is now starting."
Sabay kaming napatingin ni Coach sa nagsalita. Isa ito sa staff ng competition. Naghihintay sa kung ano man ang sasabihin ng aming Coach kaya hindi pa din umaalis sa aming unahan.
"Sandali lang, wala pa kasi yung isa kong player. "
"Wala na pong oras. The President of the first district is waiting po. Kailangan nang magsimula ang laro."
Wala na akong sinayang na panahon ng lingunin ako ng aming Coach saka tumango. Mabilis akong naglakad habang iniisip kung sino ang babaeng makikita ko. Nakalabas na ako ng Gym at nalibot ko na ang buong school ngunit wala akong nakitang fit enough for the role. Marami na rin akong napagsabihan pero lahat sila ay tumanggi.
Nawawalan na ako ng pag-asa. Hapong-hapo na ako at wala na sa ayos ang jersey ko. Naiiyak na rin ako sa kaba. Paano kapag wala akong nakita? Paano kapag hindi kami pinayagang makapaglaro ng walang libero sa loob ng court? Katapusan na ba ito ng ambisyon namin?
Napawi ang lahat ng pangamba ko nang makita ang babaeng naaakma sa hinahanap ko. Nakatayo ito sa gilid ng bleachers habang nanonoud ng pagwawarm-up ng mga kasama ko, interesadong-interesado sa bawat paggalaw at pagpalo ng bola, maski ang pag-uusap ng mga ito ay tila naririnig niya. There is something about her. But it's not about her look, her height, her well-being. It's something I can't point out.
Aalis na sana ito, pero kailangan ko siyang pigilan.
"Bago ka ba dito?" natanong ko sa kanya.
Naguguluhan niya akong tinitigan. Simple niyang tiningnan kung saan ako naggaling, nagtatanong. Ngunit wala sa akin ang kanyang buong atensyon. I'm nervous but I must nit show it! Kailangan ko na siyang makumbinse!
Ang pigura niya ay hindi pamilyar sa akin. Alam kong hindi dapat ito ang dapat kong itanong pero yun' lang naisambit ko. Nag-aalangan ngunit sinagot niya rin naman ang tanong ko.
"Ah... Oo bago lamang ako dito." simple sagot niya.
I exhaled properly. This is it. Ho!
Akma siyang aalis ng hawakan ko ang kanyang kanang kamay doon niya ibinigay ang buong atensyon sa akin. Batid ko ay naiinis na ito sa akin, pero wala akong magagawa, desperada na ako. Kailangan namin ng libero at ang babaeng kaharap ko ang gaganap non' wala nang oras kaya hindi pupwedeng wala akong gagawin para pumayag siya.
"Alam mo ba ang larong Volleyball?" tanong ko sa kanya saka binitawan ang kamay niyang hawak-hawak ko.
Matagal ang pagtitig niya sa akin tila bang naguguluhan sa tanong ko.
"Hindi eh."
Paanong hindi niya alam? Ang pagtitig niya sa mga kasama ko ay kagaya ng mga kaibigan niyang matagal niyang hindi nakasama.
Nabigla siya niya lumuhod ako sa kanyang paanan. Anong magagawa ko? Wala nang ibang paraan. Ito na lang ang alam kong makakapagkumbinse sa kanya. Napalingon ako, marami nang nabubulungan, salamat naman. It will be a good driving force for her to accept my favor.
"Anong ginagawa mo? Tumayo ka riyan."
I didn't mind what she said.
"Maglaro ka kasama namin. Hindi! Kahit na pumasok ka lang sa court." naiiyak ko nang pakiusap sa kanya.
"Pasensya ka na. Ayoko talaga." tanggi niya pa.
"Hindi ako tatayo dito hangga't hindi sasama sa akin." banta ko pa.
What should I do?!
Naririnig niya na ang mga bulungan. At tama ako, isa nga siyang baguhan dito.
"Kulang ba kayo?" tanong niya.
Hindi ko maipagkakailang nabuhayan ako ng loob. I wiped my tears away.
"Hindi." tipid kong sagot na ikinaiba ng mukha niya.
"Hindi kami kulang, pero ang isang posisyong ayaw gampanan ng lahat ay kailangan gampanan ngayon. Isang laro lang, please."
I am a desperate liar, yes. Hindi lahat ng tao sa school ay ayaw gampanan ang posisyong iyon, dahil si Mendoza ay mahal ang posisyong ayaw ng lahat.
"At ano namang posisyon ang gusto mong gampanan ko?" curious na niyang tanong. Gumagana na ba ang taktika ko?
"Libero." maikli man ay sapat na iyon upang mapipi siya.
Sabi na nga ba at nag-iisa lang si Mendoza sa lahat ng taong gusto ang pahahabol at pagdepensa sa bola.
"At ano naman ang mapapala ko kapag sinunod ko ang gusto mo?" interesado niya pang tanong.
Napaisip naman ako. Ano naman ang mapapala niya? I'm lost for words. I didn't expect her to ask me that, how stupid of me.
"Okay." ani niya.
I can't believe this sa lahat ng taong pinakiusapan ko ay siya lang tumanggap sa pabor kong hiningi.
Mabilis ang pangyayari nakapagbihis na siya ng kanyang jersey. Nabigla pa ako ng ibigay sa kanya ni Mendoza ang jersey nito. Pinagsabihan siyang wag nang depesahan ang bola at tumayo lang sa gitna ng court at kapag napunta sa kanya ang bola ay wag na wag niya hahawakan.
Pero iba ang ginawa niya, siya ang nagrerecieve ng bola kaya naman ay kahit na mali-mali ang mga iyon ay wala kaming magagawa. We just can't tell not to touch the ball. Baka makita kami ng staff. And it's her role now.
Kaya naman nang hindi niya nadepensahan ang bola ay nagulat kami ng puntahan siya ni Maxine at sampalin!
I was shocked!
Maybe it could be the frustration because that one point could lead to the other team to have a confidence and win the game. Pero that was too much. But that was not the only thing that made me shocked! Vergara, the girl's name. Didn't mind the slapped she got. Subalit ay pumwesto pa ito pabalik sa kanyang spot. Nagtinginan ang mga kasama ko.
Kung yung ang naging reaksyon namin ay iba ang ginawa ng mga tagasuporta, boo's ang unaccepted words came out of their mouths. It made me feel guilty. Kung hindi ko lamang siya dinala dito ay hindi niya mararanasan ang lahat ng ito. Napailing ako.
Subalit hindi ko maialis sa aking isipan kung paano niya tinatanggap ang bawat serbisyo. Kakaiba at walang katulad ang porma ng kanyang kamay na makikita din sa buo niyang katawan. I can't seem to understand this but eventhough ibang-iba at hindi tama ang kanyang pagtanggap ng bola, hindi ko magawang tawanan iyon. Para bang alam na alam niya ang ginagawa kahit na mali ito.
Sigawan ang nakapagbalik sa akin sa realidad. We won. We WON!!! I didn't saw what happen. But we Won!
I jumped and jumped. Shook hands with my teammates as well as my opponents pero nawala ang saya sa mukha ko ng makita ang pagbalewala kay Vergara, sa halip na ngumuso ay parang wala lamang ito sa kanya. Hindi ko maintindihan kung ako sa posisyon niya ay kanina pa ako umiyak.
Pagkatapos ng pagkuha ng litrato ay nadasal kaming lahat pero hindi ko pa rin makuha ang buo kung atensyon kay Vergara. Kakaiba talaga siya.
"It was a great game, but was disappointing also." saad ng aming Coach.
I expected that. It was the worst game.
"It was. Maganda na sana at hindi ka pa madidisappoint kung hindi mo lang inilagay sa line up ang liberong ito. " ani Maxine. Sabay turo pa kay Vergara.
Nasa Coach ang paningin niya pero alam kong para sa akin ang lintayang iyon. Nasa kay Vergara na ang atensyon ng lahat, na siya namang ikinayuko ng nito.
"It was necessary dahil kung wala siya ay hindi tayo nakapaglaro." hindi di ko na napigilang saad.
"So sinasabi mong may utang na loob pa tayo sa kanya?"
I can't believe her! If it was not for Vergara, we are not here right now!
"Hindi naman sa ganon Maxine, ang gusto ko lang sanang sabihin ay huwag mo nang uulitin ang ginawa mo kanina." madiin ko nang lintaya.
Alam kong hindi naman talaga masama ang ugali ni Maxine, maybe it's the pressure?
Hindi pa natapos doon ang bangayan namin. Mabuti na lamang at nagsalita na ang Coach at dumating ang Principal.
Tinanong nito kung sino ang sumampal at sinampal na siya namang bumigo sa akin. Hindi man lang ito nanood ng laro. And that's not the only thing that made me grit my teeth. Sinisi niya pa si Vergara!
Nang nagsipag-alisan ang mga kasama namin ay naiwan kaming dalawa ni Vergara ngunit batid kong malalim ang iniisip nito.
"Hindi ka pa ba magshoshower?"
She looked at me in manner which someone would mistakingly call rude. Pero hindi iyon ang naramdaman ko sa tingin nito. It's something anyone would do.
"Wala pa kasi akong locker kaya hindi ko alam kung saan ako magbibihis." Nahihiya niyang saad.
Muntik na akong matawa. Buti na alang at napigilan ko ito. Wala akong nagawa ng makita ang mga mata nito, ang emosyon ng kanyang mata kay kitang-kita, dahil sa awa ay isinama ko na lamang ito sa locker room.
"Now you see right here, magpapahintay na naman ang mabait nating si Marcella." Sabay irap pa ni Maxine.
Napantig naman ang tainga ko.
"Tama na yan, Maxine." awat ni Mendoza.
"Why would I? Saka kita mo naman diba? She is acting like siya yung dapat na sundin ng lahat while ako dapat, ako ang Kapitana ng Team na ito." sumbong pa ni Maxine.
Ang pagiging Kapitana ba ng Team ang dahilan para umasta siya nang ganito? Nakakabigo. Sana ay hindi na lang siya ang pinili ng Coach.
"Dagdagan mo pa ng babaeng yan, kung meron sana tayong magaling na libero ay wala tayong problema ngayon." dagdag pa niya.
Sometimes I don't understand kung saan niya nakukuha ang mga salitang nakakapanakit ng damdamin ng tao.
Hindi niya ba alam ang golden rule na 'Do not do unto others what you do not want others do unto you'?, alam naman siguro hindi lang isinasapuso.
"How can you be this annoying Maxine?" nagtitimpi ko nang saad.
"What? Me? Annoying? That's not even in my vocabulary."
Halos mapigti na ang pasensya ko nang maramdaman ang pagkalabit ni Vergara sa akin at magtanong kung nasaan ang shower.
"Samahan mo ang rookie sa shower Maxine." Buo at hindi nanghihingi ng sagot utos ni Mendoza kay Maxine.
Sa oras na ito ay hindi ko na mapigilang ngumiti nang hindi man lang pinatapos ni Mendoza si Maxine sa pagsasalita at hinikayat kami palabas.
"Alam niyo, parang pamilyar si Vergara sa akin." nakangut-nuong pahayag ni Ada ng pagkalabas pa lang namin sa locker rooms.
"Bakit naman?" tanong ni Yssa.
"Naaalala niyo pa ba ang ang NVTA?" tanong naman saming lahat ni Ada.
"National Volleyball Training Association?" balik ko ding tanong sa kanya.
"Oo, para kasing nakita ko na si Vergara doon eh." sagot ni Ada sa tanong ko na siyang kumuha ng atensiyon ng lahat.
"NVTA is one of the most prestigious association in the Philipines, in the field of Volleyball. You're mistaken." papuputol pa ni Mendoza sa nabuhay naming kuryusidad.
"So? Sinasabi mong?" ani Yssa.
"Nakita mo ba ang laro niya?" tanong naman ni Mendoza pabalik sa kanya. She questioned her na para bang napakastupid nito dahil kailangan niya pa itanong ito.
"Everybody saw how she plays, it's hideous!" naibulaslas naman ni Yssa.
"That Association is not a joke kaya wag niyo nang babanggitin na nagmula yung Vergara doon." pagwawakas ni Mendoza sa usapan.
Wala na akong nasabi. Tunay naman talagang prestihiyoso ang samahang iyon dahil doon nagmumula ang National Team na ibinabato sa International na paligsahan sa larangan ng Volleyball.
Ang pag-uusap na iyon ay hindi na nasundan, namutawi ang katahimikan. Subalit nawasak iyon nang dumating si Maxine mula sa shower room. Habang sinasabi na wala raw respeto si Vergara. Ngunit halos matawa ako ng lumabas si Vergara sa shower room at yumuko nang pagrespeto. Grabe.
Umalis kami at iniwan naman ang dalawa. Nasa labas kami ng Gym habang ang dalawa ay nadoon pa. Naunang lumabas si Vergara.
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya, na mabilis niya namang kinuha. Nalimutan ko kasing magpakilala kanina.
"Marcella Marie Tomasa, welcome to Casay High and welcome to the Team. " nakangiti kong sambit
"Zandria Roxe Vergara. I quit." sabay alis pa nito.
What?!
Mabilis ko siyang hinabol at kagaya kanina ay hinawakan ko ang kamay. Hindi pupwedeng hindi na siya maglalaro ang Grandfinals ay malapit at wala nga kaming libero!
"Wait! Hoy! Vergara!"
Nawawalan na ng pasensya ang mukha niya.
"Ayoko ko nang maglaro." sabi niya, hawak ang kanang kamay.
Kukuhanin ko na sana ng iniwas nito sa akin. Nangunot ang nuo ko. Bakit nanginginig ang kamay niya?
"You can't just let us down. We need to win this coming grandfinals." naibulaslas ko sa kanya.
"Kayo lang ang kailangan maipanalo yun' hindi ako kasama don'. I've have nothing against you all. Ayoko na talagang maglaro." saad niya.
Wala na akong nagawa kundi hayaan siyang umalis hawak-hawak ang kanang kamay niya. I don't know what to say. Napipi ako.
"Now what Marcella? We have no libero. We can't play in the grandfinals." ani Maxine.
Nilingon ko siya. Sa lahat ng sinabi niya ay ito lang ang masasabi kong totoo at wala na kaming magagawa don'. Kung sana ay may taong maglalaro kasama namin. Like the one's who are training in the NVTA.
_____
Mika Reyes as Ada Cheng
Kath Tolentino as Yssa Lloyd Gonzales
Dennise Lazaro as Sheyn Mendoza
Ctto: Pinterest
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top