CHAPTER 16: Delubyo
Marcella's
POV
"Kanina pa tayo naghihintay kay Vergara, Sheyn. Tingin mo sasama yun'?" nakanguso kong tanong kay Sheyn.
Nakaupo kaming dalawa sa waiting shed habang ang mga kasama pa naming iba ay nakatayo sa harapan namin. Sandamakmak ang mga maletang dala nila at mga bolang hindi ko alam kung kailangan pa. Sa Stadium kami mag-eensayo, impossible naman kasi na walang bola doon!
Kanina pa kami dito, I can't even count the time that we spent waiting for our bus!
"Dadating yun'." sagot niya.
I can see hope in her eyes.
Nakakapanibago, kapag ako nalilate sinabi ni Yssa noon na iwan na lang ako, kasi daw mayaman naman ako at may sasakyan, pinperwisyo ko pa raw sila.
Bakit si Vergara ba mahirap?
Kinamot ko ang ulo sa pag-iisip ng posibleng maging rason kung bakit nagiging ganito itong si Sheyn.
Judging from Vergara's clothes, wala akong nakitang branded sa mga iyon, at saka hindi siya nag-iingles! Well, not that every wealthy person in the Philippines have to speak english fluently, but that's just how it supposed to be! Now... I'm stereotyping.
"Paano mo naman nasabi? Her consent letter was not given to her nga, e." mahina kong sabi sa kanya.
Wala na akong maisip na sasabihin, mapapanis na laway ko dito!
Malungkot siyang ngumiti nang ibinaling niya sa akin ang kanyang mukha saka tumayo at pinagpagan ang puwetan ng kanyang jogging pants kahit na wala namang dumi doon.
"Saan ka pupunta?" nalilito kong tanong nang makitang iiwan niya na akong mag-isa saka dumeritso sa mga kasama namin.
Ngunit napatayo rin ako nang makita na ang School Bus. Hindi man lang nag-sabi! Kainis!
"Okay! Find your own seats. Aalis na tayo!" sigaw ni Maxine.
Napapikit ako sa inis, anong oras pa lang. Pwede pa naming hintayin si Vergara!
Baka walang sasakyan yun'! Kawawa naman!
"Kap! Si Vergara wala pa!" sigaw ni Sheyn.
Napalingon kaming lahat sa kanya, everyone is surprised. Minsan lang kasi sumigaw si Sheyn kaya kapag nagsasalita siya ay pinapakinggan talaga ng lahat ang mga salitang lumalabas sa bunganga niya. Hindi niya kasi ugaling magbiro, kaya minsan ay napagkakamalang insulto ang mga biro niya.
I even saw one of our Juniors tiptoed so that she could see Sheyn's face!
Tiyak na gulo na naman ito! Sumasakit na ulo ko, kiaga-aga!
"We don't tolerate tardiness in this Club Sheyn, I could say that you're the one who imposed that, such a shock hearing you say that we should wait for her." kalmadong sabi ni Maxine.
I stood in front of Sheyn, stopping her from saying anything that could worsen the situation. And gladly she didn't.
Everyone started to get in the bus, I also did. Nakaupo ako sa pinakadulo habang ang katabi kong si Sheyn ay nasa labas bintana ang buong atensyon. Is she really waiting for her that bad?
From my line of vision ay nakikita kong seryoso ang mga mata ni Maxine habang nakaupo. Nasa kaliwa ko lang kasi siya.
What happened to her? She's normally not like this. Sa mga pagkakataong ito ay dapat na pinapagalitan niya na sana kami dahil ang iba ay nakamaong at hindi pa nakatali ang buhok. Mahigpit siya sa lahat.
When we arrived ay nagsipagpunta na sa kanilang mga rooms, si Vergara ay roommate din namin.
Laking pasasalamat ko nang dumating si Vergara, hindi ko nga lang alam kung saan siya sumakay.
Xiania is with our junior setter, which I hardly remember the name. Hindi naman kasi nagsasalita ang isang yun', nagsasalita lang kapag tinatanong.
"Sana naman ay nagsimba muna tayo bago nagtatakbo ng ganito. This is just so not my kind of groove." reklamo ni Clara sa gilid ko.
I snared at her, enough for her to shut up.
Hinihingal na ako, ilang libot na ba namin to sa field?
Ginala ko ang paningin, kanina lang ay kasama ko pa si Vergara pero ngayon ay hindi ko na makita. Nang mapunta ang mata ko sa likod ay nagjog ako backwards kitang-kita ang mga nasa likod. Si Coach naroon rin.
I stopped jogging when the two of them stop jogging also. It's Vergara and Coach. I noticed that my team mates also stopped jogging nakikitingin din. Nasa gilid ko na si Sheyn hindi man lang interesado. Kaya naman ay siniko ko siya.
"Ano?" naiirita niyang tanong.
Hindi ko na pinansin ang tungo ng kanyang boses sa halip ay ibinaling ko sa kanya ang aking mukha.
"Magkakilala ba sila? Impossible naman yun'."
She ignored what I just said and started to jog again. Some of them started jogging too. Kaya naman ay tumakbo na lang din ako.
"Isang oras na squat, Vergara!"
Napahinto kaming lahat. Turned our heads at nakita naming nakasquat na si Vergara. I was about to go there nang pigilan ako ni Sheyn.
"Let them be. Late siya diba?" kibit balikat ni Maxine.
She continued jogging at sinunod naman ng lahat, kaya wala akong magawa kung di ay sumunod na lang din.
I didn't know that our Coach is really that strict! Wala kasi sa mukha nito. Kung hindi ko lang talaga mahal si ZJ ay tiyak na mawawala ako sa ulirat kapag tumitingn ito. Akala ko nga ay matanda na naman ang bagong Coach namin ngunit kalahati ng edad ng dating Coach namin itong bago, nasa twenties pa lang siguro.
"Sheyn?" untag ko sa kay Sheyn, kanina pa kasi wala sa sarili ito.
Hindi niya ako pinansin saka naghanap ng kung ano sa taas, nasa canteen kami ngayon ng Villareal, sinunod ko rin ang pagsuyod niya sa itaas, what she looking for?
"Do you have your phone with you, Marcella?" she urgently asked.
Wait. Is she looking for the time?
"No, I don't. It was confiscated." I stated, nakangunot ang noo.
Papaano niya nalimutan yun'?
"It's quarter to eleven." dagdag ko pa.
Again, she looked for something, no, instead of the time. It's someone she's looking for.
"Muso! I mean, Coach. How about Vergara?"
Napapikit ako sa takot nang mapunta sa aming dala ang atensyon ni Coach, nangitla naman si Sheyn nang maalala ang tanong niya.
"Bakit?" taas-kilay nitong tanong.
Napayuko si Sheyn saka pinanuod ang nanunuod sa kanila, kasama ako.
"Mainit na po sa labas." nangitla niyang sabi.
Kahit ako man ay kinakabahan na rin kay Vergara. Alam kung mainit na talaga sa labas at isa pa, oras na nang tanghalian. Sumosobra naman kasi itong bagong Coach! Pasalamat siya gwapo siya at hot! Oh, Gosh. Am I crushing on him? But! ZJ is my one and only!
Hindi nakasagot si Coach Muso sa sagot ni Sheyn kaya naman ay napakuyom ang kamao nito.
Wait... What is happening? It seems like may sarili silang mundo!
Halos mapalundag ako nang napako ang ting ni Coach Muso sa akin. Ang kaninang galit at medyo inis na nakakaimtimidate ay napalitan ng pagkabigo.
"Pakipuntahan siya at sabihin mong kumain muna bago ituloy ang pinapagawa ko sa kanya. Salamat." mahina nitong saad habang nakatingin sa akin, nang napunta ang tingin kay Sheyn ay umiwas siya at uminom ng tubig.
"Ako po?" tanong ko, nakaturo ang hintuturo sa dibdib. Naguguluhan.
Bumalik ang tingin niya sa akin. Those piercing eyes burned me to ashes kaya naman ay napaigtad ako at napaatras saka tumayo at tiningnan si Sheyn saka tinuro ko ang labas na tinanguan niya naman.
Nasa labas ako nang canteen nang babalik na sana dahil sa init na natamo ngunit nang maalalang nakabilad pala si Vergara sa Field ay kinalimutan ko na ang pakay ko sana.
Dahil nasa likod ng Gym ang Canteen ay kailangan ko pang maglakad papasok sa Gym para makapunta sa field at dahil napakalaki ng Gym ay naging lakad-takbo at halos liparin ko ang field.
Naawa ako kay Vergara! Nanonotice ko pa naman sa kanya na iniinda niya lang lahat ng ibinibigay sa kanyang mga pagsubok, I noticed it since Maxine slapped her.
Nang makalabas sa Gym ay napatigil ako nang makita ang hindi inaasahan, dahil sa biglang pagtigil ay halos mapasubsob ako sa bukana pa lamang! Nakatalikod ang isa at ang is naman ay nakasideview ngunit nasa pinapayungan ang tingin kaya hindi ako napansin! Kinusot ko ang mga mata inaakalang naging blur lang ang paningin ngunit nang matapos ko itong kusutin ay ganoon pa rin!
Ang ginagawa niya dito?!
Nakatayo si Luke, may dalang payong sa kaliwa na nakapagbibigay ng shades sa kanilang dalawa ni Vergara, ang kanang kamay naman ay may dalang bottled water at nakatingin lamang sa kay Vergara, seryoso at nagpapasensya.
Jusko! Sana naman ay hindi sumunod si Sheyn! Ibinaling ko ang tingin sa likod at nakahinga ako ng maayos ng wala akong nakita maski anino niya.
I hate to break the lovely scene I'm seeing right now but I have to!
"Vergara! Pres!" sigaw ko sa kanilang dalawa ngunit si Luke lang ang tumingin sa akin.
Mabilis ang lakad ko sa palapit sa kanila.
"She don't want to get up." mahinang sabi ni Luke habang namomroblema sa sitwasyon sa harap niya.
Napangisi ako.
Sorry, Sheyn. Pero nakakakilig sila! Halos maguilty ako sa naisip. Bwisit! I should be loyal to Sheyn! Pero anong magagawa ko, e, parang magjowa na tong' dalawang to'! Not that Sheyn will even do something about this. She'll just cry. Now I'm sad! Dammit!
"Sabi ni Coach Muso, you can have your lunch na Vergara." nag-aalangan kong sabi dahil hindi komportable sa nakikita.
Nang marinig ang sinabi ko ay unti-unti umayos at tumayo, nagstretch at kinuha ang tubig na nasa kamay ni Luke kaya naman ay napadako ang tingin ko doon.
"Kayong dalawa?" naguguluhan kong tanong.
Matagal na hindi sila nakasagot na dalawa.
"Hindi." sagot ni Vergara.
Tiningnan ko si Luke. Hindi ito sumagot.
Vergara started walking towards the Gym, na sinunod naman naming dalawa ni Luke.
"You get this, Marcella. I gotta get my bag the my trunk." sabay turo sa sasakyan sa hindi kalayuan habang nakalahad ang payong sa akin.
Naguguluhan ko naman itong kinuha. Saka hinabol ang nanghihinang lakad nI Vergara.
Nang makarating sa loob ng Gym ay pinshoot niya ang walang laman na plastic bottle sa trashcan at saka umupo sa blechers.
"Are you okay?"
Stupid question, Marcella!
"Sa tingin mo?" walang lakas niyang sagot habang nakahilig ang kanyang likod sa upuan at nakapikit na ang mga mata.
"You need to eat muna." suhestiyon ko pero hindi niya ako pinansin at nanatiling nakaganoon ang pwesto niya.
"Mag-aalas dose na." untag ko pa.
Binuksan niya ang isang mata.
"Anong minamadali mo? Tapos ka nang kumain diba?"
Hindi man naiinis ang tunog nang boses niya ay naguily naman ako ng sobra kaya wala akong nagawa kung hindi ay ang maghintay sa gilid niya.
"Dati ko siyang Coach." mahina niya sabi.
Napatingin ako sa kanya. Nakapikit ito at tila bang may binablikan sa nakaraan.
"Huh?"
Wala akong nasabi ngunit yun' lang.
"Coach Muso." may diin niyang sagot.
"Bakit mo sinasabi sa akin ito?" naguguluhan kong tanong.
Naghahanap ako ng sagot sa tanong ko, at halos masugat na ang pang-ibabang labi sa kakakagat dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit pero parang alam ko na ang sinasabi niya.
"Oo Marcella, isa ako sa naging trainee ng NVTA." sabi niya sabay buntong-hininga.
Pagkatapos sabihin iyon ay binuksan niya ang kanyang mga mata at saka inayos ang upo.
"Pero, hindi ka marunong."
Napasabunot ako sa aking ulo. Kanina pa ako naguguluhan! Oo na at isang posibilidad iyong galing siya doon, pero napakaliit naman non'!
"Pero syempre nagbibiro lang ako, hindi ko nga alam na mahirap pala ang maging libero!" sabay tawa niya.
She stood up and left me.
Did she just joked about it?! What the hell?! And I was dumbfounded? Wow! Grabe.
I don't know if I'll even process it in my brain! Sobrang hirap tagpi-tagpiin ng mga piyesa ng rubiks cube na inilatad niya! May roon kasing nagsasabi na totoo lahat ng binitawan niyang salita! I never heard her joke about anything, maaaring dahil bago pa lang siya at hindi ko pa masyadong kilala pero iba kasi yung nararamdaman ko sa inasal niya. There's something about that but I can't point it out!
"Maaga ang call time bukas. Ibibigay ko ang mga nalalabing oras sa inyo para magpahinga."
Nasa loob kami nang Gym. Tapos nang kumain kaming lahat, si Vergara na lang at si Luke ang nasa loob ng canteen.
Ang tingin ko ay nasa harap, nasa kay Coach. He was about to walk out nang magring ang cellphone niya. He did not excused himself. Instead he did something on his cellphone kaya naloudspeaker ito.
"Hi, girls! Sorry to disturb your time of relaxation. But I have to inform you that you'll have a practice game with the 2nd district tomorrow. A one set game. See you tomorrow. Hope you all have a good rest." pormal na saad ng aming Principal.
Everyone groaned because of we heard, except me.
A whole new world is coming to us, huh? Big time!
Let's see what ya'll got, you big and undefeated former champions. After seeing that, the question is, can the Spiders poison the Jaguars? Can a simple bite bring them down? I doubt it, but I hope it will.
I was in the midst of thinking when I felt a harsh tug of my shirt.
"Come, I have to tell you something." Sabi ni Sheyn.
She's trembling, I don't know why, kanina pa siya ganito. Hindi ko naman pinapansin dahil baka may dalaw, pero sa nakikita ko ngayong kaba niya ay tila kinakabahan na din ako. Ganyan nakakahawa ang kanyang nararamdaman dahil kitang-kita at damang-dama mo talaga kapag nasa malapitan ka niya.
"What is it?"
Kahit na kinakabahan din ay nakuha ko pa talagang magtanong sa kanya. Naisip ko kasing baka kinakabahan lamang siya sa gaganaping mga laro at ang ensayo laban sa kalaban namin.
"Wag dito, labas tayo."
Bakit sa labas pa kung pupwede naman na dito na lamang?
"Kung natotomboy ka na sakin Sheyn, sabihin mo na dito. Dami-dami mo pang palusot." Biro ko.
Ngunit hindi ako nakakuha na kahit na isang ngiti sa kanya sa halip ay isang irap ang nakuha ko. Confirmed babae pa siya.
Tiningnan namin si Coach, wala na ito sa pwesto niya ang iba ay nagsipagkanya-kanya na rin pala. Kaya minabuti naming lumabas na muna. Kung ano man ang sasabihin ni Sheyn ay alam kong seryoso at kailangang ng maingat na pagsasabi nito. Kung hindi naman ay bakit dito niya pa sasabihin?
"Listen here, Marcella." mahinang sabi ni Sheyn habang lumilinga at nang walang nakitang tao ay ibinalik niya ang atensyon sa akin.
Isang tambol ang aking naramdaman sa aking dibdib.
"You see. Isa ako sa mga trainee ng NTVA." iling niya.
Not that I don't know that information. May ibidensya pa nga ako, e. Hinihintay ko na lang na sabihin niya sa akin ang totoo.
"Alam ko. Saka kasama mo si Vergara diba?" simple kong sagot sa kanya.
Kahit na hindi ko naman talaga alam kung kasama niya si Vergara doon, minabuti ko nang sabihin. Pero iba talaga yung nararamdaman ko, and I'm never wrong about my intuition!
Ipinikit niya ang kanyang mata sa sinakop ang kanyang ulo, tila bang may kung anong sumasakit dito. Not physically though.
"Kailan mo pa nalaman? May pinagsabihan ka? Sino-sino?" sunod-sunod niyang tanong.
Halos matawa ako sa nakikitang kaba sa mukha niya. Nakakainis! Wala ba siyang tiwala sa akin? Why would I do that?! Nasa kanila ang desisyon na magsabi non'! Wala akong karapatan. And I'm not sure if totoo yung mga pinagtagpi-tagpi ko. Pero kahit naman sure ako ay hindi ko pa din naman sasabihin! Dahil natitiyak kong may rason kung bakit umpisa pa lang ay hindi na nila sinabi katulad ng ginawa ni Xiania.
"Bakit ko naman yun' sasabihin?" nakangut-noo kong tanong, naiinis at gusto nang umalis pero gustong-gusto kong malaman ang kanyang dahilan.
"I'm sorry, it's not like I dont trust you. It's just that, magiging delubyo talaga kapag nalaman nang lahat." iling niya habang nakayuko.
Delubyo?
"Magiging masaya pa sila Sheyn. Bakit delubyo?"
May tatlo na kaming former trainee kaya bakit magiging delubyo?
"I'm not talking about our teammates."
Huh? Who is she talking to then?
"Kung ganoon ay sino ang tinutukoy mo? Sigurado naman akong walang pakialam ang mga magiging katunggali natin kapag nalaman nila." mahina kong sabi.
"Hindi sila ang kinakatakutan ko, Marcella." pigil niyang sabi.
"E, sino?"
Hindi na katulad ng kaninang kaba ang nasa mukha, dahil ngayon ay napalitan na ito ng matinding takot.
"Ang Asosasyon."
Ano naman ang kinalaman ng NVTA dito?
____
PS: Thank you for waiting! HOPE YOU LOVE THIS CHAP!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top