CHAPTER 15- COACH

Zandria's
POV

     Nakatulala ako habang nakatingin sa nagmamaneho ng sasakyang sinasakyan ko, hindi mawari ang sasabihin at iisipin.

   "Can't you stop staring at me?" sabi niya habang ang buong atensyon ay nasa daanan, minamaniobra ang sasakyan.

    Nasa daanan ang kanyang paningin papaanong nalaman niyang nakatitig ako sa kanya? Wala naman siyang mata sa gilid hindi ba? Dahil sa kanyang isinambit ay napaiwas ako ng tingin. Naguguluhan sa pangyayari kaya naman ay naikunot ko ang aking noo saka humalukipkip na lamang.

     Kung bakit nasa ganito kaming sitwasyon ngayon ay dahil sa hindi kaaya-ayang nangyari kanina.

    Maaga pa lamang kanina ay gising na ako, hindi ganoon ang takdang oras na dapat ay magising ako sapagkat ngayon araw ang umpisa ng pag-eensayo!

    Nang pagtingin ko sa lumang orasan na nakaharap sa akin ay napagtanto kong isang oras na pala akong nahuli! Isang oras!

     Walangya!

     Ang unang pumasok sa isip ko ay ang pagbaba sa kusina at humingi ng paumanhin, bagama't alam kong sisermoman na naman ako ng walangyang Lukas na yun'! Hindi naman ito sumisigaw kapag nagagalit kaya mas kinakatakutan ko kapag nagsesermon siya nang seryoso at nag-aalab ang mga mata.

    "-hindi ba ay bukas pa naman ang alis niyo Luke?"

     Nangunot ang noo ko.

     Pamilyar ang boses na iyon! Baritono ito at kilalang-kilala ko! Pero imposibleng narito siya!

     Papa?!

     At kailan pa siya umuwi galing Baler?!

      "Yes, po Tito. But we need to go now. Maaga pa ang morning work-outs nila, kaya ay kailangan na ngayon talaga kami umalis."

     Hindi pa ako nakakababa kaya inabala ko nalang ang aking tenga sa pakikinig sa kung ano man ang pinag-uusapan nila, mali man ay nararamdaman kong ako ang pinag-uusapan nila.

     "I see. Hindi man lang sinabi ng anak ko." nahihimigan ang tampo sa tono nito.

      Nakalimutan ko! Sa dinami-dami ng mga gawain naman kasi! Pero siya rin naman ah! Hindi niya nga sinabing umuwi na siya.

      Nakarinig ako ng paglagay ng isang tasa sa mesa at sa palagay ko ay kay Papa ito dahil naaamoy ko ang amoy ng tsaa, si Papa lang naman ang kilala kong nagtsatsaa, si Luke kasi ay palaging beer ang nilalaklak.

     "I'm sorry, Tito. Pinagtrabaho ko po siya dito na ang oras nang pagsasabi niya ay nawala na."

     Kung makapagpaumanhin ang walangyang ito ay para bang bagay lang na pinagawa niya sa akin ang mga ito!

     "No! It's alright!" agap na sagot ni Papa.

      Dahil sa narinig na sambit ng aking Ama ay padabog akong bumaba, rinig na rinig ang magaspang na hakbang ko habang ako'y bumababa. Tuloy ay nakuha ko ang atensyon nilang dalawa, nakuha ko man ang atensyon niala ay wala sa akin ang kanilang mga mata.

     Ang ekspresyon ng aking Ama ay hindi man lang natinag, na kahit ang buong akala ko ay magugulat ito ngunit kinuha niya lamang ang tasang sa palagay ko ay mayroon tsaa saka itinaas ang isang kilay nito, hindi ako tinitingnan.

    "I didn't taught you how to eavesdrop in anyones conversation, Zandria." malamig niyang sabi.

    Napayuko ako dahil sa naisatinig ng aking Ama, kung wala lang sana ang nasa harapan niya na ngayon ay nakatitig lamang sa akin ay hindi ako mahihiyang pagalitan, sasagot pa ako!

    "Pasensya na po, sapagkat alam ko naman na ako ang inyong pinag-uusapan kaya sapat lang na dapat ay nandito ako diba, Papa?" balik ko ding tanong, naiinis na.

    Oo na at hindi niya ako tinuruang makinig sa pag-uusap ng ibang tao dahil marami nang napahamak sa asal na iyon, pero hindi ko maiwasang makinig dahil sigurado akong ako ang topiko ng kanilang pag-uusap.

  Nang bigyan na nila ako ng kanilang titig ay halos napahakbang ako paatras.

  "You should at least wash you face, anak." nakangisi na niya ngayong saad.

   Nakita ko ang bulto ng ngiti ni Luke na madali din namang nawala, balik ang kanyang naural na ekspresyon.

   Nahihiya akong bumalik sa kwarto, ang kaninang padabog na lakad ay napalitan ng walang kasing ingat na mga yabag tila bang nawala na ang galit dahil sa sinabi ng aking Ama. Nang makarating sa kwarto ay agaran akong pumasok sa banyo saka tinitigan ang mukha.

   Nasaan ngayon ang tinatago mong angas, Zandria?! Nagmukha kang katawa-tawa!

    Pagkatapos kong pagalitan ang sarili ay naging madali ang oras, nalaman ko na lamang na umalis na pala si Papa. Hindi man lang ito nagpaalam.

    "Bakit pa kasi ako dito sasakay?! Meron namang school bus ang school diba?!" nangingitngit kong sigaw.

     Hindi ako palasigaw na tao kapag naiinis o nagagalit ngunit kapag si Luke ang kaharap ko ay tila bang nasisindihan parang gasolinang kalooblooban ko.

     Nakaharap ko siyang tinitigan, hinihintay ang kanyang sagot sa aking katungan, hindi man lang ito natinag sa aking naiinis na sigaw sapagkat nakita ko pa ang maliit at pahapyaw nitong ngisi, hindi ko nga lang mawari kong guni-guni ko lamang ito.

  "Kanina pa sila nakaalis."

   Pagkatapos niyang sabihin iyon ay dumeritso na ito sa driver's seat habang ako naman ay hinihintay na manuot sa aking isipan ang kaniyang sinabi saka tiningnan ang relos at napanguso.

   Bumusina ang sasakyan tuloy ay napatalon ako nang kaunti.

    Sasakyan. Ibig sabihin ay nobya niya na ako? Kasi sabi niya hindi siya nagpapasakay ng hindi niya nobya, hindi ba?

    Bahala na nga.

   "Seatbelts, Roxe." malamig niyang utos.

    Iyon ang naging rason kung bakit nasa biyahe kami ngayon. Kinakabahan man dahil sa mabilis niyang pagmamaneho ay kitang-kitang namang gamay na gamay niya ang sariling sasakyan. Minsan kasi kapag nagdidilig ako ng halaman ay nasa sasakyan ang kanyang atensyon kapag wala siyang ginawa.

    "Papaano yung Consent letter ko?" tanong ko sa kanya.

     Abot tahip ang aking hininga dahil alam kong magagalit na naman ito sa tanong ko.

     "Your Dad signed it kanina." sagot niya habang ang kanyang atensyon ay nasa daanan.

     Kaya pala naroon si Papa, siya ba ang napapunta kay Papa sa bahay? At bakit naman susundin siya ni Papa? Ano siya presidente ng Pilipinas?

    "Bibisitahin ka sana ni Tito pero tulog ka pa. And don't worry I didn't tell him anything that'll make him angry." sabay ngisi nito.

    Naalala ko tuloy ang mga nabasag na pinggan, ang mga namatay na bulaklak at nagibang mga walis ng dahil sa akin. Matalim ko siyang tinitigan, ang mapaglarong ngiti ay nanatili pa rin kahit na kitang-kita sa salamin ang akin mukha, dahil dito ay kinalma ko nalang ang sarili.

     Hindi ako ganito. Ano ba ang nangyayari sa akin? Palagi akong kalmado pero kapag siya ang kaharap ay tila bang napipigtas ang pasensyang matagal ko nang inensayo at dinesensyo sa paraang gusto ko. Naiinis ako, nabwibwisit at halos gusto ko na lamang lumayo sa kanya.

    "Ah!"

    Napatingin ako sa kanya. Sigurado akong ginawa niya lamang iyon para makuha ang atensyon ko.

   Hindi ko maiwasang titigan ang kanyang mukha kahit hindi ito nakaharap ay detalyadong-detalyado ang kayang matangos na ilong, tuloy ay napahawak din ako sa ilong ko.

    Kailan ba mapuputol ang paghanga ko sa kanyang mukha, Zandria?

     Mukha lang ba Zandria?

    "Your consent is on the dashboard pakikuha nalang." malamig na niyang utos.

    Kanina lang ay nanunukso ang tingin niya ah! Kay dali namang magbago noon!

    Hindi na ako umapila pa at kinuha na lang ito. Nagpulong na naman siguro kahapon kaya hindi ko ito nakuha dahil maaga akong umuwi.

    "Binigay ng Coach niyo sa akin, he knew we're classmates." paliwanag niya kahit na hindi naman ako nagtatanong.

     Nang binasa ko ang nakalagay ay may pirma na iyon nina Mama at Papa kaya naman ay nangunot ang noo ko.

    "Pinapirmahan mo kay Mama?"

     Parang wala lang sa kanya ang naging tanong ko.
 
     "Saka kay Papa?" tanong ko ulit.

     Hindi niya ako pinansin, kaya naman ay kinuha ko ang telepono sa bulsa ng maong na pantalon at tatawagan sana si Mama, kaya lang ay nabasa ko ang mensaheng ipinadala niya.

Mama:

I saw your consent pinadala ni Lukas kay Baldo, enjoy your training. :)

   Hindi ko mawari ang mararamdaman ko sa naging nensahe ni Mama, oo, masaya dahil alam niya saka ni Papa, pero ang nakangiting mukha sa huli ay nagpa-iba sa naiisip ng utak ko kaya naman ay napatingin ako sa nagmamaneho. Nirereto ba to ito ni Mama sa akin? O ako ang nirereto niya sa kanya?

   Sa loob ng isa at kalahating oras ay wala na kaming pinag-usapan, siya ay nakapokus sa daan habang ako naman ay nakatingin sa mga dinadaanan naming mga bahay o kaya naman ay mga tanawin, hindi mawala ang mga tanong sa isipan ko.

    "You sure, your clothes are enough?"

    Napabaling ako sa kanya, kahit na wala sa akin ang kanyang mga mata ay alam kong naghihintay pa rin ito ng sagot.

   Tumango ako.

   Nang hindi ako makuntento sa naging sagot ay napasinghap na lamang ako.

   "Hindi ako kagaya ng ibang babae Luke, hindi ako maarte." nawawalan ng pasensya kong saad.

   Ano ba ang akala niya sa akin?

    "I was just asking, kanina ka pa kasi nakatingin sa labas." kibit-balikat niya.
 
    Anong naman ang koneksyon ng tanong niya sa naging paliwanag niya.

     Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil sa namamangha na naman ako sa kanyang postura, kahit siguro ultimong basura ang ipasuot sa kanya ay maibebenta niya ang suot sa malaking halaga.

   "Mauna ka na, may pupuntahan pa ako." sambit niya saka tiningnan ang relos.

    "They're probably starting, judging about the time."

     Lumabas siya sa sasakyan at saka pinagbuksan ako.

     "Salamat."

     Tumango na lamang siya at bumalik sa loob at nagmaneho na paalis habang ako naman ay napatingin sa taas at napabuntong-hininga na lamang.

    "Villareal Stadium..." wala sa sarili kong naitinig.

     Ang mga alaala ng kahapon ay tila bang dumagundong at humampas sa puso kong matagal nang gustong ibaon.

    Sa dinadami-daming pagdadausan sa bakit dito pa? Ang buong akala ko ay sa Iloilo o kaya naman ay sa Aklan ang lugar na pagdadausan. Mas malaki ang mga stadium doon kumpara dito kung hindi naman malaki ay tiyak kong mas maganda ang mga iyon kumpara dito!

    Bakit sa Roxas pa?!

    Wala ka nang magagawa Zandria, nasa pampubliko kang paaralan at hindi kaya nitong bigyan kayo nang malaking pera para lamang sa pag-eensayo!

   "Zandria!"

    Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, may dala siyang isang box, hindi naman siguro ganoon kabigat dahil parang wala lang sa kanya ang pagdadala nito. Nangunot ang noo niya saka itinaas din ang tingin upang makita ang pangalan ng stadium at nang makabawi na ay binigay niya sa akin ang box na kinuha ko rin naman.

     Kumpara sa amin ay may mga tao naman sa paligid, ang sa tabi-tabi ng labasan ay mga nagtitinda ng mga sari-saring mga street foods, may mga tao ding naglalakad paloob sa Stadium suot-suot ang angkop na damit para sa mga gagawin nila sa loob.

     "Akala ko sa Iloilo tayo magtritraining."

     Nabalik ang tingin ko sa kanya nang magsimula siyang maglakad papasok kaya naman ay sumunod din ako, may roong mga taong tumitingin sa amin pero pagkatapos ng ilang segundo ay nawawala rin ang kanilang mga tingin.
    
    Nakita ko ang pagdaan ng simangot sa kanyang mukha at ang pagkakawala ng mga emosyong madali niya ring pinalis.

    Ano na naman ang iniisip nito?

     "Sino ka nga ulit?" tanong ko sa kanya.

      Ang pagkagulat sa kanyang mukha ay hindi nakaligtas sa mapanuri kong mga mata.

    Tipikal na tanong lang naman iyon. Kahit na alam kong kasama ko siya sa team ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya kaya mabuti nang nagtatanong.

      "L-" ngunit bago niya pa matapos ang sasabihin ay napailing siya saka kinuha sa akin ang box at nagsalita ulit.

    "Magbihis ka na at magsisismula na tayo!" nakangiti niyang sigaw saka ngumiwi ng makita ang pantalon ko.

    Hinugot niya ako at tumakbo kami sa loob ng Stadium, mahigpit ang hawak ko sa isang dalang backpack lamang habang ang aking kamay ay halos mabali sa kanyang kapit, napapangiwi tuloy ako habang tumatakbo sa field.

   Nang makarating kami sa isang building kung nasaan silang lahat ay agad nakuha namin ang atensyon ng lahat, ang iba ay walang pakealam kaya nang makita kaming dalawa ay ipinagsawalang bahala na lamang, ngunit si Maxine ay masakit ang tinging ibinigay sa akin, sina Marcella naman at Sheyn ay nag-aalalang pinuntahan kami.

     "Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Marcella.

     Mabilis niyang ginawaran ang suot kong damit ko.

      "Ihatid muna natin siya sa room natin Marcella, mamaya ka na magtanong." ani Sheyn.

     Hinanap ko ang babaeng kasama ko kanina, nang makita ay hindi ko na lang pinansin, kasama ito ni Xiania habang ang tingin ay nasa akin.

    "Oy, Zandria! Ano na? Ba't ngayon ka lang?" atat na tanong ni Marcella pagkalagay ko pa lamang ng backpack sa lamesa ng kwarto namin.

     Binigyan ako ni Sheyn ng isang baso ng tubig, kung saan niya ito kinuha ay hindi ko alam. Kinuha ko ito ay nilagok lahat.

    "Tinanghali ako ng gising." simple kong sagot.

    Napailing na lang sila sa naging sagot ko.

    Umupo ako sa upuan saka sinuklay ang buhok at pinunasan ang pawis ko sa pagtakbo kanina.

   Nanatiling nakatingin sa akin ang kanilang mga tingin, naghihintay sa sasabihin ko.

   "Galit ba si Coach?" walang-gana kong tanong.

    Nakakabingi ang katahimikan kaya binasag ko lang. Okay na ako sa halos dalawang oras na katamikan ng biyahe kanina.

    Umiling silang dalawa, si Sheyn ay kumuha ng bimpo sa kanyang bag saka ibinigay sa akin ngunit umiling lamang ako, ang mga mata ni Marcella ay ayaw akong lubayan.

    "Hindi na si Coach Ralph ang coach natin, Vergara." ani Marcella.

     Ganoon?

     "Matagal nang pinagplaplanohan ng Principal na sibakin siya, ngayon lang talaga natuloy."

      Wala akong nasagap na salita na maaari kong sabihin sa kanya o makumento man lang. Hindi ko tuloy maintindihan kung magiging malulungkot ako o magiging masaya sa nasagap na balita.

   "Talaga? Sino naman ngayon ang bagong Coach natin, kung ganoon?" tanong ko, hilaw ang naging ekspresyon.

   Nagbibihis na ako ngayon ng damit pang-ensayo. Silang dalawa ay nasa tabi ko pa rin.

  "Si Coach Lagdameo." ani Sheyn.

   Nagkibit-balikat ako. Sino naman yun'?

   Tapos na ako sa paghahanda, ngunit sila ay nakatingin pa rin sa akin. Tila bang may hinihintay.

    "Galing siya sa NVTA." nakayukong sabi ni Marcella na ikinaestatwa ko.

    Binalikan ko sa memorya ang pangalang isinambit nila.

    Lagdameo?

    Nang walang may pumasok saakin utak na kahit isang memorya ay ngumisi na lamang ako sa kanilang dalawa.

   "Edi masaya. Ayaw niyo pa? Tiyak na maganda ang magiging mga taktika." sarkastiko kong sambit.

    Binuksan ko ang pinto pagkatapos sabihin iyon.

   Hindi naman siguro lahat ng nasa NVTA ay kilala ako diba?

  Wala silang nagawa nang lumabas na ako kaya ay napabuntong-hininga na lamang sila ay sumunod na lang sa akin.

   Nasa open field na kami, nakatingin lamang sa mga taong nagjojogging at mga mabibilis ang takbo habang dala-dala ang kani-kanilang stop watch. May mga naglalaro rin ng tennis at basketball sa gilid. Ngunit mas marami ang nag-eensayo at nadridrills.

    "Magandang umaga sa lahat."

    Nang marinig ang sambit ng taong siguro ay bagong Coach namin ay mabilis ang galaw ng lahat para maglinya at ituon ang atensyon sa kanya, habang ako naman ay natutop sa aking kintatayuan ng makita ang taong hindi ko aakalaing makikita ko pa ulit, kung hindi pa ako hinila ni Marcella ay hindi pa ako nakagalaw.

    "Magandang hapon din po, Coach!" sigaw ng lahat, ako'y nakatingin lamang at kinukurot ang aking kamay sa aking likod.

   Hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.

    "Ako nga pala si Muso Lagdameo, galing ako sa NVTA. Ikinagagalak kong  maging tagasanay niyo. Sabay-sabay nating abutin ang ating mga adhikain."
  
     Nasa akin ang kanyang paningin, hindi galit ang nasa mga mata niya ngunit pangungulila at pagsisisi.

  "Pasensya na at ngayon lang ako nakabalik." mahinahon niyang sabi.

   Ang tingin ay nasa akin pa rin. Bakas ang mga emosyong ayaw kong makita sa kaniya, naiinis ako! Nagagalit at ang mga kamao ko ay nanginginig na, ang nagbabadyang luha mabilis kong pinalis nang mawala ang kanyang paningin sa akin.

    Ang liit ng mundo!

    Sa sobrang liit ay para na akong pinipilipit!
 
   May isasagad pa ba ito?!

   Wala ako sa sarili habang nagjojogging, nasa huli ako kaya naman ay nakakapagmuni-muni ako.

   "Pasensya na, Vergara."

    Halos matapilok ako sa pagtakbo nang marinig ang boses niya sa gilid ko. Hindi ko alam na hininaan niya pala ang pagtakbo para lamang makasabay ako. Tuloy ay hindi ko mawari ang gagawin, wag na siyang pansinin o kausapin na lang para matapos na ito? Sa huli ay wala akong nagawa kung di ay ang piliin ang huling nakalatag pinagpilian.

   Huminto ako at ganoon din siya.

   "Bakit po Coach? May kasalanan po ba kayo sa akin?" patay malisya kong tanong.

    Ayoko ko nang balikan ang mga alaala noon.

    Napapikit siya nang marinig ang sinabi ko, nagtitimpi. Nang imulat niya ang mga mata ay nagsusumamo na ito, para bang kay tagal niyang hinintay ang pagkakataong ito.

   "Hindi ko alam, Vergara. Nasa Aranguel ako noon... Hindi ko alam..." umiiling niyang sabi, nag-sisisi.

    Tinalikuran ko na siya at nagsimulang tumakbo ulit pero hinigit niya ang kamay ko kaya naman ay walang-gana kong tinitigan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Tila bang napaso siya kaya naman ay binitawan niya ito.

   Wag ngayon Coach.

   Matagal nang tapos yun'. Wala na tayong magagawa.

_______

Ps:

   There are so many things that I would like to share to you but I would rather say thank you for reading this chapter.

  Iloveya'll!
  
  

   

    

  

    

   

  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top