CHAPTER 12- OH1 And OH2
Marcella's
POV
A three-day training? Sino naman ang nag-suggest na magkaroon nito? Masyadong busy kaming mga Grade 12 kaya ay mahihirapan kaming magcope-up sa mga dapat naming aralin at mga projects and wag ko nang umpisahan sa demonyong Research na yan. Tapos may laro pa kami at hindi lang basta laro, this is what we have been waiting for!
Ang sarap magreklamo!
Kung hindi ko lang talaga kaibigan itong kaharap ko ay matagal na akong sumuko sa pag-aaral. Siya nga na halos magkandarapa para makapag-aral lang, ako pa kayang halos ingudngod na ng Ina sa libro at pluma? Where did I get the Pluma? Weird. Kakabasa ko to ng mga sulat ni Rizal, e.
And isa pa. That girl Zandria, parang nagkakamali ako ng iniisip sa kanya. Akala ko pa naman magaling siyang maglaro! Ang buong akala niya siguro ay dadalawa lang ang outside hitters namin! Nahiya naman tuloy sina Clara, Geneva at Lorraine sa kanya. Kahit na mga Juniors ang mga ito ay marunong din naman. Pero kapag hindi nakapaglaro ang dalawa ay maaaring dalawa nalang yung Outside Hitters namin?
Well, we have two Seniors who are Outside Hitters, it's Ada which is an OH2 more like defensive player namin and Yssa whom our OH1 she's a bit more of our offensive player. How about our OP?
Dahil hindi ko na maalala ang ibang kasama namin kasi hindi naman nagsasalita at halos hindi mo malamang nandiyan ay kinuha ko ang handbook ng club namin sa aking maliit na Hermes bag, palagi ko itong dala dahil minsan ay nalilimutan ko yung mga pangalan ng mga kasama namin, kagaya nalang ngayon. Alam kong kailangan kong sauluhin ito dahil kung ito pa lamang ay hindi ko na saulo ano pa ba kapag naglaro kami? This is why sometimes I'm disappointed with myself.
Maingat kong binuklat sa harap ni Sheyn ang Handbook na ikinangunot ng kanyang noo, napatingin tuloy ako ng matagal sa kanya. Sa taglay niyang ganda ay hindi mo masasabing mahirap ito in the first glance, kahit hindi gaano kataasan ang ilong niya ay bumabagay naman ito mapupula niyang labi at bilugang mga mata. Pati na rin sa kanyang buhok ay hindi ko din maiwasang mamangha, nakapixie cut ito na nakapagpaaliwalas ng kanyang mukha, kung sa iba ay napakapanget nitong tingnan ay maganda sa kanya. Who would have thought that this girl in front of me, is a living peasant?
Right now, we are in the Cafeteria. After the meeting, I've been so confused about the tactics and words that has been said a while ago. If I don't think about it deeply I would never understand any of those things that has been talked about, it's not like I'm stupid or something it's just that I'm a slow learner.
And Sheyn here, kanina pa nakabusangot ang mukha niya. Kung sa normal na araw ay relax lang ang mukha nito at postura, ngayon ay ibang-iba, it's seems like she has a LBM, or worse buwanang dalaw. Sumasakit ba ang puson nito? Hindi naman siguro kasi kapag masakit ito ay may iniinom siya, hindi ko alam kung maganda yun' sa health.
But then I remember kanina, kung ako naman siguro ay magseselos, kahit na wala naman talaga silang relasyon ay umaasa pa rin naman siya , no'! Naisip ko tuloy, what if si ZJ yung may kasamang girl? At ganoon din kalapit? Iniisip ko pa lang ay parang naiiyak na ako. WAG NAMAN SANA. Pangarap kong maging mapangasawa yun', e!
"Ano naman ang gagawin mo diyan? At dito mo pa talaga binuksan sa Cafeteria?" Iling na tanong ni Sheyn, hindi itinatago ang panget na mood. Halos magrambol na nga ang mga kilay nito.
Alam kong ayaw na ayaw niyang madumihan ang aming handbook, mas istrikto pa nga siya minsan kesa kay Maxine, kaya ay minsan natatakot din ako sa kanya, pero ngayon ay kailangan ko lang talagang sigurohin. Ayokong nagkakamali at mahirap nang iwasto kapag nagkataon.
"Wag ka ngang ano, at kainin mo nalang yang Burger." utos ko sa kanya sabay turo ko pa sa kapit-kapit niyang pagkain.
Binitawan niya ito at inilagay sa pinggan saka nilaklak ang isang basong orange juice, kaya nang dahil doon ay kahit isang patak ng juice ay walang natira. Napairap na lang ako. Paano kapag nakita siya ni Luke habang ginagawa ang katomboyang yan'? That would be a major turn-off!
Madali kong sinuyod ang mga tao paligid, at nang makitang wala si Luke sa mga ito ay nakahinga ako ng maluwag.
Saka bakit ko ba ginagawa ito?
This is not the first time na mangyari ito dahil marami din ang lumapit kay Luke at lahat sa kanila ay either hindi pinagtuonan ng pansin o kaya naman ay nginitian lang nito pero ngayon ay iba. Nakakamangha at nakakakaba.
Umiling na lang ako at itinuon ang pansin sa binuksang handbook, pati na rin ang atensyon ni Sheyn ay napunta dito, nacucurious siguro kung bakit ko ito binuklat sa umpisa pa lang.
2019 Lady Spiders Official Roster
1. SHEYN MENDOZA - Libero- Sr.
3. MARCELLA MARIE TOMASA - Setter- Sr.
4. MAXINE JANE SPENCER - Middle Hitter-Sr.
7. ADA CHENG - Outside Hitter-Sr.
8. YSSA LLOYD GONZALES - Outside Hitter-Sr.
9. LYANNA DE GUZMAN - Setter-Jr.
10. CLARA MONTILLIBANO - Outside Hitter-Jr.
11. GENEVA LEE - Outside Hitter-Jr.
12. LORRAINE RIVERA - Outside Hitter-Jr.
14. JASMINE CUEVAS - Opposite Hitter-Jr.
15. RHEA ESTRELLA - Middle Hitter-Sr.
17. SHEESA GALVEZ - Opposite Hitter-Jr.
Zandria and Xiania are not here in the roster pa, maybe next time ay papalitan na kapag natapos iedit ang handbook. That would be next year? Maybe.
Makikita sa Roster na maliit lang ang bilang namin kumpara sa normal na bilang ng isang team. Marami kaming Juniors at maliit lang ang Seniors kung kaya ay minsan nahihirapan kami.
"So? What did you see?" tanong ni Sheyn na ikinatingala ko sa kanya.
Ipinapatuloy niya na pala ang pagkain, parang wala lang sa kanya ang naging tanong. Tingin ko nga itinanong niya lang ako para naman may kasama akong sa mga kabobohan ko. Swerte siya dahil matalino, ako mayaman lang at maganda. Sarap magflip ng hair.
I never understand why I'm always with her, kung hindi maganda ang mood niya ay panget pa minsan ang ugali. Kaya nga minsan ay gusto ko nang kaibiganin si Luke at kausaping ligawan ito, kaso kasing ilap yun' ng Presidente ng Pilipinas.
"Alam mo naman sigurong sina Clara, Lorraine at Geneva ay juniors diba?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman." kibit balikat niya, sinisimot ang palaman ng kinakain.
"Kung ganoon, pupwedeng kunin ni Xiania ang Position ni Yssa." nakakunot-noo kong sabi, mahina at naguguluhan.
"Ha? Ano na naman ba ang sinasabi mo?" nalilito niyang tanong, hindi mawari ang pinupunto ko.
Naging mabilis ang kanyang pagpupunas ng mga kamay dahil sa mayonnaise na nagmula siguro sa pagkain habang nakangiwi. She doesn't like sticky things.
"I mean dalawa lang ang ipinapasok ni Coach na Outside Hitter kapag in-game at yun' ang OH1 and OH2, at isa lang sa OP. " pinagmasdan ko muna ang mukha niya. Batid ko ay naiintriga din ito sa mga sinasabi ko.
"Tapusin mo nga yung sinasabi mo. Why can't you just say it all?" utos niya pa sa akin.
"Okay. Makinig ka."
Inayos ko ang pag-upo at saka uminom muna ng tubig na kanina ko pa pala hindi pinapansin. Si Sheyn naman ay nakatutok sa mga ginagawa ko. Naiirita. Naghihintay.
"Sina Clara, Geneva and Lorraine which are all Outside Hitters while Sheesa and Jasmine are Opposites and they are all Juniors at alam naman nating hindi sila makakapaglaro sa game kasi they have their Conference, hindi ko alam kung ano yun' I'll probably ask them later. So kapag wala sila automatic na sina Yssa and Ada lang ang ating Outside Hitters. And we have no Opposite Hitters. At saka- breaking news! Pumasok si Xiania which is an Outside Hitter at hindi lang magaling. MAGALING TALAGA. " mahaba kong lintaya kaya ay hinapo ako sa pagsasalita.
"Edi, mababangko nga si Yssa?"
Halos mapairap ulit ako sa tanong ni Sheyn. Ano ba ang iniisip nito? Wala nga kaming Opposite! Hindi niya ba nakukuha yung sinasabi ko? Busog naman siya at alam kong hindi ganoon kapurol ang memorya niya sa mga oras na ito. O kaya naman ay nagpapanggap? If she really is bluffing then I am not happy with it.
"Excuse me?... Nakikinig ka ba talaga? We have only two opposites! Kaya wala tayo non' ngayon kasi nga may conference sila. Ano ba ang iniisip mo?"
Natigilan naman siya nahalata sigurong naiinis at naiirita na ako sa mga walang kwentang tanong niya.
"In the first place Marcella, why it has to be Yssa?" walang buhay niyang tanong.
Isn't she thinking? This explanation is more like of a one plus one. Sa isang salita simple.
"Yssa is our OH1, our offensive player while Ada is our defensive. If I were our Coach? I would choose Ada to stay as she is a good defensive player and make Xiania as our offensive, no offense to Yssa. But, if we really want to win ay tama si Coach. We need to adjust. I know nakikita mo rin ang kakayahan ni Xiania, at hindi pupwedeng pakawalan at sayangin ang ganoong opportunity. " paliwanag ko pa.
Naiinis ko nang sagot sa kanya. Broken-hearted talaga ito. Mga ganitong kilos niya ay nahahalata talaga.
"Magiging Opposite si Yssa?"
Napatayo ako. Salamat naman at nagsalita na ito ng gusto kong marinig. Matagumpay akong ngumiti.
"Exactly! Kaya tayo magkakaroon ng Three-day Training dahil doon, at hindi lang dahil kay Zandria." nakangisi kong sagot na para bang nakajackpot ako.
Kahit nga ako ay ngayon ko lang talaga nagets. Hindi naman kasi talaga inexplain no Coach ng tama. Ito yung ayaw ko kay Coach dahil mismong siya ay hindi niya magawang iexplain sa lahat ito ng maayos, tuloy ay hindi naging maganda ang meeting kanina.
Kung ganoon ay-tila bang pinukpok ako ng isang libong martilyo nang marealize ang mga sinabi ko. If the Juniors has a conference to attend with and they must attend to it. Mahihirapan kami, complete yung first six kapag ginawa ni Coach ang sinabi ko. Pero walang mababangko! Dahil saktong-sakto lang ang players namin! Ibig sabihin noon ay magagaya kami sa
Golden State Warriors game, na tinatawag na The Weirdest Game Ever?
Pero unang laro lang naman sila mawawala, buti na lang ay hindi twice to beat ang 2nd District.
"I don't think we'll win the first game." naniningkit niyang sabi.
I shot my gaze to Sheyn. She's thinking something deeply. Is it also what I was thinking? This feeling is a bit scary, ito yung feeling ng naghahanap ako ng libero pero habang iniisip ko ito ay lalong lumalala, lalo akong natatakot.
"We need players." nasabi ko na lang.
Nagsisising napayuko ako, dahil kahit na ako kanina ay nainis sa sinabi ni Xiania, yun' pala ay may utang na loob pa kami sa kanya. Walang hiyang Maxine na yun'! Wala man lang ginawa. May sinabi naman, pero hanggang doon na lamang ba ang kaya niya? Nakakawala ng good vibes naman itong problemang to'!
Malungkot kaming nagtitigan at umiwas din naman, ano bang kamalasan ang natatamo namin? Sa pagkakaalam ko ay wala naman kaming nagawang kasalanan, e. Is this the time where, we players must struggle in chaing our dreams?
Dahil sa ayaw ko nang isipin ang first game ay inilagay ko nalang sa isipan ko ang mga mangyayari sa Training, makakasama pa namin ang Juniors sa tatlong araw na iyon. At kung sinuswerte ba naman itong kaharap ko ay makakasama din si Luke! Yung Love of her life! Pati ngayon ako ay kinikilig, kaya naman ay nakangisi akong napatingin sa kaharap ko.
"Sa tingin mo Sheyn, ano kaya ang mangyayari sa tatlong araw na yun'?" nakapalumbaba kong tanong kay Sheyn, nakangiti at nanunuya.
Nakaupo na ako ngayon, nanonood sa ikalawang burger na kinakain ni Sheyn. Stress eating ba ito? Hindi naman siya binasted, e. Kawawa tuloy yung wallet ko.
"They'll probably start with the basics." nakabusangot kong pahayag nang hindi man lang niya pinansin ang nanunuya kong tingin. Gusto ko tuloy mainis.
Inisip ko nalang ang Training, hindi naman kasi ito ang unang Training namin, at sa lahat nang naging training namin ay umuuna yung mga instructors sa basics. Hindi naman sa ayaw ko, nakakasawa lang talaga. Parang yung mga writing class na pinasalihan ni Mommy sa akin, paulit-ulit.
"Do you think makakaya ni Zandria yung training?" I asked, ngunit wala na kay Sheyn ang aking mga mata dahil napako ito sa isang lalaking kasama ni Maxine.
"Bakit mo ba siya pinagtutuonan ng pansin? She'll manage. She might exceed your expectation pa nga." sagot nito saka inubos ang burger at uminom ng tubig ko.
"Namimihasa ka na, ah." banta ko.
I don't like someone drinking my water! Yuck! Her saliva! Yes, maganda siya pero-
"Can we go?" sabi niya sabay ngisi.
Tumayo siya saka pinagpagan ang uniform. Nagmumukha siyang mayaman kesa sa akin dahil sa mga mannerisms niya, minsan nga nagtataka ako sa kanya. What if mayaman talaga siya at hinuhuthutan niya lang ako? Hindi pa naman ako nakapunta sa bahay nila kaya hindi ko alam kung totoo bang mahirap siya.
I also stood up. Kahit na naiinis na sa kasama ko ay hindi mawala ang tingin ko kay Maxine, parang wala lang itong problema. Kami ay halos sumakit na ang ulo sa pag-iisip ng mga mangyayari, tapoz ito siya at nagdedate.
"Buti pa si Maxine, padate-date lang tapos tayo ay ito, namomoblema." nakanguso kong sambit.
Nauunang naglalakad si Sheyn kaya ay hindi ko nakikita ang ekspresyon niya. Is she sad?
"Bakit mo ba kasi pinoproblema." saad niya.
Natigilan ako sa paglalakad saan na naman ito pupunta? Wag mong sabihing-
"Anong ginagawa natin dito?" bulong ko sa kanya.
Nakarating kami sa office nina Luke, tingnan mo itong babaeng to'.
Nagtatago kami ngayon sa isang haligi ng at tanaw na tanaw namin ang pintuan ng office.
"Puntahan nalang kaya natin?" naniningkit ang mata kong suhestiyon sa kanya ngunit hindi niya ako pinakinggan at naglakad ito papalayo kaya ay lumingon ako sa kanya. What is happening to her?
Nilingon ko ang office, may lumabas na tao, mabilis tuloy akong tumalikod! Kung hindi ako nagkakamali ay si Zandria iyon!
Nagmamadali kong kinaladkad si Sheyn paalis na doon' kaya naman ay pumipiglas ito at pilit na inaalam kung bakit ko siya kinaladkad kaya naman ay iniiwas ko ang kanyang mukha sa aming likuran.
Isang tanong lang nasa utak ko. Ano ang ginagawa ni Zandria doon?
"Ano ba Marcella?!" sigaw niya sa akin nang bitiwan ko ang kanyang kamay, sa wakas ay narating namin ang classroom.
"Nagbell na hindi mo ba narinig?" pagsisinungaling ko.
Hindi naman kasi nagbell, e. Kung wala akong ginawa at hinayaan siyang makita yun' ay tiyak na kawawa na naman tong' babaeng to! Matanong nga mamaya yung si Zandria. Bawal mag-assume kaya baka they are friends lang naman.
At yung cast niya, nasaan na? Is her injury healed already?
______
PS: So sorry kasi ngayon lang ako nakaupdate, wala akong excuse kaya nagsosorry ako. HEHE
Nabasa niya ba yung the weirdest ever game sa chapter na ito? As you can see, I'm also a fan of Basketball and a fangirl of Golden State Warriors, specifically of Stephen Curry at dahil doon ay napanood ko ang mga laro nila at isa na doon ang The Weirdest Game Ever of Basketball, here's the link.
https://youtu.be/fHeAHaxW0nI
If you're lazy to type the link just visit Youtube and type The Weirdest Game of Basketball ever.
And also about the OH1 and OH2 they are all outside hitters, which the OH1 is mainly the Offensive while the OH2 is the defensive. Hehe... I've just learned again from Volleydator and from my reader. Hehe.
Additional info- The wingers is compose of two hitters the OH- outside hitters and the OP-outside hitters.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top