CHAPTER 11- Three-day Training

Sheyn's
POV

Maingay ang naging tunog ng giba-gibang heater na nakita ni Nanay sa labas, I don't think na gumagana pa ito, kung bakit kasi lahat nalang ng makita niya sa labas dinadala niya dito sa bahay? I really can't understand what she thinks sometimes.

"Nay! Sigurado ka ba dito sa heater na nakita mo?"

Napailing ako sa naging tanong ni Shine, kahit na sa batang edad ay alam niya na ang mga bagay-bagay. Minsan nga ay napapanganga ako sa mga tanong nito, kapag hindi ko naman masagot ay pipilosopohin pa ako, kaya nga kapag napupuno ako ay hindi ko na lang pinapansin, its just I hate it when she's like this. She's curious and doubtful in everything!

Narinig kong may nahulog na pinggan sa kusina kaya ay napatungo ako rito. Who knows kung ano na ang nangyayari sa kanilang dalawa? Iilan na lang nga ang gamit sa bahay ay magigiba pa?

"Aba't ano na naman ang nirereklamo mo Shine?!" nanggigil na sigaw ni Nanay habang itinutok ang palayok sa kapatid ko.

"Magkaiba po ang pagtatanong sa pagrereklamo, Nay." nakairap na sagot ng aking kapatid.

"At sasagot ka pa?!" sabay pukpok ng palayok sa ulo ng kapatid ko na siyang ikinatakbo nito sa akin.

Umiling na lang ako habang chinicheck ang dala kong bag baka may makalimutan ako.

"Oy, Shine. Ang bibig mo talaga ang sarap nang lagyan ng siling labuyo. Magsorry ka kay Nanay at manahimik na." simple kong sabi saka kinuha ang heater sa saksakan. Buti na lang at pinautang nila si Nanay at nabayaran na yung kuryente, kung wala ay hindi ko alam na alam ang gagawin.

This is why I hate being poor. Kung pa kasi kami mahirap?

"Hatiin niyo na lang muna ang kape diyan at yung tinapay nandoon sa lalagyan." utos ni Nanay na sinunod ko naman.

Mabango ang amoy ng pagkaing niluluto niya kaya naman ay pumunta ako malapit sa nilulutuan niya, dala-dala ang tasa ng kape.

"Kaninong order po ito Nay? Bakit ang dami?" nacucurious kong tanong.

"Kay Madam Selya anak, bertday daw ng kanyang apong si Berting." sagot niya sa akin na idiin ang birthday.

Kung umaga ay nagluluto si Nanay ng mga pagkain na ipinapaluto sa kanya ng mga kakilala niya at kung hapon naman ay labada ang pinagkakaabalahan nito. Napatingin ako kay Shine, nakabihis na pala ito at aalis na rin. Sinusunod ang utos kong manahimik.

Inubos ko ang natitirang patak ng kape at nagpaalam kay Nanay kasama si Shine, ayaw niya ng kape kaya tubig lang ang ininom nito saka kinain ang maliit na tinapay na tira ko.

"Ate?"

Napatingin ako sa kanya habang naglalakad sa masikip na daanan palabas ng eskinita, mabaho ang daanan at mga basura ay makikita sa magkabilang gilid ng daanan kaya ay maingat ang aming paglalakad. Tipikal squatter areas.

"O? Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Dalawa po ang pumasok sa Team niyo. Iiba po ba ang position ng mga dating kasama mo?"

Napatigil ako sa paglalakad. Bakit hindi ko naisip yun'? There's a posibility na magchachange yung mga positions! Pero hindi naman siguro hahayaan ni Coach yun'. Kung susumahin ay isa lang namang position ang maiiba ang magdadala dahil sa injured ako ay automatic na kay Zandria ang posisyon ko pero kay Xiania? Hindi ko alam, kung mamarapatin ay pupwede niyang kunin ang pagiging outside hitter, as I've seen how good she is in attacking and recieving the ball, she's also dependable in her blocking, serving and digging like Yssa. But Xiania plays better than her honestly. Nakakaatake siya kahit na hindi maganda ang first ball, and also, I've never seen Xiania mistakingly move inside the court through the times we practiced kaya ay- ayoko nang mag-isip, masyadong na akong kinakabahan.

"PagpasaDiyos nalang natin na huwag sanang mangyari yun'." kinakabahan kong sagot.

Kapag nagchange ang position ng kahit na sinong manlalaron namin ay maaaring gumulo ang tahimik na pakikisama ng mga teammates ko! Matagal nilang pinagtrabahohan ang mga posisyon nila. The changes will be lethal, and it will affect the moral of the team!

Dahil sa malalim na iniisip ay hindi ko napansing wala na pala sa likod ang kapatid ko. Where did she go? Nasa iisa kaming paaralan kaya nalilito kong hinanap siya. Luminga-linga ako, ngunit hindi siya ang nakita ko.

"Mauna ka na nga." naiinis na sambit ni Zandria, kitang-kita sa mukha nito ang pagtitimpi.

Naningkit ang mga mata ko sa nakitang kasama niya, if I'm not mistaken, it's ZJ! That's Marcella's idol! Nakilala ko ito dahil palagi itong bukangbibig ni Marcella.

Ngumisi tuloy ako.

Ano kaya ang mangyayari kapag nakita niya ito? How happy would she be? Naiimagine ko pa lamang ay halos ngumiti na ako.

"Ayokong kuyugin Ate." mahina nitong sabi, kinakabahan.

Naglakad ako papalapit sa kanila na ikinagulat naman ni ZJ kaya ay napatago ito sa likod ng kapatid.

"Don't worry hindi mo ako fan." natatawa kong depensa.

Tinulak ni Zandria si ZJ upang mapalayo ito sa kanya, nagtitimpi at nawawalan na talaga ng pasensya.

"Hindi lahat ng tao dito ay tagahanga mo, masyado kang hambog. Umalis ka na nga." taboy pa nito saka iminuwestra ang kamay na nagpapahiwatig na umalis na ito sa harap niya.

Walang nagawa ang kawawang si ZJ, taliwas ang ugali nito sa personal dahil nakita ko ito sa mga videos na ipinapakita ni Marcella, walang kinakatakutan at makikita mo talagang kahanga-hanga ang mga galaw nito, perfect for an Idol star, pero ngayon ay iba ang nakikita ko.

"Hindi mo sinabi Superstar pala yung kapatid mo?" I teased her slightly.

Ngumuso lamang ito at nauna nang maglakad, kumaway ako kay ZJ at saka sinunod si Zandria habang natatawa.

Ngunit natigil ako nang lingunin niya.

"Anong kailangan mo?" nakangunot-noong tanong niya.

Nagtataka ko siyang tinitigan, ganito ba liit ang tiwala niya sa tao? I know she had experienced worst things pero this is just, what should I call this? Yes, this is just too much!

"Matuto ka namang magtiwala Zandria, hindi lahat ng tao sa mundo ay kaaway ang turing sayo o kaya naman ay may kailangan sayo." nasasaktan kong sambit.

Iniwan ko siya sa harap ng gate, naiinis ako sa kanya. Yes, may atraso ako noon sa kanya pero grabe naman kung lahat nalang nang ginagawa ko ay pagdududahan niya at saka hindi niya naman ako namumukaan dahil ni minsan simula ng makita niya ako ay hindi niya binanggit ang nakaraan.

Nakabusangot akong nakarating sa aming classroom, dahil GAS ang kinuha kong strand ay hindi ko kaklase si Zandria, si Marcella at Ada ang kasama ko sa strand na ito kaya naman ay palagi kaming magkasama, nasa huling taon na kami ng Senior High kaya naman ay masyadong busy ang aming schedule.

"Ang gwapo talaga niya!" rinig kong sigaw ni Marcella sa loob ng silid.

Hindi pa man alam kung sino ang tinutukoy niya ay may ideya na ako dito. Ang tanong kung nakita niya na ba ito, hindi ko tuloy napigilan ang pag-ngisi.

"Hinaan mo nga boses mo Marcella, halatang-halata na patay na patay ka sa artistang yan." walang ganang saad ni Ada.

Hindi kagaya ni Marcella, si Ada ay walang pakialam sa mga artista. Libro at pawang volleyball lang ang nasa utak nito. Minsan nga ay itinatanong ko kung may iba pa ba itong iniisip pwera sa dalawa ngunit iling lang ang isinasagot nito.

Nang makapasok ay agad akong sinalubong ng malapad na ngiti ni Marcella, ito ang bungad niya palagi kapag may balita siyang maganda at tungkol sa idolo niya.

"Sheyn! Si ZJ nandito sa Pilipinas!" kinikilig niyang hiyaw.

Pinipigilan kong sabihing nakita ko ito sa labas dahil naalala ko ang sinabi ni ZJ na ayaw nitong kuyugin. Kaya lang ay parang gusto kong sabihin ito kay Marcella! Nakikita ko pa naman ang ngiti sa mga labi niya, hindi pa man nakikita ang idolo sa personal. Ano pa kaya ang magiging reaksyon nito kapag nakita na ang idolo?

"Manahimik ka na, papasok na si Ma'am." pigil ko sa kanya saka umupo sa upuan, nakatayo pa rin ito at pinapadyak-padyak ang paa, nakakagat-labi habang nakatutok ang buong atensyon sa cellphone.

Napailing nalang ako, sana lang ay pwedeng sabihin sa kanya na kapatid ni Zandria ang idolo niya.

At kahit pumasok na ang aming guro nasa cellphone pa rin ang atensyon nito kaya naman ay siniko ko at pinagsabihan.

Pero iba ang inilabas na mga salita ng bibig niya.

"Hindi mo pa sinasabi yung kailangan mong sabihin sa akin Sheyn, nagtatampo na ako." nakanguso nitong sambit, ang cellphone ay naitago na niya pala.

"Ang ano?" mahina kong tanong ang atensiyon ay nasa guro na.

"Ayan ka naman, e!" sigaw niya.

Nabigla kaming lahat, ang guro ay napatigil sa pagsasalita sa harap.

"Ang tanga lang." rinig kong bulong ni Ada sa likod ko.

"Ms. Tomasa it seems like you're enjoying your chitchat with Ms. Mendoza than listening to my lecture?" nakataas kilay na tanong ng guro.

Nadamay pa tuloy ako.

"I'm sorry, Ma'am." paumanhin ni Marcella.

"Get out of the room and proceed to the detention room." nakatalikod nang sabi ng guro habang hinahanap siguro ang detention slip.

Napatingin ako kay Marcella na humihingi ngayon ng tulong sa akin. Umiwas ako ng tingin. Bakit ba kasi ganito ako kalapit sa kanya? Tuloy ay hindi ko mahindian ang mga pakiusap niya. This is just so not good.

"Kasama po ba ako Ma'am?"

Gulat na napatigil sa paghahanap yung guro namin ng marinig ang tanong ko. Pati ang mga kaklase namin ay napanganga, si Ada naman ay napailing nalang saka nagpatuloy sa kanyang sinusulat.

"If that's what you like. Here's the detention slips."

Nang makaalis kaming dalawa sa silid ay masayang tumawa si Marcella.

"Sabi ko na nga bang hindi mo ako matitiis. Hahaha!" sabi niya sabay tawa.

Nasa likod ko siya kaya hindi ko makita ng mukha niya pero alam kong nakangisi itong naglalakad. Ilang detention na ba ang naranasan ko dahil sa kanya?

Mahina ang aming paglalakad kaya naestatwa kaming dalawa nang makitang magkasama si Luke at si Zandria na naglalakad papasok sa Cafeteria, ang alam ko ay STEM ang strand nilang dalawa at alam din naming magkaklase sila pero hindi ko inaakalang ganito sila kalapit.

"Nakikita mo ba ang nakita ko, Sheyn?" tanong ni Marcella na nasa gilid ko na pala.

"Hindi ako bulag." sambit ko.

This is why minsan naiinis ako kay Marcella. Palagi niya kasi akong iniinis.

"Ngayon ko lang nakita ang Presidente na naglalakad nang may kasamang babae. At ganyan pa talaga kalapit!" namamangha niyang saad.

Napanguso ako. Bihira pa sa bihira ang makalapit sa kay Luke, hindi dahil sa suplado ito ngunit dahil maiilang ka talaga sa aura nito. 'It's as if you're not fit to walk with him feeling' o kahit titigan man lang siya. Ganoon ang mararamdaman mo kapag lumapit ka sa kanya, hindi lamang sa kagwapohan niya ngunit dahil na rin sa angking talino nito.

I remembered when I was stalking him and got caught by Marcella. She teased me so hard that I almost stopped talking to her. Pero pinagsabihan niya akong bigyan ng love letter si Luke na siya namang ginawa ko. Nakita namin na binasa niya ito at itinago at nang makita kaming dalawa ay isinauli niya saka sinabing, "You have such a nice penmaship.", at hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko iyon kaya lang the scene that we had witnessed a while ago made me frown.

"Paano ba yan at mukhang nauunahan ka na ni Zandria, Sheyn?" natatawa lintaya ni Marcella saka nagpatuloy sa paglalakad.

Yes, kagaya nga ng sinabi ay matagal nang nakatengga ang pagmamahal ko sa kanya, hindi lamang love letters ang ginawa ko pati ang paglilinis ng office nila ay ginawa ko na para lang makita siya palagi, kasama ko pa nga si Marcella, kaya ito siya ngayon at pinagtatawanan ako.

Napapatanong tuloy ako, bakit ganiyan si Luke? I mean hindi niya naman ako binasted at hindi niya rin naman inacknowledge yung nararamdam ko sa kanya. What does he wants me to think? Like I'm so confused! Saka anong hahanapin niya pa sa akin? Maganda naman ako, sexy at matalino! Well, hindi nga lang mayaman katulad niya.

"Can you shut up?" galit kong sagot kay Marcella.

"Woah! Wag kang bad mood, magkasama lang naman silang naglakad, pero kasi... siya yung unang babaeng nakita kong kasama ni Luke, hehe." sabay takbo nito na ikinagalit ng mga gurong nagkaklase, nasa hallway kasi kami.

Buti nga sayo. Nagsisi tuloy akong sinamahan ko pa siya. Sayang yung lectures na mamimiss ko!

"Ms. Tomasa and Ms. Mendoza pinapatawag kayo sa club room niyo."

Nagkatinginan kami ni Marcella.

Pagkadating na pagkadating pa lang namin ay ganito na ang sasabihin niya? What should we do with this detention slips?

"What about these?" kaway ko ng detention slips sa harap niya.

"Excuse na kayo, akin na at mamarkahan ko nalang, importante daw kasi ang meeting niyo." nagmamadali niya sambit.

Ito na ba ang ang sinasabi ni Shine kanina?

I trembled. Shit! Hindi pwede!

Tumakbo ako papuntang club room na kahit na ikinalito ni Marcella ay tumakbo rin.

"Bakit tayo tumatakbo? Anong nangyayari Sheyn! Hoy!"

Hindi ko siya pinansin ang nasa utak ko ngayon ay pigilan si Coach! Kahit na namamawis na ang kili-kili ko ay hinayaan ko nalang ito kaya nang makarating sa club room ay hapong-hapo ay gusot na gusot na ang damit naming dalawa. Nagulat pa kami ng makita si Zandria na nakaupo at walang pakialam sa sinasabi ng nasa harapan.

"Masyado nang marami ang winged players natin, humihina na din ang depensa. To fully grasp the Championship Trophy we have to adjust." mahina ngunit puno ng pinalidad na saad ng aming Coach.

Napasinghap ang lahat pwera nalang kay Xiania at Zandria parehong walang pakialam sa mga naririnig at nakikita.

Nakaupo ang aming Coach sa isang mono block chair sa harap ng mga kasama namin habang naka indian sit ang lahat habang kaming dalawa ni Marcella ay nakatayo sa gilid ng pintuan, malinis ang club room halatang hindi pinapabayaan, maraming nakapinned na mga gagawin sa isang bulletin board at mga bolang nasa lalagyan sa gilid, nakasalansan naman ang mga bagong jerseys na dapat ay nasa locker namin, gusto ko tuloy sukatin pero wag muna ngayon masyadong tensyonado ang lahat.

"So, kailangan pa natin ng isa pang Libero?" kinakabahang tanong ni Marcella.

Napatingin kaming lahat sa kanya, ang akala naming sasagutin siya ni Coach ay nagkamali kami.

This is not good!

"We have to change positions." mahina nitong naisatinig..

That's a complete bullshit! What the hell on Earth is he thinking?! Two weeks na lang at Championship na tapos ganito?! Iibahin niya yung positions?! I couldn't hardly digest what I'm hearing!

"We've been practicing so hard for our designated positions! Tapos ichachange niyo lang din? God!" sigaw ni Maxine.

Hindi ko naman ito masisi, talagang pinaghirapan ng lahat ang iniatas na posisyong ibinigay sa amin kaya mahirap marinig na iibahin ito! Ibig sabihin nun' ay mag-aadjust na naman kami! Well, sila lang. Injured pala ako. Pero kahit na!

"This is just temporary."

Nonsense! Nanggigigil na ako pero hindi ako makagalaw wala akong awtotidad.

"Can you please stop lying Coach?!" sigaw ni Ada.

Napailing ako, dahil sa inaasta ng aming Coach ay nawawalan na kami ng respeto sa kanya. This is not good.

"Nalaman niyo lang na galing sa NVTA yang si Xiania ay gagawin niyo na ang lahat para lang makapaglaro siya? Pwede naman siyang maglaro pero bakit kailangan pang ichange yung positions namin?" tanong ni Ada.

She hit the right spot. Kinabahan tuloy ako. Papaano nalang kapag nalaman nilang galing din ako doon, pati na rin ang kumakain ng Bread Stix sa likod? Isa pa lang nga ay ganito na ang nangyayari.

Tumingin ako sa gawi ni Marcella na nasa akin din pala ang tingin, umiwas ako. Alam niya na doon ako galing, but I doubt it na sasabihin niya.

"So I'll be the outside hitter, then?"

Nakuha ni Xiania ang atensiyon naming lahat pwera na lang kay Zandria.

Nang mapatingin ako kay Yssa ay nanginginig na sa galit ang mukha nito, dahil siya ang outside hitter ibig sabihin ay-

"What?!" pasigaw na tanong Yssa, napatayo tuloy ito.

"At magiging libero ako?! No way!" dagdag nito.

Tila napipi kaming lahat sa sigaw niya ngunit ngumisi lang si Xiania na ikinainis ko. Parang inienjoy niya ang nakikita!

"Of-" hindi na natuloy ang sasabihin nang tumayo si Zandria at pinagpagan ang uniporme. Tuloy ay nakuha niya ang atensyon ng lahat.

"Hindi sa ganon' Yssa, si Xiania ang mapapasama sa first six kaya ay mababangko ka, hindi libero. Dahil nandito ako para dumepensa."

Napangiti ako. Hindi pa rin pala siya talaga nag-iba. Siya pa rin ang idolo ko. Idolong hahangaan ko habang nabubuhay ako.

"The 2nd District has a one hundred percent NVTA's players."

Ang paghinga ko ay tila nalimutan ko na nang marinig ang sinabi ni Xiania. Hindi lang ako dahil halos lahat kami ay napanganga. Si Zandria ay tila nawalan ng dugo sa katawan.

"Ah! I almost forgot the Principal issued a three-day training for all of you."

And another- wait... WHAT?!

______
PS: I sincerely thank Volleydator for answering my questions about volleyball and providing some facts for me to read about the wingers...
I don't know if he/she has a wattpad account but I hope this is enough...
Hehe.
Here's the link-

https://volleydator.com/the-wingers/

And another please dm me how to dedicate a chapter! I really don't know!
If you also have time please read my other story entitled A photo of you, it's a romance genre and complete not the same with this one... Thanks!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top