CHAPTER 10- All you have to do is play.
Zandria's
POV
"Hello, my little Luke!" napakasayang sigaw ni Mama ng matunghayan ang kasama ko, hindi man lang ako nito pinansin at inuna niya pang yakapin ito. Para bang kanina niya pa ito hinihintay.
At tama nga ako sa aking hinala, ako lang at si Yaya Perla ang hindi kilala ang anak ni Mang Baldo, ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita ang mukha ng sinabihan niyang panget? Kahit nga ako ay hindi makapaniwalang ang gwapong lalaking kasama ko ay anak ni Mang Baldo.
Gusto kong ngumuso ng makitang ganito pala kalapit si Mama at si Luke. Papaano sila naging ganito ka lapit ng hindi ko alam? E, hindi ko nga nakita si Luke na pumunta dito sa bahay kahit minsan.
"Tita. Kamusta po kayo?" tanong pa nito sa aking Ina. Kitang-kita ang galak sa kanyang mga mata, ibang-iba sa pakikitungo niya sa akin.
Kahit anong titig ko sa kanya ay hindi ko makita ang pagkakahawig niya kay Mang Baldo, ampon ba siya? Baka sobrang ganda ng kanyang Ina? Bakit ko ba to itinatanong? Ano naman pakialam ko sa kanya? Nakakainis.
Iginala ko ang aking paningin, hinahanap ang bulto ng nag-iisa kong kapatid pero wala akong nakita kahit na anino nito, ngunit nakita ko ang gitara na nakapatong sa Mesa ng sala siguro'y nagpraktis ito bago umalis. Magtatanong pa sana ako sa aking Ina kung saan pumunta ang aking kapatid ng makitang dinala niya na pala ang kasama ko sa kusina, hindi ko na lang ginawa.
Pagkatapos namin kaninang mag-usap ni Luke ay tinawagan niya si Mama, ibabalik niya raw ako dito. Wala naman akong magawa kahit pa nangatwiran ako na gabi na kaya ipagpabukas na lamang pero kakasuhan niya raw ako ng trespassing kaya nagpatianod nalang ako. Dise otso na ako at pupwedeng na akong makulong. Pupwedeng biro ang sinabi niya pero hindi ko ito nakita sa kanyang mukha kanina.
Akala ko nga ay gagamitin niya ang sasakyang nakatago sa garahe pero inirapan niya lang ako at sinabing, "You're not my girlfriend." syempre wala akong nasabi nabigla ako, e.
Napaisip ako tuloy, girlfriend niya lang ba ang isinasakay niya doon?
"Oy, Zandria! Halika at uminom ka muna ng ginawa kong Apple shake!" masaya niyang Aya ni Mama.
"Hindi ba ay dapat na panghapunan ang lulutuin mo?" naiinis kong tanong.
"Aalis rin naman ako, night shift ako ngayon anak. Dali na!" sabay wagayway ng baso, nawawalan na ito ng pasensya kaya naman ay pumunta ako sa kanya upang dawatin ang basong may lamang shake raw. Ano na naman kaya ang lasa nito? Ang huling shake niya ay lasang ginisa. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang lasa,kaya naman ng malasahan ang ibinigay niya ay halos lumuwa ang lahat ng laman ng tiyan ko. Ano ba ang inilagay niya dito?
"Masarap ba?" tanong niya sa aming dalawa. Naghihintay ng magandang sagot mula sa aming dalawa.
Nalasahan ko ang cinnamon bun at yung tamis ng mansanas, gusto kong idura. Langya. Bakit may cinnamon sa shake na ito? At hindi lang yun! Sa sobrang dami siguro ng inilagay niya ay halos hindi ko na malasahan ang lasa ng mansanas!
"Opo-Hindi." sabay naming sagot. Napatingin ako kay Luke ngunit ang paningin niya ay nakapokus sa aking Ina. Abnoy ba siya? Sasama ang pakiramdam ni Mama! Ayaw na ayaw nitong pinupuna ang lasa ng kanyang mga luto kaya naman ay kahit na sumakit ang tiyan namin ni Papa ay kinakain nalang namin ang mga luto niya. Buti na lamang at minsan lang ito kung magluto.
Tumagal ang titig ko kay Luke, bakit ba ang gwapo niya sa anggulong ito? Ang ilong niya ay katamtaman lang ang taas, labi niya ay kasing pula ng mansanas at yung pilikmata niya ay- Ano ba itong iniisip ko? Napailing tuloy ako.
"Masarap po Mama. Hehe." napipilitan kong sabi ng makita ang lungkot sa mukha ng aking Ina.
"Hindi po masarap Tita. May inilagay po ba kayo dito?" pormal niyang sagot.
Alam kong nalasahan niya ang cinnamon bakit kailangan niya pang I tanong yun'?
Naiinis ko siyang tiningnan ng makahulugang tingin para sabihing masarap ito, ngunit nabigo ako. Nanatili pa ring seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin Ina. Ano ba ang gusto niyang gawin?
"Nalasahan ko po kasi ang Cinnamon." sambit niya na ikinaalarma ng aking Ina.
Mabilis ang naging kilos ni Mama papunta sa drawer sa likuran niya. May Kinuha ng siyang garapon at saka tinikman ito at ngumiwi.
"Akala ko Cocoa Powder, hehe. Akin na yan at uminom kayo ng tubig." nahihiya niyang pahayag.
Ngumiwi ako, cocoa powder ang ipapares niya sana sa mansanas? Nawawalan na ako ng imahinasyon kung ano ang magiging lasa nito kung nagkataon.
Nang makarating kami sa salang dalawa ay katahimikan ang naging kasama namin.
"Sometimes you have to speak the truth to lessen the pain." pagbabasag niya sa katahimikan bumalot sa amin.
Wala akong nasabi, totoo naman talaga ito ang kaso lang ay ayaw kong nakikita si Mamang nalulungkot, parang tinatarak ng ilan libong punyal ang akin dibdib.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay wala na siyang sinabi pa, hanggang sa makapunta si Mama sa harap namin ng may nanunuksong tingin.
"I didn't know you two are dating." sabi niya, ang ngisi niya ay halos pumigtad sa mapupula niyang mga pisnge.
"Ano ba ang sinasabi mo Mama?" mahihiya kong tanong.
Ano ba kasi ang iniisip niya? Napatingin ako kay Luke, parang wala lang ito sa kanya ngunit ng napatingin siya sa akin ay napaiwas ito.
"Well, alam mo namang botong-boto ako dito kay Luke." sabi niya sabay upo sa gilid ni Luke.
Ha? Ngayon ko lang nga ito nakilala tapos yan yung sasabihin niya? Oo na at gwapo itong kasama ko pero hindi ganyan kagwapo ang tipo ko. Gusto ko ay yung parang si Mang Baldo na kahit panget ay maganda ang ugali kesa naman sa isang to.
"Tita, hinatid ko lang po itong si Roxe."
Roxe? Kailan niya pa ako tinawag sa pangdalawang pangalan ko? Naririnig ko tuloy sa kanya si Papa.
"Bakit? Hindi naman perwisyo itong anak ko sa bahay mo." saad ni Mama.
Hindi ko alam kung sasaya ba ako o mahihiya. Ano ba itong pinagsasabi ni Mama? At saka bahay niya?
"Yes, sinabi na ni Benedict sa akin." saka ito tumayo.
Sabi na nga bang sinabi na ni Mang Baldo ang naging desisyon ko kaya naman nang makita kaming dalawa ay hindi man lang ito nagulat.
"Magandang gabi Ma'am Anne." rinig kong bati ni Yaya Perla,mahihimigan ang hangos sa boses nito.
Batid kong bumili ito ng mga kakailangin ni Mama sa pagluluto. Sana naman ay pumasok na trabaho itong si Mama at nang si Yaya Perla na lamang ang magluto. Ayoko ko nang kumain ng walang kwentang luto ni Mama, tiyak na sa sakit na naman ang tiyan ko.
"Mauna na po ako Tita." paalam ni Luke.
Bakit nagtatagalog na ito ngayon? Kanina ko pa ito napapansin, pero kapag ako ang kausap ay iniingles ako? Nakakainis.
"Dito ka na maghapunan. Saka paparating na rin naman yung Papa mo. Sayang naman yung pagkain at wala dito si Alexander. Si Zandrick naman ay nadoon sa Music Fest."
Hindi ko napansing nasa tabi na pala ni Mama si Luke habang si Yaya Perla ay hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.
Oo Yaya, gwapo ang anak ni Mang Baldo.
"Ito ba ang anak ni Baldo Ma'am Anne?" tanong nito kay Mama hindi pa rin ako napapansin. Kitang-kita ang pagkilatis nito sa mukha ni Luke, kahit sino naman sigurong tao ang makakakita sa kagwapohan ng nilalang na ito ay hahanga at matutulala talaga.
"Sadyang napakalakas lang talaga ng genes ng Mama niya." kibit balikat ni Mama.
Tumayo na ako at pumasok sa kwarto habang nag-iisip kung papaano ko sasabihin kay Mama na naglaro ulit ako. Tiyak na kakabahan at pagagalitan na naman ako nito.
Nang makarating sa kwarto ay kitang-kita ang pagkaayos ang aking mga gamit at dahil doon ay madali kong nakita ang aking telepono. Maraming mensahe at tawag dito. Nabasa kong nasa Baler pala si Papa kaya hindi ito makakauwi ngayon, kaya pala nasabi Mama hindi ito makakauwi. Ilang linggo na naman kaya ang nasa kontrata nito?
"Zandria!" sigaw ni Mama.
Nagmadali akong bumaba dala-dala ang naiwang telepono kanina.
"Can you please sit?" tanong nito sa akin.
Ito na naman ang ingles. Nakakainis.
Wala akong nagawa napaupo ako ng walang gana.
"Doon ka muna kay Luke dahil si Zandrick ay magtatagal daw rito." sambit ni Mama habang napapapikit sa kinakain.
Sino kaya ang nagluto?
"Pero Tita-"
"Luke, Zandria hates music just as much as you hate dirts. At ang pag-uwi ni Zandrick dito ay simula ng gulo sa bahay kaya sana naman ay tanggapin mo muna sa bahay mo si Zandria. Pasalamat nga ako at nasa Baler yung Tito mo." mahabang lintaya ni Mama.
Lihim akong napangita. Totoo naman talaga magigiba ang bahay kapag nandito si Papa dahil ayaw niyang nakapokus si Zandrick sa musika.
Naging madali ang paglalagay ni Yaya Perla ng mga pagkain. Tatlong putahe ang nakikita ko. Bakit ang bilis niyang nagluto lahat ng ito? O baka binili niya lamang ito?
"Pasensya na po kayo Ma'am Anne at Chopseuy, Adobo at pritong isda lang ang nag take-out ko." paumanhin niya pa.
Ngiti lang ang naisagot ng aking Ina. Mahina ang aming pagpapasalamat Panginoon sa pagkaing nasa hapag at nang malasahan ang pagkain ay magpasalamat akong hindi si Mama ang nagluto nito.
"Hindi pa rin nagbabago ang kagwapohan ng aking anak." puri ni Mang Baldo sabay tingin kay Yaya Perla.
Nandito na pala ito. Napangiti ako sa sinabi ni Mang Baldo.
"E, sino ba naman kasi ang maniniwalang magkakaanak ka ng ganyan kagwapo, Baldo? Swerte mo lang at maganda siguro yung asawa mo." nakaismid na sabi ni Yaya.
Napatawa kaming lahat pwera na lang kay Luke at nang ibuka nito ang bibig ay halos hambalusin ko ito.
"Tita, naglaro po ulit si Roxe."
Lahat kami ay napahinto, walang gumalaw, ang pagsubo ko ay natigil.
"What?!" nangagalaiting tanong ni Mama.
Hindi ako makagalaw tila bang naputol ang dilang kanina ko pa gustong gamitin, ngunit naunahan ako. Sa halip na sagutin si Mama ay napatingin ako kay Luke. Wala itong emosyon, bakas ang paghihintay ng aking sa sagot sa kanyang mukha. Si Mang Baldo ay walang nagawa kung di ay ang mapayuko habang si Yaya Perla ay nakanganga.
"Please excuse me muna Yaya, Benedict and Luke kailangan ko lang kausapin itong si Zandria." pagpapaalam niya.
Walang nagawa sina Yaya at Mang Baldo kaya napayuko na lamang ang mga ito. Habang si Luke ay tila hindi alam ang gagawin.
Naunang umalis si Mama kaya nang hindi pa ako tumatayo ay napatayo ako sa walang oras t
at kinabahan ako sa sigaw niya.
"Zandria! Aren't you going to come here?!" sigaw niya.
Hindi na bago sa akin ang pagsigaw niya sa ganitong intensidad. Limang taon na din naman ang lumipas ng huli ko itong marinig at kagaya ng naramdaman ko noon ay hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko.
Nauuna siyang maglakad habang nakatungo akong nakasunod sa kanya nag-iisip sa isasagot sa mga tanong niya mamaya.
"Totoo ba ang narinig ko?" tanong niya, nagtitimpi at isang panget na sagot ko lang ay sasabog na.
Nakaupo ito ngayon sa kanyang upuan, prente at tuwid ang pagkakaupo naghihintay ng sagot sa tanong niya. Naririto kaming dalawa sa kanyang work room, maraming librong nakalagay sa mga shelves lahat ng ito ay alam kong may kinalaman sa medisina, pwede na nga itong tawaging silid aklatan dahil sa dami.
"Opo." nakayuko kong sagot.
Lumipas ang isang minuto ay hindi siya nagsalita dahil don'ay iniangat ko ang paningin.
"Hindi kita pinalaking estupida, Zandria!" nanggagalaiti niyang sigaw na siyang ikinaatras ko.
Nanginginig na ako sa pinaghalong kaba at takot, kung kanina ay nagawa ko pang tingnan sa mga mata ang aking Ina ay hindi ko na magawa ngayon. Ito ang ayaw ko, mas gusto ko pang nagluto na lamang siya sa kusina.
"Wala na po akong ibang pagpipilian, Ma." nakayuko kong sagot.
"You have so many choices Zandria! You could've called me, or your Papa or ever Zandrick! Mang Baldo can help too!" sigaw niya.
Naitaas ko ang aking mukha dahil sa sinabi niya. Tawagan? Sila? Napailing ako.
"Opo, Ma. Pwede ko kayong tawagan sa panahong iyon. Pero kapag tumawag ba ako ay sasagutin niyo? May mga pasyente ka, si Papa naman ay laging nakapatay ang telepono. Si Zandrick? Wag mo na po akong sabihang umpisahan ang tungkol sa kanya." mahina man ay bakas ang pagtatampo sa boses ko na hindi ko naitago.
"You've been rejecting that sport for almost five years and now I'm hearing this? Na parang bang kami pa ang may kasalanan?! We've been keeping you safe for all those years!"
Naluha ako sa narinig, kasalanan ko naman talaga. Ang kailangan ko lang naman sanang gawin ay ang pag-iwas pero hindi ko nagawa.
Nang makitang naluha ako ay umamo ang mukha ng aking Ina.
"You could've chose to get out in that situation. You're smart. I know you can handle that kind of situation. You've been doing that for almost five years." mahina ngunit may diin niyang pahayag, iniiwasang sumigaw para hindi na makita ulit ang luhang kanina ay nakita niya sa aking mga mata.
"Tell me what happened."
Dahil sa naging utos niya ay isiniwalat ko lahat ng nangyari, nakatayo pa rin ako habang nagsasalita habang siya naman ay nakaupo nang nakatuon ang buong atensyon sa lahat ng mga salitang lumalabas sa bibig ko.
"Well.... all you have to do is play." kibit-balikat niya.
"Po?" naguguluhan kong tanong.
"Hindi niya naman sinabing galingan mo, ang sinabi niya ay maglaro ka lang. And...don't overdo it. The last thing that we would like to have is the NVTA's face at our door." sambit niya saka tumayo.
Nanatili akong naguguluhan.
Anong iniisip mo Mama? Bakit hahayaan mo akong maglaro?
"Gusto mo ba ng cheesecake?" nakangisi niyang tanong na ikinaalarma ko naman.
"Akala ko ba may duty ka?" naiinis kong tanong ngunit nagpapasalamat naman at hindi na siya galit.
"Ay! Oo nga pala. Halika ka na at bumaba, lumalalim na ang gabi."
"Paano si Lola?" kinakabahan kong tanong.
"Ako na ang bahala sa kanya." sabay ngiti niya.
Ngumiti si ako sa kanya saka niyakap siya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala siya, mamamatay nalang siguro ako kapag wala siya sa tabi ko.
"I may not be the perfect mother, Zandria but I will be the best mother for you and Zandrick."
Nang makalabas sa bahay ay naging matagal ang pamamaalam ng aking Ina, maraming habilin at hagikhik akong narinig sa kanya siguro ay itinatago ang kaba.
Sabay kaming naglakad ni Luke at nang papara na ng Jeep ay humarap ito sa akin tila bang may naisip na sasabihin na siya namang ikinagulat ko.
"I'm sorry about a while ago." nakatingin niya sa aking paumanhin.
Gusto kong matawa. Bakit ba kasi ayaw kaming ihatid ni Mang Baldo, e.
"Okay lang, pinasok ko ang bahay mo ng walang paalam at kapalit non' ang pagbuko mo sa akin kaya kwits na tayo." sagot ko sa kanya kasabay ng pekeng ngiting iginawad ko pa.
"I overstep, I didn't mean-"
Hindi ko na pinatapos ang paliwanag niya. Naiinis ako. Gustong kong magalit ngunit may kasalanan din naman ako kaya hindi ko magawang sigawan siya.
"Ano ba sa 'okay lang' ang hindi mo maintindihan? Gusto mo bang inglesin ko pa ito?" nawawalan ng pasensya kong pahayag.
Tumagal ng trienta minutos ang titigan namin sa huli ay yumuko na lamang siya, nakonsensya tuloy ako at siya la ang napagbuntunan ko ng galit.
"Let's go, then."
____
Ps- I'm really sorry for the late late update. Nastuck yung utak ko sa isang thought haha. Pasensya na talaga. 🤗
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top