CHAPTER 1- Posisyon
Zandria's
POV
Halos hindi ko mabilang ang mga taong nakikita ko ngayon sa pabilog na Gym. Iba't-iba ang kanilang mga kasuotan ngunit pula ang makikita sa karamihan. Dapat ay nasa itaas ako kasama ang mga taong naroon pero nandito ako sa ilalim. At talagang ako'y minamalas pa dahil nasa loob ako ng court! Nang dahil dito ay hindi ko maialis sa aking isipan kung paano ako napunta sa ganitong posisyon.
"Bago ka ba rito?" isang tanong na nakapagpalingon sa akin.
Naguguluhan ko siyang tinitigan, hapong-hapo at wala sa ayos ang unipormeng panglarong suot nito, dapat ay nasa bench na ang babaeng ito. Magsisimula na ang laro. Tiningnan ko ang daan kung saan siya naggaling, hindi na ganon karami ang tao kung ikukumpara sa mga taong nadoon kanina.
"Ah... Oo bago lamang ako rito," nag-aalangan ko pang sagot. Kahit na hindi ko siya kilala ay dapat ko pa rin siyang pansinin, bastos naman kapag hindi ko siya kinibo hindi ba?
Natawa ako sa aking isipan. Matagal na pala akong bastos. Ano kaya ang nakain ko ngayong araw?
Pagkatapos ko siyang sagutin ay pinagplanuhan ko nang tahakin sana ang classroom na kanina ko pa dapat pinuntahan.
Hindi ko maiwaksi ang pagkakaiba ng paaralang ito sa mga napasukan ko. Hindi ba dapat ay sinisigurado ng isang paaralan na ang isang estudyante ay karapat-dapat na pumasok sa establisimyentong nito? Ngunit bakit hindi man nila ako tinanong ng makita ang mga papeles na ipinasa ko? O dahil may laro ngayon kaya wala na silang oras pang basahin ang mga iyon? Kahit na ano ang sagot at dahilan ay wala na akong pakialam doon, ang importante ay may paaralan na akong mapapasukan.
Nang maglalakad na sana ay nagulat akong hawakan ng babae ang kaliwa kong kamay na siyang naging dahilan upang mapabaling ang buo kung atensyon sa kanya. Mumurahin ko na sana kaso ay naalala kong kailangan ko na palang ibahin ang ugali ko sapagkat tiyak na wala ng tatanggap na paaralan sa akin.
"Alam mo ba ang larong Volleyball?" saka binitawan ang kamay ko.
Matagal akong napatitig sa kanya. Paano ko malilimutan ang larong yan? Gusto ko sanang sabihing oo pero pinigilan ko.
"Hindi, e."
Sinungaling. Sumbat ko sa sarili. Aalis na sana ako ng lumuhod ito sa harap ko. At maraming nakakita! Walangya. Mapagkakamalan pa akong salbahe nito.
"Anong ginagawa mo? Tumayo ka riyan," mahina ngunit madiin kong sabi habang pinapatayo at nililingon ang mga taong nag-uusap na.
"Maglaro ka kasama namin. Hindi! Kahit na pumasok ka lang sa court." naiiyak nitong pakiusap.
At kung minamalas ka nga naman sa dinami-daming tao ba't ako pa ang niluhuran ng babaeng to?! Sa isip ay gusto ko nang pumadyak at umuwi na lamang pero iwinaksi ko ito.
"Pasensya ka na. Ayoko talaga." tanggi ko pa.
"Hindi ako tatayo dito hangga't hindi sasama sa akin." banta niya pa.
Nakangiti ako sa kanya pero nangingitngit na ang paa kong umalis dito. Kaya ay nang aalis na sana ako ay napatigil ako sa mga bulungang narinig ko.
"Oy! Kilala mo ba yan?" tanong ng isang babae sa lalaking kasama nito.
"Bago yan. Nakita ko sa Guidance kanina eh."
"Ang salbahe naman ni Ate girl. Kabago-bago pala pero ganyan na kung umasta."
"Diba si Marcella yun?"
Ilan lamang iyon sa mga narinig ko. Bubulong na lang naririnig ko pa.
"Kulang ba kayo?" tanong ko.
Nabuhayan naman ang mukha nito. At dali-daling pinunasan ang luhang nahulog kanina sa itim na itim niyang mga mata.
"Hindi." tipid nitong sagot.
Hindi naman pala kulang ba't pa ako ako binibwisit ng babaeng to? Nakakainis. Ngunit naiinis man ay pinanatili ko pa rin ang ngiti sa mga labi.
"Hindi kami kulang, pero ang isang posisyong ayaw gampanan ng lahat ay kailangan gampanan ngayon. Isang laro lang, please."
"At ano namang posisyon ang gusto mong gampanan ko?" kuryuso ko nang tanong. Hindi naman mawawala sa akin iyon. Natural na sa isang tao ang maging kuryuso sa mga bagay.
"Libero." maikli ngunit sinabi niya iyon ng puno ng pag-asang papayag ako.
Libero? Kaya naman pala wala silang mahanap na gaganap sa posisyong iyon. Ayaw talaga ito ng lahat. Nakakatawa lang at sa akin pa talaga iaatas. Wala akong masabi. Nagiging 'A series of unfortunate events' na ang araw ko.
"At ano naman ang mapapala ko kapag sinunod ko ang gusto mo?" tanong ko pa sa kanya.
Come to think of it. Maglalaro pa lang sa isang posisyong hindi ko gusto ay labag na sa prinsipyo ko, ang pagpasok pa kaya sa court?
Ano nga ba ang mapapala ko? Sakit ng ulo? Magsasalita na sana siya nang hilahin ko siya patayo.
"Okay." nasabi ko na lamang. Napangiti naman ito saka inayos ang sarili.
Kahit anong tanggi ko sa aking sarili at kahit ano pang negatibong makukuha ko sa desisyong ito ay hindi ko maipagkakailang gusto ko pa ring maglaro.
Nalimutan ko nang kanina pa pala siya nakaluhod at kanina pa kami pinag-uusapan. Nang makatayo siya ay natigil ang mga iyon. Ang pagkakaroon ng isang kaibigan ay isang magandang oportunidad upang maibaon ko ang ugaling kailangan ko nang ibaon. Hindi lamang iyon, ang pagkakataong makapaglaro ngayon ay isang pagkakataong hindi ko na makukuha pa ulit. Tutal isang game lang naman ito, at hindi na mauulit pa.
At nandito ako ngayon sa loob, kitang-kita ang mga sumusuporta sa Kuponan. They were shouting names and waving posters, cheering for their idols.
Pinipilit ko na lang ngumiti ng makita ang karatulang nasasabing "Go Casay High!". Parang gusto ko nang maglaho. Isang maling desisyon na naman ang nagawa ko.
Sa umpisa ng laro kanina ay wala akong nagawang tama. Hindi pa rin pala nawawala ang pangniginig ng kamay ko. Isa lamang ang dahilang ito upang huminto ako sa paglalaro.
Alam ko ang dapat na gawin ng isang libero, ang paghabol at pagdepensa ng bola ang numero unong dapat na gawin nito. Ngunit hindi ko alam kong paano gagawin iyon, kaya kahit na ang pagrecieve ng bola ay nahihirapan ako. Nakakahiya.
"Javier, serving." Napakalakas na sigaw ng mga tao. Nakakabingi.
Ano kaya ang pakiramdam nang makaserbisyo ulit? Yung marinig man lamang ang mga salitang 'Vergara, now serving.' Kasabay ang mga hiyawan. Napailing at natawa ako sa naisip. Kabago-bago ko pa lamang dito ay kung anu-ano na ang naiisip ko.
Isa kang malaking hunghang Vergara! Hamak na Libero lamang ang iyong trabaho ngayon at ang dapat mong pagtuonan ng pansin ay ang pagdepensa at paghabol kung saan pupunta ang bola at wala nang iba, kaya wag ka nang mangarap na makakapagserbisyo ka pa. Bagama't kahit anong pilit kong irecieve ang bola ng tama ay hindi ko pa rin magawa ng maayos.
Kaya natigil ako sa aking pag-iisip nang gumalaw ang net at tamaan ako ng bola sa mukha. Masakit at mahapdi, hindi lamang iyon kundi pati ilong ko ay dumugo rin. Mabilis ko itong pinunasan at saka tumayo. Pero hindi pa man ako nakakatayo ay isang malutong na sampal na ang sumagupa sa akin. Kasabay din non' ang pagtahimik ng buong Gym. Ang akala ko ay tatahimik na lamang silang lahat ay nagkakamali ako ang kaninang maingay na Gym na puno ng hiyawan ng pagsuporta ay napalitan ng mga masasakit na salita, salitang ayaw na ayaw kong marinig. Langya.
Alam ko namang kasalanan ko dahil hindi ako nakafocus sa laro pero and sakit ng pagtama ng bola sa mukha ko ay nadagdagan pa ng sakit ng sampal ng Kapitana. Nakita kong napangisi si Sanchez nang mabaling ang ulo ko sa kaniya. Na para bang sinasabi ng isip niya na 'buti nalang at wala akong liberong ganyan'. Insulto. Hindi lamang sa akin ngunit sa buong Team namin.
Dahil sa dikit ang laban ay hindi ko na lamang pinansin kung gaano kasakit ang sampal na inabot ko subalit ay tiningnan ko na lamang ang scoreboard ngunit wala akong nakitang pinagbago roon, 23-24 two sets to two. At ako pa talaga ang may kasalan kapag natalo kami dito! AH! Langya! Ayoko na!
"Nandito tayo sa laro Vergara! Umayos ka!" nanggagalaiting sigaw ng aming Kapitana ng hindi man lang ako nakapagsalita pagkatapos ng malutong na sampal na iginawad niya sa akin, saka bumalik ito sa Zone 4 sa pwesto niya kanina, kung paanong nakarating siya sa Zone 1 ay hindi ko alam, dahil sa hindi ako mailabas ng aming Coach sapagkat kailangang kong dumepensa ay pinabayaan na lamang nila ako sa court na hindi ko naman talaga nagagaw ng tama. Wala na kaming reserbang libero ng dahil sa walang gustong kumuha ng posisyong ito ay napipilitan na lamang silang ilagay ako dito.
Sapagkat tila umiba ang ihip ng hangin ng bumalik ang isang staff at may sinabi sa referee na siyang ikinagulat naman nito. Napatingin ako sa pumalo ng bola kanina, kung hindi ako nagkakamali ay si Sanchez iyon, ang kaninang nakangisi niyang mukha ay tila bang napalitan ng pag-aalala. Nangunot ang noo ko ng mapabaling naman ang tingin ko sa announcer.
"Net touch, point to Lady Spiders!" ani nito.
Tila nabunotan ako ng tinik sa dibdib. Panalo kami. Ngiti na lang naisagot ko sa mga taong naghihiyawan ngayon. Ang kaninang sumbat ay napalitan ng saya. Kakaiba talaga ang mga tao napakaiba. Sabay iling ko pa.
"1st District Volleyball Champions! Casay High Lady Spiders!"
Nagpasabog ng confetti, nahulog ang mga balloons at humiyaw ang mga tao. Napangiti man ako kanina ay hindi pa rin ako ganoon kasaya.
We gather at the center of the court, ready to take the trophy where everyone is congratulating everyone. Except me. Yes. No one dared to congratulate me. Kahit na ang katunggali namin, yes they did shook hands with me and all of my team but no one congratulated me. Nasaktan man ay wala naman akong dapat na sisihin. Muntik ko ba namang bigyan ng tyansa ang kabila. Sino ba naman ang magiging masaya doon? Kahit na ako ay galit din sa sarili ko.
Pagkatapos kuhain ang trophy at magpakuha ng litrato ay tinawag kami ng aming Coach. Hudyat upang kami ay gumawa ng isang bilog saka siya pumasok.
"Isang napakalaking karangalan ang ibinigay niyo po sa amin, mahal na Diyos. Salamat sa maayos na laro, salamat! Para sa iyo ang panalo na ito! Amen." aniya.
"Amen." Sagot naming lahat. Saka naman tumalikod upang bigyang salamat ang mga nanood at sumuporta sa larong ito.
Unti-unting naglaho ang mga tao sa Gym, pumasok na rin ang mga maglilinis nito. Ngunit ang mga kasama ko ay nandito pa rin at nag-uusap. Hindi ko alam kung para saan pa ang kanilang pinag-uusapan.
"It was a great game, but was disappointing also." Sabi ng Coach namin habang nakalagay ang mga kamay sa bewang nito.
"It was. Maganda na sana at hindi ka pa madidisappoint kung hindi mo lang inilagay sa line up ang liberong ito. " sabay turo sa akin ng Kapitana.
Napatingin naman lahat ng kasama ko sa gawi ko naa siyang nagpayuko sa akin. Bakit ako mahihiya? Dapat nga ay magpasalamat pa sila sa akin dahil kung hindi ako pumayag ay hindi din sila makakapaglaro. Pero hindi ko nasamabit ang mga salitang iyon.
"It was necessary dahil kung wala siya ay hindi tayo nakapaglaro." Singit naman ng setter naming si Marcella ang babaeng lumuhod sa akin kanina. Hindi naman ako makatingin sa kanya kaya ay nanatili akong nakayuko. Ayaw ko lang talagang makita ang mukha ng Kapitanang si Maxine, nagwawala ang bastos kong ugali, mahirap na at baka mabugahan ko pa.
"So...sinasabi mong may utang na loob pa tayo sa kanya?" hindi makapaniwalang saad ng Kapitana.
Sadyang may mga tao talagang hindi nag-iisip.
"Hindi naman sa ganon Maxine, ang gusto ko lang sanang sabihin ay huwag mo nang uulitin ang ginawa mo kanina." Madiin nitong sagot sa tanong ni Maxine. Hindi ko man nakikita ay alam kong galit na ito, hindi lamang sa ginawa ng aming Kapitanang si Maxine kung di ay dahil na rin sa walang respetong tanong nito sa kanya. Dapat ay ako ang magalit! Ako ang sinampal! Langya naman oh!
"And now you're pointing out na ako pa ang may kasalanan? Kesa sa liberong muntik pang bigyan ng tyansa ang kalaban? You make me laugh, Marcella." Sagot naman ni Maxine saka plastic na tumawa.
Doon na ako napatingin kay Maxine na nakatingin pala sa akin saka ako inirapan. Ang mga kasama ko naman ay hindi naman makapagsalita. Ngunit nang mapatingin ako sa kanila ay umiwas lamang sila ng tingin, napailing na lamang ako. Ito ba ang mga balibolistang nakasama ko kanina? Magaling silang maglaro pero hindi sila ganon ngayon kung umakto sa labas ng court.
"Oo na't muntik na niyang bigyan ng tyansa ang kalaban ngunit kailangan mo ba talagang siyang sampalin upang malaman niya na kasalanan niya ang lahat kapag nangyari yun?" nakakunot-noong tanong ni Marcella.
"And what do you think is the proper way to handle her?" galit nang tanong ni Maxine.
Hindi naman na nakasagot si Marcella ng magsalita ang aming Coach.
"Stop arguing!" lahat kami ay napayuko. "Ikaw naman kasi Maxine bakit mo pa kasi sinampal yang si Vergara? Marcella you shouldn't be the one-" sabay turo pa sa akin.
"Who slapped who?"
Napatigil ang aming Coach ng makita ang Principal ng school saka nanlalambot na ibinaba ang kamay na ginamit sa pagturo sa akin.
"Magandang hapon po, Madame Principal. Hehe. We were just discussing about the unforced errors that my team had committed para hindi na maulit muli." Kinakabahang bati pa nito.
"Magandang hapon din. Diba ay dapat na magpalit na ang mga iyan at pumunta na pagdadausan ng selebrasyon?" istrikto nitong puna.
Hindi siguro nakita ang laro kanina kung kaya naman ay walang alam sa mga nangyayari.
"Oo naman, Madame! Hindi dapat nagugutom ang mga manlalaro natin."
"They shouldn't be. Malapit na ang Grandfinals." Ani ng Principal saka tumingin sa gawi ko na siya namang pagkabog ng dibdib ko.
"Narinig kong hindi daw naging maganda ang laro mo?" tanong pa nito nang nakatingin pa rin sa gawi ko. Ang galing, ang paglalaro ko pa talaga ang alam niya, eh, ang ginawa ng Kapitanang yan? Alam niya ba? Napaturo nalang ako sa sarili ko na siyang namang pagtaas ng kilay nito.
"Pasensya na po. Ito po kasi ang una kong laro." Nakayuko ko pang paumanhin.
"You should be saying sorry to your team mates." Saka umalis na siya namang sinunod ng Coach namin.
"See?" ani Maxine.
Isa-isang nagsipag-alisan naman ang kasama ko papunta sa mga kaniya-kaniya nilang locker rooms, habang ako naman ay nanatiling nakatayo. Wala naman akong locker dahil kanina lang naman akong sinabihan na sumali sa team na ito. Sa mga nakaraang laro nila ay pinagbigyan sila kahit na wala silang libero ngunit ngayong Championship ay hindi na sila pinagbigyan pa ng Management.
"Hindi ka pa ba magshoshower?" napatigil ako sa pag-iisip ng magsalita si Marcella sa gilid ko.
Hindi pa pala siya naka-alis. Nang tingnan ko siya ay nakangiti niya rin akong tiningnan. Mataas ito ngunit mas mataas si Maxine pero hindi naman mapapantayan ni Maxine ang talinong sa paglalaro ni Marcella. Pareho silang maganda at makinis din ang balat, pero masasabi kong mabit itong si Marcella.
"Wala pa kasi akong locker kaya hindi ko alam kung saan ako magbibihis." Nahihiya kong lintaya.
"Halika at sumama ka sa akin." Utos pa nito na siya namang sinunod ko.
Nang makarating sa locker rooms ay nagbibihis na ang lahat habang kaming dalawa naman ay isa-isa nilang tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Now you see right here, magpapahintay na naman ang mabait nating si Marcella." Sabay irap pang saad ni Maxine.
"Tama na yan, Maxine." Pigil naman ng isa naming kasama sa loob tapos na itong magbihis kaya naman ay nakaupo itong nakatingin sa amin. Preskong-presko ang kanyang datingan kaya'y hindi maipagkakailang dapat respetuhin. Pansin kong hindi siya kumportable sa kanyang kaliwang kamay.
"Why would I? Saka kita mo naman diba? She is acting like siya yung dapat na sundin ng lahat while ako dapat, ako ang Kapitana ng Team na ito." Naiirita niya pang pahayag. Mabilis niya ring itinali ang hanggang bewang niyang buhok saka tumingin naman sa akin.
"Dagdagan mo pa ng babaeng yan, kung meron sana tayong magaling na libero ay wala tayong problema ngayon." Irap niya pa. Hindi ba sumasakit ang kanyang mga mata? Kanina pa siya irap ng irap.
"How can you be this annoying Maxine?" nagtitimpi na tugon ni Marcella.
"What? Me? Annoying? That's not even in my vocabulary."
Ayoko nang makinig kaya kinalabit ko na lamang si Marcella.
"Nasaan ang shower dito?" mahina kong tanong nag-iingat upang hindi na mapansin ni Maxine. Ang akalang sasagot sa tanong ko ay hindi man lang natinag sa titigan nila ni Maxine. Kaya nagulat ako ng ang babaeng nakaupo ang sumagot.
"Samahan mo ang rookie sa shower Maxine." Buo at hindi nanghihingi ng sagot niyang utos kay Maxine.
"Pero bakit-" hindi na siya pinatapos ng hikayatin nito ang lahat na lumabas.
Umigting ang kanyang panga saka ibinaling ang atensyon sa akin. Hindi man lang ako kinabahan.
Kapitana ba talaga ito? Wala sa kanyang aura ang titulong kanyang dinadala, nakakahiya at nakakawalang gana. Bastos man sa tingin ng iba ay hindi bagay sa kanya ang tawagin sa posisyong hindi niya alam ang ibig sabihin.
"Tell me, Vergara. Is this really your first time playing this sport?" seryoso at kuryoso nitong tanong nang hindi inaalis ang paningin sa akin.
"Sa tingin mo? Sasali ba ako sa kuponang ito kung hindi ko pa nararanasang maglaro ng isport na to?" pabalang kong sagot. Nabigla siya. Wala namang tao sa paligid kaya hindi na ako nagdalawang-isip at kanina pa ako nagtitimpi sa ugali niya. Wala namang tao kaya hinayaan ko na ang emosyong kanina ko pa itinatago sa lahat.
"Wala kang respeto!" sigaw nito sa akin at mukhang susugurin pa yata ako.
"Hindi ka kagalang-galang kaya anong karapatan mong magdemand ng respetong gusto mo? Oo nga at Kapitana ka. Hindi naman siguro nakalagay sa posisyon mo na kahit na sa labas ng laro ay kailangan kang respetuhin." Natigilan at nagtataka niya akong tiningnan habang naghahanap ng salitang gusto niyang bitawan.
"Nasaan ang shower dito?" mahinahon ngunit nagtitimpi ko nang tanong.
Hindi niya ako sinagot ngunit itinuro na lamang ng kanyang kaliwang kamay ang daan sa shower room. Iniwan ko siyang nakatulala at prinoproseso ang mga salitang binitawan ko.
Kanina ay mahaba ang pasensya ko dahil gusto ko nang magbago, marami na akong paaralang pinasukan at lahat ng iyon ay expelled ang hinatol sa akin, hindi ko matukoy ang naging kasalanan ko, dahil ba sa pagpupuna ko sa mga maling ginagawa ng mga guro doon? O sa walang respeto kong pakikipag-usap sa kanila? O baka ang dalawang iyon ang dahilan? Napailing nalang ako at sinimulang maghubad at damhin ang mainit na tubig na nagmumula sa shower. Maingat kong hinilot ang kanang kamay, napaigtad ako nang maramdaman ang hapdi at kirot nito.
Naalala ko pa kaninang ang pagluhod ni Marcella dahil sa dahilang ididisqualified raw sila ng management kapag ako ay tumanggi. Hindi kapani-paniwalang naka-abot sila ng Championship ng walang libero at ang posisyong hindi pa ako hasa. Paano sila nakaligtas sa paglalaro ng wala man lang libero? Hindi ko rin makita ang dahilan kung bakit ako sumali. Dahil ba sa awa? O dahil sa kagustuhan kong maglaro uli? Ha! Napailing ako. Nasagot ko na pala kanina ang tanong yan.
Mahigit limang taon na rin ang lumipas nang ako ay huminto sa paglalaro at sa limang taon ding yun' ay ang simula ng pagpapalipat-lipat ko ng paaralan. Naging mahigpit ang aking Ina at ang naging dahilan din ng pagkawala ng pasensya ng aking Ama, dagdagan pa ng pag-alis ng kapatid ko papuntang Amerika kaya ngayon ay nasa akin ang lahat ng atensyon ng lahat sa bahay.
Nang matapos ay agad din akong nagbihis at nagligpit, at nang lumabas ay iwinaksi ko ang ugaling ipinakita ko kay Maxine kanina, ayoko nang maghanap ng paaralang papasukan at wala na din namang tatanggap sa akin dahil sa marumi kong record.
Narinig kong pinag-uusapan nila ako kaya nagtago ako sa likod ng pinto.
"She's rude and I don't like her attitude!" naiinis na sigaw ni Maxine kaya naman ay napangisi ako.
Wala naman sigurong maniniwala sa kanya.
"Paanong she's rude eh, halos umiyak na yon' kanina?" nagtataka pang tanong ng isa.
"At Kapitana, hindi nga marunong sigurong magvolleyball yun." Sabat rin ng isa.
Ganon pala ang naging akto ko kanina?
"Nakakahiya kayong lahat, hindi niyo man lang naisip na dalhin iyon sa infirmary." Boses ng nakaupo kanina.
"Sana ikaw nalang nagdala." Narinig ko pang hinapok ito.
"Abnoy ka ba? Kita mo namang injured si Mendoza." Mendoza pala ang apelido ng babaeng nakaupo kanina, kaya naman pala may cast ito sa kaliwang kamay.
Dahil sa pagkainip ay mahina akong lumabas saka nagbow ng napakaliit ngunit makikita nag pagrespeto sa kanilang lahat kaya naman ay napako ang tingin nilang lahat sa akin.
"Yan ba ang sinasabi mong rude?"nakangiting tanong ni Marcella saka lumabas, na siya namang sinunod ng lahat.
Kaya naman ng lumabas ang lahat ay nanatili pa ring nakatayo si Maxine, naglakad ako papunta sa kanyang unahan at siya ay tiningnan saka nagkibit-balikat.
"Saan ang pinagmamalaki mong pagiging Kapitana? Puro ka salita." At iniwan ko siya ng may ngiti sa labi. Ngunit pinutol ko rin ng makitang naghihintay sa labas ang mga kasama.
Sinong mag-aakalang ang posisyong hindi ko man lang naisip na gampanan ang siyang magbabalik sa akin sa larong matagal ko nang gustong kalimutan?
_________
Ponggay Gaston as Zandria Roxe Vergara
Klara Peric as Marcella Marie Tomasa
Sabina Altynbekova as Maxine Jane Spencer
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top