CHAPTER TWELVE

Pakiramdam ko tumigil ang mundo nang kung ilang minuto. Pati si beybi ay nakisama. Hindi na ito ngumangawa gano'ng tumutulo pa rin ang kanyang luha. Nakanganga lang siya habang nakatingin sa bisita namin. Nang mahimasmasan ay napatingin siya sa akin, ngumiwi nang bahagya at saka siniksik ang mukha sa leeg ko. Ang higpit ng yakap niya sa aking leeg na tila bagang doon nakasalalay ang buhay niya. Paglingon ko kay Nathan, wala na ang pagkagulat niya. Nahalinhinan na ito ng pag-aalala.

"Did you get---m-married?" tanong niya bigla sa mahinang tinig.

Napalunok ako. Gusto kong isipin na iyon nga ang pinag-aalala niya---na natatakot siyang pagmamay-ari na ako ng iba. Ibig sabihin kasi no'n ay maaaring may pagtingin din siya sa akin. Kaso nga lang, the last time I thought he also felt the same way, he treated me coldly. Ayaw ko nang maulit uli iyon dahil ang hirap umasa sa muntik-muntikanan nang mangyari na hindi naman natutuloy.

Bago ako makasagot kay Nathan, may narinig akong boses sa ibaba. "Aalia! Yohoo! 'Asan ka na?" Mayamaya pa, I saw a sickly brown hair peeped through a small opening of the doorway. Pumasok nang tuluy-tuloy si Mon. Gulat na gulat ito nang makita si Nathan. Nang makabawi ay parang gusto pang magtititili, pero pinandilatan ko agad. Sinenyasan ko siyang huwag mag-eskandalo dahil kakalbuhin ko siya pag nagkataon.

"Hi," bati ni Nathan kay Mon at inunat pa ang kamay para makikumusta.

"Kumusta, pare?" pormal na sagot ni Mon at nakipagkamay din ito kay Nathan. Pinakilala ko na silang dalawa.

"I was Aalia's ---f-friend in London. I just came to visit," parang paliwanag pa ni Nathan. Tumingin sa akin si Mon na tila nagtatanong. Tumango ako. Napasulyap sa akin si Nathan. Sinamantala naman iyon ni Mon at pumikit pa ang loka na tila kinikilig, pero nang biglang dumako sa kanya ang mga mata ni Nathan bigla namang pumormal. Lumapit siya sa akin at umakbay.

"Hindi pa ba kayo bihis ni beybi? Nasa clinic na raw si doktora. Hininhintay kayo."

Magpapabakuna sana kasi kami ng bata. Kung hindi dumating si Nathan ay kanina pa kami nakabihis at nakaalis.

"I guess I have to go," tila napipilitang paalam ni Nathan. He seemed sad. Malungkot nga ba talaga? Baka imagination ko na naman iyon dahil iyon ang gusto kong maramdaman niya.

Hindi na hinintay ni Nathan ang sagot ko, dali-dali na siyang bumaba ng hagdan. Parang piniga ang puso ko nang makita ko mula sa bintana sa kuwarto ang kanyang pag-alis. Pinagsisihan ko na hindi ko naipaliwanag sa kanya ang lahat.

Nang tuluyan nang makaalis ang sinakyan niyang taksi, umakyat si Manang sa kuwarto.

"O, ba't parang ang init ng ulo ng bisita mo, Aalia?"

"Iyon ba ang tatay ni beybi?" excited na tanong ni Mon. Imbes na sagutin ko siya, umupo ako sa papag at bumuntong-hininga. Tumili naman ang bakla. Nagulat si beybi at umiyak na naman ito. Pinaghahampas na ngayon ni Manang si Mon. Kung bakit daw kasi umeksena pa siya kanina.

"I have no idea, Manang! Tsaka kasalanan din ito ni Aalia, e. Siya ang may gusto na magkunwari kaming mag-asawa."

Itinirik ni Manang ang mga mata bago pinagkukurot sa tagiliran si Mon. Tumalikod ako sa kanila at pinaghele si beybi dahil nag-alburuto na naman.

**********

"What do you mean you're coming home on Saturday?" naguguluhang tanong ni Jin nang tumawag ito sa akin para alamin kung tama nga ang naibigay na address ng relative nila Mom sa Cebu na siyang tumulong sa akin para ma-track ko si Aalia.

"Yeah, that's right. I realized I was a fool to think I can just pop into her life again and pick up where we left off."

"Is she---married now?" nag-aalalang tanong ni Jin.

"Yes. They already have a child together."

"Oh!" Hindi na nakapagsalita si Jin.

"Okay, I have to go."

"Mottainai ne. (Sayang.) Elise and I were planning to join you in Cebu in a few days. It's high time I get to meet your Filipino family. Too bad, you'll be in London already by that time. Can't you at least extend your stay there for us?"

"No. I don't have any business here, anymore."

Pagkasabi ko no'n, madalian akong nagpaalam at binaba na ang telepono. Mabibigat ang paang lumabas ako ng kuwarto ng bahay kung saan ako pansamantalang nakikituloy at nagsabi sa kamag-anak ni Mom na aalis muna ako saglit. Ilang araw na lang ang pananatili ko sa Pilipinas at babalik na uli ako sa buhay ko sa London kaya naisipan kong siliping muli si Aalia kahit for the last time na lang. Wala na akong pakialam na mayroon na siyang sariling buhay. I just want to get a a glimpse of her before I finally give up.

Nilingon ako ng taxi driver at tinanong ulit kung sigurado raw ba akong hanggang doon na lang kami? Maaari raw niyang ipasok pa sa loob ng eskinita ng lugar nila Aalia ang taxi niya total naman daw mukhang wala masyadong tricycle na nadaan.

"No, thanks."

Nangunot ang noo ng driver pero hindi na ito umimik pa. Nakisilip na lang siya sa direksiyon ng tinitingnan ko. Mayamaya pa, lumabas mula sa isa sa mga bahay doon sina Aalia at ang beybi. Napakagat-labi ako nang makita ko siya. How I wanted to just get off the taxi and give her a tight hug. But then, her husband suddenly appeared. May tinutulak-tulak itong baby cart. A few minutes later, he suddenly shrieked because a big-belly, topless guy suddenly pinched his side.

"Pesteng yawaa, Kardo!"

The guy merely laughed at him while he kicked him. Nangunot bigla ang noo ko. Napatingin ako sa driver na ngayo'y ngumingiti-ngiti habang pinagmamasdan ang asawa ni Aalia na pinaghahampas ang lalaking may malaking tiyan. And Aalia didn't seem to mind. She laughed with the big belly guy. Then, it dawned on me. Bago pa ako mawalan ng lakas ng loob, I opened the taxi door and calmly strolled towards them.

**********

Napalis bigla ang tawa sa aking mga labi. Biglang binayo pa ng kaba ang dibdib ko nang makita si Nathan na kaswal lang na lumalapit sa aming mag-ina. Hindi ko masyadong aninag ang ekspresyon sa kanyang mukha dahil may takip na itim na sunglasses ang kanyang mga mata. Bigla akong nag-panic kaya napahawak ako sa baywang ng haliparot na si Mona na ngayo'y bahagyang nawalan ng kulay. Tumikhim-tikhim ito para palakihin ang boses. Binati niya agad si Nathan sa tonong brusko. Nathan gave him a smile. Tumiklop ng bahagya ang mga tuhod ng bakla pero inapakan ko ang paa. Imbes na pumormal ang loka-loka napagibik ito in a high-pitch tone na naman. Galit ko siyang sinulyapan.

"I saw you guys from a distance," sabi ni Nathan. Nakangiti pa rin siya kay Mon. "It's all right."

"Ito kasing si Aalia, e. Ang arte!" sagot naman ni Mon, this time sa tunay niyang boses-bading. "Diyan na nga kayo! Oy, mag-usap kayong mabuti, ha?" At kumendeng-kendeng na tumalikod na nga ang bruha. Iniwan nito ang baby cart. I grabbed the cart and I walked towards the nearest waiting shed. Sinundan kami ni Nathan. Hinipo niya ang likuran ni beybi. Nilingon naman siya ng anak ko habang nakayakap ito sa balikat ko.

"Why didn't I recognize him right away?" sabi pa ni Nathan habang tinitingnan nang maigi ang bata. Tila sa sarili lang nakikipag-usap. Binayo ng kaba ang puso ko. Excited akong hindi maintindihan. Pero nandoon din ang inis sa kanya dahil sa ginawa niyang cold treatment sa akin nang nasa bansa nila ako. Hindi pa ako naka-move on do'n.

"He's mine, right?" pabulong niyang tanong.

Hindi ako sumagot. Sa loob-loob ko, dapat sana nahulaan niya nang una niyang bisita sa amin noong nakaraang araw. Halata namang tisoy ang bata. Totoong maputi rin si Mon pero iba ang kaputian ng bata at ang pilantik ng kanyang big, brown eyes.

Tinangka ni Nathan na kunin sa akin si beybi. He extended both hands towards my little one. Saglit na tumitig sa kanya ang bata at bigla itong umunat ng dalawang kamay para magpakarga kay Nathan. Nagulat ako sa reaksiyon ni beybi. Pinigilan ko pa sana. Kaso ngumiwi siya at nagpalahaw. Napilitan akong ipahawak siya kay Nathan.

"Aalia! Iyan ba ang tatay ni beybi? Ang guwapo, a! Kaya pala tisoy na tisoy ang anak mo!"

Kumaway pa sa amin si Aling Cora habang akay-akay ang maliit na apong babae papunta sa school na malapit sa lugar namin. Nang mapatingin sa kanila si Nathan, bigla itong humagikhik na parang tinedyer na kinilig sabay sabi ng, "Hi, Joe!"

"Hi," ganting bati ni Nathan pero halatang nagulat sa tinawag sa kanya ni Aling Cora. Ang pagkagulat niya ay nadagdagan nang may dumaang isang grupo ng mga batang lalaki na nagkakaedad sampung taong gulang at nagsisigaw sila kay Nathan ng, "Hey, Joe! How are you, Joe? Is it hot in the Filipens?" Nagtawanan pa ang mga bata.

"Why are they calling me, Joe?"

"They thought you were American because of your blond hair."

Nang may magsilapitan nang mga usyuserang mga kapitbahay nila Manang para makiusyuso kay Nathan at kay beybi, niyaya ko na lang siyang bumalik muna kami sa bahay. Napaawang ang mga labi ni Manang nang makita kami. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Nathan.

"Manuel, halika muna sa kusina at tulungan mo akong magluto," sabi nito sa anak. Umangil pa sana ang binatilyo dahil naglalaro ito ng video game sa sala pero nang makita niya kaming tatlo, kaagad din itong tumalima sa ina.

"Your manang—she's very kind. Is she a relative of yours?"

Umiling ako. Pinaliwanag ko sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Manang. Napaisip siya at nangunot ang kanyang noo.

"So your parents don't know you're back in the Philippines?"

Umiling na naman ako.

"I'm still not ready to face them. I have a lot of explaining to do and I don't think I am up for it. They will surely be devastated."

"Aren't they wondering now what happened to your engagement? If it was real, they would have been invited to a wedding by now."

"I told my sister Tom and I are still sorting things out."

"And she believed you?"

"I d-don't know. But she did not bother me about the wedding anymore. So I think she does."

Nang kapwa na kami nakaupo sa upuang kahoy sa sala, pinatayo ni Nathan sa kandungan niya si beybi habang kinakausap ito in baby language. They looked so cute. I have to admit, nag-umapaw ang puso ko sa pride lalo na nang nagtitili sa tuwa ang bata habang titig na titig kay Nathan. Tinanggal na kasi nito ang sunglasses niya. Siguro nagtataka si beybi kung bakit naiiba ang hitsura nito sa mga taong laging nakakasalamuha sa bahay.

"If I didn't come back today, will you ever tell me we have a child together?"

Sumulyap siya sa akin. Hindi ko nakayanang makipagtitigan sa mga asul niyang mga mata. Napayuko ako.

"He's mine, right?"

Kailangan pa bang itanong iyan?

Napahinga ako nang malalim at tumango na parang napipilitan lang. Tumawa siya at pinupog ng halik ang bata. Gano'n din ang ginawa ng beybi namin sa kanya. Pagbaling niya sa akin, bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi. Nagulat ako. Ang pagkagulat ko'y nadagdagan nang dumampi ang labi niya sa mga labi ko. Gaya ng mga nauna niyang halik, nakadulot iyon ng kakaibang init sa tigang kong katawan. Awtomatikong napapikit ako.

"Thank you so much," anas niya sa akin.

Dinilat ko ang mga mata. Nakapikit pa rin siya habang nakayakap ang isang kamay sa akin at ang isa nama'y sa bata. The baby looked at us curiously.

**********

She looked startled and then, she gave me a pained look. May masama ba sa sinabi ko? I just said thank you. Tinulak niya ako nang bahagya at kinuha sa akin ang bata.

"Kung pumunta ka rito sa pag-aakalang makukuha mo ang anak ko, hindi iyan mangyayari."

"Who said I'm going to take him away from you?"

She looked at me like she didn't believe me. Tinaas ko ang kanang kamay na animo nanunumpa. Ngumiti pa ako.

"I just came to check on you. I never thought---we have a child together. And even if I did, I don't think I'll have the heart to take him away from you."

Tumangu-tango siya. Mukha na naman siyang nasaktan. May masama na naman ba sa sinasbi ko? I thought I said the right words.

"But of course, now that I know he exists, I want to be a part of his life, too."

Nangunot uli ang noo niya. Hindi siya agad nakasagot. Makaraan ang ilang sandali, medyo napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Napa-'huh' ako in a loud voice.

"I didn't say anything about m-marriage," sabi ko in an awkward voice.

Bahagyang namula ang kanyang mukha. Kumalat ang pamumula hanggang sa kanyang leeg.

"Oh, good! For a while, I was scared you will force me to marry you so you can be a part of the baby's life," sabi niya.

Tumangu-tango ako. Bago ako nakasagot, nagkaroon ng komosyon sa labas ng bahay. Biglang lumabas si Manang at pinagsino ang bigla na lang dumating. Nang tuluyang makapasok ang mga bagong bisita, biglang napatayo si Aalia. Tinakasan siya ng kulay. Inagaw ko agad ang bata sa kanyang mga kamay bago pa niya mailaglag ito.

"Tama nga ang sabi-sabi ng mga tao! Nandito ka lang pala sa Cebu all this time!" Umiiyak ang matandang babae. Nakita kong napatiim-bagang ang kasama nitong lalaki. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Aalia at tila umurong ang kanilang mga luha.

"This is not Tom!" halos ay sabay nilang sabi sabay turo sa akin.

"Hello there. I'm Nathan Thorpe," pakilala ko at inunat ko pa ang kamay sa harap ng matandang lalaki para makipagkamay. Parang wala sa sariling tinanggap nito ang kamay ko. Napatingin uli ito kay Aalia.

"Sino ang lalaking ito? At sino ang batang iyan?" Dumadagundong ang boses nito.

"Ser---huwag na po kayong magalit sa dalawang bata. Mukha naman pong mabait itong bagong nobyo ni Aalia. Tsaka po magpapakasal naman daw po yata sila."

Kapwa kami napatingin kay Manang. Sinaway pa sana ito ni Aali, pero dere-deretso ito sa pagsasalita.

"Kung gano'n, kailangan silang makasal sa lalong madaling panahon!" sigaw uli ng matandang lalaki at binigyan ako nang matalim na titig.

"Papa!" halos pagpoprotesta ni Aalia.

No'n ko lang napagtanto kung sino ang mga bagong dating. I should feel threatened. Pero nangibabaw ang kagalakan kong makilala ang kanyang mga magulang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top