CHAPTER THIRTEEN

A/N: This part is dedicated to MELJOY ABRESINOS. Ikaw ang nagwagi sa pagbibigay ng pangalan ng baby nila Aalia at Nathan.  Hehehe.

**********

Gusto kong himatayin. I've imagined Papa's reactions upon knowing the truth for several months now, but I haven't ever thought that it would be this way. Pakiramdam ko tumalon ang puso ko't na-stuck sa aking lalamunan. Halos hindi ako makahinga. Samu't saring emosyon ang naramdaman ko nang mga oras na iyon. Takot. Kaba. Pagkapahiya. My mom and my little sister were both looking at me like I betrayed them big time. Si Papa naman parang bulkang sumasabog. I gave Manang an accusing look. Sumenyas siya sa akin na wala siyang alam sa pangyayari. Naguluhan ako. Kung hindi ang dati kong yaya ang nagsumbong sa akin kina Papa't Mama, sino?

Napasulyap ako kay Nathan. Sa kabila ng matatalim na tingin ni Papa na pinukol sa kanya'y tila hindi man lamang siya natinag. Nakipagkamay pa sana siya sa ama ko kaso tiningnan lang ito ni Papa nang may pagkamuhi.

"Sino ang lalaking ito?"

Napasulyap ako kay Nathan bago napatingin uli sa ama ko. Hindi ko alam kung paano ko siya ipakilala sa kanila. Nasabi na ni Manang na siya ang bago kong nobyo, pero mukhang hindi naniniwala nang buo ang pamilya ko. Both my mom and sister were looking at him, sizing him up. Nakita ko pang nangunot ang noo ng kapatid ko. Siguro naisip niyang napaka-guwapo naman ng lalaking ito para maging nobyo ko.

"Nagpunta ka nga ba talaga sa UK o nandito ka lang sa Cebu all this time?" Si Papa ulit. Medyo kumalma na ang boses niya pero naroon pa rin ang panggigigil. Bago pa ako makasagot, humirit pa siya ng isa pang tanong. "Tao nga ba talaga ang Tom na iyon o sadyang kathang-isip lamang?" Mahina na ang tinig niya. I felt his pain. Parang takot din siyang kompirmahin ko ang pagdududa niya sa pagkatao ni Tom. Bago kasi ako magtungo ng UK ay may ganoon na silang pagdududa ni Mama sa akin. Marami na raw kasing napabalitang naloko ng mga Nigerian scammers online kung kaya ayaw daw sana nila akong umalis ng Pilipinas para lang doon.

"Tom does exist." Si Nathan na ang sumagot for me. Nabaling sa kanya ang atensyon ng pamilya ko. Pinaningkitan siya ni Papa. He didn't cower. "He was a friend of mine."

"Your friend?! Aba'y gago rin pala ito kung ganoon! Birds of the same feather!" Lalapitan na sana ni Papa si Nathan para suntukin. Inawat lang ni Mama.

"I said 'was'," pagkaklaro ni Nathan.

"Gano'n na rin iyon! At kanina pa ako nagtatanong! Sino ang batang iyan?!"

"Estong, ang puso mo," paalala ni Mama. "Baka mapa'no ka na."

Galit na nagkamot ng ulo niya si Papa. Naglakad-lakad ito sa sala at parang gustong manuntok.. Nang mapahilot-hilot siya sa dibdib niya, nabahala na kaming tatlo nila Mama. Lalapit sana ako para hagurin ang likuran niya, pero inangilan niya ako.

"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko! Sino ang batang iyan?"

Ngumiwi si Neil nang dinuru-duro ng lolo niya. Ang ngiwi ay naging mahinang iyak na may kasamang butil-butil na luha. Sinayaw-sayaw siya ni Nathan at hinagkan sa pisngi. Nagkagulo na kami't lahat, cool pa rin ang damuho. Naniniwala na akong malamig pa sa yelo ang mga Briton. Hindi marunong magpakita ng emosyon.

Bago pa ulitin ni Papa ang tanong, sinagot na siya ni Nathan.

"This is our child. Aalia's and mine."

Nalilitong napatingin sa akin si Papa. Marahan akong tumangu-tango.

"M-meet your apo, Papa. This is Neil Ethan," sagot ko sa mahinang tinig. I was expecting him to come and acknowledge my baby, but his gaze remained on Nathan's face.

"Kung gano'n nagsasabi nang totoo si Manang? Ito nga ang bago mong nobyo?"

"H-hindi ko po siya n-nobyo, P-pa," sagot ko uli sa mahinang tinig. Akala ko hindi niya ako narinig. Ang talas pa rin pala ng pandinig niya dahil bigla na namang dumagundong ang kanyang boses.

"Anong hindi mo nobyo? Paano ka nagkaanak sa lalaking ito kung hindi mo pala siya nobyo?!"

Napanganga sa akin sina Mama, Ellen, at Manang. Pati sila'y nagulumihanan din.

"Gaya ng sinabi ko kanina---ke nobyo mo ito o hindi---kailangan n'yo pa ring magpakasal sa lalong madaling panahon!"

**********

Mom was shocked when I told her I couldn't go home as planned because something came up. I was getting married. Paano raw nangyari iyon kung wala naman akong nobya? Nagduda kaagad si Mom na baka napikot ako ng isang Cebuana. Nagsabi siyang tawagan ko raw si Lolo Mando sa Iloilo para tulungan niya ako. Lolo Mando is grandma's second husband at abogado siya kaya alam daw niya kung paano lusutan ang kinasasangkutan kong problema.

"Relax, Mom. I'll be all right."

"Is this a joke, Nathan Marquez Thorpe?" Boses na ni Dad ang nasa kabilang linya. The fact that he was using my full name says he was dead serious. And worried.

"I'm not joking, Dad. I'll explain later. I have to go."

Hindi ko pa naibaba ang telepono, umiyak na si Neil. Nang silipin ko sa kuwarto niya, nag-iisa lang siya. Saan na naman kaya nagpunta ang mommy nito?

Habang pinaghele ko ang bata, bumukas ang pintuan ng banyo. Niluwa nito si Aalia wearing just a pink bathrobe. Nagulat siya nang makita ako roon. Kahit kasi kasal na kami sa huwes ay ayaw niyang mag-share kami ng kuwarto. She sleeps in the baby's room at ako nama'y nasa kabilang silid na adjacent ng kuwarto ng bata.

"I heard the baby crying so I came here," sagot ko. I glanced at her again. She avoided my gaze. When Neil continued on wailing, she took him from me. Nasagi ko nang kaunti ang umbok ng kanyang kanang dibdib. Automatically, sparks flew in the air. Nakita kong bahagyang namula ang kanyang leeg at gumapang ito sa kanyang pisngi. I smiled secretly. Ibig sabihin kasi'y naramdaman din niya ang naramdaman ko.

"He's hungry. I'm feeding him," sabi niya habang naghahanap ng mauupuan. Hindi ako tuminag sa kinatatayuan ko. So what if she wanted to feed the baby?

Naupo siya sa malaking couch na tinutulugan din niya sa gabi. Tiningala niya ako at pinangunutan ng noo.

"Go ahead. Feed him."

"With you around?" Tila naiinis niyang tanong.

Hindi ko napigilan ang mapangiti.

"What's the problem? You have fed me that several times in the past. What's new?"

Pinamulahan siya ng pisngi. Galit niya akong tinitigan.

"Ang bastos mo! Lumayas ka nga rito! Bwisit ka!"

Lalong nagpalahaw ng iyak si Neil. I left the room laughing.

**********

Pagbaba namin ng bahay, si Lola Lydia na lang ang nasa kumedor. Umalis na raw sina Lolo at Nathan para asikasuhin ang papeles ng mga properties ng mom ni Nathan sa Cebu.

"How was your first night here, hija? I hope you were comfortable."

Kimi akong ngumiti.

"I'm fine. Salamat po at pinatira n'yo kami rito."

"Ano ka ba? You are family now. Alam mo bang halos ay anak na ang turing ko sa mom-in-law mo? Lexy as we fondly call her grew up with us. Namatay kasi agad ang mama no'n when she was young. She died giving birth to her baby brother."

Na-shocked ako. Ni hindi iyon naikuwento ni Nathan sa akin.

"I hope you and Nathan will have more kids to come. Ang ganda pala ng combination n'yo. Akin na nga ang batang iyan. He reminded me so much of his grandpa. Ganitong-ganito ang naalala kong mukha ni Brian noon, e. Ang guwapo! Ang ganda pa ng mata." At pinupog niya ng halik ang bata.

The moment she mentioned Nathan's Dad, nakaramdam ako ng kaba. Ang sabi sa akin ni Nathan ay darating ng Cebu ang mga magulang niya to see us. Diyos ko, paano ko kaya sila pakikiharapan? Wala pa man, nahihiya na ako sa mom niya. Ang bait-bait kasi no'n sa akin tapos heto't parang pinikot ko ang anak niya.

Binigay lang sa akin ni Tita Lydia ang bata nang mag-ring ang phone sa sala. Mayamaya pa, bumalik ito ng kumedor dala-dala ang portable receiver at sinabi sa aking gusto raw akong makausap ng pamangkin niyang si Alex. Halos nabilaukan ako ng sinangag.

**********

Tulog na ang mag-ina ko nang dumating ako ng bahay. Sinilip ko muna sa crib niya si Neil at hinagkan ito sa pisngi bago maingat na lumapit sa himbing na himbing na si Aalia. Napangiti ako sa posisyon niya sa couch. Her arms were outstretched and her legs were sprawled in all directions. Nang gumalaw siya nang kaunti, lalong nalaglag ang kumot niya. Nakita ko tuloy na naka-pink cotton shorts lang siya with a matching pink shirt. Nang mapansin kong wala siyang suot na bra, napalunok ako. Biglang nag-init ang katawan ko. Tatalikod na sana ako para iwas-tukso nang mapabalikwas siya para tumalikod sa direksiyon ko. Bumaba nang kaunti ang shorts niya showing her panties' black garter. Sunud-sunod na akong napalunok at biglang umigkas ang alaga ko. Bago ko pa mamalayan, nakalapit na ako sa kanya. I rested my palm on her butt and kissed her neck. Gumalaw uli siya para humarap sa akin.

"Hey," bati ko.

She moaned. She opened her eyes a little and scratched her neck. Hinagkan ko uli siya ro'n. She purred. Parang binukas pa lalo ang mga kamay as if to welcome me. Hindi na ako nakapagpigil. Siniil ko na siya ng halik sa labi at pinagapang ang mga kamay sa maseselang bahagi ng katawan niya. When I found her soft petals, I caressed it like a bee. No'n lang siya tila nagising. Tinulak niya ako.

"This is me, Nathan," bulong ko sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" angil niya sa mahinang tinig.

"I need you."

Kinubabawan ko na siya this time. Sa una lang siya pumalag. Nang halikan ko ulit, she squirmed beneath me. Nang damhin ko na ang sugpungan ng mga hita, she moaned like a kitten in heat. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Tinanggal ko na ang t-shirt at naghubad na rin ng pantalon. In one swift motion ay nahubaran ko rin siya. I spread her legs and played with her folds before I put my sword inside her.

"The baby," protesta niya.

"We'll be quiet. Don't worry." At kasabay no'n ay binaon ko na lahat-lahat ng alaga ko sa kanyang pagkababae. Napaungol siya. Maagap ko siyang siniil ng halik sa labi para mapagtakpan ang ungol niya. Nang tinaas niya ang dalawang hita para ikabit ang mga iyon sa baywang ko, ako naman ang impit na napaungol. Tinakpan niya ng kamay ang bunganga ko. I nibbled on her palm. We were soaking in sweat when we were done making love. Ang bilis lang natapos. Walang gaanong foreplay. Pero pakiramdam ko iyon na ang pinakamasarap na intimate moments namin. Nakakadeliryo.

I kissed her forehead and grabbed my clothes after.

"Thanks. See you in the morning."

**********

Hindi ako nakagalaw. Ano iyon? Sa galit ko, dinampot ko ang isang unan sa paanan ng couch at binato sana sa kanya, pero naisara na niya ang pintuan na siyang naghihiwalay sa tinutulugan niyang kuwarto. I was fuming mad.

Thank? See you in the morning? Ano ako? Parausan?

Baliw ka kasi. Hindi pa nga kayo nakakapag-usap nang matino kung ano ang estado n'yong dalawa, tumihaya ka na naman sa kanya. Oo't kasal na kayo, pero hindi ba't nagkasundo kayong sa papel lang iyon?

Hindi na ako nakatulog. Kaya kada galaw ng crib ni Neil ay kaagad akong sumisilip doon. Ang ending, ang laki ng eyebags ko kinabukasan. Ang masaklap pa, iyon pala ang araw ng dating ng mga magulang niya at nadatnan ko sila sa sala pagbaba ko.

"Oh, hija! It's nice to meet you again!" mainit na bati ng mom ni Nathan sa akin. Na siyempre ikinagulat ko nang husto. Ang buong akala ko kasi'y sa susunod na linggo pa ang dating nila.

"Is that my apo?"

Pagkayakap sa akin ay kinuha na niya agad si Neil. Bumati ako kay Mr. Thorpe but he just nodded at me. Tila nakapag-usap na sila ni Nathan. They looked like they had a serious talk. Habang pinagmamasdan ko silang dalawa, napagtanto ko na para nga silang pinagbiyak na bunga. No wonder sinabi ni Lola Lydia na Neil reminded her of Nathan's dad. Kamukha rin kasi ni Neil si Nathan, pwera na lang sa kulay ng mga mata.

"Dad wants to talk to your father, I mean to Papa," sabi agad ni Nathan sa akin.

Tumangu-tango ako at sinabi ko sa kanila na kasalukuyang nasa isang kamag-anak namin sa Mactan ang pamilya ko. Sinabi ko rin na hinihintay nga ni Papa ang pagdating nila kung kaya hindi pa sila bumalik ng Maynila.

"That's good. Can we see them today?"

"Babe, don't be absurd. We haven't rested yet," sabat ng mom ni Nathan habang masayang pinaghehele si Neil.

"I want to get it over with," sagot naman ni Mr. Thorpe.

"Here, look at him." At pinakita ni Mrs. Thorpe ang mukha ni Neil sa asawa. Sinulyapan lang ito ni Mr. Thorpe at tumingin uli sa akin. Tapos, tinanong niya ako kung mga anong oras pupwedeng makapunta sa bahay ni Lola Lydia ang pamilya ko.

Ang sabihing nasaktan ako't tila binalewala niya ang anak ko ay parang kulang. I was hurt like hell. Ang nakakainis pa, parang nag-iba ang aura ni Nathan. Parang hindi ito kasing cool at composed nang nakiharap siya sa pamilya ko noong isang linggo. Ba't gano'n? Madudukot ko talaga ang mga mata ng damuhong ito!

"I'll call them," sabi ko. "Excuse me." At pumunta ako sa kusina para tawagan ang mga magulang ko. The moment my father knew of Mr. Thorpe's request, he exploded. Bakit sila raw ang kailangang pumunta sa bahay nila Lola Lydia? Hindi raw ba dapat ang mga Thorpe ang pumunta sa bahay kung saan naroroon ang mga magulang ko? Nagpaliwanag akong pagod sila.

"Wala akong pakialam! Sila ang dapat pumunta rito sa amin!"

Binabaan niya ako ng telepono. I felt so helpless. Naramdaman ko na lang na may mga brasong pumulupot sa baywang ko.

"Your father is like my dad. Full of pride," sabi ni Nathan. Hinalik-halikan niya ang leeg ko. "Don't worry about it. We're married now. What can they do? It's not as if we're teenagers. We're both consenting adults. You have nothing to worry about."

Napalingon ako sa kanya. Ano ang pinagsasabi ng damuhong ito? Kanina lang ay binigyan niya ako ng cold treatment sa harap ng ama. Bwisit ito, a. Pinapasabog niya ang ulo ko sa mixed signals na binibigay niya sa akin.

Bago pa ako makapagsalita, pinaharap niya ako at binigya ng mainit na halik sa labi.

"Last night was awesome," bulong pa niya, bago kinagat-kagat ang pungong tainga ko.

"Nathan where---"

Kapwa kami napalingon at nag-init ang mukha ko nang makita si Mr. Thorpe. Nahiya ako na naabutan niya kaming nagtutukaan, pero ang damuhong Nathan ay cool lang.

"I'm sorry," sabi ni Mr. Thorpe at lumabas ito ng kusina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top