CHAPTER TEN
Nagulat ako sa ginawa ni Nathan. Sinamantala naman niya ang pagnganga ko't pinasok pa ang dila sa loob ng bibig ko. Tinulak ko siya pero parang tumutulak lang ako sa pader. Sinandal niya ako sa front door at kinalag ang buhol ng bathrobe na suot-suot ko. Napasinghap ako.
Stop him, Aalia! If you let him touch you, there will be no turning back!
Tinangka ko uli siyang itulak but the moment my hands touched his chest they started doing things my head tried to warn me about. Hindi ko na siya magawang awatin. Katawan ko mismo ang sumusuway sa isipan ko. Nang tanggalin niya ang bathrobe, ikinawit ko pa ang isang binti sa baywang niya at isinunod pa ang isa. When I felt his throbbing manhood on my loins, I pressed myself harder on his body. Narinig ko siyang napaungol. Awtomatiko akong napapikit sabay liyad na tila bang binibigay ko nang buung-buo ang sarili sa kanya.
"Stop me, Aalia," anas niya habang kinakagat-kagat ang punong-tainga ko. "Stop me while you can. If you don't---then, there's no turning back!"
Parang gano'n na rin nga ang sinabi ng isipan ko kanina! I tried to speak up. Nabanggit ko ang mga katagang, "Huwag!Tigil!" But they sounded like moans of a horney spinster. Nang ibuka ko ang isa kong mata, I saw him smile. Diniin pa niya lalo ang naghuhumindig niyang sundalo sa ano ko. Lalong nag-moist ang pagitan ng mga hita ko. Nang pinangko niya ako pabalik sa kuwarto hindi na ako nagsalita pa.
Pagkababa niya sa akin sa kama, lumuhod siya sa harapan ko at isa-isang hinubad ang damit. Itinira niya ang kulay puti niyang boxer briefs. Dahil maliwanag sa kuwarto, naaninag ko halos ang kabuuan no'n. Mahabaging Diyos! Pinagpala!
Siguro nakita niyang sobra akong napanganga sa sandata niya kung kaya he gave me his lopsided smile again before he lay down beside me. Pagkadaiti ng likuran niya sa kama tumagilid siya't pinatong ang isang hita sa tiyan ko't kinuyumos na naman ako ng halik sa labi. Ang mga kamay niya'y naglalakbay na kung saan-saan. Nang damhin niya ang mamasa-masa kung panties, napaigtad ako't parang namilipit.
"You're driving me crazy!" bulong niya sa tainga ko habang kinikiskis-kiskis ang harapan sa hita ko. Hindi ako nakasagot. Sa halip napaungol lang. Hinuli niya ang isa kong kamay at pinasok sa boxer briefs niya. Doon ako napamulagat. Natawa siya nang mahina.
"P-patayin mo ang ilaw," sabi ko sa tonong parang dumadaing.
"No!" matigas niyang sagot. "I want to see all of you." Pagkasabi no'n ay hinubad na niya ang puti kong kamiseta at asul na panties. Napasinghap siya nang makita ang kabuuan ko. Ako nama'y hindi magkandatuto kung ano ang uunahin kong takpan. But he caught my hands and put them on top of my head.
"I want to see you," bulong niya ulit. This time, he was pretty serious. Nawala na ang ngiti niya. His usual icy blue eyes turned dark with desire. Kinalimutan ko na lahat-lahat at hinagud-hagod siya. Mayamaya pa'y kumilos na rin ako at tinulak siya patihaya sa kama. Lumuhod ako sa harapan niya't bigla na lang isinubo ang naghuhumindig niyang sundalo. He moaned. Makaraan ang ilang sandali, he just grabbed my shoulder and had me roll on my back. Ginawa rin niya sa akin ang ginawa ko sa kanya. Napaungol ako nang malakas. Hindi ko sukat akalain na ganoon katindi ang mararamdaman kong sensasyon. Ako pa ngayon ang nagmakaawa sa kanyang tapusin na namin ang foreplay. Kaagad naman siyang tumalima.
Shit! Ang hapdi! Napasigaw ako. Gulat na gulat siya. For a while, he seemed disoriented. Nang ma-realize niya ang dahilan kung bakit, he frowned and stopped moving.
"Are you okay?" tanong niya sa tonong puno ng pag-aalala.
Impit na daing lang ang sagot ko.
He tried to move and pull his thing out of me. Bigla naman akong napayakap sa kanya. "It's okay now," sabi ko pa. At itinuloy namin iyon hanggang sa kapwa kami tagaktak sa pawis. Tingin ko ilang beses akong pumunta sa langit. He gave me a satisfactory smile afterwards. Nang nag-roll over na siya sa gilid ko, saka lang ako nakaramdam ng hiya. I grabbed my comforter ang covered our bodies. Tapos, tumagilid ako ng higa patalikod sa kanya.
**********
Nangunot ang noo ko nang bigla na lang siyang nagtalukbong ng comforter. Ngayon pa siya nahiya? Napangisi ako. I grabbed the comforter and pulled it away from her head. She pulled it back and covered her head again.
"Aalia, it's all right. We're consenting adults now. We are no longer teenagers."
May sinabi siya under her breath. I think it was in Tagalog.
"You're insane!" sabi ko. At natawa bigla. Masahol pa siya sa bata.
Napangiti na naman ako nang maalala ang ginawa namin. It was mind-blowing! Grabe! I didn't think it would be that superb. Tsaka hindi ko rin inaasahan na ang isang kagaya niya na mukhang game kanina sa kama ay wala palang karanasan.
"I thought you had a boyfriend before Tom. How come----?"
"Please go. I don't want to talk about what just happened."
Nagulat ako. Kanina lang ay nilingkisan niya akong parang ahas dahil natatakot siyang iwan ko. Tapos ngayon pinapalayas na niya ako?
"Are you sure?" sakay ko sa drama niya.
I saw her nod.
"Are you really, really sure? If I go back to the townhouse, I am not coming back here."
"Just go," sagot niya.
"All right." Tumayo na ako at pinagdadampot ang mga nahubad kong damit. Nang makita ko ang blue panties niya dinampot ko rin iyon at maingat na tinupi sa ibabaw ng kama. Gano'n din ang kamiseta niyang suut-suot kanina. Pagkasuot ko ng boxer briefs, lumapit uli ako sa kama at hinagkan ko ang noo niya.
"When the men come back, call the police. Be safe."
Lumabas na ako ng kuwarto bago pa ako mawala na naman sa sarili.
**********
Hindi na nga bumalik ng apartment si Nathan nang umagang iyon. Katunayan, hindi siya nagpakita sa akin nang kung ilang araw. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko kung bakit nagpatangay ako sa silakbo ng damdamin. Oo, guwapo siya at gusto ko siya, pero dapat nagpigil ako. Alam ko namang mukhang wala siyang balak magkaroon ng seryosong girlfriend. Sa ikli ng panahon na nakausap ko ang mommy niya napag-alaman ko nang halos walang naging pang-matagalang syota ang hudas pero nagpaano pa rin ako sa kanya. Tapos ngayon mag-aalala pa ako kung bakit hindi na nagpakita ang kumag. Siyempre, natakot na marahil iyon.
Hindi kita pipikuting hudas ka!
Sa tindi ng inis, hinagis ko sa dingding ang isa sa throw pillow ng sofa. Nahulog ito sa bandang lamp-shade sa tabi ng TV set. Naalug-alog ang naturang lamp shade kung kaya tinakbo ko ito at hinawakan sa takot na baka mahulog ang ilaw.
"Who are you talking with?"
Napalingon ako bigla. Hayun ang hudas! Kapapasok lang ng bahay. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. As usual, he was wearing a faded denim jeans and a blue sweater. May bitbit siyang supot sa isang kamay niya at inabot niya ito sa akin.
"Ano ito?" tanong ko. Pero naamoy ko na ang dried fish at dried squid.
"Isn't it obvious? From my mom. Her Filipino family sent it to her. She thought you might want to have some."
Galing sa mommy niya? At naalala niya ako? Bigla akong nakaramdam ng saya. Hoy, babae! Daing lang iyan, tumigil ka! Look at him. You see, he doesn't seem bothered about what happened. Parang wala lang sa kanya! Ano na? Ganoon na lang ba iyon?
Nakita ko siyang pumunta ng kusina. Pagbalik niya'y may bitbit na siyang isang lata ng beer. Kaswal niya itong binuksan at sumalampak sa sofa sa tabi ko. Dinampot niya ang remote at he just changed channels. Just like that.
"Can you put that away now? I've been smelling that all morning."
Inirapan ko siya bago nagtungo sa kusina.
"Don't put it in the cupboard nor the fridge. They might leave their smell there," sigaw niya from the living room.
Aba, kung hindi sa cupboard o fridge, saan? Sa basurahan?
Sinilip ko siya mula sa kusina at tinanong ng, "Then, where would I put it?" habang nakapamaywang.
"I don't care. Just don't put them there."
Baliw! E di sana hindi na lang siya nagdala nito! Kainis!
Kumuha ako ng malaking plastic container at nilagay ko sila doon tapos pinatong ko sa mesa sa kusina. Nawala na ang amoy kahit paano. In fairness, maamoy nga pero nakakatakam naman. Excited na tuloy ako sa ulam ko para sa pananghalian. Pagkaalis ng hudas, iyon agad ang iluluto ko.
"I'm staying for lunch, by the way. Could you cook something decent?" sabi na naman niya mula sa living room.
He's staying for lunch?
Bumilis agad ang pintig ng puso ko. Magkahalong excitement at pangamba ang nadarama ko. Natatakot akong may magaganap na naman. Shit, paano na naman ito? Ngayon pa nga lang na ilang dipa ang pagitan namin ay kung anu-ano na ang naiisip ko what more later kung magkasalo kami sa hapag-kainan? Baka kung ano na naman ang maihain ko sa kanya!
Nagpalakad-lakad ako sa kusina. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Paninindigan ko ba ang pagsusuplada? Aawayin ko ba siya? Kakausapin ba tungkol sa nangyari?
"Are you all right?"
Bigla akong natigil sa paglalakad. I saw him frowned at me. Napalunok ako sa hiya. Nag-init tuloy ang pisngi ko.
"I'm just worried," nasabi ko na lang.
"About what?" At parang no'n lang niya naalalang may naganap nga pala sa amin noong isang linggo. Nakita kong medyo naalarma siya. "Hey, about what happened. You're not expecting me to marry you, are you?" I could see him feeling a bit worried. Ang hinayupak!
"Of course not! Ba't ko naman i-expect sa iyo iyon? Boyfriend ba kita?" naiinis kong sagot.
Napahinga siya nang malalim sabay sabi ng, "Thank God!"
Parang hiniwa ng kutsilyo ang puso ko. Oo't hindi ko naman inaasahan na pakakasalan niya ako, pero hindi ko naman ini-expect na ganoon ang magiging reaction niya. Na tila nabunutan siya ng kung ilang libong tinik nang sinabi kong hindi ko naman inaasahan ang kasal sa kanya.
Baliw ka kasi, e. Ang libog mo. Kung nagpigil ka sana hindi mo ito problema ngayon. Hindi ka pa nga nakakaahon sa problema mo kay Tom, heto't naghanap ka na naman ng sakit ng ulo?
Nang lumabas siya ng kusina, may dala na namang isang lata ng beer ang hudas. Imbes na gusto ko pa sanang tapusin ang pinapanood kong TV show kanina, hindi na ako bumalik ng sala. Naghanap na lang ako ng puwede kong lutuin para sa aming dalawa. Nagluto ako ng steak at steamed vegies. Masahol pa ako sa ulirang asawa na pinaghiwa ko pa siya ng grape fruit para kompleto. Pero pagkalapag ko ng pagkain sa mesa, kumuha lang siya ng plato, pinagsandok ng makakain ang sarili at dinala ito sa sala. Ang pantasya kong makasalo siya sa hapag-kainan ay hindi nagkatotoo. I was hoping pa naman na kahit paano ay makapag-usap kami kahit kaunti lang ng tungkol doon sa nangyari. Nakalimutan ko. Briton pala ang bwisit. At tulad ng mga nababasa kong kuwento tungkol sa kanila, they could have a wild and mind-blowing sex with a partner and remain indifferent to them after.
Now, you know!
**********
I should have listened to Jin. Hindi ako dapat nagpunta pa sa apartment. Kita mo, mukhang may inaasahan na siya sa akin dahil may nangyari sa amin. Tulad din pala siya ng ibang babae. Kunwari game lang, tapos mag-e-expect din pala ng seryosong relationship. Oh, well. I need to go. Minadali ko ang pagsubo ng pagkain at walang sali-salitang dinala ang pinagkainan ko sa lababo.
"Thanks for lunch," sabi ko on my way out. I saw her flinched. At na-guilty ako. Pero kung babalikan ko siya't magpakabait baka ma-misinterpret niya ako't kung ano pa ang isipin. Mabuti nang mapadama ko sa kanya na wala lang sa akin ang nangyari.
"I have to go now. Lock the doors, okay?"
Hindi siya sumagot. Nang lingunin ko, nakita kong tahimik siyang sumubo. Ang lungkot-lungkot ng mga mata niya. Lalo akong na-guilty. Although a part of me was saying that I should leave immediately, I went back to the kitchen and sat in front of her.
"What's the problem?" tanong ko sa nag-aalalang boses.
Kaagad siyang nagpahid ng nangingilid na luha sa mga mata.
"W-wala. Go! I thought you're going now."
"Aalia. If this is about what happened between us---"
"I said, go!" This time tumayo na siya't dinala ang plato sa lababo kahit na marami pang lamang pagkain. Tinapon niya sa basurahan ang pagkain at naghugas ng kamay. Basa na sa luha ang mga mata niya nang humarap sa akin. Dali-dali siyang tumakbo palabas ng kusina. Hinabol ko siya. Tinulak niya ako. I grabbed her waist.
"All right. I actually don't know what I can offer you. I'm not good with relationships. I never had a long-time girlfriend. My longest was just three weeks. If you want to be involved with someone who's not a keeper, that's up to you. Just don't say later on I didn't warn you," anas ko sa kanya habang hinahagkan-hagkan ang batok niya.
Humarap siya sa akin bigla at tinulak niya ako.
"Huwag kang umasang gusto ko ngang maging tayo! I am just sad at the turn of events. Just sad! Hindi ko pinlano na ito ang mangyayari sa akin dito sa bansa n'yo! Ang dami kong pangarap. Ang dami kong plano sa buhay."
Napaupo siya sa carpet at niyakap ang mga tuhod.
"I'm a failure," sabi pa niya at humagulgol.
May kung anong nakanti sa puso ko just watching her sob. Bago ko pa namalayan, napaluhod ako sa harapan niya at niyakap siya nang mahigpit na mahigpit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top