CHAPTER SIXTEEN
A/N: Pasensya uli kung sobrang tagal ng update.
**********
Grabe ang katuwaan ng pamilya ko nang dumating sa amin si Nathan. Si Mama wala nang bukambibig kundi ang manugang niyang Briton. Gusto pa niyang magpa-lechon para raw maimbitahan ang mga malalapit naming kamag-anak na sinang-ayunan agad ni Papa. Hindi naman sila ganoon ka magarbo. I sensed something.
"Usap-usapan kasi ng mga pinsan nila Mama na kathang-isip mo lang daw ang asawang Briton. Na ang totoo'y inanakan ka lang ng kung sino sa Cebu tapos palalabasin mong anak n'yo ng napangasawa mo sa UK," paliwanag ni Elaine. Nagulat ako. Ni minsan kasi walang binanggit na ganoon ang nanay namin. Kinompronta ko ito.
"Ma, totoo ba ang sinabi ni Elaine?"
"Talagang ganyan talaga ang mga tao. Siyempre, hindi nila nakita ang asawa mo. Kahit naman tayo nagkokomento ng ganyan sa iba," sagot ni Mama. Tila pinagtatanggol pa ang mga tsismosa niyang kamag-anak.
"Kung gano'n walang rason para pakainin pa natin sila. Ano sila, sinuswerte?" naiinis kong sagot. Palagay ko nanlalaki na naman ang mga mata ko.
Ganoon kami naabutan ni Nathan. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming mag-ina. Nagpaliwanag si Mama tungkol sa party na gusto niyang idaos. I thought Nathan would say no to it since I knew him to be a little tight with money. May pera siya, pero hindi siya magastos. Kaya nagulat ako nang natuwa ito. Gusto raw niyang makilala ang mga partidos ng nanay ko.
"See? Your husband said yes," tuwang-tuwa na sabi ni Mama at umalis na siya para raw magpagawa ng official invitation cards para sa nalalapit na party na gusto niyang idaos. Ipapakilala raw niya si Nathan hindi lamang sa mga kamag-anak namin kundi sa buong mamamayan ng Laguna.
"This party is not necessary," sabi ko kay Nathan. "Let's skip it and focus on more important things. Don't worry about it. I'll explain it to my mother."
"No. Let's have it," mariin niyang sabi. "My mom is Filipina, too. I know that relatives can be a bit talkative especially that I was away for too long. Don't worry," sagot naman ni Nathan. Tinapik pa niya ang balikat ko. "By the way, I have to go. I need to see the lawyer who'll help us with your paperworks."
Pagkarinig ko sa sinabi niya, awtomatikong nabuhay ang excitement sa puso ko. Sa kabila ng nangyari sa akin sa London, hindi ko pa rin maikakaila na hindi pa rin nagbago ang pangarap ko. Gustung-gusto ko pa ring bumalik doon at maging ganap na mamamayan nila. Abot-kamay ko na ang aking pangarap!
Biglang natigilan si Nathan. Tinitigan niya ako. Nangunot ng kaunti ang noo ko. Sinalat-salat ko pa ang mukha. May dumi ba sa pisngi ko?
Tatanungin ko pa sana siya kung dito siya sa amin magdi-dinner, pero pagkahalik sa pisngi ko'y dali-dali na siyang lumabas ng bahay. Lumabas ako't hinatid siya ng tanaw. Napuno ng pagmamalaki ang puso ko habang nakatingin sa kanya. Siya ang kabuuan ng pangarap ng mga kababaihan. Matangkad, maganda ang pangangatawan, guwapo at matikas kahit saang anggulo mo tingnan. Bonus na ang pagiging self-made millionaire niya.
Napasinghap ako nang bigla siyang lumingon. Nakasuot na siya ng dark sunglasses.
umalun-talon sa tuwa ang puso ko nang makita siya. He looked so hot! Lalo akong nawindang nang bigla siyang ngumiti at kumaway bago sumama sa papa kong sumakay ng taxi.
"Ang swerte mo talaga, Ate. Isipin mo, may nagkagusto sa iyong British hunk?" nakangising komento ni Elaine. Nakahalukipkip siya't nakatingin din kina Nathan at Papa.
"Bakit? Imposible ba? Maganda naman akong talaga."
Tumawa si Elaine at pabirong itinirik ang mga mata.
**********
Napaangat ako ng tingin nang maramdamang bumukas na ang pintuan sa banyo. Niluwa nito si Aalia na naka-pajama na. Kinukusut-kusot niya ang basang buhok. Kahit medyo may kaluwangan ang suot niya, naaninag ko pa rin ang hubog ng kanyang katawan. She still looked so sexy. Nakadagdag ang pagbe-breast feed niya kay Neil sa pagganda ng hugis ng kanyang dibdib. I couldn't take my eyes off it. Ang pinipigilan kong damdamin ay muli na namang kumawala. Teka, ba't ba ako nagpipigil? Asawa ko na siya, di ba? Kaya nga kami nilagay ng mga magulang niya sa iisang silid. Marahil ay hindi naman kalabisan kung umakto akong asawa? Humugot ako ng malalim na hininga at tiniklop ang laptop.
Medyo nagulat siya nang makita na ako sa kanyang harapan. Umiwas siya agad sa akin. I grabbed her arm.
"Bakit?" tanong niya. Her voice was quivering a little. May nararamdaman din siyang tensyon! I knew she knows what I was up to.
"You smell so good," sabi ko. Binaba ko pa ang mukha sa bandang leeg niya at sininghot-singhot siya. Tinulak niya ako palayo.
"Ano ba?" ang sabi pa. "Magpapadede pa ako kay baby."
"Hindi ba pwedeng mauna ang daddy?"
Napamulagat siya. Tingin ko nagulat na nakapagsalita ako sa tuwid na Tagalog. Alam niyang marunong akong mag-Tagalog pero siguro hindi niya inaasahan na ganoon ang sasabihin ko. Napakamot-kamot ako sa ulo. I felt a bit embarrassed at what I said. Nang makita kong namula siya nang bahagya na-excite ako. It has been a long time since I made love to her. Sa Cebu pa iyon. Sa bahay nila Lola Lydia. Mag-iisang linggo na ako sa kanila pero maliban sa halik sa pisngi at manaka-nakang yakap bago ako tumungo sa sofa sa kuwarto na lagi kong tinutulugan wala nang nangyari sa amin. Umiiwas siya kasi palagi. Gaya ngayon.
"You're insane, Nathan," sagot niya sa mahinang tinig. Kabado siya. I could sensed it. Pakiramdam ko'y nae-excite rin siya.
"C'mon, we're married. What's wrong with it? We've done it several times before."
Bago pa siya makasagot, niyakap ko na. Tinulak na naman ako, pero parang pakunwari na lang. When I kissed her, she closed her eyes and wrapped her hands around my neck. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Pinangko ko siya at dinala sa kama.
**********
Nagising ako sa pakiramdam na parang may trosong nakadagan sa baywang ko. Nang kapain ko iyon, nanlaki ang mga mata ko. Paglingon ko nga, katabi ko si Nathan. Hubo't hubad siya at nakatagilid habang nakayakap sa akin. He spooned me! Nang gumalaw ako, umungol siya.
"Good morning," sabi niya sa inaantok pang boses. Tumihaya siya't pumikit uli. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sa pagitan ng kanyang mga hita. Nakatayo ito na tila sundalong sasabak na naman sa digmaan. Napalunok ako nang sunud-sunod at nag-init ang mukha ko. Inabot ko agad ang nalilis na kumot. Hindi lang sarili ko ang tinakpan kundi pati na rin ang alagad ni Adonis sa tabi ko. Pagkadaiti ng tela sa kanyang katawan kaagad niyang tinabig ito.
"It's hot," angal niya. Nakapikit pa rin.
Susmaryosep! Exhibitionist!
Tumalikod na lang ako at binalot ang sarili hanggang leeg. Maiidlip na sana ako ulit nang biglang may humablot ng kumot sa katawan ko't niyakap ako. Naramdaman ko ang matigas na bagay na tumusuk-tusok sa aking puwitan.
"I still want to sleep," sabi ko. Hindi ko na tinangkang gumalaw pa kasi pakiramdam ko tutusukin na ako ng matalim na palaso.
"Me, too." Inaantok din ang boses niya. Ganunpaman, naramdaman ko na lang na dinidiin niya lalo sa puwitan ko ang kanyang harapan. Ang isa niyang kamay ay pasimpleng gumapang sa dibdib ko't nilalaro-laro ng daliri ang isang dunggot doon. Nagpatay-mali ako. Kunwari hindi ko napapansin na hindi na tulog ang gusto niyang mangyari. A few minutes after, I felt his lips on my shoulder. Then, he began to nibble my ear affectionately.
"Nathan," saway ko sana.
"Ssshh, go to sleep," bulong niya sa punong-tainga ko. Paano naman ako makakatulog kung ganoon siya? Kung saan-saan na nakararating ang malikot niyang kamay. Gumalaw ako't tumihaya para sana itulak siya pabalik sa side niya, pero mas mabilis siya kumilos. Nadaganan niya ako agad at naitaas pa ang dalawa kong kamay sa bandang ulo ko. Gising na gising na pala ang loko at may pilyo nang ngiti sa mga labi. Bumaba agad ang kanyang mukha para siguro halikan sana ako sa lips. Iniwas ko agad ang mukha ko.
"What's wrong?" tanong niya. He sounded a bit hurt.
"I didn't brush my teeth yet."
Tumawa siya nang mahina. Labanan na raw ng bad breath dahil hindi rin siya nakapag-toothbrush. He doesn't care.
Wala nga akong nagawa nang pilit niyang inaapuhap ang mga labi ko. Sa una lang ako nag-alala. Nang siniil na ako ng halik hindi ko na rin napigilan ang sarili. Napayakap ako sa kanya at buong pusong tumugon sa bawat haplos at halik niya. Hindi gaya kagabi wala nang pagmamadali sa mga kilos niya. Ako ang medyo impatient. Paano kasi pakiramdam ko sasabog na ang aking puson. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili. Sa ikalawang beses na pagsubo niya sa munti kong butil, napaungol ako nang matagal. Sinabunutan ko pa siya't diniin pa ro'n lalo ang ulo. For the first time in my life, I begged someone to take me. Hindi lang minsan. Ilang beses pa. Bumangon siya't pumuwesto sa pagitan ng mga hita ko. When he finally made us one, nangunyapit ako sa kanya na parang tuko. Ako pa ang nag-uudyok sa kanyang bilisan niya ang galaw. Masunurin naman siya sa akin. And he gave it to me hard...Grabe ang ungol ko nang marating namin ang sukdulan. Nang humupa na ang silakbo ng damdamin ko, napatakip ako ng mukha. Lalo pa nang makita ko siyang abot-tainga ang ngiti.
"That was superb, babe! Thanks!" At hinagkan ako sa pisngi. Inasahan kong he would spoon me again, but instead he left the bed and went to the bathroom. Medyo na-disappoint ako. Saktong pagtingala ko sa dingding, tumunog ang orasan. Alas siyete na nang umaga. Bumangon din ako. Nagsusuot na ako ng damit nang tumunog ang cell phone niya. Pinangahasan ko iyong sagutin. Tinig ng isang babae ang narinig ko sa kabilang linya.
"Nasa banyo siya, e. May mensahe ka ba para sa kanya?" sagot ko at humikab.
Hindi nagsalita ang sa kabilang linya. Akala ko wala na siya. Pipindutin ko na rin sana ang end call button nang bigla itong kumibo.
"Pakisabi na lang na tumawag si Attorney Gonzales."
Babae ang abogado? Nakaramdam ako ng something. Itinaboy ko agad iyon sa isipan. Wala naman sigurong ibang pakahulugan iyon. Pero ba't ang aga niyang natawag? May problema kaya sa papeles namin ni baby na kailangan ng agarang kasagutan? O baka nilalandi ng hitad na iyon ang asawa ko?
Hayan ka na naman. Stop being paranoid. For all you know, kamukha ni Attorney Batumbakal ang babaeng iyon. Mabantot at swanget.
Napangiti akong parang timang. Lumitaw sa imahinasyon ko ang hitsura ng isang katawa-tawang abogada. She doesn't exist kaya hinabi ko na lang sa isipan kung ano ang hitsura ng isang babaeng may mabantot na pangalan.
"Attorney Gonzales called up. Sorry, I answered your phone. I thought it was urgent," sabi ko agad kay Nathan pagkalabas niya ng banyo. He looked up while drying his hair with a small face towel.
"Did she leave a message?" tanong niya sa akin.
"No. She just told me to tell you she called."
Pinag-aralan kong mabuti ang facial expression at reaksiyon ni Nathan habang sinasabi ko ang pagtawag ng abogada. Wala naman akong napansing kakaiba. Napraning nga lang ako siguro. The little voice inside my head may be right. Baka nga kamukha siya ni Attorney Batumbakal na may magandang boses lang.
**********
Ang sabihing nagulat ako nang makita ang abogada ay parang kulang. Nagandahan na ako no'ng unang kita ko pa lang sa kanya nang pinuntahan namin siya ni Papa sa upisina niya sa Makati pero ngayo'y halos mapasipol ako sa kaseksihan niya. Unlike Aalia, aware siyang maganda siya't seksi. Katunayan, lahat ng mga mata ng mga kalalakihan sa coffee shop na iyon ay sumusunod sa kanya habang papalapit siya sa table ko. And she seemed to relish all the attention she got from us, men.
"Good morning," nakangiti niyang bati. Tumayo ako agad at pinaghugot siya ng mauupuan. Lalo siyang napangiti nang malawak. "It's good that you agreed to meet me at this short notice," sabi pa niya habang nilalapag ang isang itim na folder sa harapan ko.
"I should be saying that. I'm the one asking for your favor," sabi ko naman.
Humalakhak siya. Iyong tawa na parang matagal nang praktisado. Maging ang paggalaw-galaw ng leeg at pagtingin-tingin sa akin ay tila kalkulado. Tama si Jin. My lawyer is so bloody hot! Baka raw magbago ang isipan ko.
"May kaunti tayong problema. From what you told me last time, your wife was once engaged to your friend. Is that right?"
Tumango ako.
"You also mentioned she somehow overstayed her visa?"
"Technically, she didn't overstay because she was granted a six-month stay in the UK."
"Yeah, but that was on the premise that she was truly engaged to your friend."
Hindi ako sumagot. Magkakaproblema ba kami ni Aalia dahil lang doon?
"Will it be too much to ask if I could speak with your wife?"
Tiningnan ko ang wristwtch ko. Pasado alas dies na. Hindi ko alam kung nasa bahay pa iyon dahil lagi silang umaalis ng kanyang kapatid sa mga ganitong oras.
"I'll call her," sabi ko na lang at tinawagan ang cell phone ni Aalia. Sumagot naman ito agad. Sinabi kong gustong makipagkita ng abogada sa kanya. I breathed a sigh of relief when she agreed right away. Nasa paligid lang din pala siya dahil pinasyal niya raw si Neil sa SM City Santa Rosa kung saan kami nagkita ng abogada.
"Good. It would be a lot better to hear her side of the story. I need all information I could get so I could smoothly process the whole visa application for your wife and son."
Makalipas ang humigit kumulang sampong minuto, nakita ko nang naglalakad papunta sa amin ang mag-ina ko. My heart swelled with pride when I saw her with baby Neil in her arms. Naka-skinny jeans siya ng kulay itim at loose na puting t-shirt. Unlike the gorgeous lawyer, her hair was in ponytail. Hindi nakataas in a chic chignon. Ganunpaman, napansin kong hindi pahuhuli sa ganda ang misis ko nang tumabi na ito sa abogada. I smiled.
**********
Napamulagat ako nang makita na si Attorney Gonzales. Letse! Ang ganda niya't seksi! Malayung-malayo sa Attorney Batumbakal na pinagtatawanan ko sa isipan noong isang araw pa. Dinaklot ng takot at kaba ang puso ko. Hindi lang ako nagpahalata.
"Hello po," nakangiti kong sabi. Pinakilala kami agad ni Nathan. Mukha namang mabait ang abogada. Maarte nga lang. Gano'n lang talaga siguro. Super ganda ang bruha, e!
Binigay ko si Neil kay Nathan at ito ang kumandong. Nilaru-laro ng abogada ang kamay ng bata. Napatingin naman si Neil sa kanya at sa akin. Mayamaya pa, ngumiwi ito at umiyak.
"Sshh, she's a friend, baby," nakatawang sabi ni Nathan sa bata. Lalo namang nagpalahaw si Neil. Nangunot tuloy ang noo ko. May nase-sense kayang something si baby?
Tumayo si Nathan at sinayaw-sayaw ito. Sumunod naman sa kanila ang mga mata ng abogada. Habang pinagmamasdan ko kung paano siya tumingin sa asawa ko nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi lang simpleng selos iyon kundi katakot-takot na pangamba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top