CHAPTER SIX

A/N:  Dedicated to the first commenter.

**********

Patang-pata ang katawan ko sa buong maghapon na trabaho kung kaya halos ay hinihila ko na lang ang mga paa papunta sa bus stop na iilang metro na lang ang layo mula sa kinaroroonan ko. Subalit nang makita ko ang isang pamilyar na burloloy na nakakabit sa kulay brown na Louis Vuitton bag ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa excitement. Hindi ako maaaring magkamali. Akin iyon! Nagkaroon ako ng ibayong lakas. Sinundan ko ang babaeng may dala-dala n'yon. Nang isang dipa na lang ang layo ko sa kanya, hinablot ko ang bag.

"Miss, I think you're carrying my bag," sabi ko.

Paglingon ng babae napamulagat ako.

"Perla?!"

Inismiran niya ako at tatalikuran na sana nang hinarang ko siya.

"Sandali lang. Kanino mo nakuha ang bag na iyan?"

Napahawak nang mahigpit sa bag si Perla at tiningnan ako na tila nayayamot.

"Hindi lahat ng Pinay dito sa London ay pulubing tulad mo," sagot niya sa akin.

Napakuyom ang mga palad ko, pero nagtimpi ako.

"That bag is mine. Iyan ang matagal ko nang hinahanap na kasamang tinangay ni Tom Fuentes."

Pinaningkitan niya ako ng noo. "Hindi ka pa ba nakaka-move on sa ilusyon mong iyan?" painsulto niyang sabi sa akin. Nag-smirk pa siya.

"Look at the accessories. Wala nang iba pang may nagmamay-ari niyan kundi ako lamang," matatag kong sagot. Hindi ako nagpatinag sa mga pang-iinsulto niya.

"Look. I'm already late for work. Wala akong panahong makipag-usap sa isang ilusyonadang katulad mo."

Nang akmang tatalikuran na sana niya ako, hinablot ko ang braso niya at hinawakan ang hugis-pusong accessory sa bag. "Tingnan mo ang likuran nito. May initial ko pa iyan. A.C. Aalia Carlson. Nakita mo ang crucifix na ito? Bigay ito sa akin ng papa ko to ward off evil people like you who would steal this bag."

Tinabig niya ang kamay ko at bahagya pa akong tinulak. Hindi ako nagpadaig. Hinatak ko na ang bag sa kanya. That's when she called for a nearby police officer.

"Thank God, you're here, Officer. This woman is trying to steal my bag," umiiyak kunwari na sumbong ng bruha sa pulis.

"No, no, no. That's not true, sir. That's actually my bag. You see the heart-shaped accessory and the crucifix? They bore my initials. The bag is mine."

"No, Officer. She's a liar. She's here on a fiance visa but her fiance deserted her. So technically, she's actually an overstaying alien."

Napanganga ako sa sinabi ni Perla. Hindi ko sukat akalain na magagawa niya sa akin iyon. Umiba na tuloy ang tingin sa akin ng mamang pulis. Nag-panic ako. Nang hingan niya ako ng passport o ID kumaripas na ako ng takbo. Hindi ako lumingon kahit ilang beses akong sinigawan ng pulis. Ang iniisip ko lang noon kailangan kong makatakas. Ayaw kong ma-deport.

Nang malayu-malayo na ako sa kanila saka ako pumara ng taksi at nagpahatid sa tinutuluyan ko. Gano'n na lamang ang takot ko nang makita kong may mga patrol car sa neighborhood namin. Nasa labas ng townhouse si Nathan at ini-interbyu ng isa sa mga pulis. Nanlamig na naman ako kung kaya pinaatras ko ang taksi at bumalik kami ng downtown London.

"Where exactly are we going, dear?" tanong sa akin ng matandang taxi driver at hinuli niya ang mga mata ko sa salamin sa harap niya. Nakita niya sigurong mukha akong tuliro kung kaya tinanong na rin niya ako kung okay lang daw ba ako. Hindi ako sumagot, tumangu-tango lang ako.

Umiikot-ikot kami sa buong siyudad hanggang sa napagpasiyahan kong harapin na ang problema. This is not the way to live. I think it's time for me to go home.

Napamulagat ako nang sa pagsulyap ko sa taxi meter ay makita kong almost fifty pounds na ito. Bigla na lang akong napasigaw ng, "Stop right here!"

Nagulat ang mama kaya napapreno rin ito nang biglaan. Muntik nang mauntog sa gilid ng bintana ang ulo ko. Nilingon ako ng driver at pinagsabihan.

"I'm sorry. I need to get off now," sabi ko na lang at binayaran siya.

**********

Aakyat na sana ako ng kuwarto nang bumukas ang front door at niluwa n'yon si Aalia na mukhang haggard na haggard. Pagkakita nito sa akin, napayuko siya agad. Malayo sa palaban na Aalia na nakilala ko. Kinabahan ako. May nangyari kaya sa kanya?

"Where have you been? You're supposed to be here already hours ago."

"S-something came up," sagot niya sa mahinang boses. "Sorry to bother you about my problem."

Bother me about what? What is she talking about?

"If it's about you living in my townhouse, I already told you. Don't mention it. For as long as you'll not live here forever, I'm okay with it."

She looked hurt. I felt guilty. Pero nasabi ko na.

"Don't worry I'm leaving soon," halos pabulong niyang sabi at dumeretso na sa hagdan. Nilampasan ako. Mukhang sumali siya sa marathon sa hitsura niya, but she still smelled good. I caught myself smiling.

Pinagpahinga ko muna siya nang kung ilang minuto bago kinatok sa kuwarto niya. Hindi siya sumagot. Kinatok ko uli, pero wala pa rin. Dinikit ko ang tainga sa pinto para pakinggan kung may kaluskos sa loob, pero ang tahi-tahimik na. My wristwatch says it's half an hour past twelve. Baka nakatulog na. Babalik na lang sana ako sa kuwarto ko nang biglang bumukas ang pintuan niya at sumilip siya. She was just wearing a pink bathrobe with a pink towel wrapped around her head. Napalunok ako nang ilang beses. She looked so vulnerable and yet so seductive. I shook my head to get rid of naughty thoughts before looking at her face again. Medyo nagtataka siya.

"May kailangan ka ba?" tanong niya sa akin in Tagalog.

"L-later. Get dressed first." Tumalikod na ako baka kung ano pa ang maisipan kung gawin.

Nang mapag-isa na ako sa kuwarto, nagpalakad-lakad ako. Umikot-ikot ako sa loob na parang timang. Lumabas pa ako sa veranda to clear my thoughts. But her image, with her innocent eyes and delicious-looking curves kept on bugging me. Teka, innocent eyes? She's a twenty-eight-year-old woman for crying out loud! For sure, marami na siyang karanasan sa mga lalaki. Imposible namang wala pa. Ang nakilala ko noong Pinay sa burol ng lolo ko sa Cebu nineteen pa lang at sobrang mahinhin pa kung kumilos pero nang kami na lang sa kuwarto, mas wild pa siya sa naging girlfriends kong British. Kaya sigurado akong katulad din siya no'n. Magaling lang siguro talaga umaktong sweet and innocent ang mga Filipina. Not that I prefer sweet and innocent. Mas pabor nga sa akin kung mayroong experience. Ang hirap kasi ng mga virgins. Sobrang sikip.

Dahil kung anu-ano ang naisip ko bigla na lang nanikip ang suot kong shorts. I had to rush to the bathroom and take a cold shower to calm it down. Nagpupunas na ako ng katawan nang may marinig akong katok sa pinto. I immediately wrapped the towel around my waist and openedd it. Nakasuot na ng maluwang na blue pajamas si Aalia nang mapagbuksan ko. Tila nagulat siya sa hitsura ko dahil tanging tuwalya na nakapulupot sa baywang ang suut-suot ko.

"Give me a sec. Magbibihis lang ako," sabi ko sa kanya at pininid saglit ang pinto. Nang naka-t-shirt na ako ng puti at itim na jersey shorts saka ko lang ulit siya binalikan. "Come in."

Nag-atubili siyang pumasok. Naintindihan ko naman kaya niluwangan ko ang bukas ng pinto. Kahit nang nakapasok na siya'y hinayaan ko iyong nakabuyangyang para hindi siya mag-isip ng kung anu-ano. I went to my bedside drawer na siya ring pinapatungan ng lampshade at dinukot ko ang nakatago roon na kanina ko pa sana gustong ibigay sa kanya. Nang iaabot ko iyon, awtomatikong namilog ang kanyang mga mata.

"How did you find these?!" May nangilid agad na mga luha sa kanyang mga mata. Sa sobra niyang tuwa, she threw her arms around me and hugged me tight. Ako naman ang nabigla. Habang humahagulgol siya sa dibdib ko, I slowly wrapped my arms around her and smelled her hair.

**********

Sa sobra kong tuwa nahalikan ko sa pisngi si Nathan. He remained stoic-faced. And quiet. Tinitigan lang ako habang parang timang na umiiyak at tumatawa all at the same time. Sino ba naman ang hindi magkakagano'n? Nagkita na rin kami ng kuwintas at hikaw na minana ko pa sa aking mga ninuno. Isn't that great? Hindi ko man nakuha ang LV bag ko kay Perla bumalik naman sa akin ang pinakamamahal kong alahas. Naisip ko tuloy, senyales na ito para pagplanuhin ko na ang nalalapit kong pag-uwi ng Pilipinas.

"Where did you get this? Did Tom give this to you to give to me?"

"It's not important anymore how I got those. At least you have them now. The other jewelries are still nowhere to be found."

"Okay lang. Mas importante ito. Kung tuluyan kong naiwala ito, natitiyak kong malulungkot masyado ang papa ko. Mahalaga ito sa pamilya namin."

Tumangu-tango siya at pumunta na sa may pintuan. Ibig sabihin, kailangan ko nang lumabas. Siguro dala na rin ng matinding katuwaan at pasasalamat, tumingkayad uli ako sa kanya at hinalikan ko uli siya sa pisngi. This time he grabbed my waist and gave me a wet kiss on the lips. Napanganga ako.

"A reminder --- that next time you refrain from kissing British men on the cheek." Pagkasabi n'yon marahan niya akong tinulak palabas at isinara ang pintuan.

Hindi ako nakakilos. Samut-saring emosyon ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon. Pagtataka, pagkagulat na may halong tuwa't pagkadismaya. Saglit, did I say I was disappointed? Natigilan ako.

**********

Minura-mura ko siya sa isipan nang tuluyan na siyang makalabas. Shit! I need to take a cold shower again! Kung bakit kailangan pa niya akong halikan sa pisngi. A simple thank you would have been enough. Damn that Filipina woman!

Kinukuskos ko na ng tuwalya ang basang buhok nang tumunog ang message alert tone ng cell phone ko. Ang manager ng Sotheby sa London. Nakarating na rin daw sa kanila ang hinahanap kong bracelet at dalawang pares na hikaw. Isinantabi raw muna niya para matingnan ko kung iyon na nga ang hinahanap ko. Kung gusto ko raw ay iho-hold na nila iyon ng tuluyan para sa akin at hindi na isasama sa auction gaya ng naunang set of jewelries na nakuha ko sa kanila.

Tinawagan ko agad si Mr. Green at tinanong kung magkano naman ang mga iyon. Napahilot-hilot ako sa noo nang malaman kong eighteen thousand pounds daw lahat. Naipagpasalamat ko na lang na hindi sila kasing mahal ng pares na hikaw at kwintas na binili ko pa sa halagang one hundred fifty pounds.

"What? You bought them back for her?" naibulalas ni Jin nang malaman niya ang ginawa ko.

"It's the least I can do for her. We are partly to be blamed for this. Had we reported Tom to the police when we found out about what he did to the first Filipina girl he scammed, this wouldn't have happened."

"Speaking about the police, did they find him?"

Sasagot na sana ako nang nag-ring ang cell phone ko. Si Aunt Emily. At galit na galit ito. Sinenyasan ko si Jin na mamaya ko na lang siya kausapin. Lumabas ito ng upisina ko at sinenyasan din akong magpakatatag bago tatawa-tawang bumalik sa lungga niya.

**********

Nagkahiyaan na kami ni Nathan simula nang halik na iyon. O mas tamang sabihin na naging awkward na ako around him simula no'n. Baka tingin ko lang na nahihiya siya sa akin. For all I know, it was just like a peck on the cheek for him. Ang alam ko, kisses are not that big deal for British people.

Napatingala ako sa kanya nang bigla na lang siyang may nilapag na tatlong maliliit na boxes sa mesa habang nag-aalmusal ako.

"What are these?" tanong ko pa. Napalingon ako sa kanya na ngayo'y naging abala na sa pagkuha ng cereals sa cupboard at paghahanda ng sarili niyang almusal.

"Why don't you open them?" he answered nonchalantly.

Nanginig ang mga kamay ko. May kutob na ako kung ano iyon pero ayaw kung umasa nang sobra. Nang tuluyan nang bumulaga sa paningin ko ang matagal ko nang hinahanap na dalawang pares ng hikaw at bracelet, napasigaw ako sa tuwa. Gaya ng reaksiyon ko noong binigay niya sa akin ang minana kong hikaw at kuwintas napaiyak na naman ako.

"Thank you so much! Thank you so much!" paulit-ulit kong sabi. He smiled for a bit bago tumalikod sa akin para kumuha ng gatas sa fridge. Tumayo na ako at napatalon-talon sa tuwa. Daig ko pa ang nanalo ng jackpot prize sa lotto.

"Ooops, don't even try it," paalala niya sa akin nang lumapit ako sa kanya.

Sa gitna ng pagsasaya ko, natigilan ako. Did he think I was going to kiss him again? At gano'n ba ako ka-unattractive na ayaw niyang halikan ko siya? I felt insulted. Gano'n pa man sinarili ko na lamang iyon.

Para pagtakpan ang pagkapahiya, nagkunwari na lang akong nahihibang sa tuwa. Inulit-ulit ko na lang ang pasasalamat sa kanya para maibsan kahit papaano ang naramdaman kong pagkainsulto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top