CHAPTER FIFTEEN

A/N: Pasensya sa matagal na update.

**********

Sa unang linggo lang tumupad sa usapan si Nathan. Halos araw-araw siyang natawag sa akin. Pero makaraan ang isang buwan, ang araw-araw na tawag ay naging dalawang beses sa isang linggo. Matapos ang dalawang buwan, halos hindi na siya nakaalala. Masuwerte na ang isang beses sa dalawang linggo. Noong nakaraang buwan nga, ni hindi na siya nakatawag kahit saglit lang. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Ang sabi ni Mon, ang kaibigan kong bading, huwag daw akong masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Baka busy lang daw ang tao. Ang importante regular ang padala. Sa totoo lang, kahit hindi gaano ka up to date ang allowance namin ni Neil okay lang sana sa akin basta tumatawag lang siya para mangumusta sa amin. Kung hindi sa akin, kahit sa anak man lang niya.

Nakakabwisit siya! Pumayag pa siyang magpakasal sa akin kung ganito rin lang pala ang kauuwian ng lahat! Pero sa isang banda naisip ko ring baka mayroon din akong kasalanan. Noong nandito kasi siya sa Pilipinas nag-inarte ako. Kasal na kami pero ayaw ko pang matulog kami sa iisang kuwarto. Kailangan pa naming i-convert into my sleeping area and the baby's ang dressing room ng master's bedroom sa bahay nila Lola Lydia. But if he needed me, all he had to do was kiss me and I gave in all the way. Palagay ko, iniisip niyang sobra akong mapagkunwari. At sinong lalaki ang may gusto sa babaeng gano'n?

Nalungkot ako. Siguro panahon na para magdesisyon ako para sa amin ng anak ko. Nakakahiya namang manatili pa kami sa bahay ng lola niya gayong nagbago na ang kanyang isipan. Baka alam na iyon ni Lola Lydia at nahihiya lang magsabi sa akin.

"Ha? Aba'y bakit? May nagawa ba kaming masama ng lolo mo?" sunud-sunod na tanong ni Lola Lydia nang nagpaalam ako para umuwi na sa amin sa Laguna.

"Wala po. Gusto ko lang pong bumalik sa amin. Ang tagal na panahon na ring nawalay ako sa lugar namin. Na-miss ko na po ang amin, e."

Pinangiliran ng luha si Lola Lydia. Lumapit siya sa akin at hinagkan-hagkan ang pisngi ni Neil.

"Akin na nga muna iyan."

Niyakap niya nang mahigpit si Neil at pinupog ito ng halik.

"Kailan n'yo balak lumuwas ng Maynila?"

"Bukas na po sana."

"Ha?!" Gulat na gulat siya. At tuluyan nang umiyak.

**********

Apat na buwan na ang nakararaan simula nang masunog ang malaking bahagi ng building kung saan naroon ang bachelor's pad ko, pero hanggang ngayon ay walang siguradong report ang pulisya tungkol do'n. Isa lang ang tiniyak nila. Hindi raw iyon gawa ng isang terorista. However, Dad kept on telling me it might be Tom. It should be Tom. Who else has a motive to burn my property? Naisip ko rin iyon. Kahit nasa loob na siya ng kulungan madali lang naman mag-utos para maisagawa iyon kung may pera ka at impluwensya. Alam kong medyo tagilid na ang finances ng hudas dahil sa kabi-kabilang pagwawaldas niya sa casino pero mayroon pa namang pera ang mga magulang niya. Maaari siyang makahingi ng suporta sa mga ito. Teka. Hindi kaya ang mga magulang niya ang may kagagawan ng lahat? Naisip ko bigla si Tita Emily. She seemed responsible and logical, but she loves her son very much. Gano'n din ang asawa niya. Pareho silang mababait na magulang na labis ang pagmamahal sa nag-iisa nilang anak. Hindi malayong mangyari ang iniisip ko. Sinabi ko iyon sa bayaw ko.

"Hmn, that makes sense," pagsang-ayon naman ni Jin.

Nagdesisyon akong ipamanman ang mag-asawa. Kailangan kong matukoy kung sino ang kalaban. Mukha yatang na-underestimate ko ang kakayahan ng dati kong kaibigan.

Makaraan ang isang linggo, nagbigay ng initial report ang imbestigador. Wala raw kahina-hinala sa mag-asawa. Sa katunayan nga raw, they exemplify ideal naturalized British citizens. Mapagkawanggawa, nagbabayad ng buwis sa tamang oras, at law-abiding citizen pa. Ni wala nga raw traffic violation. Nawalan na ako ng pupuwedeng pagbintangan.

Hindi ako nakatulog sa townhouse ko sa suburb ng London nang gabing iyon. Bukod sa hinihiyaw ng bawat sulok ang alaala ni Aalia, naiisip ko ang anak ko. Sa mga panahong ito, marahil ay nakakakita na siya. Kumusta na kaya sila ng mommy niya?

Bumalikwas ako't dumapa sa kama. Bigla akong napabangon nang biglang sumagi sa isipan ko si Aalia na hubo't hubad sa kamang iyon habang dinadaganan ko. Pinilig-pilig ko ang ulo. Ganunpaman, hindi mawala sa isip ko ang maamo niyang mukha na maya't maya'y napapapikit sa pagdaing dahil sa mga haplos ko't halik. Bullshit! Stop it!

Bumaba na ako sa kama at nagpalakad-lakad. Nagtungo ako sa banyo at naligo nang mabilisan. I needed to calm my body.

Ayaw ko sana silang tawagan dahil kada tawag ko'y nalulungkot lang ako nang sobra pero nabagabag din ako ng konsensya. Marahil ay nagagalit na siya sa akin dahil hindi ako tumupad sa usapan. Dapat binalikan ko na sila noon pa. Two weeks lang ang paalam ko sa kanya. Pero ano'ng nangyari? It has been more than four months! Kaso nga lang, kung bumalik ako sa Pilipinas na hindi nare-resolve ang kaso baka ipapahamak ko lamang sila kapag dinala ko sila rito. Kailangan kong makasiguro kung mayroon nga ba akong kalaban dito o ano. Mahirap na. Hindi lang si Aalia ang dapat kong isipin ngayon. Mayroon na kaming baby Neil.

**********

Nanlumo ako nang malamang may natanggap nang finance analyst ang inaplayan kong bangko sa Sta. Rosa. Nanghinayang ako dahil bukod sa malapit sana sa amin ang office nila, malaki rin sila magpasweldo. Maganda pa ang benefits.

"Stiff ang competition ngayon, ate. Paano kasi, may more than two years kang un-explained gap sa resume mo. Siyempre, kabawasan sa iyo iyon. Alam mo naman ang mga kompanya ngayon," paliwanag sa akin ni Elaine habang nagkakape kami.

Napabuntong-hininga ako. I rested my head on the table. Pakiramdam ko, ako na ang pinakatalunan na nilalang sa balat ng lupa. I risked my future for Tom, but he ended up not choosing me. I gambled my life again with Nathan, but he just left me. Ngayon, kahit itong trabahong ito na way below my qualifications ni-reject din ako. Ba't gano'n?

"Ba't ba pursigido kang makahanap ng trabaho? Wala na ba kayo ng asawa mong Briton? Hindi ka ba niya pinapadalhan ng sustento para kay baby Neil? Iyan ba ang dahilan ng pagpupursige mo?"

Napaupo ako nang matuwid at napakurap-kurap. Nakipagtitigan sa akin ang kapatid ko.

"Nagdududa na sina Mama't Papa. Ayaw lang nilang magtanong dahil natatakot sila sa isasagot mo. Baka hindi raw nila kayanin ang katotohanan."

Napahinga ako nang malalim. Gusto ko sanang maghabi na naman ng kasinungalingan kay Elaine pero napapagod na ako sa pagbabalatkayo. Malalaman din naman nila, ba't ko pa ililihim.

"Regular ang padala niya. Nakakainis nga! Ang padala walang palya! Ang pangungumusta, wala!"

Hindi nakapagsalita si Elaine. Tumingin siya sa akin na tila naaawa.

"Huwag mo akong kaawaan. I'm strong. I'm tough." Pero kahit sa sariling pandinig, wala iyong katatagan. Pakiramdam ko, mas lalo akong nagmukhang kawawa. Ganunpaman, tumangu-tango ang kapatid ko at minadaling ubusin ang caffe macchiato niya. Pagkaubos nito, sinenyasan na akong umalis na raw kami roon. Baka hinihintay na kami sa bahay dahil papalubog na ang araw.

Paglabas namin ng SM City Sta. Rosa naglakad-lakad kami hanggang sa sakayan ng dyip. Oo, dyip. The Miss-High-And-Mighty-Aalia na allergic sa commute dahil maalikabok ay walang nagawa kundi makipagsiksikan sa dyipni. Paano kasi kasama kong naipagbili noon ang Toyota Corolla na gamit ko sa pagpasok sa trabaho. Hindi ko naman kasi inisip na mabibigo ako kay Tom. Naniwala kasi ako nang lubusan sa sinabi noon ng mga kaibigan: Visualize what you want to have and it will be yours. Effective daw kapag hindi ka nagdadalawang-isip. Sulong lang nang sulong. Be positive all the way. Heto ang nangyari ng kaka-positive-positive minded ko.

"Aalia! Dali!" sigaw ni Mama nang matanaw niya kami ni Elaine na papasok sa tarangkahan namin. Kinabahan agad ako. May nangyari ba kay Neil?

Pagpasok sa loob ng bahay, bigla akong napatda. Suddenly, I was face to face with a set of piercing, blue eyes that kept me sleepless for several nights. Ano'ng ginagawa ng damuhong iyan dito? Makalipas ang halos limang buwan, saka pa lang siya magpapakita?

"Hi. How are you?"

How are you-hin mong mukha mo! Nagpakita ka pang demonyo ka!

"I'm sorry, it took me so long to come back."

Hindi ko siya sinagot. Walang imik kong kinuha sa kanya si Neil. Saglit na ngumiwi ang bata at napalingon sa daddy niya, pero sapilitan ko nang nilayo kay Nathan. Na-sense siguro ng pamilya ko na mayroong tensyon sa pagitan namin kung kaya isa-isa silang lumayo. Medyo nagulat ako dahil ini-expect kong magtatalak tulad noon ang papa ko, pero hindi niya ginawa. Bagkus, siya pa ang sumenyas kina Mama at Elaine na iwan na muna kami roon.

"Why did you leave Lola Lydia's house? Aren't you comfortable there?"

"Sa tingin mo, bakit?" galit kong asik sa kanya.

Tinitigan niya ako. Para na naman akong tinedyer na nalulusaw sa tingin ng crush niya. Pambihira! Ang tagal na panahon akong iniwan ng mokong na ito. Pinaasa. Nang lubusan nang nahulog sa charm niya'y iniwan na lang basta-basta. Ni hindi pa muna kinlaro kung ano talaga kami bago umalis. Pero heto't kinikilig na naman ako sa simpleng titig lang. Bwisit!

"I had to stay and find out who burned my building. I've explained that to you, right? I'm sorry if I was not able to call regularly. Apart from the fact that I was so busy with work and the investigation, I---I kinda avoided hearing your voice and the baby's---"

"There you go! Inamin mo ring hinayupak ka!"

Nasira ang ilusyon ko. Inakala ko pa namang umuwi siya agad-agad dahil na-miss niya ako at na-realize niyang hindi niya kayang mabuhay nang wala ako, iyon pala iniwasan pa niyang marinig ang boses ko! Kailangan pa bang ipagduldulan sa akin iyon? Hindi na dapat! Sapat nang pruweba ang mahigit limang buwan niyang pagtikis sa akin, sa amin ni Neil!

"---because I'll just miss you. And if I do, I'll have a hard time surviving in UK. You know, I had a lot of things to do there, right?"

Natigil ako sa pagsinok. Binalingan ko siya. Si Neil ay ganoon din. Pabalik-balik ang tingin niya sa amin ng daddy niya. Nang ngumiwi ako't umiyak, ngumiwi rin at umiyak ang bata. Nang tumigil ako, tumigil din. Hinaplos-haplos pa ang pisngi ko. Nalilito na siguro ito. Baka iniisip nang baliw na ang mommy niya.

"Kung bobolahin mo na naman ako---"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang akong kinabig ni Nathan. Tinulak ko pa sana siya no'ng una, pero nanaig din ang pananabik ko sa kanya.

"There. Does it feel like I wasn't serious about you?"

Hindi ako nakapagsalita.

**********

Grabe ang kaba ko kanina. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag kay Aalia. My excuse sounded lame, though it was real. Ayaw ko lang namang ma-miss sila nang todo kung kaya nilabanan kong huwag tumawag. Alam ko kasing mahihirapan lang ako sa London. She didn't seem to believe me at first, but then I could feel her feelings for me didn't change when I kissed her.

"Are we good now?" nakangiti ko nang tanong sa kanya habang nilalaro-laro ng hintuturo ang kamay ni Neil sa balikat niya.

"Good-goodin mo kayang mukha mo!" At tumayo siya.

Nangunot na naman ang noo ko. What does she mean by good-goodin?

Lumabas ang kapatid niya. If I'm not mistaken, she's the younger sister, Elaine. She took my baby from Aalia's arms and they disappeared from my sight. Bago rin umalis ni Aalia sa living room tumayo na rin ako at pinigilan ko siya.

"We need to talk like adults," maotoridad kong utos sa kanya.

Tinapunan niya ako nang masamang tingin. Iyong klase ng tingin na may kahalong hinanakit at poot.

"I'm sorry. Isn't that enough? I'm so sorry!" I hugged her.

Nagpumiglas siya pero bandang huli'y nagpayakap din. Umiyak siya sa balikat ko. Masuyo kong hinagud-hagod ang kanyang likuran habang patuloy na nagpapaliwanag kung bakit naantala ako sa pagbalik ng Pilipinas. Kinuwento ko sa kanya na bukod sa inasikasong property ko na nasunog, kinailangan ko ring lakarin ang papeles ng petisyon ko para sa kanila ni Neil. Pagkasabi ko no'n, awtomatikong natigil ang pag-iyak niya. Napatingala siya sa akin at nakita kong sa gitna ng galit niya'y may kumislap na kakaiba sa kanyang mga mata. Umalingawngaw agad sa isipan ko ang mga paalala ni Dad. And I felt uncomfortable.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top