Page 6

Story 6: A flower gift
©PMBOneShotStory (2020)



“If I was the flower that you hold that time...”

It was you, who's been with me all the time. Bothering me with all the things that I do in my own time.

Akala ko nga hindi ka na darating sa buhay ko. Sino nga naman mag-aakalang ang isang kagaya mo, na taong hindi naman talaga ako kilala nang husto ay biglang nagpabago sa pagkataong mayroon ako?

Hindi naman ako palaimik, mas gusto ko nga ng tahimik. Subalit, hindi ko alam kung bakit sa simpleng mga banatan mo'y napapatawa mo ako.

Hindi ko malaman ang rason kung bakit ang simpleng taong 'tulad mo ay magiging dahilan ng simpleng pagngiti ko sa kadaldalang mayroon ka sa buhay mo.

Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng mga taong p'wedeng lapitan mo, ako pa ang pinuntirya mo.

Nanahimik itong buhay ko 'tapos ay bigla mo na lang 'tong guguluhin, bubulabugin, ano 'yon? Para ba ika'y aking mapansin? Oo na, ito na nga. Napansin na kita, pinapansin na kita.

Nakakatuwa ka, sa totoo lang. Kahit na madalas nang-iinis ka. Siguro parte na iyon ng pagkataon mo.

Iyong magbibiro ka sa harapan ko pagtapos ay bigla kang magbabato ng nga salitang minsan ay nakakainis lang din pakinggan pero sa tagal na tayo'y nagkasama, kinasanayan ko na rin naman.

Alam mo ba? Totoong napasaya mo ako noon. 'Yung mga simpleng galawan mo na hindi ko alam kung bakit parati na lang may epekto sa akin.

Minsan nga, naiisip ko baka ako'y may pagtingin na rin sa taong akala ko ay mananatili lang sa akin.

Ilang araw, gabi, buwan, hindi ka nagparamdam. Nalungkot ako, natakot, naguluhan sa biglang paglisan mo.

Gabi-gabi, ginugulo ako ng isipan ko sa hindi mabilang na mga tanong kung bakit bigla kang nawala. . . at paulit-ulit nitong sinasabi sa 'kin na baka nga ako talaga ang may problema.

Gabi na pero wala pa ako sa bahay, narito pa rin ako sa kalyeng madilim na pawang mga sasakyan at ilang istante ng ilaw lamang ang makikitang maliwanag. Ingay ng ilang sasakyang humaharurot sa gitna ng maluwag na kalsada.

At ako, malayo ang tingin habang naglalakad. Walang pakialam sa mga taong dumadaan, ang importante hindi ko sila nababangga at walang nagagalit ni isa.

Naglakad ako nang naglakad, mag-isa. Nagbabaka-sakaling mahanap ko ang mga sagot sa maraming tanong ng utak ko. Nakatulala akong pinuntahan ang lugar na 'di ko naman alam kung saan. Saan nga ba ako papunta?

Naglakad lamang ako hanggang sa may biglang humawak sa braso ko, hinatak ako nito dahilan upang hindi ako makatawid sa kabilang kalsada.

Sinong mag-aakalang ikaw pala 'yon? Akala ko ibang tao.

"Briv, anong ginagawa mo rito?" Nanlalaki ang mga matang bungad mo sa 'kin.

Bakit imbis kumustahin ay iyon agad ang ibinato mong salita? Wala na ba talaga akong halaga? Ilang buwan kang hindi nagpakita tapos iyan lang ang itatanong mo sa 'kin? Bakit?

Nang dahil sa pagsulpot mo sa harapan ko'y roon ko lang napagtanto kung nasaan ako.

Sarkastiko akong napangiti at pasimpleng pinagmasdan ang paligid ko. Kaya mo pala ako nakita no'n kasi malapit lang dito ang bahay mo, actually nandito na nga ako sa tapat ng gate ninyo.

Doon pala ako tinungo ng mga paa ko. Alam pala ng katawan ko kung saan ako dapat dalhin. Alam nito kung saan gustong pumunta itong pusong kong nangungulila na sa presensiya mo.

Tiningnan kita sa mata, nakita ko kung paano ka mainis na may halong pag-aalala pero teka? Bakit ka naman maiinis—

"Kanina ka pa hinahanap sa inyo, bakit hindi ka pa umuuwi?"

Ah, kaya pala naiinis ka.

Ibinaba ko ang paningin ko at inalis ang kamay mong nakahawak sa braso ko, naglakad ulit ako at sinadyang hindi magsalita sa harapan mo.

"Briv!" Mariing sigaw mo at hinabol ako.

"Ano bang problema?" Ngayon nasa mababang tono na ang boses mo. Todo pagpipigil ang ginawa ko para hindi maiyak sa harapan mo.

Gusto kong sabihin sa 'yong, “hindi ka na kasi nagparamdam pa. Nasasaktan ako kasi kahit miss na miss na kita, wala akong magawa kung 'di maghintay lang sa 'yo-maghintay nang maghintay kahit na walang kasiguraduhan. Gusto kitang puntahan sa inyo para lang malaman ko kung okay ka lang ba pero...

Huminga ako nang malalim saka ngumiti sa iyo at sabay sabi ng, "Uuwi na ako, huwag ka ng mag-alala."

"Hatid na kita—"

Saan? Hanggang sakayan mo lang naman ako kayang ihatid, e.

"Huwag na, ayos lang." Tipid kong tugon bago naglakad palayo sa 'yo.

Umalis na ako at tuluyan mo na nga akong hinayaan. Nakita pa kitang pumasok na sa inyong bahay habang ako parang tuod na nananatili pa rin sa kalsada kung saan mo ako iniwan. Palibhasa'y mabilis mo akong paniwalaan.

Ilang minuto pa ang pinalipas ko hanggang sa nagdesisyon na nga akong umuwi na, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon...

Nakita kitang may dalang mga bulaklak, nakaporma at halatang may pupuntahan. Sa sobrang curious ko'y sinundan kita hanggang sa mapadpad ka sa isang magarang bahay na katulad ng sa inyo.

May lumabas na babae mula sa gate ng bahay na pinuntahan mo. Napangiti kayo nang makita niyo ang isa't isa at si ako, na tangang sumubaybay pa sa eksena ninyong dalawa'y pigil ng hinagpis sa kasalukuyang nakikita. Talagang hindi pa ako umalis bagkus ay inabangan pa ang susunod na mangyayari.

Ibinigay mo na nga sa kan'ya ang bulaklak na sa pakiwari ko'y ilang libo rin ang halaga. Bulaklak na gusto ko sanang ihampas sa 'yo dahil talagang paborito ko pa itong bulaklak na ibinigay mo sa kaniya. Kainis. Bakit gano'n?!

Ilang minuto pa'y nawala na rin ang inis ko dahil sa sumunod na nangyari. Napabitaw ako sa pagkakakapit ko sa uniform ko nang makitang naghalikan kayo— what the?!

All this time? Akala ko ako lang. Totoo pala 'yung sinasabi nilang niloloko mo lang ako na hinahayaan ko naman ang sarili kong lokohin mo.

Umasa ako sa sinabi mong hindi mo ako iiwan, na hindi mo ako ipagpapalit pero ano itong nakikita ko? Isang malutong na, t*ngina.

Ako lang pala itong nag-i-ilusyon, umaasa, nagbigay ng malisya at nagkaroon ng kompiyansa sa lahat ng binitiwan mong salita na hindi naman pala totoo talaga.

Pinapasok ka niya sa kanilang tahanan habang ako, halos hindi na makagalaw pagkatapos ng napanood kong senaryo sa harapan ko.

At noong nabawi ko na ang halos naninigas kong katawan kanina'y habol-hiningang tumakbo ako palayo sa bahay ng babae mo hanggang sa may biglang lumitaw na liwanag na sobrang nakakasilaw tingnan.

Ito na yata ang nalalabing oras ko. Maybe...

'If I was the flower that you hold that time, I wouldn't be died tonight.'






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top