Page 5

Story #5: Chelsie’s Heart.
©PMBOneShotStory (2019)



‘A side story of: what are friends for?’



"Elsie!" Napalingon ako sa likuran saka ko hinanap 'yung pinanggagalingan ng boses.

Nang makita ko naman sila ay daglian akong nagtungo roon at doon ko nakumpirma kung sino itong tumawag sa 'kin.

Umupo ako sa tabi ni Casley, girl bestfriend ko. Narito kami ngayon sa isang kilalang restaurant, kasalukuyang nagse-celebrate ng reunion namin kasama itong mga former classmates namin no'ng elementary. 

"Ang tagal mong dumating ah," salubong ni Casley sa 'kin na minsan tinatawag ko ring Casy, actually she's Casley Jannie.  

"Naglinis pa kasi ako ng bahay. Alam mo namang hindi ako pinapayagan ni Mama umalis kapag hindi malinis 'yung bahay namin," mariing paliwanag ko sa kaniya na sinang-ayunan naman nito. 

"Uy Chelsie, ikaw na ba 'yan? Infairness, nagkalaman ka na ngayon no'ng elementary tayo ang payatot mo pa," natatawang komento sa 'kin ni Carmelle na tinawanan ko. Best friend ko rin siya dati and until now pa rin naman kahit na minsan na lang kami magkasama. 

"Ganito talaga kapag may ref na sa bahay," tugon ko na tinawanan ng iba ko pang mga kaklase noon. 

"Nakaka-miss guys 'no? Ang babata pa natin dati tapos ngayon. . . ang lalaki na natin," komento ni Chansel na syempre, best friend ko rin.

Oh 'di ba ang dami kong besprend, joke.

Sina Casley, Carmelle at Chansel lang talaga 'yung mga kaibigan kong hanggang ngayon kaibigan ko pa rin. Kahit na sa ibang school nag-aaral sila Chansel at Carmelle still nagkaka-chat pa rin naman kami. Same school naman kami ni Casy ngayong highschool at dahil magkaklase pa rin kami hanggang ngayon, mas naging close ko siya.

"Sus, kayo nga riyan nila Carmelle 'yung may mga jowa na. Baka gusto ninyong ipakilala itong mga kasama ninyo. Ehem-ehem," pasimpleng parinig ni Aleros, dating kaklase ko. 

"Ay, oo nga pala. Si Ciejay Laurence Naguit nga pala, guys. Boyfriend ko kaya maghinay-hinay sa pakikipagtitigan ha? Mas lalo na 'yung mga single diyan, nako-nako." Nagtawanan sila dahil sa banat ni Chansel. 

"Ehem. Carmelle," parinig ulit ni Aleros na may pahiwatig na ipakilala na 'yung lalaki kasama niya. 

"A-Ah! Si Jorge Nicoletta, Kuya ni Chansel hehe. Boyfriend ko rin," alanganing sambit ni Carmelle sa kasintahan niya. 

"Naks. Iba talaga kapag may charisma ano?" biro ni Aleros na tinawanan namin. 

"Akala ko si Casley ang unang magpapakilala sa atin ng jowa," ani pa ng isa naming kaklase dati na hindi ko na maalala iyong apelyido. 

"Well. . . maghintay kayo malapit na," tugon ni Casley sa kanila subalit alam kong nagsisinungaling siya.

Kasi as far as I know, hindi pa siya fully nakaka-move on sa loko-loko niyang ex.

Naalala ko kasi dati na may pinakilala siya na gusto niyang guy hanggang sa nalaman ko na 'yung taong gusto ko dati, e. Iyon pala 'yung taong gusto niya rin at gusto rin siya. 

Ako na 'yung nagparaya noon kasi syempre, kaligayahan iyon ng kaibigan ko. Alangan namang hadlangan ko kasi gusto ko rin 'yung tao e, magkakasakitan lang kami kapag gano'n kaya pinili kong huwag na lang at isa pa, pinapahalagahan ko 'yung relasyon namin ni Casy.

Mas mahalaga sa 'kin ang friendship na mayroon kami kaya ayon, bukal sa loob kong ginawa 'yun na hayaan na lamang sila. . . not until nalaman kong naghiwalay na sila nitong nakaraang buwan lang. 

Malamang sariwa pa rin sa kaniya 'yung sakit ng break up nila. Alam kong ayaw ni Casley na ipaalam sa iba 'yung kasalukuyan niyang kalagayan kaya ako 'yung nagkukusang lumalapit sa kaniya at nakikinig sa mga kuwento niyang madalas nagpapalungkot at nagpapaiyak din sa kaniya. 

Gano'n naman talaga kapag best friends kayo 'di ba? Nagdadamayan at hindi nag-iiwanan.

"Wait, wait! Bago matapos ang gabing ito, hayaan ninyong ipakilala ko itong nagbabalik nating tropa!" Malakas ang boses na announcement ng dating presidente namin sa klase. 

"Meet, Frenzrijo Valbueno! Late ka ngayon dumating ah. Actually bro, patapos na kami!" Natawanan ang lahat dahil sa sinabi no'ng former pres namin noong elem. 

"Ah gano'n ba? Sorry, kasi late ako." Biglang pagpapaumanhin ni Frenzrijo na tinawanan nilang lahat maliban lang sa 'kin. 

Hindi ako natutuwang makita siya rito. 

Habang masaya ang lahat, napansin kong sumimpleng tumitig sa akin si Frenzrijo at ako lang itong iniiwasan iyung titig na iyon. 

Nakakainis, kaya nagdadalawang-isip ako kanina na dumating dito, e. 

"Woops! Mukhang may magbabalik na loveteam noon ah! Sige na, puntahan mo na 'yung gusto mong puntahan, Renjo." May halong panunukso pang sabi muli no'ng pres namin na hindi ko ikinatuwa pero tinawanan nilang lahat 'yun. Kainis naman.

Umalingawngaw ang tuksuhan sa paligid. Naghiwayan din sila na parang mga tanga. As if namang magkakaroon pa ulit ng loveteam, sus. 

Itong si Frenzrijo Valbueno also know as Renjo. Kababata ko na siya noon pa lang at talagang close na kami kahit dati pa. Actually, kilalang-kilala rin siya nila Mama at Papa dahil nga rin sa dati kaming magkapitbahay, noon.

Masaya naman na sana ang childhood ko kasama siya not until noong nalaman kong kailangan nilang lumipat ng bahay at ang masaklap pa, sa ibang bansa pa.

Inaamin ko rin na siya 'yung naging first pa sa dami ng naging crush ko, inspirasyon ko siya noong elementary pero noong nawala siya?

Tapos, umalis pa nang hindi man lang nagpaalam sa 'kin? Masakit kasi sa mga magulang ko pa nalaman na nakaalis na sila.

Ang tagal kong kinimkim 'yung sama ng loob ko sa kaniya. Minabuti ko na lang na manahimik sapagkat hindi ko na siya gusto ko ngayon at wala na kong balak na gustuhin pa siya dahil minsan na niya akong iniwan at hindi na ko papayag na iwanan niya ako ulit. Hinding-hindi na. 

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakangiti siyang lumapit sa akin tsaka tumabi ng upuan. Talagang todo iwas akong tumingin sa kanya. Ayaw ko siyang tingnan, actually. 

"Uy. Nagtatampo ka pa rin ba?" Hindi ko siya pinansin. Nakatingin lang ako sa katapat kong pagkain. 

"Chelsi—"

"Huwag mo nga akong matawag-tawag sa pangalan ko." Taas - kilay kong sabi saka ko siya inirapan. 

Naiinis kasi talaga ako sa kaniya. Tapos ngayon babalik-balik siya? Psh. 

"Sorry na," sinserong aniya dahilan para mapatingin ako sa kaniya, saglit. Sinilip ko lang naman 'yung mukha niya at talagang sincere siya sa sinasabi niya. 

"Matagal na iyon. Nakalimutan ko na nga, e." Blanko ang mukhang sabi ko saka kumuha at kumain ng nachos na nakalagay sa mangkok na nakapatong naman sa babasaging lamesa.

"I'm sorry kasi hindi ako nagpaalam sa 'yo. E, kasi that time, talagang nagmamadali na sila Daddy na umalis kaya ayon. . . hindi na ko nakapagpaalam sa iyo." Naka-pout niyang paliwanag habang nakatingin pa rin sa akin. 

"Ang kulit mo 'no? Okay na nga iyon, sabi. Past is past, just forget it." Pigil ang inis kong reply sa sinabi niya.

"Hindi gano'n kadaling kalimutan iyon, kung alam mo lang 'yung nangyari sa akin doon, hays." Malungkot pa niyang kuwento. Napatingin ako sa kaniya, sa mukha niya. Mata sa mata.

"Sige nga? Bakit ano ba nangyari sa 'yo?"

"Hanggang ngayon, ikaw pa rin." Natawa ako sa sinabi niya. 

Ang clichè na no'ng line na iyan. Hindi na ko bumibigay diyan, Frenzrijo

"Seryoso ako, Chelsie. Gusto pa rin kita. All this time, ikaw pa rin talaga." Direkta niya akong tiningnan sa mata. Umiwas ako ng tingin. 

Parang kinakausap niya ako gamit 'yung mga mata niya na dati pa man ay talagang nagustuhan ko na sa kaniya. 

"Buwiset ka. Huwag mo kong titigan." Wala sa sariling komento ko saka ko iniwas itong paningin ko sa gawi niya. Kumain na lamang ulit ako ng nachos. 

"Babawi ako sa iyo. . . promise," paninigurado niya habang nakatingin sa akin at nakisabay pa sa akin na kumain ng nachos. Singkit ang mga mata kong tumingin sa kaniya.

Gaya-gaya ba siya? Ako lang kumakain ng nachos dito, e. 

"What? Ikaw lang ba puwedeng kumain nito?" aniya na para bang nabasa niya ang naiisip ko. Pinanliitan ko siya ng mata ko.

Psh, kung trip niya kong asarin then well done Mr. Valbueno, kanina pa ko naasar sa iyo

Pagkatapos noong reunion party, syempre may kani-kaniyang uwian na. Sina Chansel at Carmelle ay nauna ng umuwi kasama 'yung mga boyfriend nila. Syempre, pati iyong iba naming mga classmates dati ay nagsiuwian na rin.

Ngayon, nagpumilit itong si Frenzrijo na siya na raw maghatid sa aming dalawa ni Casley.

Nakakainis! Kasi naman itong si Casy pumayag agad not knowing na ayaw kong magpahatid sa lalaking 'to. Kaya ito, no choice ako. Kasalukuyan na akong nakasakay ngayon sa kulay abo niyang sasakyan. 

Walang imik akong nakatitig sa bintana ng kotse nito. Kasalukuyang mahimbing na natutulog si Casy sa tabi ko, nakasandal ang ulo niya rito sa balikat ko. Dahil sa sobrang kalasingan kaya ayon, bagsak ang katawan niya. Ngayon, pinag-iisipan ko na kung paano ko iuuwi itong kaibigan ko na 'to. 

Bakit ba kasi lasinggera, e. 

"Saan ba nakatira si Casley?" pambabasag ni Frenzrijo sa pananahimik ko. 

"Sa may subdivision na malapit sa amin," malamig kong wika na tinanguan niya. 

"Doon pa rin ba kayo nakatira?" dagdag tanong niya muli.

Pasimple pa siyang tumingin sa puwesto ko gamit ang side mirror ng sasakyan niya. As if namang hindi ko napapansin na sinisilip niya ko, tch. 

"Oo," tipid kong sagot na ikinatahimik niya. 

Ilang minuto pa ang lumipas at nag-park na ng kotse si Frenzrijo sa loob ng subdivision nila Casley. Mabuti na lang kamo at pinayagan kami no'ng guard na mag-park doon. 

Noong huminto na ang kotse niya ay dali-dali akong lumabas doon at pilit na pinapabangunin si Casy pero bigo ako. 

"Ako na," pag-aako ni Frenzrijo na buhatin si Casy papunta sa mismong bahay nila. 

Ayaw pa kasing bumangon nang maayos, e. Mapapagalitan na naman siya nila Tito susme naman, bes! 

Nanatili kaming tahimik ni Frenzrijo hanggang sa makarating kami sa mismong bahay nila Casy. Nag-doorbell ako sa gate nila at pasalamat ako dahil gising pa itong mama niya. 

Nagpasalamat ito sa amin dahil naihatid namin nang buo at maayos ang anak niya. Ngumiti ako kay Tita at tinulungan si Frenzrijo na alalayan sa pagtayo si Casy. Pagkatapos ay ako naman ang hinatid ni Frenzrijo.

Kahit naman umayaw ako still magpupumilit pa rin siya kaya para saan pang pigilan ko siya 'di ba? 

"Goodnight. Salamat sa paghatid," malumanay kong paalam na nagpangiti sa kaniya. 

"Goodnight din. Sweetdreams, Elsie." Nakangiting banat pa niya dahilan para kiligin ako nang konti lang naman, syempre. May tampo pa rin kasi ako at umaasang babawi nga talaga siya. 

Pagkatapos ay pumasok na ko sa loob ng bahay at hinayaan ang sarili ko na alalahanin ang mga nangyari mas lalo na 'yung muling pagkikita namin ni boy best friend ko na kababata ko na crush ko rin dati! Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ko. 





Lunes ng umaga. 

Maaga akong pumasok sa school at tulad ng inaasahan ko ay hindi pa rin nakaka-move on si Casley sa mga nangyari no'ng sabado.

Iyong sa reunion night namin with our old classmates no'ng elem. Iyon pa rin kasi 'yung bukambibig niya hanggang sa mag-uwian ay iyon pa rin ang kuwento niya. Sinasabayan ko na nga rin siya minsan sa pagkukuwento niya. 

"Mabuti na lang patapos na 'yung school year natin! Magbabakasyon na naman. Ahm, ano kayang magandang gawin?" pang-iiba ni Casy ng topic.

"Reunion ulit kaso tayong apat lang nila Carmelle tsaka Chansel miss ko na sila e," suhestiyon ko na sinang-ayunan din naman niya.

Nawala ang atensyon namin sa isa't isa nang biglang may nakita kaming lalaki na hindi namin inaasahan na makita ulit.

"Czy..." mahinang tawag ni Casley.

"Czhyrille..." wala sa sariling wika ko naman saka tumingin kina Czhyrille at Casley. Nagkatitigan silang dalawa sa harapan ko.

Sayril, the great ex of Casley na nanloko sa kaniya at dating gusto ko rin. 

"Cas, Elsie," mahinang usal niya sa nickname niya sa aming dalawa ng girl best friend ko.

"Bakit ka nandito?" Iniwas ni Casy ang tingin niya kay Czhyrille. 

Sabi sa inyo, hindi pa 'yan nakaka-move on, e. 

"Gusto kong mag-sorry sa iyo at kausapin ka na rin nang ikaw lang mag-isa." Nanliit ang mga paningin ko dahil sa narinig kong sinabi niya. 

Magpaparinig pa, hindi na lang sabihin nang direkta, tch

Kaya ito no choice ako, kailangan kong umuwi nang ako lang mag-isa. Hinayaan ko na lang sila mag-usap. Alam ko kasing pareho nilang kailangan iyon. 

Kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa bahay ko. Not until makita ko si Frenzrijo na nakasandal na nakatayo sa gate ng bahay namin.

Bakit siya nariyan, aber?

Tinuon ko ang buong atensyon ko sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa gate ng bahay namin at nandoon pa rin siya. Blanko ko siyang tiningnan. Napailing ako at nagpasyang lapitan ito sa kasalukuyang puwesto niya.

"Bakit ka nandito?" Tipid kong tanong. 

"Tita Chels invited me here to join you sa family dinner ninyo," aniya na para bang pinagdidiinan pa ang salitang ‘you.’

Pinapalabas niyang nanay ko talaga iyong nag-invite sa kaniya at napadpad siya rito dahil sa akin.

Well, kung si Mama nga talaga ang nagsabi e 'di no choice ako ulit kasi alam kong kilala siya Mama at Papa. Mukhang na-miss pa nga siguro nila siya.

"May choice pa ba ako?" balik-tanong ko sa kaniya saka tumuloy na sa loob ng bahay namin. Sumunod naman siya sa akin pagkatapos niyang isara ang gate namin. 

"Ay, Renjo! Chelsie, anak! Nariyan na pala kayo. Punta na kayo sa hapag, kakain na tayo ng hapunan. Saktong-sakto ka lang hijo," bati ni Mama sakin at sa bisitang inaasahan nila. 

Pareho kami ni Frenzrijo na nagpuntang kusina para kumain. Bahagya pa nga akong nagulat kasi ang dami nilang inihandang pagkain na minsan lang din mangyari sa bahay. 

"Himala. Ang daming ulam ah," parinig ko na tinawanan nila Mama at Papa. 

"Ganiyan talaga kapag may bisita, Ate. Tara na kuya, kain tayo." Natatawang komento naman ng kapatid kong si Chelily tsaka niya niyaya si Frenzrijo na kumain. 

Tumabi ako sa kapatid ko ng upuan at sumunod na tumabi naman sa akin si Frenzrijo. Pinanliitan ko siya ng mata subalit binalewala niya lang iyon.

Ayaw ko siyang katabi ng upuan pero still no choice ako, argh! 

Ngumiti sina Mama at Papa kay Frenzrijo saka sila nagkuwentuhan about sa past na ako mismo ay gusto ko na ring kalimutan at pinilit kong makalimutan na.

Hanggang sa matapos kaming kumain hindi naubos ang kuwentuhan nila. Ngayon ay labag pa rin sa loob kong ihatid siya dito sa labas ng bahay namin. Tinatamad kasi ako.

Papasok na sana ulit ako ng bahay at ikakandado na sana ang gate nang biglang tawagin niya ako ulit kaya inis akong tumingin sa kaniya at lumapit.

"Bakit ba—"

Mapahinto ako sa pagrereklamo ko nang bigla niyang kagatin ang tainga ko dahilan upang awtomatikong napatikom ang bibig ko. Para bang may kuryenteng dumaan sa buong katawan ko at hindi lang iyon, ah. Hinalikan niya rin ako sa noo ko dahilan para mapatitig ako sa kaniya.

Hindi pa siya nakuntento roon ah. Niyakap niya rin ako ng pagkahigpit-higpit na para bang miss na miss niya ako.

"I miss you so bad, Elsie." Sinserong sambit niya habang nakayakap sa akin.

Hindi ko siya niyakap pabalik. Para akong naestatwa sa sunod-sunod na ginawa niya sa akin at huli ko na rin na-realize na nakaalis na pala siya dahil sa sobrang pagkabigla ko't pagkatulala. 

Hindi ko narinig na nagpaalam siya sakin. Hinayaan ko nalang iyon at pinilit na burahin sa isip ko 'yung nangyari pero para itong sirang plaka na nagpaulit-ulit sa utak ko hanggang sa napanaginipan kong naging kami at dahil doon kaya napaaga ang gising ko sa usual na oras ko ng gising. 

So ayon, kinaumagahan. Pagkapasok ko ng classroom namin. Napansin kong tahimik na si Casley hanggang sa mag-uwian ay tipid itong nakikipag-usap sa akin at sa iba pa naming kaklase. Nagtaka na ko kasi hindi ito iyong Casley na kinasanayan ko. 

Kaya noong mag-uwian ay kinompronta ko siya pero pinili niyang manahimik at hindi sabihin sakin yung totoo kaya hindi ko na siya pinilit. Alam kong balang araw ay masasabi niya rin sa akin ang totoong dahilan kung bakit siya ganiyan makitungo sa akin ngayon. 

Malungkot akong naglakad pauwi not until nung makita ko ulit si Frenzrijo. Nag-alala siya sa akin kasi malungkot akong umuwi at sa hindi ko malamang kadahilanan ay pinasakay niya ako sa passenger's seat ng kulay abo niyang kotse at sumakay din ako not knowing kung saan niya ako balak dalhin. 

Kunot ang noo ko siyang tiningnan noong biglang iparada niya ang kotse niya sa isang condo. Nai-park niya ang kotse niya sa basement na nasa ilalim nitong mismong condo tsaka siya bumaba at inalalayan akong buksan ang pintuan ng kotse niya. 

"Huy! Saan tayo? Loko ka kung saan-saan mo ko dinadala. Susumbong kita sa tatay ko, akala mo ha," pananakot ko sa kaniya na tinawanan niya lang.

Aba't—

"Wala akong gagawin sa iyo, tuleg. Maglalaro lang tayo. Papasayahin ko lang ang malungkot kong Elsie," nakangiting aniya.

Pinigilan kong ngumiti sa kanya pabalik dahil ayaw kong malaman niyang may epekto pa rin siya sa akin na sa nakikita ko ngayon ay mayroon nga. 

Nagtake kami ng elevator saka niya pinindot ang 7th floor at nung natunton na namin ang condo room niya ay pumasok na kami roon.

Medyo malakas pa ang loob kong maggala ngayon kasi hapon pa lang naman pero uuwi pa naman ako sa bahay mamaya. Sana nga lang e iuwi ako nitong Frenzrijo na 'to. 

"H-Hoy! Ano bang binabalak mo— sandali nga!" Malakas ang boses na sambit ko pero binawi ko rin iyon dahil may nakita akong kdrama cds. 

Hindi ko alam pero napangiti ako dahil sa mga nakita ko. Paborito ko kasing manood nito, hehe.

"Trip mong manood?" usisa ni Frenzrijo saka ito umupo sa sofa na katapat ng flatscreen niyang tv. Awtomatik na tumango ako sa tanong niya. 

Moon Lovers ang pinanood ko. Grabe. Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako sa kamatayan ni Baekhyun! 

Palagi kong ini-i-skip iyong mga kissing scenes noong mga bida at tinatawanan ako ni Frenzrijo kapag ginagawa ko iyon sa harapan niya. 

Masaya akong nanonood but never did I realize, nakaramdam ako ng antok.

Bahagya kong inayos ang ulo ko sa sofa hanggang sa maramdaman kong lumapit si Frenzrijo sa akin at pinatong sa balikat niya ang ulo ko.

Pasimple ko siyang tiningnan at nakita kong nakatutok siya roon sa pinapanuod namin. Labanan na nga naman kasi 'yung part na iyon.

Hinayaan kong makatulog ako not until nung biglang magising ang diwa ko at dun ko naramdaman na binuhat ako ni Frenzrijo papunta sa higaan niya. Ewan ko bakit nagkunwari akong tulog habang karga niya ako. 

Marahan niya akong inihiga sa kama niya saka niya inayos ang kumot at sinet pa niya yata ang aircon niya dahil may narinig akong tunog ng aircon at bahagya ring lumamig sa kuwarto. 

Hindi niya ako iniwanan sa akala niyang mahimbing na pagkakatulog ko. Hinawi pa nga niya yung buhok tsaka hinalikan sa noo.

Pasimple ko siyang tiningnan at suwerte ako dahil tumalikod siya sakin at nakita kong may number siyang tinawagan.

Nagkunwari ulit akong tulog at pinakinggan siya habang may kausap sa phone. Pasimple ko rin siyang sinisilip. 

"Hello, Tita Chels? Kasama ko po si Chelsie ngayon dito sa condo ko po. Opo, kaming dalawa lang. Opo. Opo. Promise ko pong iuuwi siya bukas. Opo. Sige po. Salamat po Tita, pasabi na lang po kay Tito. Sige po. Thank you po ulit. Goodnight po," aniya habang sunod-sunod na tumango. Napapikit ako ulit noong biglang siyang lumingon sa puwesto ko. 

"Tsk. Magkukunwari ka na ngang tulog, halata pa. Ewan ko lang sa 'yo Elsie, ah." pasaring niya sa akin dahilan para maidilat ko ang mga mata ko. 

Ano pang sense na magkunwaring tulog kung alam naman na niya 'di ba?

"E, pake mo ba?" pagtataray ko na tinawanan niya lang. 

"Matulog ka na ulit. Bukas na kita ihahatid pauwi sa inyo," sambit nito sa 'kin saka inayos ang kumot ko. 

"Saan ka naman matutulog, aber?" Taas-kilay kong tanong sa kaniya. 

"Sa sofa—"

"Ano?! Hindi ka sanay sa sofa. Ikaw na lang dito at ako na lang matutulog doon." Dali-dali akong bumangon at tumayo sa kama pero pinigilan niya ako. 

"Chelsie, babae ka. Tingin mo hahayaan kitang matulog sa sofa? Huwag kang makulit at dito ka na matulog," pagpupumilit pa nito.

Tinapik ko ang kamay niya saka ako kumuha ng dalawang unan na nasa kama niya at nagsimula na akong maglakad papunta roon sa sofa ngunit hinabol niya ako saka binuhat na parang sako. Pinagpapalo ko ang likuran niya. Ang sakit ng ulo ko dahil sa pagkabuhat niya sa akin. 

Hindi ko naman kasi in-expect na bubuhatin niya ako nang gano'n!

"Ano ba! Ang kulit mo. Sa sofa nga ako matutulog kasi hindi ko ito bahay!" Inis kong sigaw sa kaniya ngunit hindi niya iyon pinansin.

Pinilit kong kumalag hanggang sa mabalibag niya akong naihiga sa kama at hindi ko akalain na pati siya e, mahihiga rin.

Napapikit ako sa lakas ng pagkabalibag hanggang sa dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Sobrang lapit. AS IN SOBRANG LAPIT NG MGA MUKHA NAMIN.

Biglang akong nakaramdam ng kaba. Para akong nabingi bigla at tanging kabog lang ng puso ko ang naririnig ko. 

Sh*t. Huwag mong sabihing siya na ulit? Argh, heart! Traydor ka talaga.

Napatitig kami sa isa't isa. Walang galawan, as in titig lang talaga. 

Bakit? Akala ko mawawala rin tong pakiramdam na ito pero hindi pala. Akala ko naibaling ko na sa iba pero hindi pa rin pala

"Renjo..." mahinang tawag ko sa pangalan niya at tingin ko roon lang siya natauhan.

So kapag hindi ko siya tinawag, hindi pa talaga siya aalis sa pagkakapatong sa ibabaw ko?! Hay buhay.

"Ikaw kasi. Ang kulit mo. Sinabing dito ka na matulog. Akin na iyan." Sunod-sunod pa niyang sabi saka kinuha ang dalawang unan na kanina lang ay bitbit ko. 

Anong problema no'n? 

Taka ko siyang tiningnan hanggang sa isirado niya sa pinto ng bedroom niya. Nakakapagtaka. Para siyang estudyante na nahuling nakikipagkopyahan sa kaklase niya tapos kapag nahuli e, todo tanggi.

Hay ewan. Basta iyon na 'yun. Ang cute lang, pfft.

Nakatulog ako ng mahimbing sa kuwarto niya at kinaumagahan ay inihatid niya nga ako sa bahay namin at pagkahatid niya sakin ay agad akong nag-ayos kasi may klase pa ako.

At tulad ng inaasahan hindi pa rin ako kinikibo ni Casley. Dumalas na iyong pagiging ganyan niya sa akin at ewan ko ba kung bakit.

Nalulungkot ako saka nasasaktan sa paganiyan-ganyan niya. Hindi ko alam kung anong trip niya at ganito 'yung trato niya sa akin.

Dumalas yung mga araw na hindi niya ako pinapansin. Tipid siyang makipag-usap sakin at madalas mas kinakausap niya pa yung iba kesa sakin na best friend niya. Ang sakit lang, haha. 

Naikukuwento ko na rin 'yung sitwasyon ko na yun kay Frenzrijo kasi wala na kong mapagkuwentuhan, e. Mabuti na lang dahil willing to listen naman siya at sabi ko nga, boy best friend ko rin siya dati and until now pa rin naman.

Nandito kami ngayon sa mall at kasalukuyang naglalakad hanggang sa maabutan ako ng tawag ng kalikasan. Daglian akong nagpaalam kay Frenzrijo na magbabanyo muna ako at saka ko siya iniwanan doon sa tapat ng isang cafe.

Dali-dali akong naghanap ng cr sa mall at mabuti nalang dahil nakakita ako agad bago sumabog ang tumbong ko. Pagka-cr ko ay may hindi ako inaasahan na taong makikita. 

"Oh, Czhyrille. Nandito ka rin pala," bati ko sa kanya subalit nagulat ako nang bigla niya akong halikan. 

"Hoy, anong problema mo?!" Tinulak ko siya pero hindi iyon ang nagpatigil sa kaniya sa ginagawa nito.

"Hindi ba sinabi ni Casley sa iyo?" Awtomatikong nagsalubong ang dalawang kilay ko nang bigla nitong banggitin si Casy sa harap ko. 

"Bakit?" usisa ko sa kanya. 

"Kaya ko siya hiniwalayan ay dahil sa iyo, dahil sa iyo, Chelsie. Gusto kita—" Sa sobrang inis ko sa mga naririnig ko mula sa bibig niya ay hinayaan kong lumipad ang palad ko papunta sa pisngi niya. Sinampal ko siya.

"Walang hiya ka. Kaya niya pala ako hindi pinapansin no'ng tao ay dahil sa iyo. Ang tanga mong hayop ka! Bakit si Casley pa 'yung ginanito mo? Ha? Hindi niya 'to deserve. Alam mo 'yan!"

Hindi siya umimik bagkus ay nakipagtitigan pa siya sa akin na para bang ineeksamin ang bawat galaw ko. Huminga ako nang malalim.

"Talagang manloloko ka na nga, nantutuhog ka pa at naninira ng pagkakaibigan!" Puno ng sama ng loob na sigaw ko sa kaniya saka ko siya dinuro-duro at pinaghahampas. 

Pareho niyang hinawakan ang dalawa kong kamay saka niya ako sinuntok sa tiyan dahilan para manghina ako at doon niya ako hinalikan ulit.

Tinuloy niyang halikan ako hanggang sa makita ko sa gilid ng mga mata ko si Frenzrijo na nakatingin sa amin.

Nag-ipon ako ng lakas hanggang sa maitulak ko siya at patakbong hinabol ang papaalis nang si Frenzrijo. Nanghihina akong tumakbo para habulin siya.

Ilang beses pa kong nakabangga ng mga taong dumadaan sa mall, hanggang sa madulas ako't madapa sa sahig ng mall.

Lumapit agad sa akin 'yung janitor at humingi ng sorry dahil hindi niya nalagyan ng caution ang basang sahig.

Pigil ang luhang hinanap ko pa rin si Frenzrijo subalit sa sobrang dami ng tao rito ay hindi na siya nahagilap ng mga mata ko.

Iniwan na niya ako... 

Tatayo na sana akong mag-isa noong may biglang umalalay sa aking tumayo.

"Hala, Sir. Ma'am. Sorry po talaga," pagpapaumanhin pa ni Manong Janitor sa amin.

"Okay lang po 'yun, Sir. Tatanga-tanga lang po talaga itong girlfriend ko kaya ganito. Sorry din po. Ilagay mo na rin po 'yung cautions para wala na ring magaya rito," parinig niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Magkahawak ang mga kamay naming umalis sa mall ngunit ramdam kong iba 'yung timpla ng aura niya. 

"Sakay," malamig niyang sabi na sinunod ko kaagad. Nandito na kami sa loob ng kotse niya.

Alam mo 'yung pakiramdam na galit 'yung tao sa iyo pero ayaw niyang maramdaman mo iyon? Tipong dinadaan niya sa pagiging cold niya then kapag biniro mo siya hindi siya tatawa.

Ah basta, iyon na 'yun. Ganoon ang aura niyang nararamdaman ko ngayon sa paligid niya. 

Hanggang sa makarating kami sa condo niya e, pareho kaming tahimik. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya kakausapin kaya ito, hinihintay ko siyang magsalita.

Kakaisip ko ng mga bagay-bagay hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa bahay niya. 

"Elsie," napalingon ako sa kaniya nang biglang niya akong tawagin. 

Naka-pout siya sa harap ko. Parang batang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Hindi ko alam pero niyakap ko rin siya pabalik. 

"Bakit?" kunot-noong tanong ko na hindi niya sinagot. 

Pagkatapos niya kasi akong yakapin ay pinaupo niya agad ako sa sofa niya. Nagulat na lamang ako dahil may hinalungkat siya sa drawer na nasa ilalim ng tv niya at first aid kit pala 'yung hinalungkat niya. Doon ko lang na-realize na may sugat ako sa paa. 

"Huwag kang magalaw," mariing utos niya saka niya inilagay sa tabi ko 'yung kit. 

Kumuha siya ng bulak at alcohol. Marahan niyang nilinisan 'yung sugat ko at ako ay todo tiis talaga sa sakit at kirot.

Pagkatapos linisin ay naglagay pa siya ulit sa bulak ng betadine naman at dahan-dahan ding inilagay iyon sa sugat ko.

Pagkatapos ay kumuha siya ng band aid then nilagay niya iyon sa sugat ko. Tiningnan niya ako at bahagya akong nagulat noong halikan niya itong sugat ko. 

"Gagaling na 'yan," bulong niya pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko.

Tiningnan ko siya sa mukha nito, umaaasang titingnan niya ako pabalik subalit nagkamali ako. Umiwas siya ng tingin.

"Teka nga— aray!" Napasigaw ako sa sakit noong pinilit kong tumayo para sana ay kutongan siya dahil sa inasta nito sa 'kin. Mabilis niya akong tinulungan na makaupo. 

"Ang kulit mo, ano? Sinabihan na nga kitang huwag makulit, hindi ba? Bakit ba ang tigas ng ulo mo." Bigla akong nanlumo dahil nasigawan niya ako. 

Naiiyak tuloy ako sa sobrang sakit ng paa ko

Nakita kong nataranta agad siya nung nakita akong umiyak. Hindi ko na kasi mapigilan, ang sakit talaga ng paa ko, e.

Pero gagamitin ko na rin tong pagkakataon na to para makapagpaliwanag sa kaniya. Kahit na magmukha akong batang umiiyak dahil ninakawan ng kendi.

"I-Iyong nakita mo sa amin ni Czhyrille, wala lang naman iyon, e. Buwiset kasi siya. Pinagyabang niya pa sa akin na kaya siya nakipag-break doon sa best friend kong si Casy ay dahil daw sa 'kin."

"Nanggigil ako bigla kasi syempre, kaya pala hindi ako pinapansin ni Casley kasi sinabi niya iyon. Nakakainis lang," lumuluhang paliwanag ko sa kaniya dahilan upang mapako ang paningin niya sa 'kin.

"Bakit mo siya hinalikan?" Blanko ang mukhang tanong niya sa 'kin. Ngayon nakatitig na siya sa akin. 

"Hindi kaya. Siya 'yung unang humalik! Hindi ko gusto iyon. Punyeta siya, ninakaw pa 'yung first kiss ko—"

Hindi ko agad naituloy iyong pagrereklamo ko nang bigla niya akong halikan sa labi. 

"Ano ba!" Tinulak ko siya dahil sa pagkabigla ko. 

"Gusto ko lang malaman mo na hindi siya ang unang nakahalik sa iyo."

Direkta niya akong tiningnan, tumagal iyon ng ilang segundo at dahil doon ay biglang bumalik sa alaala ko 'yung aksidenteng halikan namin ni Frenzrijo noong mga bata pa kami.

Dahil talaga sa lollipop iyon, e. Kung hindi niya inagaw sa 'kin iyon e 'di sana hindi ako nadulas at nabangga sa kanya at. . . aksidenteng nahalikan siya.

"Isa ka ring buwi—"

Napatahimik agad ako noong biglang niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Halatang gusto niya ulit akong halikan e, pero hindi niya ginawa. 

"Isang buwiset mo pa, isang mura mo pa, makakatikim ka ulit sa akin," pang-aakit niyang sabi dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko. Inilayo niya ulit ang mukha niya sakin. 

"E 'di wow— aray!"

Tatayo sana ako ulit para makatakbo papunta sa kuwarto niya pero nakalimutan kong sugatan pala ako. Tinawanan ako ni Frenzrijo at tinulungang tumayo at inupo niya agad ako sofa.

"Matutulog ka na ba?" usisa niya na tinanguan ko na lang kasi medyo inaantok na rin ako. 

Tumayo siya at binuhat ako na parang bagong kasal. Marahan niya akong inilapag sa malambot niyang kama. Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya. Huminto siya saka tumingin sakin. 

"Bakit?" kunot-noong usisa nito saka pasimpleng tumingin sa kamay niyang hawak ko. Kaya binitawan ko agad iyon. 

"Dito ka matulog sa tabi ko," anas ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"Ha?"

"Dito ka na kako matulog."

"Bakit?"

"Ay paulit-ulit. Bahala ka nga diyan. Dito na nga pinapatulog ayaw pa, e 'di wag. Ang dami pang tanong, psh."

Sunod-sunod kong reklamo saka nagtalukbong ng kumot. Narinig kong mahina siyang tumawa saka tumabi sa 'kin. 

"Napakamatampuhin talaga, hanggang ngayon Elsie," natatawang komento pa nito sa nasabi ko. 

Nilabas ko lang ang ulo ko mula sa pagkakatalukbong ko tsaka ko siya sinamaan ng tingin. Natawa siya sa ginawa ko. Niyakap niya ako habang nakatakip ako ng kumot at pinanggigilan ang pisnge ko. Sa inis ko sinambunutan ko siya. 

Aba, tama bang pagpipisilin ang nananahimik kong pisnge? Hindi yata maganda iyon, masakit

"Aray," reklamo niya saka ako tiningnan nang masama. Nginitian ko lang siya pagkatapos ko siyang sambunutan. Hindi namin namalayan na nakatulog kami sa paghaharutan namin.

Kinaumagahan, mabilisan kong kinuha ang cellphone ko sa side table tsaka tiningnan ang date. 

Sabado
Ay salamat, akala ko may pasok ngayon.

Babalik sana ako ulit sa pagkakatulog ko nung napansin ko ang malaanghel na mukha ni Frenzrijo. Lumapit ako sa puwesto niya. 

'Yung mga tao, mukha talagang mabait kapag tulog ano?

"Nakalimutan kong itanong yung sa girlfriend na sinabi mo no'n. Ahm. Hay, huwag na nga lang," mariing bulong ko saka ako nagpasyang babangon na sana pero nagulat ako nang biglang hilahin ako pahiga ni Frenzrijo. 

"Girlfriend na kita, yan ang alam ng Mama at Papa mo. Actually ikaw na lang ang walang alam." Awtomatik na napataas ang kilay ko sa sinabi niya. 

"Ano?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Nakapikit pa rin siya, nagpapanggap na tulog pero hindi. 

"Hayst. Ang ingay mo naman," reklamo niya saka niya ako pinatalikod. Bahagya akong nagulat dahil bigla niya akong niyakap sa likuran ko habang pareho kaming nakahiga. 

"Ano bang trip mo? Nagugutom na ko," anas ko muli sa kaniya. Pero parang pinagsisihan ko lang na nagreklamo pa ko. 

"Ano? Aangal ka pang gutom?" aniya pagkatapos akong halikan sa labi. 

"Yak! Wala pa kong sepilyo," reklamo ko ulit na tinawanan niya. Niyakap niya muli ako. 

"Pa-charge muna ako. Mamaya ka na bumangon." Sakto pagkasabi niya no'n, biglang tumunog ang tiyan ko. Natawa siya dahil narinig niyang kumalam ang sikmura ko. 

Hindi naman kasi ako nagbibiro na gutom na talaga ako.

Ilang minuto pa ang lumipas, hindi niya talaga ako hinayaan na makabangon sa kama niya hanggang sa kusa siyang bumangon at nagpuntang kusina.

Sinundan ko siya roon pero pinigilan niya akong magluto. Salubong ang dalawang kilay kong tiningnan siya ngunit hindi niya pinansin iyon.

"Doon ka muna sa sala, ako na magluluto," pag-aako niya sa dapat na gagawin ko.

Hindi na ko nagprotesta dahil magpupumilit lang siya kaya hinayaan ko na lang.

Pagkatapos niyang magluto ay tinitigan ko siya pati 'yung niluto niya. Ineeksamin ko siya pati itong luto niya.

Baka mamaya hindi pala masarap ang pagkakaluto niya. Hindi sa judgemental ako, naninigurado lang.

Sa totoo lang hindi ko pa alam kung masarap ba siyang magluto kaya medyo kinakabahan akong tikman 'yung niluto niya ngunit nahalina niya rin akong kumain noong tinikman niya muna bago niya ako sinubuan.

"Masarap?" Nakangiting tanong niya na alam niya naman 'yung sagot. Tumango lang ako saka kumain ulit. 

Pabalik na sana ako sa kuwarto dahil tapos na kong maghugas ng plato. Pero may biglang kumatok sa pinto ng condo unit ni Frenzrijo.

Ako na lamang ang nagkusang magbukas nito kasi naliligo pa si Frenzrijo. Tumambad sa akin ang isang patpating, matangkad at blonde na babae. 

Ang taas nga naman kasi ng heels niya kaya matangkad

"Hoy lalaki, Renjo! May bisita ka," pasigaw kong tinawag ang pangalan ng lalaking katatapos lang maligo. 

"Phanie— Chelsie, pumasok ka muna sa kuwarto," utos ni Frenzrijo na sinunod ko naman. 

Pagkapasok ko ay agad kong sinara ang pinto ngunit nag-iwan ako ng isang maliit na siwang doon para makita ko 'yung gagawin nila at para marinig ko rin iyong pag-uusapan nila. 

"Phanie? Bakit ka nandito?" Seryosong usisa ni Frenzrijo sa babaeng bagong dating. 

"I'm here kasi gusto kong bisitahin ka to surprise you but I didn't expect na ako pala itong masusurpresa. Who is she?" Alam kong ako 'yung tinutukoy noong babae. 

Kung maka-Ingles 'to, akala mo talaga, psh. 

"Wala ka na roon. Now tell me, why are you here?" Hindi sinagot ni Frenzrijo iyong tanong no'ng babae at patuloy pa rin siya sa pagpapatuyo ng buhok niya. 

"Wala lang. Ganiyan ka na ba sa fiance mo ha?" pagpaparinig pa no'ng babae na ikinagulat ko. 

Ano raw!? Mayroon siyang fiance?

"Ano ba, Phanie! Nananahimik na itong buhay ko. Huwag mo nang guluhin pa, pakiusap," iritableng tugon sa kaniya ni Frenzrijo. 

What the heck?! Anong nangyayari? Bakit pakiramdam ko parang may mali? 

"Alam mo 'yung sinasabi ko, Reji. Alam kong alam mo kaya huwag kang magkuwaring wala kang alam!" pasigaw na sambit no'ng babae kay Frenzrijo.

"Bakit ka ba kasi nandito ha?"

Ngayon, ramdam kong galit na si Frenzrijo. 

"Oh. . . I think I know ma bakit ganito ang initial reaction mo sa 'kin."

"Think what you want to think, I don't care about you."

"Ah. . . so, girlfriend mo nga talaga 'yung isang 'yun, ano?" Hindi umimik si Frenzrijo sa sinabing ito ng babae.

"Akala ko talaga hindi ka nagdadala ng babae rito sa condo mo kasi iyon ang sinabi ng Daddy mo sa akin but I guess mali siya, kasi naabutan ko ang anak niya na may kasamang ibang babae." Mas nagtaka ako sa sinabing ito ng babae. 

Ang ibig ba niyang sabihin ay. . . k-kabit ako?

"Umalis ka na rito," seryoso munit maawtoridad na ani Frenzrijo sa babae na fiance daw niya. 

"Okay, okay! Aalis ako pero kailangan mong pagsabihan ang babaeng iyon. Wala akong pakialam sa kung anong meron sa inyo pero..."

"Baka nakakalimutan mong isang tawag ko lang sa Daddy ko e, may puwede ng mangyari sa lolo mo kaya pinapaalalahanan na kitang mag-ingat sa kinikilos mo Reji dahil maraming nagbabantay sa iyo, sa inyo ng babae mo," may halong pagbabantang saad ng babae bago lumakad paalis. 

Hindi yata ito nabanggit ni Frenzrijo sa akin. Never niya itong nasabi sa 'kin at feeling ko wala siyang balak na sabihin sa 'kin.

Ni tungkol sa lolo niya ay wala rin akong ideya.

"Oo alam ko. Umalis ka na nga! Alam ko ang ginagawa ko." Seryosong sabi niya ulit doon sa babae. Lumapit 'yung babae sa kaniya at nagulat ako dahil hinalikan siya nito sa labi. 

"Good. Sige alis na ko, honey." Ngumisi ang babae sa harap ni Frenzrijo saka kinagat ang ibabang labi nito.

Sandali nga, bakit parang ang bilis naman yata ng mga pangyayari?

Napaupo ako sa kama dahil sa mga narinig ko at sa mga naiisip ko.  Bagsak ang mga balikat kong tiningnan si Frenzrijo na binuksan ang pinto ng kuwarto kung saan niya ako pinapasok. Lumapit siya at umupo sa tabi ko. 

"Ano 'yung pinag-usapan ninyo? Sino pala iyon? Bakit siya bumisita sa iyo?" Sunod-sunod kong tanong na nagkunwaring wala akong narinig kanina. 

Gusto kong marinig ang explanation niya. Kaya lang sana nga sabihin niya sa 'kin. 

"Chelsie, let's break up." Bahagya akong napalunok dahil sa sinabi niya. 

Ahh, so wala talaga siyang balak na magpaliwanag sa 'kin? 

"Ha? Makikipaghiwalay ka na?" kunot-noong tanong ko na pinipigilan ang sarili kong maluha dahil sa mga negatibong naiisip ko ngayon. 

"Oo—"

"Okay, fine. Alam kong kailangan mo kong iwan. Kaya sige, iwanan mo ulit ko, total doon ka naman magaling 'di ba?" wala sa sariling sumbat ko sa kaniya.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at saka naghanap ng mga gamit ko sa closet niya. 

Uuwi na ko. Tapos na ang palabas niya. Sinasabi ko na nga ba

Bakit pa ba ako naniwala na kaya niyang tuparin iyong pangako niya e nagawa na nga niya akong iwan noon e ngayon pa kaya?

Ang tanga ko talaga, haha.

My mind being sarcastic. 

"Chelsie, mahal na mahal kita."

Malungkot kong hinarap siya, pinilit kong itago na maluluha na ko kahit na alam kong anytime talagang maiiyak na nga ako. 

"Mahal?! Ang sakit mo naman magmahal," malumanay munit malungkot kong sabi.

"Aanhin ko iyon kung iiwanan mo lang rin ako? Kaya gusto mong humiwalay sa akin dahil ikakasal ka na 'di ba? Kung iyan ang gusto mo. Sige, sana masaya ka. Sana maging masaya ka," puno ng sama ng loob na sambit ko sa kaniya. 

Bahagya akong nagulat nung niyakap niya ako sa likod. Ramdam ko ang pagtulo ng luha niya sa damit ko. 

Siya ang may gustong humiwalay sa akin tapos siya pa ang unang iiyak? Nababaliw na yata 'to.

"Bitawan mo ko!" Pinilit kong itago ang lungkot na nananaig sa puso ko ngayon. 

"Chelsie, totoong minahal kita, patuloy na minamahal at gustong mahalin pa, sorry..." bulong pa nito na nagpalambot sa puso kong mamon.

Please Chelsie, huwag ka na ulit maging uto-uto.

"Frenzrijo, tama na. Kung ang pagmamahal mo na 'yan e hindi ako kayang ipaglaban mas maigi pa ngang iwan mo na lang talaga ako," walang ganang saad ko.

Patuloy na pinipigilan ang sarili kong maiyak. Napapikit ako noong napahigpit 'yung yakap niya sa 'kin.

"Bitaw!" Mariing utos ko na sinunod niya. Binitbit ko ang bag ko saka ako nagtangkang umalis.

"Chelsie!"

Hindi ako huminto sa paglalakad hanggang sa elevator. Pagkalabas ko ng condo ay naabutan ako ng ulan. 

Mabisang karamay talaga ang ulan sa mga ganitong panahon. Hinayaan kong umiyak ang sarili ko sa gitna ng ulan at saka ako nagdrama. 

Lahat na lang ng taong gusto ko, iniiwan ako...

Kasabay ng paglakas ng ulan ang luhang patuloy na umaagos sa pisnge ko. Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay blanko ako. 

Iyon na ang huling pagkikita namin at hinding hindi ko na papayagan ang pagkakataon na magkita ulit kami











----WAKAS----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top