Page 26

100 Names Writing Challenge
Story #3: Loraine Solace
Genre: Vampire/Paranormal.

It was a dead night. Wala akong marinig na kahit na anong tunog. Hindi ko alam kung bakit pero kahit wala akong marinig ngayon, para naman akong nabibingi sa sobrang katahimikan na kasalukuyang bumabalot ngayon dito sa loob ng kuwarto ko.

I choose to lie in my bed even though, my thoughts in my head aren’t gonna allow me to sleep peacefully inside this cold dark room of mine. And the moment, I close my eyes, I saw something.

I saw something bad that is currently happening outside of this house.

Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at ang paninikip ng dibdib ko. Huminga ako nang malalim at napalunok ng sarili kong laway. Awtomatikong napako ang mga paa ko noong nakakita ako ng isang walang buhay na tao, sugatan ang leeg nito at dilat na dilat ang kaniyang mga mata.

I was about to walk again nang bigla itong bumangon at sinigawan ako. Sa sobrang takot ko ay napaupo ako habang nakatakip ang magkabilaan kong tainga gamit ang dalawang kamay ko. Mariin akong pumikit.

I silently prayed inside my head, praying with uttering my name. And after that, the dead body was gone.

Magmula noong araw na iyon, sunod-sunod na akong nanaginip ng mga ganoong bagay. Madalas akong managinip ng mga bangkay na sugat-sugat ang leeg pati ang mga balikat nila’y duguan din. And I don’t know if I should interpret this dreams as something na may masamang message ito na nais ipaintindi mismo sa akin.

Isa pang nakapagtataka is that, bakit parang nagiging totoo ang mga napapanaginipan ko?

Breaking News!

Tatlo ang nakitang patay sa isang gubat na malapit sa tagong ilog na makikita sa probinsiya ng Capiz. Ang mga bangkay ay lasog-lasog na ang mga katawan at kung titingnan ito nang maigi ay kapansin-pansin na mas napuruhan ang leeg ng mga biktima. Possible kayang hindi tao ang gumawa nito? This is, Artijuan, nagbabalita mula sa Visayas. Balik sa inyo, Mike.

Naiwan sa isipan ko ang tanong na iyon galing sa reporter na napakinggan kong nagbalita sa tv na pinapanood ko rito sa salas ng bahay namin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kulay kape kong silya. Humarap ako sa salamin saka nakipagtitigan sa sarili ko.

Hindi tao ang kayang gumawa ng mga ganitong karumal-dumal na mga bagay at kailangan kong alamin kung anong klaseng nilalang ang may kakayahang pumatay ng tao sa ganitong paraan.

Kinagabihan ay tumawag sa telepono ang mga magulang ko, nagpaalam sila sa akin na hindi muna sila makakauwi ngayon sa bahay kaya maaga kong ni-lock ang mga pinto saka sinirado ang mga bintanang binuksan ko kanina.

Noong sinigurado kong sarado na ang lahat ay dumeretso ako sa banyo, naligo ako’t nagpalit ng damit na pantulog at saka pumunta sa kuwarto ko. Akmang hihiga na sana ako sa kama ko nang makarinig ako ng malalakas na pagkatok mula sa labas ng pinto namin sa harapan mismo nitong bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kuwarto ko, walang imik akong pumunta sa salas. Huminga muna ako nang malalim bago ko sinubukang kausapin ang kumakatok na iyon.

“What is the password?” saad ko sa pabirong paraan, umaasa na sana sina Mama at Papa tutugon sa tanong kong iyon, subalit…

Imbis na sumagot ay panandaliang tumahimik ang pintuan. Noong naglakad ako palapit sa puwestong iyon ay mas lalong lumakas ang pagkatok nito dahilan upang mapasigaw ako. Daglian kong tinakpan ang bunganga ko, gamit ang kamay ko. Napalunok ako nang marinig ko ang ungol na iyon, isa lamang itong patunay na hindi tao ang nasa harap ng bahay namin ngayon.

Dali-dali akong tumakbo papasok sa kuwarto ko. Pumikit at nagdasal habang binabanggit ko ang pangalan ko at doon ay tuluyan na ngang huminto sa pagkatok ang hindi ko mawaring nilalang na iyon.

Kinapa ko ang puso ko. Sarili kong hininga, hinahabol ko. Ramdam ko ang pagbagal ng pulso ko na siyang kinatatakutan kong mangyari. At noong muli kong ipinikit ang dalawang mata ko ay nakita ko siya…

Pulang mga mata, walang buhok, ang mga tainga nito ay parang sa duwende ang hugis, mas malalaki nga lang ang mga ito. Matutulis na mga kuko at ang mga ngipin nito na puro dugo ay pawang mga pangil na kagaya ng isang…

“Bampira,” wala sa sariling bulong ko.

Namilog ang mga mata ko noong bigla niya akong sinugod. Dagliang kumilos ang mga paa ko para makatakbo palayo sa halimaw na iyon. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa madapa ako. Nahabol niya ako.

“Grr,” aniya habang nakatitig sa akin, naglalaway ito at kasalukuyang pinapakita sa akin ang mga duguan niyang mga ngipin.

Walang ano-ano ay kaagad niya akong niyakap dahilan para hindi ako makagalaw nang maayos. Ilang sandali pa ay kinagat niya ako sa bandang leeg ko. Ramdam ko ang paghigop niya sa dugong nananalaytay sa buong katawan ko. Maya-maya pa ay nanlabo na ang mga paningin ko. Inihiga ako ng bampirang iyon sa malamig na lupa.

Akala ko iyon na ang katapusan ko…

“Loraine Solace!”

Isang pamilyar na tinig ang aking narinig dahilan upang hindi ako mawalan nang malay.

“Loraine, anak…”

It was my parent’s voices. Si Mama, umiiyak habang kinakausap ako habang si Papa naman, garalgal na ang boses niya nang tawagin niya ako. Marami silang sinasabi na malabo sa pandinig ko kaya hindi ko sila masyadong maintindihan.

“We know you are there, please. Gumising ka na, anak.”

And out of nowhere, I decide to close and open my eyes once again at doon ay isang nakasisilaw na liwanag ang tumama sa mga mata ko dahilan upang iharang ko ang mga braso ko sa ibabaw ng noo ko.

Dahan-dahan kong hinanap ang puwesto nila at noong nahagip sila ng mata ko, nakipagtitigan ako sa kanila. I could see my parent’s tears while looking at me with their worried eyes. Iyong mga tingin nila sa akin, para bang may possibility na mawala ako anytime from now.

Akmang babangon na sana ako mula sa pagkakahiga ko nang mapansin ko ang mga bakal na nakagapos sa mga kamay at paa ko. Ramdam ko ang pawis na nakakalat ngayon sa buong katawan ko. Doon ko naramdaman ang init, sobrang init ng katawan ko.

Taimtim ko pang pinagmasdan ang paligid. Nasa tapat ko sila Mama at Papa, pareho silang hindi makalapit sa akin sa hindi ko rin malamang dahilan. Ilang sandali pa ay mayroong pumasok na tao, nakasalamin ito, isang kayumangging lalaki na sa tingin ko ay kaedad ni Papa, nakasuot ito ng puting lab gown.

Lumapit ito sa kasalukuyan kong puwesto at pasimpleng ineksamin ang mga nakasabit sa katawan ko. Tinitigan ko siya at sinubukang alalahanin kung magkakilala ba kami at wala akong maalala na anumang pangalan sa itsura ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi siya pamilyar para sa akin.

“A-Anong nangyari?” wala sa wisyo kong tanong sa kaniya. Napalunok ito nang magtama ang mga paningin namin. Para siyang natakot na ewan noong kinausap ko siya.

Tumikhim ito at kinalma ang kaniyang sarili. “Do  you know them?” balik-tanong niya saka tumingin sa puwesto nila Mama. Tumango ako bilang tugon sa kaniya.

“N-Nasaan ako?” usisa kong muli, umaasang sasagutin niya ako ngunit hindi. Mas pinili nitong manahimik. Napalunok ako at kinabahan sa hindi ko malamang rason.

Ilang sandali pa ay naglakad palayo sa puwesto ko ang doktor na lumapit sa akin kanina, lumabas ito ng kuwarto at noong bumalik siya at may kasama na siyang pari. Isang matandang kalbong pari.

“The real Loraine Solace has finally back,” sambit ng pari saka niya ako pinahiran ng itim na abo sa ibabaw ng noo ko.

“What do you mean?”

Sa wakas, nagagawa ko ng magsalita nang hindi pautal-utal.

“Sinapian ka, hija. Isang taon na ang nakalipas magmula noong natagpuan ka ng mga magulang mo sa loob ng iyong kuwarto. Akala nila ay natutulog ka lang subalit hindi. Dumating sa puntong habang tulog ka ay may ginagawa kang masama sa mga taong nakapaligid sa bahay ninyo. At may isang beses, noong iniwan ka nilang mag-isa, kinaumagahan no’n ay nakita ka nilang walang malay na nakalutang ere doon mismo sa kuwartong iyon.”

“And the moment, you saw him, that demon, mas na-trigger no’n na gamitin nang matindi ang katawan mo hanggang sa maubos lahat ng lakas mo, ito ang dahilan kung bakit nasa ospital ka ngayon. And when you whispered that word, vampire…”

“We do our very best to cast him out of your body and thanked Him, it works.”

“Totoo, nagawa nga nila iyon, nakabalik ka na sa amin…” bulong ni Mama habang niyayakap ako. Habang nakikinig ako sa pari, hindi ko namalayan ang paglapit ng mga magulang ko sa kamang hinihigaan ko ngayon.

So ibig sabihin, matagal na akong walang malay?

And that vampire is a demon who wants to possessed my body…

“Ma, gusto ko na pong umuwi…”

“Shh, oo. Mamaya uuwi na rin tayo, anak.”

“Sorry to interrupt pero hindi po puwede. Sa ngayon, kailangan mo munang magpalakas para makalabas ka na rito,” singit naman ng doktor na tumingin sa akin kanina. Napalunok ako at biglang kinabahan nang muling magtama ang mga tingin namin. I don’t know why I feel scared by just looking at him, maybe because, he looks like…

A vampire.

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top