Page 25
100 Names Writing Challenge
Story #2: Kathleen.
Genre: teenfic/rom.
Inspired by: First Love Monster.
Daglian akong nagpunta sa field nitong school para makita siya, umaasa na maabutan ko pa sila bago sila tuluyang makalabas nitong school.
It is now or never.
“Oh, Kath!” baling niya sa akin nang makita akong tumakbo palapit sa puwesto nito. Habol-hininga akong yumuko sa harapan niya't tumigil na sa pagtakbo. Nang makabawi ako ay tumayo ako nang tuwid at napalunok.
“A-Ano...” Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko matutunaw ako sa mga titig niya sa mga mata ko.
“May gusto ka bang sabihin?” usal nito sa akin dahilan upang huminga ako nang malalim.
“Karl...”
“Ahm?”
“Gusto kong sabihin na...”
“Na?”
Pinili kong ipunin lahat ng lakas ng loob ko saka ko siya tinitigan, mata sa mata. “G-Gusto kita!”
Napalunok ako noong finally ay nasabi ko na ang mga salitang halos apat taon ko na ring kinimkim sa sarili ko. Yumuko ako sa harap niya. Naramdaman ko ang marahang paglapit nito sa akin.
“Kathleen...”
“Ayon lang, bye!”
Hindi ko inabala pa ang sarili ko na tingnan ulit siya. Hindi na ako nagsalita pa ulit, tumakbo na kaagad ako palayo sa kaniya. Pakiramdam ko parang sasabog nang sobra itong puso ko ngayon.
Huminto lang ako sa pagtakbo noong nakalabas na ako mula sa loob ng gate ng school namin, na may kalayuan sa field kung saan ako nag-confess sa kaniya.
It's been 3 years simula noong nagustuhan ko siya. Ngayon ay pareho na kaming nasa grade 10 at malaki ang posibilidad na pagkatapos ng moving up namin at hindi ko na siya makikita pa kasi naging usap-usapan sa school na lilipat na raw sila sa ibang bansa so iyon ang nag-push sa akin para umamin sa kaniya ngayon.
It is now or never.
Dumeretso ako sa bahay at doon ay nag-isip-isip. Doon ko lang na-realize na...
Daglian kong niyakap ang unan na nasa paa ko. Naalala kong kasabay pala namin sila sa moving up practice namin! Paano na ako haharap sa kaniya nito?
“Kathleen!”
Kaagad akong nagbago ng direksyon nang marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon mula kay Karl. Walang ano-ano ay bigla na lamang akong huminto sa aking paglalakad noong may humawak sa kamay ko.
Pakiramdam ko natuyot bigla ang lalamunan ko. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko’t nakita ang seryosong mga titig ni Karl sa akin. Napalunok ako.
“Where do you think you’re going?”
“Ah, eh. . . sa banyo!”
Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko saka ako tumakbo palayo sa kaniya. Dali-dali kong pinuntahan ang mga kaklase ko tsaka ako nagpanggap na ayos lang ako pagkatapos kong umiwas kay Karl.
“Anong mukha 'yan, Kath. Akala ko ba pupunta kang banyo?” usisa sa akin ng isa kong kaklase, Angel ang name niya.
“Ay ano, nawalan na ako ng gana magbanyo, hehe.” Umiwas ako ng tingin saka ibinaling ito sa mga teachers namin na nasa harapan.
“Weh? Bakit parang may kakaiba sa inyo ni Karl?”
“Ha? Anong ibig mong sabihin?”
“Tingnan mo, oh. Panay tingin sa 'yo. Umaasa yatang tingnan mo rin siya pabalik,” kuwento niya sa 'kin habang nakatingin sa puwesto kung nasaan ang section na kabilang si Karl.
“H-Hayaan mo siya,” nasabi ko na lang dahilan para tuksuhin ako ni Angel. Nagpanggap akong wala lang sa 'kin iyong mga sinasabi ng kaklase ko.
Basta ang mahalaga, nasabi ko na sa taong gusto ko kung ano talaga nararamdaman ko. Hoping ako na pagkatapos nito, magbabago na itong puso ko't hindi na siya ang magugustuhan ko.
Sana nga lang talaga, hindi na siya.
Nang matapos kami sa general practice namin para sa moving up ceremony ay dumeretso na kami sa canteen. Break time na kasi tapos babalik na rin kami sa kani-kaniya naming classrooms.
“So anong chika sa inyo ni Karl, Kath?” usisa muli sa 'kin ni Angel. Itong babaeng 'to talaga, hindi ako tinatantanan.
“Ah, eh? Wala naman,” reply ko, hoping na sana hindi na siya magtanong ulit.
“Hindi ako naniniwala, sus.”
“Puwes maniwala ka, Angel! Lagi mo na lang tinatanong si Kath e, hindi niya naman gusto 'yun 'di ba?”
Isang lalaki ang biglang tumabi sa 'kin sa upuan. Ngayon ay pinagigitnaan nila ako. Nasa kanan ko si Angel habang si Jericho naman ang nasa kaliwa.
At para sa kalinawan ng lahat, Jericho is my boy best friend po, opo. Naging kaibigan ko lang siya last year, hindi ako sure kung sa paanong paraan kami nagkasundo basta nakita ko na lang sarili ko na masaya siyang kasama. Medyo loko-loko nga lang minsan— ay madalas pala pero okay naman siya.
“Hay nako, Jericho. Nagseselos ka lang, aminin mo, aminin mo—”
“Totoo naman,” bulong ni Jericho na sigurado akong narinig din ni Angel. Pare-pareho kaming natahimik na tatlo hanggang sa may biglang pumasok na teacher.
“Good afternoon, class. I want you to know na half day lang tayo ngayon. So bali iyong magiging practice natin mamaya, last na iyon tapos puwede na kayo umuwi. Make sure na magkakaroon kayo ng beauty rest lahat, okay?”
“Yes po, Ma'am.” Sabay-sabay na usal ng buong klase.
“Proud akong na-handle ko kayo, looking forward sa mga bagay na ma-a-achieve ninyo soon. Basta tandaan ninyo iyong tinuro ko sa inyo, ah. Anuman ang ibato sa inyo ng life, walang sukuan. Dahil ang taong sumusuko?”
“May pinagsisisihan sa dulo!” Ngumiti sa amin si Ma'am noong nasagot ng buong klase namin ang tanong nito.
To be honest, it was the best years of my life. JHS! And yes, medyo boring man kasi wala ako masyadong naging achievement noong mga panahong baguhan pa lang ako rito sa school yet I know na dahil sa mga guro namin kagaya ng adviser namin ngayon, may mga learnings kami na puwede naming baunin sa totoong buhay.
Hindi ko rin maiwasan na hindi ngumiti sa tuwing naiisip ko na magiging senior na ako next school year. At syempre, dito pa rin sa school na 'to ako mag-aaral ng senior high school.
I'm not sure pa kung anong gusto ko pero iniisip ko na baka mag-humms na lang ako or gas, sa ngayon gusto ko muna i-enjoy itong moments na mayroon ako sa aking JHS life.
At katulad nga ng sinabi ni Ma'am kanina, naging last practice na namin itong nangyari ngayon. Handa na sana akong umuwi nang mag-isa noong bigla namang lumitaw si Jericho mula sa kung saan.
“Oh, nariyan ka pala. Bakit hindi ka pa umuuwi?” usisa ko sa kaniya noong nakalabas na ako mula sa female's cr.
“Hinintay pa kita, e.”
“Ha? Bakit naman?”
“Hahatid kita sa inyo,” aniya na para bang desidido siyang gawin iyon.
“Ay hala. Marunong naman akong umuwi mag-isa. No need na hatid, Jericho. Salamat na lang—”
“Kathleen...”
“B-Bakit?” kabado kong tanong. Bigla na lang kasing sumeryoso iyong tono ng boses niya.
Walang ano-ano ay bigla siyang tumingin sa akin, mata sa mata. Kagaya noong ginawa ko kay Karl. . . oh, wait. Huwag mong sabihin na—
“Gusto kita, Kath.”
“Ha!?”
“Simula noong naging kaklase kita noong grade 8, nagustuhan na kita. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang alo tinamaan no'n sa 'yo. Alam ko naman na hindi ako 'yung taong gusto mo pero hayaan mo sana na sabihin ko 'to ngayon sa 'yo. Ayaw kong magkaroon ako ng regret kasi hindi ako nag-try.”
“Jericho...”
“Pasensiya ka na, Kath. Ayos lang naman na ano—”
“Gusto ka ni Angel,” anas ko dahilan para tumigil siya sa pagpapaliwanag sa 'kin. Hindi siya nakaimik at pasimpleng umiwas ng tingin sa 'kin.
“Sigurado naman ako na napapansin mo rin iyon. Ayaw kong masaktan si Angel kasi naging mabait din siya sa 'kin. But then, thank you kasi nagustuhan mo ako. Sorry na rin kasi, hindi tayo puwede dahil kagaya nga ng sinabi mo, may gusto akong iba at. . . hindi ikaw iyon.”
Nakita ko kung paano nag-form ang tubig sa ilalim ng mga mata nito. Ngumiti siya sa akin at tumango. “Thank you, Kath.”
“Para saan?”
“Sa pagsasabi sa 'kin, atlis na-reject mo ako kaagad. Siguro, kailangan ko ngang subukan iyon.”
“Ang alin?”
“Ang magustuhan din pabalik si Angel. Anong malay natin, sa senior high 'di ba?” Ngumiti ako sa kaniya bago tumango.
“P-Puwede bang makahingi ako ng hug?” Ilang beses akong kumurap noong narinig ko ang sinabi niya. Dahan-dahan akong tumango dahilan upang yakapin niya ako nang mahigpit.
At wala pa ngang isang minuto ay may biglang humawak sa akin palayo kay Jericho. Niyakap niya ako sa likod ko at amoy pa lang niya, sa pabangong gamit niya, kilala ko na kung sino itong yumakap sa akin para lang ilayo ako sa kaibigan kong lalaki. Nakalagay ang isang braso nito paikot sa ibabaw ng balikat ko.
“Parang kailan lang noong umamin ka sa ’kin, tapos nandito ka kasama ibang lalaki?” makabuluhang aniya dahilan para mamilog ang mga mata ko.
What the.
“Karl...” wala sa wisyong bulong ko sa sarili ko.
“Ano na naman 'to, Karl?” anas ni Jericho sabay titig sa mukha ni Karl. Hindi ko magawang lumingon para harapin si Karl.
At ewan ko ba, parang hindi ko kayang harapin siya ngayon.
“She's mine, so back off.” Ramdam ko ang gigil niya sa bawat katagang sinasambit nito.
“Hindi mo puwedeng angkinin ang hindi sa 'yo,” usal ni Jericho sa kaniya.
“Jericho, tama na.” Napatitig sa akin si Jericho noong bigla akong sumingit sa usapan nilang dalawa.
Huminga siya nang malalim at piniling iwanan kaming dalawa. Mas mabuti na rin na umalis na siya para wala ng gulo.
Ilang sandali pa'y naramdaman kong kumawala mula sa pagkakayakap sa 'kin itong si Karl. “Ano bang trip mo, Karl? Ang bait-bait ni Jericho, e. Para ka namang nagseselos na ewan sa kaniya,” sambit ko sa pabirong tono ng boses ko at hindi ko akalaing seseryosohin niya pala iyon.
“Paano ako hindi magseselos, e. Pinanghahawakan ko ang sinabi mong ako ang gusto mo.” Natahimik ako at hindi na nakaimik pa sa kaniya.
Anong dapat kong gawin!? Naiilang ako.
“Kathleen,” tawag nito sa akin. Hindi ako kumibo sa kaniya. Yumuko ako sa harap nito sabay titig sa sementadong sahig.
“Look at me, Kath.” Hindi ko siya sinunod. Nanatiling nasa sahig lang ang mga tingin ko hanggang sa hawakan niya ang baba ko at dahan-dahang iniangat ito dahilan para mapatingin ulit ako sa mukha niya. Napalunok ako.
Grabe, bakit ang guwapo ng nilalang na 'to?
“I want you to know my answer from your confession last week.”
“Ha?”
“I also like you, Kathleen.”
Wait. Crush back na ba 'to?
Ilang beses akong kumurap sa harapan nito. Hindi ko alam kung akong mararamdaman ko. Teka, paano ba dapat ako mag-react?
What the.
Gusto rin niya ako? Weh? Totoo ba?
“Bakit ang hirap naman maniwala?” usisa ko sa sarili ko dahilan para hawiin ni Karl ang buhok ko.
“Does it feels like a dream come true?”
“Ha?”
“Ang cute mo, Kath.”
“Eh?”
Ngumiti siya sa 'kin saka ako hinalikan sa pisngi. Kyaa!! Oo nga. Hinalikan niya talaga ako, myghad. Kung panaginip man ito, masyado itong mukhang totoo—
“Kasi totoo naman talaga 'to, Kath.”
Daglian kong kinurot ang kaliwang braso ko at parang pinagsisihan ko lang na ginawa ko 'yun. Ang sakit!
“Legit ba? Hindi ba ko nanaginip?”
“Totoo ito, legit pa sa legit.” Muli siyang ngumiti sa harapan ko at doon ay napangiti na rin ako.
Ito na yata ang isa sa pinaka-memorable scene sa buong JHS life ko. I don't even expect this day will come na itong taong nagustuhan ko nang ilang taon ay nagustuhan din pala ako. Possible pala. May himala!
At totoo nga. Ang saya pa lang ma-crushback, hoho. This is it! Papunta pa lang tayo sa exciting part. Yahoo!!
See you my SHS life together with my beloved slash dream man, Karl.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top