Page 24
100 Names Writing Challenge
Story #1: Samantha Loreina.
Genre: teenfic/rom.
“Last two minutes!”
Wala sa sarili kong sinampal ang magkabilaan kong pisngi upang manatiling gising ang diwa ko. Sa sobrang init ng panahon, hindi ko alam kung saan ako nakakahugot ng lakas ng loob para tulugan ang exam day namin.
Napalunok ako’t nakipagtitigan sa test paper ko. Huminga ako nang malalim at pinilit ang sarili ko na sagutan ang mga natitirang blangkong numero sa papel na hawak ko. At sa wakas! Tapos na ang finals namin. Pasimple kong ininat ang mga braso ko’t lumapit sa kaibigan ko na kanina pa panay tingin sa cellphone niya.
“Hoy, sino ‘yan ha? Kanina ka pa nakaantabay sa phone mo e, akala mo naman may jowa–”
“Actually, meron nga.” Ngumisi lang siya sa akin dahilan upang magsalubong ang dalawa kong kilay.
“Ano?! At kailan ka pa nagkaroon? Bakit hindi ko alam, aba.”
“Sobrang busy ka kasi sa pagre-review noong nakaraan, remember? So wala kang time para sa ‘kin so hindi ko na lang din sinabi,” aniya saka naglagay ng liptint sa kaniyang labi. Doon ay naging pula ang labi niya’t pati pisngi.
“Oh siya, sige na. May date pa ako. Ikuwento ko na lang sa ‘yo, soon. Bye!” Dali-dali siyang lumabas ng classroom at tuluyan na nga akong iniwan dito sa school.
Grabe talaga ‘yung babaeng ‘yun. Nakahanap lang ng boyfriend, pinagpalit na kaagad ako, tsk.
“Samantha!” Daglian akong lumingon sa aking likuran noong narinig ko ang pangalan ko. Doon ay naningkit ang aking mga mata habang nakatitig sa isang pamilyar na lalaki.
“Oh, Mark?” wala sa wisyo kong sabi.
“Ay salamat. Akala ko nakalimutan mo na agad ako,” usal nito na para bang natutuwa pa siyang naalala ko ang pangalan niya.
“Night shift ka rin ba ngayon?” Isang tango lamang ang ginamit ko bilang sagot sa itinanong niya sa akin.
“Ayos! Tara, sabay na tayo.” Ngumiti siya sa akin dahilan para ngumiti rin ako pabalik sa kaniya.
Magkasabay kaming naglakad patungo sa isang convenience store. At oo, katrabaho ko si Mark at na-realize ko rin na ka-schoolmate ko rin pala siya noong nakaraang linggo lang.
Part time lang naman ito at isa pa, alam no’ng store owner na ang priority ko pa rin ay ang pag-aaral ko. Pareho kaming tagabantay sa isang tindahan na malapit sa school namin, arawan ang sahod kaya kahit papaano, may maiipon naman ako.
“Samantha,” tawag niya sa akin. Sandali naman akong napahinto sa pag-aayos ng ilang gamit na binebenta sa store kung nasaan kami ngayon. Napatingin ako sa counter, nandoon kasi si Mark.
“Gusto mo palit tayo ng puwesto?”
Ilang beses akong kumurap sa harap nito. Ngumiti lang siya sa akin at nakipagpalit ng puwesto. Ako ngayon ang nandito sa counter habang siya naman ang nag-aayos at naglilista ng mga bagay na naka-display dito sa store.
Huminga ako nang malalim at noong nag-bell ang pinto ng tindahan ay awtomatik akong nagsabi ng, “Welcome to Alice’s convenience store…”
Napahinto ako sa aking pagsasalita noong nagkatitigan kami ng costumer na kararating lang.
Hindi niya ako pinansin at dumeretso siya sa food section. Nang muli siyang pumunta sa harapan ko’y may dala-dala na siyang oreo at yakult.
“I-Ito lang po ba, Sir?” Kaagad akong tumikhim matapos akong magsalita.
Alam kong guwapo siya, self. Huwag mo naman ipahiya sarili mo. Kaasar ka nama–
Isang tango lamang ang itinugon nito sa akin. “27 pesos po, Sir.”
Walang imik siyang naglapag ng ng singkuwenta pesos sa harap ko at noong ibibigay ko na sana ang sukli ay bigla na siyang umalis. Daglian akong lumabas ng store at umaasang makikita ko siya subalit bigo akong makita ito.
Akala ko sa loob lang ng store matatapos ang encounter namin ngunit nagkamali ako kasi nandito na naman siya ulit sa harapan ko. Nasa school ako ngayon, wala si Mark at ewan ko kung bakit.
May isang itim na kotse ang pumarada na lang bigla sa harap ko dahilan upang mapahinto ako sa aking paglalakad papunta sa pinagtra-trabauhan ko. Walang ano-ano’y may isang pamilyar na lalaki ang biglang lumabas mula sa nakaparadang sasakyan.
“What is your name?” bungad nito sa akin habang titig na titig sa kasalukuyan kong itsura.
“Ha?” kunot-noong sambit ko sa kaniya.
“Tinatanong ko ang pangalan mo,” malamig niyang saad dahilan para matauhan ako.
“At bakit mo naman gustong malaman?”
“You like me, do you?” Kaagad tumaas ang isang kilay ko sa narinig kong sinabi niya.
“Ano?!” bulalas ko at saka siya tinitigan, mata sa mata. “Hoy, lalaki. Oo, guwapo ka pero dalagang pilipina ako. Tinuruan ako ng mga magulang ko na dapat magpaligaw muna ako bago–”
“So you like me?”
“Ha? Anong pinagsasabi mo?”
“You sound defensive so I conclude that…”
“Well, Sir. Don’t just jump into conclusion. I’m not into you, okay? So stop questioning me. At isa pa, isang beses lang kita nakita so yeah, whatever. Bakit ba ako nagpapaliwanag sa ‘yo? Gezz.”
Tinarayan ko siya’t piniling talikuran ito subalit kaagad niya ring nabawi ang aking atensyon nang bigla niya akong yakapin.
“Samantha Loreina,” bulong niya sa akin. Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan siya pabalik. Ngumisi siya sa akin. Nagpumilit akong kumalawa sa mga bisig nito.
“Paano mo nalaman ang pangalan ko?”
“I have source,” preskong aniya na para bang confident pa siyang Samantha nga talaga ang pangalan ko- well hindi naman siya mali roon.
“Bitawan mo ako’t tantanan mo ako. Hindi kita kilala kaya huwag kang umasta na magkakilala tayong dalawa, okay?”
“Hi then, I’m John by the way.”
“And starting today I’ll make you mine,” aniya na para bang isang declaration na mapapasakamay niya rin ako balang araw.
---
“Samantha!” Kaagad akong huminto sa paglalakad noong biglang nahagip ng tainga ko ang tinig na iyon galing kay Mark. “Ey!” baling ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at gayundin ako sa kaniya.
“Sabay tayo?”
Daglian akong tumango sa sinabi niya. Sabay kaming nagpunta sa store at doon ay sabay na rin kaming kumain ng hapunan.
Nang matapos akong ngumuya ng pagkain na binili ko ay walang sali-salita’y inilapat ni Mark ang dalawa sa daliri niya papunta sa baba ko. Pinunasan niya ang labi ko gamit ang hinlalaking daliri nito.
“Ay, hala. Sorry,” usal nito noong na-realize niya kung ano ang ginawa niya.
Ngumiti ako sa kaniya at pinilit na baliwalain ang naiisip ko kanina pa. Magkatrabaho lang kayo, Sam. Wala ng iba. Huwag ka magbigay ng malisya.
“Ayos lang. Salamat,” tipid kong tugon saka nagligpit ng pinagkainan ko. Iniwan ko siya’t bumalik ako sa counter.
At sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagkita ulit kami. Ako bilang tagabenta, siya bilang mamimili.
But this time, hindi lang oreo at yakult ang binili niya kundi pati isang sprinkles na rin. Pagkatapos niyang magbayad ay hindi niya kinuha ang mga pagkaing binili niya.
Kaagad ko siyang hinawakan sa kamay upang sana ay ibigay ang isang paper bag na naglalaman ng mga pinamili niya ngunit pinagsisihan ko lang na ginawa ko pa iyon.
Sakto kasi noong hinawakan ko ang kamay niya’y niyakap niya ako’t marahang hinalikan sa mismong labi ko.
“It was all yours, babe.” Napaawang ang labi ko’t naiwang nakatulala sa counter. Ilang beses pa akong kumurap at noong napagtanto ko kung anong nangyari ay nangunot ang noo ko. “What the.”
“Samantha? Ayos ka lang ba? Hinarass ka ba no’ng costumer na ‘yun?” Wala sa sariling umiling ako sa mga tinanong niya.
“M-Masarap ba?” Napatitig ako sa sunod niyang itinanong.
“Ha? Ang alin?”
“Wala-wala,” usal nito saka umiwas ng tingin sa akin.
Huwag mong sabihin na nakita niya ang halik ng mokong na iyon?!
Ilang araw na ang nakalipas magmula noong huli kaming nag-usap ni Mark. Ewan ko ba, sa tuwing nagkakasalubong kami sa school ay bigla-bigla na lang siyang tatahimik o hindi kaya ay iiwas sa akin.
May time din na ginusto ko siyang kausapin pero dahil sa takot ko na baka hindi niya ako pansinin ay binalewala ko na lamang ito. Hanggang sa isang araw, hindi ko na natiis na hindi siya komprontahin.
“Mark!”
Huminto siya sa paglalakad niya at bago pa siya muling maglakad palayo sa akin ay hinawakan ko ang kamay niya’t dali-daling iniharap sa akin.
“May problema ba?” Hindi siya umimik at nananatiling nakatitig lang siya sa semento kung saan kami nakatapak pareho.
“Bakit mo ako iniiwasan?”
“Hindi mo ba talaga alam o manhid ka lang talaga?”
“Ha? Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan,” naguguluhang saad ko sa kaniya. Bumuntong-hininga siya at direktang nakipagtitigan sa akin.
“Wala ka ba talagang kaide-ideya, Samantha?”
“Hindi naman kita tatanungin kung alam ko, Mark.” Nakipagtitigan ako sa kaniya at sinubukang hanapin sa mata niya ang dahilan kung bakit niya ako iniiwasan.
“Nagselos ako,” bulong niya na parang bang sinadya niya na ako lang ang makarinig no’n.
“At bakit ka naman nagselos…” Wala sa wisyong napaisip ako sa sinabi niya. “Ibig sabihin, nakita mo ‘yun?” pagtukoy ko sa paghalik sa akin ni John sa store.
“Tayong dalawa lang naman nakatuka sa store no’n kaya malamang, oo.” Muli siyang umiwas ng tingin sa akin.
“Galit ka pa rin ba? Hindi ko naman alam na magnanakaw ng halik iyong mokong na iyon, e.” Hindi ko alam kung bakit nagiging tunog nanunuyo ako pero may parte sa akin na ayaw kong mawala itong koneksyon na mayroon kaming dalawa–
“Ano ba ako sa ‘yo, Samantha?” Daglian akong napalunok sa naging tanong niya.
“Kaibigan?”
“Hanggang doon lang ba?”
“Anong ibig mong sabihin?”
Walang ano-ano’y bigla na lang siyang lumapit sa akin. Umatras ako hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na dingding sa likuran ko. Ngayon ay sobrang lapit na ng mukha namin sa isa’t isa.
“Gusto kita, Sam.” Napaawang ang labi ko sa ibunulong niya. “At hindi ako papayag na maagawan ako’t pagsisihan ko na hindi ko inamin sa ‘yo ito,” dagdag pa nito saka ako hinalikan sa noo ko.
“Hindi kita mamadaliin, hayaan mo lang ako na ligawan ka,” aniya gamit ang pinakasinsero nitong boses.
Kaya hanggang sa makauwi ako ng bahay, iniisip ko pa rin lahat ng mga sinabi ni Mark pati iyong biglang paghalik sa akin ni John ay paulit-ulit ding gumugulo sa isip ko.
Nakakapagtaka lang kasi, pareho silang may epekto sa akin at iyong paraan nila ng paghalik. . . hindi ko naramdaman na pinag-tri-trip-an lang nila ako o baka naman kasi iyon ang iniisip ko kaya hindi nagiging malinaw ang motibo nila sa akin?
At kung sakaling ganoon nga, hindi ako sigurado kung sino sa kanila ang dapat kong pagbigyan o dapat ko nga ba silang bigyan ng pagkakataon para makuha ako?
Natatakot ako na baka kapag pumili ako ng isa sa kanilang dalawa, sa huli ay ako lang din pala mag-isa ang mahuhulog tapos hindi rin paninindigan sa dulo.
Ngayon, sino nga ba sa dalawa ang dapat kong piliin?
Si Mark ba, o si John?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top