Page 23

Story 23: ©PMBOneShotStory (2022)
🅑︎🅐︎🅗︎🅐︎🅨︎ - 🅐︎🅜︎🅟︎🅤︎🅝︎🅐︎🅝︎
ˡᵃᵗʰᵃ ⁿⁱ ᵖᵃʳᵏ ᵐⁱⁿ ᵇⁱⁿ





“Batang ulila! Batang ulila!”

Ilan lamang ang linyang iyan na madalas kong marinig sa tuwing uuwi ako galing sa school. Hindi ko alam kung bakit at saan lupalop sila nanggaling.

Wala akong ideya sa kung ano ang napapala nila sa tuwing napapaiyak nila ako sa mga salitang binabato nila patungkol sa pagkatao ko.

Ngunit isa lang ang alam ko, hindi ako lubos na ulila dahil may pamilyang nagparamdam sa akin na deserve ko pa rin na tratuhin nang tama at maayos.

“Zebedee!” Isang ngiti ang biglang pumorma sa labi ko nang makita sila. Ilang mahihigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanilang lahat.

“Ate Zebzeb, may pasalubong ka po ba sa ‘kin?”

“Aba, syempre naman.” Isa-isa kong inilabas ang mga biskuwit na binili ko sa malapit na tindahan dito sa kumbento. At oo, tama ka ng naiisip. Nasa bahay-ampunan ako na pinamamahalaan ng isang kilalang simbahan.

Sila ang pamilyang nagkupkop at umalalay sa akin patungo sa tamang daan. “Mano po, sister Ghaile.” Ngumiti ako sa isang matandang madre na sumalubong sa akin kasabay ng mga batang sunod-sunod akong niyakap kanina.

“Kumusta ang klase?”

“Ayos lang naman po,” tugon ko. Tumango naman siya’t niyaya akong kumain sa loob ng kanilang bahay.

Kinagabihan ay nagdasal ako. Nagdasal na sana maging payapa ang mga susunod na araw ko at iyon nga ang nangyari.

Naging panatag ako na gagabayan Niya ang lahat ng mga taong itinuturing kong pamilya ko subalit may isang pangyayari na hindi ko pinaghandaan sa lahat.

“Si Sister Ghaile, wala na.”

Napaawang ang labi ko. Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala. Iyong taong nagpalaki, nag-alaga at parating nariyan para sa akin ay kinuha na Niya.

Ang sakit. Ang bigat sa pakiramdam. Bakit? Bakit siya pa?

Hagulgol akong pumunta sa kuwarto ko. Bawat sulok ng silid na iyon ay may imahe ni Sister Ghaile kung kaya’t sa tuwing idinidilat ko ang aking mga mata ay siya ang parati kong nakikita. Hindi naging maayos ang tulog ko.

Lagi ko siyang naalala at laging nagtatanong sa aking taimtim na pagdarasal na nagiging tunog reklamo na siguro sa pandinig Niya sapagkat hindi ko pa rin matanggap ang reyalidad na wala na iyong taong kinasanayan kong nariyan para sa akin.

Akala ko hindi ko na muling mararanasan ang pagkalinga na iyon na madalas gawin sa akin ni Sister Ghaile.

“Hija, kain na. Tama na ang pagmumukmok mo. Hindi magugustuhan ni Sister Ghaile kung makikita niya ang kalagayan mo ngayon.”

Siya si Sister Jesusa. Kapatid at katuwang madalas ni Sister Ghaile sa pag-aalaga sa mga batang kagaya namin na nananatili rito sa simbahan nila.

“S-Sige po.”

Ilang taon pa ang lumipas bago ako nakarekober sa pagkamatay ni Sister Ghaile. Hindi naging madali sa akin ang lahat.

Malapit na akong magtapos ng aking pag-aaral at may isang hinayupak na lumapastangan sa akin. Pinakitaan ako ng pagmamahal pero sa dulo, nalaman kong hindi pala totoo iyon. Ang masakit ay nagbunga pa iyon.

“Ate Zebzeb!” sigaw ng isang batang babae nang makitang sinusuntok ko ang tiyan ko. Mabilis namang lumapit sa akin si Sister Jesusa.

“Ayoko nito, ayaw ko!” Lumuluhang saad ko habang sinasaktan ang sarili ko.

“Walang kasalanan ang bata, hija. Huwag mo siyang saktan.” Kaagad niya akong niyakap dahilan upang tumigil ako sa pananakit sa sarili ko.

“Sister, ang dami-dami ko na po ng kasalanan. Ilang ulit ko na ring nasaktan si Lord. Pakiramdam ko po tuloy hindi ko deserve na nandito sa simbahan,” garalgal kong sabi sa kaniya.

“Anak, hija. Alam mo ba kung bakit Zebedee ang pinangalan namin sa iyo?” Umiling ako bilang tugon sa itinanong niya.

Gift of God.”

“Po?” Dahan-dahan siyang kumalas mula sa pagkakayakap niya sa akin.

“I want to remind you your name means gift of God at iyang dinadala mo? Panibagong regalo ni Lord iyan para sa ‘yo.”

“Anong regalo? Isa siyang pagkakamali–”

“Shh. Walang pagkakamali sa pagkabuo ng isang bata. Huwag mong ipagkait sa kanila ang mabuhay. Wala kang karapatan para gawin iyon. Hindi tayo binuhay ng Diyos para pumatay ng kapwa natin. Hindi Niya nais na iyan ang maramdaman mo, hindi Niya gusto na ganiyan ang isip mo. Gusto ka niyang baguhin pero kung hindi mo hahayaan ang Diyos na mangialam sa buhay mo, mas lalo kang mapapalayo’t mababaon nang mag-isa sa mga problemang dumarating sa ‘yo, anak.”

“Mahal pa rin po ba niya ako sa kabila nang lahat, sister?” pigil ang luhang saad ko. Ngumiti siya at tumango.

“Hindi pa rin magbabagong mahal ka ng Diyos, hija. Hindi naman porket palasimba tayo ay banal na tayo, e. Kaya nga tayo nagsisimba ay para ipakita sa harap Niya na nagpapakumbaba tayo at umaaming makasalanan tayo. Tayo ay nagpapatuloy na naniniwala sa kapangyarihan na kaya Niyang gawin sa buhay ng bawat isa.”

“Kung ano man ang desisyon mo, susuportahan kita at rerespetuhin ko iyon. Mananatili lang kami rito, susubaybayan kang lumago sa lugar kung saan ka Niya nais dalhin. Magpakatatag ka, hija. Kasama mo kami at ang Diyos.”

Hindi ko maatim na gumawa nang panibagong pagkakamali kung kaya’t nagpasya akong ihanda ang sarili ko sa pagiging ina. Hindi nagkaroon ng hadlang ang pag-aaral ko. Bago pa namilog ang tiyan ko ay nakaakyat ako sa stage na mayroong medalya.

Dumating na ang araw na pinakahinihintay ko. At iyon ay ang makita ang panibagong Zebedee ng buhay ko. Akala ko, ayon na. Subalit sa ikalawang pagkakataon, nakatikim ulit ako ng panibagong pagsubok. Binawi na naman Niya ang taong naging dahilan ng munting kasiyahan ko.

Sobrang lungkot. Ang dilim. Ang bigat. Pakiramdam ko nabulag na ako sa lahat ng masasakit na naranasan ko. Hindi ko makita ang liwanag ng pag-asa sa puso ko. Gusto kong humingi nang tulong pero wala akong magawa. Hanggang sa isang araw, kinantahan nila ako. Pinag-pray at nagbigay ng mga mensaheng nagpabalik sa akin sa reyalidad.

“Happy birthday, Ate Zebzeb. Alam ko po na hindi pa rin po maayos ang pakiramdam mo. Nakaka-proud po na may ate akong kagaya mo. Ang lakas mo po. Masaya po ako na nakasama po kita rito sa simbahan. Sana malaman mo po na isa ka sa mga kaibigan ko at ate ko na hinding-hindi ko po ipagpapalit. I love you with the love of the Lord.”

“Ate Zeb! Mahal ka namin. Kahit anong mangyari, walang susuko. Lalaban tayo ‘di ba? Nangako ka na sasamahan mo ako hanggang sa ako naman ang makapagtapos ng college. Ate Zeb, ngiti ka na ulit, please? Miss ka na namin. Huwag mo kami kalilimutan. Nandito kami para sa ‘yo. Hindi ka po mag-isa, oki. Happy birthday!”

Sunod-sunod ang pagtulo ng mainit na likido mula sa ilalim ng aking mga mata. Hindi mo talaga mare-realize kung anong epekto mo sa tao. Madalas, sila-sila rin mismo ang magpapaalala sa ‘yo sa kung sino ka at kung ano ang mga nagawa mo para sa kanila.

Ang sarap lang sa pakiramdam na may mga taong nakapaligid sa akin na alam kong tamang tao para makasama ko sa paglalakbay na ito na tinatawag na buhay. Maraming salamat, Lord. Mayroong akong ‌‌sila.








Wakas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top