Page 22


Story 22: Jiocarirzabela
©PMBOneShotStory (2022)





"Carielle!"

Mabilis akong lumingon sa likuran ko nang marinig ko ang sigaw na iyon galing kay Mama. Walang ano-ano'y awtomatikong napayuko ang buong katawan ko noong bigla niya akong binato ng walis. Nakailag ako.

"Kung saan-saan ka na naman nagsusuot! Kanina pa kita hinahanap kasi nga kailangan ko ng katulong sa pagluluto, lagi ka na lang tumatakas. Nako kang bata ka," panenermon niya sa akin noong nakapasok na ako sa loob ng aming bahay.

"Ano pang tinitingin-tingin mo sa akin, aba. Hugasan mo na iyong mga gulay at isasalang ko na, susmeyo." Hindi na ako umimik at sinunod na lamang siya para iwas mabungangaan na rin.

Parating ganito ang eksena namin ni Mama sa bahay. At hindi lingid sa kaalaman niya na ayaw na ayaw ko talagang gumawa ng mga gawaing bahay.

Hindi lang dahil sa tamad ako kundi dahil wala talaga akong interes na gawin siya. Naiinggit na nga ako sa mga kapatid kong lalaki. Mabuti pa sila hindi pinagagalitan kapag hindi gumagawa sa bahay.

"Babae ka kaya dapat maalam ka sa bahay," muling sambit ni Mama na animo'y pinagdidiinan pang babae ako.

E, kung umamin kaya ako sa kaniya na hindi ako babae? Maniniwala kaya 'to?

Napabuntong-hininga ako sa naisip ko. Malamang hindi niya ako matatanggap no'n. Ako na nga lang nag-iisang babae sa amin tapos magiging lalaki pa ako. Knowing na ilang beses sinubukan nila Papa at Mama na mag-anak ng babae tapos malalaman nila na ganito ko pala tingnan ang sarili ko.

Akala ko noong una, normal lang na makaramdam nito pero habang tumatagal parang gusto ko na ngang aminin na may pusong lalaki ako at hindi babae. Ewan ko kung kailan pa nagsimula. Hindi ako sigurado sa kung paano ko aaminin 'to sa kanila pero sigurado ako sa mga bagay na 'to patungkol sa sarili ko.

Gusto kong matawa sa inis dahil may mga kapwa ako babae na ang gagaling at para bang hipokritong na mas nais pang sumuporta sa mga lalaking may pusong babae pero kami? Para kaming uod na kung tingnan nila ay para bang sobrang dumi namin to the point na hindi nila kami matanggap kasi ganito kami.

Why do society sets that standards that can make us feel na iyon ang dapat naming sundan when in fact hindi naman dapat?

That laws, those people, that society, those principles are the most likely reason why I feel like I don't belong here.

"Carielle," bulong ni Jio, boyfriend ko.

"Bakit?"

"Ayos ka lang ba? Mukha kasing ang lalim ng iniisip mo, e."

Ngumiti ako sa kaniya at tinapik ito sa braso niya. "Oo naman, ano ka ba."

He knows it. He knows who I am, he knows what I want and he was willing to be my boyfriend kahit na alam niya ang totoo sa buong pagkatao ko.

"Kung ano man iyang nasa isip mo, huwag ka mag-aalala. Ipagtabuyan ka man ng buong mundo, nandito lang ako para sa 'yo."

Nangako siya na hahayaan niya akong maging totoo sa sarili ko kahit na kami na. Sinagot ko siya para maipaalam sa pamilya ko na babae ako kahit hindi. Naghahanap kasi sila ng pruweba na hindi ako gagaya sa mga kamag-anak namin na babae tapos babae rin pala ang hanap.

Ako na mismo ang nasasaktan dahil sa pamilya ko na mismo nanggagaling lahat ng masasakit na salitang maaari ko ring matanggap once na ipinaalam ko sa kanila kung sino talaga ako.

"Maraming salamat, Jio."

Inakbayan niya ako dahilan upang mapasandal ako sa balikat nito. Naabutan kami ni Papa. Mabilis kaming napaayos nang upo at nagkunwaring wala lang.

Akala ko pagagalitan niya ako– kami subalit ngumiti lamang ito habang palapit sa puwesto namin at hiningi ako kay Jio. Umuwi ako ng bahay kasabay si Papa.

Naabutan namin si Mama na abala sa pananahi nito habang ang mga kapatid ko naman ay nagpupustahan na naman sa magiging kalalabasan ng pinapanood nilang larong basketball.

"Oh, Mabuti naman at umuwi ka na," bungad ni Mama kay Papa na kagagaling lang sa pangingisda nito.

"Marami kaming huli ngayon, mahal. Kaya ito, marami rin akong kinita kahit papaano." Sabay ngumiti ang dalawang matanda sa harapan ko.

"Oh siya, tulungan moa ko Carielle at magluluto tayo ng masarap ngayon."

"Ay huwag ka nang mag-abala pa, mahal."

"Ha? Bakit?"

"Tada!" Bitbit ang isang supot na tinago niya sa likod nito ay pinakita niya ito kay Mama dahilan para hindi na nagluto pa si Mama.

Ang laman kasi ng dalang supot ni Papa ay isang buong lechon manok na sakto para sa aming lima. Ako na ang kusang tumawag sa mga gunggong kong mga kuya para sama-sama kaming kumain.

Kinabukasan habang nagda-date kami ni Jio. May isang magandang binibini ang napadaan sa kinakainan naming karinderya. Dali-dali kong kinalabit si Jio.

"Ang ganda niya, dre." namamanghang wika ko habang nakatanaw sa babaeng iyon.

Balingkinitan ang katawan niya, hindi ganoon kahaba ang bagsak at kulay itim nitong buhok. Maputi at makinis ito.

Mahahalata mong alagang-alaga talaga nito ang kaniyang sarili dahil walang kahit na anong pimples ang makikita sa mukha niya. Miss flawless, ika nga sa isang kanta.

"Oh," walang kagana-ganang sagot sa akin ni Jio matapos niyang tingnan iyong tinitigan kong babae.

"Iyong totoo, nagagandahan ka ba sa kaniya?" paninigurado kong tanong. Umiling siya sa tabi ko.

"Mas maganda ka riyan, Carielle."

"Tsk, masyado ka ng bulag sa akin, zer."

"Mabuti alam mo," aniya saka itinuloy ang pagnguya niya sa pagkain nito. Ilang beses akong umiling sa inasta nito. Ilang sandali pa ay lumapit sa amin 'yung babaeng 'yun.

"Ahm, excuse me?"

"P-po?" tugon ko subalit hindi siya sa akin nakatingin kundi sa kasa-kasama kong lalaki.

Kaagad ko namang kinalabit si Jio para sagutin at tingnan pabalik iyong babae. Walang emosyong nakipagtitigan si Jio kay Miss flawless.

"Ah, eh. . . saan po rito ang sakayan papuntang monumento?"

"Ay banda rito po, may makikita na kayong jeep na dederetso po roon, Miss."

"Ikaw ba ang kinakausap ko?" Napalunok ako sa sinabi niya. Ang sungit naman nito.

"Kuya?"

"Nasabi na niya 'di ba. At puwede ba? Huwag mong barahin nang ganiyan ang girlfriend ko," anas ni Jio na parang nainis pa kay Miss Flawless.

"Girlfriend?"

"Oo, girlfriend ko."

"Jio–"

"Tara na, nawalan na ako ng ganang kumain."

Hinawakan ni Jio ang kamay ko saka kami umalis ng karinderya. Naiwan namang tulala si Ateng kanina lang ay nagtatanong sa amin.

Akala ko roon ko na matatapos ang tagpo naming iyon subalit nagkamali ako. Naging close kami ng babaeng iyon. Nalaman kong Irzabela ang pangalan niya sa pamamagitan ng isang social media app.

Nag-add friend siya sa akin at napag-alaman ko na naging magkaklase pala sila ni Jio noong elementary kaya siya iyong una niyang kinausap noong nagkakilala kami.

Ilang araw na naging consistent ang talking stage namin hanggang sa umamin ako sa kaniya at umamin din siya sa akin. Dumating sa punto na niligawan ko siya at naging kami na. Akala ko magiging okay lang ang lahat not until nalaman ni Jio ang relasyon namin.

"Carielle, itigil na natin 'to."

"Pero bakit?"

"Hindi naman totoo na ikaw talaga 'yung gusto ko, e. It was Jio and not you."

Para akong nabagsakan ng isang malaking tipak ng bato sa dibdib ko. Ang sakit. Ang bigat. Wala sa sariling napaluha ako't hinawakan ang kamay niya.

"Pakiusap, huwag..." I was about to kissed her but when I see a familiar face infront of me, natauhan ako.

Bumitaw ako kay Irza at tuluyang napaluhod habang patuloy pa rin sa pagtangis ang aking mga mata. Tuluyan na niya akong iniwan noong binitawan ko siya.

"P-Papa..."

"Anong nangyayari, Carielle?" Yumuko ako sa harapan nito at akmang magsasalita na sana noong narinig ko siya. "Tito!"

"Oh, Jio. Bakit umiiyak si Carielle namin? Pinaiyak mo ba, ha?"

"Ay hindi po, umaakting lang po para sa role play namin sa school, hehe." Kaagad niya akong tinulungang tumayo at pinunasan ang aking mga luha. Inakbayan niya ako at patuloy na inaalalayan sa pagtayo.

"Oh siya, sige. Maiwan ko na kayo rito ha? May trabaho pa si Papa. Ingatan mo prinsesa namin, Jio." Tumango lamang si Jio at ngumiti pabalik kay Papa.

Noong hindi na namin natatanaw si Papa at umupo kaming dalawa. "Kailan pa? Kailan pa naging kayo ni Irza?"

"Noong nakaraang buwan lang."

"Kung gayon, tatlong linggo mo na akong niloloko, ha?"

Ramdam ko ang galit sa tono ng boses niya. Tumayo siya sa harapan ko habang ako ay nanatiling nakayuko at nakaupo sa isang sementadong upuan dito sa basketball court na medyo malayo sa bahay namin.

"Lagi mo ba talaga akong gagawing kabit kahit na ako naman ang nauna?"

"Jio naman, alam kong alam mo kung ano ang gusto ko."

"Pero nakakapagod na, Carielle. Kasi kung parati ako ang sasalo sa 'yo sa tuwing hindi mo kayang harapin mga magulang mo, nahihirapan ako. Ayaw ko ng magsinungaling sa kanila kasi grabe iyong tiwalang ibinigay nila sa akin."

"Jio naman..." nagsusumamong anas ko sa kaniya subalit ganoon pa rin siya, blangko ang mukha.

"Ang suwerte-suwerte mo na nga may magulang ka pa rin, e. Kasi ako? Wala. Kahit na anong gawin kong kalokohan, walang nanenermon sa 'kin. Walang sumusuway. Walang nagsasabi kung tama pa ba o mali na 'tong pinapuntahan ko."

"Sana ma-realize mo itong sinasabi ko ngayon, Carielle. Mahal kita pero kung pipipliin mo iyong iba na hindi ka mahal kaysa sa mga taong totoo sa 'yo at kayang mahalin ka nang buo. Mag-isip-isip ka nang mabuti. Baka pagsisihan mo ito sa dulo," dagdag pa nito.

Tumatak lahat ng mga katagang sinabi niya. At ito na. Ito na ang araw na pinakakinatatakutan ko sa lahat. Araw na kailangan ko nang umamin sa kanilang lahat. Hawak ang kamay ni Jio. Lumuluha akong hinarap ang mga magulang ko.

"Ma, Pa."

"Ahm? Anong ibig sabihin nito? Ikakasal na ba kayo?" Hindi umimik si Jio. Napalunok ako at huminga nang malalim.

"Hindi na kami," pag-amin ko sa kanila. Bakas ang gulat sa mga mukha nila, halatang hindi nila inaasahan ang balitang iyon. "E? Pero bakit magkahawak kayo ng kamay?" usisa ng isa sa mga kuya ko.

Dahan-dahan akong binitawan ni Jio at saglit na tumitig sa akin. "Hindi po ako babae," panimula kong sabi.

"Ha? Anong pinagsasabi mo–"

"Hindi ko makita ang sarili kong nakatali sa isang lalaki gayong ang hanap ko rin ang babae rin."

Lumapit si Mama at sinampal ako. "Anong kahibangan ito, Jio?! Anong ginawa mo sa anak namin?" gigil na saad ni Mama. Kaagad akong humarang sa pagitan ng mga magulang ko pati ni Jio.

"Wala siyang kasalanan. Dinamay ko lang siya, Ma. Papa, ito ang totoong anak ninyo. Hindi ko hinahangad na matanggap ninyo ako kaagad pero hindi ko na po talaga kayang magtago. Gusto kong magpakatotoo sa inyo at sa sarili ko. Kasi kayo ang pamilya ko, ang nag-iisang pamilya ko."

"Lumayas ka rito!" sambit ni Mama at wala akong magawa kundi ang sumunod. Hinawakan ako ni Jio sa kamay ko at magkasama kaming umalis ng aming bahay.

"Tama naman 'yung ginawa ko 'di ba?" nag-aalangan kong tanong sa kaniya. Tumango lamang siya sa akin saka hinalikan ang aking noo.

"I'm proud of you, Carielle. I love you," bulong niya bago yumakap sa akin.

Ilang taon. Ilang taon bago ako nakabalik sa amin. Hindi na kami ni Jio pero iyong pagkakaibigan namin, nanatili iyon hanggang ngayon na may nahanap na siyang kapalit sa akin.

Masaya ako para sa kaniya.

Deserve niya ng babaeng totoo at kayang intindihin siya mas lalo na sa mga panahong hindi na niya kayang intindihin ang sarili niya. Deserve niya ng babaeng kayang pantayan ang pag-ibig na kaya niyang ibigay.

Ngayon ay mag-isa ako pero panatag na ang aking loob sapagkat alam kong nagpakatotoo ako. Nagawa ko na ring maging totoo sa sarili ko at sa mga taong nakapaligid sa akin.

Alam kong hindi ito ang wakas dahil magsisimula pa lamang ang totoong kuwento ng isang Carielle.






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top