Page 20

Story 20: A 2017 Reminisce 
©PMBOneShotStory (2020)





Kasalukuyan akong gumagawa ng kanta nang mapansin kong hindi tugma ang mga salitang ginamit ko sa bawat taludtod ng lirikong isinusulat ko.

Nakailang beses akong nagbura sa lyrics notebook ko dahil hindi ako makapili ng magandang salita na babagay sa tula na ginawa kong kanta. Mabuti na lang lapis ang gamit ko, mabilis ko lang itong burahin.

Habang abala ako sa pagsusulat hindi ko pinansin ang taong tumabi sa arm chair na inuupuan ko, not until—

"Ano 'yan?" Namilog ang dalawa kong mata sa narinig kong boses.

Daglian kong isinara ang notebook na sinusulatan ko bago ko binalingan ng atensyon ang taong tumabi sa akin.

"Wala 'to. Notebook lang," palusot ko at hayon, pinanliitan niya ako ng mata niya.

"Sus. May sinusulat ka kanina, e. Patingin nga," pangungulit niya pa sa 'kin.

Kaagad kong tinago sa bag ko ang notebook ko dahil ayaw kong mabasa niya ang kahit na anong nakasulat doon.

"Ayoko nga. Bakit mo ba ako pinapakialaman? Doon ka kay Jhe," taboy ko sa kanya subalit imbis na umalis sa puwesto ko ay mas lumapit pa siya sa akin dahilan para mapaatras ako ng kaunti palayo sa malapit niyang mukha.

"Ohh, nagseselos ka kay Jhe?" Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya habang siya'y nakangising titig na titig sa itsura ko.

Bakit ba ganito itong taong 'to? Napakapa-fall.

"Bakit ako magseselos, tayo ba?" Seryosong tugon ko sa sinabi niya. Napaayos naman siya ng upo at gano'n din ang ginawa ko.

Pinilit ko talagang iseryoso ang mukha ko para malaman niyang hindi ako nagbibiro sa sinabi ko.

"Hindi nga tayo, pero may karapatan kang magselos kasi..." Kumunot ang noo ko sa pambibitin niya at 'di sinasadyang napunta ang tingin ko sa kanya. Hayan tuloy nagkatitigan kami.

"Kasi, may gusto ka sa 'kin." Direktang aniya dahilan para makaramdam ako ng hiya sa buong katawan ko. Pakiramdam ko namumula ako sa harapan niya kahit na morena ang kutis ko.

Tama ba 'yon? Tama bang magpakilig ngayon, ha?!

"Tss. As if namang crush pa rin kita," singhal ko na kunwari'y hindi tinablan sa sinabi niya na sa loob-loob ko ay nakakakilig talaga.

Tipong alam ng crush mo na crush mo siya tapos proud pa siyang sabihin 'yon sa iyo?

Hindi lang iyon, sinamahan pa ng titig na talagang nakakabaliw tingnan.

"Ang indenial mo talaga." Nakangising komento niya sa inasta ko.

"Ang hilig mo kasing halungkatin ang mga bagay-bagay. Alam mo ba 'yong past is past?! Sinabihan na nga kita dati na hindi na ikaw ang crush ko," depensa ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Bakit hindi mo na ko crush?" Kunot-noong tanong niya at talagang nag-pout pa sa harapan ko.

Aba't nagpa-cute?

"Kasi..."

Napalunok ako at umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano ang dapat na itugon ko sa tanong niya, ano nga bang dapat kong isagot?

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa magkabilang gilid ng classroom namin.

Nasa harapan kasi kami ngayon nakaupo. Sa first row sa bandang kanan, to be exact. May bintana rin sa gilid namin.

"Kasi ano?" Dagdag tanong niya na talagang hindi ako tinantanan na titigan.

"May girlfriend ka na, Losy right? Gusto na kitang iwasan para hindi ako makagulo sa relasyon ninyong dalawa." Puno ng kompiyansang sagot ko. Natahimik naman siya saglit.

"Hindi ka naman panggulo e-" Hindi niya naituloy ang nais niyang sabihin sa akin dahil bigla akong nagsalita.

"Oo, alam ko. Blinock mo lang naman ako." Blanko ang mukhang saad ko sa kanya.

"Ha? Hindi kita blinock. . . ay baka-" Muli, agad ko siyang pinutol sa pagsasalita.

"Jowa mo nga, kaya hindi na ikaw crush ko. Si Samuwan na." Prangkang sagot ko. Tumahimik naman siya subalit no'ng makabawi'y nagsalita rin.

"Oh? Eh 'di kay Samu ka na, mas maganda." Seryosong sambit niya na parang galit pa siya sa sinabi ko. Pagkatapos ay lumipat na siya ng upuan. Iniwan na ako.

Ewan ko ba sa lokong 'yon. Hindi ko maintindihan.

Minsan, gusto ko siyang intindihin talaga pero alam mo iyong pakiramdam na parang may something sa inyong dalawa na hindi mo malaman kung ano?

Hay ewan, baka nag-a-assume lang ako.

Hanggang sa nag-uwian na'y hindi pa rin ako pinapansin ni Jos.

Siya 'yong lalaking nakausap ko kanina. Joshiea Trivañes, Jos is his well-known nickname mapabahay or school man.

Ang ganda ng name niya ano? Pangbabae pff-pero guys, lalaki siya. Pure boy, haha.

Kaagad siyang umalis sa classroom namin nang hindi man lang nagpapaalam sa akin or kahit 'bye' lang though dapat masanay na ko kasi may girlfriend na siya at hindi na kagaya dati na free pa at walang iniintinding jowa 'di ba?

Normal naman siguro iyon, bakit ba apektado ako? E 'di huwag siyang mamansin, tss.

Pinilit kong ialis sa utak ko ang mga naiisip ko kanina pa kasi pakiramdam ko, anytime puwede akong malungkot bigla at umiyak na naman. Hirap pa naman akong patahanin ang sarili ko mas lalo na kapag naiyak ako.

So hanggang sa makarating ako ng bahay, wala pa rin akong ibang maisip kun'di iyong inakto ni Jos kanina. Kahit anong pilit kong ialis siya sa isip ko, siya pa rin ang paulit-ulit na nagre-reply sa braincells ko. Kainis na nga!

Siya 'yong stress na minsan stress reliever ko.

Gets niyo ba mga pinagsasabi ko? Ah basta iyon na 'yon.

Kinagabihan ng araw na iyon. Nag-open ako ng messenger ko at saktong nangunguna ang profile niya sa active status ko.

Actually hindi na ako magtataka, kasi madalas talaga. . . gabi siya online. Kaya nga tawag ko sa kaniya minsan, puyater. Hindi ko nga alam kung natutulog pa ba siya kasi minsan kapag nagigising ako nang madaling araw, online pa rin siya.

Ilang minuto pa'y may biglang lumitaw na chat head sa screen ng cellphone ko and guess who?

Siya.

Syempre, ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ko tuluyang buksan ang chat namin.





...their chat only available on this story link:

https://www.wattpad.com/story/226075693?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=story_info&wp_page=story_details_button&wp_uname=ZebedeeGaius&wp_originator=IN4y%2BZq3nLVQhje8FGiH7YqS4TB39QHc9XZIL%2FU%2BreAbCvxB%2BHsenNQf0WJZn7fxjyqAVguhW5cmqwuaVoebc5qa25f%2F5uRlv7iijNhz5A%2FXqXxuPzwNC5sfNsG3jY%2Fm





Nag-offline na ako pagkatapos naming mag-usap. Sa totoo lang, dahil sa simpleng pag-uusap namin na iyon. Nabuhayan ako. Na-inspire ng kaunti kaya bago matapos ang gabing 'yon, natapos ko 'yung kanta na sinulat ko kanina sa school na kamuntikan ko pang hindi matapos kasi bigla akong ginulo ni Jos.

Kinabukasan, walang pasok. Sabado. Pumirmi lang ako sa bahay maghapon hanggang sa saktong alas tres na ng tanghali nang biglang lumitaw ang isang lalaki sa labas ng bintana ng bahay namin.

"Oh, anong ginagawa mo rito?" Salubong ang dalawang kilay kong tanong sa kaniya mula sa loob ng bahay.

Ang bintana kasi namin para siyang old style window na hindi glass kasi gawa siya sa inukit na kahoy tapos mano-mano mo siyang bubuksan gano'n. Makikita 'yong mga ganitong klase ng bintana sa mga makalumang istilo ng mga bahay.

Pangsinauna kasi itong bahay namin, e.

"Ayaw mo ba muna akong papasukin?" Balik-tanong niya na nagpapilit sa akin na papasukin siya sa bahay.

Ang sama ko naman kung hindi ko papasukin ang bisita ko na minsan lang ako puntahan sa bahay.

Pero sa loob-loob ko, hindi talaga ako ready sa biglaang pagdalaw niya sa akin ngayon.

Pagkapasok niya sa bahay namin. Ngumiti siya kay mama na kasalukuyang nagpapaypay dahil sa sobrang init ng panahon. Marahan pa niya itong nilapitan pagkapasok niya sa bahay namin.

"Hi po, Tita." Nakangiting bati niya saka siya nag-bless kay mama at bumaling ng ngiti sa akin. Hindi ko sinuklian ang ngiti niya. Pinilit kong hindi magpaapekto sa nakakaakit niyang awra.

"So, bakit ka nga nandito?" Kunot-noong bungad ko sa kaniya nang makaupo siya sa isang monoblock na nakakalat lang sa silid namin.

"Wala. Masama bang bumisita sa best friend ko?" Napasinghal ako matapos kong marinig ang sinabi niya.

Pagdiinan ba raw 'yong salitang best friend?! Ay, hindi naman yata tama iyon.

"Hindi mo ko maloloko. Ano ngang pinunta mo, ha?" Taas-kilay kong tanong ulit sa kanya. Napabuga siya ng hangin.

"Sige na nga. Ganito kasi 'yon, patulong sana ako gumawa ng project natin sa math. Hindi ko kasi alam paano, eh." Tila'y napilitang tugon niya.

Knowing this guy, alam kong hindi niya ako pupuntahan kung wala naman siyang kailangan sa 'kin.

"Alin, iyong modulo ba?" Tumango lang siya sa sinabi ko.

'Yung Modulo na sinasabi ko na mas tinatawag na Modulo Art, isang uri ito ng sining na may kaugnayan sa math.

Upang mabuo ang mga disenyo sa modulo art, gumagamit kami ng mga numerical patterns para makalikha ng isang natatanging at artistikong nakalulugod na disenyo. Ang mga disenyo'y nililikha mula sa mga pattern ng Modular Arithmetic, doon nabubuo ang isang Modulo Art.

You can search it in google kung anong itsura ng modulo art para malaman niyo, hehe.

"Tapos ka na ba ro'n? Patingin ako," aniya. Tumango ako bilang sagot.

Kaagad ko namang kinuha ang modulo na nasa loob ng schoolbag ko na nakasabit sa pader ng kuwarto ko.

"Hala, ang ganda."

Nang marinig ko ang reaksyon niya'y awtomatik na tumagilid ang mata ko. Sus. Magkaibigan kami at kilalang-kilala ko na siya kahit ilang buwan pa lang kaming magkasama.

Tamang compliment pero magpapagawa 'yan.

"Magpapagawa ka? Bayad mo, woy." Nakangising anas ko na saglit nagpatahimik sa kanya, kahit ako natigilan din.

Pareho kasi kaming napatitig sa isa't isa. Ako na ang unang umiwas.

"Kiss ko na lang, hehe." Huminga ako nang malalim sa sinagot niya.

Puwede naman pero hindi pwede!

"Umayos ka nga r'yan. May jowa ka na, oh. Ang harot. Gagawin ko naman 'yon kahit walang kiss tss," usal ko habang nagpipigil ng kilig sa katawan.

Hindi ko inaasahan na bigla niya akong yayakapin sa sobrang saya niya dahil sa simpleng pagpayag ko.

"Thank you! Maraming salamat talaga, Eyl. Ang bait talaga." Sinserong sabi pa niya dahilan para manlambot ang puso ko.

"Huwag kang magpasalamat. Masyado pang maaga. Hindi ko pa nga nasisimulan."

Malapad siyang ngumiti sa harapan ko at dahil doo'y biglang nagkaroon ng sariling karera ang puso ko. Basta, ang bilis ng pagtibok niya.

Iniwasan ko siyang tingnan subalit hindi ko talaga maialis sa utak ko na kasama ko siya ngayon sa bahay.

And that thought makes my heartbeat, crazy.

Pasimple ko siyang tiningnan habang gumagawa ako ng modulo.

Naiilang pa nga ako kasi nakatingin din pala siya sa akin habang ginagawa ko ng modulo niya pero ayos lang. Nasanay na rin naman ako sa kaniya.

Kahit ako mismo 'yong gumagawa, nagkukusa rin siyang tumulong sa pag-aayos ko ng modulo niya. Pagkatapos kong iguhit ng pantay ang mga hugis parisukat sa isang 1/4 illustration board ay sinabihan ko siyang kulayan ang drawing ko. Hinayaan ko naman siyang gawin iyon.

Ilan minuto pa'y nabagot ako kaya habang nagkukulay siya, pasimple ko siyang kinuhanan ng litrato na dapat ay pasikreto ko lang gagawin ngunit naramdaman niya yata 'yon kaya kusa siyang ngumiti sa harap mismo ng phone camera ko.

"Magsabi ka kung gusto mo ng picture ko, willing naman akong magpa-picture sa iyo." Nakangiting banat niya saka itinuloy ang pagkukulay.

Bakit pakiramdam ko namumula ako? Argh.

Nang matapos na siya sa pagkukulay niya ng modulo na pinagawa niya ay kinuha niya sa puwesto ko ang sariling modulo ko saka niya pinagkumpara iyon.

"Hayan, pareho ng maganda. Maraming salamat, Eyl." Sinserong komento niya na nginitian ko lang.

Pagkatapos naming gumawa ay nagyaya si mama na kumain na at dahil feel at home itong si Jos, hindi siya tumanggi sa pagkaing inaalok ni mama sa kanya.

Sabay kaming kumain ng meryenda noong araw na iyon at nang matapos ay nagpaalam na rin siya na uuwi na siya sa bahay nila. At dahil best friend niya raw ako, hiningian niya ako ng hug na binigay ko naman bilang paalam sa kanya.

Nagtuloy-tuloy ang samahan namin that time. Mas naging close kaming dalawa dahil sa ilang projects at assignments na sabay naming ginagawa at natatapos.

Back then. It was October that time, my birthmonth. Buwan na inaasahan kong magiging masaya ako ngunit kabaliktaran ang nangyari. I was turning 16th that moment when I realize that my boy best friend will not coming for my mini birthday party na mangyayari sa bahay namin.

Umasa ako na darating 'yong mga taong inaasahan ko na darating sa bahay pero sa huli pawang mga kaibigan lang ng kapatid kong babae ang nagsidatingan sa bahay namin.

Sobrang naiinis ako sa sarili ko no'ng araw na iyon. Bakit ko kailangang umasa? Thinking na all this time wala naman talaga akong friends na masasabi kong totoo sa akin.

No'ng dumating ang mismong araw ng kaarawan ko, umuulan noon. Maririnig sa bubong ng bahay ang ingay ng pagpatak ng tubig mula sa makulimlim na kalangitan. And yes, maybe this birthday wouldn't be the happiest one.

Some of my friends chatted me that they won't be able to come on my birthday kaya kanya-kanya na silang long message sa akin na hindi ko naman maramdaman 'yong sincerity nila sa pagbati.

I put a smile on my face thinking na magiging masaya ako for that day subalit kahit anong pilit kong maging masaya, hindi ko talaga maramdaman iyon.

It was exactly 4pm nang maramdaman ko ang lungkot ng birthday ko dahil sa ilang rason tulad ng hindi ko kasama ang mga magulang ko, pati ang dalawang kapatid ko, wala rin. Tanging 'yong kapatid ko lang na babae na sumunod sa akin ang kasama ko sa bahay. Kaya sobrang nalulungkot talaga ako.

Pinipigilan kong umiyak kasi nga birthday ko so dapat masaya ako pero hindi eh. Not until someone suddenly came to our house, which is for me is the unexpected scene.

Hindi ko naman kasi inaasahan na darating pa siya eh kasi bago pa dumating itong birthday ko nagsabi na siya sa akin na hindi siya makakapunta kaya umasa akong hindi talaga siya pupunta.

E, malay ko bang makakapunta pala ito ngayon, ha?!

"Happy birthday to you! Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. . . happy birthday, Eyl."

Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang marealize ko kung sino 'yong bumati. Kaagad siyang pumasok sa bahay at sinadyang surpresahin ako.

Literal na napaiyak na ko no'ng dumating siya. Bigla kong tinakpan ang mukha ko gamit ang mga palad ko para hindi niya makitang umiiyak na ko.

Pero si Jos, dahil kilala ko siyang curious sa mga bagay-bagay, pinipilit niyang tanggalin ang dalawang kamay ko na nakaharang sa mukha ko para malaman niya kung anong tinatakpan ko which is itong pagluha ko nga.

Nang malaman niyang umiiyak ako ay kaagad niya akong niyakap.

"Sorry na. Sinubukan ko lang talagang makahabol dito. Huwag ka ng umiyak. Birthday mo oh, 'tapos iiyak ka? Sige ka, papanget ka n'yan," pagpapalubag-loob pa niyang saad dahilan para mapatahan niya ako.

Pinilit kong ngumiti sa harapan niya para malaman niyang okay lang ako.

"Pero saglit lang ako kasi alam mo na, monthsarry namin ni Losy ngayon." Napunit ang ngiti ko sa labi dahil sa narinig kong sambit niya.

Sa dami ng araw na puwedeng maging monthsarry nila, bakit tinapat pa sa birthday ko?

"Ah gano'n ba? Oo nga 'no? 10 pala ngayon. Oh sige na, alis ka na baka may date pa kayo." Maaliwalas ang mukhang wika ko habang pinipilit ang sarili kong ngumiti sa harap niya kahit na deep inside ay nasasaktan ako.

Ngumiti ako dahil gusto kong ipaalam sa kanya na okay ako kahit hindi talaga. Nais ko ring ipakita na hindi ako bitter sa kanilang dalawa ni Losy at isa pa, hindi naman niya talaga alam ang tunay na nararamdaman ko para sa kaniya sapagkat ang alam niya lang ay crush ko siya. Crush lang.

"Sorry talaga, Eyl. Promise, babawi ako sa'yo. Happy Birthday!" Masiglang paalam niya. Niyakap niya pa ako bago siya tuluyang umalis ng bahay.

I can't still believe that sweet 16th birthday of mine became memorable because of that scene. Akala ko kapag 16th ka na, sweet kaso bakit sa mismong birthday ko, naranasan kong maging bittersweet?

Kahit ganoon ang nangyari sa birthday ko, I still manage to act normal mas lalo na noong may pasok na ulit kami.



***



Naging kasa-kasama ko si Jos, mapa-school or sa bahay man. Naging madalas din 'yong pagtambay niya sa bahay namin kaya nakilala siya ng mga kapatid ko pati ng mga magulang ko.

Hanggang sa malaman kong nag-break na sila ni Losy. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko that time, knowing how Joshiea loved Losy? Yes, nasaktan ako no'ng naging sila nang hindi ko namamalayan pero iyong malaman kong mabilis napalitan ni Losy si Jos?

Tell me, bakit ganito ang love? He's crying infront of me because of a girl that he loves the most. Babae na pinagdasal niya without knowing na hindi pa pala iyon ang para sa kaniya.

I was there, listening to his dramas, to his stories na mostly more on problems niya sa labas at loob ng school.

I was there for him to be a light, hoping na magiging okay siya someday kahit na alam kong strong naman siya sa pagharap ng mga sarili niyang problema.

I was there, comforting him sa mga panahon na siya mismo nagbre-breakdown din.

I was there with him and he was there when I also need him.

Naging maayos ang samahan naming dalawa ng taong iyon, finally naka-move on na siya kay Losy.

At doon ko muling nakita ang masiglang Jos na nakilala ko noong unang araw ng klase subalit sa boy and girl na friendship, hindi talaga mawawala ang issues sa paligid.

"Iyang si Josh, hindi lang naman siya sa 'yo sweet, e. Sweet 'yan sa lahat. Huwag kang magpapadala sa kanya. Huwag kang magpaabuso sa mga taong mahilig magpagawa r'yan." Taas-kilay na paalala sa akin ni Caeryh. A gay friend. Parang pinaparinggan niya pa nga si Jos.

Pasimple kong tiningnan si Joshiea na ngayo'y nagsusulat sa notebook niya. Mabuti na lang, nakaupo siya sa malayo. Atlis, hindi niya maririnig itong mga pasaring sa kaniya ni Caeryh.

"Hoy, ano ka ba. Hindi siya ganiyan." Kunot-noong depensa ko sa kanya dahilan para tinarayan lang ako ni Caeryh.

"Hays. Ang sabihin mo crush mo pa rin siya. Huwag ka ngang maging tanga, Lireyl. Hindi lang naman siya 'yong lalaki sa mundo." Prangkang sabi niya na nagpa-realize sa akin na,

Oo nga, bakit ko kinukulong ang sarili ko sa isang lalaki lang eh marami namang iba riyan?

Nawala ang usapan namin ni Caeryh nang biglang lumitaw si Triad, kaklase kong lalaki. Umupo siya sa harapan na katapat ng arm chair na inuupuan ko.

"Siguro kasi nagalaw ka na ni Josh ano? Kaya gan'yan mo siya ipagtanggol." Nakangising tanong ni Triad. Parehong lumaki ang mga mata ko na napatingin sa kaniya.

Ha? Ako? Ginalaw ni-

Napatingin ako kay Caeryh at kagaya ko, gulat na gulat din siya.

Ngumiti nang malapad si Triad saka tumawa sa nakita niyang reaksyon namin ni Caeryh.

"Ano ba 'yan? Joke lang. Itong mga 'to talaga. Hindi mabiro."

I don't think it's a nice joke.

Ang lakas pa ng boses niya kaya 'yan ang dami tuloy nagbulungan sa loob ng classroom namin. Isama mo pa itong nagtatakang tingin ni Jos sa puwesto namin nila Caeryh at Triad.

Napaiwas ako ng tingin. Grabe, sobrang nahihiya ako sa sinabi ni Triad.

Even though hindi naman 'yon totoo at joke lang, still nakakahiya iyong ganoong biro mas lalo na kung sinadya mo pang palakasin ang boses mo sa pagbibiro ng gano'n. Feeling ko guilty ako kahit hindi.

Kaya hanggang sa mag-uwian ay naging tahimik ako't tulala. Gusto kong magtapat kay Jos about sa nangyari kanina sa school.

Dapat niya ring malaman 'yon 'di ba? Sabihin ko ba?

Hindi agad ako umuwi sa bahay. Nandito ako ngayon sa bahay nila Jos kasama 'yong mga maliliit pa niyang mga kapatid. Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ako nag-decide na sabihin sa kaniya.

"Ahm, Jos. Huwag kang magagalit ah? May sasabihin lang. Feel ko kasi dapat mong malaman." Salubong ang dalawa niyang kilay na tiningnan ako.

"Ano naman 'yon?" Kunot-noong tanong niya.

"Ewan ko pero parang kalat na sa classroom natin..." Dapat ko bang sabihin sa kanya? Eh. . . baka magalit siya.

"Ang alin?" Dagdag tanong niya ulit. Nanginginig ang kalamnan kong nagsalita.

"Na ano. . . ginalaw mo raw ako." Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko habang ako napapikit sa kahihiyan.

Tulad ng naging reaksyon ko, nagulat din siya at hindi makapaniwala.

"Ano?! Sino namang nagkalat niyan?! Grabe na 'yan ah. Pati ba naman ganiyang issue kinakalat?! Eh hindi naman totoo 'yan!" Bakas ang inis at gigil niya sa bawat katagang binabanggit niya.

"Actually. May nagbiro lang 'yan kanina pero syempre ayokong maghusga at mas lalong ayokong manisi. Kaya hindi ko alam..." Nakatungong sambit ko na nagpakalma sa kanya.

"Iyong ako lang maissue, ayos lang. Pero 'yong pati ikaw maisama sa issue? Eyl, hindi ko matatanggap." Seryosong aniya na mariin pa kong tinitigan.

Parang gusto kong yakapin siya dahil sa sinabi niya pero hindi ito ang tamang oras.

"Hayaan mo na, hindi naman totoo iyon." Pagpapahinahon ko kay Jorge na until now ay pinapakalma pa rin ang sarili niya.

"Hindi eh. Eyl. Best friend kita at ang pinakaayoko sa lahat ay iyong nadadamay pa pati ang kaibigan ko." Seryosong saad niya ulit.

Kitang-kita ko kung paano siya maging concern sa akin sa issue na ito at dahil doon mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya kahit na alam kong wala naman akong pag-asa sa kaniya.

"Chill ka na nga. Huwag kang magalit sa'kin kasi hindi naman ako nagkalat no'ng issue." Tumawa ako sa harap niya para pagaanin ang loob niya at ang atmospera na nakapaligid sa aming dalawa.

Pero kahit tumawa ako, nanatili lang siyang poker face.

"Ay, hindi ka pa rin ngingiti? Oh sige. Anong tawag sa ship na may pin?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Saglit siyang tumahimik at napaisip sa tanong ko.

"Sige. Sirit. Ano ba 'yon? May gano'n ba?" Sunod-sunod niyang tanong na nagpangisi sa'kin.

"Edi... SHIPpin." Pinanliitan niya ako ng mata. Ako na lang ang tumawa sa sarili kong joke kaya kinalaunan ay ngumiti na rin siya.

"Ang korni mo, Eyl." Nakangiting komento niya sa inasta ko.

"Korning nagpapatawa sa'yo. Ayue!" Pang-aasar ko na tinawanan niya.

"Ayue amp. Ano 'yon!?" Takang tanong niya pa na nagpatawa rin sa akin.

"Ayue, sa dictionary ko lang mahahanap 'yan. Rare language 'yan." Bumungisngis ako sa sinabi ko.

Kahit kailan talaga korni nga ako, hehe.

"Oo na lang." Napilitang pagsang-ayon niya na kinangiti ko na lang.

Natapos ang araw na 'yon sa sunod-sunod na asaran namin at banatan sa isa't isa. Hinatid niya pa ako sa bahay namin kasi ginabi ako sa kanila.

Year 2017 iyan lahat nangyari and until now, sariwa pa rin sa akin lahat-lahat ng alaala na nangyari sa aming dalawa noon. Iyon 'yong mga araw na nagsisimula pa lang umusbong ang nararamdaman namin para sa isa't isa.

At ngayon, nandito kaming dalawa sa isang parke na dati pa lang ay pinupuntahan na namin.

Madamo, may mga ilang matatandang puno sa paligid. May iba't ibang bench na nakatabi sa mga puno. May makikita ring mga swing, slides na nasa park. May mga nakapaligid na lampost na kulay puti ang ilaw, kasing puti ng kalahating buwan na ngayon ay nakasilip na.

Kitang-kita ko ang ilang bituin sa madilim na langit habang nakaupo ako sa isa sa mga swing na mayroon ang park na iyon. Kasalukuyan kaming nag-i-is-star gazing ni Joshiea nang biglang bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari sa amin noong nakaraang tatlong taon.

"Grabe, ano? Ang tagal na pala nating magkakilala. Ang tagal na nating mag-bestfriend at ang tagal na rin ng relasyong nabuo natin." Wala sa sariling sambit ko habang nag-swi-swing.

"Oo nga eh. Ay. . . Eyl," bulong niya. Napatingin ako sa gilid ko nang bigla niya akong tawagin.

"Pikit ka," utos niya dahilan para magsalubong ang dalawa kong kilay.

"Ha? At anong gagawin mo naman?" Kunot-noong tanong ko pero imbis na sagutin niya ay agad niyang tinakpan ng panyo ang mga mata ko.

"Hoy. Ano ba kasing gagawin mo?" Dagdag tanong ko ulit ngunit hindi na naman siya sumagot.

Makalipas pa ang ilang minuto. Tinanggal na ni Jos ang panyong pinangtakip niya sa mga mata ko. At doo'y tumambad sa akin si Samu na ngayon ay nakapormang damit. Ang gwapo.

Lalapitan ko na sana siya nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Napalunok ako't napatitig sa kaniya.

"Lireyl Vaizanias. . . will you marry me?" Walang ano-ano'y tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko.

Ang taong una at huli kong minahal talaga ay nasa harapan ko na ngayon at nagpro-propose pa sa 'kin.








...want to know their ending?

https://www.wattpad.com/story/226075693?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=story_info&wp_page=story_details_button&wp_uname=ZebedeeGaius&wp_originator=IN4y%2BZq3nLVQhje8FGiH7YqS4TB39QHc9XZIL%2FU%2BreAbCvxB%2BHsenNQf0WJZn7fxjyqAVguhW5cmqwuaVoebc5qa25f%2F5uRlv7iijNhz5A%2FXqXxuPzwNC5sfNsG3jY%2Fm







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top