Page 2
Story #2: The Wonderful Gems
©PMBOneShotStory (2019)
Sa isang malayong lugar sa siyudad, may makikitang dalawang estudyanteng babae na masayang naglalakad papunta sa kanilang paaralan. Nang natunton na ng dalawang batang babae ang kanilang eskuwelahan ay daglian silang nagtungo sa kanilang silid-aralan.
Kapansin-pansin ang normal na atmospera sa silid na iyon. Makikita ang iba't ibang grupo ng mga kamag-aral nila, may sari-sariling mundo at pawang mga walang pakialam sa paligid nila.
May ilan na nananahimik lang at may pinagkakaabalahan. Tulad ng mga normal na araw, maingay at magulo ang klase dahil wala pa naman ang kanilang guro.
"Mabuti na lang wala pa si Ma'am," komento ni Larissa sa kaibigan niyang si Miranda. Tinanguhan lang siya nito bago sila umupo sa upuan nila.
"Akala ko talaga mala-late tayo, ikaw kasi ang tagal mong kumilos." Awtomatikong nangunot ang noo ni Larissa dahil sa reklamo ni Miranda.
"Hay nako Mira, hindi ka pa ba sanay sa 'kin?" Tinawanan lang ni Miranda si Larissa dahil sa tugon nito.
Naantala lamang sila sa kanilang pag-uusap nang biglang nagsiayos ng upuan ang buong klase at tumahimik ang paligid.
"Good morning, Ma'am Estery." masiglang bati ng buong klase sa una nilang guro.
"Magsiupo na kayo at mag-che-check na muna ako ng attendance ninyo," utos ng guro na sinunod naman ng buong klase.
Pagkatapos nitong bilangin ang mga liban sa klase ay nagpatuloy na siya sa kaniyang pagtuturo. Makalipas ang ilang oras ay recess na nila. Parehong lumabas sa kanilang silid sina Miranda at Larissa na may dalang cellphone at wallet.
Papunta sila ngayon sa kantina ng kanilang paaralan kung saan, mura lang ang mga bilihing pagkain.
Pagkatapos kumain, deretso sila sa klase nila. Noong uwian na'y mga pawang pagod na ang lahat. May ilan pang nagsiinat ng katawan bago tuluyang umalis sa classroom nila.
"Ris, ang bagal mo talaga. Mawawalan na tayo ng masasakyan dahil sa kabagalan mo, inday." mariing sermon pa ni Miranda sa kaibigan niya.
"Mira naman, ang bilis mo kayang maglakad. Hindi ka naman excited umuwi 'no?" Habol-hiningang ani Larissa.
"Larissa Wilhara Jindames na tinatawag kong Ris, puwede ba? Bilisan na lang natin kasi anong oras na." Tila'y naiinip na singhal ni Mira sa kaibigan niyang si Ris.
"At bakit may pagtawag sa full name, ha? Miranda Ihez Ropales na tinatawag kong Mira aber," palabang usal pa ni Ris. Nakapamewang pa ito sa harapan ng kaibigan.
Napabuntong-hininga na lamang si Mira dahil sa sinagot ng kaibigan. "Hoy. Huwag ka ngang stress d'yan, joke lang haha! Ito na nga uuwi na tayo," biglang bawi ni Ris sa naunang sinabi nito.
Ngumiti pa ito para maipaalam sa kaibigan na nagbibiro lang siya. Nagpara na rin siya ng dyip na sinakyan nila pareho ni Mira. Wala pang kalahating oras, unang bumaba sa dyip si Mira. Nagpaalam na siya sa kaibigan at sinabihang mag-ingat ito.
"Sus, sila ang mag-ingat sa 'kin!" Buong kompiyansang wika ni Ris na tinawanan lang ni Mira.
"E 'di wow, sige na." Huling hirit ni Mira saka siya tuluyang bumaba ng jeep.
Ilang minuto pa ang lumipas, natunton na rin ni Larissa ang street na malapit sa bahay nila. Pumara na siya saka bumaba.
Habang nasa daan siya pauwi, hindi niya inaasahan na may makikita siyang gulo. Pipiliin na niya sanang umiwas dito pero naawa siya roon sa taong ginugulo. Huminga muna nang malalim si Ris saka siya naglakas-loob na puntahan ito.
"Ano? Hindi ka makasagot 'di ba? Kasi totoo 'yong mga sinasabi namin! Sipsip ka sa boss natin. Tsk!"
"Tapos, sasabihin mo pa sa 'min na hindi mo alam? Wala kang alam?! Anong akala mo sa 'min? Pinanganak kahapon? Aba."
"Hindi yata puwede 'yon!"
Sunod-sunod na banat ng mga babaeng nanggugulo sa isa pang babae na sa pakiwari ni Ris ay kaedad niya lang. Nakita ni Larissa na tahimik lang iyong babaeng ginugulo habang dinuduro siya ng mga kasamahan nito.
Napakuyom ang isang kamay ni Larissa sapagkat napipikon na ito sa kaniyang mga nakikita. Ayaw niya kasi ng gulo at mas lalong ayaw niyang nakakakita ng may minamaltrato sapagkat alam niya ang pakiramdam ng gano'n.
Nagsuot ng jacket na itim si Ris upang maitago ang logo ng school niya at para hindi mahalatang estudyante siya.
"Hoy!" malakas na sigaw nito dahilan para mapatingin ang tatlong babaeng bully pati na rin 'yong tahimik na babae.
Umakto si Ris na may tatawagan siya saka ito tumingin nang matalim sa tatlong bully.
"Kung hindi ninyo titigilan 'yan, tatawagan ko ang mga pulis." Seryoso at may bahid ng awtoridad na anas ni Ris.
Epektibo naman ito dahil mukhang natakot niya nang husto ang mga duwag na bully, nagsitakbuhan pa ang mga ito palayo. Iniwan nila 'yong babaeng tahimik. Lumapit si Larissa ro'n sa babae at tinulungang magpagpag ng damit.
"Bakit mo ginawa 'yon?" kunot-noong tanong ng babae sa tumulong sa kanya.
Napaawang ang labi ni Ris dahil sa narinig. Nagtaka siya dahil imbis na salamat ang marinig niya'y nagtanong pa ito na parang hindi niya dapat ginawa iyon.
"Gusto kitang tulungan kaya ko ginawa 'yun," malumanay na tugon ni Ris saka tumingin sa mata ng babae.
"Salamat," mahinang usal pa nito. Ngumiti si Larissa sa babae.
"Anong pangalan mo pala?" usisa ni Larissa saka pasimpleng tumitig sa name tag na nakalagay sa kanang bahagi ng unipormeng suot ng babae.
"Lia?" naniniguradong wika pa ni Larissa matapos basahin ang name tag nito.
Napatingin ang babae sa damit niya at tumango ito bilang sagot sa tanong ni Ris.
"Ophelia Gourel Kinash, iyon ang totoo kong pangalan pero kilala ako bilang Lia," mahinahong paliwanag pa ng babae na tinanguan ni Larissa.
"Ang ganda ng pangalan mo!" Nakangiting komento ni Larissa. Nagtatakang napatingin si Ophelia sa kaniya.
"Nagagandahan ka sa pangalan ko? E, ako nga, hindi," pagpapakatotoo pang sambit ni Ophelia. Natawa si Larissa dahil sa reaksyon nito.
"Ano ka ba, seryoso kaya ako. Maganda kaya 'yung pangalang Ophelia." Nagniningning ang mga matang komento niya ulit.
"E ikaw, anong pangalan mo ba?" balik-tanong ni Ophelia kay Larissa.
"Ako? Larissa Jindames," pakilala ni Larissa sa sarili nito. Tumango lang si Ophelia sa narinig at doon ay pareho silang nakipagkamay sa isa't isa.
"Saglit, sino pala 'yung mga nanggugulo sa iyo kanina? Kilala mo?" usisa muli ni Larissa sa katabi niyang babae.
"Oo. Mga katrabaho ko sila," walang ganang tugon ni Ophelia.
"Ay oh? Saan ka pala banda nagtratrabaho?"
"Malapit lang dito," usal ni Ophelia.
"Bakit ka nila inaaway?" Si Larissa ulit.
"Inggit."
"Ang ganda mo kausap, joke lang hehe." Nag-peace sign pa si Larissa nang mapansing saglit siyang pinanliitan ng mata ni Ophelia.
Blanko lang ang mukha si Ophelia kay Larissa. Samantalang si Larissa, nangangapa na kung paano ito kakausapin nang maayos.
"E 'di bukas, doon ka ulit magtratrabaho?"
"Oo naman," sagot ni Ophelia.
"Ahm, Lia ano—"
"Estudyante ka, hindi ba? Bakit 'di ka pa umuuwi? Umuwi ka na baka hinahanap ka na sa inyo." Napatikom ng bibig si Ris dahil sa biglang sabat ni Ophelia.
Tipid na tumawa si Larissa. "Malapit lang naman bahay ko rito," palusot pa niya na nginitian lang ni Ophelia.
"E 'di magkikita pa tayo. Sa ngayon, kailangan mo ng umuwi dahil anong oras na. . . saka ko na lang sasagutin 'yang mga tanong mong walang katapusan."
Nakangiting paalam nito bago ito nagpaunang lumakad sa ibang direksyon. Walang magawa si Larissa kundi umuwi na lang kahit na ayaw niya pa talaga.
Nakayukong naglakad si Ris papunta sa bahay nila. Ilang minuto pa ang lumipas, huminto sa paglalakad si Ophelia at biglang tinawag si Larissa. Malungkot ang mukha nitong nilingon si Lia.
"Larissa! Maraming salamat ulit, ah. Ingat ka pauwi! Huwag ka ng malungkot d'yan," ani Lia na nagpangiti na rin kay Ris. Pareho pa silang kumaway sa isa't isa.
Pagkatapos no'n ay nagpatuloy na ang dalawa sa kanilang paglalakad papunta sa kani-kanilang mga tahanan.
Nang mapagtanto ni Larissa na nasa tapat na siya ng kanilang bahay ay huminga ito nang malalim. Inihanda ang sarili sa maaari niyang marinig sa loob ng bahay nila.
At kagaya nga ng inaasahan niya, pagkabukas niya pa lang ng pinto ay tumambad ang isang babaeng may katandaan. Salubong ang kilay nitong nakatitig ngayon kay Larissa.
"Anong oras ka na naman umuwi? Hindi ba dapat mga alas kuwatro nandito ka na sa bahay?! Bilisan mong magbihis ng damit mo't maraming hugasan doon sa lababo!" nagtitimping sigaw pa nito.
Napabuntong-hininga na lamang si Larissa sa bungad ng kaniyang hindi tunay na ina. Pagkatapos magbihis ay deretso siya sa kusina at saka siya naghugas ng plato.
"Rissa! Tapos ka na bang maghugas ng plato d'yan? Magtupi ka ng mga sinampay bago ka matulog aba, napakakupad mo talaga." Muling utos ng stepmother niya na sinunod niya.
Saktong alas dose na nang matapos si Larissa sa sandamakmak na mga tupiin. Pagkatapos magtupi ay nagpunta siya ulit ng kusina para kumain kasi nagugutom na siya.
Sa kabutihang palad, may nakita siyang tirang ulam at agad niya itong kinain. Pagkatapos kumain, naghugas siya ng pinagkainan niya at dumeretso na sa tulog.
Kinabukasan, kamuntikan na muling mahuli sa klase sina Mira at Ris dahil sa anong oras na nagising itong si Larissa.
Habol-hininga sila nang makapasok na sila sa classroom nila. Ilang oras pa'y habang nagtuturo ang guro nila'y hindi namalayan ni Larissa na nakaidlip siya klase.
"Jindames!" Awtomatik na napatayo si Larissa dahil sa biglang pagsigaw ng kasalukuyang guro nila.
"Nagpuyat ka ba kagabi, ha? Sinong may sabing maaari kang matulog sa klase ko?" Ramdam ni Larissa ang inis sa tono ng titser niya kaya mas nakaramdam siya ng hiya.
"Sorry po, Sir." Nakatungong wika ni Larissa saka ito umiwaa ng tingin sa kanilang guro.
Nalulungkot naman para sa kaniya ang katabi niyang si Mira. Alam kasi ni Miranda ang sitwasyon ng kaibigan at wala siyang magawa para dito.
"Lumabas ka muna sa klase ko." Seryosong utos ng titser nila.
"Hala, Sir—" Tatanggi pa sana si Larissa pero pinigilan siya ni Mira.
"Sige na, mamaya na kita kakausapin." Pilit pinapahinahon ng guro ang sarili niya. Pinilit ni Mira na pasunurin ang kaibigan kaya no choice si Ris.
Bagsak ang mga balikat ni Ris na lumabas ng klase nila at dahil sa inip ay naglakad-lakad siya sa quadrangle ng school nila at doo'y may nakita siyang 'di niya inaasahan.
Dahan-dahang lumaki ang mga mata nito saka patakbong lumapit sa isang pamilyar na mukha kasalukuyang nakaupo ito sa stage na nakapuwesto sa gitna nitong quadrangle.
"Ophelia!" pasigaw niyang tawag sa ngalan nito at dahil dito ay napatingin ang isang babae sa gawi niya.
"Oh? Dito ka pala nag-aaral?" Takang bungad ni Ophelia nang makalapit si Larissa sa kaniya.
"Oo, halata naman siguro 'no?" pabirong banat ni Larissa. Napakamot ng noo si Ophelia sa obiyos niyang tanong.
"Na-miss kita!" walang sabi-sabi'y kaagad niyakap ni Ris si Lia.
"Wait, close ba tayo?" prangkang ani Ophelia. Saglit natigilan si Larissa subalit nakabawi rin naman agad.
"Hindi pa, pero soon!" Tila'y siguradong wika ni Larissa bago niyakap ulit si Ophelia. Hinayaan na lang ni Lia na gawin iyon ni Ris.
"Anong seksyon mo?!"
"Two."
"Hala! Katabi lang pala kita ng classroom. Anong grade mo na pala?"
"10?"
"Hindi ka siguro, ah."
"Oh? E 'di Grade 10."
"Alam mo ikaw. . . madali kang kausap," natatawang komento ni Larissa sa sagutan nilang dalawa ni Ophelia.
"Ah. . . so, estudyante ka pala kapag umaga, tapos nagtratrabaho ka 'pag hapon?"
"Oo."
"Student worker ka pala." Kaagad natawa si Ophelia dahil sa sinabing ito ni Larissa. Nagtaka naman si Ris.
"Student worker? Kahit working student 'yon?"
Huli na na-realize ni Larissa ang mali niya kaya late na rin siya nag-react. Mas lalong natawa si Ophelia dahil dito.
"Slow ka pala," komento ni Lia na ngayo'y nakangiti na lang.
"Now you know! Well gano'n talaga kaming mga pagong," gatong pa ni Larissa kay Ophelia.
"At aminado ka pa, loko. Oh siya, babalik na ko sa classroom. Ikaw ba, wala kayong teacher? Bakit ka pala nandito? Nag-cu-cutting ka 'no?" Nanliliit ang mga matang bintang ni Lia kay Ris.
"Hindi, ah. Sige na, mauna ka na may bibilhin lang ako." Nakangiting palusot ni Larissa na tinanguan na lang ni Lia saka ito tumuloy sa pupuntahan niya.
Sakto pagkapunta ni Larissa sa kantina ang pagtunog ng bell sa school nila, na hugyat ng recess time. Inaasahan na ni Ris na hahanapin siya ni Mira sa canteen.
"Woy! Sabi na, e. Dito lang kita mahahanap. Ano 'yan? Pahingi," salubong ni Mira kay Ris na kakabili lang ng pagkain tapos hiningian pa bigla ni Miranda.
"Alam mo ikaw hindi uso sa 'yo magpaalam, ano?" Tinawanan lang ni Miranda ang ginawang pagpaparinig ng kaibigan nito.
"Well gano'n talaga, besprend." Mapang-asar nitong tugon na tinarayan lang ni Ris sabay sabing, "Tsh," singhal na lamang nito saka umiling.
"Ay maiba ako, nag-announce si Ma'am kanina. Ang sabi niya is, next monday na raw 'yung parents day. At tulad ng kinagawian si Tita Mayi pa rin papapuntahin ko..." nalulungkot na kuwento ni Miranda sa kaibigan niya.
"Buti nga sa 'yo may pupunta. Tanungin mo ko kung may gustong pumunta sa 'kin," sarkastikong banat naman ni Larissa na ikinalungkot din ni Mira.
"Ang sakit mawalan ng parehong magulang pero--" Huhugot sana si Miranda subalit naputol siya nang biglang magsalita ang kaibigan niya.
"Mas masakit 'yong may magulang ka nga pero hindi mo ramdam," dugtong ni Ris sa naging linya ni Mira.
"Ris..."
"Miss ko na si Papa, Mira. Kung sana hindi namatay si Mama. E 'di sana. . . kumpleto pa kami at masaya." Nakasimangot na kuwento ni Ris sa kaibigan nito.
Kaagad niyakap ni Mira si Ris dahil ramdam nitong maiiyak na ang kaibigan niya at tama nga siya.
"Ang tagal niyang umuwi galing Thailand. Oo, alam kong kailangan niyang magtrabaho sa ibang bansa pero sana man lang naaalala niya na may naiwan siya rito." Hinayaan na lamang ni Miranda na maglabas ng hinaing ang kaibigan niya.
"Ultimong kahit kumusta lang, 'di niya magawa sa akin. Bakit gano'n? Mabuti pa nga 'yung stepmom ko saka stepsis, masaya sa bahay. Habang ako ito, nagmumukmok pa rin. Minsan nga. Naiisip ko na ako na siguro 'yung real life cinderella, prinsipe na lang kulang 'no?"
Ramdam ni Mira ang lungkot na nararamdaman ni Larissa. Kahit nagawa nitong magbiro't tumawa, alam nilang pareho na hindi sila okay.
"Alam mo, Mira? Hanga ako sa 'yo kasi biro mo, namatayan ka ng magulang pero tingnan mo, may taong nagkupkop at nag-aalaga pa rin sa 'yo nang maayos. May kapatid ka pa, kaya kahit papaano may kasa-kasama ka pa rin hindi tulad ko, mag-isa lang..." dagdag kuwento niya ulit saka huminga nang malalim.
"Hindi ka mag-isa, okay? May Papa ka pa. Nasa malayo lang," sambit ni Mira sa kaibigan.
"Papa ko? Papa ko na hindi ko na maramdaman," tugon muli nito.
"Ano ka ba? Nandito pa ko, para saan pa't naging besprend mo ako, 'di ba?" Nakangiting tanong ni Mira na nagpa-realize kay Ris na, ‘oo nga may kaibigan pa siya kaibigan na puwede ring mawala anumang oras.’
"Mawawala ka rin kasi syempre, mag-iiba ka ng school kapag nag-college na tayo."
"Magkakahiwalay lang hindi mawawala. Ano ka ba? Malayo pa 'yon! May senior high school pa tayo," pang-eenganyo ni Mira sa malungkot na si Larissa.
"Ngiti ka na, dali! Panget mo kasi sumimangot," pang-aasar pa nito kaya sa huli, ngumiti na rin si Ris.
"E 'di wow, haha!"
"Hayan! Huwag ka na ulit malungkot, lablab kita. Mwuaa," panlalambing pa ni Mira sa girl best friend niya.
"Maraming salamat, don't worry lablab din kita." Nakangiting niyakap ni Larissa si Miranda bago sila tuluyang nagpunta ulit ng classroom.
Pagkapasok nilang dalawa, sinalubungan kaagad si Miranda ng ilan sa mga kaklase niya. Natatawang lumayo naman si Larissa sa kaniya at umupo sa silya nila.
"Ropales, paano 'yung kaninang ginawa ni Ma'am. Bigla ka kasing nawala kaya hindi ka namin agad natanong." Nangamot sa batok na bungad ng kaklase niyang lalaki.
Pasimpleng tiningnan ni Mira 'yong kuwaderno ng kamag-aral niya na siyang pinakita naman nito. Pagkatapos ay nagpaliwanag siya nang kaunti na naintindihan naman ng nagtanong na kaklase niya.
Nakalimang sagot na si Mira sa mga kaklase niyang nagtanong sa kanya at sa panghuling nagtanong ito ang sabi niya...
"Bakit pala kayo nagtatanong sa 'kin, puwede naman kayong magtanong kay Inoja?"
"Ah. . . kay Portia Inoja? E, kanina pa nga namin siya nilalapitan, hindi talaga namin ma-gets 'yung paliwanag niya kaya minabuti na namin na sa 'yo na lang magtanong. Mas madaling intindihin 'yung paliwanag mo, e. Sige, salamat hehez." tugon ng kamag-aral niya saka bumalik sa silya nito.
Naniningkit na tumingin si Miranda kay Portia samantalang si Portia, tinarayan lang ito. Mas lalong nagtaka si Mira dahil sa biglang pagtataray ni Portia sa kanya.
Noong nag-uwian na'y dumeretso na sa bahay sina Miranda at Larissa. Pagkapasok sa bahay ni Larissa, sinubukan niyang kausapin ang stepmom niya patungkol sa gaganaping ‘parent's day’ ng kanilang school.
"Tita--" Napatikom agad siya ng bibig dahil sa biglaang pag-eksena ng hindi niya tunay na kapatid.
"Mama! Magkakaroon kami ng parent's day sa monday punta ka ah?" Tumango lang ang stepmom niya sa sinabi ng kaniyang stepsis.
"Oh? Ano pang tinutunganga mo riyan? Kumilos ka na't magluto ka na ng hapunan!" baling ng stepmom niya nang mapansin si Larissa na nakatayo lang sa pintuan nila.
Tinarayan ng kaniyang stepsister si Larissa habang ang stepmom niya ay pasigaw siyang inuutusan sa lahat ng gawing bahay. Malungkot niya itong sinunod at nagdrama na naman siya sa kuwarto niya.
☜☆☞
Makalipas ang ilang araw, lunes na. Ang parent's day ay kasalukuyang nagaganap sa quadrangle ng school nila Mira at Larissa.
"Walang darating sa 'kin ngayon." Bagsak ang dalawang balikat na ani Larissa sa kasama niyang si Miranda.
"Okay lang 'yan, hindi naman siya requirement sa school 'to, e..." pagpapalubag-loob na saad naman ni Mira sa kaibigan.
"Ay sandali, may bibilhin lang pala ako ro'n sa canteen. Dito ka lang, hintayin mo si Tita Mayi. Mamaya babalik din ako," natatarantang sambit ni Ris na tinanguan ni Mira.
Maaliwalas ang mukhang tiningnan ni Miranda ang paligid hanggang sa mapako ang paningin niya sa isang matandang babae. Pinuntahan niya iyon at inalalayan.
"Hi 'nang, saan po kayo papunta?" Magalang nitong tanong sa matanda. Ngumiti naman ang matanda sa kanya.
"Sa classroom iha, kilala mo ba si Portia?" Kunot-noong tanong ng matanda kay Mira.
"Opo, magkaklase po kami."
"Ay, mabuti naman. Nakalimutan ko kasi 'yong classroom number niya, e. Puwede mo ba akong samahan doon, iha?" malumanay na sambit ng matanda kay Miranda.
"Oo naman po. Lola po kayo ni Portia?"
"Oo iha, nag-iisang apo ko lang iyon. Sayang nga lang dahil napaka-busy ng mga magulang niya. Nakakaawa nga 'yang apo ko kasi noon pa man, magaling na talaga iyan sa school ang kaso nga lang, ni minsan hindi nakita iyon ng mga magulang niya dahil nasa ibang bansa sila pareho. Ewan ko ba ro'n bakit hindi na umuwi para sa anak nila," napakuwentong sabi ng lola ni Portia kay Miranda.
Napalunok si Mira dahil 'di nito alam kung paano mag-re-react sa narinig niya.
"Iha, kaibigan mo ba si Portia na apo ko?" Bago pa man makasagot si Mira ay kaagad dinugtungan ng matanda ang nais nitong sabihin.
"Kawawa naman kasi siya, hindi ko na nakikitang may mga kaibigan siya. Palagi niyang sinasabi sa 'kin na marami siyang kaibigan dito pero hindi niya naman madala sa bahay namin. Iniisip ko nga kung totoo ba 'yun o hindi." May pagdududang wika ng matanda.
"O-opo, kaibigan ko po siya. Marami po siyang kaibigan dito, 'nang." Ngumiti si Mira.
"Ay gano'n ba? Ano bang pangalan mo? Dalaw ka naman sa bahay namin, ha? Hihintayin kita roon." Muli, ngumiti ang matanda kay Miranda dahilan upang mapukaw nito ang puso ng dalaga.
"Miranda po, tawagin niyo na lang po akong Mira."
"Oh siya, Mira. Welcome ka sa bahay namin," paanyaya pa nito sa dalaga. Tumango na lamang si Mira sa sinabi nito.
Napahinto lang pareho sila no'ng biglang lumapit si Portia sa lola niya. Marahang napabitaw si Miranda sa matanda.
"Lola naman, hindi ba't sabi ko sa 'yo. . . huwag ka ng pumunta rito. Ayokong napapagod ka, Lola..." nag-aalalang usal ni Portia sa lola niya.
"Apo, huwag ka nang mag-alala riyan. Inalalayan ako nito oh. . . kaibigan mong si Mira, tama?" Muling bumaling ang matanda kay Miranda na nasa gilid lang nilang mag-lola.
Tumango si Miranda sa matanda. Nanliliit ang mga matang napatingin naman si Portia kay Mira.
"Lola, tara na?" Wala sa sariling yaya ni Portia sa lola niya papasok ng classroom saka niya ito pinaupo sa isa sa mga silya roon sa classroom nila. Binalikan ni Portia si Miranda na nasa labas lang ng classroom.
"Alam kong madaldal ang lola ko. Kung anuman 'yung mga bagay na sinabi niya sa iyo huwag mo na lang ipakalat dahil kung ipagkalat mo man, sisiguraduhin kong hindi ka na makakatungtong sa entablado. Naiintindihan mo 'yun?"
May bahid ng pagbabantang saad ni Portia kay Mira ngunit hindi natinag si Miranda ro'n sa kadahilanang naiintindihan niya itong sitwasyon ni Portia dahil sa kuwento ng lola nito mismo.
Sa isip-isip ni Mira, kaya siguro ganiyan ang ugali na mayroon si Portia ay dahil kinulang siya sa pagmamahal ng magulang dahil tulad nga ng sabi ng lola niya...
Parehong busy ang mga magulang ni Portia sa ibang bagay at dahil doon kaya nagiging attention seeker siya sa karamihan ng mga kaklase niya. Napagtanto ni Mira na gusto niyang maging kaibigan si Portia kahit na may salbaheng ugali ito.
Ngumiti si Miranda kay Portia dahilan upang magtaka si Portia. "Bakit ka nakangiti?" usisa pa nito sa kaniya.
"Gusto kitang maging kaibigan. . . Portia," direktang wika nito na bahagyang nagpagitla kay Portia.
"At bakit mo naman naisipan 'yan?"
"Wala lang. Sa ayaw mo man o gusto, kaibigan na kita." Ngumiti nang malapad si Mira.
Tinarayan lang siya ulit ni Portia saka ito pumasok sa classroom nila upang tabihan ang lola niya.
Matamang pinagmasdan ni Mira si Portia at hindi nito namalayan na nasa tabi na pala niya ang matalik na niyang kaibigan.
"Ahm. . . ikaw ha. Huwag mong sabihin na kakaibiganin mo itong top 1 nating attention seeker, aber?!" Nawala bigla ang mga ngiti ni Mira sa biglang pagtatanong ni Larissa.
"Bakit masama ba?" Takang aniya na sinang-ayunan ni Larissa.
"Yes, masama dahil magiging attention seeker ka rin."
"Hala ka, woy. Judger ka besprend ah," natatawang komento ni Mira kay Ris.
"Hindi naman, sakto lang. Si Tita Mayi pala nasaan na?" Tinuro lang ni Miranda 'yung puwesto kung saan nakaupo ang Tiya niya at sabay nilang pinuntahan iyon.
Pagkatapos ng meeting ay nagsiuwian na sila. Habang nasa daan pauwi si Miranda'y nagpunta na muna sa isang tindahan na malapit sa bahay nila upang bumili ng pasalubong sa bunso niyang kapatid ngunit may hindi siya inaasahang makita.
"Inoja?" alanganing tawag niya pa rito. Napalingon naman si Portia. Pareho silang nagulat.
"Sinusundan mo ba ako?" pagtataray ni Portia kay Miranda.
"Sinusundan ka riyan, malapit lang bahay ko rito." Kunot-noong depensa ni Mira na binalewala lang ni Portia.
"K," nasabi na lamang nito.
"Teka, 'yong lola mo..." Hindi naituloy ni Miranda ang gusto niyang sabihin dahil pakiramdam niyang naging feeling close na siya masyado.
"Maayos nakauwi si Lola, binilhan ko lang siya ng pagkain." Blanko ang mukhang ani Portia saka binayaran ang mga binili niya.
Dali-dali ring binayaran ni Mira ang binili niya at hinabol sa labas si Portia ngunit pareho silang napahinto nang makita si Larissa na kasama si Ophelia at si Miranda na kasama si Portia.
"Sino siya?" Patanong na bungad nila Ophelia, Portia at Miranda. Si Larissa natawa bigla dahil sa sabay silang tatlo na nagsalita.
"Natatawa ka pa riyan. . . magpaliwanag ka nga," naguguluhang saad ni Mira sa kaibigan.
"Ophelia, siya 'yung tinutukoy ko sa 'yong besprend ko, si Miranda. Tapos ito naman, kaklase namin si Inoja— Portia, tama ba?" Tumango lang ito bilang tugon.
"So guys, ito naman si Ophelia. Schoolmate natin, nasa kabilang seksyon lang siya." Nakangiting pagpapakilala ni Larissa sa kasama niya.
Ilang minuto pa ang lumipas bago nag-sink-in sa utak ni Miranda ang sinabi ng kaibigan.
"Teka, magkakilala kayo?" usisa naman ni Miranda kina Ophelia at Portia. Napansin kasi nito na hindi nagbago 'yung reaksyon ng dalawa.
"Oo, magkakilala kami." Si Ophelia ang sumagot. Parehong nagtaka naman sina Mira at Larissa.
"Talaga?" Sabay pang tanong ng dalawang mag-bestfriend. Tumango lang pareho sila Portia ay Ophelia.
"Dati kaming magkaklase noong elementary," walang ganang kuwento pa ni Portia na tinanguan ni Miranda.
"Ah kaya pala," sambit ni Larissa na tinawanan nila Ophelia at Miranda.
"Sandali nga, bakit ba ko nakikipag-usap sa inyo. Alis na ko, kailangan na ko ni Lola sa bahay." Biglang paalam ni Portia sa tatlo saka ito nagpaunang umuwi na.
"Ako rin, mauuna na kasi anong oras na. May pasok pa ko sa trabaho ko. Ingat kayong dalawa pauwi. Bye!" Dali-daling umalis si Ophelia at iniwan naman ang dalawa.
"Paano ba 'yan, naunang umalis mga kasama natin." Natatawang wika ni Mira kay Ris.
"Hayaan mo na! Kuwentuhan na lang tayo." Nakangising suhestiyon ni Ris na sinang-ayunan ni Mira.
Habang nasa daan pauwi, nagkuwentuhan ang dalawa sa kung paano nakilala ni Ris si Ophelia at paano nakasama ni Mira si Portia. Bago sila naghiwalay ng daan ay pareho silang nag-decide na gusto nilang kaibiganin 'yung dalawa at iyon nga ang nangyari.
Dumaan ang mga araw, naging close na nga nila 'yung dalawa at hindi naglaon ay nabuo ang samahan nilang apat.
May mga pagkakataon na sina Mira at Ris lang ang nagkakasama. May mga pagkakataon din naman na magkahiwalay silang dalawa, kasama ni Ris si Ophelia at si Mira naman, si Portia ang kasama. Mas nagkakasama nga lang talaga sila Portia, Miranda, at Larissa dahil magkaklase silang tatlo.
Isang gabi, nagpasya ang apat na estudyanteng ito na magtungo sa isang parke na may kalayuan sa kanilang mga tahanan. Kapwa silang nakangiti sa isa't isa at masayang nagkukuwentuhan.
"Happy Friendsarry, guys!" Maaliwalas na ngumiti si Mira sa tatlo pa niyang kasama.
Kasalukuyan silang nasa swing, nagkani-kaniya sila ng upo roon.
"Chossera ka Mira, wala pa ngang isang taon 'yung friendship nating apat." Parehong natawa sila Mira at Portia.
"Friendsarry natin ngayon Ris, palibhasa kasi nakalimutan mo na. Ang saya lang kasi kasama na rin natin sila." Tumingin si Mira kina Lia(Ophelia) at Orti(Portia).
"Anong date na pala ngayon?" Takang tanong ni Lia.
"February 7," tugon ni Ris.
"Noted, Feb 7 na friendsarry natin!" Masiglang sambit ni Orti.
Sandaling tumahimik ang paligid at parehong nakikiramdam ang apat hanggang sa basagin ni Miranda ang katahimikan.
"Grabe. Sa susunod na buwan graduation na natin, kaka-excite!" Natutuwang saad ni Mira.
"Sana lahat, excited." Maramdaming komento ni Ris bago siya nagbuntong-hininga.
Tumingala pa ito saglit sa madilim na langit. Napatingin sa kaniya 'yung tatlo dahil sa sinabi niya.
"Hayan ka na naman, Ris. Huwag ka nga sabing nega ih," banat ni Ophelia dahilan para saglit na mapatingin si Larissa sa kaniya.
"May namimiss lang ako kaya ako nalungkot bigla saka hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng negatibo," tugon pa nito.
"Sino naman?" usisa ni Orti.
"Papa niya," sagot ni Miranda.
Dagliang napatingin si Portia kay Larissa at tumango ito bilang pagtugon sa sinabi ni Mira. "Saan ba siya?" Tumitig si Portia kay Ris.
"Sa Thailand. Matagal na siyang 'di nauwi sa bahay. Sobrang miss na miss ko na Papa ko..."
Ramdam nilang lahat ang lungkot na nararamdaman ni Ris. Ramdam din ng tatlo na anumang oras ay maiiyak na si Larissa.
Kaya tumayo si Ophelia sa swing na inupuan niya at lumapit siya kay Ris. Binigyan niya ito ng yakap at dahil doon kaya mas umiyak si Larissa.
"Alam mo, Ris?" Huminga muna nang malalim si Orti na siyang katabi ngayon ni Ris bago ito tuluyang nagsalita.
"My parents are also busy doing their works sa abroad and sad to say, tanging si Lola lang palagi kong nakakasama."
"Kada meetings, siya lang 'yong palaging pumupunta. Although, minsan ayaw ko na siyang papuntahin kasi medyo mahina na rin siya."
"And as usual, si Lola lang ulit 'yung makakasama kong umakyat sa stage sa graduation. Masakit sa 'kin na hindi makakapunta parents ko, tipong kahit isa man lang sa kanila walang balak na umuwi kahit para na lang sa anak nilang top 1."
"Minsan naisip ko na ring magloko sa studies ko pero 'di ko pala kaya. . . I mean, oo nag-try ako dati na ibagsak 'yong ibang subjects ko no'ng freshmen pa lang ako pero pinagalitan lang nila ako and take note, thru video call lang iyon..."
Napabuga ng hangin si Portia bago muli tinuloy ang kuwento niya. Kaagad siyang tumingala upang 'di bumagsak ang mga luha mula sa mga mata niya subalit, bigo siya.
"...pero still, hindi sila umuwi no'n. Pakiramdam ko nga noon, kahit magbulakbol ako sa school hindi pa rin sila uuwi eh."
"Hindi lahat ng honor student nagiging masaya kapag kasama sila sa top. Minsan 'yung iba sa kanila, dahil nabubuhay sa expectations ng mga magulang eh na-pre-pressure din kasi nga nasanay 'yong mga tao sa paligid nila na gano'n 'yung status nila palagi."
"Nakakapagod kaya 'yon, sa totoo lang. Kaya mas masaya pa rin 'yong average na student ka lang. Hayst. How I wish na sana gano'n na lang din ako," pagtutuloy ni Portia sa naging kuwento nito.
Inabutan siya ni Mira ng panyo para ipunas sa natuyong mga luha sa pisngi niya. Hinayaan nila Mira at Lia na umiyak ang dalawa at pagkatapos ay sinubukan ni Miranda na buhayin ang atmospera sa paligid.
"Lia, mukhang tayo lang matibay. Iyakin 'tong dalawa, oh." Natatawang biro ni Mira na sinang-ayunan ni Lia.
"Huwag na kayong umiyak, tahan na. Ganito na lang. Change topic tayo. Ano ba maganda topic, Mira?" baling ni Ophelia kay Miranda. Saglit naman itong napaisip.
"Ahm. . . ano nga ba?"
"What if, powers kaya? Ay oo nga! Kung magkakaroon kayo ng kapangyarihan ano ito at bakit? Dali, magrampa-rampa tayo!" Masiglang saad ni Mira saka nagsampol ng rampa sa harapan nila.
Natawa silang tatlo dahil sa demo ng pagkarampa ni Miranda.
"Mungewan ka naman Mira, huwag mo na ulit gagawin 'yon ha," natatawang komento ni Larissa na kumawala na rin ng yakap kay Ophelia.
"Okay ka na?" Sinserong tanong ni Lia sa kanya at tumango lang si Ris.
Unang sumagot sa tanong si Mira...
"First of all, thank you for that wonderful tanong na galing din naman sa 'kin. I just want you to know that the power that I want to have is hangin na may tubig at yelo. . . ya, bush!"
Natawa sila no'ng nagsalita si Mira sa maarteng tono na may kasamang sound effect pa.
"I want that kind of power kasi ang init-init dito sa Pinas so kung sakaling may power ako no'n eh 'di kontrolado natin 'yung lamig 'di ba? Ehem. Palakpakan naman d'yan," parinig ni Miranda na sinunod naman ng mga kasama niya.
"Woy Lia, huwag mo kong tinatawanan d'yan, ikaw na sunod." Tumatawang sumunod naman si Ophelia kay Mira. Palabang rumampa pa ito.
"Kapangyarihan? Mas maganda pa ring magkaroon ng kayamanan. Kaya kung ako'y magkakaroon ng kapangyarihan, gusto ko may kinalaman sa lupa, pera at mga tao. Bakit? Dahil gusto kong kontrolin 'yong mga bagay na iyon," ani Ophelia.
"Kapag nakontrol ko 'yung mga tao sa lupa puwede ko na silang gawing tauhan ko, kaso syempre, joke lang 'yun. Pero gusto ko na rin talaga yumaman na, haha!" biglang bawi ni Lia na tinawanan ng lahat.
"Soon Lia, not now but soon!" Pasimpleng hinaplos pa ni Ris ang likuran nitk dahilan para hampasin siya ni Lia sa bandang balikat nito. Siya naman ang sumunod na sumagot.
"Ehem. So 'yon na nga. Gusto ko ng power na may kinalamanan sa kalikasan. I love nature at dahil mahal ko ang nature gusto ko ng kapangyarihan na puwedeng magprotekta sa mga 'yon. Mas lalo na sa mga hayop na ngayon ay paubos na. Iyon lang and I, thank you." Nakangiting usal ni Larissa na pinalakpakan no'ng tatlo.
"Naks. May balak ka pa yatang maging environmentalist," banat ni Lia bago tumawa.
"Well, puwede rin naman." Tumawa muna si Larissa bago bumaling sa isa pa nilang kaibigan, "Ikaw na Orti," yaya niya kay Portia.
"So dahil fan ako ni Natsu ng fairytale at paborito ko ang kulay pula, tingin ko bagay sa 'kin 'yung power na may kinalaman sa apoy, I also want to be a light to everyone. Kapag kontrolado ko 'yong apoy na nagsisilbing liwanag sa karamihan e, baka sakaling wala ng fire prevention month, oha!"
Muling nagsitawanan ang magkakaibigan. Pagkatapos nilang magsagot ng kanilang mga opinyon patungkol sa mga gusto nilang kapangyarihan, hindi nila napansin na biglang kumislap ang ilang tala sa kalangitang nasa itaas nila.
Tinapos na nila ang kuwentuhan nila't nagpasya na rin silang umuwi na.
Nakangiti silang nakatulog no'ng gabing iyon. Sa ganap na alas dose ng hatinggabi, may lumitaw na apat na kakaibang diyamante na galing mismo sa bilugang puting buwan. May apat na magkakaibang kulay ang mga diyamanteng ito at pare-parehong nagniningning sa kalangitan. Asul, berde, pula at ginto ang mga kulay nito at may simbolo pang nakalagay sa gitna ng mga ito.
Kasing laki ng isang normal ruler ang size ng bawat diyamante at unti-unti itong lumiit na kasing laki na ng isang butil ng bigas. Nagsiliparan ito papunta sa iba't ibang direksyon. Nagsipunta ito sa mga bahay ng apat nating bida.
Nag-form ang maliit na bagay na ito sa isang singsing. Kulay pulang singsing ang napadpad kaya Portia, kulay berde ang kay Larissa, kulay ginto ang napunta kay Ophelia at kulay asul naman ang kay Miranda.
☜☆☞
Kinabukasan.
Naramdaman ng apat na may kakaiba sa kanilang katawan ngunit hindi nila mawari kung anong klase iyon kaya nanatili silang tahimik hanggang sa makita nila ang isa't isa na pawang may mga napansin din.
Nakita nilang apat na pareho silang may mga singsing at nakakapagtaka dahil hindi naman nila maalalang may isinuot silang ganito at isa pa, ngayon lang nila nakita na may gano'n nga silang singsing.
Nagkasundo ang apat na mga estudyanteng ito na magkasama-sama at subukan ang singsing. Nang matapos ang klase nila ay nagtungo sila sa isang parke.
Doon sila sa park kung saan sila nagsirampa at nagkuwentuhan kahapon. Isa-isa nilang sinubukang tanggalin ang mga singsing subalit bigo silang tanggalin ito.
"Ano ba 'yan! Saan ba kasi galing 'to?!" Iritableng anas ni Larissa habang pilit na tinatanggal ang singsing.
"Hayaan niyo na, baka matanggal na 'tong mga daliri natin e, hindi pa rin matanggal 'yan," malumanay na payo ni Ophelia sa tatlo, kaya tinigilan na nilang tanggalin ang mga singsing.
"Subukan na lang natin kaya natin?" suhestiyon ni Mira na sinang-ayunan ng lahat.
Kinusot ni Mira ang singsing niya at agarang lumabas ang kulay asul niyang diyamante. Lahat sila ang nagulat dahil dito. Biglang lumakas ang hangin dahil sa brilyanteng nailabas ni Miranda.
Sunod na nagkusot ng singsing ay si Portia pero walang lumabas sa kanya hanggang sa wala sa sariling napindot niya ito at doo'y lumabas ang kulay pula niyang brilyante na may apoy pa.
"Saglit nga. Kung 'yong kay Mira kinukusot tapos itong kay Orti eh pinipindot lang, paano sa 'kin?" Wala sa sariling komento ni Larissa.
"Try mo na dali!" pag-enganyo ni Ophelia sa kaniya.
Sinubukang kusutin ni Ris ang singsing niya ngunit hindi ito tumalab pati pagpindot ay hindi rin gumana hanggang sa mahawi niya ito at doon biglang lumabas ang kulay berde niyang diyamante. Nagsigalaw nang marahan ang mga halaman at puno dahil sa brilyante ni Larissa.
Napaisip sandali si Ophelia at sinubukan din nyang pindutin, kusutin at hawiin ang singsing niya pero wala rito ang nagpalabas sa kung anong mayroon sa kanyang singsing.
Kaya umisip pa siya ng puwedeng gawin maliban sa mga nabanggit at ang tanging naiisip niya na lang ay himasan ito at iyon nga ang ginawa niya. Sa wakas ay naipalabas niya na rin ang kulay ginto niyang brilyante.
Bakas pa rin ang gulat sa mukha ng apat na babaeng estudyante na tila'y hindi pa rin makapaniwalang nasa kamay nila ang hindi maipaliwanag na bagay.
Sa isip-isip nila'y ilusyon ito pero hindi. Sinubukan nilang gamitin ang mga iyon.
Sinubukan ni Miranda na itaas ang diyamante niya at doon mas lumakas ang ihip ng hangin sa paligid nila.
Kumuha siya ng tubig mula sa tumbler na nasa bag niya at sinubukan niyang kontrolin iyon. Manghang-mangha silang lahat dahil nakontrol nga ni Mira ang tubig sa pamamagitan ng kamay niya na may suot na singsing.
Pandaliang nawala ang kulay asul nitong brilyante dahil sa paggalaw ni Mira ng kamay niya para subukang galawin ang tubig sa pamamagitan ng hangin na pinapalabas ng kanyang brilyante.
Nanatili pa ring nakabukas ang mga palad niya kaya muling lumitaw ang diyamante nito.
Sunod na sumubok ay si Larrisa. Dalawang beses niyang hinawi ang diyamante niya, kaliwa't kanan ang paghawi niya at dahil dito lumakas ang pagsayaw sa hangin ng mga puno't halaman.
Pagkatapos nito'y tumingin siya sa paligid, umaasang may makitang lantang halaman na puwede niyang buhayin at masuwerte siya dahil may nakita siya na malapit sa kinaroroonan nila.
Lumapit siya roon at inilapit ang brilyante niya sa lantang bulaklak. Lumitaw paunti-unti ang matingkad nitong kulay na puti at namangha sila dahil namungadkad ito. Napangiti si Larissa dahil sa resulta ng pagsubok niya ng kanyang diyamante.
Sumunod ay si Ophelia, tumingin siya sa paligid at sinubukang bumuo ng isang bato gamit ang lupang kasalukuyan nilang tinatapakan.
Gamit ang kanyang kulay gintong diyamante, mula sa lupa ay iniangat niya ang isang dangkal na buhangin at nag-form ito ng pabilog na batong maliit.
Natuwa si Ophelia kaya dinagdagan niya pa ito ng buhangin hanggang sa kasing laki na ng isang bola ang batong binubuo niya. Pagkatapos ay dinurog niya ito gamit ang kamay niyang may singsing. Naangasan silang tatlo sa dating ng brilyante ni Lia.
Agarang tinaas ni Portia ang brilyante niya't doo'y nagbuo ito ng apoy na hindi sumusunog sa katawan o kahit sa mismong kamay ni Portia.
Nasilaw ang tatlong kasama niya sa apoy na nahahawakan niya kaya hindi nila ito matingnan nang maigi. Sinubukan ni Orti na ihagis pataas sa langit ang apoy na nahahawakan niya at nag-form naman ito ng isang kulay pulang bola na nakalutang sa taas ng uluhan ni Orti.
"Woy Orti, ingat ka ah!" nag-aalalang saad sa kanya ni Mira habang nakatingin sa ginagawa ni Orti.
Sinalo ni Portia ang pulang bola na inihagis niya at muling lumitaw ang pula niyang brilyante. Nawala na ang pulang bolang iyon na gawa niya kanina. Napangiti silang lahat kahit na kinabahan talaga 'yung tatlo dahil delikado ang diyamanteng napunta kay Portia.
"So ibig sabihin, may iba't iba na tayong powers?" Pigil ang excitement na tanong ni Ris sa tatlo pa niyang kasama.
"Parang gano'n na nga," ani Orti sa tanong ni Ris.
"Kung saan man galing itong kapangyarihan na 'to, salamat pero hindi natin alam 'yong kapalit ng mga powers na 'to kay ingat tayo." Seryosong saad ni Lia. Tumango si Mira sa kanya.
"Oo nga. Mas maganda pa ring ingatan natin ang paggamit nito dahil hindi natin alam ang epekto nito sa 'tin, mas lalo na't hindi natin alam kung saan galing ito." Si Miranda na tinanguan ng lahat.
"Sa ngayon, umuwi na muna tayo kasi anong oras na naman." Nakangiting wika ni Lia na sinang-ayunan ng lahat.
Habang nasa daan sila pauwi ay napahinto sandali si Miranda. Bahagyang napatigil din sa pagkukuwentuhan ang tatlo dahil napansin nila ang biglang pagkulay asul ng buong mata ni Mira.
"Mira? Anong nangyayari sa 'yo?" garalgal na saad ni Larissa sa kaibigan.
"May nakikita lang ako Ris sandali," aniya kaya hinintay nila na magsalita ito sa kanyang nakikita.
☜☆☞
Sa kalayuan. . . sa isang madilim, tago at abandonadong bahay ay may makikitang sampung armadong kalalakihan na dumakip ng limang kababaihan. Nakaupo't nakagapos ang mga nadakip at todo sila iyak dahil hindi nila alam ang rason bakit sila dinukot no'ng mga armadong lalaki.
Bigla namang nagpintig ang mga tainga ni Portia kaya nagtaka siyang napatingin kina Mira, Lia at Ris.
"Teka, may naririnig ako sa kung saan." Wala sa sariling sambit ni Orti kaya nabaling ang tingin nila Ris at Lia sa gawi niya.
"Boss. Nandito na ang mga kailangan mo, anong gagawin namin sunod?" Nakangising anas ng parang lider ng grupong dumukot. May hawak itong selpon na nakalagay sa tainga nito.
["Sige. Bantayan niyo muna sila habang wala pa ko riyan. Huwag na 'wag niyo silang gagalawin maski isa sa kanila."] Maawtoridad na saad ng boses lalaki na nasa kabilang linya.
Pumunta muli ang lider ng grupo sa kung saan nakagapos ang mga babae. Sinabihan niya ang mga tauhan nito na bantayan ang mga babae at huwag galawin saka ito muling umalis kasama ang dalawa pa nilang kasama.
Pitong armadong lalaki ang nakabantay sa limang babae. May tatlong bantay sa loob ng bahay at may apat na bantay sa labas ng bahay.
Muling bumalik sa itim ang kulay ng mga mata ni Mira at pagkatapos ay ikinuwento nito ang mga nakita niya kila Larissa at Ophelia. Gano'n din ang ginawa ni Portia, sinabi niya rin ang mga narinig niya na may kaugnayan sa nakita ni Mira.
"Ang galing maliban sa powers ninyo Mira, Orti, kaya n'yo ring malaman kung may panganib sa paligid," namamanghang sambit ni Ophelia kina Portia at Miranda. Pareho lang ngumiti ang dalawa.
"Kung gano'n dito natin mas masusubukan itong kapangyarihan natin!" Masiglang sabi ni Larissa.
"Teka lang, hindi puwedeng sasabak tayo ro'n ng naka-uniform pa tayo." Pagpigil ni Mira sa na-e-excite nang si Larissa.
"Tama," sang-ayon ni Portia.
Sa 'di inaasahan, biglang nagningning ang mga singsing nila.
"Mukhang alam ng mga singsing ang kailangan natin ah." Mas lalong na-excite si Larissa dahil sa biglang pagliwanag ng mga ito.
Sabay-sabay nilang tinaas ang mga singsing nila at isa-isa silang nagbago ng anyo.
Mula sa mga batang estudyante, naging ganap silang dalaga. Lahat sila ay nakasuot ng dress na naayon sa kulay ng mga singsing nila.
Amoured Dresses ang mga damit nila, naka-boots at lahat sila ay nakamaskara. Ang dress nila ay may simbolo na katulad ng mga brilyante nila.
Nakita nila ang isa't isa at lahat sila'y nagulat dahil ibang-iba ang mga itsura nila sa kinagawian nila.
"Wow! Ganito pala ako kaganda 'pag nagdalaga na ko, grabe!" Nagawa pa ring magbiro ni Larissa kahit na kabado silang lahat.
...sapagkat ito ang magiging unang laban nila kung sakali.
"E, paano tayo pupunta roon?" kunot-noong tanong naman ni Portia. Kaya umakto silang lahat na pawang mga nag-iisip.
"Sandali, mukhang kaya nating pumunta ro'n dahil sa 'kin." Nakangiting suhestiyon ni Ophelia.
"Ha, paano?"
"Naaamoy ko kung saan 'yong panganib," aniya kaya nagliwanag ang mukha nilang lahat.
Sa pamamagitan ng kapangyarihan nila. Gumawa sina Ophelia at Larissa ng sasakyan gamit ang mga bato, ilang halaman at lupa na tinatapakan nila. Pagkatapos ay sumakay silang apat sa sasakyang gawa nila.
Si Lia ang nagmaneho at nasa tabi niya si Ris. Nasa likuran naman sina Mira at Orti. Lumipad sila sa madilim na kalagitnan at 'di nagtagal ay natunton nila ang bahay kung saan nakagapos ang mga dinakip.
Pagkalapag ng kanilang sasakyan sa lupa'y bigla na lang itong naglaho. Nagtago silang apat sa dalawang matandang puno na nakatanim sa bakuran ng abandonadong bahay.
Sinilip nila kung saan nakapuwesto ang mga bantay. May dalawang maskuladong lalaki ang nakabantay sa harapan ng bahay at may dalawa ring lalaki ang nagpaikot-ikot sa likuran ng bahay.
Napayuko silang lahat no'ng biglang may lumitaw na liwanag papunta sa direksyon nila. Gamit ang flashlight na hawak ng isa sa mga nagbabantay, pinailaw nito ang bakuran at tiningnan kung may ibang tao at noong nakitang wala ay bumalik ito sa pinto na nakapuwesto sa likod-bahay.
Mahinang kinausap ni Mira ang mga kasamahan niya. Sa pamumuno niya'y nagplano sila ng kanilang gagawin.
Pagkatapos magplano ay naghiwalay sila. Si Larissa kasama si Ophelia, si Miranda kasama si Portia. Marahan silang lumapit sa mga bantay. Sa harapan nakapuwesto sila Mira at sa likuran naman sila Ris.
Sabay nilang sinugod ang mga ito. Tig-isa sila ng mga bantay na pinagbubugbog. No'ng napatulog nila ang mga bantay ay ginapos nila ang mga ito sa puno, nilagyan din nila ng tape ang mga bibig at siniguradong walang makakakita sa mga ito.
Dahan-dahan naman nilang pinasok ang bahay. Magkahiwalay pa rin silang apat. Nakita agad nila Mira at Orti na may mga bantay pa sa loob ng kuwarto.
Samantalang sina Ris at Lia nama'y parehong naghahanap kung saang kuwarto nakapuwesto ang mga babae hanggang sa makita sila ng isang bantay. Nagpaputok ito ng baril na iniwasan nila pareho.
Sinugod agad ni Lia ang bantay upang hindi na ito muling magpaputok. Napailing si Mira dahil alam nitong nakita ang dalawa pa nilang kasamahan.
"Teka, may mga taong nakapasok sa bahay. Kailangan nating makausap si Sir!" Malakas na sigaw ng isa sa mga bantay na lalaki.
Muling nagpintig ang tainga ni Portia, sinabihan niya kaagad si Mira.
Tumakbo ang isang bantay papunta roon sa nagpaputok. Habang ang isa naman ay naghahanda ng tumawag ngunit hindi ito hinayaan ni Portia. Kinalaban niya ito. Si Mira nama'y patakbong pumunta sa mga umiiyak na mga bihag.
"Sino kayo?"
"Nandito sila para tulungan tayo!"
"Salamat, huhu."
Sabay-sabay na sabi ng mga babae na kasalukuyang tinatanggalan ni Mira ng tali na nakagapos sa mga kamay nila.
"Saka na kayo magpasalamat kapag nakalabas kayo ng buhay dito. Dali! Tumawag na kayo ng mga pulis!" Mariing utos pa ni Mira na sinunod nila.
Napatulog ni Portia ang kalaban pagkatapos nito'y sinundan niya ang isang bantay na sa pakiwari niya'y pinuntahan ang kasama nitong nagpaputok.
Pagkapunta ni Portia doo'y tulog na ito. Nakangiting tumingin sa kanya sina Ris at Lia. Sumunod naman sa kanila si Miranda na bitbit pa ang pinatulog na bantay ni Orti.
"Tara na! Sure na ba kayong tulog na ang mga 'yan?" Pahabol pang tanong ni Mira na tinanguan nila Ris at Lia.
"Tulungan n'yo kong itago itong mga 'to," aniya na sinunod nilang tatlo.
Pagkatapos ng misyon nila ay muling gumawa ng sasakyan sina Ris at Lia na sinakyan nila kaagad at doo'y nawala na sila sa abandonadong bahay.
Nanginginig ang isa sa mga nabihag na mga babae. Pilit pinapakalma ang mga sarili. Tumawag sila ng pulis at naglakas-loob na magsumbong.
Ilang minuto pa ang lumipas bago sila natunton ng mga pulis. Nahirapan ang mga pulis na i-trace ang lugar dahil nga sa tago ito.
Nakita ng mga pulis ang pitong lalaki sa bakuran ng bahay. Mga nakagapos at naka-tape ang mga bibig.
Nanatiling tahimik ang mga lalaki hanggang sa kinandado sila ng mga pulis sa kulungan.
Hinanap ng limang babae ang mga babaeng tumulong sa kanila ngunit wala na ang mga ito. Nakangiti silang nagpasalamat habang nakatingala sa puting kalahating buwan.
›❇‹Portia, Orti›❇‹
Lumipas ang mga araw at nagsunod-sunod ang mga naging misyon nila. Naging laman din sila ng mga balita sa dyaryo pati tv subalit habang nakikilala sila ng mga tao sa kanilang dalagang anyo at naging kabaliktaran naman ito ng tunay na nangyayari sa kanila.
Muling nagkasama-sama ang apat. Napansin nila na habang tumatagal na may angkin silang kapangyarihan ay nagiging mabigat sa kanila ang mga nangyayari sa buhay nila sapagkat kasabay ng mga pagpupuring natatamo nila sa ibang tao ay nagsunod-sunod ang mga problemang kailangan nilang pagdaanan.
"Orti, bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Mira kay Portia.
"S-si... 'yong parents ko p-patay na." Humagulgol siya sa iyak, kaagad siyang niyakap ni Miranda.
Dinamayan ng tatlo ang nagdadalamhati nilang kaibigan. Hanggang sa maging okay ito, sama-sama silang pumunta sa bahay nila Portia.
"Pinangarap kong makita silang sabay na umuwi sa bahay pero hindi ko inakalang sa ganitong paraan ko sila makikitang magkasama..." Lumuluhang wika ni Orti habang nakatulalang nakatingin sa bangkay ng mga magulang niya na nakalagay sa kabaong.
Hinihimas ni Mira ang likod ni Portia habang ito'y umiiyak. Napasandal si Orti sa kanya at pakiramdam ni Mira, anumang oras puwedeng matumba ito kapag walang umalalay sa pagkakatayo niya.
"Ano bang nangyari sa kanila, Orti?" Malungkot na tanong ni Larissa sa kaibigan niyang si Portia.
"Car Accident. Madulas daw 'yong daan no'n at pinayuhan na raw sila ng mga maids nila na huwag na silang magtrabaho pero mapilit sila kaya, naaksidente sila sa daan." Blanko ang mukhang kuwento ni Orti sa mga kaibigan.
Tinulungan nila Larissa at Ophelia si Miranda na iupo sa upuan si Portia. Walang tigil ito sa pagluha at walang magawa 'yong tatlo kun'di sinamahan at dinamayan siya sa pagdadalamhati nito.
Nakita ng lola ni Portia ang lahat ng efforts na binibigay ng mga kaibigan nito sa apo niya at dahil dito naging panatag ang loob ng matanda.
Lumipas ang ilang buwan at naging totally okay na si Portia sa pagkawala ng mga magulang niya subalit naging sensitibo siya dahil dito.
›❇‹Ophelia, Lia›❇‹
Magkasama ang apat na estudyante pauwi sa kanilang mga bahay at habang nasa daan sila pauwi ay biglang tumunog ang telepono ni Ophelia. Kaagad niya itong sinagot at napalaki ang pareho niyang mga mata dahil sa balitang narinig niya.
["Ate Lia! Si Papa! Sinugod sa ospital. Ate, natatakot kami…"] Hagulgol ng isang batang babae mula sa kabilang linya ng telepono.
"Saang ospital!?" Nag-aalalang bulalas ni Lia at dahil dito'y kinabahan at nag-alala rin ang mga kaibigan niya.
Dagliang tinapos ni Lia ang tawag at pinuntahan ang address ng ospital na sinend sa kanya ng kapatid niya. Patakbo silang apat na nagtungo roon.
Nanginginig ang buong katawan na nilapitan ni Ophelia ang amang nakaratay sa hospital bed.
Nilapitan nila Portia at Mira ang mga kapatid ni Lia. Si Ris naman ay sumama kay Lia na kamuntikan ng matumba, mabuti na lang at nakaalalay ito sa kaibigan.
"Papa..." Nanghihinang tawag ni Ophelia sa tatay niya. Pinipigilan nito ang sarili na umiyak dahil nakatingin sa kanya ang mga kapatid niya.
Nawala ang atensyon nila sa nakahigang lalaki sa puting kama ng ospital dahil sa pagdating ng dalawang nurse, isang lalaki at babae na kasama ang lalaking doktor.
"Who is the family member of the patient?" Takang tanong ng doktor.
"Ako po," sagot ni Lia.
Lumapit ang doktor sa pasyente. Ang dalawang nurse naman ay nag-check ng mga machine at dextrose na nakalagay malapit sa tatay ni Lia.
"Miss, kaano-ano ka ng pasyente?" Direktang tanong nito kay Lia.
"Tatay ko po siya. Ano pong sakit niya, Doc?" Nag-aalalang tanong ni Lia sa doktor.
Napabuntong-hininga ang doktor bago ito sumagot sa tanong ni Lia.
"Iha, malala na ang sakit sa bato ng tatay mo. Hindi ko alam kung alam mo 'to pero halatang matagal ng maysakit itong Papa mo dahil hindi naman ito lala nang ganito kung bago pa lang. I suggest na dito muna siya sa ospital para masuri pa namin 'yung kalagayan niya," mahinahong paliwanag ng doktor. Tumango ang dalaga sa sinabi nito.
"Sige po, Doc." Magalang na sagot ni Lia habang hinahamplos niya sa kamay ang ama niya.
"By the way. Ikaw na lang ba ang kasama ng Papa mo? Nasaan ang mama mo?" Pasimpleng tanong no'ng doktor.
"Patay na po siya, Doc." Malungkot na ani Ophelia na ikinalungkot din ng lahat.
"E paano 'yan, baka nakakalimutan ninyong ang pag-stay dito sa ospital ay may bayad—"
"Alam ko po, huwag po kayong mag-alala magbabayad naman po ako. May trabaho naman po ako. Basta Doc, please. Pagalingin n'yo 'yung Papa ko," nangingiusap na ani Ophelia sa doktor. Tumango ang doktor at tipid na ngimiti.
"Gagawin ko lahat ng magagawa ko para sa Papa mo," tugon nito bago lumabas sa kuwarto.
"Sa ngayon, kailangan n'yo na munang umuwi lahat dahil gabi na. Bukas na lang ulit," sambit ng babaeng nurse.
"Pero. . . sinong magbabantay sa Papa ko?" Takang tanong muli ni Lia.
"Ako ang magbabantay sa ngayon para hindi na muna kayo magbantay dahil puro kayo estudyante," ani naman ng lalaking nurse.
Naging panatag panandalian si Ophelia dahil sa alam niyang maalagaan sa ospital ang tatay niya.
Kaya naging maluwag sa kanya na iwan ang ama niya sa mga nurse. Pinauna nila Ris, Orti at Mira ang mga kapatid ni Lia sa bahay nito.
Nag-suggest ang tatlo na tutulungan nila si Ophelia sa gastusin sa ospital at dahil dito'y gumaan ang loob ni Lia.
Sa isip niya'y, ngayon may maituturing na talaga siyang kaibigan na puwede niyang sandalan at takbuhan sa panahon na kailangan niya ang mga ito.
Ngunit hindi nagtagal ay namatay din ang ama niya. Hindi kaagad natanggap ni Lia ang pagkamatay ng Papa niya.
Hindi na niya alam kung paano ang gagawin dahil ngayon ay mag-isa na lang siyang magbabantay, magsasaway at mag-aaruga sa mga kapatid niya dahil wala na pareho ang mga magulang niya.
"Lia, hindi ka nag-iisa..." Wala sa sariling payo ni Larissa sa kaibigan saka ito niyakap.
Tulad ng ginawa nila kay Portia, dinamayan at sinamahan din nilang magdalamhati si Ophelia. Tinulungan sa mga bayarin nito at sa pag-aalaga ng mga kapatid niya.
Laking pasalamat ni Ophelia dahil kung hindi niya nakilala sila Larissa, Portia at Miranda ay baka tuluyan na siyang sumuko sa buhay niya at ang masaklap baka maisipan pa niyang magpakamatay dahil sa kasalukuyang nararanasan niya.
Naging okay ang status ng buhay nila Ophelia. Kinupkop sila ng lola ni Portia. Tinanggap ang mga kapatid at pati na si Lia sa bahay nila. Sa ngayon, maayos na silang nakatira sa bahay ng pamilya Inoja.
Akala no'ng apat, magtatapos na sa maganda ang lahat pero hindi...
›❇‹Larissa, Ris›❇‹
Dumating ang araw na pinakahihintay ni Larissa, dumating na sa bansa ang ama nito. Nakasama ni Ris ng ilang araw ang kaniyang ama ngunit nawalan din ito ng buhay kinalaunan. Mabilis ang naging pangyayari sa buhay ni Ris at hindi madaling i-sink-in sa sarili niya ang mga nangyari.
"Pa! Tita, anong nangyari kay Papa?! Bakit siya nandiyan! Bakit siya nakaratay d'yan?!" Umiiyak na sigaw ni Larissa sa stepmom niya. Pareho silang umiiyak kasama no'ng stepsister niya.
"Papa, bakit? Akala ko ba hindi mo ko iiwanan?! Anong nangyari, Pa? Gumising ka na riyan!" Mahinang pinaghahampas ni Ris ang kabaong ng tatay niya. Hindi niya matanggap na wala na ito.
Ang dahilan kung bakit nawala ang ama niya'y dahil sa pagligtas nito sa mag-ina niya. Pauwi noon ang Papa ni Ris kasama ang stepmom at stepsis niya. Habang nasa daan sila'y may biglang lumitaw na mga masasamang loob.
Bago pa man din mahablot ng holdaper ang dalawang babae na kasama ng ama ni Ris ay naglakas-loob itong bugbogin ang holdaper, not knowing na mababaril siya na saktong tumama sa puso niya. Dead on arrival ito nang mapadpad sa ospital.
Sobrang sama ng loob ni Larissa. Bulong pa niya'y, "Aanhin pa 'yung kapangyarihan na mayroon ako kung itong tatay ko nga ay hindi ko nagawang iligtas."
Sinubukan siyang pakalmahin ni Miranda subalit pati siya ay walang magawa sa nararamdaman ni Larissa.
"Ris, hindi mo naman kailangang magalit sa sarili mo. Hindi mo kailangang sisihin 'yong sarili mo pati 'yung kapangyarihan na mayroon ka sa nangyari sa tatay mo," komento ni Lia na nakaupo sa tabi ni Larissa.
"Ang mahalaga'y narito kami para sa 'yo Ris," singit naman ni Portia.
"Salamat..."
Napatingin si Larissa kila Portia na katabi ni Miranda at sa katabi niyang si Ophelia. Napayakap pa rin si Ris sa besprend niyang si Mira.
Hindi nila alam, nagtagal ang pagkimkim ng lungkot ni Larissa at dahil dito'y naging madalas ang pagiging lutang at pagtutulala niya sa eskuwelahan nila.
Napapansin din no'ng tatlo ang pagbabago ng ugali ni Ris, dumalas ang pagiging malungkutin nito at hindi na madalas tumawa. Parehong nag-aalala sina Lia, Mira at Orti sa kaibigan nilang si Ris.
Pinilit no'ng tatlo na magpakonsulta sa doktor si Ris at napapayag naman nila ito. Napag-alaman nilang maysakit na depresyon si Larissa. Isang kondisyon na hindi inaakala no'ng tatlo na mararanasan ng masayahing kaibigan nila.
Pinayuhan sila ng doktor na palaging kuwentuhan ito, huwag iiwanang mag-isa at palaging samahan.
Hangga't maaari ay huwag bigyan ng iisipin dahil ayon sa naging test na ginawa ng doktor kay Larissa ay dumalas ang pag-iisip nito ng kung ano-anong negatibo na nakakapagdulot ng lungkot at sakit sa kanya at iyong payong 'yon ng doktor ay ginawa nga nilang magkakaibigan.
Tinulungan nila si Larissa na maibalik ang pagiging masayahin nito at kahit tumagal ay nagawa rin nila. Naging masaya ulit ang Larissa na naging malungkutin dahil sa pagkamatay ng tatay niya.
Ngunit hindi kay Larissa natapos ang lahat...
☜☆☞
Dumaan muna ang ilang linggo bago namatay ang tiyahing nag-aalaga kay Mira gano'n din ang nangyari sa nag-iisang kapatid niya. Sumunod na nawalan ay si Ophelia, sa 'di inaasahan ay naabutan niyang wala ng malay ang mga kapatid niya. Ganoon din ang nangyari si Portia na nawalan ng lola at si Larissa na namatayan naman ng stepmother at stepsister.
Sa hinaba-haba ng panahon na magkasama silang apat ay naging matibay ang relasyon nila subalit hindi nila alam na dahil sa pagtanggap nila ng mga kapangyarihan na nagamit nila sa kabutihan ng ibang tao ay siya namang ikinadalamhati nila sa mga taong importante sa kanila.
"Mula noong napasa akin itong kapangyarihan na 'to nagkaletse-letse na ang buhay ko! Hindi ko nagawang iligtas ang tatay ko at ngayon pati sina Tita at itong kapatid ko, kukunin niyo pa?! Bakit!"
"Kung dahil dito sa singsing na 'to kaya sila nawala, e 'di sige! Mas maigi pang tanggalin na lang 'to!"
Lumuluhang reklamo ni Larissa sa sarili habang inis na tinanggal ang singsing at no'ng hindi pa rin matanggal ay humagulgol siya sa harap ng mga nakahiga niyang nanay at kapatid.
"Kahit na naging masama sila sa 'kin. . . kahit na hindi ko sila kadugo, pamilya ko pa rin sila."
"Kahit kailan, hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila dahil alam kong paraan lang nila iyon para mas matuto ako at hindi ko ikinakailang natuto nga ako dahil sa kanila. Please, huwag naman pati sila..." Wala sa sariling sambit muli ni Larissa habang lumuluha.
"Tiya Mayi, gumising ka na po! Kiere, Kiere! Magsigising na kayo!"
Hindi na inabala pa ni Mira ang sarili na pahirin ang mga tubig na ngayo'y tuloy-tuloy na sa pagpatak pababa sa pisnge niya.
Naginginig ang mga kamay na tinapik niya ang kapatid niyang nakahandusay sa salas nila at gano'n din ang ginawa niya sa tiya niya. Pilit niyang ginigising ang mga ito. Kinarga niya ang kapatid niya at umiiyak na niyakap ito. Hanggang sa mapansin niya ang singsing niya.
"Hindi ko alam. . . pero simula noong napadpad ka sa daliri ko, nawala sila. Ayokong maging responsableng tagapagligtas ng ibang tao kung itong pamilya ko naman ang mawawala sa 'kin! Ayoko na nito. Kiere! Tita! Gumising na kayo..." Humihikbing bulong niya.
"Lola! Lola, gumising na po kayo. Nandito na ang apo niyo. Lola, parang awa mo na 'wag naman pati ikaw mawala sa 'kin. Hindi ko kakayanin, Lola." Pigil ang luhang ani Portia. Niyakap niya ang Lola niya at hinayaan ang sariling maiyak na.
"Bakit?! Bakit pati mga kapatid ko kailangan ding mawala? Sila na lang ang mayroon ako, bakit pati sila?!" Hinagpis naman ni Lia na nakayakap sa bunso niyang kapatid.
Napansin nila Lia at Orti ang singsing at pareho silang nalungkot.
"Kung kaya ko lang ibalik ang buhay ng Lola ko, mga magulang ko sa kapangyarihan na mayroon ako. . . ginawa ko na sana pero hindi eh! Walang silbi itong powers na 'to kung itong pamilya ko hindi ko maprotekhan." Mariing singhal ni Portia habang nakayakap sa Lola niya.
"Kung kaya ko lang na tanggalin itong singsing na 'to eh 'di sana hindi na ko naging isa sa mga taong hinahangaan ng karamihan. Aanhin ko 'yong kasikatan ko sa powers na 'to kung hindi naman nito maibabalik ang buhay ng mga taong mahal ko! Bakit ba kasi pati mga kapatid ko pa..." Nanghihinang sambit ni Lia habang umiiyak na nakatingin sa bangkay ng tatlo niyang mga kapatid.
.
.
.
Sa hindi inaasahan, biglang nagsiliwanag ang mga singsing nila. Nagsitigil sila sa pagluha at napatingin sa nagliliwanag nilang mga singsing.
Isa-isa silang nawala sa kanilang mga tahanan. Nakita na lamang nila ang mga sarili nilang nasa park, nakaupo sa swing at mga pawang masaya sa pagkukuwentuhan. Mas lalo silang naiyak dahil doon.
Napagtanto nila kung anong klase silang bata noong mga panahong iyon. Pinakita ng mga singsing nila ang kasiyahan nila no'ng gabing nagsirampa sila't nagsisagot ng mga kapangyarihan na gusto nilang makamtan kung sakali.
Ngayon ay nakamit nila 'yung mga sagot nila sa tanong ni Miranda na, “kung kayo ay magkakaroon ng kapangyarihan ano ito at bakit?”
Ang laro-laro lang na sagot na iyon ay natupad, nagamit sa maayos ang mga kapangyarihang nakuha nila at hindi nila namalayan na dahil pala dito ay magbabago nang tuluyan ang mga ugali, katauhan at pati mga buhay nila.
Nakangiti sila. Sapagkat noong February 7, may apat na batang babae na puro mga estudyante ang minsang nangarap ng simpleng buhay.
Mga estudyante na naging tagapagligtas, mga estudyanteng minsang nakaranas ng kahirapan sa buhay, nadapa, nagkamali, at muli silang bumangon.
Nakangiting lumuha sina Larissa, Portia, Miranda at Ophelia habang nakikita ang mga sarili nila.
Pagkatapos pinakita ng mga singsing nila, ang lahat-lahat ng pinagdaanan nilang apat na magkakasama ay napagtanto nilang naging matibay ang samahan nilang magkakaibigan.
Pagkatapos ng pag-flashback ng mga nangyari sa kanila'y unti-unting kumalas ang mga singsing sa mga daliri nila na siyang ikinagulat nilang apat.
Naging maliit na bituin ito saka biglang lumaki, nag-anyong mga diyamante, mayumi't matingkad ang mga kulay nito. Nakapuwesto ito sa tapat ng apat na babae.
Si Larissa na katapat ang kulay berde nitong brilyante, si Miranda na katapat ang kulay asul niyang brilyante, si Ophelia na ang katapat nama'y kulay ginto niyang dyamante at ang nasa tapat naman ni Portia ay kulay pulang brilyante.
Sa huli, nagpasalamat ang apat na magkakaibigan sa naging dulot ng mga diyamante sa buhay nila, sa pagpapa-realize nito ng mga pagsubok na kanila namang nalampasan at sa samahang nahubog dahil mismo sa kapangyarihan na naibigay panandalian sa kanila. Iyon na ang huling pagkakataon na nakita nilang muli ang mga brilyante nila.
Nanumbalik ang mga taong nawala sa buhay ng apat na babaeng 'to. Ang mga magulang nila'y muli nilang nasilayan no'ng nakauwi sila galing sa park. Nabuo ang pamilya nila at hindi nagtagal ay nakuha rin nila ang simpleng buhay na pinangarap na nila noon pa man.
---
Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa mga alaala nila ang lahat-lahat. Nakangiti sila ngayon.
Ang dating mga estudyante lang noon, ngayo'y may sari-sarili ng trabaho at may kani-kaniya na ring lovelife.
Masaya na lang nilang napagkukuwentuhan ang mga naranasan nila noon at hindi maipagkakaila na matatag na ang pagkakaibigan nila ngayon.
Sa halos pitong taon na pagkakaibigan nilang apat ay mas marami silang naranasan na mabibigat na problema na nalagpasan naman nilang magkakasama.
Laking pasalamat nila sa mga singsing nila dahil iyon ang naging tulay para mas maging matibay ang relasyon nila sa bawat isa.
"Maraming salamat..."
Wala sa sariling bulong nilang apat saka sila tumingala sa makulimlim na langit na may kulay puting full moon at may ilan pang kumikislap sa paligid nito, mga bituin.
Hindi alam ng apat nating bida na biglang nagliwanag sa langit ang mga brilyante nila kasabay ng pagngiti nila rito.
Wakas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top