Page 18
Story 18: A Night with Mistletoe
©PMBOneShotStory (2021)
Entry for BWRC | March 06, 2021.
Disyembre ng gabi, naroon ka sa aking tabi. Pareho tayong nag-aabang sa hating gabi. Naka-jacket tayong dalawa at sabay na nagkakape. Pasimpleng nakaabang sa paparating na niyebe.
Pareho natin gustong maglaro nito kahit mula pa noong mga bata pa tayo. Sa tuwing sasapit ang pasko, pinagpa-planuhan natin kung paano mamasko sa mga ninang at ninong natin na minsa'y kuripot pa mamigay ng regalo.
Sabay nating pinagsasaluhan ang nakahandang noche buena na siyang niluluto ng ating mga nanay na siyang matagal ng magkaibigan dahilan para tayo'y magtagpo at lumaking magkasama.
Doon ko napagtanto ang ganda ng pasko, kasama kita pati mga taong mahalaga sa ating dalawa. Tila'y walang iniisip na pangamba dahil tayong dalawa'y magkasama.
Hatid-sundo kita mula sa eskuwelahan nating dalawa, palaging bibilhan ng milktea sa paborito mong tindahan. Natatawa na lamang ako sa tuwing makikita ko ang mukha mong napagbigyan, para kang batang nabigyan ng gusto niyang laruan.
Nawiwili ako sa tuwing dinadaldal mo ako sa kung anong nangyari sa 'yo sa silid-aralan mo. Lahat ng mababanggit mong pangalan ay inaalam ko, nang sa ganoon ay kilala ko sila sa tuwing ikukuwento mo.
Disyembre na. Ang simoy ng hangin ay mas lumamig pa, kaya makapal na damit ang palagi kong pinapaalala sapagkat mahilig ka sa iba't ibang mga porma. Importante pa sa 'yong maganda kang tingnan sa suot mo gayong kahit ano naman ang damit mo'y babagay naman talaga sa iyo.
At dahil disyembre na, kapansin-pansin ang iba't ibang disenyo ng mga bahay. Makukulay na christmas lights, iba't ibang klase ng christmas tree at mga nanga-ngaroling. Mga bata'y kasalukuyang naglalaro sa labas ng kanilang mga bahay na 'gaya natin ay naghihintay din ng alas dose ng gabi.
"Ang tagal naman bumagsak ng snow." Mahinang reklamo mo sa gilid ko dahilan para mapatingin ako sa gawi mo.
Nginitian kita samantalang nakasimangot ka namang nakatingala sa madilim na langit.
"Baka na-delay lang siya," biro ko na tinawanan mo.
"Loko— hala!" Hindi makapaniwalang reaksyon mo nang makitang nagniniyebe na nga sa labas ng tinatanaw nating bintana.
Kaagad mo akong hinila palabas ng bahay saka ka tumingala sa langit.
"Ang ganda," komento mo pa na pilit hinahawakan ang malalaglag na niyebe mula sa itaas.
Pinagmasdan kita't hindi matatawaran ang ngiti mong aking nakita sa 'yo noong gabing iyon.
"Mistletoe," tawag ko sa ngalan mo.
"Ahm?" Kunot-noong saad mo saka tumingin sa mukha ko.
"Do you know why many people wants to see snow?"
"Ewan. Siguro maganda kasi siyang tingnan, hehe." Bahagya kang tumawa at muling nanghuli ng mga butil na niyebe.
Saglit ako nanahimik at inalam ang sagot sa tanong ko. Bakit ko nga pala naitanong ang tanong na hindi ko naman alam ang sagot? Nakakapagtaka.
"Ikaw ba, alam mo?" Pasimpleng tanong mo sa 'kin, kaagad naman akong umiling.
"Just a random thought."
"Yeah, Javimatteyo nga naman." Pigil ngiting banggit mo sa buong pangalan ko.
"Pero hindi ako naka-get-over doon sa meaning ng name mo, Mist," pag-iiba ko ng usapan dahilan para kunot-noong mapatitig ka sa akin.
"Ha? Ano bang meaning ng name ko?"
"Mistletoe, according to norse mythology. Ang meaning ng name mo is happiness and friendship. At ang rason kung bakit nilalagay ang mistletoe sa mga bahay is to avoid bad spirits. In other words, charm ka sa tuwing pasko."
"Pa-trivia ba 'yan? Angas ah. May pa-according ka pa. Ganoon ba talaga kapag future lawyer?" Patanong mong biro na tinawanan ko.
"Siguro, ewan. Nasanay kasi akong magsabi ng according."
"Halata naman, pff—" tugon mo sabay tawa.
Ilan minuto pa'y tumawag na si Tita Em para tayo'y yayain na kumain na. Doon ko lang napagtanto na sakto sa pagbaba ng niyebe ang pagpatak ng alas dose sa orasan.
Dali-dali tayong pumasok ng bahay. Noong una'y nagpumilit ka pang hindi sumama, kung hindi ko pa hinawakan ang kamay mo't hinila pauwi baka'y nananatili ka pa sa labas ng bahay na nanghuhuli pa rin ng niyebe.
"Maraming salamat sa pagkain." Sabay nating sabi na tinawanan ng mga matatanda nating kasama dahilan para takang magkatinginan tayong dalawa.
"Ang cute ninyong dalawa," komento ni Tita Em na siya namang 'yong ina.
"Matagal na po akong cute, Mom." banat mo na animo'y sawang sawa ka na sa salitang cute.
"Ang taas talaga ng confidence nitong baby namin," tugon ng Mommy mo sa banat mo.
Ngumisi ako't pasimpleng sinipa ang paa mo. Napatingin ka sa'kin, magkasalubong ang kilay at nakakunot pa ang noo. Tumawa muna ako bago lumapit sa tainga mo't bumulong.
"Saan banda ang cute?" tanong ko at kaagad mong sinipa ang paa ko dahilan para daglian akong umatras palayo sa'yo. Mapanakit ka talaga.
Hindi na kita inasar pa sapagkat pareho na tayong niyaya sa hapagkainan. Kumain tayo nang magkakasama at noong araw na iyon ay wala na akong mahihiling pa. Ikaw, pamilya mo, ako at ang pamilya ko. Masaya na sana tayo kung hindi lang kayo umalis noon.
Sabay pa tayong sumalubong sa bagong taon, taon na hindi ko akalaing sasaktan ako ng todo.
Tuluyan kayong namaalam, aalis ka kasama ng iyong mga magulang. Wala naman akong magagawa, kaisa-isa ka nilang anak at hindi naman pwedeng magpaiwan ka sa bansa natin kasi paniguradong mamimiss mo lang sila 'pag nagkataon.
Sumama ka sa kanila, mangibang bansa. Doo'y mamamalagi na. Hindi na makakabalik pa. Todo pigil ang pagluha ko noong hinatid namin kayo sa paliparan. Ngumiti ka sa akin at pinilit na ako'y pangitiin at nalulungkot ka kasi kahit napangiti mo ako, ang ngiting iyon ay malungkot pa rin.
Huminga ako nang malalim. Panigurado'y nasa eroplano na kayo, handa ng lumipad patungo sa lugar niyo. Ako'y nananalangin sa kaligtasan niyo na sanang maging masaya kayo sa bago niyong buhay.
At katulad ng sinabi mo bago kayo lumisan, video call ang naging sandalan. Kumustahan at kuwentuhan hindi nawala at nakakatuwa dahil pakiramdam ko'y kasama lang kita.
Ang screen ang naging tambayan, palagi kitang inaabangan hanggang sa isang araw dumating ang hindi inaasahan. Pandemya sa lugar natin ay kumalat. Ako'y napapaisip sa paanong nagkaroon tayo ng ganitong klase ng epidemya.
Naging madalang ang pag-uusap natin sapagkat ang internet connection sa lugar ninyo ay pabago-bago. Akin nama'y inintindi dahil tayo ay nasa magkaibang lugar. Parati kong sinasabi na huwag kang lalabas upang hindi ka matamaan ng sakit. Sakitin ka pa naman at kinatatakot kong baka ikaw ay matamaan.
Hanggang sa isang gabi, tumawag ka. Nagsabi ng kung ano anong bilin sa'kin. Ako'y nagtaka kaya nag-request ako ng video call sa iyo subalit tumanggi ka. Nagtaka ako sa tono ng boses mo, kinabahan ako dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyari sa iyo.
At kinabukasan noong gabi na iyon, nabalitaan ko na lang namatay ka na dahil sa isang kilalang virus, na isang klase ng pandemyang kumalat sa inyong lugar. Hinagpis ng mga magulang mo'y dinig ko sa telepono.
Ang mga magulang ko'y parehong nalungkot sa ibinalita tungkol sa iyo samantalang ako, pansamantalang tumigil ang mundo ko. Hindi ako makagalaw, napako sa kinatatayuan ko.
Ilang minuto'y ganoon ang estado ko, hahawakan na sana ako ni Mama nang bigla kong maigalaw ang mga paa ko't kaagad nagtungo sa kuwarto ko. Isinara ko ito at hinayaan ang sarili kong mapaupo sa likod ng pintuan ng kuwarto ko.
Nanumbalik ang lahat ng alaala ko kasama ka, ang ngiti mo, 'yung mga kuwento mong para bang walang katapusan, 'yung paraan mo kung paano ako mapangiti, lahat iyon bumalik sa isipan ko at doon ko mas nakita ang halaga mo sa buhay ko.
Doon ko naramdaman 'yung sakit na hindi na kita makikita pa, doon ko naramdaman 'yong panghihinayang kasi hindi ko nasabi lahat ng gusto kong sabihin sa'yo mas lalo na't ikaw pa naman ang babaeng gusto kong dalhin sa altar balang araw.
Napalunok ako sabay pahid ng luha ko ngunit para itong gripo na sa tuwing papahiran ko'y sunod-sunod naman ang pag-agos nito. Nahihirapan akong huminga, itinungo ko ang ulo ko at niyakap ang pareho kong binti. Ang sinta kong binibining nawala na sa akin.
Iyon na pala ang huling gabi kong kausap ka, huling paskong makikita ko ang ngiti mo, huling senaryo ng paghabol mo sa mga munting niyebeng gustong-gusto mong makita.
Iyon na pala ang huling araw para makasama ko ang sarili kong, mistletoe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top