Page 17
Story 17: No Game, No Fight, You Lose.
©PMBOneShotStory (2020)
Entry for Menon Bookclub.
Sa isang malayong lugar, may mga makikitang magagandang diwata, mga sundalong nagsasanay sa iba't ibang uri ng espada. Mga engkantada na may iba't ibang uri ng posyon na madalas ginagamit nila sa panggagamot ng kanilang mga sundalo. Ito ang kaharian ng Pretiosus na galing sa salitang pranses na sa wikang ingles ay precious.
Ang dating mapayapang kaharian, ngayo'y nabalutan na ng kaguluhan na sinimulan ng karatig nilang kaharian.
Ngayon ay naghahanda sila ng mga sundalong ipapasabak nila sa gera para maipagtanggol ang Pretiosus Kingdom. Sinanay rin nila ang mga diwata at engkantada na gumawa ng iba't ibang potion na magagamit sa laban.
Sa isang tagong silid ng palasyo, makikita ang hari ng Pretiosus na nagsasanay din kasama ang ilan sa kanyang mga alalay at alagad. Nang natapos magsanay ang hari ay pinuntahan siya ng kanyang tagapagsalita.
"Mahal na Hari, hindi natin alam kung kakayanin ba nating manalo sa laban sa kabilang kaharian. Alam mong mahina ang mga taong nakatira rito bakit patuloy mo pa rin silang sinasanay?" kunot-noong tanong ng tagapagsalita ng hari na madalas mag-alinlangan sa mga bagay-bagay.
"Alam mo ba ang kasabihang, no game, no fight, you lose?" Umiling ang tagapagsalita sa naging katanungan ng Hari.
"Ibig sabihin nito, kapag walang laro o naglaro, kapag hindi ka lumaban o sumubok lumaban, talo ka." Kumunot ang noo ng tagapagsalita dahilan upang matawa ang hari sa naging reaksyon nito.
"...o sa ibang salita, kapag hindi ka nagpatuloy na lumaban sa mapaglarong buhay, matatalo ka." Wala sa sariling tumango ang tagapagsalita.
"E, mahal na hari? Anong koneksyon ng kasabihan na iyan sa tanong ko?" Ngumisi ang hari sa tanong ng tagapagsalita.
"Sinasanay ko ang mga tao rito para matuto silang lumaban sa sarili nilang mga paraan. May iba't ibang uri sila ng lakas na maaaring maging dahilan ng tagumpay nila balang araw. Mahirap tumanggap ng pagkatalo kung ikaw mismo alam mong hindi ka lumaban o sumubok na lumaban," makabuluhang paliwanag ng Hari.
"Kaya ikaw, alam kong may ibubuga ka rin. Wag kang maniwala na mahina ka lang dahil kahit ang pinakamahinang tao sa mundo ay pwede ring maging pinakamalakas." Sinserong ani muli ng Hari.
Nabuhayan ng pag-asa ang tagapagsalita. Dali-dali itong nagtungo sa silid niya upang magsanay rin ng kapangyarihan niya.
"Aburigi Hinaratanah Vhacimhñaizh." Isang spell na palagi niyang binibigkas at sinasanay pero parating bigo siya.
Ngayon niya ulit susubukan ang mahikang ito. Makailang beses siya ulit nabigo pero nagpatuloy pa rin siya. Hanggang sa wakas ay nagawa na rin niya.
May lumabas na kulay yelong bilog sa magkabilang palad niya. Marahan niya itong inangat at pinagsama.
Nabuo ang isang malaking bilog na kulay asul sa paligid niya. Mga pawang nagniningning pa dahil sa ilang kristal na nakapaligid din sa bilog na iyon.
Sinubukang isara ng tagapagsalita ang kamay niya at agarang nawala ang malaking bilog na ginawa niya kanina.
Ito ang naging epekto ng sinabi ng Hari sa kanya. Napangiti ang tagapagsalita sa tuwa at pag-asang kasalukuyang nararamdaman nito.
Kung sila nga, kinaya nilang magsanay at lumaban ano pa ako? Ngayon alam ko sa sarili ko na tulad nila, magagawa ko ring maging matapang kagaya ng aking Hari. —mahinang bulong tagapagsalita sa kaniyang sarili.
Ilang araw pa ang lumipas at naitakda na ang oras na kailangan na nilang makipaglaban. Ang pinuno ng Pretiosus Kingdom na si Shinzo ay nagbigay ng mensahe na nagsilbing lakas ng mga sundalo at diwata sa laban.
"Mahal kong mamamayan, nais ko sanang sabihin sa inyo na itong bayan natin ay nais sakupin ng Lokah Kingdom na kasalukuyang nagpapalawak ng lupain. Hindi sana tayo magpadaig sa takot na nararamdaman ng bawat isa dahil ang takot ay para lamang sa mga duwag! Prestiosus Kingdom, laban!" Buong tapang na sumigaw ang hari na nagbigay inspirasyon sa ibang makikisabak sa laban.
Sumapit na ang alas dose ng tanghali. Sobrang init na dahil tirik ang araw sa kanilang puwesto. Sila ngayon ay nasa isang malawak at mabuhangin na disyerto.
Nasa gitna sila ng Pretiosus Kingdom at Lokah Kingdom. Parehong naroon ang dalawang kampo. Gumawa ng iba't ibang klase ng shields ang mga diwata, fairies at engkantada upang magsilbing proteksyon sa kanilang mga sundalo.
"Sugod!" mariing sigaw ng dalawang namumuno sa labanan. Sabay na lumusob ang dalawang magkaibang panig sa isa't isa.
Dumanak ang dugo ng karamihan. Kahit yung mga taong may shields ay mga nangamatay dahil sa sobrang init at dami ng sugat na natamo nila. Nagkalat ang mga diwatang naggagamot subalit pati sila ay hindi nakaligtas sa kamay ng mga kalaban. Nagtagal ang laban ng halos o higit pa sa limang araw.
Sa huli ay ang dalawang lider ng dalawang kaharian ang natira. Si Shinzo na hari sa Pretiosus Kingdom at si Dohni na hari ng Lokah Kingdom.
Bakas ang pagod sa kanilang mga mukha, tagatak ang pawis sa kanilang mga braso at kitang kita ang iba't ibang uri ng dumi sa buong katawan nila.
Nagpatuloy ang laban sa kanilang dalawa. Hanggang sa sabay nilang tinarak ang kanilang mga espada sa bituka ng bawat isa.
Sa huli, walang natalo o nanalo sa laban.
---
*Callisto Group*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top