Page 16
Story 16: Stars, just like us
©PMBOneShotStory (2020)
Entry for Menon Bookclub.
Sa isang madilim na gabi, may mga tala sa tabi ng kalahating puting buwan. May dalawang tao na makikita sa magkaibang lugar. Sa pamamagitan ng video call na mayroon ang messenger, nagkikita ang dalawang taong ito.
Inilagay ni Giya ang laptop sa pabilog niyang lamesa. Saka siya umupo sa isang wicker butterfly chair na katabi ng glass round table niya.
Kasalukuyan siyang naghihintay ng tawag, galing sa taong nais na niyang hagkan. Ilang minutong tumunganga siya sa kanyang veranda bago may tumawag.
Nakangiti niyang pinindot ang green button sa screen at doon ay may naaninag siyang pamilyar na mukha. Isang kakilala niya na matagal na niyang gustong makita at makasama.
"Kailan ka ba uuwi rito, Hon?" nanlalambing na tanong ni Giya sa kanyang kausap na lalaki na nasa screen ng laptop niya.
"Soon. Sa ngayon kasi kailangan ko munang manatili dito. My boss needs me here, kaya hindi niya ako pinayagang umalis para makabalik d'yan satin. I'm sorry again, Gi. Hopefully this August, we'll gonna see each other," malumanay na tugon ni Khilo mula sa nasa kabilang linya. Nag-pout si Giya sa harapan ni Khilo.
“Hindi ka na naman makakauwi,” ani Giya sa isip niya, dahilan upang mangalumbaba ito.
"Huwag kang gan'yan. Mas lalo kasi kitang nami-miss," nalulungkot na saad naman ni Khilo na nagpangiti kay Giya.
Sa isip ng dalaga, ang gwapo ng binata kapag nalulungkot ito na parang bata.
"Ah gano'n? So, pili lang 'yung oras na nami-miss mo ko? E, ako nga, kada minuto, segundo sa bawat oras ikaw lang 'yung naiisip ko," maaliwalas ang mukhang binanatan ng dalagang si Giya ang binata sa screen.
"Ikaw talaga, hanggang ngayon mahina pa rin comprehension mo. Ang sabi ko, mas nami-miss," tugon ni Khilo na diniinan pa ang salitang ‘mas.’
Bahagyang tumawa si Giya sa sagot ni Khilo sa kanya. As she expected, the guy will correct her at ayon nga 'yung nangyari.
Inayos ni Giya ang laptop niya sa lamesa. Iniharap niya ito sa madilim na langit na ang tanging liwanag lang ay ang buwan at ang mga bituin. Ngayon, sabay silang nakatingala sa langit na para bang magkasama sila pero hindi.
Huminga nang malalim si Giya saka nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita.
"Nandito ako ngayon sa veranda. Seeing those stars na palagi mong gustong makita, na madalas mong ikuwento sa 'kin noon, makes me feel like na andito ka lang sa tabi ko kahit wala ka talaga."
Malungkot na ngumiti si Giya kay Khilo. Bumuntong-hininga naman ang binata sa reaksyong nakita niya sa dalaga.
Ilang minutong katahimikan ang nanaig sa dalawa. Hanggang sa magsalita ulit ang binata. "Gi, alam mo bang sobrang laki ng mga bituin na 'yan?" Kumunot ang noo ni Giya sa tanong ni Khilo.
"Ha? Paano naging malaki e, ang liit-liit niya lang?" mariing komento pa ni Giya. Tumawa saglit si Khilo.
"It is a fun fact you know. Stars has different sizes, names and types according to what they are." Wala sa sariling napatango si Giya bilang pagsang-ayon sa pa-trivia ng binatang kausap niya.
"Gano'n? E. 'di ang unique pala talaga ng mga stars, ano?" namamanghang usal ni Giya na kaagad sinang-ayunan ng kaniyang nobyo.
"Yes. They are all unique and special in their own way and that's what I love them." Saglit na napatingin si Giya sa screen. Nagtaka naman si Khilo.
"Bakit?" dagdag tanong ng binata sa screen.
"You really love stars, huh. How I wish na sana isa ako sa kanila." Napangisi agad si Khilo sa pagiging sarkastiko ni Giya. Nahalata niyang nagseselos ito.
"I love stars, but I love you more than them." Sinserong sabi ni Khilo na siya namang nagpakilig kay Giya. Pareho silang ngumiti sa isa't isa.
"Alam mo, ikaw? Mas magaling ka pa rin talaga bumanat. . . nakakainis," ani Giya dahilan para tumawa sila pareho.
"Just like us, stars are also far away, sa sobrang layo napagkakamalan nating maliit lang yung size niya pero hindi. Parang ikaw at ako, dahil magkalayo, napagkakamalang hindi tayo. Gi, sana malaman mo na kahit na anong mangyari sa ating dalawa, mananatili akong nagmamahal sa 'yo maging tayo man o hindi sa dulo," wala sa sariling usal ni Khilo dahilan para maging malungkot si Giya.
“Sana kami na lang, sana si Khilo na lang...” mahinang bulong ni Giya sa kaniyang isip.
---
*Callisto Group*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top