Page 15

Story 15: Living in a Lie Dream 
©PMBOneShotStory (2020)
Entry for Menon Bookclub.





"Ghio! Ghio! Gumising ka. Please Ghio, gumising ka na." Nanghihinang usal ng dalagang si Hainah habang nakahawak sa braso ng nakaratay na si Ghio.

"Please, bumalik ka na sa amin anak." Lumuluhang saad naman ng ina ni Ghio na katabi ni Hainah.

Halos tatlong taon na rin mula nung huli nilang nakita ang pagbukas ng talukap ng mga mata nito. Umaasa ang dalawang babae na magigising pa ang binatang si Ghiovel na nasa coma ngayon.

At ilang minuto lang ang lumipas, naigalaw ni Ghio ang isa niyang daliri sa kamay dahilan para mataranta ang dalawang babaeng naghihinagpis sa kalagayan niya.

Agad silang tumawag ng doktor at walang ano ano'y naidilat na sa wakas ni Ghiovel ang kanyang mga mata.

Tingnan ng doktor ang kabuuang kalagayan ni Ghio. Binuksan ng doktor ang isang maliit na flashlight para macheck ang kalagayan ng mata ng binata.

"I really do believe in miracle. Don't worry he'll be fine, may I excuse myself for a while?" Tumango lang ang dalawang babae sa tanong ng lalaking doktor.

Kasama ang dalawa pang nurse, umalis na sa kuwarto ang doktor. Naiwan doon ang dalawang importanteng babae para kay Ghio.

Marahang tumingin sa gilid si Ghio, pinilit niyang ngumiti sa dalawa kahit na pakiramdam niya ay hindi niya kaya dahil sa sobrang panghihinang nararamdaman niya sa buong katawan niya.

"Anak, sabi ng doktor magiging maayos ka na raw. Salamat naman anak, nabuhay ka." Muling lumuha ang ginang sa harap ng kanyang anak.

Nais sanang magsalita ni Ghio pero hindi niya kaya dahil sa mahina niyang katawan. Dalawang taon ba naman kasi siyang nasa coma kaya hindi agad makakabalik ang mga senses sa buong katawan niya. Kaya bilang pagtungon, ngumiti nalang siya ulit sa ginang na siyang ina niya.

"Ghio, magpagaling ka na ah. Sobrang miss na kita." Niyakap ni Hainah ang binata, dahilan para magkaroon ng katiting na pag-asa sa mga mata ng bawat isa.

Dumaan ang mga araw at tuluyan na ngang nakarekober si Ghio, gumaling na siya sa coma at ngayon ay kaya na niyang ipasyal ang dalawang babaeng importante sa kanya. Mas lalo na yung babaeng gustong gusto niya na talagang hinintay siyang magising sa halos dalawang taong pagkaratay niya.

"Haina, hindi ba ito yung paborito mong pagkain? Gusto mo dito nalang tayo kumain mamaya pagkatapos nating bumili ng gamit mo?" Maaliwalas ang mukhang tanong ni Ghio na sinang-ayunan agad ni Hainah.

"Oo naman! Basta ikaw kasama ko okay lang! Plus nalang yung libre mo syempre, hehe." Natawa ang dalawa sa sinabing ito ni Hainah.

"Ikaw talaga, kagaya ka pa rin ng dati" Wala sa sariling naiusal ni Ghio na nginitian lang ng dalaga.

"Bakit ko naman babaguhin sarili ko? Eh diba ito yung minahal mo?" Banat ni Hainah na nagpangisi kay Ghio.

"Kiligin na ba ako?" kunot-noong tanong ni Gio.

"Oo naman! Ang hirap kayang bumanat ng ganito kung wala kang supporter." komento ni Hainah na tinanguan ni Ghio.

"Oo nalang. Mabuti marunong akong magsupport." ani Ghio na tinawanan nilang dalawa.

Habang masaya silang nagkukuwentuhan at namamasyal sa mall ay may naramdaman si Ghio na kakaiba. Isang kakaibang pakiramdam na siya mismo hindi niya maipaliwanag ng maayos.

Nagpatuloy sina Ghio at Hainah sa kanilang paglalakad hanggang sa may makita silang pamilyar na tao. Matangkad, maputi at may mapormang damit ang lalaki. Humarang ito sa kanilang dalawa saka matalim na tumingin kay Ghio.

"Ghio, sumobra ka na. Hindi sa ganitong paraan ang sinabi ko sayo. Pinaulit-ulit ko na sayong hindi ka dapat mang-agaw ng hindi sayo. Alam mong may kaparusahan yan." Seryosong bintang ng lalaki sa binatang si Ghio.

"Kilala mo ba siya?" Mahinang bulong ng dalagang si Hainah kay Ghio. Umiling lamang ang binata bilang sagot.

Agad tinanggi ng binatang si Ghio na kilala niya yung lalaki, pero totoong magkakilala sila. Kinailangan lang niyang magsinungaling kay Hainah upang hindi siya mabisto sa lihim nito.

"Tandaan mo itong araw at oras na to dahil lahat, hindi mo na mararanasan pa ulit." Makabuluhang saad muli ng mapormang lalaki sa binatang si Ghio dahilan para mas magtaka si Hainah.

Agarang umalis ang lalaki sa harap ng dalawa. Nanaig ang kaba sa dibdib ni Ghio dahil sa mga katagang sinabi ng lalaki sa kanya. Alam niya ang mali niya ngunit pinagpapatuloy pa rin niya.

"Ha? Anong sinasabi niya Ghio? Bakit parang siguradong sigurado siya na kilala niya tayo? Mas lalo na ikaw." Muling tanong ni Hainah na iniwasan ng binatang kausap niya.

"Ganito. Hindi ko pa kasi pwedeng sabihin ngayon, kaya kung pwede sa susunod nalang natin pag-usapan? Pwede ba Haina?" Malungkot na tumango si Hainah kay Ghio.

Pinilit ng dalaga na intindihin ang sitwasyon ng binata kahit na naguguluhan siya. Ginulo ng binata ang nakataling buhok ng dalaga para maiba ang atensyon nito ngunit dahil sa ginawa ni Ghio ay nainis si Hainah.

"Ang hirap kayang mag-ayos ng buhok, tas guguluhin mo lang? Aba." Nakapout na reklamo ni Hainah kay Ghio. Ngumiti lang ang binata sa kanya.

"Teka magbabanyo lang ako ah? Dito kalang." Paalam ng binata kay Haina. Agad namang nagpunta sa rest room ng mall si Ghio.

Ngunit pagkalabas niya ng banyo ay hindi na niya nakita pa si Hainah. Nag-aligaga siya kakahanap sa dalagang kasama niya lang kanina. Hanggang sa mangiyak na ang mukha nito sa kakahanap dito. Ilang minuto pa ang lumipas at tuluyang nabura na parang bula ang lahat sa paligid niya.

He's Ghiovel, a guy who's living in a lie dream.







---
*Callisto Group*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top