Page 13

Story 13: A31
©PMBOneShotStory (2020)






It was April 31, saktong alas kuwatro na ng hapon.

Nagpasya akong lumabas ng kuwarto ko saka ako umakyat sa rooftop ng building kung nasaan ako ngayon.

Hindi ko na kasi maatim pang tingnan ang kabuuan ng kuwarto ko, nakakasawa na rin kasing puro puti na lang 'yong nakikita ko parati.

At mas lalong ayoko na rin 'tong amoyin pa, shiz. Nakaka-suffocate lang din talaga. Kaya ayaw na ayaw ko talaga sa hospital, wews.

At isa pa, ayoko ng puti. Bakit? Hindi ko alam. Siguro kasi masyado siyang malinis para sa 'kin. Nakakasilaw siya sa sobrang linis.

Pagkaakyat ko sa rooftop, kaagad akong nagpunta sa pinakagilid na bahagi no'n.

Ayaw kong iniistorbo ako kapag nagpupunta ako sa labas para magpahangin tsaka baka may biglang sumulpot na tao rito tapos akalain pang magpapakamatay ako. Mas okay nang narito ako sa gilid atlis medyo tago.

Umupo ako sa isa sa mga bench malapit sa mahanging part ng rooftop. Hayst. I miss this kind of air. Ang peaceful lang sa pakiramdam. Kahit papaano'y napapakalma ako nito mas lalo na 'pag narito ako sa lugar na 'to, mag-isa.

Napasinghap ako ng hangin saka tumingalang tumingin sa papalubog ng araw. Konting oras na lang gabi na ulit. Gabing walang ibang ginawa kung 'di pahirapan ako palagi.

Bumuntong-hininga ako. Nakakapagod din pala talaga, tipong maysakit ka na nga tapos ito mas nadaragdagan pa.

Tumayo ako saka lumapit sa dulo ng barrier ng rooftop. Tumingin ako sa baba. Kitang-kita ko 'yung mga buildings doon pati mga tao na animo'y parang mga langgam sa sobrang liit at dami na may kani-kaniya ring mga ginagawa, ngayon.

Kasalukuyan silang nagbubukas ng mga ilaw nila, malamang malapit na rin kasing dumilim ang paligid kaya hinahanda na nila 'yung magsisilbing linawag nila para sa gabi.

"Kung sana lang e—" Naputol ang dapat na sasabihin ko nang biglang may yumakap sa 'kin.

Hala, sino naman 'to?

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko sa taong yumakap sa 'kin.

"Pinipigilan kang magpakamatay." Ha?

"Boang, nagpapahangin lang ako hindi ako—"

"Hindi, 'wag Layla." Teka, kilala niya ko?

Hindi ko alam kung maasar o matutuwa ba ako sa ginawa niya. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko.

Kumalas muna ako sa yakap niya bago ko siya hinarap. Tiningnan ko siya nang maigi. Alam ko't sigurado akong hindi ko siya kilala kaya sa paanong paraan niya nalaman ang pangalan ko?

"Bakit mo ko kilala? Sino ka?" Takang tanong ko na ineksamin pa ang kabuuan niya.

"Lavie. Lavie James." Napakunot ang noo ko sa sinagot niya.

Lavie? Labie? Huh?

"Hindi mo na ba ako matandaan, Layla?" Tila nalulungkot niyang tanong. Napatango ako.

"Okay lang, hehe. Atlis, alam mo na pangalan ko." Ngumiti siya sa akin at hindi ko alam kung dapat ko ba siyang ngitian pabalik.

Napaatras ako palayo sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Bakit? Natakot ba kita? Hindi naman ako multo," aniya na tumingin pa ng direkta sa dalawa kong mata.

"Hindi kita kilala. Hindi dapat ako nakikipag-usap sa 'yo." Prangkang tugon ko.

Umakto akong aalis na sa barrier nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Taka ko siyang tiningnan, tinitigan I mean.

"S-sorry..." usal niya bago binitawan ang kamay ko. Hinayaan niya akong makaalis sa rooftop.

Dali-dali akong bumaba papunta sa assigned room ko, A31.

Pagkapasok ko sa kuwarto ko, napahinto ako.

"M-ma?" Nanlalaki ang mga matang anas ko dahilan para mapatingin sa akin ang isang ginang na kasalukuyang nag-aayos ng kama ko.

"Ciane anak," Mahinang tawag niya sa unang pangalan ko. Pakiramdam ko'y anumang oras ay tutulo na ang luha ko.

All this time, bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang siya dumating?

Bakit kung kailan na-admit na ako sa hospital saka siya muling darating sa buhay ko?

Oo, nanay ko siya pero hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang tingnan o makasama 'yung unang tao na nang-iwan sa amin, sa akin.

"Bakit ka nandito?" Blankong sambit ko na pinipigilan ang sarili kong maluha. Ayokong umiyak, sawang-sawa na ako.

"Anak, binisita lang kita kasi sabi ng mga kapatid mo nandito ka at nagpapagaling kaya—"

"Tapos na ang visiting hours. Malapit ng mag-alas singko. Umuwi ka na." Malamig kong tugon bago ako naglakad papunta sa maliit na table na nasa tapat ng hospital bed ko na inayos niya kanina.

"Ciane Layla, please..."

"Gusto kong mapag-isa. Please lang." Buo ang loob kong wika. Huminga siya nang malalim. Hindi ko siya tiningnan.

Naramdaman kong lumakad siya palapit sa pinto, handa na siyang umalis, iiwan na niya ulit ako.

"Anak, mahal kita." Pahabol niyang sabi bago tuluyang sinarado ang pintuan ng kuwarto ko.

Pagkarinig ko pa lang ng huling sinabi niya at ng pagsirado nito sa pinto ay hinayaan ko ang sarili kong mapaupo. Hinayaan kong tumulo ang luha kong nag-uunahan na sa pagbagsak mula sa mga mata ko.

Ang sakit. Ang sakit-sakit!

Kaagad akong nagpunta sa kama ko tsaka hinayaan ang sarili kong lamunin ulit ng lungkot.

The reason why I am here at the hospital is because I have a heart disease, a rheumatic type of heart disease.

At habang tumatagal ako rito sa hospital mas lalo kong nararamdaman ang sinasabi nilang, depression. Kung hindi pa ako nagpa-counsel noon, hindi ko pa malalaman na mayroon akong ganoong klase ng sakit.

Akala ko dati, sobrang normal lang na makaramdam ng lungkot pero mali pala ako. Kapag hinayaan mo raw 'yon, lala pa lalo. Kaya pala maraming mga tao ang namamatay dahil sa depression na iyon.

Mga taong hindi na makontrol 'yung emosyong mayroon sila na sila mismo hindi nila alam kung saan nanggagaling.

'Yung lungkot, sakit, sama ng loob at 'yung pagpili nila na kayanin na lang mag-isa ang mga bagay-bagay na nagpapabigat sa dibdib nila na akala nila kaya nila, hindi na pala.

Ilan lang 'yan sa mga sintomas ng sakit na 'yun. Sabi nila, magagamot pa naman daw iyon pero nasa taong pa rin ang desisyon kung gusto niya bang pagalingin ang sarili niya.

Kasi kung gusto mong gumaling, syempre gagawa ka ng paraan para magpagaling hindi kagaya ko, hinahayaan ang sarili kong magkasakit pa lalo.

Wala akong tiwala sa mga gamot na pinapainom nila sa akin. Alam kong hindi iyon ang siguradong gamot na makakapagpagaling sa sakit ko.

At isa pa, may mga side effects ang mga ito. Anong malay ko baka mas magkasakit pa ako lalo kakainom ng gamot.

Oo, gusto ko pang mabuhay pero kahit anong gawin ko. Wala akong makitang rason kung bakit gusto ko pa ring mabuhay. Wala akong mapangkapitan na mga tao na malapit sa buhay ko para mas gustuhin ko pa ring makipaglaban para mabuhay pa rin ako.

Si Mama, iniwan niya kami noong mga bata pa kami tapos ngayon bigla siyang darating?

Si Papa, ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag ng magbisyo pero anong nangyari? Wala.

Hindi siya nakinig, ayaw niya akong pakinggan at 'yon ang isa sa mga dahilan kung bakit mas lalo akong nasasaktan at kung bakit lumala nang ganito ang sakit ko ngayon.

Sa kanilang dalawa, wala akong makitang rason kung dapat ko pa ba itong ipaglaban, itong buhay na binigay sa 'kin.

Dahil sa mga naiisip ko, mas lalo akong nalulungkot. Makakatulog na sana ako nang biglang may bumukas ng pinto sa kuwarto ko. Napadilat ako ng kaunti sa mata ko at sinubukang tingnan ang taong pumasok sa kuwarto ko.

Akala ko 'yung nurse na nagbabantay sa akin pero nagkamali ako, si Lavie. Ang taong yumakap sa akin kasi akala niya magpapakamatay ako, tss.

"Anong ginagawa mo rito?" Walang emosyong bungad ko sa kaniya bago bumangon at umupo nang maayos sa kama ko.

"Narinig kitang umiiyak kaya pumasok ako."

"Ano naman ngayon?"

"Galit ka ba?"

"H-hindi."

"Sorry kung bigla kitang niyakap kanina, akala ko kasi talaga magpapakamatay ka."

"Ang kulit mo. Nagpahangin nga lang ako."

"Puwedeng maupo?" Nagtanong pa siya eh nakaupo na nga siya sa isang silya.

Inilapit niya ang upuan niya sa higaan ko. Mas nakita ko tuloy 'yung mukha niya. Gwapo siya pero. . . pakilamero.

"Alam mo bang bago ako pumasok dito, may nakita akong umiiyak na ginang? Mama mo yata 'yon eh."

"Tapos?"

"Kakaalis niya lang."

"Gwapo ka sana kung hindi ka, nangingialam."

"Layla," bulong nito.

"Huwag mo nga akong tawagin sa pangalan kong 'yan."

"Okay, sabi mo. Gusto ko lang sana ng kadaldalan. Nabuburyo na kasi ako sa kuwarto ko."

"Kaya ka nagpunta rito? Patulog na kaya ako," pagmamaktol ko at inis na tiningnan siya pero nginitian niya lang ako kaya mas nainis ako!

"Umiiyak ka na naman..."

"Huh?" Takang tanong ko sa kaniya noong bigla siyang kumanta sa harapan ko.

"Langya talaga. . . wala ka bang ibang alam."

Alam ko 'yung kanta niya kaso...

"Pinagsasabi mo?"

"Namumugtong mga mata," itinuloy pa rin niya ang pagkanta niya kahit na ako ay nagtataka na sa ginagawa niya.

Nananadya siya, hmp.

"Ewan ko sa 'yo. Matutulog na ako. Umalis ka na." Inis kong pagtaboy sa kaniya bago ko inayos ang mga unan sa likuran ko.

"Kailan kaya ikaw magsasawa, good—"

"Sa libo libong pagkakataon, na tayo'y magkasama--" Tinawanan niya ako.

Hindi ko na kasi mapigilang hindi sumabay sa kanta niya. Ewan ko ba.

"Akala ko ba matutulog ka na?" Nakangiting tanong niya na mas napalabas sa cute side niya.

Ha? Cute? No!

"Ewan ko sa 'yo." Tumawa siya ulit. Nakaka-stress na siya, ah.

"Ang cute mo talaga," komento niya, and again he keep staring at me. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

"Alam mo ikaw. Nakakainis ka, nasa chorus na ako eh." Pagtukoy ko sa kinanta namin—ay siya lang pala kumanta.

"Mali ka naman. May verse pa 'yon bago 'yung pinaka-chorus talaga." Eh 'di siya na magaling, siya na may alam, grr.

"Ewan ko sa 'yo," sagot ko na lang.

"Alam mo ba 'yung title no'n?" Ngayon naman, tinawanan ko siya. Totoo ba? Kinanta niya tapos hindi niya alam kung anong title?

Naiinis ako pero— pfft.

"Halaga, kanta ng Parokya ni Edgar." Syempre tumawa muna ako bago ako sumagot sa tanong niya.

"Halaga, worth 'yun 'di ba?" Tinawanan ko siya ulit.

Para siyang batang wala alam sa mga tanungan niya. Tumango lang ako bilang sagot sa sinabi niya.

"Hayan, atlis napangiti na kita. Mas okay 'yan, nakangiti ka kaysa nakasimangot kagaya kanina." Natauhan ako bigla sa sinabi niya.

Oo nga 'no? Bakit pala ako tumatawa sa harap ng taong 'to eh hindi ko naman siya kilala. Though, I know his name pero still stranger pa rin siya sa 'kin as long as hindi kami friends—

"Friends na tayo?" Napahinto ako sa pag-iisip ko no'ng tinanong niya ako. Huwatda...

"Silence means yes." Ha? Desisyon naman 'to.

"Goodnight na, Layla. I will pray for you." Napatulala ako sa mukha niya.

"Alis na ako ah? Matulog na tayo," paalam niya saka umalis ng kuwarto ko, ngumiti na nga't kumindat pa. Aba't—anong trip no'n?!



◌⑅●♡⋆♡T.Y.T♡⋆♡●⑅◌



“Goodnight Layla, I will pray for you.”

“Goodnight Layla, I will pray for you.”

Kanina pa 'yan nagrereply sa utak ko at sobrang naiinis na ako. Hindi ako makatulog!

Malapit ng mag-alas dose ng gabi at hanggang ngayon hindi ko pa rin maialis sa isip ko 'yong mukha ng taong nanggulo, nangialam, kumanta at yumakap sa akin kanina.

Nakakainis!

Marahan kong ginulo ang buhok ko dahil sa frustration na kasalukuyang nararamdaman ko. Napatulala ako sa kisame ng kuwarto ko. Kahit madilim at nakapatay ang ilaw, kitang-kita ko pa rin ang kulay ng kisame na ito. Purong puti.

Huminga ako nang malalim at ipinikit ko ulit ang mga mata ko saka hinayaan ang sarili kong makatulog na.

Zzzzzzzzz...







"Hi Layla." Nagising ang diwa ko sa narinig ko.

Teka? Ang aga pa, ah? Leche naman 'to. Ang aga-aga manggising.

"Alam kong gising ka na, sabay na tayong kumain oh." Napaka-feeling close ah. Sa pagkakatanda ko kahapon ko lang siya na-meet? Tama, mali?

Bumangon na ako sa kama at walang imik na nagpunta sa banyo para maghilamos at magsepilyo na. Blangko ang tingin ko sa taong hanggang ngayon nakangiting nakatitig sa mukha ko.

Pinakaayaw ko sa lahat ay iyong ginigising ako ng wala sa oras. Nakaka-badtrip kaya.

"Bakit ba palagi ka na lang nakasimangot? Ngumiti ka naman oh, kakantahan ulit kita ng—"

"Ano bang trip mo sa buhay mo ah?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong direktahin siya.

Naiinis kasi ako, ewan ko nga kung bakit tss. Siguro kasi ginising niya ako gayong hindi nga ako nakatulog dahil sa kaniya? Wews.

"Gusto ko lang naman ng kaibigan." Nakangusong aniya.

Hindi na siya tumingin sa akin. Nakatingin na siya sa pagkain nasa harapan niya.

"Maraming pasyente sa hospital na 'to, bakit sa akin pa? Bakit ako pa 'yung taong gusto mong kaibigan? Eh sa ilang beses na kitang nasungitan kahapon pa," tanong ko at hayon, nagulat ako nang bigla kong makita ang lungkot sa mata niya.

Nakatitig kami sa isa't isa, parehong inaalam kung ano ba ang nasa isip namin.

"Hays. Mukhang kailangan ko pang linawin sa 'yo ito ah?"

"Ang alin?"

"Gusto kita, hindi mo lang alam pero ngayon alam mo na." Sinserong usal niya dahilan para mapatahimik ako bigla.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon sa sinabi niya. Sandali nga, bakit parang ang bilis naman?

"Nababaliw ka ba, paanong—"

"Naging kaklase kita noong elementary and I don't know why, bakit ganito. Hindi ko alam, hindi ko maipalinawag nang maayos. Bigla na lang kitang nagustuhan ng gano'n, akala ko nawawala kaso hindi. Akala ko hindi tatagal, pero akala ko lang pala."

"Ano? Eh, hindi nga kita kilala—"

"Do you remember that guy who's been calling you Laylatot?" Natauhan ako sa sinabi niya. Isang tao lang iyon, si tabat--

"Ikaw si Tabatchoy!?" Napaiwas siya ng tingin sa akin, marahan siyang tumango bilang sagot sa naging tanong ko.

Totoo ba? Siya na ba talaga 'to? Hindi naman niya kamukha 'yong bestfriend ko dati, e.

"Alam kong naninibago ka."

"Nakakapanibago talaga. Hindi ko akalain na—"

"Papayat pa ako?" Dahan-dahan akong tumango.

Ngumiti siya sa 'kin dahilan para mabawasan ang pag-aalinlangan ko sa sagot ko.

"Ako nga rin, eh. Hindi ko akalaing papayat pa ako." Tumawa siya sa harapan ko, ewan ko bakit parang napakalma niya ako ro'n.

"Eh bakit ka nandito sa hospita—"

"Kain na tayo?" Saktong pagkasabi niya, tumunog ang tiyan ko. Nginitian niya ako saka niya nilapag ang pagkaing dala niya sa kama ko.

Sinaluhan niya ako sa pagkain, kinuwentuhan niya pa ako ng mga alaalang hindi ko akalaing maalala ko pa ulit dahil sa kanya.

"Inaasar mo kaya ako no'n kasi nga 'di ba ang taba ko pero tingnan mo na ngayon? Kitang-kita mo na kapogian ko." Ang yabang niya, ah.

"Saan ba banda?" Kunot-noong tanong ko. Pinanliitan niya ako ng mata samantalang ako tinawanan lang siya.

"Dito oh, sa mukha ko." Turo pa niya sa maputi niyang mukha. Letche, ayokong titigan baka malula ako.

"Ew," nasambit ko na lang pero nagulat ako nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Huwatda—

"Anong ginagawa mo!?" Patanong kong wika, namilog ang mata kong napatingin sa kaniya. Tinawanan niya lang ako dahil sa reaksyon ko. Napalunok ako dahil sa ginawa niya.

"Pinapakita ko sa 'yo itong kapogian ko." Tinawanan ko siya. Nababaliw na talaga 'to. Tinulak ko siya palayo sa mukha ko.

"Tss, oo na lang." Napilitang komento ko para tigilan na niya ako.




◌⑅●♡⋆♡T.Y.T♡⋆♡●⑅◌




"Bakit pala gustong-gusto mong tumambay dito sa taas? Hindi ka ba natatakot?"

"Hindi ako takot sa matataas, mas gusto ko pa nga eh."

"Ha? Ang weird mo." Salubong ang kilay niyang komento sa nasabi ko.

"Mas weird ka. Sinong timang na biglang mangyayakap ng hindi niya kilala?"

"Oy! Kilala nga kita, ikaw lang naman itong hindi eh." Sus, defensive lang siya riyan.

"Ewan ko sa 'yo," nasabi ko na lang.

Nandito nga pala kami sa tambayan ko na ngayon ay tambayan na raw naming dalawa, ang korni 'no? Akala mo talaga magkababata kami. May nalalaman pang tambayan eh mag-ex classmates lang naman kami dati no'ng elem.

"Pero seryoso ako Layla, gusto kita."

Hayan na naman po siya. Pangpitong beses na niyang sinabi sa akin 'yan. Sawang-sawa na nga ako eh.

"So, anong gusto mong gawin ko? Gustuhin ka pabalik?"

"Hindi! Huwag!" Ha!?

"Eh, ano nga?"

"Hayaan mo lang ako sabihin iyon sa 'yo. Basta promise mo sa akin, hindi mo ko magugustuhan pabalik."

"Ha!? Asa ka naman. Bakit naman kita magugustuhan, aber?"

"Kasi nga, pogi ako." Marahan kong tinapik ang balikat niya.

"Nananaginip ka lang." Tumawa ako habang siya, nakangiting nakatingin sa akin, ay titig yata ang tamang term.

"Mas maganda ka talaga kapag tumatawa." Argh! Those lines, I hate it! Cringe.

"Ang corny mo! Shiz." Tumawa siya nang malakas sa reaksyon ko. Inirapan ko lang siya. Kadiri kaya!




◌⑅●♡⋆♡T.Y.T♡⋆♡●⑅◌




"Hey. Bakit parang ang daming buhok dito sa kuwarto mo?"

"Ah. . . ano parlor kasi 'to dati, hehe." Tss, maniwala. Hospital tapos parlor? Sinong niloloko nito!?

"Nagpagupit kasi Nanay ko kanina so hayan, ang daming buhok. Sabi ko naman kasi sa 'yo ro'n na lang tayo sa kuwarto mo," paliwanag niya sa 'kin saka winalis ang mga malilit na hibla ng buhok na nagkalat sa sahig ng kuwarto niya.

"Ikaw nga, magtapat ka nga sa 'kin. Anong sakit mo? Bakit ka nandito sa hospital?" Seryoso kong tanong na tinitigan pa siya sa mukha niya.

This time hindi ko na siya hahayaang takasan pa itong tanong ko, dahil ilang beses niya lang naman ako dinaldal, puro siya change topic kapag iyon 'yung tanong ko. Curious na talaga ako at hindi maganda ang kutob ko rito.

"Cancer..." What?

"Ang zodiac sign ko, hehe." Sarap batukan oh.

"Tss. Ano nga?"

"Basta ano—" Nawala ang pag-uusap namin nang bigla dumating ang isang doctor at tatlong nurse.

"Umalis ka na muna, Layla." Ha? Bakit ako alis—

"Please, mamaya ko na lang sasagutin iyong tanong mo." Ang lungkot niya. Napakalungkot.

Wala akong nagawa, umalis ako sa kuwarto niya. Bumalik ako sa kuwarto kong may nakalagay na A31. Nagmukmok ako roon.

Ano kayang sakit niya? Bakit ang daming buhok sa kuwarto niya kanina? Bakit niya ako pinagbawalan na huwag siyang magustuhan? Ano 'yon? Bakit bigla siyang nagpakilala sa 'kin? Hutek.

Kakatanong ko hindi ko namalayang umiiyak na naman ako. Natatakot ako. Ngayon na pakiramdam kong may kaibigan na ako, natatakot akong pati siya mawala sa akin. Ayoko na. Masakit ng mawalan. Sobrang sakit na.

Nagpasya akong lumabas ng kuwarto ko at sakto pagkalabas ko nakita kong ang daming nurses sa tapat ng kuwarto ni Lavie.

Shizt, anong nangyayari?!

Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko gusto 'yung naiisip ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kuwarto niya.

Halos madurog ako noong nakita ko ang balat buto niyang katawan na akala ko noong una ay normal lang. Kitang-kita ko ang sobrang kapayatan sa buong katawan niya. Nanghihina ako.

Wala pang isang oras ay napatingin siya sa gawi ko. Shizt, naiiyak ako. Nagblurd bigla ang paningin ko nang bigla niya akong nginitian.

Ano ba iyan, Lavie. Bakit!?

"I. . . l-love you." Nabasa kong aniya gamit ang bibig niyang ngayon ay nakangiti na sa 'kin. Napahagulgol ako sa sobrang sakit.

"Please live for me. Please forgive those people who hurt you, including me." Naalala ko bigla yung sinabi niya noong napatambay kami sa rooftop.

Shizt. Ang sakit. Ang bigat. Bakit ganito...

Paunti-unti nakita kong dahan-dahan na niyang ipikit ang mga mata niya. Please no! No...

Naramdaman ko na naman yung sobrang pananakit sa dibdib ko. Napahawak ako roon at paunti-unti dumilim ang buong paligid ko.

It was August 31, noong huli kitang nakita and now. Nandito na ulit ako, nami-miss na kita.

'Yung corny na ikaw. Nakakatampo ka alam mo 'yon? Nasaktan ako, sobra. Akala ko ba gusto mong nakikita akong tumatawa? Bakit mo ko pinaiyak?

“Please live for me. Please forgive those people who hurt you, including me.”

Suddenly, a familiar line pop up in my head. Napangiti ako. I remember his face, 'yong mukha niya noong nagsabi siya no'n sa 'kin.

Salamat sa iyo, Lavie. Salamat kasi nailigtas mo ako noon, even though hindi naman talaga ako magpapakamatay that time still nailigtas mo ako sa isipang gusto mong makitang tumatawa ako.

"Lunod na ako sa lungkot at nandoon na ako sa puntong ayoko na pero bigla kang dumating. Pakilamero ka." Mahina akong tumawa habang nakatingala sa langit.

"May kasalanan pala ako sa 'yo. Hindi ko natupad 'yung promise mo. Akala ko kasi talaga hindi ka magiging importanteng tao sa buhay ko. Akala ko, hindi kita magugustuhan pero. . . nagkamali ako."

"I like you too, and. . ." Napalunok ako bago muling nagsalita, "I love you more. M-miss na miss na kita." Huminga ako nang malalim saka hinayaan ang sarili kong umiyak.

Dahil sa 'yo, nabuhay ako. Gumaling ako at nakapagbigay ako ng kapatawaran sa mga taong nakasakit sa 'kin. Salamat sa pangugulo ah? Salamat sa buhay mo.

Salamat sa lahat...













...hanggang sa huli nating pagkikita,
Lavie James.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top