Page 12

Story 12: Farmer's Dream
©PMBOneShotStory (2020)





*TAGALOG*

Ako si Vixen, madalas na itawag sa akin ng mga taong nasa paligid ko ay Vics dahil iyon daw ang mas madaling sabihin sa pangalan ko. Nakatira ako sa isang maliit na nayon malayo sa Maynila.

Isa akong magsasaka, kasama ko ang aking ama at tatlo ko pang mga kapatid na lalaki sa pagsasaka. Namulat kami sa kahirapan ng buhay kaya kahit hirap ay kumakayod kaming lahat para matustusan ang pang-araw araw naming pangangailangan sa buhay.

Ngayong araw, narito na naman kami sa bukid upang magtanim. Tirik ang araw at pawis na pawis na ang aking balat. Hindi ako nagrereklamo dahil sanay na rin naman akong mapagod sa pagtatanim.

Habang nakababad ang mga paa ko sa maputik na daan, napapaisip ako sa mga bagay na gusto kong marating sa buhay ko.

May isang araw nga, habang nagpapahinga kami sa isang lilim ng puno naisip ko kung gaano kahalaga ang pag-aaral.

Nagsipag ako sa paaralan namin. Kahit na magsasaka ako, gustong gusto ko pa rin ang mag-aral para makapagtapos ako dahil iyon naman ang pangako ko sa mga magulang namin.

Alam ko ang hirap ng aking ina sa gawaing bahay na nagbebenta rin kung saan saan pati yung pagtatanim ng aking ama at makakatulong lang ako sa kanila kapag ako'y nakapagtapos na.

Naantala ang pagtatanim ko ng buto nang bigla akong tawagin ng aking ama, "bakit po, Itay?" sabi ko saka lumakad palapit sa puwesto niya.

"Alam mo ba 'yang butong hawak mo, may malaking maidudulot iyan sa'yo?" Napakunot-noo ako sa sinabi niya.

"Kasi anak, kung ano ang iyong itinanim ay siya mo ring aanihin." Napangiti ako sa sinabi niya.

Magmula noong araw na iyon, naging mas pursigido ako. Nahirapan man ako sa pag-aaral ko, napagod man sa pagtra-trabaho ko. Ngayon, may masasabi na ako sa mga tao at may maipagmamalaki na rin ang magulang ko sa akin.

Nakapagtapos na ako ng pag-aaral, may mga medalya, diploma at may permanenteng trabaho na.

Dahil pinalaki akong palaipon ng mga magulang ko, nakapag-ipon ako ng maraming pera at ngayon ay may sarili na ring kompanya na namamahala rin sa mga tulad kong magsasaka.

Gusto ko silang tulungan kaya ako nagtayo ng kompanyang tutulong sa kanila para makakuha ng sapat na pera para sa mga kailangan nila sa kanilang pagtatanim.

Dito ko napagtanto na may mga bagay talaga tayong pinaghihirapan gawin, pero tanda ang lahat ng iyon na ikaw ay nagpakatatag sa buhay.

Lahat ng hirap may kaakibat na tagumpay kaya huwag kang susuko, tuloy lang. Tandaan mo ang mga pangarap na gusto mo pang tuparin balang araw.



*ENGLISH*

I am Vixen, people around me often call me Vics because that is the easiest way to say my name. I live in a small village far from Manila.

I am a farmer, together with my father and my three other brothers. We are all aware of the hardships of life so even though it is not easy we all work hard to provide for our daily needs in life.

Today, we are back in the field to plant. The sun is straight and my skin is so sweaty. I do not complain because I am also used to getting tired of planting.

As I soaked my feet in the muddy road, I thought about the things I wanted to achieve in my life.

One day, while we were resting in a shade of a tree, I thought about how important education is. I worked so hard at our school and even though I am a farmer, I still want to study because I promised to our parents that I will be graduated soon.

I've seen my mother's work in the household as well as my father's planting and the only thing that I can help them is when I finished my studies.

My planting was delayed when my father suddenly called me, "why, Dad?" I said then walked closer to him.

"Did you know that the seed you're holding right now, it'll have a big effect on you?" I frowned at what he said. What does he mean by that?

"Because, son. What you plant, you will reap." I smiled at what he said. Okay, I knew it.

Since that day, I've become more persistent. Even though I have a hard time at studying and I also got tired of working, I've succeeded.

Finally, I have something to my parents that they'll can be proud of me. I graduated, I've received medals and diploma and also has a stable job.

And because I was raised to save by my parents, I was able to save a lot of money and now I have my own company that also manages farmers like me.

I wanted to help them so I set up a company to help my co-farmers get enough money for what they needed for their planting.

Now, I've realize that there are things we really struggle to do, but all of that is a sign that you are established in life.

All hardships are associated with success so do not give up, just keep going. Remember the dreams you want to fulfill one day 'cause those dreams will lead you to have your real time achievements in your life.




---

A Filipino-English (translated) short story na inspired sa isang subject ko, ito po ay galing sa pinasa ko sa isa kong prof. Gusto ko lang pong ipabasa sa inyo, iyon lang. Enjoy reading!

*pmb*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top