Synopsis
"Kuya, let's go. Sermon na naman aabutin natin kay lola pag nagtagal pa tayo dito."
"We can't get through." Komento ko nalang habang nasa daan pa rin ang tingin. We're not in the city to experience heavy traffic. Sadyang may kumosyon lang talaga sa gitna ng kalsada.
"Are we still not leaving?" Bagot naman na komento ng isa pang pasahero ko na bored na bored na nakaupo sa likod ng kotse.
"Alam mo bunso, mga ganitong pagkakataon ka dapat nakatutok d'yan sa cellphone mo at ng hindi ka mabored." Pang-aasar naman sa kaniya ng kuya niya. He hates being called bunso.
"Psh!" Saad nalang nito bago isinuot ang headphone niya.
"Stop pestering your brother. Para namang hindi mo kilala ugali niyan." Saway naman ng pinakamatanda.
Bakit ko nga ba kasama ang mga 'to? Eh prutas lang naman ang iniutos sa akin ni lola.
Ilang oras pa kaming bagot na bagot sa kahihintay sa mala-pagong na kilos ni Wencel ng may mga tanod na dumating at rumesponde sa kumosyon.
Isa-isa ng nagsisialisan ang mga taong nakikiusyuso ng makita ko si Wencel na pa-cool na naglakad pabalik sa kotse.
"Look at this fucker, naki-tsismis lang pala kaya natagalan. Napakasarap pektusan." Inis na bulong ni X ng mapansin rin ang hinihintay namin.
Ano ba naman 'tong lugar na 'to. Ang aga-aga, gulo agad?
"Grabe ang tagal!" Komento ni Allen sabay stretching.
"Do you know how long it takes for you to come back?" Komento ko naman.
"What the fuck did you do outside at talagang you spent almost 3 hours there?" Inis na tanong naman ng bunso na nginitian nalang ng may kasalanan.
"Hep! Tama na 'yong tatlo. Huwag ka ng sumali. Matanda ka na. Hindi na bagay sa edad mo ang nakikisali sa ganito." Putol niya naman sa katabi niya.
"Idiot." Walang pakialam na bulong ni X bago ibinalik ang tingin sa laptop. Napakaworkaholic naman kasi.
"At tsaka ikaw..."
"What the fuck?"
"Baka nakakalimutan mong mas matanda pa rin ako sa'yo para murahin mo ng ganun-ganun lang." Saway nito sa binatukan.
"Who cares? No one told you to waste three hours of our lives, you deserve it anyway. Naunahan ko lang si kuya Raven." Ayaw rin patalo na banat ng bunso na siyang binelatan lang ng bumatok.
"Waste three hours of our lives daw. Eh ilang oras ka ngang babad d'yan sa cellphone mo, hindi mo man lang naisip na pagsasayang din 'yan sa buhay mo." Bulong pa nito bago umayos ng upo.
"Oh." Padabog na abot nito ng supot kay Allen.
"What's this?" Maarteng tanong naman ng katabi ko na parang nandidiri sa supot na basta-basta na lang iniabot sa kaniya.
"Ano pa ba? Edi prutas, gago."
"Almost three hours 'yan lang 'yong nabili mo? Grabe Jean, ang sakit mo sa ulo." Hysterical na saad ni X sa katabi.
"Pwede ba!" Lahat naman kami napatingin lang sa kaniya ng sumigaw siya.
"Nagtataas ka ng bo—"
"Daanan natin 'yong isang kahong prutas na binili ko sa dulo. Star apple 'yan." Putol niya kay X na wala pang limang segundo at naagaw na kay Allen ang supot.
"What the fuck, give me some!" Pakikisali na rin ng bunso.
Napakamot na lang ako sa noo ko sa mga nangyayari. No one will believe me if I say nawawala sa sarili ang mga kapatid ko pagdating sa star apple.
Habang nagkakagulo pa rin sila sa paghahati ng star apple, napansin ko naman ang isang babaeng nakikipag-away sa tanod sa tabi. Sila siguro 'yong nakaharang sa daan kanina kaya hanggang ngayon nandito pa rin kami.
"You know, she's tough. And I like her will and judgement towards people." Tinapunan ko lang ng tingin si Jean sa rearview mirror ng magsalita siya. Dahan-dahan lang akong nagmamaneho dahil sa masikip ang lugar kaya nagkaroon pa ako ng pagkakataong makita ang buong pagmumukha niya.
"Kuya, eyes on the road. 'Wag ka ngang tanga." Komento ni Caryl na tinawanan lang ng mga kasama namin.
"Ikaw Caryl sumusubra ka na ha. Baka gus—"
"Oh! Alam ko namang gusto mo lang makakain." Padabog na putol niya sa sasabihin ko habang sinusubuan ako.
"Yieee. Ang sweet naman talaga ng bunso namin." Pang-aasar naman ni Allen na walang nagawa ng ipahid sa mukha niya ang katas ng star apple.
"What the fuck! You're going to pay later Caryl. Hinding-hindi ko palalampasin 'to!" Nanggigigil na bulong ni Allen sa sarili.
Napuno ng tawanan at asaran ang loob ng kotse habang binabaybay namin ang daan patungo sa bahay na binisita ni lola.
"Huwag kayong magulo, kapag nadumihan ang upuan ng kotse ko magbabayad kayo." Banta ni Jean na hindi naman pinansin ng pinsan niya at ng bunso niyang kapatid dahil patuloy lang ito sa pag-aasaran. Hindi ko man lang namalayan na nagpalit na pala sila ng pwesto ni X.
When we arrived at the house, naunang lumabas si Caryl bago sinundan ni Allen at hinabol. Talagang paikot-ikot pa sila sa paghahabulan sa kotse habang panay ang mura ng nakakatanda sa bunso.
Tatawa-tawa namang bumaba si Jean at kinuha ang kahon ng prutas sa compartment ng kotse na dinaanan namin kanina. Habang nasa gilid lang kami ni X at tinitingnan ang mga batang malapit ng makapikunan sa paghahabulan.
"Anong nangyayari dito?" Bakas ang otoridad sa boses ng sumigaw kaya walang pagdadalawang-isip na huminto sa paghahabulan ang dalawang isip-bata.
"Lola si Allen, gusto akong bugbugin." Sumbong ng bunso bago patakbong nagtago sa likod ni lola.
"Tingnan niyo nga 'yang suot niyo. 'Yang mga pagmumukha niyo. Ilang oras niyo lang akong hindi nakasama para na kayong dinaanan ng delubyo. Ang dudungis niyong mga bata kayo." Saway ni lola hindi lang sa dalawa kundi pati kami nadamay sa sermon.
"Kayo naman, kayo ang nakakatanda pero wala kayong ginawa kundi ang hayaang magpatayan ang dalawang 'yan."
"Lola sila lang oh. May dala ako." Depensa ni Jean sa sarili pero hindi pa rin nakalusot.
"Ano naman 'yang dala mong kahon? At nasaan ang prutas?"
"Nandito po." Masiglang sagot ni Jean na ikinakamot ni lola sa batok niya.
"Ang sabi ko hijo, tatlong kilo kung maaari. Hindi ko sinabing isang kahon." Nauubosang pasensyang saad ni lola na ikinangiti ng hilaw ni Jean.
"Hala, sige at hayaan niyo na 'yan. Nandyan na 'yan eh. Ipasok mo nalang 'yan sa loob at ng makapaglinis kayo. Para kayong asong walang nagmamay-ari. Ang dudungis niyo. Ano na lang mangyayari sa inyo kapag umalis ako?" Mahabang litanya ni lola na pinabulaanan naman ni Jean.
"Isa lang ibig sabihin niyan la. Huwag ka na pong tumuloy."
"Gusto mo batukan kitang bata ka?"
"Of course not la. Saan ko ba 'to pwedeng ilagay at ng makapaglinis na po ako." Ngiting asong tanong nito na nagpailing lang kay lola.
I also wonder what will happen to us kapag umalis na sila papuntang Manila to prepare for the family reunion and Christmas.
After I clean up myself, naglibot-libot lang ako sa sala ng bahay ng kaibigan ni lola at tinitingnan ang mga litrato ng mga nakatira dito.
While looking at the picture of a young lady wearing her toga, I remember the woman earlier at the street. They look the same. I wonder if they are one. I hope so.
"Cyryl, hijo. Halika na at baka maabutan tayo ng ulan sa daan. Nasa bayan pa naman 'yong uuwian natin." Hindi ko na ipinagpatuloy pa ang pagtingin sa litrato at agad na nilapitan si lola. 'Yong mga isip-batang kasama ko kanina? Ayun at nauna pang matulog sa kotse. Talaga namang ang sarap iwanan eh.
"Paano, Amanda. Mauuna na kami at baka maabutan pa kami ng ulan. Mukhang malakas-lakas pa naman ang isang 'to." Paalam ni lola.
"Pwede naman kasi sana kayong tumuloy muna dito. Ang atat mong umuwi sa bayan." Pang-aasar ng kaibigan niya na tinawanan lang niya.
"Naku, kung alam mo lang kung gaano ko pa kagustong makipagkwentuhan sayo. Kaso, nakita mo naman kanina kung gaano kasakit sa ulo nitong mga apo ko. Ayoko namang isturbuhin ka at ang alaga mo. Sana maintindihan mo."
"Oo naman. Ikaw pa ba? Basta kapag naipaliwanag ko na sa kaniya ang sitwasyon, tatawagan kita at ipapaalam sayo ang desisyon."
Nakangiting nagyakapan ang dalawa bago nagpaalam si lola. "Makakaasa ka. Basta mag-iingat ka lagi." Ngiti lang ang itinugon sa kaniya ng kaibigan niya bago kami hinatid sa labas ng pinto.
"Paano? Aalis na kami. Alagaan mo ang sarili mo."
"Para naman akong mamamatay niyan sa paalala mo." Tatawa-tawang saad ng kaibigan ni lola na sinaway lang din niya.
Nagyakapan pa sila ulit bago ako hinawakan ni lola.
"Mauuna na po kami. Salamat po sa pananghalian kanina." Paalam ko bago inalalayan si lola pababa sa hagdan.
"Walang anuman. Salamat rin sa isang kahong prutas." Napangiwi naman ako dahil naalala ang kalokohan ni Jean kanina. Nginitian ko na lang siya bago pinagbuksan ng pinto si lola. Nang makapasok ay nagpaalam pa ulit ako bago pumasok sa kotse.
Nang tingnan ang apat na parang sardinas na nagsisiksikan sa likod habang tulog, napailing na lang ako sa kalokohang nangyari sa araw na 'to.
We're here already for three days and after four more days, we were going back to Zambales para asikasuhin ang enrollment at ang kompanya.
I only drove for twenty five minutes kasi wala namang traffic dito sa probinsya para abutin ako ng siyam-siyam. Sadyang may gulo lang talaga kanina dahilan kung bakit kami natagalan.
"Wake them up." Utos ni lola matapos ko siyang pagbuksan ng pinto.
"Opo. We'll follow later." Sagot ko naman bago niya lisanin ang garahe.
We may have a resthouse here in the province but it still looks like a modern average house. May caretaker si lola dito and she sometimes do the cooking that's why wala kaming ibang ginagawa kundi ang magpatigasan ng ulo.
Of course, being a good grandson, sumunod ako kay lola without waking the four idiots. Anong tingin nila sa akin? Driver slash tagagising? Malas lang nila because I enjoy vengeance.
Nang masigurong nakapasok na si lola sa loob, dali-dali akong pumanhik sa kusina to get some food and drink some water bago dumeretso sa kwarto namin. We sleep in the same room in every resthouses we have. One room with five beds. Lola really loves us to be together. Kaya minsan nakakaumay ng makita ang mga mukha ng mga kasama ko eh. Araw-araw na lang ang pangit ng view. Mabuti nalang at gwapo ako.
"Hay sa wakas! Nakahiga na rin." Saad ko habang padabog na ibinagsak ang katawan sa kama. I don't think I have the appetite to eat dinner later. I just want to sleep until tomorrow morning.
While silently staring at the ceiling, I can't help but to think about the girl I've seen earlier. She's pretty, I can say. And base on what Jean said, she's pretty tough. Too much to my liking though pero pwede na rin. Makikita ko pa kaya siya ulit? How I wish I still have a chance to see and get to know her.
Dahil sa pag-iisip, namalayan ko na lang na unti-unti ng hinihila ng antok ang mga mata ko. I tried to fight it though kasi gusto ko pang isipin ang babaeng nakita ko kanina but then my resistance is still not enough. I ended up sleeping for the whole night, not minding if my brothers and cousin are already inside or not.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top