Prologue
"Congratulations love. You made it!" She greeted me the moment the ceremony ended. She looks happy, and I don't, but I have to. Kasi kung hindi, baka lahat ng paghihirap at plano na pinaghandaan namin, baka mapunta lang sa wala.
"Thank you. Congrats to you too." Sagot ko na lang to avoid hearing her tantrums.
She's like that. Kapag hindi niya nagustuhan ang sagot ko, ang ginagawa ko, ginagawa niya ang lahat para ma-blackmail ako. And I really hate the feeling. Gustuhin ko mang saktan siya, hindi ko rin magagawa dahil supurtado siya ng tito ko.
"You seem sad." Puna niya ng makalapit sa akin.
And there she goes, with that stoic face of her making her look like intimidating.
"I'm just tired Stacey. I'm happy I graduated already but the toga is so hot at nakakapagod ang walang ginagawa ng ilang oras sa upuan." I make sure na mukha akong pagod para hindi na siya mangulit.
Partly, I'm really tired, but I can still manage. I just want to spend the rest of the day looking at the pretty woman I saw earlier. It's been months since she left, and I didn't know na nakahanap agad siya ng taong ipapalit sa akin at talagang gusto niyang makasama habambuhay.
Kung hindi lang talaga magulo ang pamilya ko, baka ako pa ang ama ng ipinagbubuntis niya ngayon.
"Congratulations son! Where's Raven? I didn't see him pagkatapos ng ceremony." I greeted my mother first before accepting her gifts.
"Baka pinagkakaguluhan ng mga big time na bisita. Alam niyo naman ang isang 'yon, nasa trabaho ang utak. Ewan ko na lang kung may panahon pa sa babae ang isang 'yon."
"Ugali mo talaga kapag nakatalikod ako eh 'no?" Singit ng kararating lang.
"Nandyan ka pala? Akala ko umuwi ka na."
"Love, don't be too harsh on him." Singit naman ni Stacey. Akala ko umalis na ang isang 'to. "Congratulations pala sayo Raven, and to you too Wencel." Dugtong niya pa na nginiwian lang ni Jean.
"Thanks." Maikling sagot naman ng kambal ko.
"I guess they're looking for you," puna naman ni Jean para paalisin ang babae.
"Oh! See you later then everyone. Nice to see you again tita. Message me if you're home already. Love you." She gave me a peck on the lips before turning her back on us.
"Message me if you're home already. Love you." Panggagaya ni Caryl na pati boses ng babae talagang umeffort pa. "Yuck! Buti natagalan mo?" Dugtong pa nito.
"Kung hindi lang talaga makakasira sa plano ang dispatsahin siya, inuna ko na eh." Bulong ko habang tinitingnan ang babaeng laman ng panaginip ko palagi.
"Hija, it's nice to see you here." Salubong sa kaniya ni mama ngunit tipid lang na ngiti ang iginanti nito.
"Ice. Napadaan ka yata." Puna naman ni Jean bago binigyan ng yakap ang kararating lang.
"Actually isinama lang din ako nina Ivan. Ayoko nga sana kasi mabilis akong mapagod dahil dito." Saad niya habang hinihimas ang umbok ng tiyan niya. "Pinapagod niya ako." Dagdag pa nito na may ngiti sa labi.
"You look...fine though." Awkward ang naging moment ng si X na ang nagsalita. "I'm happy your fine."
"I'm happy too. Congratulations nga pala sa inyong tatlo. Paano, mauuna na ako. I am not allowed to stand for too long, baka mabinat ako." Pagkasabi niya no'n, mabilis pa sa alas kuwatrong kumuha ng upuan si Jean para paupuin ang kararating lang.
"Hindi na kailangan Wen—"
"Ano ka ba naman. Ngayon na nga lang tayo ulit nagkita." Putol naman ng huli.
"Aicelle, just sit and relax. Ayaw mo na nga kaming samahan sa celebration ayaw mo pang bigyan kami ng ilang oras mo." Nagtatampong saad ni lola na nakaupo na rin sa tabi niya.
Hilaw lang na ngiti ang iginanti ni Aicelle. Hindi rin nagtagal ng sumulpot ang mga pinsan niya sa pwesto namin, naging dahilan ng pagtaas ng tensyon sa paligid.
"Kukunin na namin ang pinsan namin. She need to rest." Paalam ni Ivan kay lola.
"Paano hija, mukhang hindi ka na namin mapipigilan." Ngiting baling ni lola kay Aicelle.
Hanggang sa makaalis sila, wala akong ibang nagawa kundi ang tahimik siyang titigan sa gilid.
"Nasaan na ang galing mo? Akala ko ba matapang ka?" Sita agad ni Jean habang binabaybay namin ang daan patungo sa kotse sa parking lot.
"Shut up Jean," inis na bulong ko. Kung tutuusin, pwede ko naman siyang kausapin, but I don't know kung bakit hindi ko kayang buksan ang bibig ko kanina. I ended up just staring at her hanggang sa makaalis siya.
"Wala ka pala eh. Nakita mo lang na buntis, suko ka agad. Ang hina mo naman." Pahapyaw pa na pang-iinsulto niya bago siya nauna sa kotse. Kung hindi pa niya ako nilubayan baka nasuntok ko na ang gago.
Ano bang alam nila sa nararamdaman ko? Ano bang kinalaman nila sa gusto kong mangyari sa pagitan namin ni Ice? May pakialam ba sila noong halos araw-araw akong lasing makalimutan lang na nasaktan ko siya? Kaya ba nilang pawiin ang sakit at pagtitiis na iniipon ko araw-araw? Ni hindi ko nga alam na darating ako sa puntong ganito ulit. Stalker na kung stalker pero ayokong dumaan ang araw ng wala akong natatanggap na balita tungkol sa kaniya. Kung wala lang talaga sa planong pakisamahan si Stacey baka nasa tabi na ako ngayon ni Aicelle. Ano namang paki ko kung buntis siya? Kaya ko namang magpaka-ama sa dinadala niya. Kung sana lang talaga may himala, hihilingin ko talaga na sana ako ang ama ng bata.
"Cris Cyryl! Ano ba! Tutunganga ka na lang ba d'yan maghapon?" Agad nabaling ang atensyon ko sa harapan.
Nasa kotse na si Allen na driver at busangot na busangot na nakatitig sa akin habang nakalabas naman ang ulo ni X sa kabilang bintana.
"Ano na? Sabihin mo lang kung gusto mo pang umiyak d'yan at ng maiwan ka na namin!"
Tsh! Kung makapagsalita akala mo naman hindi nawawala sa wisyo.
"Nasaan sila?" Bungad ko agad ng makapasok at mapansin na kami lang tatlo sa kotse.
"Kanina pa sila nakaalis. Kung hindi ka lang sana tulala ng ilang oras d'yan edi sana kanina pa tayo nakasunod." Sagot ni X na masyadong nakakarindi.
"Ang ingay mo." Saad ko na lang.
"Ang bagal mo." Asar na sagot niya.
"Para kang babae, talak ng talak."
"Para ka rin namang babae, ang bagal kumilos."
"Atleast ako hindi maingay na parang pwet ng manok na kagaya mo."
"Atleast ako hindi singkupad ng pagong kung kumilos kagaya mo."
"Hindi naman ako pinagpalit." Wala sa huwisyong pang-aasar ko.
"Iniwan ka naman. Tapos ngayon buntis na."
"Matagal ka naman kung mag move on. Ang pangit naman ng iniyakan mo."
"Atleast alam kong wala na akong babalikan sa kaniya. Eh ikaw? Umaasa na baka magkabalikan pa kayo at hinihiling na sana ikaw ang ama. Napaka-ilusyunada mo. Akala ko babae lang ang mahilig sa ganyan, ikaw din pala? Baka bukas o makalawa, malaman ko na lang baliko ka na." Mahabang litanya niya na nakapagpapikon sa akin.
"Sumusobra ka ata! Hindi naman kita pinipersonal ng todo ha. Anong problema mo sa'kin? Baka nakakalimutan mong isa ka sa dahilan kung bakit umalis si Ice ng araw ding 'yon. Huwag ka ngang magmalinis."
"Bakit ka galit? Sino bang nag-umpisa? Atsaka bakit ba napaka-defensive mo kung hindi naman pala totoo ang spekulasyon ko? At isa pa, hindi ko naman sinabing nagmamalinis ako? Sino bang nagsasabing nagmamalinis ako? I know I'm at fault and I regret it months ago. Uso sa akin ang salitang move on pare. Ano bang mali sa sinabi ko? I am just stating the facts that up until now you still wish to be her boyfriend and worst, to be the father of her child. Ni hindi mo nga alam kung kaya mo ng tumayo sa sarili mong paa. Before you slap me with your oh so called mature mind, uunahan na kitang sampalin ng katotohanang hindi totoo ang himala Cris Cyryl. There is no thing such as miracle. So quit your shit! Quit dreaming because the reality doesn't have any of that shit!" Mahabang salaysay niya na nakapagpatahimik sa akin.
What if really, after this whole mess, wala na talagang chance? What if ako lang ang umaasa? Pinapaasa ko lang ang sarili ko sa katotohanang wala naman talaga sa umpisa?
"And if you really wanna be with her that much, bilisan mo ang kilos mo. Hindi ko man lubusang matanggap na ang taong nakakaintindi sa akin maliban kay lola ay anak ng kaaway ng angkan, I still can't dump like a garbage all the memories I have with her. Kaya kung gusto mo pa ring tulungan kita d'yan sa plano mo, better hurry your ass man. The woman will not going to wait when are you ready. Grow up!"
"Pwede ba X, I've been thinking ways how to ruin those assholes lives. Kung sana lang noon mo pa sinipa palabas ng kompanya ang traydor mong Tito, edi sana ang pagdispatya na lang sa impaktang Stacey ang problema ko. You never even supported me at all with this plan. You just keep on blabbering about what to do. Dapat ganyan, ganito, ganon! Ito ang tama, huwag 'yan, mali 'yan, bawal 'yan. You just keep on pointing my wrong, you didn't even praises me when I am right. Kaya minsan napapaisip na lang ako kung totoo bang magkakambal tayo. Your attitude sucks! I can't reach your expectations!"
"Oh ngayon ugali ko? C hindi na tayo bata. Kaya na nga nating gumawa ng bata tapos gusto mo bine-baby ka pa rin? Are you really serious about your life? Because if yes, then hindi mo na dapat iniintindi ang mga bagay na gusto mong pinupuri ka. Look at us now, graduate na tayo. Months after this, kompanya na ang aasikasuhin natin. I already accepted the fact na lahat ng trabaho sa akin rin mapunta justo to give you ample time para d'yan sa plano mo tapos you will going to accuse me na hindi kita suportado? Eh tangina naman pala! Ano bang gusto mong suporta? 'Yong pati pag-inom mo ng tubig purihin pa kita? Tangina! Napaka-isip bata. Magseryoso ka nga! Hindi biro 'tong papasukin natin C. At hindi lang ikaw ang mawawalan kapag pumalpak 'to. Ayusin mo 'yang utak at desisyon mo— Allen naman!" Sigaw niya na lang ng biglaan ang pagpreno ni Allen.
"Problema mo? Gusto mo rin makipagsagutan?" Inis na tanong ko. Mabuti na lang at nakahawak pa ako sa upuan, kung hindi, baka nakadikit na sa windshield ang mukha ko.
"Pwede bang kahit ngayon lang huwag na muna 'yan ang pag-awayan niyo? Hindi niyo ba nakikita? The moment is not for vengeance! At isa pa, ang iingay niyo. Kapag ako narindi sa ingay niyong dalawa magco-commute kayo panigurado." Sita ni Allen at wala ni isa sa amin ang sumagot.
Hindi naman sa hindi kami marunong magcommute. Ayaw lang talaga namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top