Chapter 5

Isang linggo na rin ng makikain ako sa unit ni Ice at isang linggo na rin akong binabagabag ng sinabi ng dalawa. Bakit naman ako bibisitahin ng papa ni Ice?

Habang tulala kaharap sa computer, biglang sumilip ang ulo ni Maria sa nakaawang na pinto.

"Boss." Alanganing tawag niya na tiningnan ko lang. "Alam kong super major busyness ka ngayon pero kasi..."

"Ano?" Tanong ko ng putulin niya ang sinasabi.

"Ang chairman ng Montecarlos Empire nandito!" Pabulyaw na bulong niya.

Agad naman akong kinabahan sa sinabi niya at walang alinlangang tumayo sa kinauupuan para hilahin siya papasok.

"Anong ibig mong sabihing nandito? Wala naman akong appointment sa kaniya 'di ba?" Pangungumpirma ko.

"'Yon na nga eh. Wala kayong schedule na dalawa ngayon pero bakit personal ka niyang pinuntahan? Papapasukin ko ba?"

Hindi agad ako nakasagot at pabalik-balik na naglalakad patalikod at paharap sa kaniya.

"Boss naman. Nakakahilo ka, okay? Kung ayaw niyong tumanggap ng bisita ngayon edi sasabihin ko na lang na busy ka."

"No." Putol ko agad sa kaniya. "Let him in. Baka urgent ang pakay niya."

"Okay." Inayos ko muna ng kaunti ang mga papeles na nagkalat sa table ko bago prenteng nakabantay sa pinto para sa pagpasok niya.

"Good morning Mr. Montecarlos." Magalang na bati ko ng makapasok na siya.

"Sa labas mo na lang ako hintayin." Utos niya sa kasama niya bago ako hinarap. "It's nice to see you Mr. Del Franco." Baling niya naman sa akin.
Grabe. Composure pa lang alam mo ng mahirap maging kalaban ang isang 'to.

"Please have a sit, sir. Darating rin maya-maya ang drinks." Alok ko sa kaniya na agad niya namang sinunod.

"You got Davin's looks."

"Po?"

"Nagmana ka sa lolo mo."

Hilaw na napangiti naman ako sa sinabi niya. Kung ganoon, may ugnayan nga talaga ang dalawang pamilyang ito.

"Ahh...sorry pero pwede ko bang malaman kung anong dahilan at personal akong pinuntahan ng kagalang-galang na chairman ng Montecarlos Empire? Sa pagkakaalam ko, walang naka schedule na appointment sa pagitan nating dalawa."

He just smirk at my question and instead of answering it, tinanong niya rin ako.

"So anong dahilan at pinapasok mo ako gayong wala naman pala tayong appointment?"

Napatikhim pa ako bago siya diretsahang sagutin. "Ginagalang ko po kayo chairman. At gusto ko sanang humingi ng dispensa sa nagawa kong pananakit sa anak niyo years ago."

"Bakit naman naisipan mong humingi ng tawad sa akin? Sa kaniya ka may kasalanan kaya dapat sa kaniya ka humingi ng kapatawaran."

"'Yon na nga po chairman eh. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya. Lalo pa ngayong may pamilya na siya. Napaka-insensitive ko naman kung uungkatin ko pa ang nakaraan namin gayong masaya na siya sa pamilya niya." Sinserong sagot ko na tinawanan lang niya. Problema nito?

"Hangal talaga ang mga kabataan ngayon. Paano mo malalamang masaya nga siya kung hindi mo tinatanong? Hindi porket nakikita mong nakangiti walang lungkot na dinadala. Akala ko mas matapang ang mga kabataan ngayon, nagkamali pala ako."

"Pasensya na po."

"Anyway, total naging topic na natin ang anak ko, may pabor sana akong hihilingin sayo."

"Ano po?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya gusto kong marinig ulit para makasigurado. Baka kasi nabibingi na ako.

"May hihingin akong pabor."

"A-ano pong pabor?"

"You see..." Naputol ang sasabihin niya ng kumatok si Maria at pumasok dala ang juice at agad ding lumabas. "...may taning na ang buhay ko. Ilang taon pa lang ng makita ko sa wakas ang anak ko. Pero sa loob ng mga panahong 'yon, alam kong sa kabila ng mga ngiting sumisilay sa mukha niya, punong-puno ng kalungkutan ang mga mata at puso niya. Balak ko sanang makita siyang masaya kung sakaling bumigay na ang katawan ko. Gusto kong iwan sila na masaya kahit wala na ako."

"Te-teka lang po ha. A-ano pong...ibig niyong sa..bihin?"

"Here" saad niya bago inilapag ang brown envelope sa mesa. "Gawin mo ang lahat ng makakaya mo. Hindi ako makakapaghintay ng habambuhay para opisyal kang kilalaning kapamilya. Kaya bilisan mo ang kilos mo."

Nagulat naman ako sa huling sinabi niya. Opisyal na kilalaning kapamilya? Anong ibig sabihin no'n?

"Ah...mukhang may hindi pagkakaunawaan dito chairman. 'Yong kakambal ko siguro ang tinutukoy niyo. Pero huwag po kayong mag-alala. Ibibigay ko po 'to sa kaniya at sasabihin ang pabor na hinihingi niyo." Paglilinaw ko.

"Hindi ko akalaing namana mo ang kamangmangan ng tito mo." Sabi nito bago ngumisi. "Anyway, 'yon lang naman ang pakay ko. Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko." Dagdag pa niya bago tuluyang nilisan ang opisina ko.

Baliw ba siya? Bakit sa akin niya sinabi ang mga huling habilin niya eh halata namang si X ang ama no'ng anak ni Ice. Tsh!

Masama ang tingin ko sa envelope na nasa mesa. Kahit dulo man lang nito hindi ko hinawakan. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o mainsulto sa mga sinabi ng chairman kanina.
Nang hindi na makapagtimpi, marahas ko itong dinampot at nakakunot-noong binabaybay ang daan patungo sa opisina ni X. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras para kumatok at deretso ng pumasok na ikinagulat niya.

"Uso kumatok muna bago pumasok. Hindi ka nasabihan?" Sarkastikong ani nito.

"Oh!"

"C'mon C. Kita mong tambak ako sa paperworks. Wala akong panahong tumanggap pa ng bago."

"Nandito ang chairman ng Montecarlos Empire kanina. Humihingi ng pabor sayo."

Itinigil niya naman ang ginagawa para ituon ang atensyon sa akin.

"Pabor? It's an honor then. Ano bang pabor ang hinihingi niya?"

"Oh!" Padabog na inilagay ko ang dala ko sa mesa niya. "Sabi niya may taning na ang buhay niya. At hindi siya makakapaghintay ng habambuhay para opisyal kang tanggapin sa pamilya nila."

"Ganun ba?" Tanong nito habang tinitignan ang laman ng envelope.

"Umamin ka nga sa akin X. Kailan mo pa ako tinira patalikod? Gaano katagal na?"

Exaggerated naman siyang suminghap habang nanlalaki ang mga matang tiningnan ako.

"Mandiri ka nga! Hindi ako pumapatol sa lalaki at mas lalong hindi sa kapatid. Pinagsasasabi mong tinira kita patalikod? Nakakadiri!"

"Seryoso ako X. Alam kung ikaw ang ama ng anak ni Ice. Alam mo ba kung anong naramdaman ko ng sabihin sa akin ng ama niya na gusto niyang gawin kang opisyal na kapamliya nila? I don't know that your good at backstabbing people. Ang mas malala pa doon, sarili mong kapatid ang tinraydor mo."

"C. Mag-isip ka nga. Sa tingin mo talaga kaya kong makipagrelasyon kay Ice? Nasaksihan ko kung paano kayo nahulog sa isa't isa. Nasaksihan ko kung paano ka mabaliw ng maghiwalay kayo. Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa akin?"

"Kung ganoon, bakit ayaw mong ipaliwanag kung anong relasyon niyong dalawa ngayon? Bakit close kayo? Bakit kilala ka no'ng anak niya? Bakit malapit kayo sa isa't isa?"

Nilapitan niya ako at malakas na idinikit sa dibdib ko ang envelope. "Ang dami mong tanong C. Iisa lang naman ang sagot. Kung gusto mo talagang malaman, kumilos ka na. Masyado kang mabagal. Nakakasakit ka ng damdamin." Saad nito bago ako iniwan sa loob ng opisina niya.

"Sumobra ba ako?" Tanong ko sa sarili kaya hindi ko inaasahan ng may sumagot ng oo.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Obvious namang nakikitulog."

"Wala kang trabaho?"

"Acceptable naman sigurong magpahinga ng kunti 'di ba?"

"Ewan ko sayo." Saad ko nalang bago siya tinalikuran.

"Huwag ka kasing maging mabagal pinsan. Baka maunahan ka pa niyan." Pahabol pa nito bago tuluyang maisara ang pinto.

Did I really over react? Natural lang naman siguro na maging reaksiyon ko 'yon eh. Anong malay ko kung anong namamagitan sa kanila? But it really looks like that I don't trust X. Siguro nga tama si Jean. Sumobra nga yata ako.

Haayyyy!

"Boss ang lalim no'n ha." Napaigtad pa ako ng kausapin niya ako. Hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala ako. Masyado yatang malayo ang nilipad ng isip ko.

"Saan ka galing?"

"Taran!" Saad nito bago itinaas ang mga supot na dala. "I bought foods for me and...you." Patuloy nito.

"Bakit, anong meron?"

"Boss naman. Mula no'ng binisita ka ng chairman ng Montecarlos Empire wala ka na sa sarili mo. Kailangan mong kumain para naman magkaroon ka ng lakas na maintindihan kung ano mang napag-usapan niyo kanina."

"Ganun ba? Sige, ipasok mo nalang kapag handa na." Bilin ko bago tumuloy sa opisina.

"Roger that sir." Rinig ko pang ani niya bago tuluyang sumara ang pinto.

After five minutes, pumasok si Maria dala ang mga pagkaing binili niya kanina.

"Have a good lunch boss." Ani nito. Aalis na sana siya ng pigilan ko siya.

"Maria. Samahan mo akong kumain."

Nanlalaki ang matang nilapitan niya naman ang mesa ko. "OMG! Sigurado ka boss? Oh my god! It's a dream come true. Wait lang boss ha. Walang bawian 'yan. Magreretouch lang ako tapos gora na sa mukbangan ang bakla."

Natawa nalang ako ng natatarantang buksan niya ang pinto. Kahit kailan talaga.

Wala pang dalawang minuto at nakabalik na siya na dala ang pagkain niya.

"Wow naman boss. Feeling ko nasa exclusive date tayo." Kinikilig na ani niya.

"Kumain ka na lang. Dapat ka ring magkaroon ng lakas para sagipin ang mga gawain ko."

"Teka lang boss. Huwag mong sabihing MIA ka na naman?" Striktang ani nito. "Kaya ba pinasasabay mo ako kasi suhol 'to?"

"No. I just want to ask some opinions."

"Gaya ng?"

"Anong dapat gawin kapag may nagtatampo sayo?"

"Importante ba ang taong 'to?"

"Yeah. So much."

"Ehhhh! Nakakainggit naman."

"Ano ba. Seryoso ako. Ano nga?"

"Ito naman si boss oh. Masyadong atat. Ano ba kasing dahilan bakit nagtatampo?"

"Kailangan mo ba talagang malaman?"

"Not really. Some idea lang. Iba-iba kasi 'yong way para sumuyo ng mga taong nagtatampo."

"Gaya ng?"

"Gaya ng kapag nasobrahan sa pang-aasar. Kung 'yon nga ang sitwasyon, pwede mo siyang bigyan ng flowers o chocolates. Pwede ring dalhin mo siya sa mga paborito niyang lugar. Magdate kayo gano'n. Bigyan mo siya ng gifts. Haranahin kung keri mo. Basta ba she can sense and feel that you are really sorry for what you've done mapapatawad ka na nila." Paliwanag nito. "Teka nga lang boss. Huwag mong sabihing... tuluyan ka ng nahulog doon sa pekeng jowa mo kaya ka nagtatanong ng ganito?" Dagdag pa nito.

"Hindi no! Atsaka isa pa. Hindi ko naman sinabing babae ang susuyuin ko."

"What? Then my efforts are useless! Naghirap pa akong magsearch ng pwedeng maging sagot tapos lalaki pala? Hindi ko naisip na you swing that way boss."

"Tumahimik ka nga. Kaltasan ko sweldo mo eh. Tsaka anong pinagsasasabi mong nagsearch?"

"Boss, lahat ng tanong may sagot si pareng google. Napakamakaluma mo naman. Heto oh!" Saad nito bago iniharap sa mukha ko ang cellphone niya. "May mga comments pa ngang nakaka-frustrate eh. Magtatanong ba naman 'yong tao kung alam 'yong sagot?"

"So ano nga ang pwede kong gawin?"

"Kung lalaki naman pala 'yan boss, magsorry ka nalang. Naniniwala naman akong maiintindihan ka rin niya."

"Talaga?"

"Hindi naman siguro mag-aaway ang dalawang lalaki kung nagkakaunawaan lang boss."

"Tama ka naman d'yan."

Natahimik pa ng ilang saglit bago binasag na naman ulit ni Maria ang katahimikan.

"Si sir Raven po ba?"

"Paano mo naman nasabi?" Pagmamaang-maangan ko na lang.

"Eh sa mukha niyo kanina wala namang iba eh. Si sir Raven lang naman ang nag iisang tao dito sa kompanya na kayang makipagbardagulan sa inyo araw-araw."

Natawa nalang ako sa sinabi niya. Mukha ngang hindi natatapos ang isang araw ng walang bangayan sa amin ni X kapag pareho kaming nasa kompanya.

"But I cross the line this time." Mababakasan ang lungkot sa boses ko. Alam kong talagang sumobra ako.

"Hindi naman 'yon maiiwasan. Just say sorry with all your heart. Magkapatid pa rin naman kayo. Siguradong naiintindihan ka ni sir Raven."

I blew a deep breath bago diretsong tiningnan sa mata si Maria. "Thank you."

"Ehh...boss naman. Huwag mo 'kong titigan ng ganyan. Alam mong kahinaan kita eh." Natawa nalang ako sa mga lumalabas sa bibig ng isang 'to.

"Magpakabusog ka na lang. Marami ka ng nalalaman."

"As you wish boss." Ani nito bago ganadong inubos ang pagkain niya.

Agad na iniligpit ni Maria ang pinagkainan namin bago niya nilisan ang opisina at iwan akong nakatunganga na naman sa harap ng computer.
Nang mahapit ng paningin ko ang envelope na ibinigay ni chairmam kanina, walang pagdadalawang isip ko itong kinuha para tingnan ang laman.

Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan ng makita kung ano ang nilalaman ng envelope. "Talaga nga namang gagawin ang lahat para sa pera. Tapos may gana pa siyang dumikit-dikit sa akin pagkatapos niyang makipaglandian sa tito ko? Grrr!"

Hindi man lang talaga nakonsensya ang mya hayop na paglaruan ang damdamin ng mga taong nakapalibot sa kanila!

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tinawagan ang bangko. This madness should end quickly! He's a shame to the family!

"Hello?...yes it's me. About the thing I asked you last time...oo 'yon nga. I-hold mo na lahat ng pinagmumulan ng pera niya. Basta ba nanggaling lahat sa kompanya at sa pamilya namin....kung mangyari man, sabihin mong hinihintay ko siya sa opisina. Okay salamat."

Masamang tingin ang ipinukol ko sa litrato nilang dalawa. "Tingnan natin kung hanggang saan mo kaya ngayong wala ka ng mapagkukunan ng perang lulustayin mo para sa kaniya!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top