Chapter 3
"Love, any plans next week?" Tanong niya sa gitna ng pagkain namin.
"I'm busy for the whole year. Why?" Sagot ko agad kahit na wala naman akong alam sa schedule ko sa loob ng taong 'to.
"Well, next week is my birthday. I am planning to book a reservation in Maldives. Let's go there next week?" Nakangiting tanong niya habang nakatitig sa akin.
"I told you I'm busy for the whole year. I've seen my schedule and it's so uptight. Maybe next year will do." Sagot ko pagkatapos ubusin ang pagkain.
I hate her pero hindi ako pinalaki ni lola para paglaruan ang pagkain.
"Palagi mo na lang tinuturn down ang invitation ko. What's with you Cris?" Inis na tanong nito. Bakas din ang pag-iiba ng boses niya.
"Hindi kita tinuturn down Stacey. Sadyang busy lang ang kompanya ngayon dahil sa laki ng perang nawawala." Rason ko habang tinititigan siya.
Kakaubos ko lang ng pagkain at wala na akong gana pang ubusin ang inilagay niyang dessert sa plato ko.
"I'm full. Sayo na lang 'yan." Pigil ko ng dadagdagan niya pa sana.
"Cris stop your nonsense. Hindi mo naman siguro gustong isumbong ka sa tito mo 'di ba? Stop turning me down or else—"
"Else what? Magsusumbong ka? Kanino? Kay tito? Bakit, ano bang meron sa inyo? Baka naman may alam ka sa problema ng kompanya? Baka kasi....tinutustusan ka pala ni tito." Pahapyaw na pang-iinsulto ko na ikinakunot ng noo niya.
"Are you accusing me something, Cris Cyryl? Sa tingin mo ba may nangyayari sa pagitan namin ng tito mo?" Inis na tanong niya at binitawan ang mga kubyertos para tingnan ako ng masama.
"How would I know? Hindi naman tayo magkasama palagi. And besides, anong malay ko kung tinatrabaho niyo pala ang pangangailangan ng isa't isa. Bakit, hindi ba?" Talagang dumukwang pa ako para lang maramdaman niyang ayoko sa gabing 'to.
Ngunit sa halip na magalit, ay nginisihan niya lang ako. "Sorry to remind you love but I think that phrase suits on your ex-girlfriend well."
Alam kong ako ang nagsimula pero mali ang desisyon niyang idamay si Aicelle sa usapang 'to. "Huwag mong dinadamay si Aicelle dito Stacey. You already get what you want. Don't you dare cross the line!"
"Huwag mo akong tinatakot Cris. Sa tingin mo bakit kita napapayag na makipagrelasyon sa akin? I don't care if you don't love me at all. Ang importante, hindi ka rin masaya at ang babaeng 'yon!" Inis na sagot nito. "And how dare you insult me face to face? Bakit? Gaano ka ba kalinis? Gaano ba kalinis ang babaeng 'yon para magmalinis ka ng ganito sa harap ko? Nakakaawa ka. You keep on pushing me away pero tinutulak ka rin palayo ng taong minahal mo. How's the feeling anyway? Kaya pa ba?" Pang-iinis niya sa akin.
Gustong-gusto ko siyang saktan dahil sa panghuhusga niya kay Ice pero alam kung mas lalala ang sitwasyon kapag pinatulan ko pa siya at lumalim ang pag-iinisan namin. Kaya walang pagdadalawang-isip na inubos ko ang lamang wine ng baso. Para lang mawala sa isip ko na gusto ko siyang putulan ng hininga.
"Want more?" Ngiting alok niya sa bote ng wine na hawak niya. Hindi ko na hinintay pang siya ang maglagay sa baso ko at agad na inagaw sa kaniya ang bote at tinungga ito diretso.
Alam kong may plano ang babaeng 'to. Ang hindi ko alam, kung gaano karami ba ang inilagay niyang kung ano sa bote na 'to. Naramdaman ko na lang na nag-uumpisa ng umepekto ang inilagay niya pagkalapag ng bote sa lamesa at dahil medyo madilim ang buong sala, hindi ko na maaninag ng mabuti ang ginagawa niya.
"Oh, c'mon love. You ready for the night? Huwag mo 'kong tutulugan ha. I will volunteer to do all the deed. Just to make you happy." Hindi ko alam kung bulong ba o hindi. Basta, ang alam ko lang, pahina ng pahina ang boses niya habang hinahagod ng kamay niya ang leeg ko pababa sa dibdib ko para tanggalin ang butones ng suot kong damit.
Damn it! Sana naman maisipan ni X na agahan ang pumunta dito. Si X lang ang huling naaalala ko bago nagdilim ang lahat.
Nang magmulat, agad binati ng sinag ng araw ang mukha ko. Nakabukas ang veranda ng condo. At talagang dito ako sa sala natul—wait! Sala?
Agad kong ipinalibot ang paningin ko at nakitang walang pinagbago ang sala ng condo kung paano ko ito iniwan papuntang opisina kahapon. Does that mean panaginip lang 'yon? Kinusot ko ang mga mata ko, kinurot at sinampal ang mukha para lang masiguradong tama ang mga nakikita ko. Nang walang magbago, napakamot nalang ako sa ulo ko na may pagtataka.
"Ang pangit naman ng panaginip ko. Bakit naman siya pa? Do I miss her?" Bulong na tanong ko sa sarili.
Wha—
"Who?" Sa gulat ng may magsalita sa likuran, agad kong kinabig ang ulo nito at binalibag paharap. Wala pang nagnanakaw sa akin mula ng dito ako manatili. At nagkakamali siyang siya pa ang nauna.
"Who are you? How dare you enter my place without any permission. Akala mo talaga makakatakas ka ng matiwasay dito? Gago!" Tanong ko habang nakatayo sa gilid niya at tinitingnan lang siyang mamilipit sa sakit.
Hindi ko alam ang binubulong niya kaya sinipa ko pa siya ng dalawang beses sa tagiliran bago hinila paharap sa akin.
"What are you mumb—Jean! What the fuck are you doing in here?" Gulat na tanong ko ng makitang namimilipit sa sakit ang taong napagkamalan kong magnanakaw.
"Fuck! Just....fuck you du—de! T-that's a strong...one. Fu—ck y-you!" Hirap na saad niya habang iniinda pa rin ang sakit.
Agad ko siyang pinaupo sa sofa bago pinagalitan. "Alam mong hindi ako magandang biruin kapag bagong gising. Alam mo ring hindi ako pwedeng gulatin. Ano bang pumasok sa kukuti mo at ginawa mo 'yon?"
"You know what? Sa halip na magalit ka diyan, bakit hindi ka na lang magthank you? Baka kung hindi pa ako dumating kagabi, ilang buwan mula ngayon malaman mo na lang tatay ka na." Inis naman na sagot niya sa tanong ko.
"Magthank you? Kagabi? Ano bang nangyari kagabi?" Pahina ng pahinang tanong ko sa kaniya ng marealize na hindi pala panaginip ang naaalala ko. "Don't tell me..."
"Oo pare. Totoo lahat." Putol ni Jean sa sasabihin ko habang ngumingiwi parin sa sakit. "Shit! Kasalanan 'to ni Raven eh."
"Paano ko naman naging kasalanan?" Agad na sumilip ang ulo ni X sa hamba ng pinto ng kusina. Ngayon ko lang rin napansin ang mabangong amoy ng pagkain.
"Eh kung hindi mo ako inutusan na gisingin siya, edi sana hindi ako nasipa!" Rason niya.
"Sinabi ko gisingin mo. Hindi ko sinabing gulatin mo. Kasalanan mo kaya ka nasasaktan. Huwag kasing tanga." Pang-iinis naman ng huli na umepekto naman.
"Double meaning ba 'yon?"
"Nakakasakit din mag-assume." Pahabol pa ni X bago pumasok ng tuluyan ulit sa kusina.
"Sorry. Akala ko kasi magnanakaw na." Hingi ko ng tawad bago umupo sa kaharap niyang upuan.
"Anong magagawa ng sorry mo? Nasaktan na ako." Pagmamaktol niya pa na ginatungan ko na lang din.
"Okay lang. Sanay ka naman na." Natawa naman ako ng inis na pinakyuhan lang ako ng gago. Pikon talaga kahit kailan.
"Sarap ng tawa ha. Alam mo ba anong ginawa mo kagabi?" Nawala ang ngiti sa labi ko ng ipaalala niya ang nangyari kagabi.
"Wala na akong maalala pagkatapos kong inumin 'yong bote ng wine." Pag-amin ko.
"Bakit mo kasi ininom? Alam mo namang tuso 'yong 'pekeng jowa' mo kuno." Panggagaya niya pa sa sinabi ni Maria.
"Kasi iniinis niya ako!"
"Bumigay ka naman?"
"She's insulting Aicelle in front of me. What do you expect me to do?"
Tiningnan niya muna ang gawi ng kusina bago ako sinagot. "Ang lambot ng ilong mo kung ganoon nga."
"Hey, kapag ba si Shaira binastos ko matutuwa ka?" Sita ko sa kaniya.
"Magagalit siyempre. Pero bastusin mo siya sa harap niya para malaman mo kung anong dapat at hindi mo dapat gawin sa kaniya." Nakangising sagot ng loko na hinayaan ko nalang. Gago rin eh.
Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, ako na ang unang bumasag no'n. "So what happened last night?"
Tiningnan niya lang ako ng nakakaawa bago inilabas ang cellphone niya.
"I don't know kung may nangyari ba, basta ng makita kong magkatabi kayong natutulog sa ilalim ng iisang kumot ng walang suot na kahit ano, problema agad ang pumasok sa isip ko. Kaya ng matapos siyang magbihis, pinaalis ko na siya agad. Ilang oras pagkaalis niya, dumating si Raven."
Shit! What did I do?
"At isa pa pala. Napansin ko may chikinini siya sa baba ng collar bone. Baka nga talaga may nangyari habang papunta pa lang ako. Sorry bro."
Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi gulat at galit. That girl will not going to get away from what she'd done!
"It's okay. Wala kang kasalanan. Thank you dahil dumating ka." Ani ko na lang habang tiim-bagang nakatitig sa litratong kuha niya kagabi.
"I'm sorry I didn't arrived on time. Naipit ako sa traffic eh. Mabuti na lang at malapit si Jean kaya inutusan ko na lang." Singit naman kapagkuwan ng isang kalalabas lang ng kusina. Pero kung nagulat ako sa nalaman ko kay Jean, mas lalo naman akong nagulat sa kasama ni X na lumabas galing kusina.
"Drink it first. Isama mo na rin 'to para mahimasmasan ka at hindi sumakit ang ulo mo. Ihahanda ko lang ang lamesa para makapag agahan ka na." Paalam niya bago kami tinalikuran at tinungo ang kusina.
"Lasing ba ako?" Baling ko kay Jean.
"Pinagsasasabi mo?" Nalilitong tanong niya.
"Si Aicelle 'yong pumasok sa kusina 'di ba?" Bulong na tanong ko sa kanilang dalawa.
"Oo. Naapektuhan ba ng nangyari kagabi ang mata at pag-iisip mo?" Tanong naman ni X.
"Bakit siya nandito?" Nagtatakang bulong na tanong ko sa kanilang dalawa.
Jean just shrugged, leaving X to answer me pero hindi niya ako nasagot ng lumabas ulit si Ice galing sa kusina.
"Breakfast is ready. Come here you three." Aya niya bago naunang pumasok na naman sa kusina.
Pinigilan ko pa ang dalawa para humingi ng sagot pero hindi man lang nag-abalang sagutin ang tanong ko.
"I'm hungry. Kagabi pa ako hindi kumakain." Sagot ni X.
"Namiss ko ang luto ni Ice kaya mamaya ka na." Sagot naman ni Jean bago ako iniwan sa sala na tulala.
What the hell is happening?
Naunang pumasok ang dalawa sa kusina. Me? I am still contemplating kung papasok ba ako sa kusina para kumain o papasok sa kwarto para magtago.
Why on earth she's here? And why does she's with X? What the fuck?
"Hoy C! Alam mo namang gutom na ako 'di ba? Kung ayaw mong ikaw katayin ko halika na dito!" Sigaw ni X.
Syempre wala akong choice. Kung bakit ba kasi sinanay kaming pak one, pak all eh.
Nang makapasok sa kusina, lahat ng mata nila nakatingin lang sa akin at hinihintay akong umupo.
"Okay. Let's eat everyone!" Masiglang anunsyo ni Jean bago sumandok ng kanin na agad ring nabitin sa ere ng tumayo si Ice.
"Bakit Ice? May problema ba?" Tanong nito.
"Hindi ko na kayo sasabayan. I'm sure any minute from now magigising na si Raille. Hahanapin ako no'n for sure." Sagot naman ng huli.
"If that so, gusto mo magdala ka ng pagkain. Tutal naman marami 'tong niluto mo." Suhestyon naman ni X.
"It's okay. Raille doesn't want to eat heavy breakfast. He's so mindful about his body." Sagot naman ni Ice na tinawanan lang ni X.
What the hell is happening?
"Really. That boy."
"Kasi sinanay mo. You're spoiling him too much."
"You think so?"
"I think so." Confident na sagot ni Ice.
Ano bang nangyayari? Bakit wala akong alam?
"Bring this. Hindi namin mauubos 'to." Pamimilit ni X na tinanggap naman ni Ice.
Is something going on between them?
"Mauuna na ako. It's nice to see you again." Hindi ko alam kung sa akin ba niya sinabi 'yon o kay Jean. Basta ang alam ko, may kailangang ipaliwanag ang dalawang 'to sa akin. Especially Raven Xyrielle Del Franco!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top