Chapter 2
"Why are you here?" Tanong ko agad ng makapasok siya.
"C'mon Cris, it's been a while since we've seen each other. Hindi mo ba ako nami-miss?" Agad ko siyang pinagtuunan ng pansin ng marinig ang malumanay niyang boses.
"What happened to you? Are you fine?" Hindi ko alam kung natigilan ba siya o talagang natulala lang siya panandalian bago ako sinagot. Well, she looks fine though, 'yon nga lang mahahalata mong parang may nagbago. O sadyang matagal lang talaga kaming hindi nagkita kaya parang may nag-iba sa kaniya.
"I'm happy you still worry about me. Don't worry, I am fine. Siguro stressed lang sa work this past few weeks." Sagot niya ng nakangiti na hindi ko nalang din pinansin.
"Cris." Tawag niya na sinagot ko lang ng tingin bago ibinalik ang atensyon sa binabasa. "I miss you Cyryl, don't you miss me?"
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago isinara ang binabasa ko. "I told you Stacey, you are not allowed to call me Cyryl. Only m-"
"What? Only that girl of yours who's a mother now is the only one who can call you Cyryl? Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nakakapag move-on? Cyryl ako na 'yong nandito oh. I've been with you noong mga panahong wala kang kasama at kailangan mo ng masasandalan. Why do you keep on hurting me up until now? 'Yong babaeng minahal mo noon, may pamilya na ngayon. Did she really love you truly? Do you think about that question carefully?" There she goes. Her voice and her annoyance towards Ice is the only thing na nagpapaalala sa akin kung bakit wala na sa piling ko ngayon si Ice.
"You are overthinking again Stacey. Pamilya ko lang ang pwedeng tumawag sa akin ng Cyryl. Keep that in mind." Bakas ang inis sa boses ko na talagang sinadya ko para umalis na siya.
"Talagang pinagtatanggol mo pa siya?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Kunot-noo ko naman siyang tiningnan dahil sa sinabi niya. Ang klaro ng sinabi ko, tapos iisipin niyang pinagtatanggol ko si Ice?
"Look Stacey, I don't have time to have a fight with you right now. Let's make it straight to the point. Ano ba kasing ipinunta mo rito?" Tanong ko.
"Am I not allowed to go here and visit my boyfriend?" Tanong niya rin.
I don't want to have a long conversation with her kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.
"Bahala ka. Suit yourself kung gusto mong tumambay lang pala dito."
Lalabas na sana ako ng opisina ng magsalita na naman siya.
"What day is today, Cris?"
"Friday the thirteenth." Walang pakialam na sagot ko bago napagdesisyonang pakialaman nalang ang cabinet ng mga papeles ng kompanya. Ano na naman bang trip niya?
"You're making it sounds like a creepy one." Komento niya pa bago lumapit sa kinatatayuan ko.
"Alam mo Stacey, hindi ko alam kung anong trip mo pero busy ako. Kaya kung hindi nakakahiya sayo, makakaalis ka na."
"You literally forgot what's today's event. It's our anniversary Cris. It's sad you don't remember." Malungkot na saad niya kahit na nakangiti.
Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan na lang siya. I feel sorry for her. Talagang nakalimot ako. Well... it's normal. Busy 'yong tao eh.
"I....I forgot." Sagot ko na lang kapagkuwan.
"It's okay. Atleast now alam mo na. Ano? Let's celebrate?" Masiglang tanong niya na hindi ko alam kung papaano pantayan. I really doesn't want to be with her lalo pa at siguradong bukas pa niya ako lulubayan.
"I'm currently busy right now Stacey." Palusot ko. Well it's not totally a hundred percent palusot. I just really don't want to be with her that much.
"Hindi mo ba ako nami-miss Cyryl?" Tanong niya na naman habang nalulungkot kuno.
"Stop calling me Cyryl." Matigas na ani ko sa kaniya.
"Then celebrate with me." Matigas rin na ani niya.
"I forgot the occasion. Hindi ako nakapagpa-reserve ng restaurant."
"It's okay. We can celebrate in your condo."
"Naubos na groceries ko. Wala akong time mamili ngayon. Next year nalang tayo mag-celebrate."
"Hmmm, grocery lang pala problema mo. That's fine, namili ako ng lulutuin natin for the whole night. Walang rason para hindi tayo matuloy." Masiglang saad niya. Leaving me with no choice.
Talaga namang ready ang babaeng 'to. Ano kayang plano nito.
"So ano? Let's go? Para naman makapagluto pa tayo ng hapunan." Aya niya.
Nagpakawala nalang ako ng malalim na buntong-hininga dahil sigurado namang wala na akong magagawa. Well prepared eh!
"Fine. You can wait in the lobby." Suko ko na lang.
"Hmmm, let's go downstairs together." Suhestyon niya bago binuksan ang pinto at sinenyasan akong mauna.
I really don't have a choice.
"Maria." Tawag ko kay Mario ng makalabas.
"Yes boss? Need anything?" Pekeng ngiti niya habang binabaybay ng tingin ang nakapulupot na braso ni Stacey sa braso ko.
Sinisenyasan niya pa ako ng kung anu-ano habang busy si Stacey sa cellphone niya.
"Let's go?" Agad na napirme ang bakla ng magtaas ng ulo si Stacey.
"May lakad ka boss?" Ngiting tanong nito na akala mo walang pakialam sa amin.
"Maaga akong mag-a-out. Ikaw na bahala sa ibang papeles." Paalala ko na lang bago siya tinanguan.
"Okay po boss. Enjoy." Pahapyaw na pang-aasar pa nito.
"Sa inyo rin po ma'am." Kuha niya sa atensyon ng katabi ko.
"I will. Definitely." Tugon lang ng isa bago ako sinenyasang maglakad na.
Nilingon ko pa si Maria na bakas ang reklamo sa mukha bago pa kami makaliko sa pasilyo papunta sa elevator.
"Wait a minute. Kukunin ko lang 'yong groceries." Aalis na sana siya ng hawakan ko siya sa braso.
"Why?"
"You can use your car on the way to the condo." Saad ko.
"Oh no. I didnt bring my car. Sa kotse mo ako sasakay." Ngiti niya pa.
"Eh nasaan ang groceries mo?"
"Nasa front desk." Sagot niya bago ako iniwan. Pagbalik niya, may tatlong naglalakihang supot na siyang dala.
"Here. You can carry them." Agad ko namang kinuha ang mga supot na may iba't ibang laman.
She's really serious when she says whole night.
"Uwi ka na po boss?" Bungad sa akin ng security ng pagbuksan niya kami.
"Yeah. Mauna na muna ako sa inyo." Ngiting tugon ko.
"Sige boss. Ingat kayo. Kayo rin ho ma'am." Tinanguan lang siya ni Stacey. Talaga namang ang taray kahit kailan.
Nang makalabas sa building, nakita ko si Caryl at Cyra na nagbabangayan na naman.
"What's the matter again between you two?" Singit ko sa kanila.
"Discipline your brother. May motor ako, kaya kong umuwi mag-isa. Binutasan ba naman 'yong gulong ng motorsiklo ko. Ang bobo!" Nanggigigil na sumbong ng babae.
"Keep it up bro." Ngiting ani ko na nginitian niya lang din.
"Arghhh! Talaga namang bwisit kayo mga Del Franco!" Inis na komento niya bago padabog na binuksan at isinara ang pinto ng shotgun seat ng kotse ni Caryl.
"Talagang all the way ha." Asar ni Stacey na hindi pinansin ng suplado naming bunso.
Agad ko namang pinigilan ang pagtawa ko ng wala siyang nakuhang sagot sa bunso namin. Sa halip, tinapik niya lang ako sa balikat bago pumasok sa kotse niya.
"Your brother is really a snobber." Komento naman ng kasama ko na agad dumeretso sa kotse.
Bakit nga ba ako napunta sa sitwasyong 'to? Bakit ba ako pumayag na makasama siya?
Pagkatapos kong buksan ang pinto ng condo ko, agad na akong dumeretso papasok ng kwarto. Bahala siya kung anong gagawin niya sa labas, basta ba pabayaan niya lang ako mag-isa.
"Cris! Can I use the kitchen?" Sigaw niya sa labas ng pinto.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko namalayan na hindi na pala ako humihinga. Akala ko kasi kung ano na namang gusto niyang gawin. "Suit yourself. Just be careful."
Well, hindi naman siguro nakakapangit ang paalalahanan siya ng kunti 'di ba?
Pagkatapos kong magpahinga ng limang minuto ay isa-isa ko ng hinubad lahat ng saplot ng katawan ko. Leaving me naked roaming around my room. I want to have a cold shower. Nasistress at napepressure ako sa plano na ginawa nila kanina. I admit natatakot akong gawin ang plano ko pero hindi ko alam kung takot ba akong pagbayarin silang lahat o takot ako sa katotohanang pagkatapos nito ay wala na pala akong mababalikan.
Bago pa ako malunod sa pag-iisip, minabuti ko na lang na kuhanin ang tuwalya sa cabinet bago pumasok sa banyo at maligo. Mamaya ko na iisipin ang problema, eenjoyin ko na muna ang pag-uwi ng maaga.
Hindi ko alam kung ilang oras ang iginugol ko sa loob ng banyo. Basta paglabas ko, nakita ko na lang na nakaayos na ang sala ko. May mga dim lights na nakasabit sa gilid ng lamesa, may nakapalibot sa sofa, mayroon ding nakadikit sa dingding. Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa habang may tatlong kandilang nakasindi. Nakapalibot naman ang mga maliliit na kandilang may lalagyan sa buong sulok ng sala habang nagkalat ang hinimay-himay na bulaklak na may iba't ibang kulay sa sahig. Hindi nakabukas ang main switch kaya talagang napaka-romantic ng set-up. Ang kaso nga lang, kung alam ko lang sana na si Ice ang makakasama ko sa ganitong klase ng lugar, paniguradong ito na ang pinakamagandang date na mararanasan ko sa buong buhay ko.
"Oh! Your done? Just wait a minute at matatapos na rin ako. Gutom ka na ba?" Nabalik ako sa realidad ng sumilip si Stacey sa pinto ng kusina.
"How did you do it in a short time?"
"Ow, do you like it?" Hindi nalang ako sumagot sa tanong niya. Ayokong sabihing oo dahil alam kong aasa siyang may nabubuo ng pagmamahal sa puso ko para sa kaniya. Ayoko ring sabihing hindi dahil alam kong ugali ko pa lang sa kaniya, nasasaktan na siya. "Well, you know I'm a woman. And women knows how to multi-task. So, is it pretty?" Patuloy niya ng walang sagot na makuha galing sakin.
"Hindi ka na sana gumastos pa. We can have a simple dinner anyway." Saad ko bago umupo sa lamesa.
"It's okay. It's our anniversary and minsan lang naman tayo nagkakaroon ng oras because of our works kaya let me be. Anyway, gutom ka na ba? Teka lang, maghahain lang ako." Paalam nito bago ako iniwan mag-isa sa sala.
I can't take my eyes away from the set-up she made. It's pretty I can say. Pero mas maganda kung kasama ko si Ice kaysa sa kaniya. Hindi na lang sana siya nagpagod pa. Habang pinapalibot ang tingin, napansin kong may laman na ang mga baso. Ng amuyin ko, nalaman kong wine pala. I know it's rude to think this way but I wonder kung may inilagay ba siyang kakaiba sa baso o talagang ganoon na lang kasama ang tingin ko sa kaniya.
Nang hindi ko na makayanang tingnan ang baso ay agad kong kinuha ang cellphone para i-text si X.
To: Raven na walang pakpak!
Barge in my condo at 10. Stacey's with me.
Wala pang sampung segundo ng magreply siya na agad kong binasa.
From: Raven na walang pakpak!
Ano namang ginagawa niya d'yan? Akala ko ba wala kang planong ibahay 'yan.
Agad nangunot ang kilay ko sa nabasa. The fuck? Talagang wala sa plano ang ibahay siya.
"Hey, dinner's ready. Okay ka lang ba?" Hindi ko na inabala pang replyan si X at patay-malisyang hinarap na lang ang kararating na Stacey na may dalang dessert galing sa kusina. Ngayon ko lang din napansin, nakabihis na siya. Hindi katulad kanina ang damit niya. Mas revealing kaysa kanina.
"Yeah. Gutom na ako. Let's eat." Palusot ko na lang bago naunang sumandok.
I know it is so rude of me to think na kasama ko si Ice ngayon para lang hindi masira ang vibes ng sinet-up niya.
"Here. I cook your favorite. Sana magustuhan mo." Nakangiting ani niya bago iniabot sa akin ang bowl na may adobo.
"Eat up." Utos ko ng hindi man lang siya nag-umpisang sumandok.
"After you." Nakangiting sagot lang niya.
I didn't bother to give her attention at all. Well, favorite ko niluto niya kaya bahala siyang magsalita mag-isa d'yan.
"Ano? Masarap ba?" Masiglang tanong niya pagkatapos kong sumubo. It's delicious. In fairness masarap siyang magluto. Kaso nga lang, ayokong makarinig siya ng compliment galing sa akin dahil ayokong umasa siya.
"It's good. Kumain ka rin para malaman mo." Striktong utos ko na hindi niya na lang pinansin. Kung sana lang talaga si Ice ang nandito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top