Chapter 12
"La—"
"Manahimik ka. Bakit hanggang ngayon wala pa ang kakambal mo? Sinasabi ko sa inyo, talagang lahat kayo malilintikan." Putol ni lola sa sasabihin ko.
Nandito kami ngayon sa sala. Nasa pang-isahang sofa si lola habang katabi niya naman si mommy. Kaming apat naman pilit na nagsisiksikan sa mahabang sofa, hinihintay kung kailan makakarating si X. Kanina pa siya natawagan pero hanggang ngayon hindi pa rin siya dumadating.
"Ano'ng meron? Bakit galit si lola? At bakit malilintikan pati tayo?" Walang kamuwang-muwang na bulong ni Allen sa katabing si Jean na agad namang tumingin sa akin.
"Tanong mo sa kuya mo." Sagot nito sa katabi. "Pare sinasabi ko sa 'yo. Kapag talaga ito fake news makakatikim ka sa 'kin." Dagdag na banta nito bago kinakabahang napaharap ulit kay lola ng tumikhim ito.
"Ano'ng pinagbubulungan niyo?" Striktang tanong nito na agad naghatid ng kilabot sa amin. Nasaan na ba kasi si X? Kasalanan niya 'to e. Tapos ngayon ang tagal dumating.
Hilaw na napatawa pa si Jean na nauwi lang sa ngiwi ng titigan siya ni lola ng walang kaemo-emosyon. "Wala naman la. Tinatanong lang namin kung bakit ang tagal ni Raven."
Naging awkward ang atmosphere pagkatapos magpaliwanag ni Jean. Nasaan na ba kasi si X? Kung kailan aburido ang utak ni lola ngayon pa magpapahuli.
"I'm home!" Sa wakas! Dumating din.
"Pinsan!" Ngawang tawag ni Jean. Baliw talaga. "Pinsan naku naman! Kanina pa kami sinusunog dito. Saan ka ba galing? Bakit ang tagal mo? Alam m—"
"Shut up Jean! Nandito na ako oh. Ang dami mong satsat." Inis na putol ni X sa kaniya. Paano ba naman kasi, kung hindi puputulin mas mahaba pa ang litanya niya kaysa ang sasabihin ni lola. "Welcome home mom, la." Baling niya sa dalawa bago isa-isang binigyan ng halik sa pisngi. "Bakit hindi kayo nagpasabi na dadating kayo? Nasundo sana namin kayo."
"It is supposed to be a surprise but I guess..." Hindi na tinuloy ni mommy ang sasabihin ng wala man lang reaksyon si lola sa pagdating ni X.
"What's the problem la? You don't look happy seeing me." Komento ni X bago bahagyang napatawa ng peke.
Lagot ka talaga ngayon.
"Where's the child?" Malamig na tanong ni lola.
Tiningnan muna kami ni X bago ibinalik ang tingin kay lola. "What child?"
"Your child. 'Yong anak mo. Nasaan?" Deretsong tanong ni lola. Wala man lang pa-intro.
Ilang segundo pa ang lumipas bago nagsink-in kay X ang sinabi ni lola. Wala ka talagang kawala ngayon.
"What? Ano'ng anak?" Natatawang tanong nito pabalik.
Tingnan mo 'to. Nahuli na nga dumedeny pa.
"Sabi ng kakambal mo may naanakan ka." Striktang ani ni lola na siyang dahilan kung bakit nakakunot noong tinitingnan ako ni X ngayon.
"Wala akong anak. Saan mo naman napulot 'yan?"
"Raven, anak. Mas mabuti pa huwag mo ng itago sa amin. Mas magagalit ang lola mo 'pag ganyan." Malumanay naman na paliwanag ni mommy na tinanguan ko kaagad. Hindi pa naman magandang galitin si lola.
Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni X hanggang sa naging sunod-sunod na at naging halakhak. Nagtatakang nagkatinginan naman kaming lahat habang naghihintay na matapos si X sa pagtawa. Wala na. Nabaliw na. "Damn! I... I am not a father mom. C, ano'ng anak? Stop bringing your nonsense joke here." Tatawa-tawang harap niya sa akin.
"Do you think magandang biro ang pagtatago ng anak Cris Cyril?"
"What? No! I mean... I am telling the truth lola. May anak talaga si Raven! Aminin mo na X! I bumped into her earlier. Kamukhang-kamukha mo nga e." Paliwanag ko agad. Mahirap na. Baka sa akin pa ibunton ni lola ang galit nito tungkol sa pagtatago ng anak ni X.
"Wait...you mean, nakita mo ang bata kanina?" Paglilinaw nito na tinanguan ko. Umamin din ang gago. "Saan mo siya nakita?"
"I'm on my way to Ivan's office when I bumped at her. Ang totoo nga n'yan humingi pa siya ng pabor sa akin kasi inaaway siya ng ibang mga bata kasi wala raw siyang daddy tapos hindi raw siya gusto ng mommy niya. Ano ba naman 'yan X. Gagawa-gawa kayo ng milagro tapos 'pag nagbunga pababayaan niyo lang." Mahabang paliwanag ko.
Sasagot na sana si X ng mamutawi ang boses ni lola. "So it's true. You really had a child. How heartless of you Raven Xyrielle to hide the child from us?" Puno ng hinanakit na tanong ni lola.
X just gave me a death glare before squatting in front of lola.
"La, it's not like that." Paunang paliwanag nito na hindi naman pinansin ni lola. "The truth is... she's not mine. It's hard to explain."
"At bakit? Bakit mo kamukha kung hindi sa'yo? Bakit nahihirapan kang sabihin kung totoong hindi sa 'yo?"
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni X bago nagsusumamong tumingin kay lola. "La, pwede ba na kami na muna ang mag-usap? I promise first thing tomorrow morning ipapaliwanag ko sa inyo ang lahat. For now," tiningnan niya muna ako na para bang sinasabing humanda ako mamaya bago ibinalik ang tingin kay lola. "...let us talk first." Pagtatapos nito. Lumipas pa ang ilang segundo bago walang imik na tumayo si lola dahilan ng pagtayo rin niya.
"I am expecting the explanation first thing tomorrow morning. Umayos ka kung ayaw mong itakwil kitang bata ka." Pananakot ni lola bago kami tinalikuran at tinahak ang hagdan ng pigilan siya ni X. "What?"
"Kasi... pwede bang sa bahay na muna kayo? Mom? Sigurado kasi akong sobra pa sa usap ang mangyayari mamaya. I don't want to worry and disturb you two." Paliwanag nito. Nagkatinginan naman kaming apat na nakaupo pa rin sa sofa. Ano ba ang meron at bakit sobra pa sa pag-uusap ang magaganap? "Caryl." Tawag niya sa bunso na agad namang tumayo. Attentive rin ang gago. "Ihatid mo na muna sila sa bahay." Utos niya pa bago binigyan ng susi si mommy. Sa bahay niya siguro.
Nang makaalis silang tatlo, malamig pa sa malamig na yelo ang pagkakatitig ni X sa akin. "Now, let's settle things between us. Nag-umpisa ka pa talaga ng gulo kahit alam mong hindi pa tapos ang naunang gulong pinasok mo." Malamig na ani nito bago umupo sa pwesto ni lola kanina.
I hardly gulp my saliva just to ease the nervousness I am feeling right now. Pero bakit nga ba ako kinakabahan? It's not as if malaki ang kasalanan ko. Kasalanan ko bang madiskubre ang sikreto niya? Kasalanan ko ba kung mabangga ko 'yong bata? Tss!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top