9

"Nandito ka lang pala. Akala ko umalis ka." Kanina ko pa siya hinahanap. Hindi ko naman magawang kumatok sa kwarto ko na naging kwarto niya na dahil baka maisturbo ko pa si Ice. Ayokong masaksihan ulit 'yong nangyari kanina.

"Bakit naman?" Tanong nito ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Ang taas ng pride!

Inilapag ko muna sa lamesa sa harap niya ang isang beer na dala ko bago umupo kaharap niya. Mabuti na lang at nakita siya ni Caryl habang nasa kusina ako.

Ilang segundo pa muna ang lumipas bago ako kumuha ng napakaraming lakas ng loob para sabihin ang pakay ko. "I'm sorry."

Isinara niya muna ang librong binabasa bago ako tinitigan ng masinsinan na naging dahilan ng kaba ko. I fake a cough para mawala man lang ang kung ano mang nakabara sa lalamunan ko dahil sa uri ng titig niya. I know we're both monsters pero hindi ko hiniling na matitigan niya ng ganito. Ngayon alam ko na ang pakiramdam kung ano ang nararamdaman ng mga taong ayaw ni X na maging investors sa kompanya sa t'wing kinukulit siya ng mga ito. Hindi talaga maganda sa pakiramdam.

"C-can you..." Nilunok ko muna ang ang nakabara sa lalamunan ko bago matapang na hinarap siya. Tangina! Hindi ako duwag pero parang ngayon oo na. "Can you spare me with that kind of look? Masyadong nakakakaba." Mahinang ani ko.

He just smirk at me and open the beer can ng hindi man lang inaalis ang tingin sa akin. Fuck! Hindi ko alam na kaya ko pala talagang matakot maliban kay lola at sa babaeng natutulog sa taas. I don't even feel scared kahit na tapunan pa ako ng nakamamatay na tingin ng nanay at tatay namin but X? Kung pwede lang akong itago ng inuupuan ko ngayon, magmamakaawa akong itago nito. "Why are you nervous? It's not like I'm going to skin you alive."

"Who knows? Baka nga totohanin mo?" Alanganing saad ko. Kailangan kong tantyahin ang mga sasabihin ko. Hindi pa naman ako napapatawad ng isang 'to.

"Cut your bullshit. Para namang hindi ka rin hayop kung tumingin sa iba." Saad nito bago uminom ng beer. The moment his eyes landed on mine, gone the scary Raven Xyrielle na nakapagpabalik sa ginhawang nilubayan ako kanina. "Bakit ka nandito? At talagang dinidisturbo ako?" Dagdag na tanong nito.

This time, I look at him sincerely. Alam kong hindi na kailangang sabihin pa but we still need to say those words. Mga gago kami, pero hindi kami pinapatulog ng konsensya namin kung hindi kami nagkakaayos. "I'm sorry...sa kompanya at sa..kanina."

He look at me intently. Alam kong sinusubukan niya ako pero nunkang papayag akong matalo sa pakikipagtitigan sa kaniya.

"It's fine. Hindi naman 'to first time para kabahan ka ng todo. Baka maihi ka pa sa pajama mo ako pa sisihin mo."

"Gago!" Okay na sana e. Dugtungan ba naman ng kalokohan? Tsk!

His smirk didn't leave his face na mas ikinainis ko. Kung hindi lang siya 'yong pinaka-kuya kanina ko pa hinambalos sa mukha niya 'tong librong nakapatong sa lamesa.

"Oh boy! Look at your brother, parang maiiyak na sa inis." Sabat naman ng gagong si Jean habang nakaakbay kay Allen at Caryl na walang reaksyon ang mga mukha habang may bitbit na tig-iisang supot.

"Fuck you gago! Umalis ka nga dito!" Inis na baling ko sa kaniya ng makalapit.

Isang nakakainis na ngiti naman ang iginawad nito bago umupo sa tabi ni X. "Baka nakakalimutan mo? Bahay ko 'to tanga."

Aba't! Talaga naman!

"Oh tama na 'yan. Halata masyadong na-miss niyo ang isa't isa e." Awat ni Allen. Sabay naman naming itinaas ang gitnang daliri namin ni Jean dahilan kung bakit pati ang tahimik na bunso at panganay nakitawa na rin.

It's been a while, us having this simple yet memorable moment in our lives. Halatang tumatanda na talaga kami at minsan na lang kung magbonding.

"Oo nga pala. Pinabibigay ni Cyra. Baka raw makatulong." Ani Caryl ng humupa na ang tawa. Naunang kinuha ni Jean ang envelope para tingnan ang laman. Halatang tsismoso ang gago. Nakisilip na rin si Allen ng mailabas ni Jean ang kung ano mang laman no'n.

"Eww! Gross! Yuck! Kadiri! Ang halay!" Isa-isang komento nito habang ipinapasa ang mga tapos niya ng tingnan kay X.

"Ano 'yan kuya?" Kuryusong tanong naman ni Caryl. Malayo siya kay Jean kaya malamang na wala siyang alam sa kung ano ang nakikita ng mata nito.

"Huwag ka ng maki-tsismis. Masyado ka pang bata para sa mga ganitong bagay." Ngiting baling sa kaniya ni Jean matapos maipasa lahat kay X. Agad naman niyang pinakita ang gitnang daliri dito.

"Bata mo mukha mo, lolo." Asar na saad nito. Sa aming lahat, talagang si Jean ang nag-iisang taong itinuturing na bata si Caryl kahit na nga nasa tamang edad na itong bumuo ng pamilya.

"Hoy ikaw na bata ka. Tumatagal nawawalan ka na ng respeto ha. Matanda pa rin ako sa'yo." Saway ni Jean pero nunkang papatalo ang bunso.

"Nirerespeto naman kita lolo. Kaya nga lolo 'di ba? Bobo mo." Pang-aasar pa nito. Talagang hindi tinantanan ang gago.

Ng mapansing kunot-noong tinitingnan ni X ang mga ibinigay ni Jean, walang pasabing hinablot ko ang iba sa kamay niya at tiningnan. Mababaliw ako kung pipigilan ko ang sarili kong malaman kung ano 'yon.

Nahigit ko ang hininga ko ng makita ang mga litrato. Tangina! Kakapit-kapit siya sa akin tapos makikipaglampungan siya sa matandang ulyanin na 'yon? Agad kong binitawan ang mga litratong hawak. Pakiramdam ko nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Okay ka lang?" Tanong ni X.

"What the hell! Geez! I think I have goosebumps! Nakakadiri masyado." Saad ko na lang bago tinungga ang beer. Lakas ng loob ng babaeng 'yon na idikit ang mga kamay niya sa akin gayong humawak siya ng basura!

"Oo nga pala. Ivan and that Ali guy. 'Yong tauhan ni Matrix, sabi magkita daw kayo bukas. Hindi na sila kumuha ng appointment sa office mo, mabilis lang naman daw ang pakay nila." Ani naman ni Allen.

Me alongside X and Caryl has a puzzled look. Kung pwede lang maging question mark 'yong mga ulo namin kanina pa nangyari 'yon. Anong tauhan ni Matrix pinagsasasabi nito?

"Tauhan ni Matrix?" Ulit ng bunso.

"Duh! Bunso, masyado ka pa talagang bata para makaintindi." Singit ni Jean na sinamaan ng tingin ni Caryl.

"Shut up gurang. Hindi lang naman ako ang walang alam." Saad nito bago kami sabay na tinuro ni X.

"I don't have time to watch tv's. Ano'ng malay ko kung sino si Matrix?" Palusot ni X.

"Wala akong alam." Maikling saad ko na lang ng sabay pa talaga ang mga loko na tingnan ang direksyon ko.

"Talagang hindi niyo alam?" Hysterical na tanong ni Jean. Baliw talaga. "Matrix. 'Yong naka man in black? Tapos black shades, with incredible fighting moves. Mga sinaunang tao, kahit bata kilala si Matrix." Paliwanag nito na talagang ginaya pa ang incredible fighting moves daw kuno.

"Mali ka. I don't know him." Singit naman ni Caryl na inawat na ni X. Hindi matatapos ang dalawang 'to kung hindi sasawayin.

"Bata daw." Habol na asar pa ni Jean na agad din namang tumahimik ng samaan ng tingin ni X. Sakit talaga sa ulo.

"So ano ng plano mo? Ilang ebedinsya pa ba kailangan mo?" Baling naman nito sa akin.

Agad kong inilapag sa kanila ang plano. I already cut that old man's wings. It's time for his toy to shut down. Sapat na siguro ang ilang taong pagtitiis para tapusin ang katarantaduhang 'to. Gusto ko ng pagtuunan ng pansin ang mga mahahalagang bagay kaysa sa mga basurang 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top