9
9
KINAUMAGAHAN ay maaga ako nagising, mga alas singko. Suot suot ang orange tie dye na oversized shirt ay bumaba ako, hindi ko nga alam kung nasaan si Eugene or natulog ba siya, saan siya natulog. Pagkatapos kasi niyang bigyan ng pagkain sa kwarto ay mabilis na akong nakatulog.
Habang bumababa ay inayos ko pa ang magulo at nakalugay kong buhok. Pagbaba ko doon ay tahimik, tanging ingay lang ng dagat ang maririnig..
Tulog pa kaya siya? Sabagay ala singko pa lang naman ng umaga, medyo madilim pa nga ang langit. Lumapit ako sa sliding door sa kanan ko. Dito yung daan pa dagat, nakikita ko ang kalmadong alon ng dagat..
Habang nakatanaw ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit pero sa twing nakakakita ako ng dagat o ilog ay para akong kinakabahan. Pakiramdam ko kasi ay tatangayin ako nito, at kung tangayin ako iniisip ko kung saan kaya ako mapupunta? Lalo pang nakakadagdag yung hindi ko makita yung hangganan ng dagat kaya mas napapraning ako. Da mga isipin na yun ay talagang nakakaba na. Nung minsan nga ay nag beach kami ng pamilya ko, inaya nila ako sa dagat, first time ko 'yon. At nalunod ako kahit hanggang tuhod lang ang tubig. Pinagtatawanan nila ako dahil don, hindi nila maintindihan yung kaba at takot ko sa dagat. Pero wala na sa akin 'yon.
Sinubukan kong buksan ang pinto at masaya ako na bumukas 'yon. Mabilis na kumalat ang buhok ko dahil sa hangin. Inipon ko 'yon sa kanang balikat. Naakit kasi ako sa duyan, gusto kong sumakay. Nasiyahan ako at dinuyan ang sarili ko. Hindi ko mapigilang hindi mapapikit.. Ang kalmado ng lugar. Walang kahit anong ingay kung hindi ang dagat at hangin lang. Walang magulo, sa ganitong estado napakasarap mag sulat. Walang manggugulo sayo at walang epal. Gusto ko ngang kunin ang laptop ko sa itaas e.
Mabilis akong napalingon ng may nagtawag sa akin.
"Dell,"
Tumayo ako at sinilip kung sino, pumasok ulit ako sa loob. Well, isa lang naman kasama ko dito e. Nakita ko siyang may hawak ng susi. Naka black tshirt at sweatpants. Mabilis akong tumingin sa mukha niya ng may mapansin ako sa ibaba. Mukha siyang bagong gising dahil medyo singkit pa yung mata niya.
"Goodmorning," aniya at lumapit sa akin. "Ang aga mo nagising."
"Oo. Maaga rin aksi nakatulog kagabi." sagot ko. "Aalis ka?"
"Oo. Mamimili ng supplies natin,"
"Ow! ahm..pwedeng sumama?"
"Oo naman,"
Nasiyahan ako sa sagot niya. Tinignan ko ang sarili ko. "Ah.. Do i have to change my clothes pa?"
Napatingin din siya sa hitsura ko bago ngumiti. "Kung saan ka komportable. Kahit ano namang suot mo, maganda ka."
Hindi ako agad nakasagot dahil sa sinabi niya. Napalunok nga ako ng laway ko. Ano ba naman kasing bigla bigla na alng mag sisingit ng mga linyahan na ganiyan.
"Malayo ba yung grocery?" pag iiba ko sa hangin.
"Hindi naman." sagot niya.
"Sige, tara na." sabi ko at tinuro na yung pinto. Mukhang natigil naman siya sa pag titig sa akin kaya sabay kaming naglakad palabas ng pinto.
Totoo nga yung sinabi niya, hindi nga malayo ng grocery. Ilang minuto lang ay nakarating agad kami sa bayan. Nakakatuwa! Ang tindahan! May mga tindang damit, mga bag at mga pang display sa bahay. May mga pasalaubong pa, nakakaaliw! Sayang nga lang at hindi pa ako sumasahod, wala pang pambili.
"Sorry..wala akong pang ambag ngayon." sabi ko nung natapos na kami sa pamimili at nasa kotse na pauwi. "Pagbalik natin sa manila, tsaka na lang kita bayaran."
Sinilip niya ako sandali kahit pa nagmamaneho siya. "Hindi naman kita sinisingil."
"Kahit pa. Baka nahihiya ka lang." sabi ko. "Hindi ako papayag pag hindi mo ako pinagbayad."
Saglit pa siyang tumingin sa akin bago nagbuntong hininga at tumango.
Sa totoo lang hindi naman talaga ako sasama sa kanya dito kung hindi lang ako niloko ni Diane. Dahil alam ko naman na wala akong pang budget para sa bakasyon, at ayoko naman mangutang dahil lang dito. Pero ngayon na nadito na rin naman ako, no choice na. Kaya lahat ng magagastos ni Eugene dito ay hahatiin ko sa dalawa at pag balik ko sa maynila babayaran lahat.
Nang makabalik kami sa bahay ay ako ulit ang nag bukas ng pinto at siya ang may bitbit ng tatlong plastic bags. Ako naman ay binalikan yung tinakeout namin kanina na Pancake.
"Nasaan parents mo?" tanong ko habang kumakain na kami. This time sa labas na kami kumain, sa tapat ng dagat sa may malapit sa duyan. Pancake ang almusal namin, ang akin ay may tocino sa gilid at hot choco. Sa kanya naman ay sausage at pancake at inumin naman ay Dark coffee.
"Si mommy namatay sa panganganak sa akin-"
"Sorry. Nakakalungkot naman." sabi ko. Dapat pala hindi na lang ako nagtanong.
"No. Okay lang." ngiti niya. "Si dad naman sa italy kasama sina Tita."
"May kapatid ka ba?" tanong ko.
"Wala." iling niya. "Ako lang."
Tumango ako. "Ako naman Walo kaming magkakapatid. Dami no?"
Naoangiti siya. "Yeah. Dami nga.."
"Ayun. Pang anim ako, high school lang natapos ko. Sila mama naman sa bahay lang, mwdyo may edad na kasi kaya hindi na namin pinagtatrabaho. Tapos yung karamihan sa mga kapatid ko may asawa na, apat na lang kaming wala."
"Kami na lang nga magkakasama sa bahay e, tapos yung bunso namin siya na lang yung nag aaral. Masaya nga ako na nagkatrabaho ako kahit papaano,"
"Sobrang tapang mo." aniya kaya napatigil ako sa pagkain.
"Hmm.."
"Malayo ka sa pamilya para mag trabaho." aniya. Medyo hindi naman ako naging komportable sa sinabi niya. Hindi ko alam, pakiramdam ko maiiyak ako. Kaya hindi ko na lang pinansin. Tumingin ako sa dagat.
"Ah..malalim ba 'yang dagat?" sabi ko na lang.
Nabaling naman siya doon. "Medyo. Kaya may limit signs." tukoy niya doon sa lubid na nakalutang. "You want to swim?"
Mabilis akong umiling. "Hindi. Hindi ako marunong lumangoy, tsaka..nakakatakot yung..dagat." humina ang huling salita ko.
Nakita kong umayos siya ng upo at nag focus sa akin. "What do you mean nakakatakot? May phobia ka ba sa dagat?"
Mabilis akong umiling. Kasi sa totoo lang hindi ko naman alam kung phobia 'tong nararamdaman ko pag nasa dagat. Kasi, kaya kong lumapit, pero hindi ko kayang lumusong.
Nagkibit balikat ako. "Ewan ko. Para kasing, basta! Nakaktakot talaga. Pakiramdam ko lalamunin ako ng dagat anytime."
"Nagpa consult ka na ba sa specialist?"
Umiling ako. "Hindi na. 'di naman kailangan yun. Tsaka.. Kaya rin siguro ganon yung pakiramdam ko kasi hindi rin ako marunong lumangoy. Anyways.. anong lunch natin later?"
Nag aalala pa rin niya akong tinignan kahit binago ko na yung topic. Pakiramdam ko sa tingin niya gusto niya akong operahan.
"Dapat pumunta ka sa phsychologist para ma check ka."
Hindi na ako sumagot at uminom na lang ng hot choco. Tinuon ko na lang ang tingin ko sa buhanginan pero alam ko na nakatingin pa rin siya sa akin.
At nang sumilip ako, hindi nga ako nagka mali. Patuloy pa rin ang tingin ng pag aalala niya. Nag sisi tuloy ako bakit ko pa sinabi.
---
Nang magtanghalian ay medyo nawala na yata sa isip ni Eugene yung napag usapan namin. Wala na rin kasi siyang mga follow-up questions kaya naging okay na ako, at isa pa, nakatulong din siguro yung siya yung nag luto ng lunch namin. Tinanong niya kasi ako kung anong gusto kong lunch at sinabi ko na macheese na pasta. Ewan ko ba, kagabi kasi ay nag browse ako ng social media at tumambad sa akin yung mga lasagna at pasta na puro cheese, halos nanubig ang bagang ko kagabi. Yun nga lang hindi ko alam kung marunong talaga siya. Nandun kasi siya sa kusina at ako naman ay nandito sa duyan nagpapahangin. Okay naman na daw siya, edi okay.
Pero habang nakatambay ako ay hindi ko maiwasan na mapaisip, marunong kaya talaga siya? Kanina ko pa iniisip e. Mabilis akong tumayo, titignan ko na lang kung ano na yung nagawa niya, kasi hindi rin naman ako marunong mag luto ng mga pasta pasta.
Pagbukas ko pa lang ng sliding door ay sumalubong na sa akin ang amoy ng cheese.. Putik! Nakakagutom na! Nang makarating ako sa kusina ay naabutan ko na nag liligpit na lang siya ng mga ginamit niya. Seryosong seryoso siya habang hinuhugasan ang maliit na glass tray.
Habang nakatingin ako sa kanya, totoo kaya? Na itong bata at gwapo at successful na doctor na ito ay may gusto sa akin. Totoo kaya? Parang hindi kasi totoo..
"Hi," bati niya ng makita akong nakatayo sa gilid. Ngumiti ako at naglakad na palapit sa lamesa niya. "Mukhang ang sarap niyan ha?" tukoy ko doon sa nakasalang sa oven.
"Im a little bit nervous you know." aniya.
Napatingin ako sa kanya. "Bakit? Kala ko marunong ka magluto?"
Umupo siya at nilapag ang basahan na hawak sa lamesa. "Yeah. But this is the first time i cooked bakemac."
"Hmmm.. mukhang okay naman e,"
"You think?"
"Oo, okay naman kasi yung amoy niya..so..tingin ko okay din yung lasa." sabi ko. "Oh, luto na ata!" tumunog na kasi yung oven e.
Tumingin muna siya sa akin bago tumayo at kinuha yung gloves. Maingat niyang kinuha iyon at nilapag sa lamesa. Ako naman ay hindi maiaalis ang tingin doon sa kalalabas lang sa oven. Gosh! Sobrang cheesy! Lumalabas na rin yung meat.
Tumayo ako at kumuha ng platito, kumuha din ako ng fork. Ewan ko kung bakit, kaya ng makita kong nakatingin siya sa akin ay bigla akong tinamaan ng hiya. Shete. Ang excited lang.
"Let's eat." mahina niyang tanong bago saglit na tumayo at kumuha ng knife. Nilapit niya sa kanya yung platito na kinuha ko at nilagyan iyon ng laman. Na amaze naman ako ng makita ko ang usok na galing doon. Fresh! At kung paano humaba ang cheese sa ibabaw nito. Inabot niya sa akin ito.
"Eat slowly, mainit pa."
Tumango at na excite. Nag sandok agad ako sa aking kutsara bago iyon hinipan hanggang sa kaya ko na, at nang mapasok iyon sa bibig ko ay akala ko makakalimutan ko na ang pangalan ko..
Napakasarap nun! Hindi ako makapaniwala na first time mag luto nito.
"How is it?" tanong niya na palagay ko ay kabado. Pero hindi nga dapat dahil masarap ito!
"Masarap!" sagot ko at sumubo pa ulit.
"Really?" di makapaniwalang tanong niya. "Hindi maalat?"
"Syempre maalat siya dahil maraming cheese, pero hindi maalat na maalat. Masarap na maalat." sabi ko at nag pokus na ulit sa pagkain.
Napatango siya at sumubo rin ng kanya. "After this, what do you want to do?"
Napaisip ako. Ano nga ba? Kanina pa kasi ko naaakit na lumapit sa dagat.
"Ahm..gusto ko sana, kung okay lang..punta tayo sa dagat."
" I mean, sa dalampasigan lang naman." pahabol ko ng makita kong parang nagulat siya sa sinabi ko.
"Are you sure?"
"Oo naman. Tsaka okay lang naman ako sa tabi ng dagat,, yun nga lang hindi ako lalangoy. Pero nandiyan ka naman, marunong ka bang lumangoy?"
"Yes."
"Oh, yun naman pala e, penye pa ah?" sabi ko ng maubos na yung nasa plato ko.
Pagkatapos kumain ay ako ang naghugas mg pinagkainan namin kahit pa nagpupumilit siya. Pagkatapos ko ay umakyat na ako sa kwarto para makapag bihis na.
May pinadala kasi sa akin na paperbag si Diane, at nakita ko na may bikini doon na dalawa, kulay pula at isang puti. Mukhang planado talaga ni Diane itong bakasyon na 'to.
Sinuot ko ang kulay pula. Two piece 'yon, at laking pasalamat ko na hindi siya t-back, mahilig kasi si Diane doon, kaya napanatag ako ng malawak ang nasa likuran ko. Pinatungan ko muna iyon ng kulay orange na oversized shirt bago bumaba.
Naabitan ko siyang nasa labas na at naglalatag ng sapin malayo sa dagat. Natawa naman ako. Busing-busy siya. Hindi niya nga namalayan na dumating ako, kakaayos niya ng sapin.
"Huy," sabi ko kaya siya napatingin. "Ang layo naman ng sapin mo,"
"I'ts fine, para hindi na rin. maabot ng alon."
"Ano ka ba? Okay lang naman ako. Ilapit mo na lang doon konti." sabi ko at ako na rin mismo ang gumawa ng sinabi ko dahil ayaw niya talaga at pinipilit niyang bago maabot daw ako ng alon. Medyo nilapit ko iyon, di naman malapit na malapit pero hindi ganon kalayo tulad ng sa kanya.
"Upo ka na!" aya ko sa kanya ng nakatunghay lang siya sa akin.
"Are you sure, is it okay to you? Wala ka bang nararamdaman?"
Umiling ako. At ngumiti para naman mabawasan ng kaba niya. "Okay lang talaga ako, kaya ko naman. Siguro kasi hindi lang talaga ako sanay sa dagat? Huwag kang mag alala. Gusto ko rin kasing subukan para mawala na yung takot ko sa dagat, para naman makakapg beach na ako kasama si Diane."
Dahan dahan siyang naupo malapit sa akin. "Alright. Basta sabihin mo kung may maramdaman ka,"
Natawa naman ako. Para akong bata. "Opo, doc."
"Dell.. im serious," aniya at hinawakan pa ang kamay ko. Tinanggal ko iyon at pinagtawanan siya. Tumayo ako.
"Ewan ko sayo, pikturan mo na lang ako!" sabi ko at binigay ko na ang phone ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top