8

8

Tulad kagabi ay hindi ko inaasahan na susunduin ako ni Eugene. Kakatapos lang ng trabaho ko ng marinig ko sina leila na nag uusap, si Doc daw nasa baba, hindi ko naman sure kung siya nga iyon kaya medyo sumilip ako sa baba, at nakita ko nga siya. Kausap ulit si Manong guard.

Nagtataka naman ako, ang sabi niya kanina ay may 13 hour surgery siya, ibig sabihin tapos na niya yun? Eh, bakit pa siya dumiretso dito hindi na lang siya umuwi sa bahay niya para makapag pahinga.

"Hi!" bati niya pagkakita niya sa akin sa lobby.

"Akala ko nasa surgery ka?" tanong ko at hindi pinansin ang bati niya. Inayos ko ang shoulder bag ko at diretso siyang tinignan.

Naka puti siyang t-shirt at itim na pantalon at sandals. Mukha siyang mabango. Pero bakas rin sa mukha niya yung pagod.

"Tapos na." sagot niya.

Nauna na akong lumabas ng building, nakasunod siya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Para sunduin ka at...ayain mag dinner,"

"Kaya ko naman umuwi mag isa, isa pa..dapat umuwi ka na lang para makapag pahinga ka, mukha kang pagod."

"Hindi naman. Sanay na ako sa mga long works,"

Napailing ako. Maglalakad na sana ako ng pigilan niya ko sa kamay.

"Bakit?"

"Dinner tayo,"

"Hindi na nga. Uwi ka na, pahinga ka."

"Pagkatapos natin kumain, uuwi na ako." aniya.

Napairap ko at walang ingay an sumakay sa kotse niya.

"Sa jollibee na lang ulit para malapit na lang sa akin." sagot ko ng tanungin niya kung saan ko gustong kumain.

Hindi naman nagtagal ay nasa jollibee na kami at kumakain.

"Regarding dun sa sinabi ni Diane kagabi-"

Napatigil ako sa pagkain. "Huwag mong seryosohin yung sinabi ni Diane."

"Iniisip ko na talaga 'yon, bago pa man niya masabi." sabi niya. "I know a place-"

"Next time na lang." sabi ko kaagad. Shit. Wala nga ako maiaambag e. Ano ganda lang? Wala pa akong sahod!

"Sa la union, my rest house si Daddy na pwede natin puntahan para makapag relax, tabing dagat 'yon.."

"Marami akong work e, hindi talaga pwede." sabi ko.

Talagang sinabi ko 'yon sa isang doctor? Maraming trabaho really?

"I'ts fine. Maybe next time pag natapos mo na yung work mo."

Tumango ako. "Next time."

Kahit pa alam ko naman na hindi ako sasama sa kanya.

Sabado ng umaga kakatapos ko lang mag sulat, tumingin ako sa orasan, ala sais na pala ako natapos mag sulat,. Hindi ko na namalayan ang oras.

Pumunta ako sa sala para buksan ang celphone ko, kagabi kasi ay nanggugulo si Diane, at pinipilit kong sumama sa kanya sa siargao kaya pinatay ko na lang ang celphone ko para makapag focus sa pag susulat.

Habang sumisipsip ng kape ay nagulat ako sa dami ng missed calls at texts na natanggap ko mula kay Diane.

'Nakapag down na ako, sayang yunh pera kung hindi ka sasama.'

'Sunduin ka namin mayang 8'

'Ayaw mong sagutin tawag ko?'

'Tulog ka pa ba'

'Bahala ka punta kami diyan'

Kumunot ang noo, ano ba naman ang trip nitong isang 'to? Sinabi na ngang ayoko e.

7:26 na ng umaga at  alas otso daw pupunta..

Dadakdakan ko namn 'to pag dumating dito, ilang beses ko nang sinabi sa kanya na hindi nga ako sasama dahil wala akong pang budget pero ang kulit pa rin niya. Hindi ko alam kung saan pinaglihi 'to ng mama niya kaasar!

So paano pa ako makakatulog nito? Nakapag down na siya, kokonsensiyahin pa ako ng bruha.

Mamaya lang talaga siya pag dating.

Niligpit ko na lang muna ang mga ginmit ko kanina sa kwarto at tsaka naghintay ng oras sa sala.

Nang tumuntong ang alas otso ay sakto ngang may nag doorbell.

Handa na akong singhalan siya pagbukas ng pinto, pero natigil 'yon ng hindi naman si Diane ang nakita ko,

Si Eugene.. Naka suot ng grey na tshirt at itim na khaki shorts at sapatos na may check.

"Bakit? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at bahagyang sinilip ang likod gilid baka nandon si  Diane. Pssimple ko namang inayos yung oversized shirt ko, hindi ko nga sure kung maayos ba yung buhok ko. Jusko, baka mukha akong aswang sa harap niya. Pero...ano naman diba..

"Ako yung pinaakyat ni Diane para sunduin ka," sagot niya.

Nanliit ng mata ko. "Bakit daw? Bakit hindi siya pumunta dito? Tsaka bakit kayo magkasama?"

"Dahil galit ka daw."

"Buti naman alam niya!" sigaw ko. Timing naman na tumawag siya.

"Anong kagaguhan 'to?!" bungad ko pag kasagot ng tawag.

"Dell, kumalma ka.. Nakakahiya kay doc-"

"Ano ngang kagaguhan 'to? Sinabi ko na ngang hindi ako pupunta diba?"

"Kaya nga ako na lang nagayad diba? Walaa ka naa ngang problma-"

Pinatay ko ang tawag sa sobrang inis ko. Binalingan ko si Eugene na nasa labas pa rin ng pinto.

"Kung ayaw mo talagang umalis ayos lang. Magpahinga ka nalang." ngiti niya.

Huminga ako ng malalim. "Sandali lang, magbibihis ako."

Tutal nandito na rin naman sila lalo na si Diane,  isa pa naistorbo na rin si Eugene. Kainis! Nanggigil talaga ako kay Diane.

Naisip ko rin yung sinabi ni Diane na nakapag down na siya. Kung hindi ko pupuntahan, sayang naman.

Paglabas ko ng kwarto ay nasa labas pa rin ng pinto si Eugene.

Binaba ko sa sofa yung bagpack ko na may laman na damit, bago inayos ang magulo kong buhok.

Oversized ulit ang suot ko, pero this time nakasuot na ako ng short sa ilalim. Kanina kasi wala. Nang matapos ako ay nasalubong ko ang tingin ni Eugene.

Ang lalim, hindi ko kayang sisirin. Hindi ko kayang nalaman kung ano ang iniisip niya habang nakatingin sa akin

"Tara na." sabi ko ng mailock ko na ang pinto.

"Are you sure? Ayos lang kung ayaw mo-"

"Paalis na nga tayo, ano pa bang inaano mo diyan?" lingon ko sa kanya. Inirapan ko siya at nauna nang maglakad.

Pagbaba ko ay nakita kong nakaabang si Diane sa loob ng sasakyan at nakalabas ang ulo sa may bintana. Nang makita niya ako ay agad niyang sinara 'yon.

Really? Akala naman niya matatakasan niya ako.

Binuksan ko ang pinto sa likod pero nakita kong puro bag ang naroon kaya wala na akong mauupuan. Tinignan ko si Diane.

"Doon ka na lang sa harap, Dell.." aniya.

"Sinadya mo 'to?"

"Hindi. Ano..ahmm.." hindi ko na siya pinatapos pa at mabilis kong sinara yung pinto ng sasakyan.

Sumakay  ako sa harap sa tabi ni Eugene at nag lagay ng earphone sa tenga. Nilakasan ko ang tugtog nun.

Ayoko ng ingay, at higit sa lahat ayoko ng kausap. Nilagay ko sa hita ko ang bag ko tsaka pumikit.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na umandar ang sasakyan.
.
Bahala sila sa buhay nila. Mga istorbo.

Putik. Ngayon ko nga naisip, bakit nga ba ako sumama dito? Samantalang pwedeng pwede ko naman itaboy na lang sila at hindi na sumama. Bwisit! Hindi ko alam. Bigla ko naman naalala yung text ni Diane na nakapag down na daw siya.

Sa totoo lang hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ko ginagawa yung bagay na hindi ko naman gusto, tulad ng pag sama ko sa kanila ngayon. Hindi ko n rin maintindihan, sobrang lutang ko. Parang wala ako sa sarili.. Gising naman ako, pero parang tulog yung utak ko. Sa dami ng iniisp ko ay hindi ko na rin namalayan na nakatulog ako.

Nagising na lamang ako ng may nagtatawag sa pangalan ko.

"Dell.."

"Dell.."

Una kong nakita ang labas sa bintana. Medyo madilim na at mapuno ang lugar.

"Dell.." nilingon ko siya. Si Eugene.

"Anong oras na?" tanong ko kaagad. Tumingin ako sa likod at nakitang wala doon si Diane. "Si Diane, asan?"

"Umalis na siya." sagot niya.

"Umalis, ano?" lito kong tanong. E diba, magkasama kami..

"Pupunta na siyang Siargao, sumabay lang siya sa pa airport kanina."

"Anong ibig mong sabihin? Nasaan ba tayo?"

"Nandito tayo sa beach house ni dad, yung sinabi ko sayo. Si Diane, nagpahatid lang siya sa akin kanina sa airport. Coding daw kasi yung kotse niya."

"Ano?" di makapaniwalang bulong ko. "Eh, bakit mo ako pinuntahan sa bahay? Akala ko kasama natin si Diane?"

"Akala ko rin e. Sinabi niya nga na sasama siya sa atin dito. Pero kanina biglang nagbago yung isip niya at sinabing ihatid ko na lang siya sa airport."

"Putik na yan.. nasaan ba tayo?"

"La union." sagot niya.

"Kung ayaw mo at hindi ka komportable na tayong dalawa lang, pwede tayong bumalik sa manila." aniya at iistart na yung kotse.

Gusto ko.. Pero... Ilang oras na siyang nag dadrive.. Baka pagod na siya at mapahamak pa kami..

Nilingon ko ang paligid. Tutal nandito na rin naman na..

"Hindi na..ah okay lang. Tuloy na lang tayo." sabi ko at nauna ng bumaba. Sumunod din siya. Sinampa ko sa likod ko yung bag ko.

"Sigurado ka?"

Tumango ako. "Oo. Nandito na rin naman tayo."

Dala ng antok ay hinayaan ko na lang, tutal malayo layo naman ito at naisip ko rin yung sinabi ni Diane na nakapag down na siya. Speaking! Paanong nakapag down siya, sabi ni Eugene sa daddy niya itong beach?

Nilingon ko si Eugene na may dalang tatlong bag. Hindi ko alam kung anong mgaa laman non.

"Ano yung sinabi ni Diane na nakapag down na siya?"

Natigil siya. Nagkibit balikat. "Im not sure pero, seat ata sa eroplano yung tinutukoy niya."

Huminga ako ng malalim. Siguro nga. Kaasar bakit ba ngayon ko lang na gets? Masyadong magalling mag salita si Diane kaya naman naloloko ako, napaka uto-uto ko rin naman kasi.

"Kailangan mo ba ng tulong?" pansin ko kasi na meydo hirap siya dahil mababa na yung bitbit niya sa isang bag.

"Yes. Paki buksan na lang yung pinto." aniya at binaba saglit yung bag bago inabot sa akin yung susi.

"Okay.." kinuha ko iyon at binuksan ang malapad at malaking pinto na kahoy.

Bumungad sa akin ang malaking hagdanan..

Malaki ng loob, napanganga ako.. Ang ganda ng mga design at ng pagkakaaayos. Pinaghalong grey at violet ang kulay ng paligid. Babae ata yung nakatira dito..pero sabi niya daddy nya?

May salamin pa na pinto doon. kahit nakasara ay kita ko ang duyan na sumasayaw dahil sa hangin.. at sa likod nun ay natatanaw ko na ang kalmadong dagat.

"You like it?"

Mabilis akong humarap sa kanya. Naibaba na niya yung mga bag. Tumango ako. "Oo. maganda." sagot ko "Pang babae yung design.."

"Yeah." aniya at nilibot ang tingin sa paligid "Pinagawa kasi ito ni dad for mom."

Napatango ako.. oooh... that's why..

"Gusto mo na bang kumain?" tanong niya. "Nakapag take out ako kanina habang tulog ka."

Tsaka ko naalala na hindi nga pala ako masyadong nakakain ng almusal kanina, tapos hindi rin ako nakapag lunch. Naramdaman ko nga iyon kanina na may gumigising s aakin pero masyado akong antok kaya hindi ko na lang pinansin.

"Sige.." sagot. Nilapag niya muna yung bag sa may sofa at nilabas yung box na brown sa may paperbag. Kinuha ko na iyon at nilapag sa lamesita. Inayos ko na rin 'yon.

Hindi na iy aganon kainit pero naglalaway na ang bagang ko sa amoy ng manok at pasta.

Binaba ko sa lapag ang box ng maalisan ko iyon ng laman. Umupo ako sa lapag. Malinis naman ang bahay.

"Here," aniya at inaabot sa akin yung square pillow "Ito yung upuan mo,"

Umiling ako. "Okay lang. Malinis naman e, saan pwedeng maghugas ng kamay?"

"Here," tumayo din siya. Sinundan ko siya. At nakit ako ang malaking kitchen.

May malaking oven pa sa gilid. Kompleto ang gamit.

"Dito," aniya kaya ako napatingin sa kanya.

Dalawa yung gripo. Naghugas ako at siya din. Sinulyapan ko ng mabilis habang nag huhugas, at nabigla ako ng makita kong nakatingin siya sa akin. Bumalik ako sa paghuhugas,

"Here," aniya at binigyan ako ng tissue.
"Thanks," sabi ko. Kukunin ko na sana per siya na mismo yung nagpunas ng kamay ko.

Napigil ko yung hininga ko. Hindi ko alam bakit bigla akong nailang sa batang 'to. Naninibago ako sa mga tingin niya.

Mabilis kong binawi yung kamay ko. "Okay na. Salamat." ani ko at nauna ng bumalik sa loob.

Binuga ko ang hangin. Pag kaupo ko ay kinagat ko na kaagad ang manok ko. Gutom lang ata ito.

Nang makaupo siya ay medyo nahirapan ako lumunok pero naging okay na rin naman dahil hindi niya ako kinausap. Buti na lang. Nang matapos kami kumain ay hinatid niya ako sa magiging kwarto ko. Katabi lang ng sa kanya.

Nang maiwan ako  mag isa ay napahiga na lang ako sa kama.. tumitig sa kisame.

"Shit, tama ba itong desisyon ko? sumama talaga ako sa kanya dito?"

Napikit ako. kinukwestiyon ko tuloy kung nasa tamang pag iisip pa ako. Umupo ako sa kama. Nakita ko ang sarili ko sa malaking tv. nilibot ko ang tigin ko sa paligid. Maganda. Kulay grey ang paligid. May maliit na sofa s agilid ng pinto at may lamesita din.

Sa gilid ng kama ay may lampshade na hugis tao.

Tumingin ako sa cellphone ko, ala syete na pala.. kinuha ko ang abg ko at nag pasiya na lang na maligo.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top