7
7
Seven.
"Eat your breakfast miss. Goodmorning."
Text ni Eugene sa akin isang umaga habang nasa opisina ako.
Well.. kahit paano hindi na rin ako naiilang sa presensya ni Eugene. Mula kasi nung nakapag open ako sa kanya ay biglang gumaan ang tingin ko sa kanya. Medyo hindi na rin ako naiilang kapag nag tetext siya ng mga sweet texts. Medyo nalilimitahan na nga niya 'yon mula ng sabhin ko siya ng gabing 'yon na nakakailang mga texts niya dahil hindi ako sanay.
"Mukang good mood tayo ah?" si Diane na bigla na lang sumulpot sa kung saan.
"Wala ka bang trabaho? bakit pagala gala ka?" tanong ko. Inirapan naman niya ako.
"Meron, pero alangan isubsob ko ang sarili ko sa trabaho diba? kailangan din maglibang."
"Maglibang? sa oras ng trabaho?"
"Ay ano ba 'yan Dell! basta nga!"
inirapan ko siya.
"Oy, nga pala, mag oouting ulit yung department natin, sama ka? sa Elyu daw."
"Oo, basta ba ililibre mo ako e,"
"Wala pa akong budget ngayon!"
"Edi mas lalo ako. Alam mo naman ang sitwasyon, ewan ko sayo Diane." iling ko.
"Gusto ko lang naman na makasama ka sa outing," sabi niya. Well naintindihan ko naman siya, simula ata ng makakilala kami, dalawang beses lang ata ako nakasama sa outing. Yun yung panahon na hindi pa ganon kalaki yung mga bagy bagay.
Eh sa lahat naman dito, ako yung pinaka close sa kanya. "Hayaan mo, pag nakluwag luwag ako, ako na miso mag aaya sayo."
"Sus kailan pa 'yun?" aniya. "Ay oo nga pala! may chika ako"
"Ano?" tanong ko habang nakatingin sa computer ko. Hindi nga ako masyadong makapag focus dahil ang dalal ni Diane, at tama nga siya nakakaintriga nga yung chika.
Nang mag ala sais na ay nag ligpit na ako ng gamit ko. Isasabay daw ako ni Diane. Tipid pamasahe din. Sabay kaming bumaba at pagkababa namin doon ay nakita namin si Eugene na kausap si Kuya guard.
"May usapan kayo?" tanong ni Diane.
Umiling ako dahil wala naman talaga.
"Hi, doc!" bati niya pagkalapit namin sa pinto. "May date kayo?"
"Magandang gabi," si Eugene. "Aayain ko lang sana siya na kumain."
"Sana sinabi mo muna, hindi yung biglaan." sabi ko.
"I texted you. hindi ka nag reply sa text ko kaya pumunta na lang ako dito."
"Nag text naman pala si doc," siko sa akin ni Diane. "Nga pala doc, saan tay kakain?"
Hindi nililigaw ni Eugene ang tingin sa akin, "Kung saan gusto ni Dell,"
Tinignan ko si Eugene, alam ko naman hindi siya papayag kung sasabihin kong sabahay na lang ako kakain kaya. "Sa mura lang." sabi ko.
"Libre naman ni doc," siko sa akin ni Diane.
Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Okay." sang yon ni Eugene. Kay Diane ako sumakay, sumunod na lang sa amin si Eugene.
"Pabebe ka ah," sabi ni Diane habang nag dadrive. "Dapat sinabi mo na lang sa restaurant tayo,"
"Nahihiya ako. Tsaka isa pa, ililibre lang naman niya tayo. Dun pa lang nakakahiya na, aawit ka pa ba."
"Eh bakit? siya naman itong may gusto non, di mo naman hininye."
"Kahit pa.."
"Ewan ko sayo, alam mo sa tagal natin magkaibigan sa totoo lang hindi ko naimagine na may manliligaw sayo dahil nga ganyan ka. Iwas sa lalaki at mahirap kausap, parang wala ka talaggag kaplano plano sa mga realsyon. Tapos ngayon, ngayon ko narealize na pabebe ka no?"
"Ewan ko sayo, pag di ka tumigil, sasabihin ko kay Julius na gusto mo siya." panakot ko. nakita kong nanlaki ang mata niya.
oh diba? tumigil din siya. Patay na patay kasi siya kay Julius. Unang kita pa lang niya ay crush na niya ito. Pano kasi si Julius matangkad at tisoy tapos makapal pa ang kilay, e ayun ang kahinaan nitong babae na 'to. Kaya ayun atay na patay siya. Hanggang ngayon pa din, at hindi niya maamin kasi laging may girlfriend si Julius.
"Bwusit ka!" irap niya. "San ba tayo kakain?"
"Sa jollibbe na lang. Ayun oh," turo ko doon sa fasfood. Para na rin malapit na sa condo ko, walking distance lang.
Wala namang reklamo na itinabi niya doon. Halos kasabay nga lang namin si Eugene na bumaba.
Nauna ng pumasok si Diane dahil may nakita na ka officemate namin.
"Dito mo gustong kumain?" tanong sa akin ni Eugene at bahagyang yumuko para makita magtama ang mata namin.
Alangan akong tumango. "Oo.. para na rin malapit sa conndo." sagot ko at naglakad na.
Pag pasok namin ay kinawayan agad kami ni Diane na nasa dulo nakaupo, nag hihinatay. Pagpunta namin doon ay uupo na sana ako ng bigla hinila ni Eugene yung upuan, bilang reflex ay mabilis ko din hinawakan iyon sa isipin na baka malaglag ako, madalas kasi gawin iyon ni Diane pag inaabot siya ng kakulitan niya.
"Oh, aalalayan lang sana kita," sabi ni Eugene ng makita ang kamay kong nakahawak sa upuan. Narinig ko pa nga sa humalakhak si Diane.
"Ahm.. kaya ko naman.. salamat."
Ngumiti siya sa akin pagtapos ay umupo ng makaupo na ako. Nilapit pa niya ang upuan ang sarili sa akin.
"What do you want to eat?" tanong niya at nakatunghay sa akin.
"Ahm.." pasimple akong sumilip sa menu board kahit pa alam ko naman na ang mga pagkain dito. "Sphagetti na lang.."
"Sphagetti lang?" mahinang tanong niya.
Mag sasalita san aako kaso bigla umubo ng maalakas si Diane kaya nnapatingin kaming dalawa dito.
"Ako doc, gusto ko two pice chicken tapos yung drinks pineapple. Tapos ayan si Dell, nahihiya lang yan, pero alam mo naman na patay na patay sa burger 'yan. Sphagetti at burger ang order niyan. Tapos mcfloat yung drinks." ani nito sabay ngiti ng matamis.
"Okay..just a minute" sagot ni Eugene bago tumayo at pumila.
"Napaka ano mo Diane," sita ko sa kaibigan ko.
"Ewan ko sayo, pabebe." sabi niya lang. "Alam mo, wala namang masama sa nangyayari sayo, pero kung kumilos ka, ingat na ingat ka. Gosh Dell, loosen up!"
"Ewan ko sayo."
"Ewan ko din sayo, bigyan mo na ng chance si doc, mabait naman at mukhang hindi ka lolokohin, baka nga ikaw pa mag loko. Psh!" hinarang niya ang hintuturo sa harap ko.
Magsasalita pa lang sana ako pero nanguna na siya.
"Huwag mong idahilan sa akin 'yang responsibilidad mo, hindi ko sinasabing baliwalain mo sila. At isa pa baka nakakalimutan mo, dalaga ka pa, at please.. act like one. Kung kumilos ka kasi parang kang 47 years old, daig mo pa may apo. Walang masama kung susubok ka ng bago dell, wala din masama kung magbigay ka ng chance."
"Mabuti nga sayo, may nagkakagusto! Jusko sa akin, tatlong taon ko ng gusto si Julius, pero wala, para lang siyang bobo na hindi ako pinapansin!"
Napailing ako. Si Julius pa talaga ang bobo. Pero maliban doon, napaisip ako sa sinabi niya.
Dalaga pa ako.
Kailan nga ba ako huling nag shopping maliban sa groceries?
Kailan nga ako huling bumili ng damit para sa sarili ko?
Kailan ba ako huling nanood ng sine?
Kailan nga ako huling bumili ng lipstick?
Parang hindi ko na ata matandaan kung kailan.. Biglang nanumbalik yung pangarap ko dati nung bata ako na, pag nagka trabaho ako, bibilhin ko lahat ng gusto ko, kakainin ko lahat ng gusto kong kainin. Nakalimutan ko kasi 'yon mula ng magkatrabaho ako.
Natigil kami sa pag uusap ng dumating na si Eugene. Bitbit ang mga pagakain.
Una niyang binigay sa akin ang sphagetti at isang pirasong burger. Si Diane naman mismo ang kumuha ng sa kanya.
"Salamat." sabi ko.
"Ay nga pala doc!" si Diane na puno pa ang bibig. "Mag a-outing kasi kami sa siargao next week, baka hindi ka busy, at gusto mong sumama?"
"Aalis kayo?" baling sa niya sa akin.
Umiling ako. "Hindi ako kasama, sila lang."
"Alam ko na," si Diane na sumingit ulit. "Feel ko hindi ka sasama dahil hindi sasama si Dell, pero pwede mag request?"
Pinandilatan ko siya ng mata. Napaka talaga!
"Kung kaya ko, why not.." sagot naman ni Eugene.
"Sobrang stress na ng kaibigan ko na 'yan, okay lang kahit hindi na ako kasama.. Basta ilabas mo, dalhin mo kahit saan basta yung makakapag relax siya."
"Diane..."
"That's my plan actually. Ayain siyang lumabas, para makapag relax."
"Oh! edi good. Basta ingatan mo lang at huwag mong gagawan ng masama, kundi kutos abot mo sa akin!"
Natawa naman si Eugene sa sinabi ng kaibigan ko at kinindatan ako. "May gusto ka pa?"
Umiling na ako dahil busog na ako e. Isa pa gusto ko na talagang umuwi ng bahay. Miss ko na bahay ko. "Busog na ako.."
Tumango siya at hinalo na yung spagetti niya.
"Ako doc, meron!" si Diane ulit. Gosh! Ano ba naman itong kaibigan ko! Ako na nakakaramdam sa mga gingawa niya! Ayaw pa niyang tumigil? Mabilis ko siyang pinandilatan at palihim na sinipa sa paa.
"Aww.. " napatingin siya sa akin. "Ahm..ano..wala pala..hehe."
Napangiti ako.
Pagkatapos namin kumain naunang umalis si Diane dahil may importanteng gagawin daw siya.
"Hatid na kita." alok ni Eugene habang palabas kami ng fastfood.
Umiling ako at ngumiti. "Hindi na. Ayan na lang yung building oh," turo ko don sa building. "..pwede nang lakarin."
"Sasabayan kitang mag lakad." aniya at nag ngumiti pa.
"Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko sa kanya dahil sa pagkakaalam ko, halos 24 hours ang trabaho ng mga katulad niya at walang tigil.
"Wala. Pero bukas may surgery ako." sagot niya.
Medyo mahirap siyang kakwentuhan dahil medyo matangkad siya pero keri pa rin. Hindi pa naman nababali ang leeg ko.
"Oh edi dapat maaga kang umuwi ngayon, para makatulog ka."
"Later. Pag nakauwi ka na ay uuwi na rin ako. I just have to make sure that you're safe home."
Napatango ako. Wala ng masabi. Diretso na alng ang tingin at lakad. Medyo malamig na rin ang simoy ng hangin kahit pa march pa lang. Ewan, diba dapat mainit kasi summer?
"Alam mo bang na engaged na ako." aniya kaya napabalinga ko sa kanya.
"Engaged?" paninigurado ko.
"Yes." sagot niya.
"Bakit.. bakit hindi natuloy?" napatingin siya sa akin. Dapat ba hindi na ako nagtanong?
"Oh! Ano, okay lang naman kahit hindi mo sagutin, okay lang...kalimutan mo na lang."
"Hindi. Ayos lang. Well.. doctor din siya.." panimula niya.
Napalunok ako.
Doctor din? Parehas silang successful.
"We've been together for almost two years, on our 2nd anniversary i proposed to her, and she accepted it. We're both happy and excited for our wedding.. but then, isang gabi nakatanggap siya ng tawag mula sa ospital sa inaplyan niya sa Russia, na hindi ko alam na meron pala siyang ganon." mahina siyang natawa.
Panaka naka lang akong nakatingin sa kanya habang nag lalakad kami, medyo nawala nga yung antok at pagod ko dahil sa kwento niya.
"And just like that, wala na kami. Wala ng wedding." aniya.
"Ano yun? Ganon lang? Parang na ghost ka ganon?" lito kong tanong.
"Hindi naman. Nakipag break naman siya sa akin bago siya umali. Sinabi pa nga niyang babalikan niya ako, pero sinong gago ba ang papayag ng ganon? Iniwan ka at babalikan ka kung kailan nila gusto."
"Galit ka pa." opinyon ko sa kwento niya. May ramdam ako ng akunting panghihinayang, hindi ako sigurado pero may something. "Mahal mo pa."
"You think?" aniya at tinaas ang kilay at seryosong tinignan ako.
Tumango ako.
"Hindi na." sagot niya. "Siguro kung sinabi mo 'yan, last year, oo ang sagot ko. Pero ngayon, hindi na."
"Sinasabi mo lang 'yan ngayon dahil wala siya at hindi mo nakikita. Pero pag dumating yung time na bumalik na siya, for sure babalik din ang feelings mo. Hindi 'yon mawawala."
"I just saw her last week." sagot niya na kinabigla ko. "Pero wala na akong naramdaman."
"But i agree with you na hindi nga nawawala yung feelings. Pero may dumating kasi ng mas higit, kaya yung feelings ko for her ay natabunan."
"Anong ibig mong sabihin?"
"I realized that i deserve this. I deserved nothing but the best. Thank you, Dell." sabi niya.
Kumunot niya ang noo ko dahil hindi ko nagets 'yon. Bakit siya nag tethank you?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top