6

6







Totoo naman ang sinabi niya inuwi niya ako sa condo, yun nga lang, hindi pa rin siya umalis. Sumama siya sa akin hanggang taas.

Nang nasa elevator na kami ay hinarap ko siya, "Magpapahinga na ako, umuwi ka na." sabi ko pero tinignan niya lang ako at diretso na ulit tumingin. Pakiramdam ko para akong tanga dito, salita ako ng salita pero naman niya ako pinapakinggan.

Hanggang sa nakarating kami sa tapat ng pinto ko. Nag dadalawang isip pa nga ako kung bubuksan ko ba o hindi, pasimple ko siyang sinilip sa gilid ko.

Hindi naman sa takot ako na pumasok siya sa bahay ko at may masamang gawin sa akin, pero hindi naman kasi yun yung iniisip ko ngayon, sobrang down ng pagkatao ko sa mga oras na ito, at gusto kong maiyak lahat ngayon gabi. Pero paano ako makakaiyak kung papasok sya sa loob?

"Pumasok ka na," sabi niya. napansin siguro niyang hindi ko pa binubuksan ang pinto.

Dahan dahan ko siyang hinarap, "Papasok ako pag nakaalis ka na," nakayukong sabi ko. hindi ko alam kung bakit ako nakakramdam ng ganito sa kanya, samantalang mas matanda naman ako sa kanya.

"Hindi ako alis," sagot niya, tiningala ko siya

"Bakit?" tanong ko. "Magpapahinga na ako!"

"I know, sasamahan kita. Hindi kita pwedeng iwan na ganiyan ka, kailangan mo ng kasama."

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? hindi ko kailangan ng kasama no, pwede ba? at isa pa, wala ka bang ginagawa sa buhay mo at palagi kang nanggugulo?"

"Kahit anong sabihin mo hindi ako aalis. Now, buksan mo na ang pintuan, nang makapag pahinga ka na."

Napapikit ako sa sobrang inis, wala akong nagawa kung hindi ang buksan ang pinto, mabilis siyang pumasok pagkapasok ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na ako sa kwarto ko. Dahil sa totoo lang hindi ko na kaya pa, ang bigat na masyado ng dibdib ko.

Iniyak ko lahat sa kama ko ang lahat ng frustrations ko sa buhay, lahat ng mga hindi ko kayang gawin, lahat ng mga hindi ko kayang ibigay... Hindi ko alam kung saan ko huhugutin ng mga kkailangan nila, mga kailangan ko. Napaka useless 'kong tao..

Minsan iniisip ko kung bakit pa ba ko to 'to ginagawa, hindi ba pwde bang maglaho na lang ako? Hiyang hiya na ako sa mga magulang ko, hindi ko man lang sila mabigyan ng magandang buhay, ni hindi ko nga sila mailabas man lang na kumain sa mga masasarap na kainan, ni hindi ko man mabilhan nga damit at shorts si papa, si mama hindi ko mabilhan ng bestida, yung sahod ko sa bills lang palagi napupunta, parang nagtatrabaho lang ao ara sa bills at hindi para kina mama..

Napatigil ako ng may naramdaman akong umupo sa kama.

"Anong ginagawa mo dito?' tanong ko at mabilis na umupo.

"Pwede mo akong iyakan," simpleng sabi niya. At sa totoo lang gusto ko ng itapon ang sarili ko sa kanya at doon umiyak, pero..

Umiling ako,

"Ayoko. Lumabas ka na don,"

Tumayo na siya kaya akala ko susundin niya ako at lalabas na, ngunit umikot lang pala siya at umupo sa harap ko.

"Alam kong mas matanada ka sa akin pero hindi ko iniisip yun." aniya at tumalikod sa akin.

Tinapik niya ang likod niya, "Alam kong ayaw mo na makita ko ang pag iyak mo, kaya i offer you my back, pwede kang umiyak sa likod ko, isipin mo na lang pader 'yan, alisin mo sa isip mo ngayon na nag eexist ako, you can cry all you want, hindi ak-"

Niyakap ko siya sa beywang niya at sa likod niya humagulhol. Wala na ong pakielam kahit ano pa nag isipin niya after nito, dahil kung hindi ko ito mailalabas, baka sumabog ako at hindi na ako abutin pa ng pagsikat ng araw.

"Napaka useless kong tao.. Hi..ndi ko na alam ang gagawin ko.. Si..si..guro dapat.. Mawala na lang ako.." naramdaman kong mahigpit niyang hinawakan ang kamay kong nakapulupot sa tiyan niya.

"Ni wala akong maibigay sa kanila.. hindi  ko na alam gagawin ko..pinag dadasal ko na lang na sana umabot pa ng katapusan 'tong 200 ko!"

"Napakarami kong pangarap para sa ka-nila... pero wala pa rin akong na-gagawa! Ni hindi ko sila maipasyal sa ibang lugar dahil wala akong pera!"

"Minsan.. iniisip ko, kung hindi siguro ako ang anak nila, maganda na sana ang buhay nila- kasi sa akin..wala silang napapala.."

Nang matapos akong mag salita ay hi awkaan niya ang kamay ko na naka palibot sa katawan niya. Marahan niyang tinanggal ang yakap ko sa kanya at hinarap ako. Nakayuko kasi ako kaya ingangat niya ang mukha ko.

"You are enough." dahan dahang sabi niya. Marahan niya akong tinitigan. Ako man ay hindi maialis ang tingin sa kanya. Ang gaan sa pakiramdam ng titig niya. "Just because wala kang maibigay sa kanila ngayon ay useless ka na, you are not. You're more than enough.. im sure, proud na proud sayo sila Tita.."

Nang marinig iyon ay di ko mapigilan mapalabi at hindi na napigilan ang mapahagulgol pa..

Proud sa akin sila mama?

Totoo ba 'yon...

"Im sure they're very happy and honor to have a hardworking daughter like you.."

"Ti..ngin mo?" tanong ko

Ngumiti siya at tumango. "Ofcourse. Proud na proud sila sayo.."

Napaiyak ako lalo. Ngayon ko lang narinig iyon.. na proud sila mama sa akin, ngayon lang may nagsabi sa akin.. madalas ko kasing naririnig ay yung word na 'okay lang yan..'

Minsan nga hindi ko maintindihan ang sarili ko, madalas akong mag self pity, which is hindi maganda at hindi rin healthy. Pero kasi hindi ko din maipilan lalo pa pag nag iisa lang ako sa condo. Iniiisip ko yung mga naging desisyon ko sa buhay, kung sana ba naiba yung mga nipili ko iba rin ba naging takbo nh buhay ko.

"Thank you.." sabi ko sa kanya at marahang umangat para mayakap siya. At hindi ko alam pero naging warm ang pakiramdam ko ng mayakap ko siya. Parang lahat gumaan.. nawala ang mabigat sa dibdib ko.. hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganito kagaan sa isang tao.

"Thank you.." sabi ko bago humiwalay sa yakap.

"Welcome." aniya at ngumiti. "Always remember  taht your parents loves you may maibigay ka man o wala."

Napatango ako..

"Kailangan mong kumain," aniya. Hindi pa din niya nakalimutan.

"Bukas na lang, gabi na.." sabi ko at medyo napayuko ako ng kumunot ang noo niya.  "Ahm.. busog na kasi ako." dahilan ko kahit wala naman siyang sinasabi.

"Kaunti lang yung nakain mo kanina dahil umiiyak ka," aniya. Di ko napigilang suntukin siya, ipaalala pa ba..

"Kahit na. ano, may nakain pa rin ako."

Hinawakan niya ang kamay ko, at sinabay sa pagtayo niya.

"You need to eat,"  aniya, att saktaong paglabas namin ay maay nag doorbell, siya na ang nagbuhkas noon Ako naman ay naupo sa sofa. Nkahinga na ako ng maluwag, kahit hindi man normal na mag open ka sa stranger hindki ko man ka close o ano, kahit papaano ay maganda rin ang kinalabasan sa akin. Naging okay ako.

Pagbalik niya ay may dala na siyang box na brown. Base sa nakasulat sa box ay alam kong chicken ang laman nun,  mayroon din na kasamang burger.

"Ang dami naman niyan." puna ko.

"Para sayo lahat 'to, pansin ko kasi pumayat ka mula nung una kitang nakita."

Nagkibit balikat ako at bunuksan yung box ng burger. Alangan naman sabihin kong skkyflakes lang ang kinakain ko kaya ako pumayat.

"Sabi ni Diane, paborito mo daw ang burger." aniya at inayos ang mga pagkain. Tumango ako

"Oo, kahit anong burger basta masarap tska dapat walang pulang sibuyas." sabi ko bago kumagat ng burger. Napakalaki ng patty nun!

"You hate onions?"

Tumango ako. "Yung pula lang, sumasakit kasi yung ulo.." paliwanag ko. Bigla akong napahiinto ng lumapit siya at hinaplos angg pisngi.

"Bakit?" hinawi ko yung kamay niya.

"May luha pang natira," aniya at bigla akong hinalikan sa gilid ng mata ko.

"Hindi man tama na masaya ako dahil nakita kong umiyak ka, pero.. Masaya ako dahil nalaman ko ang nararamdaman mo, gustong gusto kita Dell, i don't know how but, i really wanna be part of your life. Masaya ako na kahit ngayon ay pinakatiwalaan mo ako, para sabihin  sa akin ngayon ang nararamdaman mo, malaking bagay iyon sa akin. Iyakan mo ako, sabihin mo sa akin lahat ng frustrations mo.. makikinig ako."

"Paano mo nasasabi iyan? wala pa tayong isang buwan na magkakilala.."

"I don't know.." aniya. "But im happy being this clueless why i like you.. a lot. I am happy actually."

"Lumayo ka na.." sabi ko.

"You know na hindi ko ggawin 'yan." sagot niya. Hindi ata nagkaintindihan.

"What i meant was.. umayos ka na nang upo mo, masyado ka kasing malapit, lumayo ka konti."

Mukhang nakuha naman niya yung sinabi ko. Ngumiti siya at umurong pero hindi siya ganon lumayo. Kumagat siya ng fried chicken.

"Balik tayo sa kwento mo, you hate onions?" tanong ulit niya. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.

"Oo nga, sumasakit ang ulo ko, hindi ko kay yung tapang ng pulang sibuyas, natatalo ako." ewan ko ba. Since high school ako super hate ko na ng sibuyas. Nakakain kasi ako ng hilaw na sibuyas, kaya hanggang ngayon pakiramdam nalalasahan ko pa rin yung sibuyas. Kaya pag nagluluto ako wala talagang sibuyas. Pero minsan gumagamit ako ng white onions.

"Paano sa mga pagakain? hindi ka kumakain ng may mga sibuyas?"

"Basta hilaw na sibuyas hindi ko kainin, tapos ag sobrang lasa ng sibuyas, ayaw ko non."

"But, nakita kitang kumakain ng shawarma kasama si Mr. Ching-"

"White onions kasi 'yon, hindi naman kasi nakakasulasok ang white onions diba?"

Tumango siya. "Noted." aniya at kinindatan ako. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top