5

5





Monday at maaga akong gumising dahil may pasok ako. Sa totoo lang hindi naman talaga ako nakatulog, buong mag damag lang ako nakatingyin sa kisame, siguro mga 9 na siguro 'yon ng magpaalam si Diane na uuwi na siya, at hindi ko alam kung ilang oras iyon ng sumunod naman si Eugene.

Para akong binagsakan limangpong hollowblocks dahil sa sinabi ni Diane. Sanay naman akong sinasabi niya 'yon, at isa pa totoo naman 'yon, kaya lang kasi bigla akong nakaramdam ng hiya kagabi sa harap ni Eugene.

Na dapat naman hindi! Dahil wala naman siya sa akin, isa lang siyang bata na nangungulit kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko! nahihiya ako sa sarili ko! Nahihiya dahil lahat 'yon totoo!

Confidence ko na mababa, lalong bumagsak! Hindi na ata kayang pulutin pa ng mga langgam.

"Galit ka ba sa akin?" si Diane na sinalubong ako sa lamesa ko. May nakita pa akong tupperware doon sa ibabaw ng lamesa ko.

Hindi ko siya pinansin at diretso lang na umupo. Binuksan ko ang kompyuter ko.

"Dell..."

Tinignan ko siya.

"Sorry na, hindi ko napigilan..gusto lang kasi kita tulungan para tigilan ka na niya," sabi pa niya.

"Tingin mo uubra yung mga sinabi mo? Wala lang sa kanya yun Diane, dahil sa mga sinabi mo, imbes na umalis siya hindi, awa ang naramdaman sa akin nung tao, awa!" sabi ko. "Kaibigan kita kaya okay lang na pagsalitaan mo ako ng ganun, pero sana naman kapag tayong dalawa lang ang nakakarinig. Yung walang ibang tao."

"Sorry na be.." aniya at niyakap ako

Napaairap ako. Tinapik ko yung kamay niya. "Sige na, bumalik ka na sa lamesa mo.."

"Sige, libre kita mamaya ng dinner,"

Umiling ako. "Marami akong gagawin mamaya, mag eedit at mag susulat pa ako. Next time na lang." pagkasabi ko nun ay hindi na siya nag salita. Umalis na siya, alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin.

Naging okay naman ang araw ko, maian lang talaga sa nagugutom ako. Ang almusal at tanghalian ko ay tanging skyflakes lang. Yun na lang kasi ang nasa bahay. Ayaw ko naman pumunta sa canteen, dahil mas lalo akong magugutom doon, at isa pa.. Wala rin naman akong ipambibili.

Nang mag ala sais na ay uuwi na sana ako ng mkatanggap ako ng tawag mula sa kapatid ko na, kailangan daw niya ng pera para sa project niya at ang kuya ko naman na manghihiram ng pera para sa asawa niya na mangangan na.

Kaya imbes na umuwi ay nag kulong muna ako sa cr. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na wala akong maibibigay, na ubos na lahat ng meron ako ngayon.. Paan na lang yung kapatid kong nag aral? Hindi ko alam kung paano ko masasabi na wala akong pera, hindi ko alam kung paano ko sasabihin na kailangan ko rin ng pera ngayon.

Kung paano ko sasbaihin na 200 na lang ang pera ko sa wallet, na nakakaramdam na ako ng gutom.. Hindi ko alam kung paano ko sila mabibigyan gayong wala ng laman yung wallet ko.

Isang hikbi pa ang ginawa ko para mpaigilan na ang pag iyak ko.. Ayaw tumigil ng luha ko, tulo ng tulo.. Nang tignan ko ang mukha ko sa salamain ay nakita ko na namumula na ang ilong ko. Kahit mahirap ay nag pasiya na akong umuwi, sa bahay ko na lang itutuloy ang pag iyak ko.

Pababa ako ng makita ko ang sasakyan ni Diane kaya mabilis akong nagtago sa pader para hindi niya ako makita, ayaw ko muna na makita niya ako na ganito, dahil kapag nakita niya lang ang ilong ko, kahit hindi ko sabihin alam na niya ang nangyari. Nang makaalis siya ay tsaka lang ako umalis din, tutal maaga pa naman ay nagpasiya na lang ako maglakad. Sayang ang pamasahe, kaya ko naman lakarin.

Habang naglalakad ay iniisip ko kung sino pa yung pwede kong utangan. Kailangan ng kapatid ko nang pera.. Niisp ko na utangan si Diane, kaso naalala ko na nagbabayad nga pala siya ng bahay. Hindi ko alam kung pwede ko ba kausapin si Mr. Ching-    na distract ako bigla sa amoy ng ihaw.. Nalingunan ko yung ihaw house, ang bango ng usok na lumalabas at hindi iyon nakaktulong sa gutom na nararamdaman ko.

Napalunok ako.

Parang ang sarap nung inihaw na hita.. Napalunok ako ng makita kong hiniwa yung isang buo na manok at tinadtad iyon, parang gusto kong damputin yung mga maliliit na nahuhlog galing sa doon, hindi ko maialis ang tingin ko doon.. Gusto kong kumain..

Hindi naman sinasadyang nalingunan ko yung menu.

170 pesos ang hita at 320 namna ang isang buong manok na inihaw.

"Excse me," Sabi nung dumaan medyo Nabanga pa nga ako, grupo sila ng mga kabataan, papasok sila sa ihaw house.

Hindi ko mapigilan manliit..

Mabuti pa ang mga kabataan na ito, makakain ng masarap, samantalang ako na may trabaho, hanggang amoy lang. Hindi ko maialis ang tingin doon sa manok.. Paano kaya kung bumili ako? Pero paano naman ang pamasahe ko bukas?

"What are you doing here?"

Napalingon ako don sa nag salita. Si Eugene.

Tinignan ko lang siya at hindi sumagot.

Kahit saan na lang ba nandon siya? Hindi pa rin ba siya natatauhan?

"Dell, anong ginagawa mo dito?" ulit niya.

Umiling ako at muling napatingin sa ihaw house. "Wala. ahm..pauwi na ako."

Kunot noo niya akong tinignan at parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Umamba akong aalis pero hinawakan niya ako sa kamay.

"Kumain ka na ba?" tanong niya.

Bigla kong nalunok ang laway ko. "AhmmOo! Kumain na ako."

"Anong kinain mo?"

"Bakit mo ba tinatanong?!" hiiyaw ko sa kanya at pinilit na binawi ang kamay ko pero mahigpit niya iyong hawak, mahigpit na hindi masakit.

"You haven't eaten your dinner." siguradong sigurado na pahayag niya.

"Pwede ba? Kumain na nga ako, bitawan mo ako uuwi na ako!"  sobrang kakulitan niya ay napapapadyak na lang ako.

"We'll eat first." sabi niya at walang sabing hinila ako papasok sa ihaw house.

Bigla akong natakot para sa 200 ko.

No! Hindi ko pwedeng basta gastusin ang natitirang pera ko!

"Eugene ano ba! Uuwi na ako, sa bahay ako kakain!" sabi ng makaupo na kami sa pinakadulong lamesa.

Tumayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko para mkaupo ulit. "Eugene ano ba?!"

"Kakain muna tayo, ihahatid kita sa condo mo pagkatapos." aniya at tinaas ang kamay pagtapos ay may lumapit sa alin na nakakulay green na lalaki.

"Goodevening sir!"

"Goodevening too. Isang buong inihaw na manok, 2 cups of rice at..you want pineapple or mango juice?"

"Wala akong gusto." naluluhang sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Mango juice na lang dalawa. Salamat."

"What's wrong?" tanong niya.

Mabilis ko siya nilingon. "Diba nga sinabi ko na uuwi na ako? Bingi ka ba?"

"I know. Ihahatid kita pagkatapos natin kumain,"

"Bobo ka talaga e! Ngayon ko na gusto umuwi!"

"Lower your voice, love." aniya at hinaplos pa ang kamay ko para kumalma pero ayaw kong kumalma. "Tell me, what's wrong, why are you crying?"

Ni hindi ko na nga namalayan na umiiyak na pala ako. Lumunok ako. "Doctor ka pero ang bobo mo, sinabi ko na nga na uuwi ako diba! Pero nag order ka pa rin, wala akong pera pambayad sa pagkain!"

Nakatingin lang siya sa akin.

Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko. "Ngayon anong ibabayad ko sa pagkain na 'yan? Wala!"

"Ako ang magbabayad-"

"Oh tapos ano? Nagka utang na loob pa ako sayo?" tumayo ako. "Wala akong pera kaya hindi ako kakain dito!" sabi ko at umambang aalis na pero mabilis niya ulit nahuli yung kamay ko.

"Ano ba? Hindi mo ba talaga ako tatantanan?" nangigil na sabi ko sa kanya.

Kanina pa ako na-iistresss! Kanina ko pa gustong umalis dahil hiyang hiya na ako sa kanya! Bkit ba kailangan niya pang makita na nasa ganitong sitwasyon ako? Pwede naman niya akong guluhin kapag bagong sahod na lang ako, hindi yung ganitong dapang dapa ako.

"Murahin mo ako, magalit ka sa akin hangga't gusto mo pero hindi kita pauuwiin hanggat hindi ka pa kumakain." seryosong sabi niya. Galit siyang tumitig sa akin kaya nag iwas ako ng tingin at kinuha na lang ang panyo sa bag ko.

Tinan ko ang mukha ko ng panyo at tahimik na umiyak.  Sa totoo lang hindi ko na rin alam ang rason kung bakit ako umiiyak, halo halo na ang nararamdaman ko..

Sakit, pagkalugmok at pagtatanong sa sarili ko kung ayos pa ba ako? Para saan pa ba ako nabubuhay? Dapat hindi na lang, wala naman ao napapala sa buhay ko kung hind ang problema, puro na lang problema! Wala man lang ako maibigay sa pamilya ko, Tapos ngayon dumagdag pa ang kahihiyan sa sarili ko na kahit isang hita man lang ng manok hindi ako makabili, hindi ko man lang makain ang gusto kong kainin!

Kaya bakit pa ba ako nabubuhay?

Natigil ako sa paghikbi ng maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko.

Mabilis kong pinigil ang iyak ko at pinunasan ang mukha ko. Pagbaba ng panyo ay nakita ko na naroon na ang pagkain, tsap tsap na manok at dalawang plato na kanin.

Siya na mismo naglagay ng manok sa plato ko, nilagay niya rin sa harapan ko ang platito na may lamang sawsawan na suka.

Sinilip ko siya, nakita ko na nakatingin din sya sa akin. Ngumiti siya ng magaan, "kain ka na."

Napanguso ako at nag umpisa na lang na kumain. Habang kumakain ay hindi ko mapigilan ang mapaluha, kumakin ak ng masarap ngayon, an kaya ang ulam ng pamilya ko? O kumain na ba sila?

"Bakit siya umiiyak?" rinig kong tanong nung babae sa katabing lamesa namin, mga chismosa!

"What's wrong?" tanong ni Eugene umiling ako habnag patuloy na lumuluha. Siguro nga nakakatawa yung hitsura ko ngayon, umiiyka habang kumakain, baka isipin nila sobrang sarap ng kinakain ko at napaluha pa ako.

"Iuuwi na kita," sabi niya, mabilis ko siya nilingon,

"Anong sinasabi mo? Sayang yung pagakain,"

"I don't care. Tara na," aniya at hinila ako patayo.

"Huy, ano ba? Yung-"

"Sa table 17, please pakibigay na lang ang food sa mga batang lansanga na makikita mo," sabi niya doon sa waiter na nagassist sa amin kanina.

Nag yes naman ang lalaki, kaya mabilis na kaming lumabas. Tumawid kami at hindi rin naman nagtagal at nakita na niya yung sasakyan niyang itim, nakaparada sa gilid ng bangko. Walang sabi sabing isinakay niya ao doon.

"Ano bang ginagawa mo? saan tayo pupunta?" tanong ng mag drive na siya.

"Uuwi na kita sa bahay mo," mabilis na sagot niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Umahimik na rin ako at hindi nag salita pa.

Siya rin ay seryoso nang nag drive, hindi ko masabi kung inis ba ang hitsura niya o galit..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top